Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 13

The moon and stars shine in the night sky. The road is clean. It looks like the streetlights were like newly bought. The stores are old but its being vintage gives too much nostalgia. Meritown has no one but it feels so alive with the lights and its cleanliness. It looks like a peaceful town. I haven't been here but it really feels like home.

"How can people abandon this beautiful town?" I asked Boss, who is currently driving a blue vintage convertible car.

Tinaas ko ang mga kamay ko para salubungin ang hangin na dumadampi sa mukha ko.

"They're too busy at Nodawn," Boss answered.

Oo nga pala. Ngayon ko lang ulit naalala.

Pinanood ko ang mga dinadaanan naming saradong tindahan. Nakapagtataka lang na bakit bukas ang streetlights. Sobrang liwanag pa. Pero hindi na ako nagreklamo dahil ang ganda pagmasadan ang dinadaanan namin ngayon.

"Bakit may ilaw dito? May source o electricity dito?" tanong ko ulit. Napakatahimik dito pero sa mga ilaw, mapagkakamalan kong may mga tao rito na hindi nagpapakita sa amin ngayon.

"We installed a set of solar panel long time ago. Akala ko nga hindi na gagana dahil kinailangan kong tanggalin muna. Ngayon lang din ako nakapunta ulit dito, Mabuti na lang, gumana pa."

Nagdadalawang-isip akong tingnan si Boss. Nakakaintriga kasing tanungin kung sino ang sinasabi niya sa we. Naiisip ko 'yung nakasama niya sa picture na nakita. Baka naman sister niya 'di ba? Bakit ayaw kong mag-isip ng iba?

Napatingin ako kay Boss na seryosong nagmamaneho sa tahimik na daan.

How can he be this attractive?

He's wearing a blue hoodie with a cartoon print in front. He's also wearing a dirty white shorts matching his white rubber shoes. His black hair suits him the most. 

How? 

How does he look like this?

He's so fine.

"Do you want to open the player? I have cassettes here," sabi niya at kinatok ang compartment na nasa harapan ko.

Para mabawas ang katahimikan, binuksan ko ang compartment ng sasakyan at bumungad sa akin ang tapes. Nakakabighani kung gaano ka-classic si Boss. Kumuha na lang ako kung anong makukuha ko at binigay sa kaniya. Hindi ko kasi alam kung ano ang magandang pakinggan kahit alam ko namang magaganda ang mga kanta rito. Baka hindi ko lang talaga alam kung ano uunahin ko.

"Hmmm, Tracy Chapman."

Hindi ko kilala kung kaninong kanta ang nakuha ko. Nakakainis lang na hindi ako makapagsalita tungkol sa nangyayari ngayon dahil natatakot ako kung makapagsalita ako na hindi siya sumasang-ayon dahil gusto ko lang na may masabi ako ngayon.

Pinanood kong pinasok ni Boss ang tape sa player. Pagkatapos pindutin ang play, ilang minuto pa rin ay hindi pa ito tumutunog. Nagkatinginan pa kami dahil wala pang lumalabas na tugtog. Siguro, we anticipated it that much kaya nagkasalubong ang tingin namin.

"Luma na kasi 'yung sasakyan na 'to. Kailangan pa palang paluin para gumana," sabi ni Boss.

"Ako na lang papalo," alok ko para may ambag ako. Papaluin ko sana ang gilid ng player pero hinawakan agad ni Boss ang kamay ko. Nanlamig tuloy ako.

"Matigas 'yan masyado. Baka sumakit pa ang kamay mo."

Siya na ang nagpalo ng player pero ito pa ako, hindi makamove-on sa hawak niya sa akin. Huminga ako nang maalim at tinago ang kamay ko.

Malakas niyang pinalo ang cassette player. Nagulat ako dahil kung ako nagpalo nang ganung kalakas, sobrang sakit nun! Pero walang reaksyon si Boss hanggang sa nagsimula na ang tugtog. Ang lakas naman niya! Siguro, magaling siyang makipaglaban.

Tiningnan ko si Boss. Seryoso pa rin siyang nakatingin sa daanan. Hindi nagtagal, winakli niya ang kamay niya. "Sakit.." natatawa niyang bulong.

Tumawa ako dahil mukhang mali ako sa naging expectation ko sa kaniya. Kaso muli akong natawa dahil ang cute niya.

"Patingin kamay mo," sabi ko. Baka kasi masyado siyang nasaktan.

Pinakita naman niya ang kamay niya at medyo namumula lang. Tatanungin ko sana kung saan banda ang masakit kaso nagsalita na siya, "Hindi naman ganoong kasakit."

Napatango ako. Nadistract naman din ako ng kantang tumutugtog ngayon. Parang naggigitara ang singer at nakaramdam ako ng kakaibang comfort mula rito. Mukhang napansin naman ni Boss ang naging reaksyon ko.

"Fast Car," sabi niya. Iyon ata ang pamagat ng kanta. "My Papa used to play this when I was young. He loved listening to these kinds of music. Napamahal na rin ako."

"Ganda ng music taste," bulong ko.

He nodded with pursed lips. "Sabi pa nila na parang carbon copy niya ako." He laughed.

Napatango rin ako. "Gwapo naman pala ng Papa mo."

Napasulyap siya muna sa akin at natawa na naman. Argh! Huwag kang tumawa, Boss! Mas lalo kang nagiging cute!

"Pa!" sigaw niya. "Gwapo raw tayo sabi ni Bloom!"

Nanlaki ang mga mata ko. Inangat niya ang mukha sa langit habang sinigaw iyon. Ibig niyang sabihin... "I'm sorry," bulong ko.

Ngumiti siya. "Ang mahalaga, hindi na siya nahihirapan at wala siya sa Nodawn. He's too kind to live there."

Nanuyo ang lalamunan ko. Gusto kong magjoke para ipagaan ang nararamdaman niya kaso wala akong maisip!

"You okay?" tanong niya nang mapansin nanahimik ako saglit.

"Your Papa must be the best," I whispered.

He chuckled. "Yeah."

Tumahimik saglit kaya tinitigan ko si Boss. Bahala siyang malusaw. Kasalanan niya na cute siya.

"You can drive a car," pagbubukas ko ng topic. Napansin kong umiikot pala kami sa Meritown. Hindi naman ako magrereklamo dahil para ngang nagroroadtrip kami.

"Hindi na rin ako sanay. Napipihit ko pa ang manibel na parang motor." Tumawa kami.

"Can you teach me how to drive?" I asked unconsciously. Natauhan din naman ako pero wala akong balak bawiin iyon.

"I know how to drive but I'm not that good." Hinigop niya ang hangin bago napakagat ng labi. "You can ask Danger. He's good at driving."

Napakunot ako ng noo. Kilala na niya si Danger? Hindi ko nga sila nakitang nag-usap nang matino!

"Paano mo nalaman? Magkakilala na kayo?" tanong ko.

"No. But I know you all."

Huh?

"Danger is a 1st-year-Mechanical Engineering student. He's the son of the Former Mayor Rose. Even he's fond of illegal racing at Noground, he has clean records. He's a quick thinker, a smart player, and a fast racer." Nanlaki ang mga mata ko na ganoon niya kakilala si Danger?

"Clark is a freshman from the Business Management department. He's good at guns. He's also good at shooting. He's a social one. He has good communication skills. I know that he's the friendly one. But I saw the fight last time."

"You..." Narinig ba niya ang mga usapan namin? Lalo na 'yung nagbulungan kami dahil pinagdududahan nila si Boss?

"Orion, also a freshman student of Architecture is the creative one. I saw him once in art museums, selling his painting. Kaso hindi nila binili." Magbibigay sana ako ng reaksyon kaso nagdugtong na siya. "Lawron from BS Accounting, has the special vibe that you can't explain. Noong binabasa ko ang biodata niyo, nalaman ko na deserve niyang makapagtapos ng pag-aaral kasi magaling siyang estudyante."

Napangiti ako. Anak ko 'yon!

"Heroic, Bachelor of Early Childhood Education..."

"Is the best human I've ever met," ako nagdugtong. "Since una ko siyang naencounter, ang gaan ng loob ko sa kaniya. Actually, wala pa akong nakokonsidera na kaibigan ko noon but after meeting him? I'm really really reaaaallyyy..." napahaba pa ang salita ko. "... thankful na kaibigan ko siya."

Dahan-dahang napasulyap sa akin si Boss at napangiti. "I'm glad that you're friends with him. Dati, nakita ko siyang tinutulungan ang janitor ng Nodawn University dahil may mga pasaway na pinagtitripan ang janitor."

"Huuuh?" galit kong reaksyon. Grabe 'yun sila ah! Pero proud ako sa ginawa ni Roic!

"Are you intimadated by Forsythe?" tanong niya bigla. Tumango agad ako. Oo naman 'no! Siya ang tahimik na nakakaintimidate nang sobra. Hindi ko pa nga ata siya naririnig na magsalita. Nakakcurious din ako sa kaniya.

"Feeling ko, hinuhusgahan na niya ang buong pagkatao namin," I said.

Natawa naman siya. "Forsythe Mendez, freshman of Physical Education. He's good at everything."

"Everything," pag-uulit ko.

Tumango naman siya. "He's good at fights. He knows a lot of martial arts."

"Halata sa katawan niya.." bulong ko. Napaiwas ako ng tingin. Kilala na pala ni Boss. "Paano mo sila nakilala nang ganun?" I asked.

"Hindi mo itatanong kung gaano kita kilala?" he asked instead. Natahimik tuloy ako at binalik ang tingin sa kaniya.

"I know... not that much. Just the things I saw in your bidata."

I remembered when I thought that he's not interested in me. Iyon pala, alam na niya kung anong meron sa akin. I wanted to ask kung gaano niya ako kilala. Nacoconscious naman ako.

Nakita kong napakamot ng kilay si Boss. Parang hindi na siya makapagsalita. Well, pati rin ako. Hindi ko kayang magsalita ngayon. Parang nalunok ko na ang dila ko.

"Anong oras na?" tanong niya bigla sa kalagitnaan ng katahimikang naiambag naming dalawa kanina.

Narealize kong naiwan ko ang phone at wallet ko sa treehouse kaya literal akong napasapo ng noo.

"Can you check it for me?" Inabot niya sa akin ang pulso niya kung nasaan ang relo niya dahi hindi niya maalis ang tingin niya sa daanan.

Napalunok ako at tiningnan ang relo niya. Shit! Ito na nga ang kahinaan ko! Puro linya ang nakikita ko!

Napansin niya na natagalan ako sa pagbasa. kaya saglit siyang napatingin sa akin. "So I conclude that my assumption was correct," he said.

"Huh?"

"Hindi mo prefer tumingin sa mga relo."

Napakunot ang noo ko. Paano niya nalaman 'yun?

"Paano mo nalaman?"

Binawi niya ang kamay niya at lumiko para magpark.

"Napapansin kong palagi kang tumitingin sa phone mo para tingnan ang oras bago pumasok sa mga klase mo."

Napaawang ang labi ko. Napapansin niya 'yun? Ni hindi ko ng napapansin sa sarili ko na ganun ang ginagawa ko! Pero kailan pa niya ako napapansin?

Sinalubong ni Boss ang tingin ko. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko.

"Uhm.." Napaiwas siya ng tingin. "Nakikita na kita dati."

Napakunot ang noo ko, hinhintay ang mga susunod niyang sasabihin. Mukha tuloy siyang nabisto sa kilo na pinapakita na niya sa akin.

"Not that much, Bloom. Not that much," pag-uulit niya.

Napabuga ako ng tawa. "Not that much, ha? Hindi na ako magugulat kung alam mo ang favorite color ko," sabi ko.

Napabuga rin siya ng tawa na parang ginaya ako habang tinatanggal ang seatbelt niya. "Hindi ba halatang mahilig ka sa light colors?"

Natigilan ako at tinuro siya. Natigilan din siya sa ginagawa niya at napatingin sa akin. Nanlaki rin ang mga mata niya sa sinagot niya. "I mean, halata naman sa suot mo! Pati rin color ng phone mo ay white!" depensa niya agad.

Mas lalong naningkit ang mga mata ko. Now, this is one of the right timings to tease Boss. "Ikaw, Boss ah. You're observing too much." Tumawa ako. "Kung tanungin ko si Heroic or si Danger, baka matagalan pa habang tinitingan ang mga gamit ko. Tapos ang magiging sagot nila ay ang importante ay buhay, ganun." Napakibit-balikat ako.

Mas lalo siyang natawa. "Ano naman ang favorite color ko?"

"Blue!" I answered with full of confidence. Halata naman sa mga gamit, scooter, sasakyan at kahit sa suot niya ngayon.

"You also observed too much, Jinx," pang-asar niya kaya tumawa ako nang malakas.

"Hindi halata sa mga gamit mo na blue, Stalwart," pag-aasar ko pabalik. Nakuha ko ang pag-atake niya kaya siya naman itong natawa. I can't believe na nagamit ko ang first name niya!

"Baba na. May pupuntahan tayo."

Sumunod na lang din ako habang pinipigilan ang tawa ko. Kaso nang napatingin ako sa daanan na madilim, may pumasok sa utak ko. What if sa sobrang pag-o-observe ni Boss ay mapansin niya rin ang nararamdaman ko?

"You're afraid of the dark?" tanong niya nang mapansin nakatitig ako sa daanan.

"Diyan tayo dadaan?" tanong ko. Tama. Mas mabuting takpan ang iba kong iniisip. Baka madapa ako o ano. Hindi kasi ako sanay sa mga ganito! Wala ba kahit maliit na flashlight? O hindi kaya hindi ba niya pwedeng buksan ang headlights ng sasakyan par may ilaw kami?

"Oo. Actually, hahanapin ko pa ang switch para buksan ang streetlight dito."

"Oh..kay," I whispered.

Nagsimula na kaming maglakad. Padilim nang padilim ang dinadaanan namin. Sanay ako sa liwanag kaya hindi ako sanay sa dilim.

"Aray!" Muntikan na akong madapa. Mabuti nalang ay napakiramdaman kong anytime ay matatapilok ako sa daraanan namin.

"You okay?"

If you look closely, it wasn't that dark after all. The moon still shines and I can see the feature of Boss. I still can see his eyes, looking at me.

"Yas, I'm okay." Pinatuloy ko ang paglalakad kaso agad niyang hinarang ang dadanan ko kaya medyo nabangga ako sa dibdib niya.

"Hold my hand."

Napatingin ako sa inaalok niyang kamay. Para na akong nabibingi sa lakas ng tibok ng puso ko. Naririnig kaya niya? O nababasa na naman niya ang reaksyon ko?

"It's okay, Boss," mahina kong sabi.

Tama, I need to say no. Kaya ko naman eh. Everything happened a while ago is too much. I don't want to risk myself again to Boss. Masyado na kasi akong apektado sa kaniya! If I can't control everything I feel, pwes, ako mag-aadjust! Ako lang naman ang nagbibigay ng something. Malay ko bang ganito lang talaga si Boss, 'di ba?

"Ano? I didn't hear you."

Shet.

"Is it okay?"

Okay.

I stared at his hand for too long! Parang... gusto kong hawakan ulit.

Shet ulit. Delikado na.

Hinawakan niya ang kamay ko at inalalayan sa paglalakad. Mabuti na lang, madilim kaya hindi niya makita ang dismayang nakapinta sa mukha ko. I can't believe you, Bloom Jinx Marcues! Matapos kang makipagdebate sa sarili mo ay bibigay ka nang ganun-ganun lang?

"Malapit na tayo."

Ako lang ba talaga ang nanlalamig pero ang lamig din ng kamay ni Boss. Nakakainis lang dahil parang sinasaulo ko ang structure ng kamay niya! Parang pinapakiramdaman ko ang bawat buto niya. Nakapagtataka lang kung bakit ang lambot pa rin ng kamay niya kahit nararamdaman ng dulo ng mga daliri ko ang mga ugat sa kamao niya.

"Stay here."

I feel empty when he let go of my hand. Doon din ako nakahinga nang naramdaman kong naglakad na siya palayo sa akin. Bakit ganun? Patagal nang patagal ay hindi ko na matukoy ang nararamdaman ko.

Napabuntong-hininga ako. Parang hindi na talaga 'to maganda.

Naningkit ang mga mata ko nang biglang bumukas ang nag-iisang streetlight doon. Nakita ko rin si Boss na naglalakad palapit sa akin.

"Halika na."

Ilang metro pa ang nilakad namin kung saanman. Magtatanong sana ako kay Boss kung saan ba niya talaga ako dadalhin pero nakikita ko ang isang abandonadong theater.

"Ganda.." bulong ko habang pinagmamasdan ang loob ng theater. Akala ko noong una ay walang bubong sa itaas pero napagtanto kong salamin ang nasa itaas kaya kitang-kita ang mga patay na sanga ng puno sa labas at ang ganda ng langit.

Hindi pa ako nakapagsasalita at nakatingin pa rin sa paligid ko. Sobrang luma na ng loob nito pero ang tibay pa rin. Pati ang stage sa harapan ay kumpleto pa.

Umupo na ako sa tabi ni Boss na kasalukuyang nakatingin sa relo niya. Napasulyap ako sa kaniya saka niya sinalubong ang tingin ko kaya hindi ko na ito nagawang bawiin.

"Give me your hand."

Binigay ko sa kaniya ang kamay ko at nilapit niya ito sa harapan niya. Nanlaki bigla ang mga mata ko nang hinubad niya ang relo at sinuot sa pulso ko.

"Boss.." tawag ko pero seryoso niyang sinusuot ang relo niya sa akin.

Hindi pa niya ako tinitingnan pero mas inuna niyang iharap sa akin ang relong sinuot niya. Tinuro niya ang ga linyang nandoon. "Nakakakita ka ng malalaking orasan 'di ba? Walang numero sa relo ko pero para masanay ka, ibibigay ko sa'yo 'to."

"Huh?" kunot noo kong reaksyon.

"'Yung linya sa ibabaw, 12. Across 12 ay 6." Tinuro niya ang nasa baba. "Left to right ay 9 and 3. Between 12 and 3 are 1 and 2 and same goes for the other numbers between the number that can be divide by 3."

"Wala akong maintindihan.."

Napatingin siya sa akin bago napabuga siya ng tawa. Muli niyang hinawakan ang pulso ko at tinuruan na naman ako. "Try mong basahin ulit ang oras ngayon," sabi niya kaya napressure ako.

Hindi naman sa hindi ko alam ang mga relo pero nalilito talaga ako! Lalo na't walang mga numero! Pwede naman akong tumingin sa mga digital clock para madali, 'di ba?

Inalala ko ang sinabi ni Boss tungkol sa tuktok ng relo na 12. Binilang ko ang mga naglalakihang linya hanggang napatigil ako kung saan nakaturo ang maikling kamay. "8:20 PM," sagot ko nang nagets ko na kung paano magbasa nito.

"Good." Napatango si Boss.

Hindi ko napigilang mapangiti. "My Mom and Dad used to have digital clocks since it was easier to read. So I was used to check my phone when I want to know what the time is." Pinagmasdan ko ang relo niyang binigay sa akin. Sa akin na talaga 'to?

"Thank you," I whispered. This really meant a lot for me.

"No. Thank you," sabi niya kaya napatingin ako sa kaniya. "Thank you for trusting me."

Nagblangko saglit ang utak ko. Hindi na rin ako nakpagsalita dahil mas pinili kong pakinggan ang mga susunod niyang sabihin.

"I started doubting all the responsibilities I have. I actually don't want any of this. Siguro, napilitan nga talaga ako. Ayaw kong tumigil din sa pag-aaral kaya pumayag din akong magpaalila sa White Hall." Napabuntong-hininga siya at napatingin sa langit. "I was close to running away. Tama nga si Heroic, gusto ko talagang umalis. Kaso habang naghihintay ako rito, napapaisip kong hindi habang buhay ay dapat dumepende ako sa isang tao na inaasahan kong kukunin ako para umalis dito."

Napakunot ang noo ko. Sino ang sinasbihan niya?

"Kung hindi ka sanay na tumingin sa orasan na walang mga numero, hindi rin ako sanay na may mga responsibilidad akong dapat na unahin. Nasanay kasi ako na wala ako masyadong iniintindi. Mukhang hindi ko kayang hawakan ang iba't-ibang ugali ng mga tao lalo na't hindi ko kilala."

"Boss.." tawag ko.

"Pero okay na ako ngayon. Handa na ako. Kaso noong binalak nilang umalis, nadismaya ako sa sarili ko. Kaya nanatili na naman akong nasa boundary ng Nodawn para maghintay ng milagro." Tumawa siya. Masasalita sana ako kaso may dinagdag siya agad. "Salamat na hinanap mo ako, Bloom. Salamat din sa tiwala mo. Salamat din na nakuha mo ang mensahe ko sa kontrata na hindi ako kakampi ng White Hall."

"Boss," tawag ko ulit. "Sa totoo lang, hindi mo kailangang akuhin ang lahat ng aakuhin. Hindi mo rin kailangang ilagay ang lahat sa mga balikat mo. Hindi namin kailangan ng tagapagligtas at sasaluhin ang lahat. Kailangan namin ng taong gagabay at mamumuno sa amin. Hindi porket ikaw ang lider, sa'yo na ang lahat. We need someone to lead us. Since we were informed that in this group, there are 8 slots, hindi pa namin naramdaman na kumpleto kami dahil wala ka pa rin."

Napabuga siya ng hininga at napatango.

Huminga ako nang malalim at tinapik ang balikat niya. "You'll do good, Boss."

Napatango siya at saglit na napayuko. "Thank you."

At binalot kami ng katahimikan.

Nakatingin lang kami sa langit habang dinadamdam ang lamig na nagmumula sa labas. Medyo gubat na roon kaya ang sarap din sa pakiramdam na makarinig ng puno. Bihira lang ako makakita ng puno sa Nodawn.

Hindi ko namamalayan kung gaano na kami katagal na nakaupo roon. Napatingin na lang ulit ako kay Boss nang may inabot siya sa aking kahon ng gatas na nagmula sa bulsa niya.

Noong una, sobrang nagulat ako na meron pala siyang tinatago sa bulsa niya. Mukhang napansin niyang hindi ko pa ito kinukuha kaya pinanood ko siyang kinuha ang straw sa likuran nito at siya na mismong nagtusok sa ibabaw. Inabot niya ulit ito sa akin kaya dahan-dahan ko itong tinanggap.

"Gutom ka na ba?" tanong niya at tumayo na.

"Hindi naman masyado." Hindi ko rin maramdaman kung nagugutom na ba talaga ako o ano.

"Uwi na tayo," aya niya.

Sobrang gumaan ng pakiramdam ko at binalak kong tumayo sana sa kinauupuan ko. Kaso pag-inom ko sa gatas na binigay niya, naalala ko ang mga usapan kanina.

"Uhm.."

Napatigil siya sa paglalakad at napalingon sa akin. "Hmm?"

Napaiwas ako ng tingin. Bahala na.

"Sino ang tinutukoy mo na... nakakasama mo... rito..." Ako rin mismo ay naguguluhan sa tanong ko. matapos ang ilang minutong pagtataka ay mukhang nakuha niya ang tanong ko.

Napaayos siya ng tayo. Nakawala rin siya ng isang mahinahong ngiti.

Doon pumasok sa isipan ko ang babaeng kasama niya sa litrato, ang nagpakilala sa kaniya ng napakagandang lugar na 'to, ang kasama niya sa pagbigay liwanag dito, ang hinihintay niya sa boundary ng Nodawn.. at ang dahilan kung bakit nakawala siya ng isang napakagandang ngiti.

"Pristine Montes," sagot niya.

"Kaibigan mo?" tanong ko pa. Sige, itulak mo pa, Bloom.

Napatango siya kaya nakahinga ako nang maluwag. Kaso may idadagdag pa pala siya sa sagot niya. "And first love."

I nodded. "I see.."

Hindi na dapat ako nagtanong.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com