Chapter 22
06/06/22 : hbd haechan! <3
(pagaling kayo, dreamies huhu)

Nagsimula na ang 2nd sem at ngayon na nga ang unang araw ng klase. Sa sobrang blangko ng isip ko, hindi ko na matandaan kung ilang araw na akong ganito... kung hindi natutulog, puro tulog. Para kasing gusto ko lang munang mapag-isa habang hinuhupa ko ang lahat ng bumabagabag sa akin.
Ilang araw na ring nakatikom ang bibig ko. All of a sudden, I felt drained. Tuwing naalala ko kung paano ako umiyak sa harapan ni Forysthe sa loob ng sasakyan, parang ayaw ko na ulit umiyak. Bukod sa nakakahiya ang mukha ko that time (mukha akong wasted na patatas na natunaw ang make-up), ay nagmumukha akong fragile. Nasanay siguro ako na kailangan ko maging matatag sa anumang nangyayari sa akin. Doon ko lang napagtanto na hindi ko rin talaga alam ang gagawin ko kung hindi mas lalong paguluhin ang nasa loob ko.
Pero kung sa tutuusin, marami akong narealize sa unang misyon namin. Marami akong narealize sa mga oras na mag-isa lang ako.
I am the one who needs to adjust in every circumstances that I will be in because life still goes on each day and I should overcome it.
I guess, that's how life works. I also believe that better days will come. I can't wait to leave this place.
Nahagip ng tingin ko 'yung sobre na nakapatong sa lamesa ko. Mas inuna ko na lang na maglagay ng make-up. Ilang araw na 'yan nandiyan at hindi ko pa kayang buksan. Bayad na kami sa semester na 'to at allowance na ang nasa loob ng sobre.
May napansin din ako kay Boss na siyang nagbigay ng sobre. Parang gusto niya akong makausap pero ako ang lumalayo. Naalala ko 'yung gabing kumatok siya sa pintuan ko at tinatantya niya ang oras para magsalita. Ni hindi ko nga hinawakan ang binibigay niya. Nagulat na lang ako sa katagal-tagal na katahimikan sa pagitan namin ay siya na ang pumasok sa kwarto ko at pinatong iyon sa lamesa ko. Nakakagulat lang dahil ngayon ko lang nakitang nawalan siya ng pasensya. Kung sabagay, kung 'yung kausap ko naman ay wala akong balak kausapin, mawawalan talaga ako ng gana.
Baka masyado lang akong manhid sa oras na iyon kaya hindi ko masyadong napansin.
At ngayon na nakita ko ulit ang sobre, sumama ang pakiramdam ko na ganun ang huli naming interaction ni Boss. Simula sa araw na 'yon, hindi ko siya nakita sa bahay.
Kasalanan ko ba? Masyado ba akong naging mapride?
Kaso hindi ko pa talaga sila kayang makausap. Hindi naman sa ayaw ko silang kausapin... parang ako 'yung problema. Ako 'yung gustong lumayo at gusto ng distansya dahil I really feel bad. Kaso mukhang sumobra na ata ako.
Napasabunot ako ng buhok. Nakapagreflect na ako. Medyo humupa na ang lahat ng naramdaman ko sa nagdaang araw. Ngayon-ngayon lang talaga. Kasi naalala ko si Boss sa huli naming pagkikita.
Grabe talaga na biglaan lang ang ganitong realization ko at all of a sudden ay pakiramdam ko, kaya ko na umusad. Maraming beses na 'tong nangyari sa akin pero nakakatuwa lang na nararamdaman ko 'to ngayon na kailangan ko ng lakas.
Matapos kong mag-ayos ng mukha, buhok at uniform, bumaba na ako. Ang pagkarinig ko noong nag-uusap ang iba sa schedule nila, sila Orion, Heroic at Forsythe ay may pasok sa umaga. Sila Danger, Lawron at Clark ay kakaiba ang schedule nila kumpara sa akin kaya mukhang sila magkakasabay-sabay sa 10 AM subject nila.
Naabutan ko sa baba si Heroic na inaayos ang strap ng bag niya. Nang makita ako ay nanlaki ang mga mata niya. Ngayon lang din ako lalapit sa kaniya matapos ang ilang araw.
Dahan-dahan akong lumapit sa kaniya at niyakap siya. Gusto kong magsorry nang magsorry hanggang sa mabawi ang lahat ng oras na hindi kami magkasama.
"Sorry.."
Mahina siyang tumawa at niyakap ako nang mas mahigpit. "Okay ka na ba?"
Tumango ako.
Okay na ako.
"Anong oras ba 'yung klase ni Bloom? Hindi ba siya sasabay sa atin?" Narinig ko si Orion habang pababa sa hagdanan. Tulad sa amin, nakauniform din siya ng ayon sa program niya.
Nanlaki ang mga mata niya sa likod ng salamin na suot niya.
"At nagyayakapan ngayong alas siyete ng umaga!" anunsyo niya.
"Sali ka!" aya ko pa at sumenyas na lumapit siya.
"Yaw ko na!" pagtatampo niya at nagpapadyak sana palayo kaso hinarang siya ni Forsythe na kababa lang din ng hagdanan. Walang nagawa si Orion dahil nasama siya sa yakap nang sumali rin si Forsythe sa amin.
"Anong meron?" Saktong bumaba na si Danger na kagigising lang. Nang nakita kaming nagyayakapan ay agad siyang tumakbo sa amin para sumali sa yakap.
"Huh?" Nagulat kaming lahat na kalalabas lang ni Lawron sa CR malapit sa kusina.
"Halikaaa!" tawag ni Danger kaya bago pa siya makayakap ay lumayo muna si Danger. "Sandali!"
Bumalik siya sa mga kwarto kaya pinanood lang namin siyang maglaho bigla. Ganun pa rin ang pwesto namin hanggang sa bumaba na siya at hila-hila si Clark na may eyemask pang suot sa noo.
"Group hug!"
Bigla ba naman nila akong binalot ng yakap kaya tumawa ako nang malakas. At talagang nanawak pa para maggroup hug! Kawawang Clark, halatang nasa kalagitnaan pa ng tulog tapos bigla siyang ginising para makasali sa group hug.
Nakakalambot ang mga yakap nila. Parang worth it ang lahat ng mga paglaho ng mga dinamdam ko noong nakaraang araw dahil hindi ko maaappreciate nang sobra ang nangyayari ngayon.
"Si Boss, hindi pa umuuwi," bulong ni Heroic kaya natahimik ako lalo.
"Naghugas ka ba ng kamay, Batas?" tanong ni Danger nang maalala na kalalabas palang ng CR ni Lawron.
"Oo naman!"
Nauna na kami para magcommute papunta sa school, panibagong pakiramdam ang iniipon ng loob ko. I feel sorry. Gusto kong iexplain ang side ko kay Boss na hindi ko intensyon na ganun ang magiging pakikitungo ko. Kahit ganun, napapatanong ako kung naiintindihan ba ako ni Boss kung bakit ganun ang nangyari sa akin pagkatapos ng unang misyon. Tuwing inaalala ko nga iyon, kahit may naiisip pa ako hanggang sa napagtanto ko na magulo lang talaga ang lahat ng nangyayari noong gabing iyon.
Sinubukan kong maging natural sa unang araw ulit ng klase. Kaso mahirap kumilos nang malaya. Pakiramdam ko kasi may nanonood sa akin. Gustuhin ko mang ibalik ang sigla ko tulad noong nakaraang semester, parang bumabalik pa rin ang lungkot ko.
Kasi si Boss...
Gusto ko siyang makausap.
Bumilis din naman ang oras kaya namalayan ko nalang na lunch na at pumipila ako sa counter.
"Uy Bloom! Kumusta ka na?" bati ni Ate May. Napangiti rin ako sa wakas dahil namiss ko si Ate May. Kumpara noon, wala ng Burger Steak. Iba na ang batch ng ulam para sa araw na ito.
"Okay lang po, Ate! Kumusta po kayo?"
Ilang minuto pa ang pangangamusta bago ako tuluyang tumungo sa mga lamesa. Masyadong maraming tao sa mga malalapit na lamesa.
Papunta ako sa palagi kong inuupuan. Kaso mula pa kalayuan, nakita ko na merong mga nakaupo roon. Iba-iba ang mga uniform kaya mas lalo akong lumapit para sigiraduhin kung sino sila.
"Ma!" Tinaas ni Lawron ang kamay niya nang makita ako.
Agad gumaan ang mga balikat ko at masayang lumapit sa kanila. Hindi ko ineexpect na andito rin sila Heroic, Forsythe, Orion at Danger.
"Ang layo naman ng kinakainan mo, Jennifer," sabi ni Danger habang kumakain ng burger niya.
"Atleast sure ako na palaging walang pumupuwesto rito." Tumabi ako kay Heroic na nasa tabi ni Forysthe at binati siya ng yakap. Kay Heroic lang talaga ako nagiging clingy. Agad din naman akong lumayo para simulan ang pagkain ko.
"Ay harap-harapan sa jowa?" biglang singit ni Danger. Hindi ko alam kung ano ang pinagsasabi niya hanggang naramdaman kong may napatingin sa akin sa tabi ni Heroic.
Bigla ba namang nagtama ang paningin namin ni Forsythe.
Kung gaano kabilis ang pagsalubong ng mga paningin namin, ganoon din kabilis pumasok sa utak ko ang halik namin.
Nawala bigla ang poise ko nang nabilaukan ako sa sarili kong laway at sunod-sunod na ubo ang lumabas sa akin imbis na pambabara kay Danger.
"Ieexplain ko lang ang sarili ko!" I will grab this opportunity to defend myself! "Nagpanic talaga ako at hindi ko alam ang gagawin ko. Tumingin sa akin si Jon at wala na akong time para kunin ang chip kaya ininom ko 'yun. Mahahalata naman kung iluluwa ko mula sa bibig ko. Saktong andoon si Forsythe kaya kahit doon lang ay maipasa ko 'yung chip kasi nagkainsidente sa part ni Heroic. Please! Gusto kong humimlay!" sunod-sunod kong sabi at halos ibagsak ang katawan ko sa sahig sa sobrang kahihiyan.
Saktong pagkatapos kong magsalita ay sabay-sabay silang nagtawanan. Lalo na 'tong sila Danger at Orion na parang nakalimutan na kumakain pa pala sila.
"Naalala ko si Heroic na ilang araw na nagsusuklay ng buhok." At pinagpatuloy nila ang tawa nila. Ang mas malala, mas lumakas pa.
"Parang matatanggal na ang anit ko!" reklamo ni Heroic.
Ayun, hinayaan ko nalang silang tumawa. Baka malate pa ako sa susunod kong subject. Kaso orientation pa lang naman kaya puwede naman akong hindi magmadali.
Napansin kong wala si Clark. Andoon pala siya sa mga kaibigan niyang varsity players.
Habang pinagmamasdan ko ang mga kasama kong nagkukwentuhan, natatawa nalang ako dahil naalala ko ang mga araw na mag-isa lang ako Tapos ngayon, nakakapuno ng puso. Hindi na ako nag-iisa.
Akala ko, magiging mapayapa na ang buong hapon ko pero bigla ko nalang naisip si Boss. Biglaan nga lang. Inaalala ko kung ano ang nagpatrigger sa akin para lumipad ang isip ko. Nakikinig lang naman ako sa Instructor namin tapos mapapaisip ako kung nasaan siya ngayon.
Pagkatapos ng isang mahabang orientation sa isa naming course, doon ko napagtanto ang dahilan: hawak-hawak ko pala ang relo na binigay niya sa akin buong oras.
Napakamot ako ng noo.
Napabuntong-hininga ako. "Maya na, okay?"
Sinubukan ko ang lahat ng pwedeng gawin para idistract ang sarili ko. To the point na parang gusto kong matulog pagkarating ko sa bahay. Hindi ko alam kung paano pero mukhang pagod ako sa sem na 'to kumpara sa nakaraang semester. Siguro dahil hindi lang pag-aaral ang inaatupag namin ngayon.
Dumaan ako sa vending machine at bumili ng gatas. Kailangan ko lang ng pampapresko sa loob ko bago ako maghintay sa labas. Nabanggit kasi ni Danger na sabay-sabay kaming uuwi mamaya. Mukhang ako ang unang natapos ang klase. Ganun din, hihintayin namin si Danger na higit 6 PM ang last subject. Ayos lang din naman.
"Bloom?"
Napatingin ako sa kabilang banda ko. Nakasandal kasi ako sa poste sa tabi ng vending machine. Andito pala si Wonder! Ang tagal na rin simula noong umalis ako sa dorm namin.
"Hi, Wonder! Kumusta?" bati ko.
"Uy hi! Mabuti nalang nakita kita rito!" May patalon-talon pa siya habang tinatapik ang braso ko. "Grabe, mas gusto ko pa na ikaw ang dormmate ko kaysa ngayon."
Napabuga ako ng tawa. "Bakit?"
"My goodness! Ang arte! Ikaw na mag-imagine kung gaano kaarte base sa reaksyon ko. Gustong-gusto ng madaming decorations as if kwarto niya sa bahay nila! Halatang spoiled brat!"
Marami pa siyang rant at taimtim akong nakikinig. Ngayon tuloy kami nagkainteract nang ganito kung kailan hindi na kami magkasama sa kwarto. Habang nagrereklamo siya, bumili ako ng maiinom niya. Sa kalagitnaan ng pagsasalita niya kanina, sinubukan kong tanungin kung ano gusto niyang inumin. Nang sinabi niyang wala siyang pera, ako nagbayad. (Kumuha ako sa allowance na nasa sobre. Wala na talaga akong pera. Ngayon, meron na.)
"Eh 'di ba, bawal decorations sa dorm?" paalala ko kasi nasa home rules.
"Privileged," sagot niya.
Napakunot ang buong mukha ko. 'Yun na ang sagot sa lahat ng mga nangyari at susunod na mangyayari. May special treatment ang mga estudyanteng galing sa mga mayayamang pamilya. Kung may isa pang dorm building para sa mga high class, baka naka-aircon, Wi-Fi at swimming pool pa.
"Pero kaya ko 'to. Lalaki nga na makulit, napagtitiisan ko, babaeng maarte pa kaya?"
"Lalaking makulit?" pag-uulit ko.
"Ay," sambit niya bago uminom. "Mga lalaki nga naman, mabilis sumakabilang-pipi."
"Huy!" pag-aawat ko dahil nagulat ako sa term niya. Halos takpan ko pa ang bibig niya dahil hindi ko inaakala na ganito siya ka-bold. Pero natatawa pa rin ako sa term na ginamit niya.
"Hindi nga. Halos lahat naman ata ng lalaki, hindi makuntento sa iisang babae. Ewan ko ba."
Medyo nadown lang ako sa sinabi niya. Gusto ko sana siyang sabihan na may mga lalaki pang matitino kaso parang pangit ng timing. Baka dumating ako sa puntong ireto ang isa sa Gumdrop.
"So, 'yung lalaking makulit is 'yung sumakabilang-p-word?" pag-uulit ko.
"Sandali, gumulo pala." Tumawa siya. "'Yung ex ko ang nagcheat sa akin pero before ko pa nalaman na nagcheat sa akin, may kaprogram ko na lalaki na kinukulit ako para mahuli 'yung ex ko na may ibang kasama. Hindi niya direktang sinasabi sa akin 'yun kasi gusto niyang ako makatuklas. Ayun."
"Wow." Napanganga ako. "Plus points tuloy sa kaprogram mo."
Nagmake-face siya.
"Anyways, hindi iyon ang main topic natin ngayon." Inayos niya ang buhok niya. "May naghahanap sa'yo kaninang lunch na lalaki. Sabi ko naman ay hindi ka na roon nakatira. Tinanong ko 'yung name niya para incase na magkita tayo ngayon. Mabuti nalang ay nagkita tayo ngayon. Jon pala ang name niya."
Kumunot ang buong mukha ko sa pangalan na narinig ko.
"Uhm, anong emosyon niya noong hinahanap niya ako?" Galit ba siya? Masaya ba? Malungkot?
"Huh?"
Weird nga ang tanong ko pero mukhang importante 'yung paghahanap sa akin ni Jon. Nakakapag-overthink pa ako lalo.
Masyado akong binagabag ni Jon kaya hindi na kami nagtagal ni Wonder dahil hahanapin ko na si Jon... hindi ko alam kung saan siya ngayon though..
Para akong nawawalang bata habang naglalakad sa hallway ng BSIT. Ni hindi ko nga alam ang section niya. Marami na ang tumitingin sa akin kaya umalis nalang ako. Ang unang pumasok sa isip ko ang room kung saan ang nagsisilbing hideout niya. Kahit malabo na sa isipan ko ang daan, pilit kong pinapalinaw. Lakad lang ako nang lakad hanggang sa parang may sumapak sa utak ko na tama ang hinala ko at nakarating sa room na may authorized personnel only.
Kakatok ba ako?
Kung iba ang tao rito ngayon, sasabihin ko na lang ba na naligaw ako? O may hinahanap ako tapos napunta ako rito?
Nako ito na nga ang natutunan ko sa unang misyon. Kailangan ay marami akong palusot na iisipin.
"Oh my!" Bigla ba namang bumukas ang pintuan at may sumipa ng kaluluwa ko palabas ng katawan ko. Bumalik din naman agad nang makita ko si Jon na may malawak ang ngiti. Parang ako tuloy ang nagulat na imbis siya ang magugulat dahil alam ko pa kung saan ang hideout niya.
"Mabuti naalala mo pa ito!" Tumawa siya at lalapit sana siya para yakapin ako kaso hindi natuloy. "Kailangan ko palang idistansya ang sarili ko dahil may boyfriend ka na." Mas lalo siyang natawa. Mahina niyang tinapik ang balikat ko. "Bloom Jinx! Kumusta? Mabuti na lang nakausap pa kita bago ako umalis."
Ang daldal niya... kumpara noong huli naming pagkikita, sobrang bigat ng nararamdaman niya. Masaya ako na makita siyang masaya at magaan ang hangin na dala niya.
Pero sandali, aalis siya?
Sumilip ako sa likuran niya, may mga kahon na roon at hindi na ganoong malinawanag tulad noon dahil sa mga screen ng computer niya.
"Alam mo na andito ako?" tanong ko.
Tumango siya at ninguso ang kanto ng pader. May CCTV pala roon.
"May gagawin ka ba ngayon?"
"Wala. Hinahanap mo raw kasi ako, sabi ng dormmate ko kanina kaya kakamustahin kita," sagot ko.
Napatango siya. "Gusto mong kumain sa labas?"
Nanlaki ang mga mata ko.
"Hindi naman magagalit ang boyfriend mo 'di ba?" mabagal niyang tanong.
Mabilis naman akong napailing. "Hindi naman seloso 'yun." Tinawanan ko na lang ang awkwardness. I mean, bakit siya magseselos? Hindi naman talaga kami.
"Gusto ko rin sana siyang makilala para malaman kung nasa mabuting kamay ka. Kaso sa susunod na lang."
Pinapasok niya ako sa loob at hindi ko mapigilang tumingin sa paligid. Inaalala ko 'yung panahong unang beses ko na pumasok dito at kinuwentuhan niya ako ng plano niya. At ngayon, nag-iba man ang nangyayari, atleast, makakaalis na siya rito kasama ang Mom niya.
"Sorry, masyado ba akong madaldal?" tanong niya dahil kanina pa pala siya nagsasalita tungkol sa mga inaayos niya. Tahimik lang kasi ako sa kinatatayuan ko. Nakakaoverwhelm lang masyado.
"Hindi. Sorry, medyo nalulutang ako. I just remembered the first time I got here. 'Yung sinabihan mo ako tungkol sa mga plano mo. Ngayon na makakaalis ka na, I'm so proud of you." Bumuga ako ng isang mahinang tawa habang pinagmamasdan ang paligid.
Nang nagtama ang paningin namin ay nakita ko ang panlulumo niya. "Ikaw lang ang naniwala sa akin." Tumawa siya. "Maya ko na nga ito ipagpatuloy. Tara, dinner tayo."
Sumunod ako sa kaniya hanggang sa nakalabas kami ng campus. Nagkaroon naman kami ng pag-uusap tungkol sa first day ko kaya nagbanggit lang ako ng mga normal na kaganapan.
Sumakay na kami sa sasakyan niya at nagmaneho na siya papuntang... Aurelio.
"Okay lang ba rito?" tanong niya nang napansing natahimik ako habang nagpapark siya.
Dito sila kumakain dati..
"Oo naman. Gusto ko rin namang kumain dito kaso wala akong pera. Balita ko, mas mahal pa sa rent ng dorm ang pagkain dito," biro ko pa.
"Pwes, papakabusog tayo."
"Aba, oo naman!" Lumabas na ako sa sasakyan. "Oorder-in ko ang pinakamahal na menu dito," biro ko pa ulit.
Lumakas ang tawa niya. "Sigurado ka ah?" panghahamon niya.
Naconscious naman ako bigla. "Ito naman, biro lang."
Nang sabay na kaming pumasok dito ay nalanghap ko ang sarap ng mga hinahain dito. Wala na akong ibang inisip at tumabi kay Jon na nag-oorder na sa cashier. "Carbonara and steak?"
Pinanliitan ko siya ng mata. "Masyadong mahal. Gusto ko lang naman ng Caesar Salad."
"Oh, eh 'di isama natin 'yan."
"Wow, daming pera," biro ko.
Napangisi siya at nilapat ang hintuturo sa bibig niya. "Shh."
Tulad ng pagkakilala ko kay Jon, isa siya sa mga kakilala kong mapakumbaba. Hindi siya tulad ng iba na automatic na mayabang o ano pang puwedeng malalang itawag. Nanghihinayang lang ako na hindi kami ganoong kinilala ang isa't-isa.
"Sorry pala 'yung time na nasa bar. Ang pangit lang ng timing at ang pangit ng nangyayari," panimula niya nang nagsimula na kaming kumain.
"Hindi, ayos lang. Kumusta ka naman ngayon?"
Malayo siya sa Jon na huli kong nakausap na halos malunod sa sarili niyang luha sa ngayong Jon na palangiti at madaldal. "Nahanap ko ang microchip ilang araw sa pagbabalik ko sa bar," mahina niyang sabi habang nakaabante ang katawan niya sa akin. Parang isa itong napakalaking sikreto. Bumalik na siya sa pwesto niya at pinatuloy ang pagkain ng pasta niya. "Malakas kasi ang kutob ko na nahulog ko lang siya sa ilalim. Hanggang sa pang-apat na gabi akong bumalik sa bar, may tumulong sa akin dahil mukhang napansin niya may hinahanap ako. Sinabi ko nalang na may hinahanap akong SD card."
Naningkit ang mga mata ko habang iniikot ang pasta ko. Parang nakikiramdam ako kung sino ang tumulong sa kaniya pero mukhang imposible naman 'di ba?
"Nakita niya sa ilalim ng lamesa kaya parang nabuhayan ako ng loob. Hinding-hindi ko makakalimutan ang pangalan niya."
Potek, bakit ako kinakabahan?
"Mark."
Sino naman si Mark?
"Mabuti na lang!" nasabi ko. Hindi ko nga kilala si Mark o ano.
"Mabuti na lang talaga. Tapos kinausap ko ulit 'yung buyer, tinanggap pa rin niya. I need to move ASAP. Kaya inayos ko na ang mga papeles ko, nagdrop na ako sa NU, at inayos ko na ang papeles namin sa Brooksent."
Brooksent..
Natahimik kaming dalawa. Bigla kong naalala ang magulang ko.
"As long as kung saan kayo magiging mas mabuti."
Ngumiti siya. "Salamat, Bloom."
Ngumiti rin ako pabalik at pasimpleng pinagpatuloy ang kinakain ko. Halata ba na biglang bumagsak ang mood ko?
"Speaking of! Andito si Mark!" biglang tumayo si Jon kaya sinundan siya ng tingin ko.
HUH?
Boss?
"Jon, andito ka pala."
Mabuti nalang na tumalikod sa akin si Jon kaya hindi niya nakikita ang mga mata ko na lumuluwa na sa sobrang gulat. Si Boss ay si Mark? Siya 'yung tumulong sa kaniya sa paghanap ng microchip?
"Mabuti nalang ay nakita kita ngayon!" Aba, mukhang close na sila dahil naka-akbay sila sa isa't-isa. Can't blame Jon. Friendly talaga siyang tao. Nang humarap na sila sa akin ay tinanggal ko ang unang reaksyon sa mukha ko at agad binahiran ng ngiti. "Bloom, ito pala si Mark."
Mark.
"Ito pala si Bloom, kaibigan ko. Nagkakilala kami bago magpasukan," pakilala sa akin ni Jon kaya nagkatinginan kami ni Boss. Dahil hindi siya nagulat nang makita ako, I assume that he saw me already.
Or he intentionally went here.
With bunch of fastfood in his hand.
"Tara, dinner tayo."
"Thank you pero inutusan pa ako para rito. Sa susunod nalang ulit."
Hmm, inutusan.
Palihim akong lumingon sa labas at nakita ko ang asul na microbus sa parking lot. Nakita ko pang nakatingin sa akin silang lahat sa bintana, nakahilera at nakaekis ang mga bisig.
Okay. Sinadya nila.
"Sige, ingat ka!"
Muli kaming nagkatinginan ni Boss bago siya maglakas palabas. Saktong nakita ko si Jon na nakatingin pa rin sa kaniya. Kinabahan ako na baka makita niyang papunta si Boss sa sasakyan kaya agad kong kinuha ang atensyon niya. "Aalis ka, right?" pagbabalik ko ng topic.
Paulit-ulit.
Halata ata na nabibitter ako.
Pero alam ko ang mga pinagdaanan niya at ang pagsisikap niya kaya deserve niya iyon.
Unti-unti kong nililinis ang pinagkainan ko.
"Gusto mo bang sumama?"
Napatigil ako sa ginagawa ko. Tiningnan ko siya na parang hindi ako makapaniwala sa sinabi niya.
"Pinag-iisipan ko dati pa," dagdag niya at sa tingin niya ay parang hinihintay niya ang sagot ko. Seryoso talaga siya. "Siguro hindi ko lang kayang buksan 'to sa ngayon dahil you have someone." Naputol ang sasabihin niya at nakawala ng mabigat na hininga. Napaiwas pa siya ng tingin samantala ako, titig na titig sa kaniya.
"Pero... gusto mo bang sumama sa akin?" ulit niya. "I can pull some strings."
Parang may kumuha ng dila ko at hindi ko magawang makapagsalita.
Gusto kong pumayag.
Gustong-gusto kong umalis dito.
Iyon naman ang pinakaunang plano ko, 'di ba?
"Jon.." Napahaplos ako ng sentido.
"No pressure, Bloom." Pahina nang pahina ang boses niya. "Kung iniisip mo ang boyfriend mo o kung ano man ang meron dito na maiiwan mo, pag-isipan mo ulit. Pero may pera pa ako. Kaya ko pang bayaran para makasama ka sa akin." May kinuha siya sa bulsa niya at pinigay sa akin ang card niya kung nasaan may number niya. "Ako bahala sa'yo kung nakapagdesisyon ka na. Kung malaman ng Nodawn ang desisyon mo dahil sa pagtawag mo sa akin, huwag kang mag-alala. May kaya akong gawin."
Gusto kong umalis. Gusto ko magkaroon ng panibagong buhay.
Napapikit ako. Bakit ba ako nahihirapan nang sobra?
Bakit binalik ni Boss ang microchip kay Jon?
Kung nakikita man ako ng Gumdrop ngayon na tinanggap ang calling card ni Jon, kitang-kita ang pagkadismaya nila.
"Bakit ako?" mahina kong tanong.
"Kailangan ko bang sagutin 'yan?" tanong niya pabalik.
"May iba bang dahilan kaya hindi mo masagot?" Lumalabas ang loob kong gusto ko ng sagot para malinaw ang lahat.
"I like you."
Masyado bang napupuno ang nararamdaman ko ngayon kaya hindi ko man lang mabigyan ng reaksyon ang pag-aamin niya?
"Just to clarify, it's not that romantically related pero I also want you to leave this place with me."
Napalunok ako at inayos ang upo ko. So, parang gusto niya lang ako isama kasi gusto niya rin akong makaalis.
Appreciated.
"Pag-iisipan ko. Salamat, Jon."
Tapos na kami kumain kaya nanatili kaming nakaupo roon, mukhang naghihintay kung sino ang unang aalis.
"I wish you all the best sa labas ng Nodawn," sabi ko sa kalagitnaan ng katahimikan.
"Maraming salamat, Bloom. Kung kailangan mo ng tulong ko, hindi ako magdadalawang-isip na tulungan ka. Hihintayin ko ang sagot mo."
Ngumiti ako at tumango.
Inalok niya akong ihahatid ako pauwi pero tumanggi na ako. Sinabi ko na lang na susunduin ako rito ng boyfriend ko. Kapag nakaalis na siya, uuwi na lang ako mag-isa. Nagpaalam na kami sa isa't-isa at nauna nang umalis si Jon. Hindi na ako lumingon at nanatili sa inuupuan ko.
Déjà vu.
Since nakaayos na ang mga pinagkainan para kunin nalang ng crew sa lamesa, pumunta muna ako sa restroom para magretouch. Simula sa inalok niya, parang hindi ko na matukoy kung ano pa dapat ang maramdaman ko.
Namanhid.
Matapos ayusin ang lipstick ko, lumabas na ako. Balak ko na rin dumretso sa labas kaso nakita ko si Forsythe na nakaupo kung saan ako nakaupo kanina. Hindi na ako nagulat. Andito pa rin naman ang sasakyan.
Lumapit ako sa kaniya at inaya na siya, "Tara, uwi na."
"Nasa labas pa raw si Jon, tumitingin sa atin."
Napasulyap ako sa tenga niya dahil may suot siyang earpiece.
Bumalik ako sa upuan at nakipagtitigan kay Forsythe. Nakauniform pa siya ng NU.
Speaking of uniform.
"May bayaran na naman kami dahil may panibago kaming uniform," pagbubukas ko lang ng topic para maubos ang oras habang hinihintay umalis si Jon kung nasaan man siya.
"May pera ka na."
Napatango ako. Oo nga pala.
"Anong ginawa mo sa allowance mo?" Dahil curious din ako kung kaya ba nilang gastusin 'yun.
"Ipon, hygiene and others."
Napatango ako.
Wala na akong ibang maisip.
Hinawakan ni Forsythe ang earpiece niya dahil mukhang may nagsasalita roon. Hinintay ko lang siya habang napatingin na siya sa akin. "Tinatanong ni Heroic kung ano ang binigay sa'yo ni Jon kanina."
Heroic..
Sasabihin ko ba ngayon ang pinag-usapan namin?
Hindi na lang muna ako sumagot at pinaglaruan ang isang pirasong tissue.
"Bloom."
"Hindi pa ba tayo pwedeng umuwi?" inip kong tanong.
"Andito pa raw siya."
So, hinihintay niya pa rin ang sagot ko?
Inilabas ko ang calling card na binigay sa akin ni Jon.
"Uhm.."
Bakit ba kasi binalik ni Boss ang microchip?
Napabuga ako ng hininga.
Nakapagdesisyon na ako.
"Can we pretend that I made a decision that made you really happy?" I asked before showing what my decision is.
"Like?"
"I don't know." I shrugged. "Like hug me or kiss me since Jon's waiting for my decision to his offer."
"Okay," he said, parang hindi big deal.
"Okay."
Nilukot ko ang hawak ko at pinasok sa bulsa ko.
Nagkatinginan pa kami kasi inaabangan ko ang pinag-usapan namin kaso wala siyang reaksyon sa ginawa ko. "Oh right, context." Inabante ko ang katawan ko at hinawakan ang earpiece niya para marinig din ng nakikinig sa kabilang linya ang sasabihin ko. "Inalok niya ako para sumama sa kaniya para makaalis sa Nodawn." Humighik ako. "Sabay-sabay tayong aalis dito." Iyon ang huli kong sinabi bago humighik at ginulo ang buhok ni Forsythe.
Kinuha ko na ang bag ko at sinabit sa balikat ko. "Hindi pa ba siya umaalis? Kahit tambay lang muna tayo sa parking lot hanggang sa umuwi na siya."
Bago pa ako makahakbang paalis ay napanood ko siyang tumayo at lumapit sa akin. Para bang bumagal ang oras nang dahan-dahan niya akong binalot sa mga bisig niya. "You made the right choice."
Napangiti ako at napapikit.
Biglang pumasok sa isip ang oras na niyakap ako ni Boss sa kalagitnaan ng gubat. Naririnig ko rin ang pagtatahan niya. Nararamdaman ko ang haplos niya.
Hindi.
"Uwi na tayo. Umalis na raw siya."
Tumango na ako at sabay na kaming lumabas. Saktong bumukas ang pintuan ng sasakyan at nilabas si Heroic. Nakita ko silang lahat sa loob ng sasakyan kaya nanlumo ako.
"Sorry..." bulong ko nang isa-isa na silang lumabas sa sasakyan.
"Bakit ka nagsosorry?" natatawang tanong ni Orion at tinatapik ang balikat ko.
"Sorry kasi malapit ko na iconsider ang alok niya." Doon na ako napahagulgol. Bumigat ang loob ko dahil sila pala ang maiiwan ko kung pumayag ako sa alok kanina.
"Huy!" Nagpanic silang lahat at binalot ako ng yakap.
"Sorry! Kasi.. kasi..." Hindi ko na mahanap ang mga salita ako. Masyado akong napressure.
"Understandable. Parang sandamakmak na ginto ang inaalok sa'yo. Sinong hindi matutukso?" sabi ni Danger at tinapik-tapik ang tuktok ng ulo ko.
"Ganun mo ba kami kamahal, Bloom?" mapaglarong tanong ni Clark habang nakayakap kay Heroic.
"Sus, kinikilig naman kayo," asar ko kaya nagtawanan kami.
"Sige na. Lalamig na ang dinner natin." Isa-isang tinapik ni Boss ang mga ulo na nakapalibot sa akin. Kaya isa-isa na silang pumasok para makauwi.
"Ma.." tawag ni Lawron.
"Mas gusto kong magkaroon ng adventures kasama kayo," mahina kong sambit at niyakap ang tagiliran niya para sabay na kaming pumasok. Kaso napansin kong nasa likuran pa namin si Heroic.
Inalok ko ang kamay ko sa kaniya kaya nakangiti niya itong hinawakan hanggang sa makapasok na kami sa loob ng sasakyan.
"Ayun, comeback na ng mag-asawa," asar nila.
"Asan na ang wedding ring niyo?" asar pa ni Clark.
Parang may naisip ako.
"Actually, natin," pagcocorrect ko. "Nasaan ang singsing natin? Eh tayong lahat naman ang kinasal na sa kontrata."
"Oo nga 'no." Tumawa silang lahat.
"What do you think, Boss?" tanong ni Danger kay Boss na nasa tabi niya.
"Singsing ba gusto niyo?" tanong ni Boss.
"Sige ba!"
At samutsaring reaksyon na ang bumalot sa buong sasakyan.
"By the way." Nagsalita ulit si Boss. Tinaas niya ang isang brown folder. "Our second mission."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com