Chapter 10
trigger warning:
various sensitive contents ahead,
read at your own risk.

Nagsisimula na. Bukod sa magsisimula na ang mga misyong pinagsasabi nila ay nagsisimula na ring magiba ang bahay sa mga sigawan at sagutan ng nasa sala.
"Oh ano? Hahayaan na lang natin ang grupo na 'to na walang gagawin at magpapadala sa iba?" walang pasensyang tanong ni Orion. Nakatayo silang dalawa ni Clark na mukhang sila ang nagkakasagutan. Si Lawron naman ay parang batang umaawat ng away sa pagitan nila.
Si Heroic naman ay nakaupo sa sofa at binibilang ang ice cubes sa iniinom niyang tubig, parang nakikinig lang sa sagutan. Si Danger naman na nasa tabi niya, nakikibilang sa ice cubes niya.
"Ayan kasi palaging inaalala mo! Kumalma ka nga! Palagi kang nagpapadala sa galit mo!" sabi naman ni Clark kaya napakunot ng noo si Orion, hindi makapaniwala sa sinabi ni Clark.
"At hahayaan mo na lang na maging alila tayo ng White Hall?"
"Eh 'yun naman ang pinasukan natin 'di ba?"
"Kaya hahayaan mo na lang na uusad tayo na walang plano?"
Napakibit-balikat si Clark. "Kung palpak, eh 'di palpak!"
Napaawang ang labi ko sa narinig ko mula kay Clark. Siguro, hindi lang ako ang nadismaya sa sinabi niya. Lahat kami na nakarinig ay bumagsak ang mga balikat. First impression talaga kay Clark ay carefree at happy-go-lucky lang. At sa sinabi niya ngayon, parang wala siyang pake kung hindi maging tagumpay ang grupo.
"Palibhasa, may sariling grupo," pagpaparinig ni Danger kaya napalingon sa kaniya si Clark.
"'Yung teammates niya?" tanong ni Heroic kay Danger na parang wala sa harapan nila ang pinag-uusapan nila.
"Mga anak ng pulitiko kaya handang saluhin 'yan kung hindi makapagpatuloy ng pag-aaral," sagot naman ni Danger at napatango-tango si Heroic.
Napasapo ako ng noo. Kahit mabait naman sila Danger at Heroic, kapag natatapakan sila ay mas grabe kung makatapak sila. Lalo na si Heroic, para siyang ibang tao kung may away.
"Anong sinabi niyo?" Kumulo bigla ang dugo ni Clark at balak sumugod sa dalawa kaso pinipigilan siya ni Lawron. Mas lalo tuloy uminit ang tensyon dito.
"Ayun pala! Kaya ayos lang kung hindi tumulong sa grupo na 'to dahil may mga kaibigan na nakakabayad ng tuition eh!" inulit pa ni Orion kaya tuluyang namula si Clark sa galit.
Biglang sinugod ni Clark si Orion para kwelyuhan. Palaban din si Orion at nakipagkwelyuhan. Mas lalong nagkagulo ang paligid dahil marami silang nasaging gamit sa mesa. Doon na lumapit si Forsythe para ipahiwalay ang dalawa.
"Huwag niyong idamay ang mga kaibigan ko!" sigaw ni Clark habang inaawat ni Lawron. "Mas gusto ko silang kasama kaysa sa inyo!"
"Eh 'di doon ka na! Ano pang hinihintay mo?" sigaw ni Danger at tumayo na para makaharap si Clark. "Kanina pa ako nagtitimpi sa'yo ah. Pacool-cool ka lang dahil may sasalo sa'yo."
"Gosh.." bulong ko at napahawak sa noo ko. This is getting worse.
"Ay wow! Kakampihan niyo na 'yung tumawag sa ating kriminal?" Tinuro niya si Orion kaya nagpumiglas agad ito sa hawak ni Forsythe.
"Kaya nagsorry ako kanina 'di ba? Ang titigas niyo pa at nagpapanggap na walang naririnig! Nagtatanong ako para sa magiging plano natin at ikaw itong walang pakialam sa lahat!"
"So, ako na ang may kasalanan ng lahat?" Tumawa nang napakalakas ni Clark. "Sige kasalanan ko na! Sige! Iintindihan ko na lang kayo dahil mukhang kulang nga kayo sa aruga! Ang bababaw niyo!"
"Sumusobra ka na ah," matigas na sabi ni Danger at binabangga na si Clark, nagnghahamon na ng away.
"Tama na please!" awat ni Lawron na nasa gitna nila.
"Tumigil nga kayo!"
Ayaw kong masaktan si Lawron na nasa gitna nila kaya hinila ko si Danger palayo kay Clark.
"Makapagsalita ka, Richards ah. Akala ko ba mayaman kayo? Bakit walang nagbayad ng tuition mo? Sana wala ka rito!" galit na sigaw ni Danger. Naramdaman kong masyado na siyang nadala sa galit at lumalagpas na siya sa linya. "Huwag kang mayabang!"
"Tama na nga, Danger!" sigaw ko at nilalayo si Danger.
"Ahhh! Damayan na pala ng pamilya!" sigaw ni Clark at pumalakpak. Dinuro niya si Danger na may galit sa mga mata niya. "Huwag kang magyabang, anak ng kurakot!"
Natahimik kaming lahat saglit nang maalala ang apelyido ni Danger. Maaaring anak nga siya ng Former Mayor Dancio Rose! Unti-unti akong napabitaw sa braso niya at napatitig sa kaniya. Doon din siya napatingin sa akin. Nabalutan siya takot nang binanggit ang tungkol sa kaniya. At sa isang kurap, wala na siya sa harapan ko. Buong galit niyang kinwelyuhan si Clark kaya sa kanila nabuhos ang lahat ng pang-aawat.
Dumugo ang ilong ni Clark sa mga suntok na natanggap niya mula kay Danger. Saka lang sila nagpahiwalay nang hinila ni Forsythe ang braso ni Danger gamit ang buong lakas niya.
"Ayan!" Tumawa nang napakalakas si Clark habang pinupunasan ang mukha niyang sugatan. "Huwag niyo akong banggain! Alam ko ang mga baho niyo!"
"Olrayt! Asan na ba ang leader natin?" malakas na tanong ni Heroic, nag-uunat ng katawan habang may mga nag-aaway sa harapan niya.
"Asan na nga ang leader natin?" ulit ni Orion.
"Tinakasan na ata tayo!" galit na ang nagsasalita para kay Heroic. Kahit natatawa siya, ramdam pa rin ang galit nito. Lahat ng tao rito ay galit na. Mahirap na talaga hawakan ang sitwasyon na 'to.
"Ano?!" galit na tanong ni Danger.
Napakibit-balikat si Heroic at tiningnan ako. "Hindi naman niya ginustong maging leader natin 'di ba?"
Para akong sinuntok dahil napatingin na ang iba sa akin. Ayaw kong pumanig kahit kanino dahil baka magmukhang masama si Boss kung sabihin ko ang nangyari noong gabi na 'yun kasi iba ang pagkaintindi nila. Kung sabihan ko naman sila, baka maramdaman nila na sinisisi ko sila dahil sa nararamdaman nila.
"Nakilala mo na ang leader natin?" tanong ni Danger.
Nagsimulang manginig ang mga labi ko.
"Siya ba 'yung kasama mo noong kinuha niyo ko sa prisinto?" tanong ni Orion kaya nagbigay ng reaksyon ang mga nakarinig.
"Kumalma muna tayo, please?" pagpapakalma ko pero hindi tumalab sa kanila.
"Tinatakasan ba niya tayo?" seryosong tanong ni Orion. Natakot na ako sa tingin nilang lahat. Jusko! Kagigising ko lang! Ramdam ko pa ang mga muta sa mata ko pero naiiyak na ako.
"Hindi naman ata sa ganun..." Winagayway ko ang mga kamay ko para pakalmahin din sila kaso nauna kong nakita ang reaksyon ni Heroic na napakunot ang noo. "Hintayin natin ang explanation niya.." Naiintindihan ko sila dahil sa nararamdaman nila pero huwag din naman nilang husgahan si Boss.
"Teka nga, Bloom. Kinakampihan mo ba siya?" Tumayo si Heroic. Mukhang nadismaya ko siya kaya umiling ako nang maraming beses.
"Tinatakasan ba niya tayo?" kung seryoso na si Orion kanina, mas seryoso na si Heroic.
Teka nga lang! Kagigising ko lang tapos ganito na ang nangyayari!
"Bloom, tinatakasan ba niya tayo?"
Ayaw kong sumagot. Kung pwede lang, aalis na ako rito.
"Bloom."
"Hindi, okay? Hintayin kasi natin ang explanation niya!"
"Hindi pa ba halata sa pag-iiwas niya sa atin at kailangan pa natin ng explanation?" tanong ni Heroic.
"Wow." Pumalakpak si Clark. Tila may nakitang nakakatuwa. "Pinagtatanggol ata!"
Napahawak ako sa magkabilang tenga ko. Bloom, galit lang sila, okay? Huwag kang magpadala. Kailangan mo silang intindihin. Parehas lang silang naiipit sa sitwasyon.
"Bloom, anong sinabi niya sa'yo?" Ubos na ang pasensya ni Heroic at nagmamakaawa gamit ang tingin niya. "Tinatakasan ba niya tayo?"
Hindi ako nakasagot dahil napatakip ako ng mukha ko.
"Ganun na nga."
May narinig akong pamilyar na boses na sumagot sa tanong ni Heroic. Napalingon kaming lahat kung saan galing ang boses na 'yun.
Andito na si Boss.
"Stop pressuring her."
Mas lalo siyang lumapit sa amin.
"I'm Boss and I'm sorry for my absence these past days."
Napatitig ako kay Boss na nasa tabi ko. Seryoso siyang nakatingin sa iba habang nagpapakilala.
"Huli ka na," natatawang sabi ni Clark habang pinupunasan ang dugo sa ilong niya. "I quit."
"You can't," Boss said.
"Wala naman kayong magagawa kasi halata namang hindi magwowork ang grupo na 'to," sabi ni Orion. "I rather quit than being with you all."
Natahimik si Boss dahil sunod-sunod na ang aalis sa grupo.
"Salamat na pinaramdam mo sa akin na hindi ako ang worst na tao sa bahay na 'to." Tinapik ni Danger ang balikat ni Boss bago umalis.
"Teka? Saan kayo pupunta?" tanong ko dahil nag-aalisan na ang iba.
Napakibit-balikat si Orion. "Huli na ang lahat."
"Hindi niyo lang ba papakinggan ang paliwanag ni Boss?" pahabol ko.
Napailing sila. "Para saan pa? Buwag na." Umakyat na si Heroic.
Agad akong napatingin kay Boss na parang nasisira sa kinatatayuan niya. "Boss.." tawag ko.
Napatingin siya sa akin si Boss at binigyan ako ng isang malungkot na ngiti. "I was about to explain everything. I am ready to lead you all but I guess I was too late. I really am sorry."
"Teka, Boss.."
Naglakad na siya paalis pero ginawa ko ang lahat para mahabol siya. "Boss.. pwede naman natin silang pilitin."
Pinaharap ko siya sa akin at nanlumo ako nang umiiyak siya. "Please, Bloom."
"Pwede pa. Subukan lang natin.."
Umiling siya at tinanggal niya ang kamay ko sa bisig niya. May binigay siya sa aking envelope. "Keep it. Ayaw kong mapunit ko 'yan."
Nahayaan ko siyang umalis sa harapan ko. Pero nang maalala ang iba, agad akong pumasok at inisa-isa ang mga kwarto nila.
"Danger," tawag ko nang naglalagay ng damit si Danger sa bag niya.
"Aalis sila. Eh 'di aalis na lang din ako. Parang hindi ko na kayang tumagal dito."
"Isa pang chance, hmmm?" pagmamakaawa ko.
Napatingin siya sa akinㅡnapatitig actually. Nagmumukha kasi akong kawawa.
Nakarinig ako ng ingay ng bagahe sa kabilang kwarto kaya tumakbo ako papunta roon. Mas lalo lang akong naiyak nang naglalagay na si Heroic ng damit sa maleta niya.
"Heroic naman.." Napahikbi na ako.
"Ang sasama ng mga budhi eh."
"Hindi ako aalis.. huwag ka ring umalis, please?" pagmamakaawa ko at niyakap ang bisig niya.
Napatigil siya sa paglalagay ng gamit niya at napatingin sa akin. Napabuntong-hininga siya at pinunasan ang pisngi ko gamit ang likod ng kamay niya. "Alam mo naman ang isang rule 'di ba? Isang grupo na tayo. Kung umalis ang isa, buwag lahat. Huwag na nating ipilit dahil mukhang hindi talaga magwowork."
Umiling ako. "Mabubuo tayo, okay? Alam kong maaayos 'to kung makikinig sila. Galit lang sila sa nangyayari kaya ganun sila. Makakapagtapos tayo at aalis sa lugar na 'to ha?"
Naibaba niya ang hawak niyang damit. Saka ako binalot sa bisig niya. "Sige. Huwag ka na umiyak, please? Sabay tayong aalis dito."
Tumango ako at lumipat sa mga kabilang kwarto. Kasilo sarado ang kwarto nila Forsythe, Orion at Clark. Narinig ko sa mula sa pinto nila na nag-aayos sila ng gamit.
Pinuntahan ko si Lawron at nakatitig siya sa mga damit niya. "Lawron..." mahinang tawag ko.
Saglit siyang napatingin sa akin bago umiwas ng tingin.
"Hindi ka aalis 'di ba?"
Malungkot siyang ngumiti. "Hindi ko alam."
"Huwag kang aalis ha? Maaayos 'to.."
Doon na siya napatingin sa akin. "Huwag mo na siguro pilitin, Ma. Pinapahirapan mo lang ang sarili mo."
Umiling ako at bumaba. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Nakikita ko na ang sarili ko na hindi na nag-aaral at tuluyang titira sa bahay naming walang kabuhay-buhay. Ni hindi ko na makontak ang magulang ko, ni hindi ako pwedeng pumasok sa mga trabaho at hindi na ako mabubuhay kapag sobrang naghihirap ako.
Napaupo ako sa sofa habang iniisip na gumuguho lalo ang buhay ko.
Wala ako sa sariling kinuha ang envelope na binigay ni Boss. Andito ang kontratang pinirmahan namin noon. Nakalagay doon ang dalawang rules tungkol sa grupo na binanggit noon ni Mr. Yu.
Nakaseal pa sa White Hall kaya halatang original ang hawak ni Boss.
Wala sa isip ko na punitin ito kahit wala na atang pag-asa na mabubuo pa itong grupo na 'to kaso nang makita ko ang isa pang papel, nabasa kong isa itong oath. Oath ni Boss. It was also sealed from the White Hall but something's different.
I, Stalwart Boss, the leader of GUMDROP, an eight-membered-group of scholars from Nodawn University: taking all the responsibility to lead GUMDROP in every matter, taking the duty to look at every members, being consistently active on missions to be participated for part of the scholarship and making the group as eight always.
T̶h̶i̶s̶,̶ ̶I̶ ̶s̶i̶n̶c̶e̶r̶e̶l̶y̶ ̶p̶l̶e̶d̶g̶e̶ ̶t̶o̶ ̶d̶o̶ ̶m̶y̶ ̶d̶u̶t̶y̶ ̶a̶c̶c̶o̶r̶d̶i̶n̶g̶ ̶t̶o̶ ̶t̶h̶e̶ ̶o̶r̶d̶e̶r̶s̶ ̶o̶f̶ ̶t̶h̶e̶ ̶W̶h̶i̶t̶e̶ ̶H̶a̶l̶l̶.̶
But the last printed part was erased and replaced with a written statement below. I'm sure it was Boss who wrote this.
I, Boss, who fully accepted the responsibity to lead you, GUMDROP, will promise to: lead every matters that will be held according to the orders of White Hall to sustain the obliged school finance, be with the seven members in every obstacles that we will face, make sure to be eight always, finish college together and leave the City of Nodawn.
This, I solemnly promise to be with you until the end.
This, I solemnly promise to leave this place as eight.
All of these words are mine and out of the White Hall.
His oath made me feel the determination that I needed to have. So, I stood up and locked all the doors in this house.
Walang aalis, mga pare.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com