Chapter 20

The passed days seem so long enough for our preparation. Nakakakaba, sa totoo lang, dahil ang daming kailangang paghandaan. Dahil siguro first time namin at kailanman ay hindi kami gumawa ng kahit anong gawain na katulad ng pinalano namin ngayon. The more na narerealize ko ang lahat ng gagawin namin, the more na nakakapag-isip ako na kailangan ko maging aware at maging bukas sa pwede maging alibi para maging natural ang kilos namin.
"Hindi ba tayo magmumukhang wannabe nito?" tanong ko kay Clark habang nagpapalaman ng tinapay niya.
"Huh?" tanong niya pabalik.
Napaisip ako lalo. Hindi ko kasi mapigilang maimagine ang magiging istura ng mismong mangyayari sa gabi na iyon. Paano kung pumalpak? Paano kung malaman ni Jon kung ano ang kalagayan ko ngayon? Na sumali ako sa ganitong grupo sa ilalim ng White Hall?
Ako nga, nasusuka, siya pa kaya?
"Lalim naman ng iniisip mo.." sabi ni Clark at bumalik na sa sala para manood ng basketball.
Siguro, ang magandang nangyari lang din sa akin ngayon habang nasa kalagitnaan ako ng samutsaring ganap... ay silang pito.
Mas nakilala ko silang lahat. Akalain mo 'yun na sa unang araw namin dito sa bahay ay halos bugbugin nila ang isa't-isa. Akala ko nga, hindi magkakaroon ng ganitong bond.
Si Clark ay tulad ng first impression ko, care-free at go-with-the-flow type. Habang ang iba ay nagpapractice sa HQ, ito siya, nanonood ng basketball at kumakain ng sandwich. Totoo ngang sinabi niya na kailangan niya lang ng malinaw na mata. Nakita ko noong nagpapractice niya, natatamaan niya 'yung mga target na walang kahirap-hirap. Nasa dugo na ata niya ang talento niyang iyon dahil nalaman lang namin na lolo niya si Rob Richards, ang isa sa mga magaling na sniper.
Si Orion naman ay busy sa trabaho niya at sa pag-oobserve ng mga tao na 'yun. Noong isang gabing pagkatapos ng shift niya, nagulat na lang kami na may nalaman siya sa bar, kung saan palaging nakapwesto si Jon kung may potential investor siya para sa ginawa niyang microchip. Nakakatuwa lang na mahaba ang pasensiya ni Orion sa trabaho at kailan man ay hindi namin siya narinig na magreklamo. Kung pasensiya man ang pag-uusapan, maikli lang ito pagdating sa paglalambing sa kaniya ni Danger tuwing hinahatid sa shift niya.
"Ma! Tawag ka ni Roic!" tawag ni Lawron nang sumilip sa kusina at agad ding bumalik sa HQ. Itong si Lawron naman ay bine-baby ni Heroic. Naabutan ko pa nga na nilulutuan siya ng snack tuwing hapon. Nakakatuwa lang dahil napag-uutusan namin siya na parang bata kung nagluluto ng makakain. Kaso naloloka ako paminsan kasi bigla-bigla nalang nawawala 'yung mga gamit ko! Nasasabi ko pa na nasosobrahan na siya sa pagpapractice.
Si Heroic ay ganun pa rin at mas lalo kaming napalapit sa isa't-isa. Siya palagi ang nasasandalan ko tuwing nakakapag-overthink ako. Hindi ko man mafigure-out kung ano ang mga bumabagabag sa akin, alam naman niya kung paano ako pakalmahin sa pagdidistract sa akin. Marami na rin kaming napapagkuwentuhan. Dumating na sa punto na alam niya ang menstrual cycle ko dahil curious siya sa ovulation ng mga babae. Hindi rin naman ganoong kaawkward pag-usapan dahil interesado siya at open-minded siya.
Speaking of Heroic, nakarating na ako sa HQ at bumungad sa akin ang low-cost Nodawn Shots set-up. Sa disco lights na pundi ang isang kulay ay nagpapaliwanag sa paligid. Dito kasi kami nagpapractice sa mga galaw namin. Tinanggal din ang mga CCTV sa ibang parte ng bahay para ikabit dito.
"May bulsa ka?" tanong ni Heroic nang umupo ako sa tabi niya. Andito na rin pala si Lawron at kumakain ng chichirya. Umiinom sila ng orange juice sa pang-alak na baso.
"Meron," sagot ko at kinapa ang bulsa ng jogging pants ko.
May inabot siya sa akin na sim card. "Palagay, wala akong bulsa."
Tinanggap ko na lang iyon at nilagay sa bulsa ko. Tatanungin ko sana kung ano ang ganap nila nang nagsalita si Heroic, "Ano na raw update sa trabaho ni Orion?"
"Wala raw masyado these past days bukod sa huling information tungkol sa observation mula sa huling pagpunta ni Jon sa bar at sa mga CCTV footage na naaccess ni Boss. Same outfits, same place and same purpose." Nadagdag ko pa ang iba kong in-sights sa impormasyon na iyon. Kaso natatahimik nalang ako saglit dahil sa takot.
Habang kinukuwentuhan ako ni Heroic sa mga nangyari kanina sa practice nila, napasulyap ako sa venue na hinawig nila sa bar. Ideya iyon ni Orion dahil inaral niya ang puwesto sa bar which is a great idea.
Napansin ko si Danger na nasa kalayuan sa amin, nakaupo at naglalaro ng racing sa phone niya. Halata naman sa ginawang manibela ang plato kung saan nakadikit ang case ng phone niya.
"Ano pala ang ginagawa nun dito? Akala ko ba may pupuntahan siya?" tanong ko kay Roic.
"Hindi naman natuloy kaya pinapunta ko na lang dito para may tao rito at magmukhang bar talaga itong set-up natin."
Tumawa ako.
Simula noong sinabi niyang 'date' namin, alam na ni Danger ang biglaan kong pagramdam ng takot paminsan. Bukod sa nawitness ko na ang seryosong side niya noon, mas lalo siyang naging maharot at madaldal. Siya nga ata ang moodmaker sa grupo na ito. Siya lang din may alam sa side ko sa misyon na ito. Hindi ko na rin binuksan sa iba dahil natatakot talaga ako.
Pinupush ako ni Danger na sabihin kay Boss pero para saan pa? Para mas lalo akong makonsensiya? Ieexplain ko pa ba na dahil kay Jon ay nahanap ko siya bago ang lahat ng ito? Besides, may plano na. Kailangan naming magstick doon. Kung malaman ni Boss na kilala ko si Jon, baka masira pa dahil alam kong iaadjust niya iyon para sa hindi ko iyon maramdaman. Ganung klaseng leader si Boss.
Para akong nabuhusan ng malamig na tubig nang may tumunog sa speaker. Nakita ko na lang din na nasa elevated platform si Lawron at inaangat ang isang maliit na sim card. Napakunot saglit ang noo ko at kinapa ang bulsa ko. Kaya pala nila ako tinawag!
"Pinagpractice-an nyo ako!" sigaw ko kaya nagtawanan silang lahat doon. Pero infairness, pagaling nang pagaling ang anak ko kasi wala talaga akong naramdaman kanina. Masyado akong dindistract ni Heroic at ang galing naman niyang makipag-engage sa pag-uusap. Grabe na sila!
"Nice! Sige, rest na!" anunsyo ni Heroic at tumayo na sa inuupuan niya.
"Yey! Bye po!" paalam ni Lawron at tumakbo pa palabas ng HQ
May tinanggal si Roic sa tenga niya at nanlaki ang mga mata ko nang pinakita niya sa akin ang earpiece na suot niya. Pinatong niya iyon sa mesa.
"Ngayon lang 'yan?" tanong ko. Hindi halata kanina na may suot siya dahil kakulay ng skin tone niya.
"Oo. Kararating palang." Inayos niya ang inupuan niya. "Saglit lang, patayin ko lang ang disco lights," paalam niya.
Kinuha ko iyon at tiningnan nang maiigi. Ganito ang mga nakikita ko sa movies. Sinubukan ko itong sinuot at nang nasuot ko ang ang earpiece, medyo nanibago ako saglit. Para ang din akong may earphones. Gumagana na kaya 'to?
["Hi."]
Nanlaki ang mga mata ko sa sobrang gulat nang marinig si Boss.
"Hello..." mahinang bati ko dahil hindi pa rin ako nakaget-over sa boses niya. Parang nanghina ako at nagkagulo ang mga laman loob ko. Napatingin ako sa CCTV at naalala na pinapanood niya pala kami.
["Sooo.."] panimula niya matapos ang maikling katahimikan. ["Your thoughts on junkfoods?"] That was so random. Pero narealize kong hindi ko pala pinapansin ang chichirya na kinain ni Lawron kanina rito. Nakita niya siguro.
"Unhealthy," I answered and let out a chuckle. "Is it weird to say that I want some carrots and cucumbers right now?"
["Do you want to eat those right now?"]
Hold up! Wait a minute!
Sinigurado ko pang nakatalikod ako sa lahat ng CCTV camera na nandito sa paligid. I felt something... I don't know.
I guess, the best word to describe this feeling is 'something'.
Yes, I felt something.
"No, thank you. It's fine."
Napapikit ako. Akala ko ba, wala talaga?
["Oh, okay, sige."]
Tinanggal ko na ang suot ko nang lumapit na sa akin si Heroic. Nakita kong may pinindot siya roon. Mukhang sinara niya.
Nang napatingin siya sa akin ay napakunot ang noo niya. "Namumula ka." Tinuro niya ang mukha.
Mainit nga ang mukha ko kaya tumayo na ako. "Hindi ka ba nasanay na mapula ang mukha ko dahil wala akong make-up ngayon?" palusot ko at dinaan sa tawa ang lahat.
"Pula ng ilong mo." Tumawa pa siya kaya tinakpan ko na ang buong mukha habang palabas ng headquarters.
Hindi ko na kayang ipaglaban ang sarili ko pagdating kay Boss.
Ano pa nga ba ang magagawa ko? It looks like I'm a walking denial.
Boss, he was really different from the others. Hindi ko talaga maipaliwanag kung ano ang dala niyang hangin sa amin, 'yung tipong nagiging maingat kami sa kilos namin dahil tuwing nakakausap si Boss sa seryosong lagay ay mapapasin mo agad ang mali na magagawa mo. Sobrang bait niya kasi. Kahit nga si Clark na hindi ko ineexpect na sobrang mahuhumaling kay Boss ay gusto siyang ampunin.
"May gagawin pa pala ako," paalam ko kay Roic.
"Sige, salamat. Ayusin ko lang gamit dito."
Naglakad na ako palabas ng HQ pero napatigil ako sa hallway dahil parang bumigat ang loob.
Halos araw-araw nalang ba akong ganito? Idedeny ko na naman nang paulit-ulit. Hindi na ba talaga ako madadala sa sarili kong isip? Napapikit ako saglit at napasandal sa pader. Huminga ako nang malalim at tiningnan ang mga daliri ko. Nakailang buntong-hininga ko habang pinapakiramdaman ko ang mga palad ko. Sa ganitong paraan, maipakalma ko ang sarili ko.
Ang dami ko palang pinlano na hindi ko naman nagawa dahil hindi ko napipigilan ang sarili ko. Nasa iisang bahay din naman kami eh.
"Huwag," bulong ko at napailing.
Kaso nakarinig ako ng pagtigil ng paglalakad sa harapan ko. Pag-angat ko ng paningin ko ay nasa harapan ko pala si Forsythe na nakakunot ang noo sa akin. Napalakas ba ang bulong ko?
Nakailang kurap muna siya habang naghihintay ng sasabihin ko. Eh wala naman talaga. Nagkataon lang na nasa bingit ako ng mga iniisip ko at padaan palang siya papuntang HQ.
Doon ko rin narealize na hindi naman talaga kami close ni Forsythe. Dati lang 'yun dahil siya ang bumubuhat sa akin. Sadyang tahimik lang talaga siya at naaabutan ko pa na halos turuan pa siya ni Heroic magsalita kung magkasama sila.
Ayun lang.
Hindi talaga kami close.
Pero magkalapat ang mga labi namin ngayon.
At hindi lang isang beses kaming nagkahalikan.
Dalawa.
Shit. Dalawang beses! At hindi lang iyon smack ah!
"Gumdrop," he annouced while looking at my lips.
He smirked before turning his back on me. Andito kami sa bar at ang diwa ko na mismo na nagsasabi sa akin na tapos na ang misyon at kailangan kong matauhan.
What happened?
Wait.
Nasa bar kami, nakuha ni Lawron ang microchip, nawala si Heroic na dala pa ang kape niya, inihatid na sa akin ang chip, nakita ako ni Jon kaya nilagay ko sa bibig ko iyon, hanggang sa tinawag ko si Forsythe at doon ko pinasa ang chip sa bibig niya.
What the hell! I kissed him! We freakin' kissed!
["Got it,"] I heard him again through my earpiece.
Para akong naligaw sa kinatatayuan ko. Naligaw kasi ako sa nangyari kanina!
Nang napagtanto kong tapos na ang misyon namin matapos kaming nasa bingit ng pagkataranta. Maraming inconveniences, halos malapit kaming mahuli dahil sa kaliwa't kanang pagpapanic. We almost messed up pero... parang nagreset ang utak ko matapos halikan si Forsythe. Nadala lang ba ako sa pagpapanic?
["Forsythe, out,"] anunsyo ni Clark. ["Lawron, out,"] dagdag ulit niya.
["Please take your time before going back in our car,"] paalala ni Boss.
["Niluwa na ni Forsythe ang microchip. Nasa sasakyan na kami,"] sabi ni Danger.
Napalingon ako kay Jon na bumalik sa inupuan niya.
["Bloom, sumunod ka after kay Heroic."]
["May suklay kayo diyan? Nagkagulo buhok ko."]
["Bloom."]
Sinara ko ang earpiece ko bago nilapitan si Jon. Hindi na ako mapakali. "Sorry, nag-usap pa kami ng boyfriend ko. Medyo tipsy na ako," palusot ko at umupo sa tabi niya. "Ano pala ang maitutulong ko?"
Napapikit siya nang mariin. "I lost the microchip."
Kinunot ko ang noo ko at natahimik. Lumalakas na rin ang kabog ng puso ko.
"Umalis na ang buyer." Tinungga niya ang alak sa baso niya. "How come na naiwala ko 'yung microchip?" bulong niya.
Napalunok ako. "Anong ibig mong sabihin?" Medyo nagpapalamon na ako ng konsensiya. Dapat ba hindi na ako nagpaiwan? Sa alibi ko kanina, kung umalis ako agad ay baka magtaka siya kung bakit ako umalis agad eh kilala ko naman siya.
Napatango siya at doon ko na nakita ang pagluha niya. "Ibebenta ko ang chip dahil... ang sama kong tao."
Tuluyan akong nanahimik.
"Mataas lang ako mangarap. Kaso malapit na akong mamatay dahil doon." Napatakip siya ng bibig. "Hindi ko kaya maging bayani sa lugar na ito kung hindi ko kayang isakripisyo ang buhay ko. Hindi pa ako handang mamatay. Kailangan kong ipagamot ang Mom ko at iyon ang uunahin ko sa lahat ng dapat kong atupagin."
Hindi muna ako nagsalita para ilabas muna ang gusto niyang sabihin. Kasi mukhang malapit na siyang mabasag. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang lahat ng sakit na hindi ko inaasahang makita.
"Mom is dying..."
Para akong nablangko. Gusto kong isuka ang lahat ng nararamdaman ko dahil mukhang wala na akong mukhang ihaharap sa kaniya kung malaman niya na kami ang kumuha ng microchip. Ngayon nga na mukhang hindi niya alam ay parang namamatay na ako sa sama ng loob, paano pa kaya kung ikinamumuhian na niya ako.
Hindi ko kayang magsalita.
Hinimas ko nalang ang likuran niya at tinapik-tapik ito.
Gusto kong lunurin ang sarili ko, sa totoo lang.
"Hindi ko alam kung paano nawala. Andito lang naman 'yun sa bulsa ko. Alam kong hindi iyon mahuhulog habang papunta rito. Hindi ko alam. Ano na ang gagawin ko.." Napahikbi na siya kaya tuluyang bumagsak ang buong pagkatao ko.
Hindi ako ito.
Hindi ko na kilala ang sarili ko.
I'm so sorry, Jon. Hindi ko alam ang ipapaliwanag ko dahil naiipit na rin ako sa sitwasyon ko. Gusto kitang tulungan pero hindi ko na alam ang gagawin ko..
Buong oras ay nakikinig ako sa lahat ng sinasabi niya. Hanggang sa natahimik na rin siya at napatigil sa pag-iyak. "Titingnan ko ang CCTV footage dito."
Boss hacked the system. He was changing the angles kaya hindi mahahagip ng CCTV ang kilos namin dahil din sa timing. I'm sorry, Jon.
"O kaya, may logbook ba rito.." Lumingon-lingon siya.
Mapait ko siyang ningitian. Walang logbook sa bar, Jon. I'm sorry.
"Imposible namang may magnanakaw dito dahil ako lang naman ang may alam kung saan ko tinatago." Marami pa siyang pinaplano.
"Hindi mo naman siguro nanakawin, Bloom, 'di ba?" Hindi ko siya masisisi dahil alam ko na may ginawa siyang microchip.
Sinalubong niya ang titig ko sa kaniya. Napatigil ako sa pagtapik ng likuran niya. Tila bang unti-unting bumagsak ang balikat ko habang mabagal kong pinapakawalan ang hininga ko.
"Hindi," siya ang sumagot at napailing. Mukhang napagtanto niya na mali ang sinabi niya. "Alam kong hindi ka magnanakaw at hindi ka masamang tao para gawin ang mga bagay na 'yun sa akin."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com