Chapter 9
08/02/21 : hbd mark lee! ♡

Nang tumawag ang pulis kanina na nasa prisinto si Orion, sumama ako kay Boss na pumunta roon. Sa totoo lang, hindi ko pa kayang makaharap si Orion dahil sariwa pa ang mga nangyari kanina pero since kasama ko si Boss, ligtas ako.
Iniisip ko rin kanina pa na galit ni Orion ang nagsasalita kanina sa kusina. Tinatatak ko sa isipan ko na baka nabalutan lang siya ng takot at galit sa mangyayari kaya nasabi niya iyon. Naiintindihan ko siya. Pero hindi ko pa rin maiwasang matakot na baka magsalita ulit siya nang kukunin namin siya sa detention cell.
Sumakay kami ng Taxi papunta roon at si Boss na ang nagbayad ng pamasahe. At nang makarating kami sa Police Station ng Nodawn, agad naming pinuntahan si Orion.
May mga natutulog na lalaki sa selda kung nasaan si Orion ngayon. Nakaupo lang siya sa sahig at nakasandal sa rehas. Napasulyap muna siya sa amin ni Boss bago napaiwas ng tingin.
Habang inaasikaso ni Boss ang paglabas ni Orion, nakikinig lang ako sa dahilan kung bakit hinuli siya. May nakaaway daw siya sa na customer sa isang fastfood chain. Hindi nagtagal, lumabas na siya at hindi kami pinapansin.
Sumunod na lang kami ni Boss sa kaniya hanggang sa labas ng Police Station.
"Sana hinayaan niyo na lang ako roon."
"We can't," si Boss ang sumagot.
"Who are you?" tanong niya kay Boss.
Natahimik si Boss sa tanong na bumato sa kaniya. Ramdam ko ang pagkaguho ng loob niya matapos niya makatanggap ng ganun.
"Kaano-ano mo 'yan?" Tumakas ang kaluluwa ko nang tinanong ako ni Orion. Gusto kong sagutin siya na si Boss ang leader namin pero dahil sa instinct ko, mas una kong sinuri ang mukha niyang may pasa.
"Iuuwi ko na kayo," sabi ni Boss.
Magsasalita na sana ako para sagutin ang tanong ni Orion pero nagtawag na ng Taxi si Boss at umuwi dahil masyadong malalim na ang gabi.
Tahimik lang kami sa loob ng Taxi.
Nakapagtataka lang kung bakit hindi nagpapakilala si Boss. May mga malalabong konklusyon na bumubuo sa utak ko pero tinataboy ko ang lahat ng iyon. Pakiramdam ko ay mabuti siyang leader. Hindi pa naman kami ganoong kakilala pero malakas ang pakiramdam ko. Nakapagtaka lang talaga kung bakit may distansya pa kami sa kaniya.
Gusto ba niya talaga kaming pamunuan?
Nakarating kami sa bahay na wala talagang nagsasalita. Si Orion, nakitang si Boss ang magbabayad ng pamasahe kaya dumeretso na siya sa loob.
Dahil hindi ko na kaya ang mga tanong ko sa sarili ko, nang umalis na ang taxi ay hinarap ko na si Boss.
"Bakit hindi ka pa pormal na nagpapakilala sa iba?"
"Hindi pa ako handa."
Napakunot ang noo ko. "Anong hindi ka pa handa? Bakit? Boss, ang daming nangyayari ngayon at sigurado akong marami pang mangyayari sa susunod. Anong hindi ka pa handa?"
"Hindi ko rin naman ginusto 'to," matigas niyang saad kaya ako natahimik. "Kaya hindi ko pa kaya ang buong responsibildad dahil hindi ko alam kung kakayanin ko ba kayo hawakan lalo na't hindi basta-basta ang pinasukan natin."
"Kailangan ka namin.." mahina kong sabi. Palabas na naman ang mga luha na inakala kong naubos ko na kanina.
Wala na akong nasabi. Mas lalong gumulo ang buhay ko lalo na't hindi ko alam kung ano na ang gagawin ko.
"I'm sorry."
Tinalikuran na niya ako kaya nabahala ako. "Saan ka pupunta?"
Naglakad na siya palayo.
"Boss! Saan ka pupunta?!" sigaw ko. "Boss!" Susundan ko sana siya pero hindi ko na siya maaninag kung saan dahil masyado nang madilim ang nilalakaran niya. Wala na akong nagawa kung hindi napapadyak sa sobrang inis.
Umaapaw ang galit na nararamdaman ko. Pati na rin siguro inis dahil sa biglaang pag-alis ni Boss. Hindi ko na alam kung ano pa ang mangyayari kaya nang makapasok na ako sa bahay, napasapo ako ng buong mukha ko.
"ARGHHHH!" sumigaw ako sa mga palad ko para ilabas ang lahat ng nararamdaman ko. Ngayon ko lang naalala na mahigit dalawang linggo lang ang sembreak namin at magpapasukan na naman. Pumapasok din sa isip ko ang mga misyong pinagsasabi dati noong unang meeting.
"PUTANGINA! ARGH!" Napahagulgol ako. Una, hindi maayos ang mga nangyayari. Puro masasama ang loob ngayon ng nasa loob ng bahay. Ngayon, hindi pa kami kayang harapin ng leader namin. Ayos! Ayos talaga ang buhay!
Napatingin ako sa kusina dahil nakarinig ako ng ingay. Saktong nagtama ang paningin namin ni Orion na kasalukuyang nakaharap sa nakabukas na ref, mukhang naghahanap ng pagkain.
Isinantabi ko ang inis ko at nilapitan siya.
"Ano ang gusto mong kainin?" tanong ko.
"Huwag na. Aakyat naㅡ"
"Ano ang gusto mong kainin?" pagpuputol ko sa sasabihin niya.
"Ayokoㅡ"
"Upo!" sigaw ko at tinuro ang upuan. "Kung gutom ka, kakain ka! Umupo ka!"
Ramdam ko ang init ng mukha ko sa sobrang galit. Kung galit siya, mas nagagalit ako ngayon kaya dapat sumunod siya! Kahit gaano kalaki ang galit ko sa mundo ngayon, kailangan ko siyang pagsilbihan dahil mukhang napuruhan siya sa away na nangyari sa kaniya.
Nagulat siya sa inasta ko at umupo na lang sa upuan. Pinanood niya akong nilabas ang mga kinain namin kanina. Pinainit ko 'yun sa Microwave. Ang ibang pwede pang makain ay nilabas ko rin para makain niya.
"Kung nag-away kayo ng boyfriend mo kanina, huwag mo akong idamay."
Naalala ko naman si Boss kaya hinarap ko si Orion pagkatapos ko nilagay ang plato niya.
"First of all, hindi ko siya boyfriend." Sinubukan kong kumalma pero nang maalala ulit ang pinagsasabi ni Orion kanina ay nagsalita ako, "And for your information, mulat kami sa mga nangyayari ngayon. Alam namin ang baho ng White Hall kaya huwag mong idiin na mga mangmang kami sa lugar na 'to. Wala kaming choice kung hindi pumayag sa putanginang scholarship na 'to dahil gusto naming makapagtapos at umalis sa lugar na 'to. Wala na akong pake dahil ang pumapangibabaw sa akin ngayon ay makapagtapos at umalis. Sinasabi ko 'to sa'yo dahil sumusobra ka na kanina. Gusto kong intindihin na galit ka lang kaya mo pinagsasabi 'yun pero I can't deny the fact na nasaktan kami sa pinagsasabi mo. Ngayon na isang grupo tayo, magtulungan naman tayo dahil alam kong gusto mo rin makapagtapos. Pare-parehas tayo ng gusto kaya kahit mahirap, pumirma tayo sa kontrata na 'to."
Huminga ako nang malalim. Masyadong mahaba ang sinabi ko at halos maubusan ako ng hininga kaya napaupo ako sa upuan. Napahawak ako sa sentido ko para pakalmahin ang sarili ko.
"Gusto mo ng gatas?" alok ko habang nakapikit.
"Sorry."
Nawala na lang bigla ang galit ko saglit nang marinig iyon mula sa kaniya.
Inangat ko ang tingin ko sa kaniya at siya na itong napaiwas ng tingin. "Nadala lang ako masyado sa galit ko kanina."
Huminga ako nang malalim at napatango. "Kumain ka na diyan. Maghahanda ako ng cold compress para sa pasa mo."
Nagsimula na siyang kumain at halatang gutom na gutom siya. Para hindi siya mailang, hindi ko siya pinanood. Nang napansin kong patapos na siya kumain at nilalagay sa lababo ang pinagkainan niya, napaayos ako ng tayo.
"Ako naㅡ"
"Ito, cold compress para sa pasa mo."
"Ako na ang maghuhugas," diin niya.
"Unahin mo pasa mo. Mukha kang dalmatian."
Napatigil ako dahil parang sumobra ako sa sinabi ko. Tiningnan ko ang reaksyon niya at nagulat akong mahina siyang natawa at napailing.
Paalis na siya sa kusina kaya may pahabol ako, "Good night, Orion!"
Nakaakyat na siya, wala siyang reply kaya napakibitbalikat ako.
Nakaakyat na ako sa kwarto ko nang 4 AM. Grabe. Ang haba ng araw ko ngayon kaya nakatulog ako agad.
Kaso kung gaano kadali ang pagtulog ko ay ganoon kadali ang paggising sa akin ni Heroic sa sunod-sunod niyang katok sa pintuan ko.
"Bloom Jinx! Bloom! Bloom Jinx! Jinx!"
Kahit nakapikit pa ang mga mata ko, tumayo ako sa higaan ko at binuksan ang pintuan. Sumilip ako sa nakapikit kong mga mata kung ano kailangan ni Heroic. "Bangon na diyan! Nagluto ako ng breakfast! Let's go!"
"Anong oras na?" tanong ko sa gitna ng mga hikab ko.
"7!"
Sinuklay ko ang buhok ko bago humikab ulit. "4 AM ako nakatulog..." Halos bumagsak na ako sa sahig dahil sa sobrang antok. Mabuti na lang, hinawakan niya ang bisig ko.
"Aba? Bakit ka nagpuyat?! Sige, tulog ka na ulit." Inalalayan niya ako pabalik sa kama ko at siya na mismo ang nagkumot sa akin.
"Magtitira na lang ako ng pagkain mo, okiii?"
Hindi ko na maalala ang sunod na nangyari matapos niyang sabihin iyon ay nakatulog din naman ako agad.
Naaalimpungatan ata ako at napansin sa bintana na medyo hinog na ang kulay ng liwanag kaya I assumed na hapon na. Mahina akong natawa sa pinangalan ko sa kulay pero agad din namang nakatulog. Naalala ko na naman ang pag-alis ni Boss kagabi pero mas pumangibabaw ang antok ko.
Tuluyang nawala ang antok ko nang sumapit ang gabi kaya lumabas na ako. Akala ko nabingi ako sa pagtulog pero doon ko napansing sobrang tahimik sa second floor. Sarado pa ang mga pintuan.
Baka nasa baba na sila?
Habang pababa ako ng hagdanan, naalala ko ang nangyari kahapon kaya hindi na ako nagtaka kung bakit sobrang tahimik dito.
Wala naman akong ganang kumain kaya nagtimpla ako ng gatas. Sa kwarto na lang sana ako iinom para diretso ako tulog (ulit) kaso nang napadaan ako sa balcony, andoon si Heroic na nakatingin sa kawalan.
"Uy," bati ko at umupo sa bakanteng upuan.
"Para akong nakatira sa haunted house. Parang ako lang nakatira ito dahil walang lumalabas sa mga kwarto pero nakakaramdam ako ng kasama kahit hindi ko nakikita."
Habang inaalala kung gaano katahimik ang bahay, sumang-ayon ako. Nakonsensiya tuloy ako na masyadong matagal ang tulog ko. Kaya ngayon, sasabihin ko kung bakit ako nagkakaganito simula kagabi.
"Kagabi," panimula ko kaya napatingin siya sa akin. "Pinuntahan namin si Orion sa Police Station."
"Ano?" Napaayos ng upo si Heroic.
"May nakaaway sa kainan kaya kinuha namin ni Bossㅡ"
"Umuwi si Boss?"
Napatikom ang bibig ko. Basta naiisip ko si Boss, naiisip ko na baka hindi maayos ang grupo dahil walang leader at ang magiging resulta nun ay hindi magiging madali ang task na ibibigay sa amin. Baka sa huli, hindi na kami makapag-aral. That was the worst thing I imagined so far.
"But he left."
Napakunot ang noo ni Heroic. Tila napansin ang kakaibang tunog sa pananalita ko.
"Hindi naman daw niya ginusto na pamunuan itong grupo na 'to." Napabuntong-hininga ako. "Hindi naman niya tayo tinatakasan 'di ba?"
Napakibit-blikat siya. "Hindi siya nagpapakilala sa atin simula noong unang beses nating pagtitipon? I doubt."
Dahil siguro sa anong oras na ako nakatulog kagabi, hindi pa ako dinadalawan ng antok hanggang alas dos ng madaling araw. Simula sinabi ni Heroic kanina na nasa balcony kami, mas lalo akong nangamba.
Pilit kong magkaroon ng mahabang tulog kaso tulad kahapon, may kumatok sa pintuan ko na sunod-sunod kaya parang tumitibok ang utak ko sa sobrang sakit. Bakit ba nila kailangang kumatok nang sunod-sunod? Para namang hindi ako magigising sa isang malakas na katok 'di ba? Baka rinig pa ng buong Nodawn ang pagbugbog ni Heroic sa pinto ko.
Tumayo na ako at binuksan ang pintuan. Si Forysthe, magulo pa ang buhok at sando pa ang suot. Tatanungin ko sana kung ano ang kailangan niya at bakit ang hot niya kapag bagong gising samantala ako, parang nilublob sa tubig at may mga muta paㅡpero may narinig ako mula sa ibaba.
Sigawan.
"Bakit?" tanong ko sa kaniya.
May inangat siyang card na kulay dark blue gray. Kung gaano kalaki ang card, ganoon kaliit ang nakaprint sa gitna nito. At nakuha ko agad na iyon ang dahilan kung bakit nagkakagulo sa baba.
Gumdrop, White Hall, next week at 8 PM.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com