Chapter 23

It feels like it's our first time doing this. Andito pa rin ang kaba pero hindi naman tulad noong una naming misyon na halos nasa bingit kami ng kapalpakan na tipong makakatulog na kami sa banyo. Medyo lumiko lang ang proseso ng misyon namin dahil sa mga hindi namin inaasahan na mangyari, natapos din naman namin at binigay na sa amin 'yung dapat naming matanggap.
"Uhm," panimula ko habang nakatayo sa harapan ng Montanio Resort dahil dito nagaganap ang annual business gala, kung saan pinupuno ng mga naglalakihang business tycoon ang loob. "Any updates? Ang weird lang kasi ng kalagayan ko rito sa labas habang nasa loob na 'yung mga tao," sabi ko sa earpiece ko.
["I'm in, atlast!"] rinig ko kay Heroic. ["Kainis! Kinausap ko pa ang matandang babae sa labas kaya natagalan ako pumasok. Anyways, may kape ba rito?"]
Mariin akong napapikit. "Please, Roic," pagmamakaawa ko dahil kinakabahan ako na mangyari ulit ang nangyari noon.
["Uy! 'Yung babae kaya 'yung problema!"]
["Tamaaa!"] singit ni Danger.
["Nanabunot agad eh!"] At sumali pa si Lawron.
"Guys, focus." Kasi hinihintay ko ang cue para makapasok ako sa loob.
["Inistalk ko siya, type niya pala si Heroic."] Tumawa si Clark.
["Ahh kaya hindi ka na niya pinakawalan."]
["Potangina niya,"] pagmumura ni Heroic.
["Huuuuy!"] umawat si Lawron.
"Hoy! Maya na 'yan! Magsisimula na ang party! Hinihintay ko ang signal kung papasok na ako kaya magfocus na tayo please."
["Uy Bloom, bago ang shade ng lipstick mo ah. Mahal 'yan 'no?"] tanong ni Clark na siguro tinitingnan ako sa bagong bili niyang sniper scope na nakainstall sa tranquillizer gun niya. Nasa rooftop siya ngayon at nagsisilbing bird's eye namin sa oras na ito.
"Talaga?" Binuksan ko ang purse ko at nilabas ang salamin. "Actually, mura lang ito. Naubos kasi ang pera ko sa bagong white stiletto heels ko. Kaya please, ayusin natin 'to dahil magpapatahi ako ng mga uniform ko. My goodness! Dadami pa ang uniform ko!"
Hmmp. Nursing.
["Akala ko ba, magfofocus na?"] paalala ni Danger.
"Ay, oo nga pala."
The time Boss explained our second mission, akala namin napakasimple lang.
1. Kukunin namin ang phone ni Governor Joselu Davidi, 57 years old, babaero, kurakot, maraming illegal activities na ginagawa, people pleaser, pinalaki gamit sa perang ninakaw, at ang pinakamalala ay nagsesend ng sunod-sunod na death threats sa Mayor ng Nodawn ngayon. Kaya ang misyon namin ngayon ay kukunin ang kaisa-isang device na ginagamit niya kung saan andoon ang mga kontrata ng mga inutusan at damay sa mga ginawa niya. Siya nga pala ang dahilan kung bakit nagkaroon ng sakuna na nangyari sa lugar nila para ipagtakpan ang papakalat palang na issue na nagnakaw siya ng pondo mula sa isang project niya. Ganoon siya kalala.
2. 'Yun lang.
So, kukunin lang ang phone. 'Yun ang akala namin. Kaso ang hirap lang dahil marami pa kaming inasikaso; pag-iba ng pangalan namin, pag-access ni Boss sa security system ng resort, pag-apply ni Orion bilang waiter (ulit), pagpapanggap ni Heroic na isang CEO ng isang advertising company, pagpapanggap ni Lawron biglang guard na siyang rumoronda sa venue, at... pagpapanggap na naman namin ni Forsythe na may relasyon kami. Samantala nasa sasakyan si Danger na nag-aabang at si Clark naman ay nasa rooftop ng kabilang building. Kapag may mangyari na hindi nagtutugma sa mga plano namin ay hihintayin ni Clark ang permiso ni Boss kung pwede na siyang tumira sa mga aatake sa amin.
Boss promised that we will never get hurt. Our safety is his priority.
["Gumdrop."]
Speaking of.
["Davidi."]
So, this is my cue.
I may not wearing a million-worth dress, nor a branded accessories and make-up, these stiletto heels aren't on the level same as the wealthy wives who are spoiled by their men's money, but there is one thing I know... atleast I have this confidence.
'Coz, damn, ladies and gentlemen, I look gorgeous!
Tumigil muna ako saglit sa hallway na may naglalakihang salamin. Tinitingnan ko lang ang sarili ko habang sinisink-in na magiging honeytrap ako.
A freaking honeytrap!
At first, super uncomfortable. As in. Ayaw ko rin namang lumandi sa isang kurakot na womanizer. Nang mapansin naman ni Boss ang reaksyon ko sa suggestion niya, agad niyang iniba. Doon ko rin masasabing napakaflexible ng pag-iisip ni Boss. Siya na mismo magsabi na hindi ko kailangan ng flirty lines or whatsoever. I just need to compliment Davidi to distract him until Lawron gets his phone in his pocket. Kung titingnan kasi itong buong tindig ni Davidi, para sa isang politikong maraming baho, masyado siyang kampante. Alam niyang sa nag-iisang phone lang ang mga ebidensya niya kaya iyon lang iniingatan niya at ang ibang mga katauhan ay madali niyang mabayaran para lumusot sa anumang ipanglalaban sa kaniya. Kaya malakas ang loob na magsuot ng puting suit... na mababaw lang ang bulsa kaya sumisilip ang phone niya.
Nakapasok na ako sa mismong venue at sobrang liwanag dito. Halos lahat ng mga tao rito ay may kaniya-kaniyang kausap at iba pa.
"I'm in," bulong ko at taas-noong tumayo sa entrance.
["Davidi, left side."]
Saktong pagsulyap ko sa kaliwang bahagi ng venue ay marami-rami rin ang nakatingin sa akin. Kabilang na si Davidi na hindi maipaliwanag kung anong klaseng bigote ang meron siya.
Nakilala ko ang sarili ko dati na hindi masyadong tumitingin sa mga mata ng mga tao. Kaso ngayon na nahasa ako sa pakikipag-usap, lalo na't walo kami sa iisang bahay, parang... wala na.
"It takes about 4-5 seconds of eye contact to make someone attracted to someone," Boss said after giving me pointers.
"Is it effective? Saan nanggaling?" tanong ko.
"Hindi ko alam. Nagsearch lang ako." Tumawa siya.
Nacurious tuloy ako. "Bakit 4-5 seconds?" Kaso napaisip ako kung umabot ng 10 seconds ay parang ang uncomfortable na.
"I guess it depends. Baka kulang ang 4 seconds o sobra naman ang 5."
"Then I'll make it 4 and a half," I said as I proceeded to stare into his eyes.
It took about 4 and a half seconds.
And I successfully caught his sight.
Davidi's, I mean.
"Shit," bulong ko.
["Why?"] biglang may nagtanong sa akin habang naglalakad ako sa kanang bahagi ng venue.
"Wala lang." Pumwesto na ako sa bakanteng high tables. Nadidistract na naman ako. Mabuti na lang, nakita ko si Orion na palapit sa akin na may bitbit na tray. Inalok niya ako ng champagne na may mapang-asar na ngiti. Mapait ko rin siyang ningitian dahil inaasar niya ako. Sinabihan ko na siya dati na bigyan ako ng non-alcoholic. Mukhang gustong-gusto niya kasi noong huli akong uminom, si Forsythe ang kasama ko. Which means, panalo na naman siya sa pustahan nila. Balita ko, si Clark ay namumulubi. Nang malaman ko 'yon, pinatigil ko sila kaso mga lalaki talaga, mga palaban. Hindi ko na talaga sila pinapansin dahil sila rin naman ang nagdesisyon.
Mabagal ko lang na iniikot ang hawak kong glass habang naghihintay ng himala.
["Para kang anghel, Bloom."]
["Hwehwhehihihikhik."]
Napakunot ako ng noo sa sinabi ni Heroic. Maiintindihan ko naman ang sinabi niya dahil puting-puti ang suot ko ngayon at kumikinang ang mga suot kong accessories. Pati ako, nasisilaw eh. Mas lalo lang akong napakunot ng mukha sa kakaibang tawa ni Lawron.
"Salamat. Pupurihin sana kita kaso baka makabanggit ako tungkol sa The Creation era."
Nagsitawanan sila kaya classy akong tumawa. Masyado na akong in-character sa oras na ito.
["Davidi, on his way to you."]
Mahina akong natawa at sinandal ang mga siko ko sa high table. Pinatili kong kalmado ang sarili ko hanggang sa naramdaman ko ang presensya ni Davidi sa tabi ko. Para akong pinalibutan ng pangamba dahil may kapangyarihan ang nasa tabi ko. Pero nakakampante ako sa kalagitnaan ng kaba dahil alam kong hindi papayag ang mga kasama ko na pumalpak kami.
"The sparkles are fading away." He took some frozen grape and put it inside my glass—WITHOUT CONSENT.
God knows how I want to throw the champagne and its glass on his face.
"Glad you brought them back," I said, taking a sip from it.
I want to throw up.
"This is the first time I saw you in Gala."
"We always attend. Bet, you didn't notice me."
"If I have noticed you, I should've known you since then."
Gusto ko sanang uminom sa hawak ko kaso kapag naalala ko na hinawakan niya ang grape gamit ang mga kamay niya. Nakakadiri. Malay ko bang galing siya sa CR o ano.
Nahagip ng paningin ko si Orion na tinitingnan din ako. Pasimple kong tinaas ang glass ko para lumapit siya sa akin. Para hindi ako pag-isipan ng iba itong dugyot na Davidi, inayos ko ang buhok ko kaya napansin kong napatingin siya sa leeg ko.
Locked.
"So, Governor Joselu Davidi," I said with an oozing voice I didn't know that it will come out from me. "I like your project in your place. The pre-school classroom?" I recalled.
'Yung ninakawan mo ng pondo kaya hindi maganda ang stucture ng buong building dahil napilitang bumili ng construction materials na high-quality.
A kid died when a pole collapsed and you put all the blame to the construction workers.
"Thank you," taas noo pa niyang sabi. "If it wasn't for the irresponsible laborers, that project of mine would be the one of the perfect projects I made."
["Tangina niya kamo,"] rinig kong bulong ni Heroic dahil nakabukas ang earpiece ko buong oras kaya maririnig nila ang mga pag-uusap nila at boses ko kahit hindi tinatapat ng daliri ko ang earpiece.
"Atleast you made a lot."
Na mga palpak din.
"I know. I was born to help people. Para akong may-ari ng isang farm na nagbibigay ng bunga sa taong bayan."
No.
I understand that we all have different perspectives in this subject.
But your job is to serve the people.
Kung gagamitin ang metaphor mo, bibigyan mo ang taong bayan ng mga tanim para magtanim din sila at makakaani ng mga bunga. Hindi 'yung sinasanay na umasa. Mas lalo kayong naeenganyo dahil mataas na ang mga tingin sa inyo ng mga tao.
The people deserve more. Actually, the people deserve the best!
Kung pinagmamalaki niyo ang mga kinanalagyan niyo, bakit marami pa rin ang naghihirap? Bakit mukhang kayo ang mas nakikinabang?
["Bloom.."]
Natauhan nalang ako nang may narinig ako sa suot kong earpiece. Nakatitigan ko pa itong si Davidi. Kung sabihin niyang attracted ako sa kaniya kaya ko siya natitigan, sisipain ko betlog niya.
"You're inspiring me. That makes you a charming man."
["Jusq, bibilhan kita ng panibagong mouth wash. Nandidiri na ako sa mga pinagsasabi mo,"] sabi pa ni Heroic. Naiimagine ko pa na umiinom siya ng kape niya sa kinatatayuan niya.
"Thank you," nasabi ko dahil mukhang kailangan ko iyon. Baka sa mga salita ko pa ako magkaroon ng bad breath.
"Thank you?"
Oh right, may nilalang pa sa harapan.
"Thank you for all you did for the people."
["Astig,"] sarcastic na reaksyon ni Danger na parang nanonood lang sa tabi ni Boss sa loob ng microbus.
Napaayos ng tayo si Davidi at tiningnan ako nang maayos. Mas lalong pumababa ang tingin niya sa balikat ko kung nasaan nakalagay ang blossom tatto na nilagay ni Danger. Masyado raw kita ang balat ko kaya pumayag ako na maglagay ng termporary tattoo. Plus, nagdagdag sa aura ko ang blossom na iyon. Mukhang naagaw pa ang atensyon niya.
"It seems that you know a lot about me."
Hindi naman gaano. Sa totoo lang, hindi naman kami interesado sa buhay niya. Nakakadiri kaya buhay niya.
Pero alam naming mahilig siya sumayaw ng ballroom kaya tinuruan pa ako ni Danger ng basic waltz. Hindi ko inaakala na magaling palang sumayaw itong pahamak na 'yun. Magaling din naman magturo kaya natuto ako agad.
"Do you want to dance?"
Napatingin ako sa kamay na inalok niya sa akin.
Ayaw ko, siyempre. Pero parte 'yun ng plano kaya kailangan kong idistract siya.
Gusto ko na umuwi.
Tinanggap ko ang kamay niya at inalalayan niya ako sa dance floor nang tumutugtog na. Naaninag ko rin na dadaan na sa harapan namin si Lawron.
"So, what is your name?"
Tangina.
Pasimple kong hinila siya palapit sa akin para lumusot ang kamay ni Lawron. Bigla kasing may dumaan na waiter kaya kailangan pa niya ng space.
"Joanne." I faked a smile while fixing his suit.
["Got it."] Lawron got the phone.
["8 minutes,"] paalala ni Boss.
Saktong inikot ako ni Davidi at sinayaw sa gitna. Nakakaloka, dinikit niya ang katawan niya sa katawan ko.
"Anong pinagkakaabalahan mo ngayon?"
I mentally scratched my forehead. Hindi ko pwedeng ipakita na ayaw kong masagot. Kahit alam ko naman ang background ko ngayon.
"I've been handling a plantation that was given by my father."
Tinitigan niya lang ako.
Mabuti na lang, makapal ang make-up ko ngayon kaya natatago ang mga nunal ko na maaaring makilala ang tunay kong mukha.
May kinuwento siya bigla saktong nagsalita na si Heroic, ["Opened his phone and transfering all the files. Bloom, distract him more para maibalik nang maayos ang phone niya."]
That's the plan. After copying his files, we will return his phone back. It sounds impossible and challenging. We also got the point that Boss' been talking about.
If Davidi found out that he will be arrested by noticing that his device where he put all of his evidences are gone, he might pull some strings to make him the innocent one.
Once we returned his phone back, magugulat na lang siya na may warrant of arrest na siya at diretso sa korte ang mga patong-patong niyang kaso. Parang ang imposible lang pakinggan pero sana ay maging matagumpay ito.
I panicked. May kinuwento siya na hindi ko man lang narinig. Maingay kasi ang tugtog dito. Nakatitig lang ako sa kaniya habang naghihintay sa update mula sa iba. Kaso paiba nang paiba ang tingin niya sa akin. Mukhang iba ang iniisip niya.
"Do you want to have some fun?" he whispered.
Huh.
Wala 'to sa plano.
["Shit."] Parang bumagsak lalo ang balikat ko nang kinabahan ako sa mura ni Clark. ["May guard na naglalakad sa daan papunta kay Heroic."]
["Roic, leave."]
["Malapit na! Hindi na ako lalayo! Kailangan kong tapusin 'to para maibalik ni Lawron!"] halos sumigaw na si Heroic sa sobrang papanic.
Rinig na rinig nila ang pagtanong sa kain ni Davidi.
Grabe, hindi ko alam kung anong gagawin ko!
["Forsythe."]
["Hindi pa binabalik ang phone,"] paalala niya at rinig na rinig ko ang tigas ng boses niya. May point siya dahil hindi siya puwedeng sumingit sa amin hangga't hindi naibabalik ang phone.
"I know a place." Davidi's face began to come near mine.
["Boss!"] sigaw ni Clark.
["Roic?"]
["90%!! Matatapos na 'to!"]
["Guys.. nakikita ko na 'yung guard.."]
["Bloom! Distract him more!!"] sigaw ni Danger.
"Let me contact my assistant."
Oh no.
Bago pa niya maipaghiwalay ang kamay namin ay hinawakan ko nang mas mahigpit ang kamay niya para manatiling nakapako ang tingin niya sa akin.
"I've always wanted to watch the blossoms fall from their tree."
I put his hand above my bare skin where the temporary tattoo was printed.
He's touching me.
Because I freaking let him.
["Fuck!"] Heroic shouted. ["Ilayo niyo si Bloom sa hayop na 'yun!"]
Davidi caressed my shoulder, feeling how soft my skin was. Then he began to slide his palm to my neck. I just let him touch me without blinking. I want to remember how disgusting creature he is.
["Clark, shoot the guard."]
Bigla akong naalarma sa utos ni Boss.
["Boss? Sigurado ka? Baka mahuli tayo!"]
Labis na takot ang bumalot sa buong sistema ko. Sumabay pa ang pagbaba ng haplos ni Davidi sa likuran ko.
["Shoot."]
And all I can hear is silence.
"Excuse me."
Hindi ko na naramdaman ang kamay niya sa katawan ko dahil may humawak nito at nilayo sa akin. Dahan-dahan akong tumingin sa gilid ko at nakita ko na si Forsythe. Seryoso siyang nakatingin kay Davidi habang niyakap ng bisig niya ang beywang ko kasabay ang paglayo sa akin.
"Thank you for the dance, Governor. It's such an honor to see you dance with my wife but I taking her back." He even scratched his eyebrow in a subtle way showing his ring. That's when I also showed my hand while fixing my hair also in the most subtle way, wearing the same ring that he wears.
And I saw Lawron walking away from us.
"It was nice meeting you, Governor. Wishing you all the best," I said.
He was left dumbfouded. Well, this is a party. Sana maisip niya na masyado akong friendly.
"Hey.." Hinarap ako ni Forsythe sa kaniya. Masyado ata akong nabigla sa mga nangyari. Masyado akong naooverwhlem. Parang kailanman ay hindi ako masasanay. Like, the fuck. We just shot someone.
Para akong nalalantang gulay na nanghihina sa harapan ni Forsythe. Right, hindi naman kami pwedeng umalis agad sa party dahil magmumukha kaming kasabwat if ever mag-imbestiga sila. Kung umalis kasi kami, magmumukha kaming guilty, especially may interaction kami ni Davidi.
Kinapa ni Forsythe ang tenga ko at siya na mismo ang nagtanggal ng earpiece ko. Pakiramdam ko, nadrain na naman ako.
"Tapos na 'yung mission?" tanong ko.
Tumango siya. "Good job."
Napapikit ako at napasandal sa poste sa tabi ko. Hinabol ko muna ang paghinga ko dahil mukhang naubusan ng oxygen ang baga ko.
Hinayaan kong alalayan ako ni Forsythe papunta sa open balcony ng 2nd floor. Nang naramdaman ko ang natural na hangin ng gabi ay nilanghap ko ang lahat ng hangin na maiipon sa baga ko. Atlast, fresh air.
"Nakakadiri siya," pag-aamin ko kaya mahina siyang natawa bago sumandal sa railings doon.
"That was a nice move." Tinapik niya ang balikat ko.
Medyo gumagaan ang pakiramdam ko. "We succeeded, right?" tanong ko ulit para siguraduhin.
Tumango siya.
"Paano 'yung guard?" Binaril siya ni Clark gamit ang tranq gun. Paano kung makita na may nawalan ng malay na guard sa labas ng venue?
"After they took off the dart, they took the guard to the clinic." Nababasa ko ang tingin ni Forsythe, parang willing pa siyang sagutin ang lahat ng tanong ko.
"Paano kung magtaka 'yun?" Kasi maraming pumapasok sa utak ko ngayon. Paano kung pumalpak kami? Paano kung mapansin nung guard?
"Bloom," tawag niya pero may pumasok na ideya na naman sa utak ko.
"Bakit naman kasi palagi nalang ako nagkakaganito?" Literal kong sinabunutan ang sarili ko.
"Jinx."
Tiningnan ko siya dahil sa tawag niya sa akin.
It sounds so familiar.
"Ano naman ang favorite color ko?"
"Blue!"
"You also observed too much, Jinx."
"Hindi halata sa mga gamit mo na blue, Stalwart."
Literal akong natawa dahil may naalala lang ako nang marinig ko ang second name ko. Napailing ako at napatingin sa langit. Kusa nalang natunaw ang puso ko nang makita ang imahe niya sa utak ko na nagmamaneho ng sasakyan.
Napakunot ang mukha ni Forsythe. "Ayaw mo ba ng Jinx?"
Napailing ako at sinandal ang mga siko ko sa railings. "Nah, I just remembered something."
Natahimik na naman kaming dalawa kaya napapikit ako. I'll use this time to breathe. Pero hindi pa rin nawawala ang pangamba ko.
"Natatakot pa rin ako," pag-aamin ko. Medyo kalma naman ako kumpara kanina.
Naalala ko lang na kinuha niya ang earpiece ko nang nakita kong kinuha niya rin ang sa kaniya. Tinago niya ito sa bulsa niya at ginaya rin ang posisyon ko. Tumabi siya s aakin at tiningnan din ang langit.
"Do you trust Boss?" he asked.
"I trust you all."
He nodded.
"But Boss?"
Bakit ba niya dinidiin masyado? May bumubuo tuloy akong konklusyon sa utak ko pero hindi ko pinapansin. Baka nadadala lang ako sa emosyon ko ngayon.
Of course, I trust Boss since from the very beginning.
Hindi ko siya sinagot kasi iniisip ko na sana maalala niya kung gaano ko pinapanig si Boss noong hindi pa kami masyadong close.
Nakakainis lang nang kaunti dahil hindi na niya pinatuloy ang sasabihin niya at umiwas ng tingin. Parang wala siyang inoopen kanina ah!
Nanatali kaming tahimik hanggang sa pakiramdam namin ay palalim nang palalim ang gabi. Nararamdaman ko na kasi ang lamig sa balikat ko. Nang napasulyap siya sa akin si Forsythe ay hinubad niya ang coat niya para ipatong sa mga balikat ko. "11:34 PM. You want to go home?"
"Puwede na?' tanong ko.
Tumango siya kaya napatango na rin kami. Sinabihan kami ni Boss na sa eskina sa labas ng resort sila maghihintay dahil walang CCTV cam sa lugar na 'yun. Habang dumadaan na kami sa main venue kung nasaan kami kanina, maraming tumitingin sa amin. Hindi ko rin naman pinapansin at kampante naman ako sa akbay sa akin ni Forsythe. Dumaan pa nga kami kay Davidi na naramdaman kong sumulyap sa akin.
"Sandali nga, bakit ba maraming nakatingin sa akin?" tanong ko bigla dahil parang kahit ang mga taong nakakasalubong namin ay nakatingin sa amin.
"Uhm." Tumigil siya sa paglalakad kaya tumigil na rin ako. Saktong andito kami ngayon sa puro salamin na hallway.
Then I saw myself.
Wearing his coat with a messy hair.
"Shet!" matalim kong bulong at agad inayos ang buhok ko. Sa pagsabunot ko ito! Nagmukha kaming nagmilagro sa balcony! "Hindi mo naman sinabi sa akin!"
Napakamot siya ng noo.
Pinatuloy nalang namin ang paglalakad hanggang sa labas. Habang sinisipa ko rin ang mga bato na nadadaanan ko, nilakasan ko ang loob ko para magtanong sa kaniya ngayon. Nagbabakasakali lang kung may alam si Forsythe.
"Binalik ni Boss ang microchip?"
Napatigil siya sa paglalakad.
"I have something to tell you."
Humakbang ako palapit sa kaniya para makinig sa sasabihin niya. Mukhang meron nga akong hindi alam.
"The night after our first mission. You were drunk and we left you inside the car."
Tinaas ko ang hintuturo ko dahil may mali siya. "Kinda drunk," I emphasized.
"No." He shook his head. "You were drunk."
Okay! Lasing na ako!
"And I cried when you were trying to get me," I added, remembering that time.
He scoffed, "So, you really didn't know?"
Napakunot ako ng mukha. "Ang ano nga? Pwede mo na bang sabihin nang diretso?" Medyo nauubos na ang pasensya ko.
"Boss didn't leave the car that time. He stayed with you."
"He didn't say anything!" Kahit man lang paghinga niya ay hindi ko narinig! Ang buong akala ko ay mag-isa lang ako roon! Bakit ngayon ko lang 'to nalaman? Ano ba ulit ang mga pinagsasabi ko? Ano ang nangyari sa oras na iyon? Alam ko na hindi ko nakakalimutan ang mga nangyari kung nalasing ako. Nahihirapan lang ako aalahanin dahil hindi ako makapaniwala.
Buong oras na akala ko ay mag-isa lang ako sa sasakyan, andoon siya sa loob?
Hindi mapigilang mapabuga ng mga maiikling tawa ni Forsythe. Parang natatawa at naaaliw talaga siya sa mga nalalaman ko.
"So," he clicked his tongue as he raised the both of his hand, "Obviously, he heard everything you said that night."
What the..
He once let out a short chuckle. "Everything."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com