Him 33

Nagising ako na parang tinataga ang utak ko. It's like something's hammering my brain. I tried to open my eyes but every attempt leads to another 'sleeping might help' saga. The spirit of sleepiness left my body. Kaya ito ako ngayon, hindi na nakakatulog at dinadamdam ang sakit ng ulo ko. Anong oras na kaya? Bakit wala akong maalala kagabi?
Nang mabuksan ko na ang mga mata ko ay una kong nakita si Style na nakaupo sa kama niya. Nakacrossed-legs pa siya habang hawak-hawak ang dulo ng buhok niya at isang maliit na gunting.
"Gising ka na pala," sabi niya nang napasulyap sa akin kaya napabalik ako sa pagtakip ng mga mata. "Ayan ha, inom-inom pa." Napabuga pa siya ng tawa.
Kaya pinilit ko na bumangon at mapatulala saglit.
"Mag-ayos ka na. I cooked breakfast," sabi pa niya habang isa-isang ginugupit ang mga dulo ng buhok niya.
"What are you doing?" namamaos kong tanong. Napatingin siya sa akin na parang may ginawa akong masama. Napakunot ako ng noo dahil sa reaksyon niya. Masama bang malaman kung ano ang ginagawa niya?
Napailing na lang siya at pinatuloy ang ginagawa niya. "Naggugupit ng mga split-ends," sabi niya kaya napatango ako. Napasuklay na lang ako ng buhok ko bago tumayo para pumasok sa CR.
Naghilamos lang ako saglit at nagtoothbrush dahil amoy alak pala ako. Kaya hindi nagtagal, lumabas na ako. Ganun pa rin ang pwesto ni Style at nalipat ang tingin niya sa akin. Mukhang kanina pa siya gising dahil nakaoversized shirt at shorts siya ngayon.
Nagkatitigan muna kami na parang may pinapahiwatig siya sa mga mata niya samantala ako, nakatingin lang sa kanya. Hindi ko alam kung bakit ganito siya ngayon. Masama ba ang gising niya?
"Wala kang maalala," she concluded while
looking at me sharply. Napaiwas ako ng tingin saglit. Ang naalala ko lang kagabi ay nilamon ako ng sakit matapos ang pagkukuwento niya. Tapos nag-aya si Nang Beth dahil umiinom sila kagabi.
Okay, nalasing ako.
Padabog siyang tumayo at lumabas ng kwarto kaya hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko. May ginawa ba ako? May kailangan ba akong maalala habang lasing ako? Teka, baka may ginawa ako sa kanya?
Dali-dali akong lumabas para makausap siya pero natigilan ako nang pagbukas ko ng pintuan ay may lamesa roon. "Upo na." Naging mahinahon na siya kaya tinitingnan ko lang ang reaksyon niya habang paupo ako sa upuan. Hindi tuloy ako nakagalaw dahil siya na ang naglagay ng fried rice sa plato ko. Gusto ko sana siyang pigilan kaso mukhang gusto niya ang ginagawa niya kaya pinanood ko na lang siya habang naglalagay ng pagkain sa plato ko.
"Don't worry, tinikman ko kanina. Hindi na siya maalat," proud niyang sabi kaya natawa ako. Pag-upo niya sa harapan ko ay tiningnan ko ang mga nakahain.
"Ikaw nagluto lahat?" tanong ko dahil madami-dami ito.
"Yes! Sumama ako kanina kay Nang mamalengke sa bayan." Mukhang masaya pa siya kaya napangiti ako para tingnan ulit ang mga niluto niya. Merong sunny side-up at scrambled egg. Napansin niyang nakatingin ako roon kaya nagsalita siya. "Sorry, I don't know what to do with your eggs in the morning."
I froze.
Ang kaninang mahinahong mukha ni Style ay napalitan ng pagpapanic. "Jusmiyo! Kain ka na nga diyan! Baka sapak pa magiging almusal mo!" sigaw niya at naglagay na ng fried rice sa plato niyan. Napailing na lang ako at mahinang natawa sa reaksyon niya sa tanong niya.
"Ano 'to?" tanong ko sa isang hindi ko maexplain na ulam. Tinikman ko siya kasi akala ko malaking hotdog pero mas malambot pa 'to sa hotdog. Medyo matamis siya at medyo maanghang. Pero masarap siya sa fried rice.
"Longganisa," sagot niya kaya napatango ako. Ito pala ang longganisang sinasabi nila. "Masarap?" tanong niya kaya napatango ulit ako.
"Kung ganito kasarap ang almusal ko tuwing umaga, hindi ako tatamaring gumising," sabi ko. Napatigil ako sa pagsusubo dahil nakatingin siya sa akin. Wala namang masama sa sinabi ko pero ang sama ng tingin niya sa akin. Sure talaga ako na wala akong nasabing masama.
"Wala ka talagang maalala kagabi?" May halong inis at pagdidiin ang boses niya. Inosente ko lang siyang tinitingnan dahil wala talaga akong matandaan.
"May nagawa ba ako?" mahina kong tanong laking gulat ko na bigla siyang namula at pinatuloy ang pagkain niya.
Shit, may ginawa ata ako.
"Anong ginawa ko?" Napatigil na ako sa pagkain dahil hindi na ako mapakale. Pakiramdam ko, may masama akong nagawa sa kanya na kailangan kong maalala. "Lai," tawag ko ang napaangat ang tingin niya sa akin.
"Ano 'yung ibibigay mo dapat sa akin?" tanong niya.
Shit ulit. Dala ko 'yung binili ko sa kanya dati. Balak ko sanang 'yun ang regalo ko sa kanya. "Ano?" tanong ko pabalik. Naibigay ko ba sa kanya? Sana hindi.
"Sabi mo kagabi, may ibibigay ka sa akin. Kaso nakatulog ka," mabagal niyang sabi habang kumukuha ng ulam sa gitna.
"I don't know?" I tried to act clueless. "Siguro, puso ko?" biro ko kaya sinamaan niya ako ng tingin. Napahaplos na lang ako ng sentido ko at binigyan siya ng ulam sa plato niya. "Kain ka marami."
Napailing na lang siya at pinatuloy ang pagkain niya. Nahalata niya atang may iniiwasan ako kaya hindi na niya 'yun pinansin.
"Anong oras ka nagising?" pagbubukas ko ng usapan.
"7 AM." Napasulyap siya sa akin. "Ano bang ginagawa sa'yo ng alak bakit wala kang maalala?" tanong niya habang ngumunguya.
"Maalala ko naman eh. Kung pinapaalala. Kaso ang hirap mag-isip ngayon," pag-aamin ko.
"Sige. Ipapaalala ko sa'yo." Tinuro pa niya ang tinidor sa akin. "Tinawag tayo ni Nang Beth kasi nag-iinuman sila. May Tuba at brandy doon. Una mong nagustuhan 'yung Tuba. Tapos nagbrandy ka na. Pag-uwi natin sobrang daldal mo."
Pucha.
"Anong Tuba?" tanong ko.
"Coconut wine sa Leyte," sagot niya kaya all of a sudden parang may naaalala akong lasa mula kagabi. "Akala ko matutulog ka na kaya binagsak kita sa kama. Tapos maya-maya, pinapanood mo na pala akong naglalagay ng black mask."
Ang creepy nun.
"Sabi mo, naiinggit ka kaya nilagyan din kita."
Pucha ulit.
Kinuha niya ang phone niya at pagharap niya ay picture namin na may nakapahid na black mask sa mukha namin. Nanlalaki ang mga mata ko habang tinitingnan ang ibang pictures. Meron din akong mga selfie na masyadong close up sa mukha ko. Meron din kaming mirror selfie sa CR. Bakit hindi ko 'to matandaan?
"Ang dami mong kwento." Titingnan ko pa sana ang ibang pictures kaso binawi na niya ang phone niya. "Alam mo bang iniinsulto mo ako kagabi?" inis niyang tanong. Napailing ako na parang isang batang pinapagalitan. Wala talaga akong maalala.
"Grabe talaga. Nilabas mo talaga 'yung mga dumi ko tapos tinatawanan mo lang ako? Kung hindi ka lang lasing, sana sinuntok na kita para ramdam mo ang sakit kinabukasan." Napayuko ako. Pakiramdam ko talaga pinapagalitan ako.
"Tapos may tanong ka." Ang kaninang inis ay nawala pagkatapos niyang sabihin 'yun.
"Ano 'yung tanong ko?" mabagal kong tanong. Dapat talaga maalala ko 'yung pinagsasabi ko kasi baka hindi ako makatulog mamaya sa pag-iisip. May CCTV ba sa loob ng kwarto? Gusto ko mapanood ang pinaggagawa ko habang lunod sa alak.
Tinitigan lang niya ako bago pinatuloy ang pagkain niya. Tatanungin ko pa sana siya nang magsalita siya ulit.
"Kapag maalala mo 'yung tanong, sasabihin ko ang sagot ko."
---
Nakatitig ako sa kisame ng kwarto namin. Wala talaga akong maalala. Halos binaliktad ko na ang utak ko para aalahanin ang mga nangyari kagabi kaso sumasakit lang ang ulo ko. Sumasakit lalo ang ulo ko ngayon pero mas masakit pa rin ang ulo ko tuwing kasama ko ang mga sakit sa ulo.
"Matutunaw na 'yung kisame."
Napatingin ulit ako kay Style na naglalagay ng make-up. May pupuntahan daw kami kasama si Nang Beth. Hindi ko nga alam kung saan. Tapos na akong maligo at tapos na rin maligo si Style kaya nag-aayos na siya ngayon.
Nakagray long sleeve polo at pants ako samantalang nakalight gray dress si Style.
"Shh. Inaalala ko," pagpapatahimik ko sa kanya. Napabuga siya ng maikling tawa at pinatuloy ko ang pag-iisip habang nakatingin sa kisame.
Kaso imbis na inaalala ang mga nangyari kagabi ay naalala kong Pasko na mamaya at birthday din niya. Mabuti na lang dala ko talaga ang kwintas na binili ko dati. Sana naman hindi ko pinakita kagabi ang regalo ko.
"Sige, isipin mo pa," asar niya kaya nilapat ko ang hintuturo ko sa labi ko para patahimikin siya.
Ano ba talaga ang pinaggagawa ko kagabi? Sinabi rin niya na dumaldal ako kagabi? Baka naman umamin ako? Baka pinagsabi ko ang mga sikreto ni Dom? Pati na rin ang mga naging babae ni Vertex?
Buong oras ay inaalala ko pa rin talaga ang mga sinabi ko. Pakiramdam ko talaga umamin ako.
Hindi ko namamalayan na naglalakad na kami papunta kung saan man.
"Saan ulit tayo?" tanong ko kay Style.
"Hermana." Napakunot ang noo ko sa sagot niya. "It's like a celebration. Feast day, ganun? Tapos there's a particular clan na nagho-host doon," dagdag niya.
Pumasok na kami sa isang venue na puno ng ilaw at nagpapatugtog ng mga pangprobinsyang kanta at may sumalubong sa aming mag-asawa. Since kasama namin si Nang Beth ay naacknowledge kaming kasama niya at tinuro nila kung saan kami uupo.
"Mamaya, magiging masaya rito," bulong sa akin ni Style habang pumipila rito para kumuha ng pagkain. Parang ang bilis lang ng oras. Nakikinig lang kami kay Nang Beth kung gaano niya kaclose ang mga host ngayon. Nagkukuwento rin si Style habang kumakain na naman kami ng lunch.
Hindi ako makasabay sa kwento nila dahil inaalala ko na naman ang mga pinaggagwa ko kagabi. Natauhan na lang ako nang tawagin ako ni Style.
"Geo."
Napasulyap ako sa kanya bago ako napasulyap kay Nang Beth. Masyado na ba akong pre-occupied?
"Okay ka lang?" tanong ni Nang Beth at hindi ako nagdalawang isip na tumango.
Medyo inalis ko na lang muna ang iniisip ko dahil baka maya-maya ay maalala ko na ang mga pinaggagawa ko. Nakinig na lang ako sa kanila hanggang sa pinanood ang mga sumasayaw sa gitna.
"Kuratsa ang tawag sa sayaw na 'yan," bulong ni Style sa tabi ko. May babae't lalaki ang sumasayaw sa gitna at maya-maya ay nagpapaulan na ng pera kaya natutuwa kami sa pinapanood namin. Nakikita rin namin na masaya silang sumasayaw. Nagtatawanan sila roon.
Marami-rami ring sumunod na sumayaw hanggang sa maraming pera na ang umuulan sa gitna. Malakas ang mga tugtog ng Kuratsa hanggang sa pinapanood ko si Style ngayon na sumasabay sa sayaw.
"Lai, kapag tawagin ako, ikaw ang pumunta sa gitna ha?"
Parang nabuhusan si Style sa narinig niya. "Ako, sasayaw, Nang? Nakakahiya! Ayoko!" Napailing din siya nang maraming beses. Umakto rin na walang narinig si Nang Beth at lumapit kung kanino man kaya napalingon sa akin si Style.
"Ayaw mo 'yun? Papaulanin ka ng pera?" tanong ko kaya napairap siya.
"Hindi naman mapupunta sa akin 'yung mga pera," sabi niya kaya napaangat ang mga kilay ko.
"Talaga?"
Nanood pa kami ng mga sumasayaw sa gitna hanggang sa nakita kong palihim na nagpapractice ang kamay ni Style sa ilalim ng lamesa. Nang marinig niya akong tumawa kaya hinarap niya ako.
"Parang ayoko," sabi niya.
"Kaya mo 'yan," pagbibigay lakas ko pero umiling pa rin siya.
Pinapanood ko lang siya na nakatingin sa gitna hanggang sa napalingon siya sa akin na gulat na gulat kaya napakunot na naman ang noo ko.
"Sasayaw tayo."
"What?"
Hindi na ako nakaangal dahil lumapit na sa amin si Nang Beth at tinutulak na kami ni Style sa gitna ng venue. Nahihiyang humarap sa akin si Style kaya parang may natunaw na naman sa puso ko.
"Nakita niyo naman ang steppings kanina ah? Ipalipad niyo 'to maya-maya." May sinuksok si Nang Beth sa bulsa kong mga tig-be-benteng nakatupi at tuluyan na kaming iniwan sa gitna.
"Alam mo sumayaw?" tanong niya at pinupwesto ang kamay niya sa balikat ko.
"I'm a fast learner." Ningitian ko siya at hinawakan ang beywang at ang isang kamay niya. Gagayahin ko ang kung paano sumayaw ang mga sumayaw kanina. Sana hindi kami magmukhang awkward nito dahil ito ang unang beses na sasayaw ako ng ganitong sayaw.
Nagsimula na ang napakalakas na tugtog. Nahihiya pa kaming humakbang para sa sayaw hanggang sa pag-ikot ko sa kanya ay sumabay na kami sa bilis ng pagkuratsa.
Habang sumasabay ang mga kamay namin sa mga paa namin ay hindi namin mapigilang matawa dahil maraming nagpapalakpakan sa amin. Nawala na ang hiya namin ay pinatuloy ang pagsayaw hanggang sa may nilagay na upuan sa gitna si Nang Beth at sinenyasang umupo si Style.
Nakita ko 'to kanina na nagpapatuloy lang ang kapares sa pagsasayaw habang nakaupo ang isa. Napatingin ako kay Nang Beth at nagsesenyas siyang magpaulan na ako ng pera.
Habang kinukuha ko ang binigay niya sa aking pera ay may naglalagay na rin sa telang nakalapag sa tabi namin. Nakita kong inaabangan ni Style ang pagpaulan ko ng pera ay doon ko na inisa-isa ang mga tagbebente. Mukhang umulan na sa sinasayawan namin ng pera kaya hindi mapigilang tumawa ni Style habang pumapalakpak nang pinapanood pa akong sumayaw.
Nakita naming nagsenyas na si Nang Beth na magpalit na kami ng pwesto kaya pag-upo ko sa inupuan ni Style ay siya naman ang sumayaw.
Hindi ko mapigilang mapangiti sa kanya habang sumasabay sa tugtog. Halos sumabog na ang puso ko sa sobrang saya.
Marami-rami ring naglalagay ng pera sa telang nakapalag.
Sinusundan ko lang kung saan siya napupunta ng mga paa niya. Mukhang sinundan niya rin kung saan ako dumaan habang sumasayaw at halos lumibot din kung saan ako nakaupo.
Gusto ko pa sana siyang panoorin kaso nakita ko nang sumenyas na naman si Nang Beth na tumayo kasi matatapos na ang sayaw.
Sinabayan ko ulit siyang sumayaw at nang makita siyang nakangiti sa akin ay parang bumagal ang paningin ko.
The way the she sways, she smiles, she laughs and every move she makes my heart overflow.
Mas lalong bumuo ang puso ko nang lumapit si Nang Beth at sumabay sa sayaw namin. Hindi maalis ang tingin ko kay Style na kasalukuyang tumatawa. Nagpaulan ng pera si Nang Beth kaya dumagdag pa sa bumuo sa puso nang pinapanood na sumasayaw si Style.
This is something..
---
Hindi ko mapigilang mapaisip sa ngayon. Naalala ko lang ulit kung gaano ako indenial at kasigurado na hindi ako mahuhulog sa kanya.
Pero ito ako ngayon, tuluyang kinain ang mga sinabi ko. And I'm not even complaining.
"Kanina ka pa tulala d'yan." Napalingon ako kay Style. Papunta kami ngayong kwartong tinutuluyan namin. "Metro." Sinundot niya ang braso ko pero nakatitig lang ako sa kanya. Mukhang nagulat siya na hindi ako lumayo sa kanya kaya binigyan ko siya ng isang tipid na ngiti bago magpatuloy sa paglalakad. Kaso may nakita akong isang katulong ni Nang Beth na babae sa resort sa likuran niya. Nang magtama ang paningin niya ay nagsenyas siya kay Style. Kaya hinarap ko si Style para ngusuhan ang babae sa kalayuan sa amin.
"Ha? Humihingi ka ng kiss?" Napatigil ako saglit. Inosente niya akong tinitingnan kaya napatitig ako sa kanya. Bumilis saglit ang tibok ng puso ko kaya mahina akong mapaubo dahil nanuyo bigla ang lalamunan ko.
"U-uhm, mukhang ik-kaw ang hinahanap," nauutal kong sabi kaya napalingon siya saglit para magsenyasan hanggang sa humarap ulit sa akin ni Style.
"Tinatawag daw ako ni Nang Beth. Pag-uusapan namin 'yung bayad rito," sabi niya. Lalagpasan na sana niya ako nang hinawakan ko ang braso niya kaya napahakbang siya pabalik sa pwesto niya.
"Bakit?"
Ngumuso ako kaya napakunot ang noo niya. Lumingon na naman siya kung saan siya lumingon kanina kaya palihim kong kinagat ang ibabang labi ko.
"Wala namang nasa likuran natin ah?" sabi niya kaya natigilan na naman ako.
Ah, okay.
"Kiss," mahinang sabi ko kaya nanlaki ang mga mata niya.
"Ha," reaksyon pa niya at sumunod na ang tawa niya kaya napailing ako.
"Joke lang," pambabawi ko at tatalikuran na sana siya pero hinila niya ako pabalik. Pinayuko niya ako at hinalikan ang pisngi ko.
"Bihis muna ako kasi maliligo tayo sa beach!" excited niyang sabi at iniwan niya akong nakayuko pa roon.
Dahan-dahan akong napatayo at napahawak sa pisngi ko dahil nararamdaman ko pa ang labi niya. Napaangat na lang ang dulo ng labi ko at pumunta sa balcony. Sumandal ako sa poste habang pinapanood ang dagat sa kalayuan. Pero hindi pa rin mawala ang ngiti ko.
Hay nako, Style Harris. Ganito na ba talaga ang epekto mo sa akin?
"Punta muna ako kay Nang Beth tapos maligo na tayo sa beach, oki?" Napayakap ang isang bisig ni Style sa beywang ko habang naglalakad kaya sinundan siya ng tingin ko para tanguan pero naglakad na siya palayo.
May suot na siyang itim na sun hat at kita ang black two-piece swimsuit sa ilalim ng see-through blouse niya. At iyon ang dahilan para umiwas agad ang paningin ko kasabay ang paghugot ng hininga ko.
Pucha.
It's not like that her body isn't nice but I don't want to take advantage staring at her back view while walking away from me.
Bago pa makaramdam ng kakaiba ay pumasok na ako sa kwarto namin. Pilit kong inaalis ang imaheng nasulyapan ko mula sa kanya. Hanggang sa pagsara ko ng puntuan at hinarap ang kama namin ay may narinig ako mula sa utak ko.
"Style Harris, ewan ko kung anong meron sa'yo pero sigurado ka bang hindi ka pinaglihi ng sama ng loob o sadyang ikaw mismo ang sama ng loob? Galit sa mundo, ghorl? Galet na galet, ustong manaket?"
"Punyeta ka, Geometry Metro."
Napasandal bigla ako sa pintuan nang maalala ng isang detalye mula kagabi.
Napamura bigla ako nang makita ang mukha ni Style sa isipan ko na mukhang naiinis sa akin. Bago pa ako makailing ay may naalala na naman ako mula kagabi.
"Oh? Tinitingnan mo?" tanong ni Style habang nagpapahid ng blackmask.
"Lagyan mo rin ako."
"Tulog ka na diyan." Lumapit siya sa akin at hiniga ulit bago takpan ang buong katawan ko ng comforter pero bumangon pa rin ako na ikinagulat niya.
"Dali naaaa."
"Ang kulit mo!" sigaw niya.
"Mukha kang mumu d'yan."
"YAWA, INIINSULTO MO NA AKO AH!"
Napahilamos ako ng mukha pagkatapos maalala ang iba pang pinaggagawa namin at ang mga mura niya sa akin.
At naalala ko rin ang tanong ko sa kanya kagabi kaso hindi ko naabutan ang sagot niya dahil mukhang nakatulog na ako.
Nagpalit na ako ng itim na sando at shorts habang nakaupo sa bench sa harapan ng dagat. Hindi gaanong katirik ang araw dahil maga-alas kwatro na ng hapon. Hinahayaan ko lang tamaan ng malakas na hangin.
Baka mahimasmasan din ako sa kahihiyang ginawa ko noong lasing ako.
"Let's gooo!" Naramdaman kong may nagspray ng sunblock sa braso ko. Hindi na ako nagulat na si Style na pala ito pero nagulat ako nang makitang nakatwo-piece na siya at wala na ang see-through blouse niya. May suot siyang shades at suot pa rin niya ang itim niyang sun hat.
"Picture-picture muna tayo bago magswimming. Okay?"
Napaiwas ako ng tingin at napapikit nang mariin dahil sa suot niya. Pilit kong pinakita sa kanya na kalmado lang ako sa lagay na 'to. Umupo rin siya sa bench para lagyan ang likuran ko ng sunblock hanggang sa loob ng sando ko. Hinayaan ko lang siya na lagyan ako ng sunblock sa buong katawan ko na parang isang bata hanggang sa umabot ang kamay niya sa leeg ko.
Pag-silip ko sa kanya ay nasa harapan ko na siya at naniningkit ang mga mata ko sa pagkasilaw sa kanya.
"Kanina ka pa rito?" tanong niya habang nilalagyan niya ng sunblock ang mukha ko. Tumango ako kaya napatango rin siya.
"Lagyan mo rin ako." Umupo siya sa bakanteng parte ng bench at bumungad sa akin ang likuran niya.
"Tangina," bulong ko kaya napalingon siya agad para bigyan ako ng isang masamang tingin.
"Bakit? Anong problema?" mataray niyang tanong kaya napailing ako. Tinalikuran na niya ako kaya napahugot ako ng hininga. Habang pinapahiran siya ng sunblock ay napapapikit ako dahil pakiramdam ko ay namumula na ang mukha ko sa pinaggagawa niya.
"Geo, hoy." Lumingon na siya sa akin.
"The Perimeter of any closed geometric figure is the distance around it and is equal to the sum of the lengths of its sides," bulong ko sa sarili ko na nagpakunot ng noo niya.
"Ano?"
"While the area of any polygon is the number of square units enclosed in the region," dagdag ko habang pinapahiran ng sunblock ang katawan niya.
"Pisti," bulong niya.
Nilapat ko ang hintuturo ko sa labi ko para patahimikin siya. "Shhh." Habang pinapahiran ang legs niya na nakapatong sa hita ko ay binubulong ko rin ang mga ibang Geometric Formulas na naalala ko noong highschool.
"Are those formulas?" gulat niyang tanong.
"The perimeter of a right triangle is, perimeter is equals to, a + b + c. And the area is equals to one half and a b." Ito na talaga ang nagpapadistract sa akin para hindi ko maisip ang hinaharap ko ngayon. Inaamin kong nagiging marupok ako ngayon kaya halos hukayin ko na ang dapat kong aalahanin para mawala sa isipan ko itong nakikita ko kay Style. I respect her to the highest level.
"The perimeter of a scalene triangle is perimeter is equals to a + b + c and the area is equals to one half and base and the height," bulong ko at natawa siya.
"Sum of angle measuresㅡ"
"A + B + C is equals to 180 degrees," pagpuputol niya sa sasabihin ko at napatango ako.
"Very good."
Nakailang formulas pa kami hanggang sa medyo nasanay na akong makita ang katawan niya.
"Halika naaa," pangungulit niya at hinihila ako papunta sa dagat pero busy pa akong magpicture sa view dahil maganda na ang langit at ang kulay ng paligid.
"I thought we're going to take pictures?" tanong ko at hinarap sa kanya ang camera ng phone ko. Agad siyang napangiti kaya kinuhaan ko siya ng litrato. She made some few poses before getting her phone to take pictures also. Pero ako bigla ang pinuntirya kaya napapatakip ako ng mukha sa bawat anggulo ng litratong kinukuha niya.
"Selfie!" As she extended her arm for a selfie, I embraced her waist from her back. She took pictures of us smiling in one frame.
"Boomerang," sabi niya pero hindi pa rin ako umalis sa pagyayakap ko sa kanya mula sa likod.
Pagpindot niya ng boomerang ay nakuha ng cam ang paghalik ko sa pisngi niya. Pagkatapos ng boomerang at napalingon siya sa akin na namumula ang mukha.
"Metro!!" sigaw niya pero tinawanan ko lang siya. Kinuha ko na ang phone, sun hat at sunglasses niya para ilagay sa bench kung saan nakalagay ang ibang gamit namin. Mabuti na lang kaming dalawa lang dito sa resort kaya siguro walang mawawala roon.
Tumakbo ako pabalik kay Style at binuhat siya papuntang dagat. "Pucha! Teka!" sigaw niya pero sabay kaming nabasa sa nakasalubong naming alon.
We had fun playing, laughing and swimming. Nakalayo kami mula sa mababaw na parte ng dagat. Mabuti na lang alam din niyang lumangoy kaya nagpaligsahan kami sa paglangoy hanggang sa nagtawanan dahil sumisigaw si Nang Beth na may dala siyang snack para sa amin.
Nang umahon kami ay napaupo kami sa buhangin at inabot sa amin ni Nang Beth ang isang malaking mangkok na may saging.
"Babalik ako rito, maya-maya ha? Atsaka Noche Buena na mamaya kaya kailangan sama-sama na tayo," malambing niyang sabi kaya napatango kami.
"Thank you, Nang!" sabi ni Style kaya nagpasalamat rin ako. Naglakad na siya palayo kaya pagharap ko kay Style ay susubuan na niya ako ng slice ng saging.
"Nilagang saging 'to. Nilagyan ng butter at asukal. Masarap 'to," sabi niya kaya tumikim ako. Sumubo na rin siya habang pinapanood ang reaksyon ko.
"Masarap," sabi ko at muling napanganga para subuan pa niya ako.
"Ito ang favorite ko," sabi pa niya at kumain pa kami habang pinapanood ang araw na palubog.
"Alam ko magsalita ng Waray-waray dahil dati dito ako nagfirst year ng highschool. Binigay muna ako kay Nang Beth kasi nagf-file ng annulment 'yung tatay ko," panimula niya habang nakatingin sa dagat. Basa ang buong katawan niya. Wala na rin siyang make-up pero siya pa rin ang pinakamagandang babae na nakikita ko ngayon.
"Dito muna ako pinatira ng nanay ko sa Leyte hanggang sa napag-usapan nila ang relasyon nila at pinabalik na naman ako. Akala ko tapos na sila sa pagsasagutan at pag-aaway, hindi pa pala. Hanggang sa susunod na taon, nabuntis 'yung nanay ko at hindi na natuloy ang annulment," pagkukuwento niya.
Napatigil siya sa pagtutusok ng saging at malungkot na tumingin sa akin.
"Kaya gusto ko kapag magkaroon ako ng pamilya ay mahal ako at mahal ko ang mapapangasawa ko kasi kung arranged marriage lang, parang hindi masaya 'di ba?"
Nakatitig lang ako sa kanya habang malungkot siyang nakatitig sa mangkok.
"I remembered the question I asked you last night."
Napaangat ang tingin niya at binigyan ko siya ng isang tipid na ngiti.
"And I don't need your answer," I added.
---
Nang matapos akong maligo ay lumabas na ako sa CR na pinapatuyo ang buhok ko gamit ang isang maliit na tuwalya.
Wala si Style dahil kanina pa siya natapos sa pagbabanlaw at mukhang nasa labas ng kwarto.
Hindi kami nakapag-usap ulit dahil bumalik na si Nang Beth para ipahanda na kami dahil maggagabi na. Hindi na kami umimik hanggang ngayon.
10 PM na at malapit na ang Noche Buena. Malapit na rin ang birthday niya kaya kinuha ko ang bagahe ko para kunin ang kwintas na binili ko para sa kanya. Napatitig ako saglit doon habang hawak-hawak ang lalagyan.
Magugustuhan ba niya ito?
Tinago ko ito sa sweatpants na suot ko at bumalik ulit si CR para humarap sa salamin.
Nag-iisip ako ng mga sasabihin ko bago ibigay ang kwintas. Lahat ng pwede kong sabihin bilang birthday na rin niya. 10:30 PM na kaya lakas loob akong lumabas ng kwarto at nakita ko siyang nakasandal sa balcony. Narinig niyang bumukas ang pintuan kaya dahan-dahan siyang napalingon sa akin pero bigla akong natameme nang humarap siya sa akin.
Napakurap ako.
"Bakit?"
Imbis na sumagot sa kanya ay sinara ko ulit ang pintuan at pumasok ulit sa CR. Hinarap ko ulit ang sarili ko sa salamin at pinagsasampal ang sarili ko. Bigla akong umatras kung kailan magkaharap na kami!
Ilang oras pa akong nagkulong sa CR para ipractice ang mga sasabihin ko. Hanggang sa hindi ko namalayan na 11:48 PM na kaya lakas loob akong lumabas ng CR at ng kwarto kaso pagbukas ko ng pinto ay wala na siya kung saan siya kanina kaya parang nanlumo na naman ako dahil nakaramdam ako ng kaba.
Napailing ako at habang bitbit ang regalo ko sa kanya ay hinanap ko siya. Tanging ilaw galing sa buwan ang nagsisilbing ilaw ko papunta sa isang cottage na may sound system. Nagpapatugtog ang isang apo ni Nang Beth ng Christmas songs kaya lumapit ako sa kanya.
"Nasaan si Style?" tanong ko. Tinuro niya ang dagat na may mga series na nakasabit at naaninag ko si Style na nakaharap sa dagat at tinatangay ang dulo ng mahaba niyang bestida.
"Kuya Geo, nag-away ba kayo ni Ate Style?" tanong pa niya. "Hindi kasi kayo nagpapansinan kanina," dagdag pa niya kaya napailing ako. Nagpaalam na ako para puntahan si Style nang natigilan ako dahil sa pinapatugtog na kanta.
Hinarap ko ulit siya kaya napatingin siya ulit sa akin.
"Can you play Lover by Taylor Swift?" request ko at maraming beses siyang tumango. May pinipindot na siya kaya nagpasalamat na ako at naglakad na para puntahan si Style.
Nang nakatayo na sa likuran ni Style ay nakita ko kung paano siya napalundag sa gulat na pinatugtog ang Lover ni Taylor Swift sa buong resort.
"Style," tawag ko. Lilingon sana siya pero nagsalita ulit ako. "Please don't look back," mabilis kong sabi kaya dahan-dahan niya akong tinalikuran kaya napahinga ako nang malalim.
"I hope you'll hear everything I'll say to you," panimula ko at pinanood ko lang siyang yakap-yakap ang sarili niya, nililipad ang dulo ng bestida niya at dulo ng itim niyang buhok.
"Palagi nilang sinasabi na kailangang may plano ako sa bawat gagawin ko. They're asking what is my plan especially my plan for Saturday." Huminga ako nang malalim at napatingin sa langit na puno ng bituin sa oras na 'to.
"Hindi ako makaisip ng plano dahil lahat ng plano ko para sa kanya ay nababaliko. Lahat ng plano ko pakiramdam ko, mali. Lahat ng plano ko, nakakasira." Bumalik ang tingin ko sa kanya at mahina akong natawa dahil mukhang aamin ako sa kanya habang nakatalikod siya.
"And you.."
Unti-unti siyang napalingon sa akin at sinalubong ang mga tingin ko sa kanya.
"You're the only plan I have in mind..."
My heart's noise is like a mad crowd. Pushing me to continue what I have started while looking at her.
"... and you're the only plan I made right."
I took a step towards her. I can feel the cold Christmas air but my body's burning like shit. Kinakabahan ako.
"I never regret meeting you. I never regret every single second with you. I don't mind your past because it made you who you are." I exhaled. "And I'm willing to be with you walking at the right path."
"Geometry.." bulong niya. Pero napatingin ako sa relo ko at papatak na ang hating gabi sa susunod na segundo.
"Style." I inhaled too much courage to say these words.
"Happy Birthday." I let out a warm smile making her burst into tears.
Nawala tuloy ang ngiti ko nang makita siyang humihikbi sa harapan ko. Lalapitan ko sana siya kaso tumakbo siya para makalapit lalo sa akin para yakapin ako.
Umiyak siya sa dibdib ko kaya niyakap ko siya pabalik. "Hey.. why are you crying?" bulong ko at sinisilip ang mukha niya.
"Thank you.." bulong din niya kaya nakahinga ako nang maluwag at mas hinigpitan ang yakap sa kanya. Hinalikan ko ang tuktok ng ulo niya.
"I have something for you," mahinang sabi ko kaya napahiwalay siya sa akin nang pinakita ko sa kanya ang lalagyan ng kwintas. Pagbukas ko nito ay kuminang ang kwintas dahil sa series na nakapalibot sa amin.
Nakita kong nanlumo siya sa nakita niya kaya tinanggal ko ito sa lalagyan. Naglakad ako papunta sa likuran niya para isuot sa kanya ang kwintas.
"Remember when we ate at the eatery?" tanong ko at napatango siya. "I bought this." Nang mailock ko na ay bumalik ako sa harapan niya para ayusin ang kwintas sa dibdib niya.
"Geo.." pinipigilan na naman niya ang iyak niya kaya natawa ako. "Merry Christmas, Lai." Ngumiti siya.
"Merry Christmas, Geo." She smiled sweetly. Lumapit ulit siya para yakapin ako ulit. Huminga ako nang malalim at niyakap siya pabalik.
"I don't need your answer to my question," bulong ko sa kanya.
"Because I'll do anything to keep you," dagdag ko at napahiwalay siya sa akin para harapin ulit ako. Ningitian ko siya at pinunasan ang mga pisngi niya.
"Geometry," tawag niya kaya napaangat ang mga kilay ko para hintayin ang sasabihin niya.
"I'll keep you too."
Para akong tumama sa lotto. Sumabog ang puso ko sa sinabi niya dahil sa tuwa. Nilapit ko siya sa akin at hinalikan ang noo niya. Napayakap na naman kami hanggang sa humiwalay ulit siya habang hawak-hawak ang kwintas niya.
"Bakit w ang nakalagay dito?" tanong niya.
I let out a smile while lifting her chin to meet my gaze.
"You're worthy."
---
It was the best memory I had so far.
Hindi pa rin mawala-wala ang ngiti ko nang makarating sa bahay at sinalubong ako ni Mama ng isang yakap. Agad niyang akong hinila sa dining table para kwentuhan siya kung kumusta ang naging bakasyon ko. Kaya kinuwentuhan ko siya kung gaano kaganda ang Leyte pati na rin kung gaano kabait ang mga tao roon.
Kinuwento ko rin ang tungkol sa Tuba na baka magustuhan ni Papa. Pati na rin ang pagsayaw ng Kuratsa kaya pinipilit niya akong ilabas ang video na sumasayaw kami kaso wala ako kaya nalungkot siya.
Pinakita ko rin ang mga picture doon sa resort at nagandahan siya. Gusto rin niyang pumunta roon kung wala na raw ginagawa si Papa.
"You told me to capture my favorite view, right?" pinaalala ko ang paalala niya sa akin kaya napatango siya nang maraming beses habang hawak-hawak ang phone ko. Nilipat ko ang litrato kay Style na nakangiti habang hawak-hawak ang kamay ko.
"Oh my.." napahawak si Mama sa bibig niya at nanlambot nang makita si Style. "She's pretty." Nagningning ang mga mata niya kaya napangiti na lang ako habang tinignan ang iba pang pictures niya sa gallery ko.
"She's my favorite view," I answered wholeheartedly.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com