Chapter 8
trigger warning:
anger management issue

Sabi ng iba, kapag bago pa lang ang relasyon ay masaya at maganda. Pero sa relasyon naming lahat sa iisang bahay ngayon ay sobrang tahimik at sobrang bigat. Para ngang may makapal na distansya sa pagitan namin sa loob ng bahay.
Sa mga kasama namin ngayon, nahihirapan kaming makipag-usap kay Orion dahil sobrang layo niya sa amin. Nahihiya na nga rin kaming makipag-usap sa kaniya dahil parang ayaw niyang makipag-usap.
Si Forsythe naman ay palaging naglalaro ng online games. Hindi naman namin pwedeng istorbohin pero sumasagot naman siya sa amin kung tinatanong namin.
Si Clark, hindi pa umuuwi simula kagabing birthday niya. Mabait naman siya at nakikipag-usap sa amin kaso kasama niya palagi ang teammates niya. Ngayon, may practice sila sa court ng NU kaya acceptable kung hindi siya masyadong nakikipag-interact sa amin.
Si Boss naman ay hindi rin umuuwi simula kaninang umaga. Sembreak naman ngayon pero mukhang nasa campus pa siya. Hindi lang nati-timing-an ni Heroic kaya ngayon, nakaupo kami sa balcony at inaabangan ang mga papasok sa gate na hinaharap namin.
"Hindi pa umuuwi anak mo?" tanong ni Heroic bago uminom ng iced coffee niya. Nakacrossed-legs pa at feel na feel ang lamig ng gabi.
Gabi pero nagkakape.
"Hindi pa eh. Akala ko nga, kaninang hapon pa siya darating," sabi ko at uminom sa iced milk ko.
Medyo nag-aalala ako kay Lawron. Sana man lang, natanong ko ang contact number niya para matawagan ko siya kahit hindi pa kami ganoong katagal magkakilala. Gusto ko lang din malaman kung ayos lang ba siya ngayon. Sana naman, umuwi na siya kasi naeexcite ako na makilala pa siya.
"Si Danger?" tanong ni Heroic.
Biglang pumilipit ako sa labis na nararamdaman nang marinig ang pangalan ni Danger. Kusang nagflashback ang nangyari sa amin noong nasa bus.
Para akong ice cream na natunaw sa kinauupuan ko. Iba na talaga ang tama sa akin ni Danger. Mukhang palagi ko na 'tong dala-dala kahit saan ako magpunta.
"Bakit ganyan ang reaksyon mo? Ano bang nangyari sa inyo?
Kinuwento ko kay Heroic kung anong nangyari sa amin ni Danger noon at taimtim siyang nakikinig sa bawat salita ko. This is what I like about Heroic. He's comfortable to be with. Simula kagabi ay napalapit na ako sa kaniya. Mabuti na lang at may nakakausap ako ngayon. Kung pag-iisipan ko pa ang mga nangyari kagabi, mukhang isa rin siya sa dahilan kung bakit gusto ko pang manatili sa Gumdrop.
"HAHAHAHAHA!" Halos mabilaukan na siya sa iniinom niyang kape pero mas una niyang nilabas ang tawa niya. Kahit inuubo-ubo pa siya, hindi niya nakakalimutang tumawa nang tumawa hanggang sa sunod-sunod na ang ubo niya.
"Ayan. Sige, tawa pa." Lumipat ako sa kaniya at tinapik ang likod niya.
"Sorry naman. Hindi ko ineexpect na ganun ang nangyari sa inyo. Kaya pala Jennifer ang tawag niya sa'yo!"
Ngayon na maayos na ang kalagayan niya, tumango-tango siya. At inayos ang upo niya na parang walang bilaukang nangyari kanina.
Bumukas ang gate kaya sabay kaming napatingin doon.
Speaking of!
"Hi Jennifer! I'm home!"
Napapikit ako at inangat ang mukha ko. Gusto kong isurrender sa Kataas-taasan ang lahat ng inis na naiipon ko nang marinig at makita si Danger. Pero pakiramdam ko, hihimatayin na ako nang maalala na dito rin siya titira kasama namin.
"Hello Hero? Hero ba name mo nun?" sigaw niya kay Heroic. Nasa second floor kasi ang balcony kung saan kami nakaupo ngayon.
"Heroic! Ikaw? Ranger ba 'yun?" nagawa pang magbiro ni Heroic.
"Danger, bro!" Tumawa pa siya bago inangat ang dala niyang paper bag. "May dala akong buffalo wings! Kain tayo!"
"Sorry, busog na kami!" sigaw ko at sinensyasan na umalis na siya.
"Sige! Kain tayo!" sigaw naman ni Heroic.
Iniwan ba naman ako bigla sa balcony?!
Nagtakbuhan sila papuntang kusina kaya napasapo ako ng noo. Itong si Heroic, inuna ang pagkain kaysa sa akin!
Bumaba na rin ako at naabutan ko silang inaayos ang kakainin nila. Walang hiya, naglabas pa ng beer!
"Hindi ka mabubusog sa pagtingin mo diyan, Jennifer."
Napairap ako. Dahil inaaya na niya akong kumain, lumapit na lang ako at umupo sa upuan. Wow naman, pinagsisilbi ba ako ng pahamak na 'to?
"Ayieeee, huwag ka ngang magcrossed-arms, Bloom. Nagmumukha kang girlfriend ni Danger na tinotoyo," asar ni Heroic na kinakain na ang manok.
Parang naglandslide ang mukha ko at sumama ang timpla nito.
"Ano ba 'yan, Jennifer! Nagsorry naman ako dati eh! Kain ka na." Nilapit niya sa akin ang manok at imbis na beer ang ibigay sa akin, naglagay siya ng tubig sa baso.
Pinanliitan ko siya ng mga mata habang sinaksak ang manok ko gamit ang tinidor ko. Nang tinikman ko na ito, hindi ko ipagkakait na ang sarap ng buffalo wings na binili niya.
"Dahil kumain ka na, may favor sana ako," biglang sabi ni Danger sa kalagitnaan ng pagnguya ko. Naibagsak ko tuloy ang kamao ko at sinamaan siya lalo ng tingin.
"Iluluwa ko 'to," pagbabanta ko at umaarteng iluluwa ang kinakain ko.
"Jennifer naman eh!" Aba, tinakpan pa ang bibig ko para hindi ko iluwa ang pagkain.
"Ano ba!" Nagliparan ang mga kamay ko para itaboy ang kamay niya sa akin. Kahit mabango siya at malakas ang appeal niya, hindi 'yun uubra sa akin 'no!
"Sige, lambingan muna kayo. Pilitin kong kumain 'yung mga tao sa itaas." At tuluyan kaming iniwan ni Danger sa kusina.
"Ano ba?" Ngayon, tinatanong ko kung anong favor ba ang gusto niya. "Pero hindi ibig sabihin na papayag na ako," dagdag ko. Hindi bagay sa akin ang pagtataray pero iyon ang lumalabas sa akin.
"Malaki talaga galit mo sa akin?" mahinang tanong niya. Mukhang ako pa tuloy ang nakonsensiya sa tono niya kaya medyo naglalaho ang inis ko.
Sasagutin ko sana siya pero may inabot siya sa aking paper bag.
Hindi siya nagsalita at kumain na lang ng buffalo wings. Habang tinitingnan ko ang loob nito, nanlumo na lang ako nang makita ang bagong bili na pink cardigan na katulad ng sa akin dati.
"Imbis na magpagamot sa ospital tuwing nasusugatan ako, pwede bang ikaw nalang gumamot ng mga sugat ko?" tanong niya. Mukhang seryoso siya sa favor. Sino ba naman ako para humindi 'di ba? Magiging nurse ako soon at bawal akong mamili ng pasyente.
Tumango ako agad. "Iyon lang naman pala eh." Binaba ko ang paperbag. "Salamat pala na pinalitan mo cardigan ko."
"Friends na tayo?" tanong niya, with matching puppy eyes pa.
"Hmmmm," umakto akong nag-iisip. "Slight."
"Awit!" Kunwari nalungkot pa siya kaya tumawa ako.
"Kung ako maggagamot sa'yo, sa'yo na rin ako magpapractice ng pag-inject." Ngumiti ako na parang 5 years old na bata. Kaso 'di siya nagpadala sa pacute kong mukha.
"Kaya nga lumayo ako sa ospital kasi may mga injections. Tapos dito ka pa sa akin magpapractice?" Halos malunod na siya sa mga palad niya.
"Sigi naaaaa," I said, letting out all the cuteness I have. I even shook my shoulders while pouting. Madala sana sa kacute-an ko.
Gulat na gulat siya sa ginawa ko pero mas nakakagulat na napanguso rin siya at nagpuppy eyes.
"Ayuku puuuuu, hmmm?"
Para akong nabuhusan ng malamig na tubig nang malaman na magaling din pala siya magpacute. Hayup itong pahamak na 'to! Eh 'di si Heroic na lang ang papractice-an ko?
"Isa lang nabingwit ko," sabi ni Heroic nang bumalik na siya sa kusina at kasama si Forsythe na naniningkit ang mga mata, mukhang kagigising lang.
"Kain, Forsythe," alok ko at ngumiti. Hindi ko alam kung dahil sa itsura niyang bagong gising o sa titig niya kung bakit nacoconscious ako sa itsura ko ngayon. Baka nanibago na wala akong make-up.
Napaiwas ako ng tingin nang tumabi siya sa akin. Napainom tuloy ako beer wala sa oras.
Nagdaldal saglit si Danger sa nakilala niyang chick sa convenience store. Kahit naman hindi siya bibili ng yogurt na nag-iisa sa shelf, nakipag-agawan lang siya para makausap niya 'yung babae. "Kaso napahiya ako dahil may jowa pala."
"Mabuti hindi ka sinuntok," pagbibigay kontribusyon ko sa usapan.
"Mabuti na lang talaga. Ayaw kong magalusan ang pretty face ko," mahanging sabi nito kaya napailing ako.
Biglang may nagdoorbell kaya napalingon ako. Tatayo sana ako habang kumakain ng manok kaso inunahan ako ni Danger.
"Kain ka na lang diyan, Jennifer. Ako na titingin kung sino ang nandoon," sabi pa nito. Papaluin ko sana ang balikat niya pero tumakbo na siya palabas.
"Kaunting Jennifer pa, ako susuntok doon," sabi ko. Natawa na lang si Heroic at wala pa ring reaksyon si Forysthe.
"Kain ka lang diyan, Jennifer. Marami pa 'yan." Tumawa si Heroic kaya napailing ako lalo.
"Jennifer! Andito ang anak natin!"
Npalingon agad ako at akbay-akbay ni Danger si Lawron.
"Hindi kita Tatay!" nandidiring sabi ni Lawron kaya bumagsak ang mukha ni Danger.
Tumawa ako nang napakalakas bago lumapit kay Lawron. "Hi Ma!"
"Kain na, nak." Hinila ko pa siya para umupo sa inuupuan ko. Hindi ko na rin kasi kaya ang presensya ni Forsythe!
Medyo busog na ako kaya pumunta na ako sa lababo para maghugas ng kamay. Maglalabas pa ako ng tubig mula sa ref nang makarinig kami ng bagong dating, "Hello everyone! Good evening!"
"Yow Clark! Kain tayo," bati ni Heroic. Lumingon ako saglit at nakitang nagsasalo-salo na sila sa lamesa.
"Sinong gusto ng kanin?" malakas kong sigaw habang balak kunin ang kaldero na pinagsaingan namin kanina.
"Want!" unang sumagot si Danger at sumunod ang iba. Imbis namagsandok sa plato, dinala ko na lang ang kaldero at nilapag sa gitna ng lamesa.
"Thank you!" sabi ni Clark at kumuha ng plato para makakain.
Ako na ang nagsandok ng kanin para kay Lawron dahil medyo nasa kalayuan siya. Nakigaya si Danger na nagpapalagay sa plato niya. Pati na rin sila Heroic at Clark ay nagpalagay na ng kanin sa akin.
Imbis na mainis dahil sunod-sunod na plato ang lalagyan ko, napapangiti ako. Tuwang-tuwa ako na nagkasalo-salo kami kahit hindi kami kumpleto. Akala ko kasi, hindi kami magkakasundo talaga.
"Ikaw, Ma?" tanong ni Lawron dahil ako lang ang nakatayo at hiindi kumakain.
Doon ko lang din napansin na mas lalong pumapangibabaw ang saya ko habang nakatingin sa kanila. "Busog na ako," sabi ko at mahinang natawa.
"Nabusog siya sa pagmamahal ko, Nak. Kain ka diyan nang marami, Nak," singit ni Danger.
"Hindi nga kita Tatay!
Muli kaming nagtawanan. Grabe, pati rin ang tawa nila, ang sarap sa pakiramdam.
Nakita kong bumaba si Orion mula sa hagdanan kaya tinawag ko siya, "Orion! Kain na!"
Napatingin din sa kaniya ang iba at tinawag din siya para kumain. Mula kagabi, hindi pa siya kumakain eh kasi hindi ko pa siya nakikitang lumabas sa kwarto niya.
Napatigil siya sa paglalakad at lumingon sa amin. Nawala bigla ang ngiti ko dahil parang may tumusok sa dibdib ko na mukhang hindi siya masaya na inalok namin siya.
"Do you all really think that it is good to have this kind of set-up?"
Tumahimik kaming lahat. Kahit 'yung mga kumakain ay tumigil sa ginagawa nila.
"We were under that fucking White Hall. At ngayon, mag-eenjoy lang kayo?"
Nanuyo ang lalamunan ko dahil galit na galit talaga siya ngayon. Kitang-kita ang panginginig ng mga kamay niya at ang bigat ng tingin niya.
"Ni hindi niyo pa kilala ang isa't-isa. For sure, may mas malala pa ang mangyayari sa atin sa mga susunod na araw dahil sa pagsali rito. Ngayon, may gana pa kayo maging masaya? Nag-iisip ba kayo? Gising na ba kayo sa reyalidad? O baka nabulag lang kayo sa laki ng inaalok? O baka sadyang mga kriminal na kayo?"
"Orion.. calm down," kahit nanginginig ang bibig ko, sinubukan ko siyang pakalmahin.
"Shut up!"
Parang sinuntok ang dibdib ko nang dinuro pa niya ako.
"Eh bakit ka pa pumayag na sumali rito? Kung ganyan lang din ang utak mo, eh 'di magback out ka," matigas na sinabi ni Heroic. Para bang may pumutol sa pasensya niya at nakapagsalita kahit gusto niyang manahimik. "Huwag mo kaming sisihin dahil choice namin na ipagpatuloy ang pag-aaral. Kung ikaw na kokontrahin ang magagandang bagay na meron kami ngayong oras na 'to, ikaw ang gumising. Mukhang sarado pa ata ang utak mo."
"Heroic.." pagpapakalma ko dahil mas lalong umiinit ang tensyon sa kusina.
Tumawa nang sarcastic si Orion. "Magandang bagay? Asan?" Umakto pa siya na parang may hinahanap. "Ah, ang masisira ang buhay natin sa mga susunod na araw dahil nagpadala sa inaalok ng gobyerno kapalit ang pag-aaral. Ngayon, pinagsama-sama pa ang mga nabulag sa takot na manatili sa Nodawn at gagawing mga kriminal."
Napatayo si Heroic kaya nagulat kaming lahat.
"Wala na akong pake kung ano pa ang sabihin mo. Hindi ko kayang makipag-usap sa mga sarado ang utak at puro sama ng loob." Mas lalo kaming natahimik sa sinasabi ni Heroic. Hindi ako sanay na ganito siya at hindi ko kayang makinig pa sa mga sinasabi ni Orion. "At huwag mong iduro si Bloom kung ayaw mong may lumabas pa sa bibig ko."
Napatingin ako kay Heroic na seryosong nakatingin kay Orion. Kung kanina ay sobrang bigat ng puso ko, ngayon naman ay parang naiiyak pa ako.
"At ako pa ang masama dahil nagsasabi lang ako ng katotohanan sa sitwsyon natin?" Tumawa si Orion.
"Kung gusto mong umalis, umalis ka. Mukhang hindi namin makakaya na makasama ka sa grupo na 'to."
Dahil sa sinabi ni Heroic, umalis nga si Orion. Bago pa siya makalayo sa kusina ay kinuha niya ang vase na nadaanan niya at binasag iyon. Nakalikha iyon ng napakalakas na ingay sa buong bahay.
Pagkatapos niyang malakas na sinara ang pintuan, nanatili kaming tahimik sa harap ng pagkain.
Tiningnan ko ang mga reaksyon nila. Parang nakatatak na sa utak namin ang lahat ng sinabi ni Orion. Si Lawron ay nakatingin sa pagkain niya at unti-unting may nabubuong luha sa mga mata niya. Si Forsythe at Danger naman ay kapwa nakatingin sa kawalan, kitang-kita sa mata nila ang galit sa narinig kanina. Si Clark, mabagal na pinaglalaruan ang manok, halatang walang gana. Nakatayo pa rin si Heroic mula kanina ㅡ mukhang pinapakalma ang sarili.
Nakatayo ako sa likuran ni Heroic at nakikita ko ang reaksyon nilang lahat.
Pare-pareha kaming naiipit sa sitwasyon na 'to. Alam naman namin 'yun pero mas lalo lang pinagmukha sa amin ni Orion ang tunay na nangyayari.
"Let's not judge him. 'Yung galit niya ang nagsasalita kanina," sabi ni Heroic sa kalagitnaan ng katahimikan. "Nawalan na ako ng gana. Una na ako," paalam niya at naunang umalis sa hapagkainan.
Gusto kong kausapin ang ibang nandoon dahil gusto ko silang pagsabihan ng magagandang bagay pero nasa dulo na ng lalamunan ko ang hikbing pinipigilan ko.
Sumunod na umalis si Danger na walang paalam. Doon na rin umalis sa lamesa si Forsythe at Clark na hindi pa nauubos ang pagkain.
"Sorry, Ma.. papahangin lang po muna ako," mabagal na paalam ni Lawron. Tumango ako kasabay ang pag-alis niya sa hapagkainan.
Napaupo ako sa upuan at napahiga sa mga bisig ko. Parang kanina lang, ang saya-saya ko pero naglaho sa isang iglap lang.
Wala nang pumapasok sa isip ko matapos kong magpahinga saglit. Pero naalala kong nagtanong sa akin si Lawron kung nasaan ang kwarto niya.
Mag-isa na lang ako sa kusina habang nililigpit ang pinagkainan namin. Akala ko bababa pa si Heroic pero hindi ko na siya inabala sa kwarto niya.
Hindi ko na napansin na hating gabi na at sobrang tahimik na ng paligid. Nasa kwarto na ang iba pero andito pa rin ako sa kusina at binabanlawan ang mga pinagkainan. Nanghihina kasi ako at walang lakas para tapusin agad ang hinuhugasan ko. Hindi ko rin kasi alam kung saan ilalagay ang mga pagkaing hindi nila kinain kaya natagalan ako kanina sa paglinis ng lamesa.
Hindi ko na pinansin ang oras at pinunasan ang mga bagong linis na mga pinggan.
Kaso naririnig ko pa rin ang sigawan kanina sa utak ko. At doon na rin nasimulang lumabo ang paningin ko. Hindi ko na ito pinigilan at nilabas ang mga hikbi na kanina ko pa tinatago.
Binaba ko muna ang pamunas at ang pinggan sa lamesa at napaupo sa sahig ng kusina. Pinahina ko lang ang mga hikbi ko habang nababasag ang buong pagkatao ko.
Nasa ilalim na nga kami ng gobyerno at hindi ako makakapayag na magiging kriminal kami. Gusto lang namin makapagtapos. Bakit ito ang nangyayari sa amin?
"Bloom?"
Napaangat ang tingin ko. Kahit nanlalabo pa rin ng mga mata ko dahil sa pag-iyak ko, naaninag ko pa rin si Boss na nakatingin sa akin.
"B-Boss.." Pinunasan ko ang mukha ko gamit ang damit ko. Agad naman akong tumayo na parang walang nangyari.
"Bakit gising ka pa?" Titig na titig siya sa akin. Mukhang tinatantya niyang tanungin ako kung bakit ako umiiyak.
"Tinatapos ko lang 'to." At pinatuloy ko ang pagpupunas ng mga plato.
"Bukas na lang 'yan. Magpahinga ka na."
Napailing ako at pingpatuloy ang ginagawa ko. Akala ko aalis na siya kasi nawala siya sa harapan ko. Pero bumalik din agad siya na may dalang extra towel para samahan ako sa gingawa ko.
"Nakausap mo na ba ang iba?" tanong ko para basagin ang katahimikan.
"Hindi pa."
Gusto ko sana siyang tanungin kung saan siya palagi at bakit ganitong oras siya dumadating. Siya ang leader namin at wala siya kanina. Actually, palagi siyang wala. Noong unang meeting ay wala siya.
Mas lalo tuloy sumama ang loob ko.
Napapansin kong napapasulyap sa akin si Boss habang nagpupunas siya ng pinggan. Nahuli ko ang tingin niya sa akin kaya mas lalo niyang binian ang ginagawa niya. Hanggang sa siya na ang nagtapos ng lahat. Mabilis din niya itong binalik sa lalagyan bago ako hinarap ulit. Tinanggal niya muna ang salamin niya bago nagsalita.
"Do you want to talk about it?"
Wow, may nagbabagang balita: Boss, our leader, mukhang walang alam sa amin at nawawala tuwing may araw.
Hindi ko alam ang eksaktong dahilan kung bakit ako nagagalit. Halo-halo na kasi ang nangyayari ngayon pero the more na tinititigan ko si Boss, parang naglalaho ang lahat ng iniisip ko.
My eyes met his. Imbis na magpanic dahil sa nangyayari ngayon, nakakaramdam ako ng matinding comfort sa mga tingin niya. Parang gusto kong buksan ang lahat ng hinanakit ko. Parang gusto kong sabihin lahat ng pangamba ko pero hindi ko kayang maging mahina. Matapos ang mga sinabi ni Orion kanina, parang ayaw ko na magtiwala.
Tumunog ang telepono sa sala kaya naputol ang titigan namin. Tumayo ako para puntahan iyon pero inunahan ako ni Boss. Dahil sa gusto kong umiwas sa tanong niya kanina, kung ano na ang nagiging reaksyon ng katawan ko para tumakas.
"Hello?" bati niya pagkatapos sagutin iyon.
Gusto kong umalis agad pero nang napasulyap sa kaniya na seryosong nakikinig sa telepono, pumako ang tingin ko at hindi ko na ito mabawi. And one thing I knew, si Boss na ang nasa isip ko.
Bakit napakakaswal ang kilos niya sa bahay na ito? Dito na ba siya nakatira o bago pa kami nakarating dito ay andito na siya? Saan kaya siya pumupunta simula umaga hanggang gabi at umuuwi na siya tuwing hating gabi? Kumain na ba siya?
"Okay. Papunta na po kami diyan," sabi pa niya kaya natauhan ako.
"Can you come with me?" tanong niya nang papunta siya sa sabitan ng coat. Hindi pa ako nakakasagot ay inabot na niya sa akin ang jacket na suot-suot niya kaninang paghatid niya sa akin.
"Nasaan ka palagi?" mahina kong tanong. "Alam mo bang may nagsagutan kanina?"
Napabuntong-hininga siya.
"I know."
Napakunot ako ng noo nang may tinuro siya sa kisame. May CCTV pala roon kaya nanlaki ang mga mata ko.
"I know what happened and I heard everything." Napayuko siya saglit bago tingnan ang reaksyon ko.
For someone who has the power and authority as a leader, Boss seems a soft one.
"I'll take care of you all, Gumdrop. Whatever happens, just trust me."
My heart is almost at ease when he said that. I also felt his sincerity. Napaisip ako na sana marinig ng iba iyon at makilala si Boss.
"Now, we need to go to the Police Station. Orion is there."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com