Chapter 11
08/13/21 : hbd na jaemin! ♡

I made sure that the doors in this house were locked. I just found some padlocks below the sink. So, there's no way to go outㅡexcept if they will jump over the balcony that will break their legs.
May nakahanda na ring kahon para sa magiging parte ng plano ko. Kasalukuyan akong kumakain ng almusal sa sala. Ang bagal kasi nilang kumilos! Kanina pa ako naiinip maghintay sa kanila.
Saktong kalalagay ko pa lang ng fried rice para sa second round ng breakfast slash late lunch ko, bumaba na si Clark na dala-dala ang dalawang maleta niya.
"I know that you're not like the others. Even we knew in a short period of time, thank you for being good to me. I'll go ahead," paalam niya kaya napatango ako.
Kaso hindi niya nabuksan ang pintuan. May nakapalibot na kadena at naglalakihang padlock. Napatingin tuloy siya sa akin na nanlalakihan ang mga mata. "Bakit nakalock ito?"
"Walang aalis. Ang titigas ng mga utak at puso niyo." Tumayo ako dahil tapos na ako sa kinakain ko. Papunta na ako sa kusina para ilagay sa lababo ang pinagkainan ko.
Tumakbo rin si Clark sa pintuan papuntang backyard. Kaso sarado rin.
Kalma lang akong naghuhugas ng pinagkainan ko habang siya ay nagpapanic dahil naka palock ang mga pintuan.
"Bakit nakalock?!" natataranta niyang sigaw. Iniwan niya ang maleta niya sa sala at tumakbo papuntang balcony. Kaso nakakadena rin ang dalawang pintuan nito na salamin kaya basagin niya na lang 'yun kung gusto talaga niyang makalabas, basagin niya iyon at tumalon sa mataas na balcony.
Rinig ko mula kay Clark ang inis niya sa kinatatayuan ko. Natapos ko na ang hinuhugasan ang pinagkainan ko at pinatong sa mesa. Habang kumukuha ako ng pamunas ay nakita kong bumaba na rin si Orion para tingnan ang mga nakalock na pintuan.
Habang natataranta sila at naghahanap ng daan para makalabas, mahinahon akong nagpupunas.
Gusto niyong umalis, ha? Pwes, mas gusto kong makapagtapos.
"Bloom! Bakit mo sinara ang mga pintuan?!" naiinis na tanong ni Orion at halos sabunutan ang sarili.
"Usap tayong lahat," simpleng sabi ko.
"Anong nangyayari?" tanong ni Heroic.
"Nilock ni Bloom 'yung lahat ng pinutan," sagot ni Orion.
Tumawa nang malakas si Heroic at napapalakpak. Hindi pa siya nakuntento, pinatuloy niya ang tawa niya habang papunta sa sala.
Bumaba na rin sila Forsythe, Danger at si Lawron. Tinuro ko ang sala para umupo sila. Kailangan talaga naming mag-usap.
Kumuha ako ng ice para gawing compress para kay Clark. 'Yung mga pasa ni Orion ay parang hindi naman ganoong kalala.
"Bloom, hindi nakakatuwa." Napagod na ata sa kakahanap si Clark ng daan palabas kaya hinarap niya ako. "Gusto kong lumabas," diin niya kaya napatango ako.
"Upo muna sa sala." Hinila ko siya at pinaupo sa sofa. Aangal sana siya kaso pinatungan ko na ng cold compress ang pasa niya.
"Gusto ko na umalis," ulit ni Clark.
"Basagin natin ang nasa balcony. Gusto mo bang tumalon o tutulungan kitang ihagis pababa?" alok ni Danger na nasa tabi ni Heroic.
"Danger," may halong pagbabanta ang boses ko at sinamaan siya ng tingin.
"Okay, sorry. Hindi na."
"Under," asar ni Heroic.
"Okay.." Huminga ako nang malalim. Kaya ko 'to.
"Sino ang gustong tumigil sa pag-aaral?" tanong ko. "Taas ang kamay."
Walang nagtaas ng kamay kaya napatango ako.
"Sino naman ang gustong umalis sa grupo na 'to?"
Lahat nagtaas ng kamay except kami ni Heroic. Muli naman akong tumango at kinuha ang envelope. "Nakakatamad basahin ang kontratang pinirmahan natin pero we only have 2 rules to follow: keep this scholarship as a secret and be as a team. We started being eight, we will always be eight."
"Seven," pagtatama ni Danger.
Napakibit-balikat ako. "Seven or eight, there are eight slots and Boss had the slot before us."
Remembering Mr. Yu's question last meeting, I assumed that he's finding Boss. And after observing the actions of Boss, he was already oriented that he was the leader but he was not that ready yet.
"Since we are a team now, we should cooperate. We should be one. Gusto nating makapagtapos 'di ba?"
Nilapag ko ang kontrata at ang Oath ni Boss. Yumuko sila para basahin 'yun.
"He said that he will take care of us. But the time he left, he said that he didn't want to lead us in the first placeㅡ"
"'Yun," pagpuputol ni Heroic at tinuro ako na parang ineemphasize ang sinabi ko.
"'Yun nga ang sinabi niya," pagsasang-ayon ko. "Pero bakit bumalik pa rin siya kanina? Bakit nagdadalawang isip siyang itanggi tayo kung ayaw naman talaga niya sa atin? Hindi ba dapat umalis na lang agad siya?"
"But he left," sabi ni Heroic. Déjà vu. "Again."
"Sino ba naman ang hindi masasaktan kung buo mo nang tinatanggap ang responsibilidad tapos 'yung mga kagrupo mo, umalis isa-isa?"
Natahimik sila.
"Let's just accept that we also have imperfections: nagagalit tayo, ayaw nating natatapakan ang pride natin, ayaw nating nadudumihan ang mga pangalan natin. Pero would you rather be worse than your usual self?" Napasapo ako ng noo. "Yes, we are bad in some other perspectives since we are under the White Hall. But there's still good in us, right?"
Napatango si Heroic.
"Let's not get worse," he agreed.
"Naipit lang tayo dahil ito lang ang bukas na oportunidad para ipagpatuloy ang pag-aaral natin," sabi ng anak ko.
Napangiti kami sa isa't-isa at nagthumbs up.
"So, aayusin ba natin ang grupo na 'to at magsosorry sa isa't-isa or..." Pinatong ko ang kahon sa ibabaw ng lamesa. "Or ayaw niyo talaga? Kasi para makalabas kayo sa pamamahay na 'to, bibigyan niyo ako ng pera para sa magiging tuition ko. Gustong-gusto kong makapagtapos ng pag-aaral at umalis sa lugar na 'to."
Doon sila nagkagulo at naghalo-halo ang mga reaksyon sa alok ko. Hindi ko mapigilang mapangisi nang napasandal si Danger sa sofa at nagdadalawang-isip sa mga desisyon niya sa buhay.
Napatingin ako kay Forsythe na nakasandal sa dingding. Nakatingin pala siya sa akin. Nang nagtama ang paningin namin ay napaangat ang gilid ng labi niya bago napailing.
"We have flaws. We have principles. But we are a team right now. Hindi na natin mababago ang sarili natin para magkasundo tayong lahat. But we need to respect and be good to each other. Wala tayong magiging problema roon."
Nakita ko sa mga mukha nila na sumasang-ayon sila sa sinabi ko.
"Sa mga nakaraang araw, puro away tayo. Siguro naman ay nakapagreflect kayo sa sarili niyo at inaamin niyang may mali rin kayo. I'm not forcing you to apologize to someone but this is the time if you want to say sorry."
Akala ko hindi sila magsasalita o wala silang plano sa sobrang katahimikan nila. Kaso nagsalita na si Heroic.
"Noong isang gabi, sorry Orion sa mga sinabi ko," panimula niya. "Alam kong galit ka dahil sa mga sinasabi mo pero hindi ko namalayan na nakapagsalita ako dahil din sa sobrang galit."
Napangiti ako sa paggaan ng paligid.
"Sorry sa inyo na nakapagsalita ako noon. Magulo kasi ang kalagayan ko mula noong hindi ako nakabayad ng tuition. Pasensya na talaga."
Automatic kaming napatingin kay Clark kaya napakunot siya ng noo. Nagtaka siya saglit pero nang napatingin kay Danger ay napayuko siya. "Sorry.."
Napaiwas ng tingin si Danger. "Sorry din."
At tuluyang tumahimik ang buong sala.
"Noong meeting, noong unang sagutan, kaninang away at ngayong nagkakaayos tayo ay wala pa rin ang leader natin," sabi ni Heroic.
Ito na naman, binalik na naman.
Nauna kong inalala ang unang meeting namin. Wala nga siya pero noong umuwi siya...
"After that meeting... we met in the kitchen.." I paused for a bit. "Alam niyo kung ano ang una niyang tinanong sa akin?" tanong ko.
"He asked me, Kumain na ba kayo? Meaning, he cared for us." Parang gumaan ang balikat ko. "'Di ba, siya pa ang bumili ng dinner?" tanong ko kay Heroic kaya napatango siya.
Nakawala ako ng hininga habang inaalala ang mga kaunting bagay na ginawa ni Boss kahit wala siya in person. Napatingin ako bigla sa CCTV sa gilid.
"I can tell that Boss is a busy person. Busy siguro siyang mag-ipon ng lakas ng loob para sa atin." I nodded before pointing at the CCTV camera. "Pero alam niyang may sagutang naganap. Narinig niya lahat. He was here."
Napatingin silang lahat sa CCTV.
"Shit.. baka nakakaaccess ang White Hall dito?" puno ng pangangamba ni Orion.
But the CCTV cam looks like a light bulb. Noong una, natakot din ako dahil baka tama ang sinasabi ni Orion pero nakita ko ulit ang Oath ni Boss.
Doon nabuo ang tiwala ko at tinuro ang Oath na sinulat ni Boss sa ibaba.
"He erased the printed statement telling that his pledge will be done under the White Hall. It was even formally sealed but his oath was rewritten below that the promise he wrote came from his own words..." I pointed out the last part. "...and out of the White Hall."
Nakuha nila ang ibig kong sabihin.
"If you think critically through it, Boss is also against them," bulong ko.
"Paano ka nakakasiguro?" tanong ni Orion. "Anong basehan mo at may tiwala kang ganyan kay Boss?"
Ako ang natahimik at nagtataka rin kung saan ko nakuha ang tiwala ko kay Boss. Masyadong gumulo ang utak ko kaya nagkaroon ako ng mental block. Nanatili akong tahimik hanggang sa may nasabi ang iba na magpapagulo lalo ng iniisip ko.
"Hindi ka ba nagtataka kung paano tayo nagkaroon agad ng leader?" bulong ni Orion. "He got a slot before us. That means, may koneksyon siya sa White Hall." Sa boses niyang mahina ang nagpapakaba sa akin lalo.
"Boom panes," mahinang singit ni Heroic.
"Kaya mahirap magtiwala, Bloom." Malungkot na ngumiti si Orion. "Gusto rin naming makapagtapos. Pero kung isa sa atin ay maaaring ilaglag tayo, baka buhay pa ang kapalit," mahina pa niyang dagdag na parang kami-kami lang ang dapat na makarinig.
"Let's wait for his explanation," I said.
"I wanted to refuse hearing his explanation kasi ayaw ko naman talagang tumagal sa grupo na 'to. Pero nakapagtataka lang kung bakit ganyan kalaki ang tiwala mo kay Boss, papakinggan ko siya," sabi ni Orion at sumandal na sa sofa.
"Baka crush niya," nakangising asar ni Clark kaya inasar din ako ng ibang nakarinig.
"Sorry, mas gusto kong si Danger ang makatuluyan ni Bloom," kampanteng sabi ni Heroic kaya umakto akong nagsusuka.
"Mahal na ata kita, pre." Nakipagyakapan pa si Danger, tuwang-tuwa sa sinabi ng katabi niya.
"Hindi ko matatanggap ang pagmamahal mo, pre. Kay Bloom ka na." Tinaboy pa siya ni Heroic.
Habang inaasar pa nila si Danger sa akin, napapaisip ako sa sitwasyon ni Boss. Kailangan talaga namin siyang pakinggan.
"We'll listen to Boss, Bloom." Tumango si Orion.
"Kung bumalik," sabi ni Heroic.
"Basta tanggalin mo ang mga padlock sa pintuan," dagdag ni Clark.
"Hahanapin ko siya. Basta huwag kayong umalis," I softly pleaded.
Tumango sila.
"Promise?" dagdag ko.
"Promise," sagot nila.
Hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Hindi ko rin alam kung saan pumupunta si Boss. Basta kinabukasan, ay sinimulan ko sa building ng College of Arts and Science. Inisa-isa ko ang PolSci rooms kaso sembreak na talaga at iilan ang nandoon. Eh, wala pa rin naman si Boss.
Sa sobrang pag-iisip, I skipped all of my meals. Ako lang naman ang naghahanap kaya it took all of my energy, effort and time to look Boss everywhere in Nodawn. Ako naman ang umako kaya responsibilidad kong panagutan ang mga sinabi ko. Hindi naman ako makasarili dahil gusto ko ring maayos ang lahat ng magulo ngayon.
Kasi alam kong may magandang maidudulot ang lahat ng sakripisyo ko.
Umabot na ang tatlong araw at total zero ang resulta ng paghahanap ko. Ni hindi ko alam kung saan nakatira si Boss.
"Pasukin kaya natin ang kwarto ni Boss?" bulong ko kay Heroic. Kasalukuyan kaming nakatayo sa harapan ng pintuan ng kwarto ni Boss.
"Look out ako rito," sabi niya kaya ako lang ang pumasok sa loob. Mabuti't hindi sarado kaya naghanap ako ng mga impormasyon tungkol kay Boss.
Kaso the more na nakikita ko ang gamit niya, the more na binabalutan ako ng konsensiya. Because I'm invading his privacy.
Pero habang nandito na ako, nakikilala ko si Boss. From his room, Boss likes different shades of blue. 'yung gamit niya ay asul. Even the air smells like him.
Dumapo ang tingin ko sa study table niya at maraming libro tungkol sa program niya ang nandoon. Pero bigla akong natigilan nang may nakita akong litrato niya kasama ang isang babae.
May kung anong nagpatigil sa puso ko sa pagtibok. Kahit nga paghinga ko ay tumigil saglit nang makitang nakangiti si Boss habang akbay-akbay siya ng babaeng kasama niya.
Pero hindi lang isang litrato dahil may isa pang nakalagay sa picture frame. 'Yung babae pa rin na iyon ang kasama niya pero may suot na itong toga. Suot ni Boss ang Graduation cap ng babae. Akala ko, ate niya ito kaso hindi sila magkamukha. Mukhang bata pa nga niyang tingnan.
"May nakita ka?" tanong ni Heroic habang nakasilip ang mukha sa pintuan.
Agad akong napailing at lumabas ng kwarto.
Parang nakatahi ang bibig ko. Bigla ring bumigat ang dibdib at balikat ko.
Bakit ko ba 'to nararamdaman? Wala 'to!
Wala akong maalala sa mga sumunod na nangyari. Ni hindi ko alam kung nakakain ba ako sa mga susunod na araw. Ni hindi ko matandaan kung nakatulog ba ako nang maayos.
Nagising na lang muli ang buong diwa ko nang napansing dalawang araw na lang bago ang pagpunta namin sa White Hall. At hindi pa rin namin nahahanap si Boss.
"Si Mr. Yu, nasa baba," sabi ni Orion habang dala-dala ang lemon tea niya.
Bumaba na rin ako. Hindi ko nga lang pinahalata na kinakabahan at nanghihina ako dahil wala pa akong nagagawa para bumalik si Boss. Sana naman, alam niyang nagkaayos ang iba.
Pero... baka narinig din niya ang usapan namin tungkol sa kaniya?
"How are you, Gumdrop?" Mr. Yu asked us.
Sumagot ang iba na ayos lang daw pero ito ako, parang lumilipad ang utak ko kung saan.
"I'm here to remind you all that you need to be at the White Hall according to the said time and date. Please cooperate."
Sa sobrang taas ng lipad ng utak ko, hindi ko na alam kung saan na ako sa mundo. 'Yung pandinig ko rin ay nawala saglit pero nakikita ko ang reaksyon ng mga kasama ko nang umalis si Mr. Yu. May napasapo ng noo, may napatayo at nagtakip ng mukha, pati na rin napaisip. Overall, they are disappointed and anxious after verifying that we need to do this.
"Macrofinder.." bulong ko.
Tama! Andito pa sa akin ang Macrofinder na binigay sa akin ni Jon! Bakit hindi ko naisip agad iyon?
Wala akong inaksayang oras at tumakbo papuntang kwarto ko. Kaya nagtaka rin ang mga kasama kong nagrereklamo tungkol sa paparating na meeting.
Kinuha ko ang kontrata na nasa akin. May mga contact number doon sa mga pinirmahan namin at nakahinga ako nang maluwag nang makita ang contact number niya.
Pagkasalpak ko ng Macrofiner ay napabulong ako, "I'll find you, Boss."
Marcofinder
Enter Phone Number:
+639083245621
Nanginginig ang mga daliri ko habang pinapanood ang pag-ikot ng logo. Ilang minuto kong pinaglalaruan ang mga daliri ko dahil parang nagiging yelo ito kung hindi ito gumagalaw. Pakiramdam ko, hindi ako mapakale. Nagmumukha na akong balisa sa pwesto ko.
Matapos ang ilang minuto ay nag-iba ang kulay ng screen. Napaayos ako nang upo nang mabasa ko ang reminders na nakapaskil ngayon sa screen ng phone ko.
REMINDER:
• Don't close your phone
while waiting.
• Don't close the program
until you found the
one you're finding.
• This is a one-time-use
program. Use it wisely.
• The Macrofinder will expire
when the contact is 8m near
from you.
"Loading complete," mahinang pagbabasa ko at hindi na naintindihan ang nararamdaman ko.
Location of
+639083245621
found!
Umangat ang gilid ng labi ko.
Mahahanap din kita, Stalwart Boss.
Click the link:
nodawn.map.19804/2hUbsh249/lxTR0?/-s3curiTyunD3Rjon/
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com