Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 19

A week before the new semester starts, we are practicing and holding a meeting for the upcoming mission. So far, hindi nagpapakita ng senyales si Danger na kilala namin si Jon. Ni hindi niya nga ako tinatanong. Pero sa ngayon, mas inaatupag ko ang sarili ko dahil nakakalakad na ako ulit. Medyo maayos na rin kumapara noong nakaraang araw.

"Wala na akong pera," rinig ko kay Heroic habang inaayos ang cabinet niya.

"Same," sabi pa ni Lawron na nakaupo sa higaan ni Roic at naglalaro sa phone niya.

"Same din." Pati rin si Orion na dumaan sa kuwarto at lumayo rin.

"May bigas pa ba tayo?" tanong ko.

Natahimik kaming lahat bago ako napanguso. Narinig ko kasi ang anusyo ni Clark na kaunti na lang ang bigas namin. Nagsaing siya kanina at baka mas nabawasan pa.

"Wala na rin akong pera.." bulong ko at nakasapo ng noo.

Nakita kong dumaan si Danger sa labas. "Huy, una muna ako ha?" paalam ko kay Heroic at Lawron. Tumango naman sila kaya agad-agad akong lumabas.

Oo nga pala! Ngayon ang unang araw ni Orion sa Nodawn Shots. Si Danger ang maghahatid kaya sana makausap ko siya pagkatapos ihatid si Orion.

Kinuha ko ang cardigan ko at nagmamadaling talian ang buhok ko. Nakamake-up ako kanina pa dahil nagpicture kami para sa ID picture sa White Hall.

"Pwedeng paayos ng buhok?" tanong ni Boss habang inaayos ang lenses ng DSLR camera niya. Habang seryoso siya sa ginagawa niya, inayos ko ang buhok ko at nilagay iyon sa likuran ko. Kaso hindi ata bagay sa akin na walang buhok na nakasuklay sa balikat ko.

Nagdadalawang-isip ako kung ganito na lang ba ang ayos ng buhok ko o ang awkward tingnan. Saktong pag-angat ng tingin ko sa camera ay napatingin ako kay Boss na nakatitig sa cam. Nang napansin niya na nakatingin ako sa kaniya ay doon na siya napaayos ng tayo. Tumingin siya sa akin at naglakad pa palapit sa akin.

"Can I?" paalam niya.

Nanlalaki man ang mga mata, napatango ako sabay umiwas ng tingin. Hinayaan ko na lang siya na ayusin ang buhok ko hanggang sa naglagay siya ng buhok sa kanang balikat ko. "Your shoulder," sabi niya at siya na mismo nag-anggulo sa akin. Kinailangan ko ring ayusin ang pustura ko para maganda tingnan ang uniform na suot ko ngayon. Nakakatakot, baka mamantsahan kaya pagkatapos nito, bibihis agad ako.

"Kapag nagseselfie ako, mas maganda ang right side ko." Pinakita ko ang right side ko. Mas maganda kasi sa picture ang right side ko... I think.

Pagkatapos sulyapan ni Boss ang mukha ko, nagsalita ulit siya. "Mirrored ba ang selfie mo? I prefer your other side. You look beautiful. Try mong tingnan." Bumalik siya sa cam at ngumiti na ako para picture-an.

"See?"

He's right.

Nakailang take pa ako para may pagpipilian.

"I will give you the power to choice which one is the best," sabi ko kay Boss.

"Hirap naman pumili." Tumawa siya. "Lahat kasi maganda."

Ako tuloy ang natahimik at pinanood siyang mamili sa mga litrato ko. How I wish I can read his eyes. Ano ba 'yan, Boss..

"I like this," he said while pointing the first one he took. "Your smile looks natural."

Sino ba namang hindi mapapangiti sa mga salita mo kanina?

"Sige, sige. Thank you." Magpapaalam na sana ako kasi ako na ang huli. Natapos na ang iba. Pinauna ko sila habang nagmamake-up pa ako.

"I need your help." Siya naman ang umupo sa upuan kung saan may background sa likuran. Tinanggal niya ang coat niya at naiwan ang sky blue formal shirt niya. "Hindi pa ako nakakapagpicture."

Napakunot ako ng noo. "I thought, tapos ka na?" Akala ko nagpatulong din siya sa iba.

"Nahihiya ako sa kanila eh." Napakamot siya sa balikat niya.

The butterflies...

"Sa'yo pa lang ata ako malapit."

Ibon na ata ang lumilipad sa tiyan ko.

"Sige," bulong ko. Kinakapusan pa ata ako ng hininga.

Marami akong kinuhang litrato sa kaniya. Tinutulungan ko rin siya sa posing niya. Nahihiya pa siya sa akin noong una pero nakakapagbiro na lang ako kaya natatawa siya.

Ang cute niya...

Normal pa bang umiyak dahil ang cute niya?

"Kasalanan mo ang pagiging cute kaya mahirapan kang pumili kung saan gagamitin mo."

Mas lalo siyang natawa sa sinabi ko. Hindi bale, akala niya biro lang eh.

Sa huli, may napili rin siya.

Tutulungan ko sana siyang mag-ayos ng mga gamit kaso mukhang hindi pa siya tapos dahil kumuha pa siya ng isang upuan. Nagtataka man, hinintay ko ang sasabihin niya.

Matapos iadjust ang camera niya, tiningnan niya ako. "Tara, picture tayo?"

"Sinong kinikilig? Ako?" tanong ko sa sarili ko habang naglalakad palabas ng bahay. "Haha! Hindi ah!" tumawa ako bago sinagot ang sarili kong tanong. Bakit ba ako kinikilig? Bakit ba ang saya ko na nagpictorial kami ni Boss na kaming dalawa lang? Huwag ko na ngang isipin 'yun!

Mabuti nalang ay naabutan kong papunta palang si Danger sa sasakyan na pula ni Boss.

"Dangerbels!" sigaw ko. Saktong pagsakay niya sa sasakyan ay sumakay ako sa sasakyan. "Sama ako!"

"Lah! Ayaw ko nga!" sigaw niya pabalik.

Napapadyak ako. "Sige na! May pag-uusapan lang tayo." Sumeryoso ako saglit.

"Ikaw, Jennifer haaaa." Lumawak ang ngiti niya. "Sige na nga. Sa likod ka. Si Orion sa tabi ko."

"Yey!" Sumalpak ako sa backseat.

"Ano pala pag-uusapan natin? Medyo natatakot ako ah," biro pa niya nang lumingon sa akin.

Umabante ang katawan ko kasi seseryoso na ako. "About... kay ano... uhm.." Nautal pa ako. Kinakabahan kasi ako! Hindi ko alam kung alam pa ba niya o baka ano.

"Ssssst! Sssst! Bawal 'yan! Distansya!" Nagpakita bigla si Orion kaya ako na ang mismong lumayo. Baka iuntog pa ni Orion ang ulo ni Danger sa akin.

"Huwag kang magselos, Orionbabes. Si Jennifer lang 'yan. Ikaw lang talaga."

Natawa ako sa sinabi ni Danger dahil medyo nagbackfire ang pag-asar ni Orion.

"Wews," blangkong reaksyon ni Orion habang nagsusuot ng seatbelt.

Mamaya na lang siguro ako makikipag-usap kay Danger.

"Kailan ka ulit nag-apply?" tanong ko kay Orion bago kami balutan ng katahimikan.

"Last week, 'yung nalaman ni Boss ang venue na palaging pinupuntahan ni Jon. Tinanggap ako 3 days ago at baka makuha ko uniform ko mamaya."

Magtatanong pa sana ako pero napakunot ang noo ko nang makitang lumabas ng bahay si Boss at naglalakad palapit sa amin. May dala siyang laptop at simpleng tshirt at shorts lang ang suot niya.

"Aalis na tayo. Andito na si Boss," anunsyo ni Danger kaya pinaandar na niya ang sasakyan.

Para akong nanlamig. Kasama pala siya? Paano ko makakausap si Danger nito?

What if hindi na lang ako sumama?

At mukhang katabi ko pa si Boss.

Magaling.

Nang makita niya kami ay binigyan niya kami ng tipid na ngiti. "Hi," bati pa niya. "Danger, pwede kang dumaan sa Easten Avenue?" tanong niya agad nang umupo na sa tabi ko at binuksan ang laptop.

"Uu. Doon ba dadaan? Okidoks," sunod-sunod na sabi ni Danger. Nagsimula na rin siyang magmaneho.

"Orion, okay lang ba na maglalakad ka papuntang Nodawn Shots? Sa Easten kasi ang walang CCTV sa paligid. Just to make sure na a week after the mission ay makakaresign ka na may malinis na record. If ever magkaroon ng investigation sa bar kapag nakuha na natin ang microchip. Dalawang street pa bago sa Nodawn Shots."

"Pwede naman akong magcommute na lang sa mga susunod na araw," sabi ni Orion.

"Uhm.." Napakamot ng tenga si Boss habang nakatingin sa laptop. "Wala pa tayong budget."

"Mahal na ang gas though," singit ni Danger.

"Hindi naman palaging gagamitin ang sasakyan."

"Awit," dismayadong sabi ni Danger. Akala niya siguro magagamit niya ang sasakyan kahit saan.

Tahimik lang ako buong biyahe habang pinapakinggan ang mga paalala ni Boss kay Orion. Hindi ko mapigilang mamangha kay Boss dahil planado talaga siya at may kongkretong plano siya sa part ni Orion. "Just act normal while working. By the way, alam mo na ba ang pangalan mo?" tanong niya.

"Huh? Iniba identity ko?" tanong pabalik ni Orion.

"Sorry, hindi ko nasabi agad," pagpapaumanhin ni Boss. "Hindi ko nilagay ang totoong personal data mo para hindi ka matrace kung gawin ka mang suspect. Sa pagpasok mo sa bar ay magyayari sa mga susunod na linggo kaya imposibleng hindi ka nila panghinalaan lalo na't babalakan mo pang magresign week after that." May binigay kay Orion na folder kung nasaan ang bio data na pinasa siguro ni Boss.

"Wew, Nico Jose," pagkabasa ko kasi nakibasa ako nang nagbabasa si Orion.

"Pasensya na, wala akong ibang maisip," pagpapaumahin ulit ni Boss kaya nataranta ako.

Napailing ako. "Ang cool kaya!" nagmamadali kong sabi at tinapik si Danger. "'Di ba?"

"Ay aba! Naghanap ng kakampi!" pagbubulgar pa niya. Hindi ko nga lang mapalo ang braso niya dahil nagmamaneho siya.

"Actually, lahat kayo ay nagawan ko ng fake personal information na baka kailangan natin sa mga susunod na misyon," sabi ni Boss. Parang bumagsak ang loob ko dahil sa effort niya pero umangat pa rin dahil naappreciate ko ang mga iyon. "At Jennifer ang pangalan mo sa isang nagawa ko," dagdag pa niya.

Biglang bumagsak ulit ang balikat ko kasabay ang pagtawa nang napakalakas ni Danger.

Pinakinggan ko lang ang pinag-uusapan nila. Nag-iisip din ako kung paano at ano ang paraan ko sa pakikipag-usap. Narealize ko rin na baka mapunta sa wala ang purpose ko dahil sa gulo ng utak ko. What if sa susunod na lang?

"Any questions, Orion?"

Andito na pala kami sa Easten.

"What if I failed?"

"You will not fail," diin ni Boss. "Bibisita kami bago ang end ng shift mo."

"Iinom tayo?" biglang tanong ni Danger at lumingon pa sa backseat.

"Isa-isa o dala-dalawa lang muna. Hindi rin palagi para hindi suspicious."

Nagpaalam na si Orion sa amin kaya binigyan namin siya ng cheer. Mabuti na lang ay napangiti siya bago maglakad papunta sa mapagtatrabahuan niya.

"So, sinong pupunta mamaya?" tanong ni Danger at nagmaneho na pauwi.

"Kami ni Danger!" Tinaas ko pa ang kamay ko sa sobrang taranta. 'Yung tipong nagulat siya sa akin.

Tumawa si Danger. "Pwede ka na ba sa mga bar?" tanong niya.

"Nagdebut na ako actually," classy kong sagot.

"Amazing." Hindi ko alam o ano pero ang sarcastic ng dating ng tono ni Danger! "Ano naman ang ganap mo noong debut?"

"Hmmm." Napaisip ako saglit. "Since wala sila Mom at Dad, at wala rin akong kaibigan sa school, nanood lang ako ng movies buong araw with unlimited popcorn." I can still remember that day. Nakakatuwa lang dahil simula noong narealize kong 18 na ako ay mas lalo akong namulat sa mga nangyayari.

"Gusto mo bang bumawi pag-19 mo?" tanong pa ni Danger.

"Actually, 20," pagtatama ko. Noong 19th birthday ko, hindi ko ramdam kasi busy ako sa college. Nagulat na lang nga ako ngayon na magbebente na ako.

"Ay, goodbye teenage years."

"Now that's the debut for entering a more motherfuckin' reality," I said in crisp.

"Heyyyyy!" suway ni Danger kaya nanlaki ang mga mata ko kasabay ang pagtakip ng bibig ko.

"I'm sorry! OMG!" Hindi ko napansin ang pinagsasabi ko. "Nadala lang ako sa emosyon ko!" pag-eexplain ko sabay tingin kay Boss na mukhang nagulat sa side ko na ganito. Bigla ba naman akong nag-overthink dahil baka naoffend si Boss or something.

"Ngayon lang kita narinig na magmura ng ganun," sabi ni Danger. "'Di ba, Boss? O baka nakalimutan ko lang?"

"Ngayon lang kita narinig magmura," sabi ni Boss at natawa na lang din.

Most of the time ay sa isipan lang ako nakakapagmura o dahil sa sobrang emosyon ay hindi ko nalang namamalayan na grabe ang salitang nagamit ko. Acceptable ko pa ang shet, something like that. Kaso ngayon? Shet! Nagmukha akong may image na pinoprotektahan dahil sa pagkataranta ko.

"Pero pwedeng kaming dalawa ni Danger mamaya sa Nodawn Shots?" pag-iiba ko ng topic.

"Sige. Update na lang tungkol kay Orion," sagot ni Boss nang napasulyap sa akin bago bumalik ang tingin sa laptop.

"Ayos! Date tayo?"

Nagkasalubong ang mga paningin namin ni Danger sa rare mirror. Kaso hindi nagtugma ang boses niya sa tingin niya dahil seryoso siyang nakatingin sa akin. Parang nasense ata niya na seryoso rin ako sa magiging usapin namin.

Kaso naalala ko 'yung tanong niya. Magsasalita sana ako pero inunahan ako ni Boss.

"Okay."

Nabalutan kami ng katahimikan. Hindi ko alam kung bakit. O baka ako lang nakakaramdam. I even had the urge to break the ice.

"Wala na palang bigas..."

---

For a girl, going to a bar, I must be one of the conservative girls. I can imagine other girls wearing revealing clothes with dashing jewelries, while I am wearing a white long-sleeved turtle neck and a high-waisted pants. Tinaas ko na lang ang buhok ko at bumawi sa make-up.

Wala kasi akong ibang damit dahil hindi naman ako ganoong mahilig sa mga damit. Pinagtitiisan ko nga lang ang pink cardigan ko.

Bumaba na ako habang inaayos ang hikaw ko.

Naabutan ko si Heroic at Forsythe na nanonood ng TV at napatingin din naman sa akin nang tumunog ang suot kong stiletto na pagmamay-ari ni Mom.

"Saan ka?" tanong ni Heroic.

"Bar."

Biglang sumulpot si Danger na suot ang leather jacket niya na may itim na sando sa ilalim. "Yes! May date kami!" Inakbayan niya ako. Gusto ko mang tanggalin kaso mabango siya ngayon.

"Tapang, mehn." Pabiro kong tinakpan ang ilong ko.

"Ay, body odor ko lang iyon."

"Ganyan ang suot mo, Bloom?" tanong ni Heroic. "Hindi ka ba maiinitan diyan?"

Napatingin din ako sa suot ko. Baka nga sa sobrang daming tao ay mainitan ako. "Should I change into something ano..." Ni hindi ko alam kung paano iexplain. Besides, lalaki ang mga kasama ko rito. Baka hindi nila ako maintindihan.

"Kung saan ka comfortable," agad na sabi ni Heroic.

"Saan ka ba comfortable?" tanong ni Forsythe na medyo naikagulat ko rin.

"I don't like wearing revealing clothes. Medyo naiinitan na ako ngayon pero kaya ko pa naman ata," sabi ko.

"You can wear whatever you want. Kaya ko naman makipag-away," sabi naman ni Danger.

Nanlaki ang mga mata ko at tiningnan silang tatlo na nasa sala ngayon. Wow. "Super appreciated, thank you," buong puso kong sabi sa kanila. "May off-shoulder top ako roon, palitan ko lang," paalam ko at agad bumalik sa kuwarto ko para palitan ang top ko sa nag-iisang baby pink off-shoulder ko. Agad din naman akong bumaba kaso wala na si Danger sa sala.

"Anong oras matatapos ang shift ni Orion?" tanong ni Heroic. Lakas maka-Kuyang strikto vibes.

"Ang narinig ko, 3 AM."

Tiningnan ko ang relo na suot ko. 11 PM na pala.

"Oki, ingat kayo."

Nagflying kiss ako sa kanila at lumabas na sa bahay. Napatigil ako sa paglalakad nang makita si Boss na nakaupo at naglalaptop sa labas. Hawak-hawak pa niya ang sentido niya. Nang maaninag ako ay napaangat ang tingin niya sa akin. Nakikita niya kaya ako? Nasa likuran ko kasi ang ilaw.

"Boss, si Danger?" tanong ko pero nakatitig lang siya sa akin habang hawak-hawak pa rin ang sentido niya.

Parang hindi niya ako narinig at nakatingin pa rin sa akin.

Nakarinig na ako ng busina. Andoon na pala si Danger.

"Una na ako," paalam ko.

"Bloom."

Napalunok ako bago lumingon sa kaniya. Nakita kong inayos niya ang upo niya.

"May kailangan ba akong malaman?"

Parang bumagsak ang mukha ko. Nahalata tuloy na may tinatago ako.

Dalawa lang naman ang tinatago ko ngayon sa kaniya: kilala ko si Jon at ang nararamdaman ko.

Baka nga alam na niya ang isa roon.

---

"Akala ko ba, mag-uusap tayo? Silent conversation ba kamo?" tanong ni Danger habang nakapako ang tingin ko sa dance floor. Para akong nabubulag sa mga ilaw eh. Siya naman itong umiinom ng light beer habang sumusubo ako ng mani na pulutan niya.

"Ah." Natauhan na rin ako sa wakas. "'Yung misyon pala." Pinagpag ko ang mga kamay ko at sinandal ang katawan ko sa lamesa. "Naaalala mo pa 'yung unang nangyari sa atin?" panimula ko.

At saka ko naalala na may iba pa palang nangyari roon dahil napangisi siya at tinaas ang magkabilang kilay niya.

"Hindi iyon!" Binato ko siya ng mani. "'Yung lalaking nag-alok sa atin ng sakay!"

Hindi nawala ang nakapinta sa mukha ko. "Sino?"

"Jon," bulong ko.

Napatingin siya sa itaas, mukhang nag-iisip. "Kapangalan ng hacker sa unang misyon natin." Uminom siya.

"Siya 'yun." Nabilaukan siya sa iniinom niya kaya nailing ako. "Hindi ko alam kung paano magsisimula pero sasabihin ko ba sa kanila na nakainteract na natin siya."

"Teka, nahihilo na ako!"

Nilayo ko sa kaniya ang iniinom niyang beer.

"Nagkita ulit kami at mukhang alam ko ang tinutukoy na microchip na kailangan nating kunin."

Binabawi niya ang inumin niya. "Sandali lang."

"Actually, harap-harapan kong nakita ang microchip."

"Dahan-dahan lang, Bloom. Nabibigla ako masyado."

Tumahimik ako para panoorin siyang iproseso ang lahat ng sinabi ko na putol-putol pa. Hindi ko alam kung naintindihan niya. It looks like he's mentally digging something. Kahit sobrang ingay ng bar, nakatutok lang ako sa magiging reaksyon niya. Hindi ko kasi alam ang gagawin ko.

"So, 'yung hacker na nanakawan natin ay si Jon, 'yung nag-alok ng sakay matapos tayong pinalabas ng bus? At alam mo 'yung microchip?" Atlast, naproseso na niya.

"Sasabihin ko ba kay Boss?" mahina kong tanong.

"Bakit hindi mo sasabihin kay Boss?" tanong niya pabalik.

Doon ako napaisip lalo. Ano ang pumipigil sa akin?

"Noong nagkita ulit kami ni Jon, doon ko napansin na may ginagamit siyang devices para makahack, magmanipulate ng system or such. Tinulungan niya nga ako noong nalate ako sa afternoon subject ko. At noong hinanap ko siya, doon ko siya nakausap tungkol sa mga ginawa niya at doon din niya pinakilala sa akin 'yung microchip na under programming pa."

"Ano raw ang gamit ng microchip?"

"Magmamanipulate sa sistema ng White Hall para makuha ang documents para makaalis dito. I guess." Hindi ko na rin alam kung ano ang eksaktong sinabi niya. Sa meeting namin ng Gumdrop, hindi ko rin gaanong naintindihan kasi hindi pa rin ako makapaniwala na related kay Jon.

"The chip costs 5 million," Danger said.

"Huh?" gulat kong reaksyon.

"Sinabi ni Boss noong meeting. Kung iyon ang purpose ng microchip, gusto rin ng White Hall na sila ang bebenta nun sa ibang investors with a different program twice the price."

Napatakip ako ng bibig. "So they're after the money and the chip itself to duplicate and stop the possible revolution." Naiintindihan ko na lalo.

"Can you imagine how the powerful the chip Jon created? First, it can hack the White Hall's system. Kukunin ang mga importanteng documents para makaalis dito at pwedeng ilabas ang baho o illicit activities ng gobyerno."

"Isang microchip lang 'di ba.." pahina nang pahina ang boses ko.

"Nakikinig ka ba kay Boss, Bloom?" tanong ulit ni Danger. Pasensya naman! "Nag-iisa lang."

"Then bakit niya ibebenta kung malaking bagay iyon para sa mga nakatira rito sa Nodawn?" Medyo naguluhan siya sa tanong ko.

The context is that Jon said to me that the chip is for all the people who live in Nodawn. Para iyon sa pagtakas sa lugar na 'to. Ngayon ko nga lang naalala at nakapagtataka lang kung bakit niya ibebenta 'yun? Pero malaki na rin ang limang milyon. Kung mabenta man niya iyon, pwede na niyang iproseso ang requirements niya. Kaso... akala ko ba..

"So, sila lang ang makakaalis..." bulong ko. Ang daming pumapasok sa utak ko. Tulad ng ayaw niya siguro ng gulo.

"Uhm.." Sasabihin ko ba? "Noong hinahanap ko si Boss.." Napatingin sa akin si Danger. "May binigay sa akin si Jon na isang device para hanapin ang taong hinahanap mo. Malaking tulong iyon. Sobrang bait niya para ibigay iyon sa akin. Sobrang bait niyang tao. Kaya hindi ko kayang nakawan natin siya."

"Bloom," pagtatawag niya. Sa tono niya ay parang may nasabi akong mali.

"Hindi tayo masamang tao."

Iyon ang huli kong nasabi para matahimik kaming dalawa. Dahil din sa katahimikang nagawa ko, hindi ko na alam kung ano pang topic ang pwede kong mailabas para bumalik ang sigla ng hangin namin.

Biglang sumulpot si Orion sa mesa namin at naglapag ng baso na may tubig. "LQ 'yan?" asar niya dahil walang nagsasalita sa amin ni Danger. Agad din naman siyang umalis.

Kinuha ni Danger ang baso kaya kinuha ko na lang din ang isa para ipakalma ang sarili ko.

"Hindi tayo masamang tao," pag-uulit niya bago uminom.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com