Chapter 15

"Ako na."
"Hindi. Ako."
Hindi pa ako nakakatayo sa higaan. Pinapanood pa kasi naming magtalo si Heroic at si Danger kung sino ang mag-aalalay sa akin palabas ng ospital. Hindi pa rin sila tapos magtalo at wala atang balak sumingit ang ibang nanonood sa talunan.
"Ako na. Baka mapagod ka pa kasi magmamaneho ka pa," sabi ni Heroic.
"Ays lang," cool na sabi ni Danger at lumapit na sa akin.
Bubuhatin na sana niya ako kaya napataas ako ng mga bisig ko. Kaso hindi niya ako maangat. Oo, hindi niya ako mabuhat.
"Sandali, parang nanghina tuhod ko." Dahan-dahan niya akong pinaupo ulit sa kama.
"Sabi ko sa'yo eh." Si Heroic na ang lumapit sa akin at isasabit na sana ang legs ko sa bisig niya nang nagsalita si Orion, halatang naiinip na sa napapanood niya.
"Hindi ba pwedeng humiram ng wheelchair? Sumasakit na ulo ko sa inyo."
Oo nga. Naningkit ang mga mata ko kina Heroic at Danger. Nagtatalo na sila kanina pa nang lumabas si Boss para magbayad ng bayarin sa ospital.
"Hindi libre..." mahinang sagot ni Lawron.
"Pucha," malutong na mura ni Orion.
Ganun kalala ang meron sa ospital na 'to. Hindi ko na kayang makapagsalita at pilit intindihin ang kalagayan dito: hindi sapat ang suporta galing sa gobyerno kaya grabe ang fee at hindi sapat ang sweldo ng mga nagtatrabaho rito kaya nakakawala ng ganang magbigay ng atensyon sa mga pasyente. Marami ang naririnig kong hindi maganda ang serbisyo ng ibang doktor dito at mabuti nalang na 'yung nagcheck sa akin kanina ay kalmadoㅡkaso walang kabuhay-buhay.
Saktong bumalik na si Boss habang may binabasa sa mga papel kung nasaan ang breakdown ng bayarin. Nakonsensya tuloy ako. Hindi ko kayang itanong kung saan siya kumuha ng pera dahil alam kong wala kaming pera lahat. Napapaisip pa ako na baka sa kaniyang pera ang ginastos niya para sa akin.
"Kaya ko naman sigurong maglakad," sabi ko kay Heroic at tinapik ang balikat niya.
"Alalayan ka namin?" tanong niya.
Tumango naman ako dahil ang bigat ng paa ko. Mukhang kaya ko pa naman itukod kaso kailangan ko pa rin ng makakapitan.
"Arayㅡ"
Halos napuno ng tawanan sa buong kuwarto nang subukan akong buhatin ni Heroic. "Sabi nang alalayan lang ako!" Sabay palo sa balikat niya.
"Try lang! Ang tagal kong hindi nagwowork-out!" singhal niya.
"Ay nagwowork-out ba?" Hinawakan ni Danger ang braso ni Heroic. Napapasapo na lang ako ng noo dahil agad nadivert ang atensyon sa biceps ni Bayani.
"Hay nako! Ma, kaya bang tumayo?" Mabuti nalang, lumapit sa akin si Lawron at hawak-hawak ang magkabilang braso ko, pinatayo niya ako.
"Kaya ba?" tanong ni Boss kaya napatango ako na hindi man lang siya tinitingnan.
"'Yung gamit ko.." mahina kong pagtuturo sa gamit ko na nasa ibaba ng lamesa.
"Ako na," sabi ni Heroic at siya na nga nagbitbit. "Wow, may relo ka ah." Napansin niya 'yung relong binigay ni Boss. Bigla naman akong pinagpawisan. "Susuotin mo ba?" tanong niya.
Hindi ako nagsalita pero binigay ko sa kaniya ang pulso ko. Siya naman nagsuot kaya bigla ko na namang nakita sa isipan ko ang oras na sinusuot sa akin ni Boss ang relo niya.
"Halika na," alok ni Clark kaya sabay-sabay na kaming lumabas.
Doon din lumipad ang utak ko kung saan. Ano kayang mangyayari sa parating na meeting mamayang 8 PM sa White Hall. Natatakot ako sa ipapagawa sa amin para lang may maibayad kami sa tuition namin. Pero isang malaking BAHALA NA ang umiikot sa utak ko ngayon. Magsisimula naman, eh. It's either take this shot to finish school or stay here forever.
Napansin kong nakaharap kami sa elevator. Hindi bumubukas, hindi napipindot at hindi gumagana. Meron ngang NOT AVAILABLE na nakapaskil sa pintuan.
"Eh 'di, maghahagdan," kibit-balikat na sabi ni Clark.
"Paano si Bloom?"
Napatingin silang lahat sa akin. Napaisip din ako bigla kung kaya kong maghagdan mula sa 10th floor hanggang ground floor.
"Badtrip ka ah." Pinalo ni Danger ang pintuan ng elevator. "Bad timing ka. Kagabi, ayos ka pa ah."
At sinermunan pa ang elevator.
"Weird naman siguro kung magpadulas ako sa hagdanan 'no?" natatawa kong tanong to lift up the mood.
Sinimangutan lang ako ni Orion at ang iba naman ay parang walang narinig. Naaappreciate ko pa si Boss na napabuga ng tawa.
"Forysthe," tawag ni Orion at tinuro ako. Napatingin naman kaming lahat kay Forsythe sa reaksyon niya. Bigla naman akong natakot dahil nagkasalubong ang mga tingin namin. Nakuha naman siguro niya ang ibig sabihin ni Orion. Hindi nagsasalita, lumapit na sa akin si Forsythe at agad akong nabuhat na parang kasing gaan ko lang ang school bag niya.
Ang lakas ng kabog nang puso ko nang halos magkatapat na ang mga mukha namin. Ni hindi man lang siya kumurap nang sobrang lapit ng mga mukha namin. Napaiwas na lang ako ng tingin at doon ko nahuli na sinamaan ng tingin nila Clark at Lawron si Orion dahil sa usapan nila. I mentally slapped my forehead. My goodness.
Nagsimula na kaming dumaan sa staircase. Tulad ng inaasahan ko, marami pa ang tatapakan namin. I mean, nila.
Halos nahuhuli kami ni Forsythe dahil maingat siya sa mga tinatapakan niya. Lalo na't bitbit niya ako, mukhang nasa kapalaran niya kung babalik ulit kami rito na doble na ang aksidenteng nangyari sa akin.
"Ayaw ko naaaaaa!" sigaw ni Clark at humihingal sa hawakan ng hagdanan. Akala mo, hindi basketball player.
Ilang floors palang ang nadadaanan namin. At naririnig ko na ang hingal ng iba. Lalo na kay Forsythe na nararamdaman ng katawan ko ang paghinga niya.
"Okay ka pa?" mahina kong tanong. Ang awkward ng mga kamay ko na nasa magkabilang balikat niya!
Nang hindi tumitingin sa akin, tumango siya. Hindi ko pa talaga naririnig na magsalita si Forsythe simula noon!
"Sorry ah.." dagdag ko pa. Naging literal na pabuhat pa ako.
Tumango na naman siya kaya tumahimik nalang ako. Baka mairita pa siya at bigla akong ihulog sa hagdanan.
"Masyadong malayo na sila Bloom!" rinig ko kay Heroic at saglit na napatigil para hintayin kami ni Forysthe na nahuhuli nang napakaraming hakbang.
"Bloom, okay ka lang?" tanong niya kaya sinabi kong, "Oo."
"Forysthe, okay ka lang?" tanong din niya kay Forsythe. Malapit na rin kami sa kaniya kaya unti-unti na siyang humakbang pababa.
"Oo."
Nanlaki ang mga mata ko. Ngayon ko lang narinig ang boses ni Forsythe. Ilang araw naman kaming magkasama sa iisang bahay at ngayon ko lang talaga narinig kung gaano kababa ang boses niya.
Kakamayan ko mamaya si Heroic. Achievement 'yun!
---
"Home!" sigaw ni Danger habang nakabuka ang mga bisig nang nakapasok sa bahay.
Iba talaga sa pakiramdam na sabay-sabay kaming pumasok sa bahay nang kumpleto. Gustuhin ko mang itago ang ngiti ko kaso hindi ko kaya.
"Please be ready. Pupunta tayo sa White Hall mamaya," paalala ni Boss kaya napatango kaming lahat.
Nag-iika pa man, sinubukan kong maglakad papunta sa hadganan kasi hindi naman ganoong karami ang hakbang. Bago pa ako makatapak ay napalingon ako sa likuran ko dahil naramdaman kong may nakatayo rito.
Si Forsythe.
Bubuhatin niya sana ako kaso pinigilan ko siya. "Subukan ko lang."
Napakibit-balikat siya at pinanood akong umakyat. Matapos tumapak ang isa kong paa, saka ko binubuhat ang injured. Ang tagal ko, actually. Ang bagal-bagal kong umakyat! Halos tatlong minuto pa akong nakakahakbang para makaipon ng lakas!
Nakapagtataka lang kung bakit hindi nagrereklamo si Forsythe. Naririnig ko rin ang paghakbang niya sa likod ko kapag humahakbang na ako. Baka nakaabang siya kung mahulog man ako.
Lumingon ako at nakita kong nakapila rin ang anim sa likod ni Forsythe na nasa likod ko. Mukha kaming nakapila sa hagdan para makarating sa second floor.
"Go Bloom!!" pagch-cheer ni Heroic.
"Hakbang pa, Ma! Kaya 'yan!" sigaw ng anak ko kaya pumalakpak din ang ibang nakapila.
Halos mapunit ang mga labi ko sa sobrang pagngiti. Naappreciate ko pa sila! Ang cute talaga nila! Parang hindi nag-away-away noon!
Nauna na akong nakarating sa second floor at doon ko napansin na nasa hagdan pa rin sila at pinapanood akong maglakad.
Hindi ko alam kung matotouch ba ako sa proud nilang tingin sa akin o maiinis dahil parang baby ako na natuto palang maglakad.
Pero sa huli, tinawanan ko sila. Nagtawanan na kaming lahat sa nangyari. Ilang minuto pa bago kami pumasok sa mga kaniya-kaniyang kwarto para maghanda.
Kaso pagpasok ko sa kwarto ko, napatakip ako ng bibig dahil hindi ko alam kung maliligo pa ba ako o bawal ako mabasa. Gusto kong maligo kasi parang ang bigat ng katawan ko. "Bawal ata.." bulong ko habang tinitingnan ang paa ko.
Inuna ko nalang maghanap ng mga susuotin ko at nilagay iyon sa higaan ko. Binabagayan ko rin kaya natagalan ako sa paghahanap. Nasa loob pa rin kasi ng maleta ang mga damit ko.
"Skirt...? Pants..?" Hindi ko ata kaya magpants.
Ilang minuto akong nakaupo sa higaan at nakipagtitigan sa paa ko. Mas mabuting magskirt ako kasi 'yung paa ko. Kaso kailangan maging disente ang pananamit dahil sa White Hall kami pupunta.
"7:04," pagbabasa ko sa relo na nasa pulso ko. Nakakabasa na talaga ako! I'm so proud of myself!
Teka.
"7:04 NA?" Napatayo ako bigla at napadyak ang paa ko. Sumigaw tuloy ako sa pagbigla ng paa ko kaya napaupo ako sa higaan ko. Saka ako napahiga, hindi maitukod ang paa dahil masakit.
Kailangan ko na mag-ayos dahil magmamake-up pa ako!
May kumatok sa pintuan ko. Sana si Heroic! Magpapatulong sana akong hugasan ang buhok ko dahil amoy medisina! Kahit magpunas nalang ako.
"Pasok!" sigaw ko at pilit bumangon. Hindi ko nga lang kaya ang sarili ko dahil nasa taas ng katawan ko ang lahat ng bigat. Makapag-curl-up nga sunod!
Gusto kong magpalamon sa higaan ko nang nakita si Forsythe ang pumasok sa kwarto ko.
Siya lang!
Kinunutan niya ako ng noo dahil sa posisyon ko ngayon. Pasensya naman!
Kakapalan ko na ang mukha ko kaya tinaas ko ang mga kamay ko. "Hindi ako makabangon."
Napailing siya at lumapit sa akin. Hinawakan niya ang magkabila kong kamay. Pinabangon kaya nakaupo na ako sa higaan ko.
"Salamat." Palihim kong tinago ang underwear ko sa t-shirt. "Nasaan pala si Heroic?" I mean, it's odd na kusang pupunta rito si Forsythe 'di ba?
"CR."
"Ow." Napatingin ako sa mga damit ko. "Can you help me?" nahihiya kong tanong.
Hindi siya pumayag, hindi rin siya tumanggi. Hindi talaga siya nagsalita kaya napakamot ako ng batok. "Hindi naman ako pwedeng maligo pero pwede mo ako tulungan na hugasan ang buhok ko?" Nahihiya rin ako 'no! Kahit siya na lang magbuhos ng tubig! May damit pa naman ako!
Tumango siya. Salamat naman! Akala ko kasi big deal at kailangan pang iexplain.
Dahan-dahan akong tumayo. "Nahihirapan ako na mag-isip kung magsusuot ako ng skirt. Mahihirapan kasi ako sa pagsuot ng pants."
"Ano pa iba mong damit?"
PWEDE BA KAMI MAGKAROON NG NORMAL NA PAG-UUSAP? Hindi 'yung mamamangha ako at magugulat tuwing nagsasalita siya!
"Tingnan ko." Nagkalkal pa ako sa maleta ko hanggang sa nakataas ako ng maong na jumper. Para siyang dress dahil abot tuhod ito. "Ito?" tanong ko kay Forsythe.
Tumango siya kaya masaya kong nilapag ito sa kama ko. Nilabas ko rin ang light pink fit top ko para pang-ilalim ng jumper.
"Pwede na hugasan ang ulo ko?" tanong ko ulit sa kaniya dahil wala na akong oras. Tumango na naman siya kaya sa CR ko, dali-dali kong hinanda ang sarili ko para basain ang ulo ko.
Halos nakayuko na ako sa lababo at nandoon ang buhok ko. Kumuha rin ng tabo si Forsythe at magsimulang mag-ipon ng tubig para ibuhos sa ulo ko.
"Narinig mo ba sigaw ko? O inutusan ka ni Heroic?" pagbubukas ko ng topic para hindi masyadong awkward. Hindi naman mahirap pakisamahan si Forsythe. Sadyang tahimik lang siya. Mukhang siya lang ang hindi ko nakakausap sa aming walo.
"Inutusan."
Ikli. Ang ikli-ikli! Pero may improvement naman, 'di ba?
Tumahimik na lang ako na binanlawan ang buhok ko. Mabuti na lang, alam niya ang gagawin niya kahit hindi siya utusan. Naappreciate ko talaga siya sa oras na' to.
"Thank you. Bihis lang ako."
Napatango siya at lumabas sa CR ko. Hindi ko alam kung lalabas siya sa kuwarto pero agad kong sinara ang pintuan para magbihis. Dinala ko rin dito ang mga damit ko.
Matapos kong ayusin ang sarili ko, lumabas ako sa CR na nag-iika-ika pa habang pinapatuyo ang buhok ko. Nakakagulat pa nga na andito pa sa loob si Forsythe, nakatayong binabasa ang nursing books ko.
"I thought you left."
Napalingon siya para sumulyap sa akin bago sinara ang libro na nakapatong sa mesa. "Pinabantay ka ni Heroic. Baka mapaano ka raw," malamig niyang sabi.
Mahina akong natawa at lumapit sa kaniya since magmamake-up na ako. Umupo ako sa lamesa at humarap sa salamin.
"Do you want me to leave? Do I make you uncomfortable?" he asked.
"No!" I answered. "Appreciated, actually." Nilabas ko ang make-up bag ko. "Ngayon lang ako nainjure kaya nakakatakot kumilos na mag-isa lang."
Napatango siya at sumandal sa mesa ko para panoorin ako a gagawin ko.
"Are your cheeks really pink?" tanong niya.
Napatingin ako sa kaniya bigla habang nanlalaki ang mga mata.
"Sorry. Masyado bang personal?" mahina niyang tanong.
Umiling agad ako. "Sorry! Naninibago lang kasi ako." Hindi ko alam kung umiiyak ba ako o tumatawa sa tunog ko pagkatapos ko magsalita. "Ngayon lang talaga kita narinig na magsalita. Parang nakakagulat pa rin," pag-aamin ko.
Siya naman ang napailing. Hindi man siya nakangiti pero hindi naman ganoong kabigat ang hangin na dala niya. "Sabi ni Heroic, matutunaw dila ko kung hindi ako magsalita."
Napatawa ako nang malakas kaya naiwan ang mga tuldok ng concealer at foundation sa mukha ko.
"Cute ni Bayani," bulong ko at dinampi na ang nakalagay sa mukha ko. "And yes, natural lang na mapula ang pisngi ko kaya nakakapaglagay ako ng foundation para hindi ganoong kapula ang mukha ko," sagot ko sa tanong niya kanina.
Pinanood niya lang ako na magkilay, magmascara at maglipstick. Nakita naman nila akong walang nakalagay sa mukha kaya hindi naman ako naiilang nang sobra. Mas naawkward-an lang ako sa titig niya dahil hindi ako makapaniwala na nakainteract ko na si Forsythe.
"Pantay na ba ang kilay ko?" tanong ko pa habang tinuturo ang kilay ko.
Tumango siya. Napailing tuloy ako na hindi na naman siya nagsalita. Humihingi naman ako ng compliment.
"8 na." Kumatok si Clark sa pintuan kong bukas kaya napalingon kami.
"Bababa na!" pahabol ko kaya nag-ayos na kami matapos kong magsuot ng sapatos (isa lang).
Sabay kaming lumabas ni Forsythe habang tinitingnan ko ang mga gamit ko sa purse ko. Mabuti nalang hindi gaanong puno ang dala ko kaya wala akong makakalimutan. Wala rin naman akong pera kaya tanging lipstick, panyo at phone lang ang laman nito.
Sabay ulit kaming napatigil nang kaharap na namin ang hagdanan. Napalingon ako kay Forsythe at binigyan siya ng isang makulit na ngiti. Isang 'alamz-na-diz' pa na mukha kaya napabuga siya ng isang malamig at maikling tawa.
Agad din naman niya akong nabuhat na parang kaya rin niyang buhatin ang buong truck.
"Ano pwedeng ibayad sa'yo sa pagbubuhat mo sa akin?" tanong ko nalang bigla habang dahan-dahan siyang humahakbang pababa. Nakakahiya rin na buhat lang siya nang buhat sa akin na injured pa ako. "Lunch? Pizza? Salad?" suggestion ko.
Hindi na naman siya nagsalita kaya nakaisip na naman ako. "Weird naman kung buhatin din kita kapag magaling na ako."
Eye for an eye, sabi nga nila. Kaya buhat for a buhat!
"Pucha," mahina pero malutong niyang mura. Natawa naman ako nang napakalakas.
---
note:
sobrang busy sa
college sorna huhu
thank you for waiting!
happy 1st day of march!
btw,
NCT DREAM 2ND ALBUM!!
GLITCH MODE
03.28.22 💚
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com