Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 21

Pagkatapos magpaalam ni Jon, nanatili lang ako sa kinauupuan ko. Hindi naman sa ayaw kong tumayo pero ang hirap kumilos. Mahirap din mag-isip. Ang naalala ko lang ay nilapitan ako ni Orion para kumustahin pero humingi ako ng maiinom. Basta, hindi tubig.

"Margarita, less alcohol," order niya sa cute na bartender para sa akin. Umalis na rin siya dahil may trabaho pa siya.

Nang nagkatinginan kami ng bartender, awkward akong ngumiti. "Huwag mo siyang pakinggan. Can you keep going serving your recommended beverages?"

The first Margarita that he served tastes like heaven. Hindi ko mapigilang mapangiti dahil hindi ko naman din kayang umiyak sa oras na ito. Gusto ko lang ng kaunting oras para sa sarili ko.

Hindi ko na alam ang mga susunod na nangyari pero alam kong medyo naparami na rin ang inom ko. Ayaw ko na ngang mag-isip. Bakit kailangan ko pang mag-isip ng mga bagay na magpapasama ng loob ko?

"Huy gagi! Bakit nagbe-beer ka na?!" galit na tanong ni Orion. "Dahan-dahan lang! Wala ka pang isang oras na umiinom!"

"Kaya nga nagbeer na ako para beer nalang iniinom ko," sagot ko naman. Kaso napatigil ako saglit. "Teka.. nagbeer na ako.. para ayun.. beer." Inalok ko siya ng iniinom ko.

"Pocha. Sandali nga! Lasing ka na!"

"Hindi ako lasing!" sigaw ko pabalik kasi bumalik agad siya sa trabaho niya. Napatakip ako saglit ng tenga ko dahil ang ingay-ingay! Pwede bang magparty kayo nang tahimik?!?

Pataas nang pataas ang init sa dibdib ko. But I can't help but to drink more. Pasarap nang pasarap ang iniinom ko ngayon.

Sumasabay na ang katawan ko sa naglalakasang tugtog. Medyo nakaramdam na rin ako ng lungkot na mag-isa ako kaya inikot ko ang upuan ko para panoorin ang mga tao sa dancefloor. Ayaw ko ring sumayaw doon kasi ang lalakas ng mga pabango ng sumasayaw doon! Ang babango masyado! Halatang mga mayayaman. Baka nga mismong pawis na nila ay mabango na. Unfair naman kung ganoon.

Napakaunfair! Napakaunfair mabuhay dito sa lugar na 'to!

Naalala ko rin sa kalagitnaan ang dancefloor kanina ang nangyari sa amin.

Ni Forsythe.

'Yung kiss namin...

Speaking of, may nakikita akong naglalakad palapit sa akin.

Kumikinang ang kwintas niya. Atsaka, legal na ba siya para magsuot ng itim na shirt dress na nabukas pa ang mga butones para ipakita ang dibdib niya? Isama pa 'yung nakarolyo niyang sleeves kaya kitang-kita ang mga bisig niya. Hindi 'yon maaari!

Si Forsythe nga 'to!

"Boyfieee!" tawag ko at nakataas ang dalawang kamay. Nang nasa harapan ko na siya ay halos ihulog ko ang sarili ko sa kaniya habang nakaupo pa rin sa upuan. Nasalo naman din niya ako habang yakap-yakap siya sa ganung pwesto. I just want a hug. Kailangan na kailangan ko talaga ito.

"That's enough." Kinuha niya ang bote at nilayo sa akin. Gusto ko 'yung hindi niya tinanggal ang bisig ko sa kaniya.

"Natanggal na ba ang make-up ko?" At nagawa ko pang maconscious sa mukha ko. Inangat ko ang mukha ko kaya niyuko niya ang ulo niya para tingnan ako.

"Andiyan pa." Naramdaman ko na medyo may tinanggal siya sa pisngi ko gamit ang hinlalaki niya.

"Uwi na tayo," mahina kong sambit. Pagod na ako. Inaantok na ako. Gusto kong itulog ang lahat ng nararamdaman ko.

Nakaya ko pa namang maglakad at sa guide niya, maayos naman ang dinadaanan ko.

Nakarating na kami sasakyan. Tahimik silang lahat kaya sumigaw ako, "Sorry, I'm late!" Agad akong tumabi kay Heroic na napatigil sa pagsusuklay ng buhok niya. "Sorry na pinutol ko ang comms."

Agad akong yumakap kay Heroic. "Amoy alak," sabi niya pero naramdaman ko rin ang braso na niyakap din ako.

Hindi ko napansin na nakaidlip ako kay Roic. Hindi rin kasi umaandar ang sasakyan. Parang hinihintay pa ata ang pag-end ng shift ni Orion.

Hindi na ata maayos ang pag-iisip ko dahil parang pabigat nang pabigat ang sistema ko. Napagod nga ata talaga ako at namamanhid na sa lagay na 'to.

Medyo naalimpungatan ako nang may naramdaman akong hangin. Nahihimasmasan naman ako kaya unti-unti akong napadilat. Una kong nakita si Danger na nagmamaneho at si Boss na nasa shotgun seat at naglalaptop. Tulog na pala si Roic habang yakap-yakap pa ako. Pati rin si Forsythe sa tabi ko. Sa likuran naman namin sila Lawron at Clark na may kaniya-kaniyang posisyon sa pagtulog.

"Off na ni Orion?" tanong ni Danger kay Boss.

"Oo. Doon tayo sa Easten."

Katahimikan.

Hindi na bumabalik ang antok ko dahil parang sinapak ako ng ideyang tagumpay ang unang misyon namin pero hindi namin magawang maging masaya.

May malay pa rin ako nang sumakay na si Orion sa sasakyan. Inayos ko rin ang posisyon ko para hindi mahirapan sa pagtulog si Heroic. Habang tahimik akong nag-aadjust, nakita kong pasimpleng lumingon sa akin si Boss. Nagkatinginan kami. Kumpara sa mga nakaraang araw, iniwas ko ang tingin ko. Ayaw ko siyang tingnan.

Nang nagmaneho na pauwi, pinalibutan kami ng hangin dahil bukas ang mga bintana.

Dahil din siguro sa bigat ng nararamdaman ko sa ininom ko, parang ngayon lang sumasabay ang pag-iisip ko ng mga bagay pati na rin ang pagsakit ulo ko.

"Andito na tayo."

May tumapik sa balikat ko. Mas lalo akong napariin ng pikit. Ayaw ko munang makipag-usap. Ayaw kong pinapakialaman ako.

"Maya na ako lalabas.."

"Sa kwarto ka na matulog para dire-diretso na," sabi ni Heroic at muling tinapik ang balikat ko.

Sinabi ko na kanina ang sagot ko. Nanatili nalang akong nakasandal. Hindi ko na kaya pang magsalita. Gusto ko na ngang umiyak pero gusto ko lang mapag-isa.

"Gusto mo ba ng sabaw? Kape?" tanong pa niya.

"Gusto ko munang mapag-isa."

Nakawala ako ng isang napakabigat na hininga kaya wala na akong narinig na salita. Parang sinarado ko na nang tuluyan ang diwa ko. Kaya wala akong pinapansin sa loob ng sasakyan. Ni hindi ko nga alam kung bukas ba ang pintuan o kung saan nakapark ngayon ang sasakyan. Siguro, mali rin ang desisyon ko na paalisin si Heroic. Sana may kausap ako ngayon.

Bakit ba mali ang mga desisyon ko sa buhay?

Mapait akong tumawa at inayos ang pagkasandal ko.

Dito nalang kaya ako matulog?

"Alam kong hindi ka magnanakaw at hindi ka masamang tao para gawin ang mga bagay na 'yun sa akin."

Naramdaman ko na ang paghapdi ng lalamunan ko. Ito na, maiiyak na ako. Kaso biglang umatras ang lahat ng emosyon ko dahil may kumatok sa sasakyan.

"Pumasok na kayo," sabi ni Forsythe.

Agad akong napabuga ng tawa nang makita siya. Napakunot naman siya ng noo dahil sa reaksyon ko. Naalala ko lang ang halik kanina.

"First kiss ko 'yun.." natatawa kong sabi. Tama ba ang emosyon ko ngayon? Para akong natatae sa itsura ko ngayon. For sure, mukha akong tunaw na ice cream.

Ayaw magsalita ni Forsythe noong una bago siya napabuntong-hininga. "Ako rin."

I feel bad. I didn't even ask for his consent first.

"Sorry, hindi ko na kasi alam ang gagawin ko.."

Napatango siya nang maraming beses. "Okay lang. Pasok na. Mainit dito." Pumasok siya para kunin sana ako pero tinapik ko ang balikat niya nang paulit-ulit na parang nagcocomfort.

"Magkaibigan kami ni Jon," panimula ko habang mahinang tinatapik ang balikat niya. "Hindi man kami palaging nag-iinteract pero inaacknowledge niya ako bilang kaibigan, tinutulungan at kahit kinukwentuhan pa." Huminga ako nang malalim. "Alam ko ang microchip. Alam ko na gumagawa siya. Harap-harapan niyang ipinaliwanag ang dahilan ng paggawa niya at kung ang pwedeng magawa."

Nagsimula na akong humikbi. "Forsythe, alam ko.. nakita ko.. pinanood ko siyang determinado sa gawa niya. Tapos ngayon, pinanood ko lang siyang magbreakdown dahil ninakaw ko ang ginawa niya.." Napatakip ako ng tenga. "Ang pangit pakinggan. Hindi ko na alam. Ayaw ko na.."

Naramdaman ko ang kamay niya sa likuran ko at dahan-dahang tinapik ito. Mas lalo nalang akong naiyak. "Para akong namamatay.. para akong nasusuka. Ang sama-sama kong tao at hindi man lang niya ako sinuspekta dahil may tiwala siya sa akin. Nahihirapan ako. Hindi ko kaya."

"Para rin naman 'to sa atin.." bulong niya.

"His mom is dying kaya gusto niyang ibenta nalang ang chip. Ang pangarap niyang makaalis sa lugar na 'to, isinantabi niya." Marami pa akong nasabi pero halos nalulunod ang mga salita ko sa mga hikbi ko. Parang naghahalo na ang mga salita ko kaya sa huli, iniyak ko na lang lahat. Hindi ako sanay sa ganito lalo na't may kasama ako habang naglalabas ako ng lahat ng nararamdaman ko. Ang huli ko atang pag-iyak ay noong mga nauna naming araw at.. andoon si Boss.

"Si Boss.." bigla kong nabanggit. "May.. binigay sa akin si Jon na device noon. Mahirap ipaliwanag pero iyon ang ginamit ko para hanapin si Boss." Tumawa ako. "Natatawa lang na isa sa mga nimbento niya ay ang dahilan ng pagbuo natin. Kung hindi ko nahanap si Boss, nasaan na kaya tayo ngayon?"

Nabalutan na kami ng katahimikan. Napapagod na akong sisihin ang sarili ko. Napapaisip din naman ako na naipit lang din kami.

"Dapat ba, sinabi ko kay Boss?" mahina kong tanong. "Kaso ayaw kong masira ang mga plano. Mas lalo lang dadami ang iisipin. Pero mukhang nagsisisi na ako na sinarili ko lang iyon. Kung sinabi ko ba, may magagawa pa ba?"

Hindi ko na alam. Wala na ako sa katinuan dahil masyadong umaapaw ang lahat sa akin. Gustuhin kong ulitin ang lahat ng sinabi ko. Gusto kong malinaw din para sa sarili ko ang mga pinagsasabi ko.

Pero bahala na. Tapos na kami sa misyon na 'to.

Iisipin ko na lang din na lilipas din ito at masasanay kami sa mga ganito.

Hindi na uubra ang lahat ng pagpapagaan ng loob tungkol sa sitwasyon namin ngayon.

Maraming mali.

Lalo na't nasa ilalim kami ng White Hall, ito na ay isang malaking kasalanan.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com