Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

Him 34


7:36 PM

Style:

Amp

We're together na 'di ba?

Tapos hindi pa tayo magfriends sa Facebook.

You accepted Style Harris' message request.

Geometry:

ayokong friends lang

Style:

JUSKODAI

Hindi ako kinikilig, Metro

Naiirita ako

Ayokong ako magfriend request

Geometry:

mapride lol

Style:

Aba

Oo!

Grabe ka

Don't tell me mapride ka rin?

Geometry:

oo

pataasan ng pride

Style:

Potek

---

Tumawa ako habang iniimagine ang reaksyon ni Style. Nakahiga ako sa higaan ko habang hawak-hawak ang phone ko. Napakagat na lang ako ng labi habang pinipigilan ang tawa ko para mareply-an siya.

---

Geometry:

wyd

Style:

Di ako magrereply

Hmmp

Who u po

Geometry:

nagreply ka lol

Style:

..

Geometry:

HAHAHA

---

Natawa na tuloy ako lalo dahil ang cute niya. Gusto ko tuloy siyang makita ngayon kaso andito ngayon si Papa. Gustuhin ko man siyang ipakilala sa kanila ni Mama sa personal pero bigla kong naalala ang parents ni Style

---

Style:

Tangina, Metro

Hindi naman ako tanga

Pero pagdating sa'yo, natatanga ako

Geometry:

same, lai

same to you

---


Hindi ko na namalayan na marami na kaming napag-usapan kaya nawala sa utak ko ang engagement nila ni Minute. Ayaw ko ring pag-usapan namin 'yun dahil pakiramdam ko, masasaktan talaga ako. Pero at the same time gusto ko ring mapag-usapan dahil ayokong dumating ang puntong pagsisisihan namin.


---

Style:

Miss ka na ng kambal

Geometry:

i miss them too

hug them for me

Style:

Lalo na 'tong si Styler

Lods ka

Hindi rin nagsasalita

Geometry:

nagsasalita ako

Style:

Oo

Sige

Ang galing

Geometry:

u should sleep

Style:

Luh

Ang aga pa??

Geometry:

luh

hating gabi na??

Style:

10 PM pa lang po

Geometry:

10:43pm

Style:

Still 10 pm

Geometry:

let's have better sleeping habits

Style:

Weh

Baka ayaw mo lang akong kausap

Geometry:

huh

puntahan pa kita ngayon

i want to see u rn

pero it's late

Style:

Hahahahhahaa

Ikaw ah

Geometry:

i want you to rest

i'll see you tom

Style:

I'll chat you kung free na ako

Geometry:

ge

Style:

Gege

Geometry:

gegege

Style:

gegegege

Geometry:

gegegegege

Style:

Mature ah

Geometry:

ikaw nauna

Style:

Oo nga 'no

Geometry:

haha

good night lai

--- 

Hindi na ako nakatulog dahil iniisip ko ang engagement nila. Ang hirap mag-isip ng desisyon na hindi siya masasaktan. Kasi pakiramdam ko lahat ng magiging desisyon na gagawin namin ay masasaktan lang kami sa huli.

'Yung parents lang ata ni Style ang may problema. Sa mga kwento ni Style ay parang mahigpit talaga sila kaya nag-aalala ako sa kanya.

Tatlong araw na kaming hindi nagkikita ni Style simula pag-uwi namin dito sa Southernville. Clingy man pakinggan pero miss ko na agad siya.

Kung mapapangiti man ako habang nakikita ang mga pictures ni Style sa phone ko. Napatitig ako sa unang picture na kinuha ko sa kanya habang nasa nakaharap siya sa sunset habang hawak-hawak ang kamay ko. 'Yun ang ginawa kong wallpaper at pagscroll ko sa photos ay nakita ko ang picture niya na nakatwo-piece at nakangiti.

Napangiti ulit ako at pinost 'yun sa Instagram. Hindi ko nilagyan ng filter dahil maganda na siya sa picture. Umayon ang lighting sa kanya at ang background niya na asul na dagat.

Napatingin ako sa Instagram feed ko. Hindi ako mahilig magpost ng mga pictures pero lahat ng picture doon ay ang mga pinuntahan at mga pinagkainan namin na may black and white na filter. Picture lang ni Style ang may kulay kaya napatitig na naman ako sa phone ko habang binubulong sa utak ko kung gaano ako kaswerte sa kanya.

Hindi pa rin ako makatulog kaya balak ko na lang sanang manood ng Marvel Movie kaso pumunta ako sa Messenger ko. Hanggang sa makita kong online sa kanila ngayon at may inadd siya sa story niyang itim lang.

Nabahala ako.

Ilang beses ko 'yun binabalik kasi hinihintay kong makita ang story niya sa Messenger kaso itim lang talaga ang nakikita ko kaya nagreply ako.

---


2:56 AM

Geometry:

You replied to his story
hey.

Nagreply lang siya ng simpleng, Yow.

Geometry:

u ok?

He replied, Yep pero hindi ako nakumbinsi.

Geometry:

ba't gising k p?

I got alerted when he replied, I don't want to sleep. Agad akong napatayo sa higaan para magbihis.

Geometry:

tara northernville?

---

"Gising ka pa." Napatigil ako sa paglalakad dahil nasa dining table pala si Mama na nasa harap ng laptop. Dahan-dahan akong lumingon sa kanya at pinakita ang susi ko. Tinaasan niya ako ng kilay para hintayin ang sasabihin ko.


"Si..." mahinang sabi ko pero hindi ko mabanggit ang pangalan niya dahil mukhang kilala na niya ang tinutukoy ko. Kaya mas lalong tumaas ang kilay niya para dugtungan ang sasabihin ko. "He needs.. someone to talk to."

Nanlambot siya sa narinig niya at inayos ang eyeglasses na suot niya. "Anong oras ka uuwi?" tanong niya at pinatuloy ang pagtatype sa laptop niya.

"Morning," pag-aamin ko dahil hindi ako sure kung sa Northernville kami mag-aalmusal.

"Doon na kayo mag-aalmusal?" tanong pa niya kaya tumango na lang ako.

"Sige. Ingat kayo."

Lumapit ako sa kanya para halikan ang sentido niya at dumeretso na sa sasakyan ko.

I didn't check him since college has started. I know he's okay with us but I don't know what he's doing when he's alone.

Hindi rin siya nagsasabi ng problema at parang gusto lang niyang may kasama. Hindi ko rin siyang magawang sabihin ang problema niya kaya sasamahan ko na lang siya tuwing hindi siya nakakatulog.

Hindi rin naman ako nakakatulog kaya sasamahan ko siya sa Northernville. Doon kasi talaga siya nakatira bago lumipat sa Southernville. Kaya paminsan, napapaisip ako na namimiss na niya ang dati niyang tirahan at baka medyo kakalma siya kapag makauwi siya saglit.

Malapit na ako sa bahay nila nang nakita kong nakaupo siya sa sahig at nakasandal sa gate nila habang naghihintay sa akin. Agad siyang napatayo hanggang sa napatigil na ako sa harapan niya at diretso siyang pumasok sa sasakyan ko.

Hindi ako nakapagsalita dahil pagsara niya ng pintuan ay napasandal siya sa sandalan at halos malunod sa hood ng hoodie niyang berde.

Gusto ko sanang tanungin siya pero sa lalim ng iniisip niya ay mukhang hindi siya sasagot. Ganun din dati, tinatanong ko siya kung anong problema pero wala lang ang sinasabi niya. Ngayon ko lang siyang nakitang ganito kaya nababahala ako ngayon.

Hindi pa kami nakakalabas ng South Orwell nang nagsalita siya kaya saglit akong napasulyap sa kanya, "Pwedeng magpatugtog?" tanong niya kaya napatango ako.

Binuksan niya ang radio kaya nakinig na lang kami ng mga kanta na pinapatugtog sa ganitong oras.

Tahimik lang kami hanggang sa nagdrive-thru ako para bumili ng inumin namin habang nasa biyahe. Kape lang ang binili ko dahil 'yun lang ang gusto niya.

At habang nasa biyahe ay napapasulyap ako sa kanya dahil tulala lang siya.

"Nightmares?" tanong ko. Ang ineexpect ko ay hindi siya sasagot pero napatingin ako sa kanya nang dahan-dahan siyang napatango kaya napahugot ako ng hininga.

He's having nightmares again. "Ngayon lang ulit ako nagkaganito pero hindi na ako makatulog dahil pakiramdam ko, mababangungot na naman ako," sabi niya habang nakapikit kaya napahigpit na lang ako ng hawak sa manibela ko.

"What is it all about?" tanong ko habang dumadaan na kami sa Central.

"Same dream," sabi niya kaya natahimik ako.

Pagkarating namin sa Northernville ay nakita ko kung paano nag-iba ang mukha niya habang tinitingnan ang mga maliliit na gusali ng Delin North. Kita rin sa mga mata niya na namiss niya ang lugar niya.

Tumigil kami sa dati niyang school na Delin North Academy. Dito siya nag-elementary noon. 5 AM pa lang ng umaga kaya dumeretso kami sa play ground ng elementary at umupo muna sa swing. Nakatitig lang siya sa baba habang mahina kong dinuduyan ang swing na inuupuan ko.

Siya ang pinakakalmado sa barkada namin. Siya ang nagpapakalma at siya rin ang magmimistulang masayahin sa amin kaya nawawala sa isipan ko na nagkakaganito pa siya hanggang ngayon. Nakakapanibago tuloy na para siyang ibang tao ngayon.

"How is she?" tanong ko at hindi pa rin siya umiimik. Mukhang naguluhan kung sino ang kinukumusta ko.

"Your new friend," pagc-clarify ko at malungkot niya akong tiningnan. Hindi siya nakasagot at napayuko na lang kaya napabuntong-hininga ako.

Ilang minuto kaming natahimik doon hanggang sa narinig ko rin siyang napabuntong hininga at napaangat ang tingin sa slide na kaharap namin.

"May bumubuo na namang galit dito," bulong niya habang mariing tinuturo ang puso niya. Napatigil ako sa pagduduyan para harapin siya.

"You can tell me your problems," sabi ko pa pero napailing siya.

"Wala namang problema. Kaya ko pa naman eh. Kaya pa naman." Pahina nang pahina ang boses niya. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako o hindi. Hindi pa niya sinasabi sa akin ang problema niya. Parang sinasarili lang niya ang lahat. Sigurado rin akong wala siyang ibang kinakausap tungkol dito.

"Don't tell them," sabi pa niya habang diretsong nakatingin sa kawalan. Napatango na lang ako at napatingin din sa kawalan. I have no right to say what is happening to him. Baka kasi lumala lang kung ako magsabi kaya hihintayin ko na lang siya na kusa siyang mag-open sa amin.

"Andito lang kami," sabi ko kaya napatingin siya. Napatango siya at parang nabunutan ng tinik sa dibdib niya. Parang nawala ang bigat sa balikat niya at napaayos ang upo niya. Nagsimula na siyang iduyan ang inuupuan niya kaya sumabay na lang ako sa kanya.

"I'm okay. Mawawala rin 'to," sabi niya habang nags-swing kaya napatango ako. I know, he will be okay kung hindi man siya okay ngayon. Kahit hindi pa niya sinasabi ay pinagdadasal ko na lang na mawala na ang mga bangungot niya.

Nang nagpakita na ang araw ay nakatingin lang siya sa paaralang pinapasukan niya dati. Nakita ko ulit ang mahinahong ngiti niya hanggang sa bumalik kami sa sasakyan at naghanap kung saan kami magb-breakfast ngayon. Mabuti na lang medyo bumalik ang pagiging madaldal niya at tinuturo sa akin ang mga bagong store na hindi pa niya napupuntahan. Pero hindi rin nagtagal ay tatahimik na naman siya.

Nakahanap na kami ng Café na kung saan kami pwedeng mag-almusal. Medyo okay na rin ako dahil mukhang medyo lumiwanag nang kaunti ang mood niya kaysa kanina na halos binabalutan ng kadiliman ang mga mata niya. Kaso masyado niyang pinapatay ang pancake na inorder namin dahil kanina pa niya ito sinasaksak ng tinidor.

Pagkatapos kumain ay muli kaming pumalibot sa Northernville hanggang sa dumeretso na kaming umuwi sa South Orwell.

"Salamat, Geo." Nagpaalam na siya at pumasok sa bahay nila kaya umuwi na lang din ako at nakatulog pagkarating sa kwarto ko.

---

May nagawa akong kasalanan.

Isang malaking kasalanan.

---

10:52 AM

Style:

Geo

Good morningggg

11:56 AM

Style:

Magiging busy ata ako ngayon.

--- 

Hindi ko siya nachat buong araw at nagising na lang akong wala ng araw sa labas. 7 PM na at kahit pag-uwi ko kaninang 9 AM ay hindi ko siya nachat kung ano ang ginawa ko. Baka naghintay siya sa akin kaya paulit-ulit kong sinabunutan ang buhok ko dahil isang malaking kasalanan 'yun!

---


7:22 PM

Geometry:

lai

i'm so sorry

ngayon lang ako nagising

i'll explain to you

umalis ako kaninang madaling araw

i'm with him

tapos pag-uwi ko, nakatulog agad ako

i forgot to update you

i'm sorry :(((((

8:02 PM

Geometry:

lai :((((

sorry na huhuhuhu

reply ka na

:(

:((((

Geometry sent a sticker.

laiii

huhuhuhuhu

9:27 PM

Geometry:

lai

sorry na :((

reply ka na

huhuhuhu

Geometry sent a sticker.

Geometry sent a sticker.

reply ka na :((

9:40 PM

Geometry:

itataga ko sa batong si korg sa ragnarok

kapag hindi ka magreply

pupuntahan na kita

nag-aalala ako

---

Hindi pa rin siya nagreply kaya sa Instagram na ako nagmessage sa kanya. Hindi rin siya online kaya hindi ko na pinatagal at bumangon na ako para lumabas na ng kwarto. Naalala kong umalis pala sila Mama at Papa ngayon kaya dire-diretso akong lumabas ng bahay at sumakay sa isang kotse ni Papa. 'Yun kasi ang susi na unang nakuha ko sa dingding.

Bago pa ako makapagmaneho papunta sa bahay nila ay tumigil muna ako sa 7eleven. Wala ako sa sariling pumasok sa loob na walang pinapansin hanggang sa pumunta ako sa snack section para bumili ng marshmallow at chocolate drink. Bahala na.

Hindi ako mapakali habang kinukuha ang wallet sa bulsa ko.

"Sir, kalma lang po," sabi ng cashier dahil napapansin niyang nanginginig ako sa sobrang pagmamadali. Binigay ko na ang bayad at habang pinupunch niya ang mga binili ko ay napatingin ako sa mga upuan doon. May nakita akong babaeng nakaupo roon at nakikipagtitigan sa bottled water na nakapatong sa lamesa.

"Kanina pa po siyang hapon nandiyan," singit ng cashier na inaabot sa akin ang pinamili ko. Hindi na ako nakapagsalita dahil nilapitan ko kung sino ang nandoon dahil malakas ang kutob kong si Style ito.

May suot siyang shirt at pants. Nakalugay lang ang itim niyang buhok kaya napapalakas lalo ang kutob ko na siya nga ito.

"Lai," tawag ko at nakita kong napaayos siya ng upo at unti-unting napalingon sa akin. Shit, I'm right.

"I'm sorry," agad kong sabi kaya napatayo siya para yakapin ako. Niyakap ko siya pabalik at saglit siyang nilayo sa akin para hawakan ang magkabilang pisngi niya. Sinuri ko ang mukha niya at namamaga ang mga mata niya. Sumikip tuloy ang dibdib ko kaya muli ko siyang nilapit sa akin para yakapin.

"Are you okay?" bulong ko at tumango lang siya. Narinig kong nakahinga siya nang maluwag habang kayakap ako kaya hinalikan ko ang sentido niya.

"Sana all po." Napahiwalay tuloy kami dahil nagsalita ang cashier na medyo kalayuan sa amin. Mahina akong natawa para kunin ang pinamili ko.

"Thank you," sabi ko.

"Parang kahapon lang po, ang sama pa ng mga tingin niyo sa isa't isa," natatawang sabi niya kaya natawa kami ni Style. Siya rin pala ang cashier noong una kong nakita si Style nang malapitan.

"Stay strong po!" Natawa na lang kami at kumayaw kami bilang paalam. Hinawakan ko ang kamay niya at sabay na kaming lumabas papuntang kotseng dala ko.

"Bakit 'yan dinala mong sasakyan?" naiirita niyang tanong kaya napakamot ako ng batok.

"Ayaw mo ba sa Ford?" tanong ko. Hindi siya nagdalawang isip na umiling nang maraming beses. Sinamaan pa ako ng tingin.

"Si Cap lang gusto ko," matigas pa niyang sabi kaya mahina akong napaubo.

"Mas mahal naman 'tong Ford ah?" pagdadahilan ko pero umiling pa rin siya.

"Hindi nakangiti 'tong dala mo. Si Cap lang gusto kong makita," pagmamaktol niya kaya napangiti ako. "Kapag nakikita ko si Cap, napapangiti ako. Ito, hindi," dagdag pa niya kaya napatango ako.

"Nagmamadali kasi ako kanina. Hindi ka kasi nagrereply kaya nag-aalala ako." Pinakita ko pa ang pinamili ko. "Papunta pa sana ako sa inyo."

Napangiti siya at tinignan kung ano ang binili ko roon. "Grounded kasi ako." Napabuntong-hininga siya.

"Sorry. Dapat talaga hindi ako nakatulog para nakausap kita nang maaga," sabi ko pero napailing siya.

"No, it's okay. I don't mind that. Nireject ko kasi ang lunch kasama ang pamilya nila Minute kaya nagalit sa akin 'yung tatay ko," malungkot siyang ngumiti sa akin kaya nalulungkot din ako sa kanya.

"Kumain ka na ba?" tanong ko pero umiling pa siya.

Napabuga ako ng hininga at tumingin sa paligid. Napapaisip ako kung may bukas pa ba na mga kainan kaya muli kong tiningnan si Style.

"Kailan ka papapasukin sa inyo?" tanong ko at napabuntong-hininga siya.

"I don't know. Wala akong dala ngayon. Bente lang nadala ko kanina dahil pinasok ni Stylie sa bulsa ko nang pinapaalis ako sa bahay."

"Sa bahay tayo," sabi ko kaya napatitig siya sa akin. "Sa bahay ka lang muna. Wala sila Mama at Papa ngayon," mahinang sabi ko habang hindi tumitingin sa kanya.

"Ha?"

Hindi na ako sumagot at pinapasok na siya sa loob ng sasakyan kaya dumaan na ako sa kabila para makapagmaneho.

"Bili tayo ng essentials mo," sabi ko habang nagmamaneho kaya nakita kong napatingin siya sa akin. Busy ang mga mata ako na maghanap ng mga bukas pa na store.

"Dapat kinausap kita kanina.." bulong ko pero narinig ko ang mahinang tawa niya.

"Hey, chillax. It's okay." Tumawa siya pero hindi pa rin maipinta ang mukha ko sa labis na pagkadismaya sa sarili ko.

"Dapat nagising ako para makausap ko," dagdag ko pa.

"Hoy. Ano ba, wala kang kasalanan," natatawa niyang sabi. Hindi pa rin ako nag-iiba ang ekspresyon ko kahit natatawa siya sa tabi ko. "Ako nga 'tong may kasalanan sa'yo." Napasulyap ako bigla sa kanya bago binalik ang tingin ko daanan.

"Niyakap kita kanina, hindi pa ako naliligo ngayong araw." Tumawa siya nang napakalakas kaya parang binuhusan ako ng malamig na tubig sa sinabi niya. Akala ko pa naman seryoso.

Mabuti pa't may bukas pang store kaya nagpark na ako at pumasok doon. Pinapili ko na siya ng mga essentials niya pati na rin ang under garments niya. "Masyadong mahal 'yung mga damit. Can I use your shirts na lang?" sabi niya habang nakatingin ako sa kawalan. Nakuha niya saglit ang atensyon ko kaya napatingin ako sa kanya. "Yeah, sure."

Ako na ang nagbayad ng mga pinamili niya at bumalik kami sa sasakyan para makauwi sa amin.

"Ito pala ang bahay niyo."

Siya palang ang nakapunta sa bahay namin. Hindi pa kasi nakakapunta rito ang mga sakit sa ulo kasi masyado akong strikto dahil magkakalat lang sila rito. Habang napapatingin siya sa paligid ay sinamahan ko na siya sa guest room at nagshower siya sa CR doon. Kumuha na rin ako ng pwede niyang masuot ngayong gabi.

Pinapagpagan ko ang higaan doon hanggang sa inopen ko na ang aircondition. Lalabas na sana ako para maghanda ng makakain nang lumabas na siya na bagong ligo at naging bestida na ang t-shirt na binagay ko sa kanya. "Medyo maluwang ang shorts pero hinigpitan ko na lang," sabi niya kaya napatango ako.

Pinapatuyo niya ang buhok niya sa hawak niyang tuwalya. "Saan pwede maglaba?" tanong pa niya.

"Sa baba. You can use the dryer para masuot ulit ang damit mo bukas." Sabay kaming bumaba para ituro ko kung saan siya pwedeng maglaba. "Alam mo ba maglaba?" tanong ko at napameywang siya. Pinipigilan ko ang sarili ko na mapangiti dahil ang cute niya habang nakaikot ang buhok niya sa tuwalya.

"Kaya ko pang magsibak ng kahoy," pagmamayabang pa niya at pinakita ang biceps niya kaya pabiro akong nasamid.

Nagpaalam ako na magluluto ako ng hapunan namin kaya tinanguan niya ako.

Nagluto na ako kung ano ang pwedeng maluto sa ref. Saktong nagsaing pa ako kaya sakto nang maluto na ang kanin ay katatapos pa lang maglaba ni Style.

"Anong niluto mo?" tanong niya.

Malawak ang ngisi ko nang ipresenta sa kanya ang specialty ko. "Charaaan!" pagpasound effects ko pa at nilapag sa harapan niya ang niluto ko. "Ginisang hotdog!"

Napahawak bigla si Style sa bibig niya habang sinusuri ang niluto. Ginisa ko sa sibuyas ang nakahiwang mga hotdog at nilagyan ng ketsup. "Ikaw pa lang ang kilala kong ginigisa ang hotdog," sabi niya kaya medyo nagbow ako kasi naacknowledge ako. Mahina siyang natawa sa ginawa ko at inabante ang katawan ko para panoorin siyang tikman ang ginawa ko.

"Hala," sabi niya nang nakasubo na siya. Agad kong sinilip ang mukha niya.

"Masarap?" tanong ko at napatango siya agad.

"Penge kanin daliii. Kain na tayo!" nagmamadali niyang aya kaya nagsandok na kami ng kanin. Sabay kaming kumain at inulam ang niluto ko.

Nagkwentuhan kami habang kumakain.

"Kain ka marami," sabi ko at sinandukan na naman siya ng kanin.

"Ayoko naaa!" sabi niya pero umiling ako.

"Magpataba ka." Nilagyan ko pa siya ng ulam kaya no choice siyang kumain.

"Ayoko nang magpataba," sabi niya pero sinubo ang isang punong kutsara ng kanin. Napangiti ako habang pinatuloy ang pagkain.

"Asan parents mo, Geo?" tanong niya kaya napasulyap ako sa kanya saglit.

"Out of town business."

"Ha? Magbabagong taon na," sabi pa niya.

"Sanay naman ako. Actually, dapat kasama ako sa kanila pero pumarito na lang ako." Napatango siya at nagkuwentuhan na naman kami ng kung ano-ano at umabot sa mga pinanood naming Marvel Movies.

Pagkatapos naming kumain ay sabay kaming naghugas ng pinagkainan namin. Ako nagsabon at siya nagbanlaw kaya madali kaming natapos.

Halos maghahating gabi na kaya hinatid ko na siya sa kwarto niya. Gumapang na siya sa higaan at binalot ang buong katawan niya ng comforter. Napasandal na lang ako sa doorway habang pinapanood siyang inaayos ang sarili niya.

"Hindi tayo tabi matulog?" tanong niya nang tiningnan ako. Kaswal akong napailing kaya napakunot ang noo niya.

"Whyyy?" She even shook her shoulders like a child.

Pinigilan ko lang ang ngiti ko dahil ang kulit niya. Napailing na lang ako na naglukot ng mukha niya.

"Good girl naman ako," Nakanguso pa niyang sabi kaya napaismid ako. Lumapit ako sa kanya kaya gumapang siya palapit sa akin. Hihilain niya sana ako pahiga sa kama pero hindi ako nagpahina at hinawakan lang ang kamay niya.

"Ba't ayaw mo akong makatabiiiii?" iyak niya at hinihila ako sa higaan. Nang sumuko siya ay napaluhod siya sa kama habang nakatayo ako sa harapan niya. Nilapit ko siya sa akin at niyakap siya.

"Huwag muna ngayon, okay?" bulong ko. Nakadikit ang pisngi niya sa dibdib ko kaya nakita ko kung paano siya napatango habang nakanguso. Lumayo ang mukha niya sa akin para tignan ako habang yakap-yakap pa rin ang katawan ko.

"Kiss." Ngumuso pa siya kaya sinamaan ko siya ng tingin.

Alam kong patibong 'to kaya hinalikan ko na lang ang noo niya. "Good night, Lai."

Nagmaktol siya kaya humiwalay na ako at naglakad na ako palayo. "Geoooo!" tawag niya kaya binigyan ko siya ng isang mahinang tawa nang hinarap siya.

"Tabi na tayo, pleaaase."

Kahit gusto ko siyang makatabi matulog ay pumapangibabaw pa rin sa akin na nirerespeto ko siya dahil alam ko kung hanggang saan mapuputol ang pasensya ko.

Kahit natetempt ako sa mga nakabukang bisig niya ay pinagkrus ko ang dalawang hintuturo ko sa harapan niya na ikinagulat niya.

Napahawak siya bigla sa dibdib niya sa sobrang gulat. "Pisting yawa, aswang ba ako?" mabagal niyang tanong habang nanlalaki ang mga mata.

Pinagpag ko ang bisig ko sa harapan niya na ikinagulat pa rin niya.

"Malinis po akong tao," sabi ko.

"Wala naman tayong gagawin ah!" sigaw niya kaya napailing na ako at sinara ang pintuan.

"Good night!" pahabol ko bago sinara na ang pintuan.

---

Kinabukasan ay maaga akong nagising para magluto ng almusal. Pero bago pa ako makababa, naghilamos muna ako at sinilip si Style sa kwarto niya. Balot siya ng comforter kaya kinuha ko ang remote ng aircon para pataas ang temperature.

Sinilip ko siya sa hinihigaan niya at kusa na naman akong napangiti nang makita ang mukha niya. Ang bait naman niyang tingnan kung tulog. Kaso iniisip ko na baka mamaya ay mainitan na siya kaya binaba ko nang kaunti ang comforter. Napataas bigla ang bisig niya kaya napabitaw ako sa pag-ayos ng comforter.

Gumalaw siya bigla kaya napaayos na ako ng tayo. Matapos niyang nag-iba ng pwesto sa pagtulog ay lumabas na ako para magluto ng almusal.

Nagtoast lang ako ng loaf bread at nagprito ng bacon. Busy pa ako sa paghihintay ng pagkulo ng tubig para sa inumin namin nang makarinig ako ng doorbell.

Napatingin ako sa orasan, 9 AM na. Sino naman ang mambubulabog sa oras na 'to?

Buti na lang kumulo na ang tubig kaya pinatay ko ito at lumabas ako para tignan kung sino ang nandoon pero pabukas pa lang ako ng gate ay narinig ko silang kumanta.

"Feliz navidad! Feliz navidad! Hajujujujuㅡ"

"Kingina, ayusin niyo."

"I WANNA WISH YOU A MERRY CHRISTMAS!"

Bago ko pa tuluyang mabuksan ang pinto ay napasapo ako ng noo nang marinig ang boses ng mga sakit sa ulo.

"Tapos na 'yung Pasko."

"Okay, New Year na pala. DO YOU EVER FEELㅡ"

"LIKE A PLASTIC BAG, LIFTED THROUGH THE WINDㅡ"

Binuksan ko na ang gate at napatigil sila sa pagkakanta nang makita ako.

"Pocha! Ang hot ni Geo!" sigaw ni Dom at umakto pang naglalaway sa suot kong itim na sando at shorts kaya napailing ako.

"Tara pasooook!" anunsyo ni Reddie nang inakbayan ako para makapasok ang iba.

"Teka ngaㅡ" Pilit kong umalis sa bisig niya hanggang sa pinabayaan niya ako para maisara ang gate. Pero tahimik na sinasara ito ni Side na may bitbit na gitara sa likuran niya.

Natigilan na lang ako nang nilagpasan niya ako na parang hindi ako nakikita sa daanan.

Napailing na lang ulit at inunahan sila sa mismong pamamahay ko.

"Atlast! Nakasinghot na rin ng pamamahay ng mga Metro!" sigaw ni Vertex habang nakabuka ang mga bisig at nilalanghap ang buong sala.

"Uy! May pagkain dito! Nag-aalmusal si Geo!" anunsyo ni Dom mula sa kusina kaya tumakbo sila Ever papunta roon.

"Tinext kami ni Tita Madrid. Dito kami magbabagong taon," sabi ni Divide na naglalakad papunta sa akin kaya napasigaw ako.

"Ano?" sigaw ko na ikinagulat niya.

"Geo, pwedeng kumain?" tanong ni Dom at napalibot sila sa hinanda kong almusal. Lumapit ako agad sa kanila at buti na lang wala pang nababawasan.

Nag-ingay na naman sila kaya pilit ko silang pinapatahimik hanggang sa marinig ko na ang boses ni Style.

"Geo?" Lahat ng tingin namin ay kay Style na kabababa palang mula sa kwarto niya. Napatigil siya sa paghikab nang makita ang mga sakit sa ulo na nasa loob ng kusina.

Natahimik sila bigla lalo na't nakita nila na suot ni Style ang damit at short ko. Palipat-lipat ang tingin nilang lahat sa aming dalawa kaya biglang napaubo si Style at sinuklay ang magulo niyang buhok.

"Maliligo muna ako," maingat niyang paalam at dahan-dahang pumunta kung saan siya naglaba kagabi. Habang bitbit ang mga damit niya at tahimik pa rin kaming pinapanood siyang umaakyat sa itaas.

Nang makalayo na siya ay paglingon ko sa iba ay may kanya-kanyang pose kung paano sila nagulat.

"Geo.." Inakbayan ano ni Vertex. "Safe ba?" bulong niya kaya tinanggal ko ang pagkaakbay niya sa akin.

Mukhang gulat pa sila sa nangyari kaya napaubo ako. "Magluto pa kayo ng almusal kung gusto niyo. Basta magtira kayo," sabi ko at napatingin ako kay Dom na hawak-hawak ang bibig niya at pinipigilan ang tawa niya.

Napailing na lang ako at umakyat para maligo.

Binilisan ko lang maligo. Nagsuot na lang din ako ng puting t-shirt at gray na sweatpants. Naabutan ko na sila sa dining table na kasama na si Style. Nagtatawanan sila habang kumakain ng almusal.

"Toasted bread." Nilapag ni Divide ang isang platong toasted bread.

"Thank you, Tay!" sigaw ni Venn at kumuha ng tinapay na ipapalaman niya ng itlog.

Nakita kong nakangiti rin si Style habang kumakain. Nang lumipat ang tingin niya sa akin ay sumenyas siya na umupo sa tabi niya.

Pag-upo ko sa tabi niya ay agad kong hinanap ang kamay niya para hawakan ito. Hindi siya nagulat at binigyan lang ako ng ngiti habang kumakagat sa toasted bread.

"Anong klaseng backstab ang ginawa niyo sa akin?" tanong ko habang kumukuha ng makakain.

"Uy! Grabe ka naman, Geo! Hindi ka naman namin binabackstab!" paghuhugas-kamay agad ni Venn.

"Oo nga! Hindi naman namin sinabi na never ka pang nagkagirlfriend dahil focus ka dati sa studies mo," singit bigla ni Dom.

"Oo nga. Hindi naman din nabanggit na virgin ka pa kaya medyo mapusok ka," pagsisingit din ni Vertex kaya sinamaan ko siya ng tingin. Nabitawan ko tuloy ang kamay ni Style dahil sa sobrang hiya.

"Atsaka huwag kang mag-alala, hindi naman namin sinabi na nagsuka ka noong dinala ka namin sa bar dahil nakakita ka ng mga sumasayaw na babae sa stage," dagdag pa ni Venn kaya nagtawanan sila. Halos makipag-apir na ang mukha ko sa lamesa sa sobrang kahihiyan.

Lord, kaibigan ko po ba talaga ang mga ito?

Napatigil sila sa pagtatawa nang narealize nilang nadulas sila.

"Ah, nagsorry pala sa amin si Style. Inexplain din niya sa amin ang mga nangyari kung bakit niya ginawa ang mga 'yun," sabi ni Ever kaya napatingin ako sa kanya.

"Ang bilis?" tanong ko at napatango silang lahat.

"Sadyang mabagal ka lang maligo," sabi ni Divide kaya bumagsak ang balikat ko.

"Papunta pala sila Saturday, Minute at Billion," malamig sa sabi ni Side habang nagcecellphone sa isang kamay at kumakain ng bacon sa isa pang kamay. Napakunot naman ako ng noo. Bakit na naman cold 'yun? Kaso imbis na pansinin si Side at napatingin ako kay Style para tingnan ang reaksyon niya nang binanggit sila Minute.

Napansin niyang napatingin ako sa kanya kaya napatigil siya sa pagkagat at tumingin sa akin.

Tinaasan ko siya ng dalawang kilay para tanungin kung ayos lang sa kanya 'yun at napatango siya. Lumapit siya sa akin para bumulong. "Nagsorry na ako kay Saturday noong pagkuha nila sa atin sa Airport."

"What?" gulat kong tanong pero mahina pa rin ang boses ko.

Tumango siya at muling lumapit sa tenga ko. "I was about to tell you last night pero ayaw mo akong tabihan," bulong niya at napakibit-balikat nang lumayo na siya sa akin.

Napatingin bigla ako sa iba dahil natahimik sila at pinapanood kaming magbulungan kanina.

"Sana all!" sigaw ni Venn. Napaiyak pa sa balikat ni Reddie. Nang napatingin ako kay Reddie na nakatingin na pala sa akin ay tinanguan niya ako.

"Ah, Style. Crush ka ni Venn," singit ni Dom kaya napatingin si Style kay Venn na biglang napabangon sa balikat ni Reddie.

"Ha? Ha? HA???" sunod-sunod niyang reaksyon.

"Ikaw ah. Crush pala ako ni Venn tapos jinowa mo ako," sabi ni Style sa akin pero busy ako sa pagnguya ng kinakain ko.

"Sige, lapitan mo siya," panghahamon ko sa kanya at pinanood siyang tumayo para lapitan si Venn kaso tumayo at tumakbo ito palayo. Mukhang nagulat si Style sa reaksyon ni Venn kaya nagtawanan kami.

Lalo na si Dom na halos mahigop si Divide sa lakas ng tawa niya pero bigla siyang napatigil nang napatingin sa akin. Tumigil din ang iba at napansin nilang nakatingin sa akin si Dom kaya napatingin din sila sa akin.

Napaturo siya bigla sa akin sabay sigaw,

"KAYO NA?"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com