Chapter 7

It's freaking 4:30 AM at nakatanggap ako ng tawag mula sa Landlady namin sa Girl's Dorm. Like the fudge? Hindi ako mahilig magmura pero iyon ang unang inambag ko pagkamulat ng mga mata ko. Ang sarap-sarap ng tulog ko tapos gigising sa akin ang balita na wala na ang pangalan ko sa dorm na tinutuluyan ko. May nakapagdownpayment na raw ang bagong student kaya before 8, kailangang kunin na ang mga gamit ko roon.
Sunod-sunod ang katok na binigay ko sa pintuan ni Heroic. Kahit hinang-hina pa ako sa oras na ito, pilit ko maging malakas para gisingin siya.
"Bakit..." Binuksan na niya ang pintuan at kitang-kita sa mukha niya na inaantok pa siya.
"Kailangan ko nang kunin 'yung mga gamit ko," diretso kong sabi. "Biliiis, tulungan mo ako, Roic!"
"Inaantok pa ako, Bloom. Ano bang oras kailangan..." Humikab muna siya bago magpatuloy magsalita, "... kailangang kunin ang gamit mo?"
"8 daw. Pinapamadali ako dahil darating daw 'yung bagong papasok sa dorm. Palibhasa, hindi pa ako nakakabayad kaya pinapabilisan akong umalis."
"Bakit ba masyado kang nagmamadali? May ginto bang nakatago sa mga gamit mo? Hayaan mong sila na mag-ayos ng gamit mo. Kunin nalang mamaya natin sa labas ng dorm." Hindi ko alam kung nagbibiro ba siya pero gusto ko siyang sapakin baka magising.
Andoon kasi ang Macrofinder na binigay sa akin ni Jon. Ayaw ko iyong mawala dahil malaki ang tulong nun sa akin balang araw. Hindi ako alam kung saan ko banda nilagay 'yun. Pakiramdam ko, kung sino makakita nun, kukunin na lang. Nakakarinig kasi ako ng balitang ganun kapag ang mga boy ng Landlady ang naglalabas ng gamit, maraming nawawalang kagamitan.
"Herooooiiiiccccc!" iyak ko.
"Shhhhh! May natutulog pa!" rinig naming sigaw mula sa kwarto ni Orion. Kumatok pa nang malakas sa pader kaya napanguso ako sa harapan ni Heroic.
"Sige, pupunta ako roon mga 6," sabi ni Heroic.
"Penge number mo. Baka kasi makalimutan mo," nagmamadali kong sabi.
"Hindi ko memorize ang number ko..." Ginusot niya ang mga mata niya.
"Paano kita matatawagan?"
"Tiwala ka lang sa akin. Ayusin mo na mga gamit mo. Pupunta ako sa dorm niyo kapag 6 o'clock. Tulog muna ako."
Hindi na niya sinara ang pintuan dahil dumeretso na siya sa kama niya at sumalpak doon. Halatang inaantok pa dahil ang bilis makatulog.
Sinara ko ang pintuan niya at nagmadaling bumalik sa kwarto ko. Naghilamos na lang ako at nagsuot ng tshirt. Nakapajama pa ako pero hindi na ako nag-abalang mag-ayos ng sarili. Ni hindi na ako nakapagmake-up.
Lumabas na ako sa kwarto ko. Saktong napalingon ako nang nakarinig din ako ng pagbukas ng pintuan. Nagblangko na naman ang utak ko nang makita si Boss, bagong ligo at nakapag-ayos na.
"Good morning," bati niya.
Nakakahiya naman kalagayan ko ngayon!
"Good morning, Boss," bati ko pabalik.
Lumapit siya sa akin at umalingasaw ang pabango niya. Pero nagloading saglit ang utak ko. 'Yung pabango niya... hindi ganoong katapang. Kung ikukumpara sa mga naaamoy kong pabango ng mga lalaki, kung ang iba ay mga gwapong amoy, sa kaniya naman ay ang cute.
Teka, bakit ito agad ang iniisip ko ngayon?
"Saan ka?"
"Uhm, dorm. Kukunin ang gamit ko.." Nagsimula na akong maglakad dahil bawal palang bumagal ako sa pagkilos.
"Ngayon mismo?"
"Oo eh.." Sasabihin ko pa ba ang rason? Nacoconscious ako masyado eh. Wala pa akong ligo!
"Sige, sabay ka na sa akin. Papunta ako ng school."
Sino ba naman ako para tumanggi 'di ba? Atsaka, nagmamadali rin ako.
Pagkarating namin sa garahe, nag-eexpect ako ng sasakyan. Hindi ko alam, may sasakyan kasi roon. Akala ko sa kaniya. Kaso napakagat ako ng ibabang labi para pigilan ang ngiti ko nang makita ang asul niyang scooter.
"Bakit ang aga naman?" tanong niya nang sumakay na sa scooter niya.
"Kasi hindi pa ako nakakabayad kaya pinapaalis na ako agad dahil nakabayad na 'yung susunod na lilipat."
Napatango siya at sinenyasan akong umangkas sa likuran niya. Sa una, naiilang pa ako. Oo naman 'no! May hiya pa ako sa lagay na 'to! Sinuot ko ang inabot niyang helmet. Actually, mukhang helmet niya 'to. Siya tuloy ang walang suot.
"Boss..." tawag ko habang nagmamaneho na siya.
"Why?"
Napaiwas ako ng tingin. The morning is still young. Halos kita pa ang lamig sa dinadaanan namin papunta sa proper.
"Boss talaga ang name mo?" I can't help but to ask. All of a sudden, parang curious na ako sa kaniya. Hindi lang dahil leader namin siya. Kung hindi... dahil...
"Yes. Second name."
... I don't know. I just want to know him.
"Program you took?"
"Political Science."
Uhm.
Hindi ba niya itatanong ang sa akin?
He remained silent hanggang makarating kami sa Girl's Dorm. Bakit nadidismaya ako na hindi siya nagtatanong sa akin? Pakiramdam ko tuloy, hindi siya interesado. Or sadyang pinapakitaan ko lang na ako ang interesado? Kaya nafefeel ko na hindi tumatapat ang expectations ko? O baka naman nalaman niya dahil naka-nursing uniform ako kagabi?
Wait, bakit ba ako nag-iisip masyado? He's just Boss. Nakilala ko na siya kagabi!
Nagpasalamat ako nang makarating kami sa Girl's Dorm. Tinanguan niya lang ako at nagmaneho na paalis.
Ginugol ko ang oras ko sa pag-aayos ng gamit ko. Pagkarating ko sa kwarto namin ay gising na si Wonder at nagsusuklay ng buhok niya.
"Anong meron? Totoo bang hindi ka na magdodorm?" diretsong tanong niya.
Nabahala tuloy ako. Baka ginising pa siya ng Landlady dahil ipapaalam na may lilipat na bagong tenant.
"May titirhan na ako eh." Awkward akong ngumiti. Nagdadasal na rin ako na sana huwag siyang magtanong tungkol sa bagong tirahan ko. Hindi pa handa ang palusot ko. Masyado pang maaga para mag-isip. Ni hindi pa ako nag-aalmusal.
"Oh.. okay.."
Nagsimula na akong mag-ayos ng gamit ko sa maletang dinala ko noon.
"Hindi man tayo ganoong kaclose, especially palagi tayong nag-aaral tuwing gabi, thank you for making me comfortable."
Natunaw ang puso ko sa sinabi niya at mas lalong napangiti. "Thank you rin. I hope, makaya natin ang mga haharapin natin." I gave her a fighting sign. She chuckled and also gave me one.
Nauna na siyang umalis dahil uuwi siya sa subdivision nila at may date daw sila ng boyfriend niya. Sinabihan ko nalang na mag-ingat sila.
Malapit nang mag6 o'clock at matatapos na ako sa pag-aayos ng gamit ko. Mabuti, nandito pa ang Macrofinder kaya tinago ko siya sa bag ko.
Inayos ko ang comforter ko. Isa pa itong masakit sa braso. Sa bigat pa lang nito, mahirap na itong tupiin.
Habang tinatali ko ang unan pati comforter ko, may kumatok sa pintuan. Tumalon ako para madaanan ang mga maleta ko at tumakbo. Pagbukas ko ng pintuan, nabunutan ako ng tinik nang makita si Heroic, nakarating saktong 6 AM at humihikab pa.
"Hay salamat!" pasasalamat ko.
"Sabi ko sa'yo, magtiwala ka lang sa akin," sabi niya habang ginugusot ang mga mata niya. Nakasuot siya ng puting hoodie, itim na jogging pants at baseball cap. Halata namang hindi pa siya naligo pero mabango pa rin siya.
"Didiretso na ba sa dorm niyo?" tanong ko at inayos na naman ang gamit ko na parang isang malaking tao.
"Oki," ikling sagot niya at humiga sa kama ko na wala ng saplot este comforter.
"Marumi diyan, huy!" pagtataboy ko.
"Dalian mo na."
Okay. Dinalian ko na nga hanggang sa tuluyan akong natapos sa ginagawa ko. Akala ko, magrereklamo siya sa dami ng gamit ko pero siya na ang nagbitbit ng dalawang maleta ko. Binitbit ko nalang ang kahon ko.
"Bye, room. Salamat sa mahigit anim na buwan," buong puso kong paalam sa kwartong tinuluyan ko.
Masyado pa ngang umaga kaya tahimik pa ang dinadaanan naming hallway ng dorm. Hindi rin ganoong kalayo ang Boy's Dorm. Nagdadalawang-isip pa ako kung sasama pa ba ako sa loob dahil may mga gising na lalaki na nagjojogging.
"Dito ka lang muna kay Guard. Kaunti lang ang gamit ko."
Tumango ako at umupo sa upuan doon. Bago siya umalis ay tinanggal niya ang cap niya. Nagulat ako nang sinuot niya iyon sa akin para medyo itago ang mukha ko. Mas lalo lang akong nagulat nang hinubad niya ang hoodie at binigay sa akin. Naiwan na lang sa kaniya ang puting shirt niya.
"Nagmamadali masyado, ghorl? Suotin mo 'yan. Mukha kang matutulog palang."
Tinanggap ko agad 'yun dahil tama ang sinabi niya. Kahit nagpants lang ako, okay na eh. Kaso ang fluffy ng pink pajama na suot ko ngayon.
Tahimik akong naghintay sa bench na nakayuko, nakaekis ang mga bisig at paa. Sa pwesto ko, halatang ayaw kong makipagtinginan sa mga lalaking dumadaan dito.
Hindi ko napansin kung anong oras na at saktong pag-angat ko ng tingin ay nakita kong naglalakad na si Heroic palapit sa akin. Napatayo na rin ako at binitbit ang kahon ko.
Nag-eexpect ako ng maleta niya kaya inunahan ko na siya sa maleta ko.
Binuksan niya ang kahon na hawak ko at tiningnan ang loob nun. Kaunti lang naman ang laman nun dahil mga libro at iba pang handouts ang nakalagay doon.
"Palagay," sabi niya at pinasok ang isang bag.
"'Yun lang ang dala mo?" tanong ko kasi parang ang kaunti lang naman ng gamit niya sa dorm?
"'Yung uniform ko, nasa bahay na. 'Yung school bag ko, andoon na rin. Mga ibang damit ko na lang 'to."
Hindi rin naman ganoong kabigat ang dala niya kaya hindi na ako nagreklamo. Tulad kanina, kinuha niya ang dalawang maleta ko at nagsimulang maglakad.
Sumakay na rin kami ng taxi pauwi.
"Uy, nakita mo na 'yung leader natin?" tanong ko sa kaniya habang 'yung mga maleta ay nasa pagitan namin.
Umiling siya agad. "Umuwi ba kagabi?" tanong niya.
"Oo. Nakausap ko. Atsaka siya ang naghatid sa akin kanina papuntang dorm."
Halos mailuwa niya ang mga mata niya sa gulat. Hindi siya makapaniwala sa sinabi ko. Kung natatanggal agad ang mata, baka gumulong-gulong na iyon sa baba kasabay sa sinasaktan namin.
"Anong name niya?" tanong pa niya.
"Boss."
Ngayon naman ay naningkit ang mga mata niya.
"Boss talaga ang pangalan niya?"
Tumango ako.
Inayos niya ang upo niya para makaharap ako. Ayon sa mga galaw ng hintuturo niya, umaapaw ang iniisip niya.
"Pakiramdam ko lang dahil hindi ko pa siya nakikilala, sa pangalan pa lang niya at sa pagiging leader niya ay napakasuplado niya. 'Yung napakastrikto niya. Siguro napakaintimidating ng dating niya. Naiimagine ko na palagi siyang nakasakay sa isang itim na limousine. Tapos 'yung amoy pa lang niya ay parang ang yaman na. Baka nga may utusan pa siya o guard na nakabuntot sa kaniya."
Tingnan mo 'tong bayani na 'to. May pagka-leading man naman ng iniisip nito dahil lang Boss ang pangalan ng leader namin. Akala niya CEO siya ng isang company.
"Grabe ka naman! Bakit ganun ang iniisip mo?" tanong ko at pinalo ang braso niya.
"Hindi mo ako masisisi. Boss pangalan niya eh." Tumawa pa na parang baliw.
Napailing ako. Nang binalik ko ang mga expectation ni Heroic kay Boss ay doon ako napabuga ng tawa.
"Bakit ka natatawa?"
Napatakip ako ng bibig at pinanood ang dinadaanan namin.
I can't help but to let out a soft chuckle. I'm slowly agreeing the expectation he said a while ago but all of those were actually the opposite of Boss.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com