Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 18

Hindi ako makatulog nang maayos. Nang malaman ko na ang una naming misyon ay ang gawa ni Jon, parang sumama masyado ang pakiramdam ko. Hindi ko alam kung nasusuka ba ako o gumulo ang sikmura ko. Hindi ko alam kung alin sa mga iniisip ko ang pumapangibabaw sa akin ngayon. But the fact that I saw the microchip he made, knew his purpose and witnessed his determination in person, it made me want to throw up. Sa plano palang kanina ay parang hindi ko na nakilala ang sarili ko.

Nasa terrace ako ngayon at dinadamdam ang lamig ng alas tres ng umaga. Panigurado, tulog na ang iba, samantalang ako, ito pa rin at pilit pinapakalma ang sarili ko.

Napapaisip tuloy ako kung nakikilala pa ni Danger si Jon. Naalala ko kasing sumabay siya noon kay Jon noong pinababa kami sa bus. Hindi ko nga lang siya nakausap kanina pagkatapos ng meeting dahil lumabas agad ako roon.

"Nakakapagod na mag-isip.." bulong ko habang mariing napapikit.

Sa huli, napabuntong-hininga ako. Wala rin naman akong magagawa. Nagsisimula na eh, kaya papasok na lang ako sa kwarto ko. Kasi hindi pa ako nakakatayo sa inuupan ko ay nagulat ako nang makita si Orion sa likuran ko at may hawak na baso.

"Hindi ka pa natutulog?" tanong niya.

"May iniisip lang," pag-aamin ko.

Umupo siya sa bakanteng upuan sa tabi ko at uminom sa hawak niya. Binaba niya ito at muling napasulyap sa akin. "Gusto mong pag-usapan?"

Bumagsak saglit ang mga dulo ng labi ko. Gustuhin ko mang kwentuhan si Orion pero parang natatakot ako. Hindi pa ata ako handang sabihin na kilala ko si Jon at alam ko kung anong magagawa ng microchip.

"Ayos lang. Tungkol lang sa bayarin," palusot ko na lang. Iyon din naman ang iniisip ko kanina bago ko pinag-isipan ang tungkol kay Jon. Wala na kasi akong kapera-pera.

"Ow," sambit ni Orion at napatango. Pinagmasdan ko ang mga mata niya at halata namang hindi pa siya natutulog. Kung naalimpungatang siya, medyo namamaga ito pero hindi.

Ilang minuto palang at naramdaman ko rin kung gaano kabigat ang hangin na nakapalibot sa akin. Muli akong napasulyap sa kaniya. "Are you okay?" tanong ko. "Kung may gusto kang sabihin, makikinig ako." Nagbabakasakali lang na baka mag-open up siya. Kanina ko rin naalala na parang may something eh.

"'Yung painting.." panimula niya. Napabuntong-hininga pa muna siya bago magsalita ulit. "'Yun ang una kong natapos na painting sa buong buhay ko."

Nanlaki ang mga mata ko. "Sa'yo 'yun?" gulat kong tanong. Biglang naalala ko kung paano kinuwento ni Boss ang tungkol kay Orion kahit maikli lang. Sabi ko na nga ba!

Tumango siya. "Hindi rin ako makapaniwala na ako ang gumawa nun." Nakawala siya ng isang tawa. "Alam mo ba na masyado akong natuwa sa nagawa ko at halos araw-araw ko siyang tinitingnan sa dingding namin? Halos lahat naman ng ginagawa ko ay hindi ako nasasatisfy kaya hindi ko natatapos. Masyado rin akong nabusy sa plates ngayong college kaya hindi ako nakakagawa nang malaya. Iba ang saya ko tuwing nakikita ko ang painting na 'yun dahil masyado akong nabibihani roon. Kaya lang, ngayong taon, nabahala ako kasi wala na akong pera para pambayad sa tuition. Labag man sa loob ko, binenta ko sa art dealers."

Inabante ko ang katawan ko para ipakitang interesado ako sa kinukwento niya.

"Marami akong napuntahan. Marami akong nakausap. Grabe 'yung pags-sales talk ko tungkol sa gawa ko, kung gaano 'yun kaimportante sa akin at kung gaano kalaki ang tulong kung bilhin nila iyon pero ayaw nila. Hindi naman ako nawalan ng pag-asa hanggang sa lumapit na ako sa huling dealer na pinakilala sa akin. Hindi man siya ganoong kasikat at may maliit lang siya na studio. Gusto niya talagang bilhin ang gawa ko kaso nga lang ay kulang ang pera niya. Hindi aabot sa tuition ko kaya sumuko na lang ako." Inayos niya ang upo niya. "Wala na rin naman akong kapera-pera at wala na akong pagkain sa bahay. Binenta ko na lang din sa kaniya iyon sa maliit na presyo. Kailangan ko ring mabuhay eh."

"Binili niya," pang-uulit ko kasi nakapagtataka lang kung bakit andoon na sa ibaba 'yung painting na binili na raw.

"Oo. Binili niya. Nagtaka ako kung bakit andoon 'yun. Kaya nang matapos 'yung meeting, nilapitan ko 'yun. Baka namamalik-mata lang ako. Lumapit din sa akin si Boss at sinabi niyang sinundan niya ako sa mga pinuntahan kong art dealers. Hanggang sa binili rin niya ang painting. Hindi ko nga lang natanong kung magkano niya binigay niya kasi hindi pa rin ako makapaniwala."

Napangiti ako. Hindi man sinabi sa akin ni Boss na binili niya ang painting na ginawa ni Orion.

"Ngayon.." Huminga siya nang malalim. "Parang hindi ko alam kung ano dapat ang maramdaman ko. Parang pakiramdam ko, ang sama kong tao matapos husgahan si Boss noong una at nakapagsalita sa grupo na 'to."

"No," agad akong umangal. "Naiintindihan naman namin kung bakit nangyari ang nangyari noon dito. Naiintindihan ka namin dahil parehas naman ang sitwasyon natin ngayon kaso hindi mo lang namanage ang emosyon mo at nakapagsalita. Which is valid naman."

"Salamat," mahina niyang sabi.

"Besides, naiintindihan ko naman na nagdududa pa kayo noon kay Boss dahil hindi pa siya nagpapakita. Noong unang gabi ko rito sa bahay, nakilala ko rin siya dahil late na siya umuwi. Kaya kahit nahihirapan akong hindi sumang-ayon sa mga sinasabi na hindi kayo naooffend, alam kong may dahilan siya and he's really a good guy."

Mahina siyang natawa. "Aasarin sana kita kaso ang hirap bigyan ng malisya kapag nakilala na si Boss."

Nakitawa rin ako. Kaso nang napaiwas saglit ako ng tingin ay bumagsak ang mga labi ko. Matapos kong mag-ipon ulit ng lakas, humarap ako sa kaniya. "So, anong title ng painting mo?" tanong ko.

"Sa totoo lang, wala akong maisip." Tumingin siya sa akin. "May naiisip ka ba?"

Napataas ako ng magkabilang kamay. "Bakit ba ako ang palagi niyong tinatanungan ng pangalan? Gusto niyo ba 'yung Gumdrop na pangalan natin ngayon?"

"To be honest, hindi ko pinapansin noong una. Ngayon na nagsisink-in sa akin ang lahat ng ito, natutuwa na ako sa Gumdrop. Ang unique kasi. Atsaka, naalala ko pa ang lasa ng gumdrop na inalok niyo sa amin noong oras na 'yun."

Napahighik ako. "Kinain din ni Boss ang huling piraso ng gumdrop." Nanlaki ang mga mata niya kaya tumango ako. "And he's keeping the sachet."

"Wow."

"I know." Mahina akong natawa at muling tumingin sa labas.

"Parang..." panimula niya nang binalutan kami ng katahimikan. "Gusto kong obvious ang title, 'Rainbow', pero may alternative title din."

"Ano?"

"Dream Again." He smiled. "Rainbow (Dream Again)."

I can't help but to admire his smile that I haven't seen since the first time we met. Now that he's starting to open himself up, I never knew how hope crept in my system.

"I had a dream once in my life. And now, I'm willing to dream again with you, Gumdrop."

---

"Okay na ba ang paa mo?" tanong ni Clark nang naabutan ako sa sala na tinutupi ang mga damit ko. May dala siyang ice cream at umupo sa kabilang upuan bago binukas ang TV.

"Okay na. Hindi naman ganoong kasakit." Inangat ko ang paa ko. "Nga pala, hindi ka nasa headquarters?" tanong ko.

"Nah." Napailing siya. Pinatong niya ang paa niya sa sofa para comfortable umupo. "Kailangan ko lang ng malinaw na mata at ice cream." Pinakita niya ang hawak niya.

Napatango ako. "Ano na ang ginagawa nila?" Ang pagkakaalam ko kasi, tinuturuan ni Forsythe ang mga nandoon. Hindi nga lang ako sumama dahil may cast pa sa paa ko. Gustuhin ko mang manood pero masyado pa akong naooverwhelm.

"Mga basic self-defense pa rin. Ang galing nga magturo ni Forsythe. Akalain mo, tinest niya muna si Danger at masyadong agresibo itong si Danger at wala pang isang minuto ay bumagsak agad siya."

"Woah!" Napataas ako ng magkabilang kamay. Nakawala rin ako ng tawa dahil hindi ako makapaniwala sa nalaman ko. Dapat nanood ako!

"By the way, mag-aapply si Orion sa Nodawn Shots."

"May lugar na sa meeting place kung saan magkikita sila Jon and buyer?" tanong ko.

"Yes. Kanina lang nalaman ni Boss." Inayos niya ang upo niya. "It seems like marami na pala siyang potential buyers at doon sa Bar ang meeting place nila para magblend sa dami ng tao roon."

"At si Orion?"

"Mag-aapply siya para may access din tayo sa mismong bar."

I wonder kung voluntarily or Boss assigned him. Pero it's nice din naman na magtrabaho si Orion doon. Kung hindi nga lang ako injured, sasamahan ko siya. Gusto ko ring magtrabaho eh. Kaso mukhang ang dami pang kailangang atupagin.

"Clark, nauuhaw kami ni Lawron," sabi ni Orion nang sumilip sa sala. Napatigil sa pagsubo ng ice cream si Clark bago kami nagkatinginan.

Nagtataka man, pinanood ko nalang sila. Akala ko nga magagalit o kokontra si Clark pero kitang-kita ko sa mga mata niya ang defeat bago tumayo.

"Mukhang masarap din ang ice cream ngayon.." dagdag pa ni Orion bago sumigaw habang pabalik sa headquarters, "Lawron, masarap ang ice cream ngayon 'di ba?"

Napakunot ako ng noo. Binilisan ko rin ang pag-iisip ko kung ang pinag-uusapan nila hanggang sinamaan ko na ng tingin si Clark. "Don't tell me.."

Nasamid si Clark at napaiwas ng tingin.

"Unahan ko na kayo, matatalo kayong lahat. Desisyon ako."

Napawakli nalang siya ng mga kamay. "Hayaan mo na. Panindigan ko salita ko."

Tinakpan ko ang bibig ko. Hindi ako makapaniwala. Pero hayaan ko na lang kung doon sila nagkakalapit. Baka bonding time na nila 'yun. Mas mabuti na iyon kaysa naman 'yung nangyari noon na halos lumpuhin na nila ang isa't-isa.

Mukhang ako na lang ang mag-aadjust. Sila naman ang gumagastos eh. Ang mahalaga ay nagkakasundo sila.

Dahil medyo bored na ako sa kinauupuan ko, sinara ko ang TV nang makita kong lumabas na si Clark para bumili. Bumisita na rin ako sa HQ kaso nakasalubong ko pa si Boss.

Panic malala.

"You need help?"

"No. thank you," mabilis kong sagot at agad din namang naglakad papunta sa loob kaso napatigil ako bigla nang hindi marinig ang yapak ni Boss na palayo sa akin.

Dahan-dahan akong lumingon at nakita pa rin si Boss na nakatayo sa hallway na nakatingin sa akin. Nakonsensya tuloy ako bigla dahil baka maramdaman niya na iniiwasan ko siya.

"May problema ba?" mahina niyang tanong. Halos manlumo pa ako nang makita ang mga mata niya, parang binabasa niya ako.

Nagsisi na rin ako na nagpadala agad sa pagpapanic. Inayos ko ang tayo ko bago napansin kung saan kami nakatayo ngayong oras na ito. Sa hallway kung saan tinabunan ang bakas ng kabataan ni Boss. Ngayon na tumanda na siya... gusto kong tanungin kung nasulit ba niya ang pagiging bata niya bago ang lahat ng ito.

"Wala," mabagal kong sagot. Kahit man lang sa tingin ko ay maniwala siya. "Okay ka lang, Boss?" tanong ko pabalik.

Mukhang nagulat siya sa biglaang pagtanong ko at agad namang napatango. Napatango na rin ako at nagpatuloy sa paglalakad papunta sa loob ng HQ.

Sana nakausap ko pa siya.

Napailing ako. Tama siguro 'to. Besides, bakit naman ako nagkakaganito?

"Hello!" bati ko sa lahat nang nakita kong nagpapahinga sila at umiinom ng tubig.

"Sweet naman, Jennifer! Asan na snack namin?" sigaw pabalik ni Danger.

Hindi ko pa rin naman ipinagkakaila na mukhang may bitbit na mabigat na bagay ang isang paa ko habang naglalakad. Bago pa ako matumba, napatigil ako sa paglalakad nang naglalakad palapit sa akin si Forsythe habang pinupunasan niya ang mga bisig niya sa hawak niyang towel.

"Yieeeeee," asar nila bigla nang namula ako dahil inalalayan niya ako sa pamamagitan ng paghawak ng magkabilang balikat ko.

"Walang malisya," bulong ko kay Forsythe.

Nakawala siya ng isang maiksing ngisi. "Walang malisya," bulong niya pabalik.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com