Chapter 12

"Saan ka papunta?" tanong ni Heroic nang nagmamadali akong lumabas ng banyo ko. Pinapatuyo ko pa ang buhok ko at hindi ko na namalayan na nabasa pala ang damit ko dahil hindi maayos ang pagpunas ko. Masyado na akong nagmamadali at wala na dapat akong inaaksayang oras.
"Nahanap ko na si Boss." Habang naglalagay ng belt sa pantalon ko, tiningnan ko ang screen ko. Hindi dapat ito malowbatt at hindi dapat ito sumara. May location na ako kung nasaan si Boss at nasa grocery store siya ngayon.
"Talaga? Gusto mo bang samahan kita?" tanong niya at sumisilip sa phone ko.
"Meron na akong number mo. Tawagan kita kapag nawala ako," sabi ko. Sinuklay ko ang buhok ko gamit ang mga daliri ko. Nakapants at white fitted shirt lang ako. "Babalik ako kasama si Boss, ha?" paalala ko at mahinang tinapik ang pisngi niya.
Nagmamadali akong kinuha ang wallet at ang phone ko. Nakuha ko na lang din ang pink cardigan na binigay sa akin ni Danger.
Pinapanood ko ang green indicator kung nasaan si Boss ngayon. Nang makita kong palabas na siya ng store kaya binilisan ko ang pagkilos ko.
"Huy! Mag-iingat ka!" pahabol ni Heroic. Hinabol pa ako hanggang gate kaya hinalikan ko ang palad ko saka dinampi ito sa pisngi niya.
"Yucks!" sigaw niya kaya tumawa ako nang malakas. Napatigil na siya sa paghahabol sa akin. "Nanghahalik!" sigaw niya ulit. Nanatili siyang nakatayo kung saan siya napatigil at pinanood akong tumakbo palayo.
"Kiss mo rin ako kapag nakauwi ako!" Kumaway ako at pinatuloy ang pagtakbo ko hanggang sa may maabutan ang taxi sa main road.
Kaso wala na si Boss sa store kaya hinintay ko kung saan siya titigil muna kasi baka maghabulan lang kami sa huli.
"Miss, saan?"
"Teka lang po, sir," sabi ko. Titig na titig ako sa phone ko kaya naweirduhan sa akin 'yung driver.
Nang tumigil si Boss sa Nodawn Terminal, sinabihan ko agad ang driver, "Sa Nodawn Terminal po."
Napapreno agad siya kaya nauntog ako sa front seat. "Sir naman!" reklamo ko. Biglaan naman pagpreno niya! Hindi man lang nag-inform!
"Pinagloloko mo ba ako?" galit niyang tanong kay nanlaki ang mga mata ko. Ngayon ko lang naalala na hindi na ginagamit ang Nodawn Terminal at isa na itong abandonadong lugar kasi pinagbabawal na ang pagbibiyahe palabas ng Nodawn. Bakit hindi ko naisip 'yun?
"Sir! Bilis! Babayaran naman po kita!"
Mabuti na lang tumigil ang green indicator at nagstop doon. Pakiramdam ko na pinaghahalaan ako ng driver kasi ang bagal-bagal magmaneho! Ngayon ko lang narealize na sobrang layo pa ata ng pupuntahan namin dahil sa dinadaanan namin ngayon, walang sasakyan o ano!
"Miss, sigurado ka talaga sa pupuntahan mo?" paninigurado ng driver nang nakikita na namin ang sirang sign ng terminal. Sasagutin ko sana siya pero napalundag ako nang wala na si Boss sa mismong terminal at nakita ko sa screen na papasok siya sa gubat.
"Baka mapahamak ka. Walang may alam kung sino ang mga nandiyan. Baka nga, walang katao-tao riyan." Medyo natakot ako sa pinagsasabi ni Manong Driver pero wala nang atrasan 'to. Tumigil na kami sa harapan ng walang katao-taong terminal. Ang mas nakakakilabot nga lang dito ay parang gigiba na ang mga pader dito.
Nagbayad na ako at hindi na nagreklamo si Manong. Agad naman siyang umalis habang nakatitig ako sa harapan ko ngayon. Medyo nagsisisi tuloy ako na tumuloy ako. Nang iniwan ako ng sinakyan kong taxi ay para akong nanlamig. Wala na talagang atrasan 'to. Ang dami kong iniisip pero pumapangibabaw sa akin na dapat sinama ko si Heroic. Atsaka sana legit itong binigay sa akin ni Jon.
Kung nasa isang horror film lang ako, nakakarinig na ako ng suspense background music habang nagtatagpo ang mga mahihinahon kong apak sa daanan. Sumasabay na rin ang kabog ng puso ko habang dumadaan sa likuran ng terminal. Nang makakita ako ng naglalakihang puno, mas lalo akong kinabahan.
Kung hindi ko na talaga kaya mag-isa, tatawagin ko si Heroic.
Sinundan ko ang map. Bahala na pero nag-iingat ako sa bawat hakbang ko. Malay ko bang may mga booby trap dito at maputol ang paa ko!
Masyadong malayo na si Boss kaya kung gaano ako nagmamadaling maglakad, ganoon din ako kaingat sa matatapakan ko. Dumidilim na rin ang dinadaanan ko dahil sa kapal ng mga dahon ng mga puno.
Sumigaw kaya ako para marinig ni Boss? Bakit kasi dito pa siya pumunta? May tinatago ba siyang bangkay dito? Huwag naman sana.
Tumigil si Boss sa paglalakad, ayon sa Macrofinder. Ilang kilometro pa raw siya sa akin kaya maingat akong gumagalaw.
Kaso nakarinig ako ng yapak sa paligid ko.
Napatigil ako sa paglalakad at tahimik na tiningnan ang paligid. Sinubukan kong huwag magpanic. Baka ako lang 'yun. Baka may naapakan lang akong mga maliliit na kahoy.
Pinatuloy ko ang paglalakad ko. Ano kayang ginagawa ni Boss kung saan siya ngayon? He's 532m far from where I am right now. Ang layo-layo pa pero tuwing tiningnan ko ang Macrofinder, parang ang lapit na.
Hindi ko na namamalayan na masyado na akong malayo sa main road.
Palayo ako nang palayo.
At doon ko na nararamdam ang takot.
Muli akong nakarinig ng yapak sa likuran ko kaya napatigil na naman ako sa paglalakad. Gusto ko na talagang maiyak dahil imposibleng si Boss 'yun. Sabi sa finder, nananatili si Boss mahigit 300m ang layo mula sa akin!
Nanatili akong nakatayo at binaba ang phone ko. Humihinga ako nang malalim. Saka tumitingin sa paligid ko. Magtatago ba ako? Baka nagkamaling dinig na naman ako?
Ni hindi ko man lang alam manuntok. O hindi kaya stunts para ipagtanggol ang sarili ko. Ni wala akong magagamit na pamalo kung hindi ang mga mapupulot ko sa dinadaanan ko.
Tumakas ang kaluluwa ko nang may nakarinig ako ng may naputol na kahoy kaya tumakbo ako. Tumakbo ako na parang isinasalba ko ang buhay ko. Pakiramdam ko ay mamamatay ako nito. Hindi ako ligtas dito kaya kailangan kong humingi ng tulong.
Hindi ko alam kung gaano ako kalayong tumatakbo dahil dumeretso lang ako. Gustuhin ko mang lumiko para iligaw ang sumusunod sa akin pero nasa diretso ko lang si Boss kaya sana naman ay maabutan ko siya.
Naiiyak na ako pero tinatagan ko ang loob ko. Pakiramdam ko ay may sumusunod pa rin sa akin hanggang sa tuluyan akong nawala saglit sa kamalayan. Tumigil ako sa pagtakbo para tingnan ang phone ko dahil tumutunog ito. Naglilikha ito ng maliliit na tunog.
20m.
Malapit na. Kumpara kanina ay malapit na malapit na ito.
16m.
Napalingon ako dahil palakas nang palakas ang yapak na sumusunod sa akin. Pabilis nang pabilis tuloy ang paglakad ko hanggang sa bumibilis ang pag-beep ang phone ko. Malapit na..
10m.
Napaawang ang labi ko nang hindi ko maaninag ang katawan ni Boss kung saan ko ineexpect na pwesto niya. Tuluyan akong natakot at pilit pinipindot ang phone ko para tawagin si Heroic.
May mali. Sobrang mali.
8m.
The beeping sound from my phone stopped and like what I read earlier, the program will automatically shutdown.
Marahan akong napapalingon sa paligid ko pero wala akong makita. Alam kong may sumusunod sa akin. Sigurado akong yapak iyon ng tao.
Wala ako sa sariling nagpatuloy sa paglalakad habang lumilipat ang tingin ko kahit saan. Tinanggal ko na ang nakasaksak na Macrofinder at tinapon ko sa malayo. Wala nang gamit iyon. Yumuko na rin ako para hanapin ang number ni Heroic pero nanlaki ang mga mata ko nang walang signal mula sa kinatatayuan ko!
This is my cue to cry.
Paiyak na sana ako pero pag-angat ko ng tingin ko, isang metrong layo mula sa akin, I saw a cellphone tied on the trunk of the tree.
Napakunot ang noo ko.
Did someone trick me?
Napalingon ako dahil nakarinig ako ng yapak. Pero saktong pagharap ko roon ay pasigaw sana ako. Parang pilit tumakas ng kaluluwa ko sa katawan ko, hindi nga lang natuloy dahil tinakpan niya ang bibig ko. Pilit kong kumawala sa hawak niya dahil balak kong tumakbo palayo. Ayaw ko pang mamatay! Hindi pa ako handa! Wala pa akong natatapos!
"Bloom.. shhh, shhh. It's me."
Napadilat ako. Kahit nanlalabo pa ang paningin ko, naaninag ko si Boss na nasa harapan ko at hawak-hawak ang bibig ko. Doon na ako tuluyang nanlumo. Tuloy-tuloy nang lumabas ang luha't hikbi ko, matapos mag-ipon ng matinding takot mula kanina.
Nilabas ko ang mga hikbi ko sa palad niya. Bago pa tuluyang lumabo ang paningin ko dahil sa mga luha ko, nakita ko kung paano nataranta si Boss sa harapan ko. Baka matumba pa ako sa panlalambot ng tuhod ko pero hinawakan ni Boss ang magkabilang pisngi ko.
"Hey.. I didn't mean to scare you.." bulong niya habang pinupunasan ang mga pisngi ko. "Tahan na.."
The way he caresses my cheeks, the way he pats my head, even how he whispered so softly, it made me cry more. No one did these things to me. Like ever.
"Tayong dalawa lang dito. Walang mananakit sa'yo rito.."
Nararamdaman kong tumatahan na ang loob ko, lalo na ang puso ko sa tingin sa akin ni Boss. Hindi ko naman ipagkakaila na masaya akong nakita siya ulit. Mas lalo lang akong sumaya nang makita ang ganitong side niya. Parang.. ligtas ako.
Akala ko tuluyan akong namanhid pero naramdaman kong niyakap niya ako. Sinandal niya ako sa dibdib niya. Iyon ang dahilan kung bakit tumigil ang paghinga ko saglit.
Unti-unti akong napapikit. Wala na dapat akong isipin o iba pa. Nang niyakap ko siya pabalik, nakawala ako ng isang mahabang hininga. Kasabay nun ang paglaho ng pangamba ko.
Kung gaano kabilis mawala ang lahat ng iniisip ko, ganun din kabilis bumalik ito nang humiwalay na siya sa akin. Naalala ko ang buhay ko noong andito pa sila Mom at Dad. Ganitong-ganitong comfort ang naramdaman ko. Hindi ko maipaliwanag nang lubos pero parang hindi ko nagustuhan ang isa pang pumasok sa isipan ko... bakit parang hahanap-hanapin ko 'to...?
Hindi kami nagtagal doon. Akala ko nga automatic kaming uuwi pero pinasunod niya ako sa kaniya. May naaninag akong isang tree house. Hindi ito kalakihan pero hindi rin ito kaliitan. Medyo matanda na nga pero hindi mahahalata dahil makakapal ang mga dahong nakapaligid dito.
"Watch your step," sabi niya dahil may hagdanan papunta sa tree house.
Shet, hindi ko alam umakyat!
"Alam mo?" tanong niya nang napansin akong nakatitig sa taas.
Gusto kong subukan pero natauhan ako sa pagpapanic sa utak ko nang tumalikod si Boss sa harapan ko. "Sakay."
"Boss! Baka mahulog tayo!" pagpapanic ko. Sasakay ako sa likod niya at aakyat siya? Jusko! Baka hindi niya ako kaya!
"Are you underestemating my strength?" tanong niya na may halong tawa.
Hindi ako nakasagot. Actually, gusto ko kasi si Boss ito pero parang ayaw ko rin kasi nga, si Boss ito!
Napalunok ako at dahan-dahang binalot ang balikat niya ng mga bisig ko. Pikit-mata ko pang inangat ang katawan ko bago niya ako tuluyang kinarga sa likuran niya.
"Magaan ka naman eh."
"Don't say anything." Mariin akong nakapikit dahil sa nararamdaman ko. Masayado kong nararamdaman ang katawan niya sa katawan ko. Feel ko, nararamdaman niya ang dibdib ko!
Nagsimula na siyang umakyat kaya parang tinakasan ako ng kaluluwa ko. Mas lalong humigpit ang mga binti ko sa beywang niya.
"Huwag kang titingin sa baba."
Tumango ako. Para akong naiiyak sa itsura ko. Actually, hindi na ako natatakot mahulog mula sa puno. Natatakot ako dahil nalalanghap ko na masyado ang amoy ni Boss.
Hindi nagtagal, wala akong maramdamang hangin. Pagsilip ko, nakita kong nasa loob na kami ng tree house kaya dahan-dahan akong bumaba kay Boss.
"Welcome sa tree house ko," nakangiti niyang bati at binuksan ang bintana.
Lumiwanag na sa loob at kitang-kita ko ang mga gamit doon. May mga wooden toys pa, storybooks, medals, certificates at pati mga libro niya ngayong college.
"Dito ka natutulog?" tanong ko nang makitang may higaan doon.
Tumango siya habang binubuksan ang isa pang pintuan doon. Gusto ko pa sanang tanungin kung sino pa ang may alam na may tree house niya pero tuluyan na niyang binuksan iyon. Napaawang ang labi ko dahil hindi ako makapaniwala sa nakikita ko mula sa kalayuan.
"Is that...?"
"Yep."
Mas lalong napaawang ang labi ko dahil may nakikita akong abandonadong bayan sa dulo ng gubat. Hindi ako nagkakamaling bayan iyon dahil may mga lumang stores, maliliit na building, mga bahay at ang mga makikita sa isang lugar. Kaso mukhang walang nakatira roon dahil sobrang tahimik at halatang hindi na ito ginagamit.
"Nakarinig ka ng mga kwento-kwento tungkol sa isang saganang bayan na tinabunan ng landslide noon?" tanong niya.
"Hindi ba't kwento lang 'yun sa isang Filipino Book noong elementary?" tanong ko pabalik. May naalala pa akong kwento tungkol isang bayan noong Grade 1 kami. Sobrang maganda ang kwento sa lugar na 'yun kaso sa huli, natabunan daw ng landslide noon. Dahil sa bayanihan ng mga tao, nakaalis silang lahat sa lugar nila at walang napahamak. Kaso magsisimula ulit sila dahil nawala na ang tirahan nila.
"Meritown."
'Yun! Naalala ko na rin! Pilit kong inaalala ang kwento na nabasa namin dati kaso may nauna na namang pumasok sa isipan ko. "Wait, totoo talaga 'yun?"
Hindi na siya nagsalita kaya naisip ko na maaaring totoo ang mga kwento noon.
"At first, hindi ko alam na totoo ang mga iyon. Pero noong dinala niya ako rito," sabi niya kaya napatingin ako sa kanya.
"Niya?" pag-uulit ko.
Tumango siya. "Ang babaeng nakita mo sa litrato kasama ko."
Napatikom ako ng bibig. Nakita niya na pumasok ako sa kwarto niya?
"Uhm." Napakamot siya ng ilong. "Nakita ko na pumasok ka sa kwarto ko," sabi niya kaya tuluyan na akong napaiwas ng tingin.
"Sorry. Hinahanap kasi kita. Ni hindi ko alam kung saan ka nakatira para mapuntahan kita. Hindi rin kita natawagan kasi iniisip ko na baka ireject mo lang ang tawag," pagpapaliwanag ko.
Mahina siyang natawa. "Sinasagot ko naman ang mga tumatawag sa akin." Inangat niya ang phone niya at nakita ko sa screen niya na may contact number ako roon. "You should've called me."
"I..." Napahinga ako nang malalim. "I want to talk to you in person."
Magaling, Bloom. Bakit may nararamdaman ka pang iba?
Tiningnan ko ang reaksyon ni Boss. Nakatingin lang siya sa akin at wala akong mabasa sa reaksyon niya. Parang... wala lang. Blangko lang ang nakikita ko sa mga mata niya.
"I'm glad that you found me," he said.
"True," nasabi ko na lang.
Napatango siya bago gumalaw para kunin ang jacket niya sa mesa sa loob. "May kukunin lang ako. Can you wait for me here?" tanong niya.
Nakakatakot man pero napakacomfy naman ng tree house niya. Mukhang safe naman ako rito dahil wala akong nakikitang ibang tao. Mukhang busy ang lahat sa proper ng Nodawn para magtrabaho at mabuhay.
"Pwede ka sa higaan, dito, sa mesa o sa bandang doon." Tinuro niya ang bookshelf na puno ng makakapal na libro. "May pagkain din sa cabinet. Feel at home. You're welcome here."
"Thank you, Boss."
Napatango siya. "Be right back."
Bumaba na siya sa tree house. Pinanood ko pa siya ng pumunta papunta sa Meritown. Ano kayang gagawin niya roon? Dapat nagtanong na lang ako kung pwedeng sumama. Kaso baka maging pabigat na naman ako kaya mananatili na lang ako rito.
Nakapagtataka lang kung bakit hindi ako nagugutom pero napapahikab ako. Dahil sinabi ni Boss na pwede ako kahit saan, umupo ako sa higaan niya. Tahimik lang akong naghihintay sa kanya. Hindi ko rin mapigilan mapatingin sa ibang sulok ng loob ng tree house. Ang daming gamit. Naiisip ko kung ganito karami ang gamit ko sa kwarto, baka hindi ako mabobored kasi hindi nakakasawa ang mga gamit. Kaso I prefer na malinis ang kwarto ko. I don't have problems with this naman. I actually love it.
Hindi ko napansin na nakaidlip ako sa mismong higaan ni Boss. Nadala rin siguro ako ng matinding pagod. Ni hindi ko maramdaman kung gaano ako katagal nakatulog. Masyadong komportable sa higaan niya. Naamoy ko rin ang pabango niya rito.
Nagising ang diwa ko sa malumanay na tunog ng gitara. Nakakaantok pa actually dahil masyadong masarap pakinggan ang tugtog. Kaso pinili kong dumilat para malaman kung sino 'yun.
Kahit nanlalabo pa ang mga paningin ko, naaninag ko si Boss, nakaupo sa upuan sa terrace at nagigitara. Nakatingin siya sa araw na palubog habang ang mga daliri niya ay lumilikha ng isang magandang tugtog.
Agad akong napabangon kaya napatigil ko siya sa patutugtog. Saktong napalingon siya nang patayo na ako sa higaan. "Kanina ka pa? Bakit hindi mo ako ginising?" tanong ko habang inaayos ko ang sarili ko.
"Hinihintay ko ang gabi."
Bakit?
Hindi ko na naabutan ang araw kasi tuluyan nang lumubog ito. Tumayo na rin si Boss. "Halika na."
"Uuwi na tayo?" tanong ko habang sinusundan siya sa hagdanan.
"Habang andito pa tayo, ipapasyal kita sa Meritown."
Nanlaki ang mga mata ko. "Talaga?" Hindi ako makapaniwala! Talagang ipapasyal niya ako sa Meritown? Mas lalo akong hindi makapaniwala dahil siya mismo ang magpapasyal sa akin doon!
"Yep." Tumango siya. "Kaya mo bang bumaba?" tanong niya.
Sumilip ako sa baba at parang bumaliktad ang utak ko kung gaano kataas ang tree house ni Boss. Magrereklamo sana ako na nakaya niya ako papunta rito!
"Kaya ko, Boss. Mukhang kaya ko," walang buhay kong sagot habang nakatingin sa baba. Kung hindi ko lang ginigising ang kamalayan ko ngayon, baka ihulog ko na lang ang sarili ko.
"Sigurado ka?" paninigurado niya.
Tumango na lang ako. Parang hindi ko pa kaya kung magkadikit ulit ang mga katawan namin. Parang iba na ang pakiramdam ko eh.
"Sigurado ka ha?" paninigurado niya ulit.
Tumango naman ako. "Gusto kong matuto." Bakit naiisip ko na kailangan kong umakyat dito sa sarili koblang incase na bumalik ako rito ulit? Ano ba, Bloom?
"I got your back. Ako muna ang unang bababa."
Then we started going down.
Hindi ko tiningnan ang ibaba kasi pakiramdam ko talaga, babaliktad ang tiyan ko. Pero kailangang tatagan ang mga laman loob ko. Kailangan ko ring higpitan ang pagkapit at pagtapak ko sa hagdanan.
"You can do this!" sabi ni Boss habang tinatantsahan ang bawat hakbang ko.
Hindi ako makapagsalita at pinaatuloy ko ngpagbababa ko. Sa paglubog ko sa sanga't mga dahon sa gubat, madilim na ito kumpara kanina. Pero may naaninag akong ilaw mula sa kalayuan. Nakakapagtaka lang, abandonado na ang lugar na iyon 'di ba? Bakit may mga ilaw pa akong nakikita roon?
"Putek!" Tumakas ang puso ko dahil nagkamali ang pagtapak ko sa hagdanan. Ang malala, tumama ito sa tuhod ko kaya natanggal ito.
"Boss!" sigaw ko. Napayakap ako sa hagdanan na hinahawakan ko kanina. Hindi ko kayang tumapak sa mas mababang step kasi pakiramdam ko, hindi ko kaya ang layo kung saan ako nakakapit ngayon.
"Let go, Bloom! I'll catch you!"
Nasa ibaba na si Boss at nakatingn sa akin. Halatang nagpapanic na pero nanatiling kalmado. Pwes ko, hindi ako makakakalma! Feeling ko, tinakasan na ako ng kaluluwa ko. "Hindi ko kaya! AAAAAAA!" napasigaw ulit ako nang makita kung gaano pa kataas mula sa kinatatayuan ni Boss. Ako? Ipapatalon niya? mula sa mahigit na sampung hagdanan? Mygosh!
"Sige na! Sasaluhin naman kita!"
"No!" sigaw ko. Paiyak na ako. Dapat talaga, sumabay na lang ako kay Boss! Kaso baka mas lalo lang bumigay ang hagdanan. Matibay naman ito eh! Baka napalakas lang ang pagtuhod ko! Gawa lang din ata ito sa kawayan.
"Trust me. Sasaluhin kita," mas lalong sumeryoso ang boses ni Boss.
Napapikit ako. Narealize ko lang kung gaano kadelikado ang buhay ko. Pero mas lalo kong narealize kung gaano kalapit ang puso ko sa dulo ng bangin.
Pagkatapos ng magulong pakikipag-usap ko sa sarili ko, hinihiling ko na lang na sana hindi ako magsisi sa magiging desisyon ko. Hinayaan kong mahulog ang sarili ko.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com