Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 16

While on our way, riding in a blue classic Volkswagen Microbus that the father of Boss owns, we were singing Bon Jovi's Livin' On A Prayer.

"Woah, we're half way there. Woah, livin' on a prayer!"

I almost let my lungs out of air. Even Clark sings out louder than the others while banging their head. Lawron on the other hand, shows his hidden skill, playing an invisible guitar.

"Take my hand, we'll make it I swear. Woah, livin' on a prayer!"

"Ayan! Magsaya kayo! Walang hiya, may patay ba kanina at ang tahi-tahimik niyo?" malakas na tanong ni Danger habang nagmamaneho. Nagtawanan na lang kami. Siya kasi nagpatugtog nang binabalutan kami ng kaba habang papunta sa White Hall.

Nakakatuwa sa loob ng sasakyan kumpara kanina. Bukod sa malawak ito at pumapasok ang hangin mula sa labas, ang saya lang ngayon. Loud and fun music, classic car, complete group, starry night, and a full moon.

It's like a dream that I never knew.

Pinagmasdan ko ang iba habang sumasabay sa tugtog. Walang naleleft behind. Kahit si Forsythe ay sinasabay ang paggalaw ng ulo sa lakas ng tugtog.

"Mabingi tayong lahat!" sigaw ni Lawron na ngayong nakatakip ang magkabilang tenga niya.

Natapos ang kanta, saktong nasa entrance na kami ng naglalakihang gate ng White Hall. Lahat kami ay nakatingin doon kaya rinig na rinig ang katahimikan na bumalot sa loob ng sasakyan.

"Uhm," tumikhim si Boss. "May fastfood malapit sa White Hall. Pwede kong kausapin 'yung guard na maki-park." Dahil sa sinabi niya, nagmaneho na si Danger papunta roon.

Nang naka-park na, sabay-sabay kaming lumabas. Inalalayan ako ni Heroic pababa. Inayos pa niya ang damit ko na saglit na nalukot. "Masyado ka na talaga, Wilson." Tumawa ako at tinapik ang tuktok ng ulo niya. Sino ba namang hindi matotouch?

"Ayos lang kiligin," hamon niya kaya nanlaki ang mga mata ko. Halos matulak ko pa siya dahil masyado akong ginulat!

"Normal lang 'yan sa mag-asawa," asar ng anak ko kaya tiningnan ko rin siya nanlalaki ang mga mata. Bigla rin siyang sinamaan ng tingin nila Clark at Orion. Kampante namang napakibit-balikat si Lawron.

"Harap-harapan!" sigaw ni Danger na nakayukom ang dalawang kamao, naniningkit ang mga mata at nakanguso.

Marami pang nangyari dahil nagdrama si Danger habang kausap si Heroic. Nakiususyo rin ang iba hanggang sa lumipat ang topic kung saan. Samantalang lumipat ang atensyon ko kay Boss na pumunta sa guard ng Aurelio fastfood. Pinagmasdan ko silang magbatian. Mukhang kilala na nila ang isa't-isa.

"Boss! Ikaw pala 'yan! Kumusta na? Asan si Pristine?"

Bumagsak ang loob ko nang makita ang isang ngiti ni Boss na kailanman ay hindi ko nakita. Pinanood ko lang siyang masayang nakikipag-usap sa guard. Doon tuloy ako nagkaroon ng ideya. Baka dito sila kumakain noon. Baka dito ang lugar nila.

Sa oras na iyon, parang sinarado ko na nang tuluyan ang puso ko.

Tumalikod na ako. Pumunta ako kay Lawron na kasalukuyang nakikinig sa usapan nila Danger tungkol sa mga sasakyang namaneho niya. Napansin ni Lawron ang presensya ko kaya inakbayan niya ako. Siya na rin ang nag-alalay sa akin nang sabay-sabay na kaming pumunta sa White Hall.

"Alam ko na kung bakit hindi tayo nagpark dito.." mahinang sabi ni Clark. Wala pa siyang dinadagdag at agad kaming sumang-ayon habang iniisa-isang tingnan ang mga magagarang sasakyan ng mga empleyado at gobyerno rito.

Kung hindi blangko, lumulutang naman ang utak ko kung saan. Nakakaramdam pa naman ako kaba at takot kaso tuwing nakikita ko ang mga kasama ko, nakakampante ako.

Nang pumasok na kami sa isang meeting room, akala namin ay hindi na kami magugulat kung gaano kaganda at kalawak ang buong lugar. Halatang mga may kapangyarihan ang umuupo rito.

Dito sa Nodawn, ang mga nasa gobyerno ang nagiging prayoridad kaysa ang mga dapat pagsilbihan.

"Good evening, Gumdrop."

Hindi ko kayang umupo sa inuupuan nila. Hindi lang naman ako ang nagdadalawang-isip, kung hindi pati na rin ang mga kasama ko. Hindi ko nga lang sila matingnan dahil nakatitig ako sa upuan na mukhang milyon ang halaga.

"Hindi kayo uupo?" mahinang bulong ni Boss na mukhang sa mga tingin niya ay ineencourage kaming umupo.

Sa mga reaksyon namin ay nakuha niyang hindi namin kayang umupo.

Humakbang na lang ako paatras at tiningnan ang malaking screen sa harapan namin. Buo na ang desisyon ko na tumayo. Mababaw man pakinggan pero may pride ako. Alam ko kung ano ang ipaglalaban ko.

Humakbang din ang iba paatras mula sa mga upuan. Si Clark nga na balak umupo, hindi natuloy dahil walang may balak sa amin na umupo.

"Itatanong ko lang po kung gaano katagal ang meeting?" tanong ni Boss sa isang babaeng nakatayo sa harapan. Mukhang siya ang maglelead ng meeting.

"Approximately 1 hour and 30 minutes. We'll talk about the rules, missions and the benefits. Hindi rin magtatagal dahil may meeting din ang Board Members."

Napatango si Boss at humakbang paatras sa upuan sa harapan niya. "Then we will just stand."

Hindi na umangal ang babae sa harapan. Sinimulan na niyang basahin ang mga pinag-usapan namin noon. It looks like she is recalling what we discussed with Mr. Yu. Reminding what we signed up for and we are aware of that.

Napansin kong parehas lang talaga ang dinidiscuss niya pero nakikinig pa rin ako. Baka may hindi ako nalaman noong nasa Dean's office kami. Hindi ko namamalayan na ilang minuto pa lang ang nakakalipas, ni hindi pa nga nag-iisang oras nang may pumasok na security at binulungan ang speaker na secretary ng Mayor's Office. Napakunot muna ang noo nito pero hindi na siya nagsalita pa hanggang sa lumabas ang security.

Nagkatinginan kaming lahat. Hindi pa nga namin napag-uusapan ang misyon namin.

"I am sorry to say this pero hindi natin mapag-uusapan ang unang misyon. Kailangan nang gamitin ang Meeting Room." Inayos na niya ang laptop niya at ang mga papel sa folder siya. "I'll give the documents to the leader and I want a report for the progress and the plan."

Lumapit si Boss para tanggapin ang folder.

"How I wish that we have our own facility to be in. Ngayon lang nagkaroon ng ganito kaya we have no place."

Inaayos na niya tindig niya. "I am Miss Adaline. You can call me Miss Ada. Thank you for your presence. I really appreciate it. You can go home now. Be safe."

That was something.. For someone who is working here, she has a different vibe. She was different.

Dahil may mga security na pumasok na sa room, lumabas na kami. Para kaming blangkong naglalakad palabas. 'Yun na 'yun? Masyadong advance ang Board Members? Ayaw nilang may ibang tao sa lugar nila? Hindi ko mapigilang mapairap. Wala na talagang pag-asa.

Tahimik kaming naglalakad palabas ng White Hall. Nakakakaba pa nga dahil maraming tumitingin sa aming mga nagtatrabaho roon.  Masyadong marami na ang iniisip ko. Sa totoo nga lang, gusto kong umiyak dahil sa sobra-sobra kong nararamdaman. Hindi ko na alam kung ano pa ang dapat kong maramdaman. Parang gusto kong tumakbo na lang palayo... kaso 'yung paa ko.

Habang sinasalubong ko ang mga tingin ng empleyado na nakatingin sa amin, pabigat nang pabigat ang hininga ko. Para akong nanlalamig. Parang sumisikip ang daanan. Bago pa ako mawala sa katinuan, maramdaman kong may humawak sa kamay ko.

Si Heroic.

"Makakaalis din tayo rito," bulong niya at binigyan niya ako ng isang mahinahong ngiti.

Napatingin din ako sa iba na napapasulyap pala sa akin. Halata ba mukha ko ang takot na nararamdaman ko?

Naramdaman ko ring tumabi sa akin si Danger at inakbayan ako. "Mas malakas tayo," bulong din niya.

"Mas lalakas pa tayo."

Napatigil kami sa paglalakad nang nakitang lumingon si Boss matapos dugtungan ang binulong sa akin ni Danger. Nasa pintuan na kasi si Boss dahil siya ang nauuna sa amin.

"Sama-sama tayo, okay?" Humighik si Danger at inakbayan kaming lahat kaya nagkadikit-dikit kami. Masyado tuloy akong nabahala kasi marami na sigurong nakatingin sa amin. Pero natutuwa ako sa mga mahihinang tawa ni Orion at Clark na nakasiksik sa amin ni Heroic.

"Naiipit si Bloom!" Mahinang pinalo ni Heroic ang bisig ni Danger na nasa akin. 

"Halika na!" natatawang pagtatawag ni Boss at kinulong sila Forsythe at Lawron sa mga bisig niya. Pinagsama kami sa iisang bilog na ginawa nila Danger. Imbis na mainis dahil hindi ako makahinga nang maluwag, tawa kami nang tawa dahil mukha kaming sumasali sa The Boat is Sinking at kailangan naming maggroup into eight para sabay-sabay makalabas.

Ang mga tawa namin ang bumalot sa ground floor ng White Hall. Hindi na namin tiningnan ang reaksyon ng mga tao roon at tuluyang lumabas.

"Sandali! Picture tayo!" sigaw ni Heroic at nagpupumiglas sa bilog. Nang nakalabas ay kinuha niya ang phone niya at sinandal sa paanan ng statue ni Bandecca Nodawn, ang founder ng Nodawn City.

"Magpaalam ka muna kay Madam Bandecca na magpapapicture tayo!" sabi ni Danger kay Heroic.

Babalik na sana sa amin si Heroic pero muli siyang lumingon sa statwa. "Madam, huwag kang malikot. Nagpipicture kami."

"Pota," mura ni Orion dahil sa asta ni Heroic. Naghihighik pa habang naglalakad palapit sa amin para magpose.

Hindi namin mapigilang matawa. Kung sa mga karaniwang ganap, sa statwa nagpapapicture. Nakakatawa lang ang kalagayan ng phone ni Heroic na nakasandal sa paanan.

"Medyo hindi po kami natutuwa, Madam Bandecca. Dahil sa inyo, may Nodawn City," lakas loob na sabi ni Clark.

"May point siya," kibit-balikat na sabi ni Lawron at nag-rock-and-roll sign na.

"Closer, guys! Continuous shot 'to!"

Inipit ako nila Danger at Heroic. Hindi talaga nila ako hinihiwalayan! Umupo sa harapan ko si Orion, Clark at Lawron na nakapose. Si Boss ay nasa tabi ni Heroic na may malawak ang ngiti. Si Forysthe naman ay cool na nakasandal ang siko sa balikat ni Danger.

"3.. 2.. 1.." pagbibilang ni Clark.

"Say 'Bloom pilay'!" sigaw ni Danger.

"Bloom pilay!" sigaw namin at nakawala ng isang natural na ngiti.

Kaso napakunot ako ng noo sa nasabi ko. "Bloom pilay?" mahina kong pag-uulit. Nang narealize ko iyon ay, "Kingina mo!" sigaw ko kay Danger at sinabunutan siya.

"Huy! Continuous burst shot 'yon!" paalala ni Orion.

Dahil nga continuous shot iyon, ang mga susunod na nakuhaan ng litrato ay ang pagsabunot ko kay Danger, ang pag-aawat sa akin nila Boss at Heroic habang nilalayo nila Clark at Lawron si Danger sa akin, pagkasapo ng noo ni Orion at ang pagtayo nang tuwid ni Forsythe habang naka-thumbs up. Para bang walang kakaibang nangyayari sa tabi niya.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com