Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 14

note:
mark's solo, child is a masterpiece.
sorry super duper late update! huhu
nabusy sa college huhuhu laban!


I just had the freaking worst dream ever! Probably the most defined nightmare in my whole life! Sino ba naman hindi maiinis na 'yung gabing nakarating na kami sa bahay at walang katao-tao roon? I even panicked because I thought that everyone left the house. Nawala lang ako at napag-isipan nilang iyon ang pagkakataon para makaalis sila. O hindi kaya, hindi nila tinupad ang pangako nila sa akin.

Sa sobrang pagapanic ko ay nahulog pa ako sa hagdanan!

Ang pangit ng panaginip ko! Ang pangit-pangit talaga! Mabuti na lang ngayon ay naramdaman kong nakatulog ako sa mismong oras na ito dahil nakapikit pa rin ako. Gising na ang diwa ko. Kahit ganun ang panaginip ko, sobrang linaw pa ng nangyari. Nararamdaman ko pa rin ang kabog ng puso ko sa sobrang kaba nang malaman kong wala sila sa bahay. Nararamdaman ko pa rin ang sakit ng sakong ko.

"Sa mga nagdaang araw, humingi ako ng pasensya. Inaamin kong marami akong pagkukulang at naunahan ako ng takot." Great, naririnig ko na si Boss kaya unti-unti akong dumilat. Kaso masyado akong nasilaw kung nasaan ako ngayon.

What theㅡ!

"Narinig ko ang usapan niyo noon at maniwala kayo sa akin na labas na ako sa White Hall at hindi nila naaccess ang meron sa bahay. Sana simula ngayon ay maituring niyong bahay na ang titirhan natin. Gagawin ko ang lahat para makapagtapos tayo ng pag-aaral at maging ligtas tayo sa buong oras na nasa ilalim tayo ng White Hall. Ang hinihingi ko lang ay ang tiwala niyo at kooperasyon."

Nasa ospital ako ngayon at totoong nahulog pala ako sa hagdanan kanina! Kainis naman! Akala ko ay panaginip ang lahat!

"Iintindihin ka namin, Boss. Pero sana intindihin mo rin kami kung hindi dali-daling mabubuo ang tiwala namin dahil mahirap pa rin talaga. Mahirap na magtiwala sa mga tao ngayon," rinig kong sabi ni Orion. Napansin kong nakaupo sila sa sofa ng kwarto ng ospital samantalang nakatayo si Boss at likuran niya ang nakikita ko ngayon.

"Pero ang nakapagtataka lang kung paano nahulog si Bloom sa hagdanan?" tanong ni Heroic kaya marahan akong napalunok. Naramdaman kong lilingon si Boss sa akin kaya agad akong pumikit para magpanggap na tulog pa.

"As soon as we arrived home, she went to the second floor while calling your name, looking for you all." Oo, sinisigaw ko ang pangalan ni Heroic pagkarating namin. Since wala akong natanggap na response, tinawag ko rin ang iba. "But no one answered and she ran again while going down the stairs. Nakarinig na lang ako ng kalabog at nakita siyang nasa sahig."

Mariin akong napapikit. Nakakainis naman! Nakakahiya naman! Akala ko naman ay maayos ang lahat.

Dahil sa amoy ng mga gamot dito sa hinihigaan ko, dinalawan naman ako ng antok at natuluyan sa pagtulog. Wala na talaga akong balak matulog kaso hindi ko napigilan ang sarili ko.

Nagising na lang ulit ako sa pagsara ng pintuan.

Kumpara kanina, medyo madilim na sa loob dahil nakapatay na ang ibang ilaw. Tahimik na rin doon at una kong napansin si Heroic na nasa tabi ko at natutulog. Habang nakasandal ang ulo sa bisig niya.

Napangiti ako at sinuklay ang buhok niya. Akala ko malalim na masyado ang tulog niya pero gumalaw siya at agad napadilat. Naabutan na niya akong gising kaya napaayos siya ng upo.

"May masakit ba sa'yo?" tanong niya habang pinupunasan ang sentido niya.

Natahimik ako saglit para pakiramdaman ang buong katawan ko. "Medyo masakit ang balikat ko. Naninigas ang sakong ko pero ayos na ako," sagot ko kaya nakahinga siya nang maluwag.

Kaloka, hindi nga ako natapilok sa lakad namin ni Boss sa kadiliman pero nahulog naman ako sa hagdanan. Magaling!

Nilapat niya ang hintuturo niya sa noo ko. "Sa susunod kasi, tumingin sa hagdanan," paalala niya.

"Nasaan ka ba?" tanong ko.

"Nasa backyard kami, nagluluto ng barbecue. Tapos makikilala pa namin si Boss na natataranta habang humihingi ng tulong sa amin." Mahina siyang tumawa kaya napanguso ako. Pero mabuti na lang talaga ay tinupad nila ang pangako nila sa akin.

Magtatanong sana ako kaso nagsalita ulit siya, "Ngayon, alam ko na kung bakit ganoon kalaki ang tiwala mo kay Boss." Mahina siyang natawa at napailing. "Sobrang bait, ampotek. Ang bait-bait."

Doon din ako natawa at napatango nang maraming beses. May gusto sana akong sabihin tungkol sa Meritown na binisita namin ni Boss pero agad akong napatingin sa bumangon mula sa sofa. Doon pala natutulog ang anak ko.

"Ma!" tawag niya at agad bumangon. Andoon din pala si Clark na nakahiga sa kabilang sofa na may suot pa na eyemask.

Kumaway ako sa kanila kaya agad silang bumangon para lapitan ako.

"Are you okay?" tanong ni Clark kaya napangiti ako.

"Gusto ko ng Burger Steak," sabi ko nalang kaya napabuga sila ng tawa.

"Eh 'di sana sinabihan sila Boss, Forsythe at Danger na kalalabas pa lang ng kwarto para bumili ng dinner." Napailing si Heroic. "Tagal mo kasing nagising." At ako pa ang sinisi!

"Sorry naman ah?" sarcastic kong sabi kaya muli silang natawa.

"Sige." Tumayo si Heroic at kinuha ang phone niyang nakapatong sa lamesa. "Baka hindi pa nakakalayo 'yung tatlo."

"Huwag na, huy!" pagpipigil ko kay Heroic nang palabas na siya. "Joke lang 'yun! Heroic!" Kaso tuluyan na siyang lumabas kaya napasapo ako ng noo.

Biglang tumawa si Lawron. "Mukha tuloy boyfriend mo siya."

Napakunot ang noo ko sa kaniya. Jusko naman, Anak!

"Sorry, pero si Boss ang gusto ko para kay Bloom," singit ni Clark kaya nanlaki ang mga mata ko. Ginawa ko ang lahat para ibaling sa iba ang iniisip ko dahil nararamdaman ko na ang pagmula ng mukha ko.

"Mabait naman si Boss pero bagay si Heroic at si Ma. Para ngang mag-asawa na sila." Bigla ba naman silang nakipagtalo sa isa't-isa.

"Mas bagay sila Boss at Bloom! Tapos ang love team nila, Blossom!" pakikipaglaban ni Clark kaya nasamid ako sa hanging hinihinga ko. Hindi ko 'yun ineexpect! "Eh sila ni Heroic? Bloic?"

"Nagkakatuluyan ang mga unique!"

Ayaw ko na! My goodness!

"Sige, pustahan tayo!"

Sisingit sana ako sa pakikipagtalo nila kaso pumayag naman si Lawron na hindi nagdadalawang-isip. "Sige!"

Wala na. Para akong manikang bumagsak ang katawan sa higaan. Tama bang pagpustahan ako kung sino ang makakatuluyan ko? Ni wala nga iyon sa utak ko!

"Anong pustahang pinagsasabi niyo?" Dumating na si Orion sa kwarto at nakahinga ako nang maluwag. Sana naman ipatanggol niya ako!

"Nagpupusta kami kung sino ang makakatuluyan ni Bloom," diretsong sagot ni Clark. Hindi nga ako makasingit sa pinagsasabi nila kaya napapakamot nalang ako sa sentido ko.

"Eh sino ang pinusta niyo?" Napakunot ang noo ko kay Orion dahil mukhang may balak pang sumali sa pustahan.

"Sa kaniya si Heroic, sa akin naman si Boss. Pupusta ka rin?" tanong ni Clark.

"Kay Forsythe ako," ngising sagot ni Orion kaya tuluyan kong tinakpan ang mukha ko.

"Okay, that's odd," sabi ni Clark sa gitna ng awkward niyang tawa. Actually, same. Ni hindi ko pa nga nakakausap si Forysthe.

"Tapos si Danger ang makakatuluyan ni Ma," sabi ni Lawron at tumawa sila nang malakas.

"Maraming babae 'yung si Danger. Malandi eh." Gusto kong sumang-ayon sa sinabi ni Orion na malandi 'yung pahamak na iyo pero nagulat ako na marami palang babae 'yun. Gwapo rin naman si Danger at maraming sinasabi kay hindi nakapagtataka na maraming nabingwit.

"Teka nga," pagpupumigil ko kasi pati rin ako, napapaisip sa mga sinasabi nila. "Ang lakas naman ng loob niyong magpustahan sa lovelife ko sa mismong harapan ko?" matigas kong dagdag.

"Perks of being the only girl in this group." Clark shrugged.

"Atsaka, Ma, para makapaghandaan ang future!"

Napakamot ako nang mariin sa batok ko. "Guys," seryoso kong tawag. "Hindi ko ineexpect at hindi ako nahahanap ng lovelife. Sana nagbibiro lang kayo sa pinagpupusta niyo dahil ayaw kong may mailang o may mangyaring ayaw ko. Kaya sana, hindi kayo seryoso sa mga pinag-uusapan niyo."

Tumawa naman sila. Mukhang hindi pa seseryosohin ang sinabi ko.

"Chillax, Bloom. Walang maiilang kasi hindi 'yun matutuloy," sabi ni Orion kaya naningkit ang mga mata ko. Bihira kong makita silang tumawa nang sabay. Napaisip tuloy ako kung may nangyari ba sa kanila habang wala kami ni Boss sa bahay.

"May nangyari ba habang wala ako? Kasi ang pagkakaalam ko, hindi pa ako nawala ng dalawang araw," pagpapalalala ko sa sarili ko pati na rin sa kanila. Parang ang bilis din naman nilang maging close.

"Paano kung ibalik namin ang tanong sa'yo? May nangyari ba sa inyo ni Boss?" tanong pabalik ni Orion kaya natahimik ako. Naalala ko na naman doon sa Meritown!

"Jennifer! Huhuhu!"

I've been saved by Danger! Sa buong buhay ko, ngayon lang ako magpapasalamat sa'yo!

Pagkapasok ni Danger ay agad ko rin namang nakita si Boss napasara ng pintuan. Naalala ko na naman ang nangyari sa Meritown. Paulit-ulit. Parang ayaw mawala. Para ngang maiihi pa ako sa sobrang kaba.

"Okay ka lang ba? Ayos ka lang ba? Healthy ba ang bata?"

Sinabunutan ko siya. Pero hindi naman ganoon kasakit. Nakakaloka talaga 'tong pahamak na 'to. Kaso mabuti na lang na hindi ako nakasagot sa tanong ni Orion. Pakiramdam ko talaga, hindi na ako makakaisip ng sagot sa sobrang pagpapanic ko. Ngayon lang nagsink-in sa akin ang lahat ng kahihiyan ko na nahulog ako sa hagdanan. Ewan ko ba kung bakit masyado akong naconscious sa sarili ko.

"Miss you too!" sigaw niya kaya mahina siyang binatukan ni Heroic na may bitbit na palang pagkain.

Hindi ko namamalayan na sabay-sabay na kaming kumakain sa kwarto ng ospital. Si Danger at Heroic ay nakaupo sa higaan ko samantala ang iba ay nakatayo o nakasandal sa dingding. Hindi ko nga namamalayan na hindi ko nagagalaw ang kinakain ko dahil pinagmamasdan ko silang nakikinig sa kwento ni Danger at nagtatawanan. Saka ko lang naalala na hindi na ako nakakakain dahil sinusulyapan ako ni Heroic.

"Wala ka bang gana?" tanong niya kaya napatingin silang lahat sa akin.

Nagmadali akong sumubo sa nakahandang pagkain para wala na silang masabi. Para kasing naooverwhelm ako aa pinapanood ko ngayon. Nagflashback pa sa isipan ko ang oras na nagsisigawan sila sa sala, halos magsuntukan pa at ang init agad ng dugo nila sa isa't-isa.

Ngayon... parang walang nangyari.

Gusto kong magtanong kung anong nangyari habang wala ako. Gusto kong magreklamo dahil hindi ko man lang nasaksihan ang nangyari bago itong nakikita ko ngayon.

"Ayos lang. Pwedeng humingi ng tubig?" Mas mabuting hindi ko nalang ibring-up iyon sa ngayon at namnamin ang bawat segundo na hindi ko inaakalang makikita ko ngayon.

Nagulat ako nang tumayo si Forsythe at siya mismo ang kumuha ng maiinom ko. Bigla tuloy akong nasusuka dahil sa sobrang nararamdaman ko. Wala siyang sinabi at inabot lang sa akin ang baso.

Kahit nanginginig, tinanggap ko iyon at nagpasalamat. Bago pa lumapat ang labi ko sa baso, nakita kong nagpipigil-tawa si Orion. Tinatakpan pa niya ang pagkagat niya ng labi sa hawak niyang fried chicken. Dahil alam din nila Clark at Lawron, halatang nadismaya pa sila.

Lumutang pa rin ang utak ko kahit saan. Ayaw ko na mag-isip ng kung ano. Ibabalik ko ang iniisip ko kanina.

"Paano pala ang bayarin dito?" tanong bigla ni Heroic nang inaayos niya ang hihigaan ko. Tapos na kaming kumain at kasalukuyang inaayos ang matutulugan namin. Si Danger, nakatulog na sa paanan ko habang nakaupo siya upuan. Mukhang sa kabila ko matutulog si Heroic na ganoon din ang posisyon. Si Fosythe ay nakaupo lang, nakaekis ang mga bisig at nakasandal sa dingding. Si Lawron, Clark at Orion ay may kaniya-kaniyang pwesto sa sofa. Si Boss naman ay nakatayo pa.

"Ako na ang bahala," sagot niya kay Heroic kaya napatango kami. Wala rin naman akong pera pambayad. "Pahinga na kayo. Malapit na ang meeting natin sa White Hall."

Napatango si Heroic. Kumpara noon, hindi na kami ganoong takot tungkol doon. Dahil siguro, kumpleto na kami.

Kusang pumikit ang mga mata ko. Hindi ko talaga alam kung gaano kalaki ang saya ko ngayon. Nakakalimutan ko nalang bigla 'yung sakit ng paa ko.

"Bloom," may narinig akong mahinang pagtawag sa akin. Akala ko, nananaginip lang ako kaya hinayaan ko lang muna kaso may naramdaman na akong daliri sa noo ko.

Dahan-dahan akong napadilat at unang napunta ang tingin ko kay Heroic na gising pa pala.

"Paano kayo nagkabati-bati? Nawala lang ako tapos nagtatawanan na kayo ngayon," bulong ko agad dahil baka magising ang ibang natutulog na. Gusto ko talagang itanong iyon dahil hindi pa rin ako makapaniwala.

"Mukhang hindi sila pwedeng pagkatiwalaan sa unang tingin. Nagtaka nga rin ako na walang umalis. Dahil siguro, nangako sila sa'yo," bulong niya pabalik kaya natahimik ako.

Para akong naiiyak dahil natouch ako masyado sa kanila.

"Anong nangyari sa inyo habang wala ako?" mahinang tanong ko.

"Noong una, sobrang tahimik sa bahay. Siyempre, kahit gusto ko ng katahimikan minsan pero weird lang na naiinis ako na mag-isa lang ako kaya nagluto ako sa labas ng barbecue. Nagutom naman sila kaya wala silang choice na kumain. Madaldal lang talaga si Danger kaya napagsalita niya ang iba," bulong pa rin niya.

Mahina akong natawa dahil nagbubulungan lang kami. Tumunog ang pintuan kaya hindi ako nakapagtanong ulit.

"Hindi pa kayo tulog?"

Agad akong napatingin kay Boss na kapapasok palang sa kwarto. Parang nagblangko nalang bigla ang utak ko dahil sa kaniya. May hawak siyang laptop at may suot na salamin.

"May utang pa kasi ako kay Bloom," sabi ni Heroic at inayos ang upo niya.

Napakunot naman ako ng noo. "Ano naman?"

Dinampi niya ang labi niya sa palad niya at tinapat sa noo ko. Napaawang bigla ang labi ko nang maalala kung anong ginawa ko sa kaniya bago ako umalis sa bahay. Dahil sa gulat, nawala ako saglit sa katinuan. Ginulo ni Heroic ang buhok ko. Saka ako pasimpleng tumingin kay Boss. Kitang-kita niya ang ginawa sa akin ni Heroic.

Wala siyang reaksyon noong una pero bigla nalang siyang nakawala ng mahinang tawa.

"Cute niyo," sabi niya.

Dumeretso na siya sa bakanteng pwesto sa sofa at may binasa sa laptop niya. Hindi ko na lang pinansin kahit parang ang gulo ng nararamdaman ko. Parang hindi kami nagkasama bago kami napunta rito.

"Tulog ka na. Pahinga na." Tinapik ni Heroic ang tuktok ng ulo ko kaya sumunod nalang ako.

Inayos ko ang higa ko at pumikit. Sinubukan ko talagang matulog pero hindi na ako muling dinalawan ng antok.

Akala ko, ganun na talaga pero parang pabigat na ang mga mata ko. Bago pa tuluyang sumara ang mga mata ko, naalala ko bigla ang relo na binigay sa akin ni Boss. Unti-unti akong napadilat at tiningnan ang mesa sa tabi ng hinihigaan ko. May maliit na basket kung saan nakalagay ang phone, wallet at relo na nakapatong doon. Nakahinga ako nang maluwag.

Lahat ng tao rito ay tulog na maliban sa amin ni Boss. Palihim ko lang siyang pinapanood sa pwesto niya. Mukhang nag-aaral siya. Sa ganitong oras?

Nakapatong ang laptop niya sa mesa roon at nakapatong ang magkabilang siko niya sa mga tuhod niya. Hinihimas niya ang panga niya habang taimtim na binabasa ang nasa screen ng laptop niya.

Hindi ba siya matutulog?

Napaiwas siya ng tingin at napasandal sa sandalan. Parang iba na ang iniisip niya. Gusto ko sana siyang kausapin kaso pinigilan ko ang sarili ko. Mas mabuti nalang siguro na magpanggap na walang nangyari. Isasantabi ko ang lahat ng ito dahil wala naman din 'to sa plano ko.

Napapikit na ako at pilit ibalik ang antok ko. Ngunit, napadilat ulit ako para tingnan ang binigay niyang relo sa akin.

Naalala ko naman ang mga oras na kasama ko siya. Parang bumalik lang lahat sa isipan ko ang mga tawa, kwento at segundo kanina. Pati na rin ang pagturo sa akin kung paano magbasa sa orasan. 

Uhm... 4:58 AM na pala.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com