Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 24

chapter theme:
baby can i hold you by tracy chapman

Boss... he heard everything—lahat ng sinabi ko tungkol kay Jon at sa nararamdaman ko sa loob ng sasakyan na iyon. Mula sa kaibigan ko si Jon, alam ko ang ginawa niya hanggang sa naramdaman ko sa oras na iyon. Pati na rin ang may halo na pagsisisi na dapat sinabihan ko si Boss doon. Pumapasok lang bigla sa isip ko ang mga oras na tinatanong niya ako kung may kailangan ba siyang malaman at ako naman itong hindi nagsasalita tungkol doon.

I really feel bad.

Ano kaya ang naiisip niya habang pinapakinggan niya ako?

"Malulunod na ang noo mo sa bungo mo," sabi ni Heroic kaya medyo napasulyap ako sa kaniya. Nasa lamesa ako ngayon habang pinapanood silang naghahanda ni Forsythe para sa salo-salo namin sa backyard. "Ang lalim naman ng iniisip. Sabihin mo nga, nag-iisip ka ba ng telenovela sa utak mo?" dagdag pa niya bago ako subuan ng hiniwa niyang inihaw na liempo.

"Si Forsythe kasi," pagsusumbong ko kaya nilingon ako ni Forsythe na seryosong nagtatadtad ng sibuyas para sa sawsawan namin.

"Anong ginawa mo?" tanong ni Heroic nang lumingon sa kaniya.

"Wala ah."

Sa akin na tumingin si Heroic.

"Nag-away ba kayo?"

"Hindi," si Forsythe na ang sumagot at nilapag ang sawsawsan sa harapan ko.

Binuka ko ang bibig ko para humingi ulit ng hinihiwa ni Heroic.

"Eh, bakit?" tanong niya at sinubuan ulit ako ng karne.

Napakibit-balikat ako habang masayang ningunguya ang karne. "Hindi ba ako hahanapin ni Davidi?" Bigla kasi akong nag-overthink kanina. Nabalita namin kanina na nahuli na siya kanina habang binibigay sa amin ang allowance namin. Medyo hindi na kami nagulat dahil kulang ang allowance na sinasabi nila as a group kung saan para sa mga bayarin namin sa bahay. Akala namin dati na maliit lang para sa walong tao sa isang bahay pero sadyang sinasadya nila. Para sa walong tao na nakatira sa iisang bahay na gumagamit ng kuryente't tubig, tatlong beses kumakain sa isang araw + snacks at iba pang dapat bilhin ay kulang na kulang ang sinasabi nilang allowance na binanggit noong pagdiscuss ng rules, deals and benefits.

Sa huli, nababawasan ang mismong pera namin at isa-isang nagbibigay para sa karagdagang bayad sa mga pangangailangan.

Kung may natutupad man sa mga salita niyo, White Hall, hindi pa nangangalahati 'yon.

"Busy 'yun sa kalilinis ng pangalan niya. Hindi na niya iiinvolve ang magiging issue na may ikakama siyang may asawa." Real talk si Heroic.

"Foooooocc!" reaksyon ko dahil naalala ko na naman kung paano niya ako ayain. Nakakadiri! Grabe na ang kunot ng mukha ko habang tinatanggal ang bawat alaala na meron pa ako sa gabing iyon. Pakiramdam ko, kailangan ko pang maligo nang maraming beses.

Napatingin ako sa daliri ko kung nasaan ang singsing. Agad naman akong napangiti habang pinagmamasdan ang friendship ring namin. Talagang pinili namin nang mabuti ang design. Hindi naman siya ganoong kabongga at para lang siyang isang simpleng singsing na may gumdrop sa loob.

"Pero infairness, para kayong magulang na naghahanda ng dinner. Hehehe." Samantala, nagmumukha akong anak nila na pinapatikim ng mga hinahanda nila.

Tumawa lang si Forsythe habang seryosong nag-aayos si Heroic ng dadalhin sa backyard. Nagmumukha naman akong prinsesa rito!

Pinapanood ko lang silang nagtatrabaho sa kusina at nang naglakad papunta rito si Forsythe para ilapag ang nakatuhog na karne na ibabarbecue ay may nilapit si Heroic na karne sa bibig niya. Kaswal lang niya itong sinubo at bumalik din agad sa lababo para maghugas.

"Cute niyo," sabi ko at napahighik. "Dahil sa'yo, Heroic, nakakapagsalita na si Forsythe," biro ko pa dahil naalala ko nalang din na naririnig kong magsalita noon si Forsythe. Mukhang may napapala naman kung magkasama sila.

"Aba, dapat lang. Sabi ko sa kaniya na mapapanis laway niya at babaho ang hininga niya kung hindi siya nagsasalita."

Tumawa ako nang napakalakas. Pasensya na, Forsythe pero natatawa talaga ako sa strategy ni Heroic.

"Kayo na lang," asar ko. Nagporma pa ng puso ang mga daliri ko.

"Forsythe, tayo na lang daw!" malakas na sigaw ni Heroic para marinig siya.

"Haha!" tipid pa niyang tawa mula sa lababo.

"Anong kalandian na naman ang bumabalot sa pamamahay na ito?" tanong ni Orion pagkarating sa kusina.

"Shhh. Masarap ang pagmamahal na nalalanghap ko." Pinagayway ko ang lettuce sa ere.

"Nga pala, tapos na mag-ayos doon ng sound system, lamesa at decorations. Halina't magpakalasing kasi next week ay panibagong hell week na naman!" anunsyo ni Orion.

"Every week is hell week," singit ni Forsythe.

Tinaas ko ang hawak kong lettuce. "I agree!"

"Pwedeng palagay ng mga pagkain sa lamesa sa labas? Para makakain na tayo," sabi ni Heroic habang tinatanggal ang apron niya.

"Sure!" Atlast! Tumayo na ako at tinulungan si Orion na bitbitin ang mga kakainin namin. Saktong kakalubog palang ng araw kaya may liwanag pa na natira sa kalangitan. At andoon na ang iba, nag-aayos ng upuan na nakapalibot sa lamesa.

"Huy! Ang ganda ng lights!" pagpupuri ko sa series na nakakabit sa itaas. Parang mas lalo kong nafeel na Christmas na. Gold ang ilaw kaya ang ganda ng liwanag nito sa lamesa.

Pagkalapag namin ng pagkain ay nagsalubong ang mga tingin namin ni Boss na nakaupo na sa upuan at mukhang pinapanood kanina sina Clark at Danger na sumasabay sa mga kanta ni Bruno Mars. Bigla akong kinabahan lalo na't narinig niya ang mga pinagsasabi ko sa sasakyan. Hindi ko siya ningitian o dinedma. Pasimple na lang akong umiwas ng tingin at pumunta sa kabilang parte ng lamesa kung nasaan ang anak ko.

"Pang-ilang kanta na nila 'yan?"

"Mauubos na nila ang buong playlist ni Danger."

Pinanood lang namin silang magkantahan hanggang sa lumabas na rin sila Heroic at Forsythe na bitbit ang mga ibang pagkain na hindi namin nadala.

"Thank you for the food!"

Masaya naming pinagsalu-saluhan ang mga niluto nila Heroic at Forsythe. Gustuhin ko mang tumulong pero parang kaya na nila iyon kaya pinanood ko nalang silang magluto kanina. Ang sarap nilang panoorin, sa totoo lang.

Maraming kwentong baon si Danger kaya mas lalong sumarap ang pagkain. Hindi nga lang ako masyadong kumain ng kanin dahil baka magsuka ako pagkatapos naming uminom. Balita ko, maraming natutunan si Orion sa Nodawn Shots sa paghahalo ng alak. Pero 'yung mga basic lang. Si Danger naman ang bahala sa iba pang dapat ihalo sa gin. Hindi pa sila nagpatawad, bumili pa ata sila ng Soju.

"Batas, may chocolate drink sa ref."

"Hay, salamat!" Tumayo si Lawron at pumunta sa loob ng bahay. Hindi pa raw siya sanay sa alak kaya binilhan na siya agad ni Heroic. Madalas, parang napapangiti ako dahil may nagsisilbing tatay sa anak-anakan ko.

Hindi ko namamalayan na pinagmamasdan ko na ang iba habang nag-iinuman. Para silang mga tito sa kanto na ang lalakas ng tawa at nananawag kung shot mo na. Kada abot sa akin ng baso ni Clark ay naiinom ko naman. Nasabi ko lang na hindi ako iinom masyado kasi walang magbabantay kung bagsak na sa kanilang lahat.

"Lubusin na 'to! Mukhang ilang buwan na naman tayong gagapang sa college," pag-eencourage ni Clark.

Tinanggap ko nalang ang baso dahil may point din siya. Kailangan ko ring sumaya bago man lang ako nagpakahirap ulit sa college. Deserve ko rin naman 'to siguro.

"Sabihan mo lang ako kung ayaw mo na uminom, Sasaluhin ka namin ni Forsythe," sabi ni Heroic habang inaabot ang mga pulutan.

"Thank you." Pinorma ko ulit ang mga kamay ko bilang puso bago tinungga ang isang baso. Natawa ako dahil nalasahan ko 'yung alak na gumuhit sa lalamunan ko. Umikot na naman ang baso at lumagpas kay Lawron ang baso dahil mukhang kinukuha pa niya ang chocolate drink niya.

"Saluhin ko na lang." Sinalo ni Clark ang baso na para kay Lawron. Napabuga ako ng mahinang tawa dahil hindi ko alam kung nasasabik malasing ni Clark ngayong gabi o sinasalo niya dahil mahina pa si Lawron sa mga ganito.

Nagpatuloy ang baso pero napako pa rin ang tingin ko kay Clark na nasa harapan ko. Pakiramdam ko, may binuong salita ang alak sa sistema ko.

"Bakit?" tanong niya pagkatapos magbuga ng kinakabahang tawa. Napansin na niya akong nakatingin sa kaniya eh.

"Gusto ko lang kung bakit kailangan niyong paalisin si Lawron noon sa lamesa niya sa cafeteria to the point na binuhusan niyo?"

Kitang-kita ko ang pagbagsak ng mukha niya matapos kong sabihin 'yon.

Naramdaman din namin ang mga mata ng iba na napunta sa amin.

"Ma," tawag ni Lawron na nasa likod ko na pala.

"Ikaw 'yun?" tanong ni Clark habang naiipon ang bigat ng loob niya. Kitang-kita sa paghinga niya.

"Sorry to bring this up but I can't stand seeing you two together in some times na isa sa inyo na may nagpapanggap na walang nangyari noon. And I don't tolerate those kind of actions." Naramdaman ko ang kamay ni Heroic sa bisig ko, parang pinapakalma ako. Nararamdaman ko rin 'yung tama matapos ang sunod-sunod na baso na hindi ko na nabilang. "I just need to bring this up to clarify things kasi parang ako naman ang nahihirapan."

"Ma, okay nga lang," pagpapakalma rin sa akin ni Lawron at pinapasandal ako sa sandalan kaso hindi ako nagpadala sa kanila. Mas lalong umabante ang katawan ko para hintayin ang sasabihin ni Clark.

May tensyon nang bumubuo sa paligid.

"Guys.. kalma.." sabi ni Orion at halos tumayo na.

"Ikaw 'yun?" Hindi naputol ang tingin ni Clark kay Lawron, talagang naghihintay siya ng sagot mula sa kaniya.

"Kaibigan ni Clark ang mga iyon pero noong araw na 'yun, wala siya," pagpapaliwanag ni Lawron sa iba hanggang sa mapunta sa akin ang tingin niya. Para tuloy akong nabingi sa narinig ko.

"Ikaw 'yun." Tumayo na si Clark.

Tumango si Lawron at napayuko.

Mabagal na pinakawalan ni Clark ang hininga niya at umiwas saglit ng tingin. Ngayon ko lang siya nakitang kinabahan at natakot.

"Hindi ko na kailangan idefend ang mga kaibigan ko dahil sobrang mali ang ginawa nila. I am really sorry."

Siguro napakajudgemental ko noong una na inakalang hindi mapakumbaba si Clark. 'Yung pagiging carefree at palaban niya ay pumapantay naman pero hindi ko talaga inaasahan na magpapakumbaba siya para lang sa kasalanan ng mga kaibigan niya. Parang sobra naman ata 'yun.

"Okay nga lang 'yun." Tumawa si Lawron at tinatapik-tapik ang balikat ni Clark.

"Hindi 'yun okay. Sorry talaga. Sorry. Sorry. Hindi mo 'yun deserve at hindi ko talaga alam na ikaw 'yun noong una. Narinig ko silang pinag-usapan 'yun at inaamin kong may mga nasabi rin ako para makasabay pero hindi ko talaga alam kung sino ang tinutukoy nila. Hindi ko rin ineexpect na ikaw 'yun simula sa Dean's office. Wala talaga akong alam. Kung hindi pa nabuksan ni Bloom ang issue na 'to, hindi ko talaga malalaman. I'm so sorry," sunod na sunod na sabi ni Clark.

Doon ko na nakitang na tuluyang lumabas ang hikbi ni Lawron. Tatayo sana ako para yakapin siya kaso pinigilan ako ni Heroic. Kasi si Clark mismong yumakap sa kaniya. Parang nararamdaman ko ang mga luha ko na umiipon sa gilid ng mga mata ko habang pinagmamasdan silang magyakapan.

"I'll treat you better, okay? Hindi ako makakapayag na maulit 'yun," bulong niya at tinapik-tapik ang likod ni Lawron.

Tuluyan akong napangiti dahil gumaan din ang balikat ko. Malapit na sana akong maiyak kaso itong si Danger ay pinatunog ang baso at kutsara. "Kiss! Kiss!"

Sumabay din sila Orion hanggang sa lahat na kami ay ganun na ang tunog. Mukha tuloy silang bagong kasal.

Natatawang hiniwalay ni Lawron si Clark sa kaniya. Natawa na lamang din si Clark at ginulo ang buhok niya.

"Sarap niyong tingnan." Pabiro pang nagpunas ng luha si Danger. Sa isang kurap, nag-iba na naman ang mood niya. "Sino pa ang may mga hinanakit na gustong ilabas?"

Nagkatinginan kami ni Clark. Kinakabahan ako. Parang biglang nagshift ang personality ko kanina na may paninindigan na ngayon ay kinakabahan. Kaso nawala nalang ang bigat ng loob ko nang ningitian niya ako at nabasa ko sa bibig niya ang 'salamat'.

Ngumiti rin ako pabalik. At least, may nangyaring mabuti sa pangangailam ko. Sa susunod, magiging maingat ako sa mga sasabihin ko. Hindi na ako masyadong iinom ng alak.

"Wala na bang magcacall-out diyan?" huling tanong ni Danger dahil mukhang may balak pa siya ngayong gabi.

"Danger," tawag bigla ni Orion habang sinusubo ang pulutan. Biglang nagkatensyon ang paligid nang tumayo siya habang pinupunasan ang labi. Tumayo na lang din si Danger kahit may bakas ng kaba dahil tinawag siya. "Sa paglalaba, magkahiwalay ang may kulay sa mga puti." With matching hand gestures pa.

"Oooooooh!" Hindi rin namin expect na bubuksan nila ang paglalaba. Hindi pa kasi naming pinag-uusapan 'to lahat. Sa ibang araw ko kasi nilalabhan ang mga uniform ko dahil puti. Kami tuloy ni Heroic ay sabay na naglalaba ng mga damit namin. Kaso nagdadalawang isip pa rin kami palagi kung gagamitin ang washing machine kasi tataas na naman ang bayarin namin.

"Kailan ba tayo nagsabay maglaba?" tanong ni Danger.

"Hindi pa. Pero 'yung sinabi mong naiwan ko 'yung t-shirt ko sa washing machine at sinabay mo nalang sa paglalaba mo, hindi mo naman sinabi sa akin na puti 'yon! Eh halos lahat ng mga damit mo, itim at pula!"

Lalo kaming nagtawanan dahil halatang natalo agad si Danger sa usapan. Awkward siyang ngumiti bago nagtaas ng magkabilang kamay. Sa ingay namin, parang mahahalata na may tama na ang alak kasi itong si Heroic, nagwiwisik na sa amin ng tubig mula sa tunaw na yelo.

"Sorry! Palitan ko nalang 'yung t-shirt mo!"

"Woow! Maraming pera!" asar namin. Kaso sa ngayon lang dahil bagong tanggap palang ngayon ng allowance. Siya naman ang nagtaas ng kamay para batiin kami na parang isang politiko habang may baso sa isang kamay.

"Sige! Salamat!" At umupo na si Orion sa kalagitnaan ng tawa niya.

"Mukhang masaya 'to ah. Wala na bang magcacall-out diyan?" huli sa huling tanong ni Danger habang nakatayo pa.

Ako? Wala naman akong problema sa ngayon. Kaso nang nahagip ng paningin ko si Boss na kasalukuyang nakasandal ang pisngi sa kamao niya at nakatingin sa akin, nakaramdam ako na parang gusto niya akong tawagin. Tapos tatanungin kung bakit hindi ko siya pinapansin, ganun.

"Last!" sigaw ni Heroic. Muli siyang uminom sa baso niya at tumayo. "Boss."

"Oooh.." reaksyon ng iba dahil unexpected din 'to. On the other side, nakahinga ako nang maluwag.

"Gusto ko lang tanungin kung nasaan ka paminsan? Hindi naman sa nakikialam ako pero napapaisip din kami madalas na kung saan ka pumupunta kasi hindi ka nagpapaalam."

Natahimik kaming lahat—bukod kay Danger na mukhang aliw na aliw sa oras na ito. "Spicy.."

Parang nakorner si Boss sa tanong. Although, may idea na ako kung saan ang tambayan niya, gusto ko pa rin malaman ang sagot niya.

"Uhm," tumikhim muna si Boss. "Marami akong inaasikaso ngayon sa school."

Ngayon ay sobrang broad ng sagot niya at napakiramdaman ko rin na ayaw niyang sabihin 'yun.

"Wala ka nang idadagdag? Hindi na ako magfofollow-up question."

Katahimikan ulit.

"None," sagot ni Boss.

I just confirmed right now that Boss is still our leader at this moment.

Bago pa kami malunod nang tuluyan sa katahimikan ay tumayo si Danger at ginawang microphone ang siling labuyo. "At doon nagtatapos ang ating segment na maitatawag kong Gumdrop that Tea! Kung saan ipuwedeng ilabas ang mga hinanakit o mga tsaa sa grupo na ito. Ito na ay magiging constant part sa ating inuman sessions. Palakpakan!"

At nagpalakpakan kami.

Mabuti nalang nasalo ni Danger ang tensyon at ginawang programa kaya nakakatuwa. Magaling din palang maging host itong pahamak na 'to. Nakakaproud.

"Ngayong nararamdaman na natin ang tama mula sa mga ininom natin, itatanong ko lang kung ayos pa ba kayo. Gumdrop, ayos pa ba kayo?" Hinarap sa amin ang microphone niyang labuyo.

"Opoooo!"

"Ayos pa!" sigaw namin pabalik.

"Magaling! Osiya, ang susunod natin na segment ay evaluation mula sa nag-iisa nating bulaklak. Si Bloom! Palakpakan!"

Kinunutan ko siya ng noo. Paano na naman ako nasali diyan? Itong si Danger, kung ano naiisip!

"Ano naman ang gagawin ko?" Evaluation? Ng ano? Saan naman niya iyon nakukuha?

"Parang napag-isip-isipan namin kung kumusta ka lang noong kinailangan mo ng space. Siyempre, lalaki kami tapos nag-iisa ka lang na babae. Baka naiisip namin na nagsasawa ka na sa amin o baka hindi ka comfortable sa paligid mo. Hindi naman sa nagtatatag ng gender norms," napatigil siya saglit, "Actually, I'm not into those, pero in this kind of activity, malalaman namin ang in-sights o observations mo sa amin. Para rin siguro kami maging aware at maexplain ang side namin. Baka rin dito, mas makilala natin ang isa't-isa."

Napaawang talaga ang labi ko sa sinabi nila. Isa-isa ko silang tiningnan habang hinahintay ang sasabihin ko pakiramdam ko, nagiging emosyonal na naman ako. Napakathoughtful naman nila! "Naiiyak ako!"

Natawa sila kaso itong si Heroic, nagpanic. Tiningnan pa kung umiiyak ba talaga ako kasi binigay niya agad ang balikat niya.

Parang umaapaw ang puso ko sa oras na ito. Hindi talaga nawawala ang ngiti sa labi ko dahil ang saya-saya ko.

"I love you, guys!"

Never kong sinabi 'yun kahit kanino bukod sa magulang ko. Hindi rin ako ganoong nagkaroon ng kaibigan bago mag-college. Masyado akong sensitibo sa mga salita na 'yun kasi sincere ako kung sinasabi 'yun. Ngayon ay buong puso kong isinigaw 'yun. May kaniya-kaniyang posing pa sila kung paano sila napahawak sa dibdib nila.

"Awww, salamat, Bloom," sabi ni Danger na akala mo, natutunaw na ice cream.

"I love you too, Ma!" Niyakap ako ni Lawron sa gilid ko.

"Labyu powz!" Pinakita ni Clark ang mga bisig niyang hugis puso.

"Love you!" sigaw ni Orion sa kalayuan.

Nakakainis naman 'tong si Forsythe na thumbs up lang binigay sa akin.

Walang sinabi si Heroic pero kinuha niya ang kamay ko ay hinalikan ito. Nagsigawan tuloy ang lahat ng nakakita. "Tayong lahat sa pamamahay na ito ay kasal! Halikan mo rin kami isa-isa!" pagdadrama ni Danger.

Nagngitian kami ni Roic at saglit lang akong sumandal sa balikat niya.

Kalokang anak ko na 'to, parang nanalo sa lotto at tumalon-talon pa.

Nang napatingin ako kay Boss, nakangiti siya sa akin.

"Sigi na! Ang evaluation! Pero sandali, anong magandang pangalan ng segment na 'yun? Dapat witty!" tanong ni Danger. "Blooation? Bloomation? Evaloom? Bloom...? Bloo..? Bloo....?" Nagsuggest pa siya. Puwede bang ganun nalang? Huwag na pangalanan?

"BlooJob."

At mas lalong lumakas ang tawanan. Noong una, nakitawa ako kaso narealize ko kung gaano kaweird ang narinig ko. Habang halos gumulong na sila Clark sa damuhan, tumayo ako at napameywang. "Sino nagsabi nun?!?" sigaw ko.

Busy pa sila sa katatawa kaya pinagpatuloy ko nalang din ang pagtawa ko. Nakakainis naman sila! Sumasakit na ang tiyan ko!

"Bloom's Job nalang para it's your job to evaluate us," biglang sabi ni Orion.

"Tama! Child friendly dapat tayo sa pamilyang ito."

Tinungga ko ang isang boteng beer at pinaubos ko muna ang tawa nila. Kung gaano ko sila kamahal, parang kaya ko naman silang sapakin isa-isa.

"Sige, sige, start na tayo."

Napatigil ako sa pagkain ng barbecue. "Ano ba gagawin diyan?"

"Medyo nakuha ko 'yung evaluation part. Parang sa isang aspect, irarate mo kami ganun," pagpapaliwanag ni Orion. "Start tayo sa madali lang: rate mo ang mga amoy namin."

"Nice! Nice!"

Kaniya-kaniya na silang pag-ayos ng tindig. Akala mo naman mga nasa katinuan pa. Lalo na 'yung dalawang bata sa tabi ko na si Lawron at Clark na grabe makapagpag ng balikat nila para mapunta sa akin ang mga amoy nila. Nag-isip muna ako saglit para aalahanin ang mga amoy ng pabango nila. Palagi ko rin naman silang naamoy tuwing pasukan o dumadaan man lang. Halos magkaiba-iba rin ang mga pabango nila. Hindi rin kasi ako mahilig magpabango dahil siguro hindi ako nasanay.

"Okay, lahat kayo mababango. 10/10. Iba-iba rin kasi ang amoy niyo kaya idedescribe ko nalang," panimula ko at inayos ang upo ko. "I'll categorized it by: sobrang bango as in, which is lalaking-lalaki at matapang ang datingan. Mabangong-mabango na parang hindi siya ganoong malakas pero hindi ganoong kahina, parang kung may word lang siya, pretty boy, ganun. And last is mabango, hindi naman siya 'yung pinakamababa kasi hindi naman by ranking ang mga taste niyo sa pabango niyo. Parang ito 'yung prefer ko kasi nakakalma and mas comfortable ako sa simple lang."

Halatang curious na sila sa evaluation ko. Bago pa man ako nagpatuloy, tumayo ako. "Review lang." Isa-isa ko silang inamoy. Bukod sa amoy alak na sila, lalo na sila Clark at Danger, naamoy ko pa rin ang amoy nila. Lalo na't si Boss ang huli kong inamoy, parang nagflashback sa akin ang una kong beses na inamoy siya kasi ang fresh pa rin niya. Para siyang baby na nilagyan ng cologne at baby powder.

"Okay. Amoy alak kayo." Nagkonklusyon ako agad. Bago pa sila magreklamo, nagsimula na ako. "Starting sa category sa sobrang bango as in, sila Danger, Forsythe at Clark. 'Yung amoy nila, parang sumisigaw na lalaki sila at parang 'yung sarap langhapin tuwing parties, night clubs at after-games. Mabangong matapang at dagdag points na rin sa aura na dala niyo."

I wish magustuhan nila ang mga pinagsasabi ko.

"Huy naeexcite ako." Kinilig pa si Orion at inabante ang katawan.

"Mabango pa ba ako?" tanong ni Danger kay Clark at pinaamoy pa ang kili-kili nito.

"Si Orion naman 'yung mabangong-mabango. Kumpara sa nabanggit ko kanina, si Orion lang ang naamoy kong may pretty boy scent na sakto lang sa picnic dates, coffee dates or sa art dates."

"Huy totoo!" singit bigla ni Danger. Palibhasa, palaging niyayakap si Orion kung may nakikita siyang opprotunity.

"And iba-iba ang amoy ng tatlong mababango." Tinuro ko sila Heroic, Lawron at Boss. "Si Lawron 'yung parang nag-eexplore palang ng mga pabango kaso sa huli, nags-stick sa body cologne ng teenagers. Si Heroic naman 'yung amoy bahay—"

"Naliligo naman ako," pagpuputol agad ni Heroic habang inaabot 'yung mga pagkain sa gitna ng lamesa.

"Hindi naman 'yun ang ibig kong sabihin. Parang naamoy ko sa'yo 'yung fabric conditioner na dumidikit na sa katawan mo mula sa mga sinuot mo."

"Naaamoy ko rin 'yun kay Heroic!" pagsasang-ayon sa akin ni Clark kaya nag-apir kami.

"Tapos si Boss naman.." napatigil ako saglit dahil parang napaisip ako na kailangan kong pag-isipan nang mabuti ang sasabihin ko, kung hindi ay mahahalata nila na may favoritism ako.

"Boss.." smells like home. I already know what he smells like. Kilala ko na ang amoy niya kahit kitang-kita na hindi pa siya naliligo at nasa loob lang siya ng kuwarto niya. I can't explain through words. Pero alam kong kung siya ang makakatabi ay aantukin ako dahil napakacomfortable ng presensya niya. ".. smells nice."

Gusto kong sapakin ang sarili ko dahil ang dami kong naiisip na sagot pero hindi ko masabi. Parang nawawala bigla ang kaunting tama ko dahil sa pagiging concsious ko.

"Paran amoy fresh siya dahil ang light ng cologne niya. Kung hindi niyo pa rin mapansin, amoy watermelon ang pabango niya." Which I really like.

"Talaga?" Biglang inamoy nila Danger at Orion si Boss kaya nagtawanan kami. Mukhang nacurious din ang iba kaya lumapit sila sa kaniya para amuyin.

"Ang doon nagtatapos ang aking evaluation." Natawa rin ako. "Infairness, nag-enjoy ako."

Marami pa ang nangyari sa gabing iyon. Mas lalo kaming nagpakalunod sa alak at tawanan. May mas ikakasaya pala ang gabi na ito dahil nang nagpatugtog si Clark ng mga kanta ng Chocolate Factory na reggae version ng I Don't Wanna Talk About It, bigay-todo silang dalawa ni Danger sa dance floor.

Halos mapaluhod na sila sa damuhan dahil sumasabay sila sa tugtog. Hindi naman gaanong mabilis o mabagal ang kanta kaya halos gawan nalang nila ng action ang bawat linya ng kanta.

Sa sobrang tuwa namin sa dalawa ay kinukuhaan na pala ng video ni Heroic at Forsythe kaming lahat na nag-eenjoy sa oras na ito. Mukhang hindi pa talaga nagtatapos ang sayahan at inaya ako ni Lawron na makishowdown sa dalawang sumasayaw ng interpretative dance. Kaso may sariling mundo na talaga ang dalawa kaya nagsarili nalang kaming dalawa sa tabi.

"Ma, ang saya," nakangiting sabi ni Lawron habang sinasabayan ako sa pagsayaw.

"Sobra," sabi ko at mas lalo kaming nagpakalunod sa tugtog.

Dala-dala ko pa ang baso ko kaya hindi ako masyadong gumagalaw. Sa bawat galaw ko ata ay napapainom pa ako.

Napagod na rin ako at tinigil ang inom ko. Masyado na ata akong pinagpawisan kaya umupo na ako. Napansin kong nagsasayawan na pala silang lahat sa gitna at natira nalang kami ni Boss na nanonood ng mga sumasayaw. Malayo pa naman kami sa isa't-isa.

Gusto ko siyang kausapin.

Pero sunod na lang.

Naramdaman kong pagod na ang mga tao kaya nagsimula na akong magligpit ng mga bote. Sa kalagitnaan ng pagliligpit ko ay nakita ko na si Lawron na bitbit na si Clark na knockout na. Palibhasa, sinasalo ang mga baso ni Lawron kaya sobrang tulog.

Nauna nang pumasok ang dalawa ang ineexpect ko ay tutulungan na ako ng iba kaso nakita kong nakaupo na sa damuhan si Danger at kinakausap na siya ni Orion na tumayo. Si Heroic at Forsythe naman ay naaninag ko pa sa kalayuan na dala pa ang mga iniinom nila. Mukhang nag-uusap pa ata sila.

Tiningnan ko si Boss at umiinom pa rin siya. Ito na sana ang iniisip kong opportunity para kausapin siya para kumustahin pero mas inuna ko nalang na ayusin ang mga plato para wala masyadong atupagin maya-maya.

Pumasok na ako sa kusina na bitbit ang sandamakmak na hugasin. Medyo pagod naman ako pero iba ang tama ko ngayon. Parang gusto kong kumilos kaya sinimulan ko ang paghugas. Nakakagulat lang na natapos ko ito. Nagawa ko pang maghilamos ng mukha kaya medyo nahimasmasan na ako.

Matapos kong mapunas ng mukha ay paglingon ko, nakita ko si Forsythe na bitbit na ang gumegeywang na Heroic. "Si Boss, nasa labas pa."

"Aw, sige. Pahinga na kayo."

Tumango na kami sa isa't-isa bilang paalam.

Bumalik ako sa lamesa sa labas at andoon pa nga si Boss. Nagpapatugtog siya ng kanta ni Tracy Chapman. Kilala ko na ang boses niya dahil simula noong narinig ko ang Fast Car na pinatugtog ni Boss noong nasa Meritown ay nacurious din ako. At sigurado akong Baby Can I Hold You ang pinapatugtog niya ngayon dahil naririnig ko ang lyrics.

"Boss."

Nakita niya ako kaya binaba niya ang iniinom niya. Masyado nang kumikinang ang mga mata niya kaya masasabi kong lasing na siya. Nilayo ko ang mga iniinom niya para tumigil na rin siya. Umupo ako sa lamesa para magkaharap kami.

"Bloom," tawag niya rin sa akin at naramdaman kong natunaw ang puso ko nang ngumiti siya sa akin. Mas lalo nga lang akong nanghina nang hinawakan niya ang magkabila kong kamay at nilagay sa magkabilang pisngi niya.

Naramdaman ng mga palad ko kung gaano kalambot ang mukha niya. Hindi ko nalang naisip kung 'yung mga kamay ko ba ang nanlalamig o 'yung mukha niya.

"Sorry.. I didn't know.."

Bumigat ang mga dulo ng labi ko dahil hindi ko alam kung ano ang tinutukoy niya.

Mas lalo niyang diniin ang mga kamay ko sa mukha niya. Parang sa pamamagitan ng mga palad ko ay makaramdam siya. Nakikita ko na masyado siyang nalulungkot dahil hindi na siya makatingin sa akin.

"Hindi ko alam na kilala mo si Jon.. para sana hindi mo naramdaman ang mga naramdaman mo noon. Sana man lang, makagawa agad ako ng paraan. Sana alam ko agad. Sana..." Napabuntong-hininga siya. "I feel so.. so.. bad. I wish I knew. I should've been a better leader."

Doon na niya tinanggal ang mga kamay ko at pabagsak na yinuko ang ulo niya.

"Gustong-gusto kong kausapin ka pero naramdaman ko na iniiwasan mo ako. Iniintindi ko naman. Naiintindihan ko pero.. pero.." Sunod-sunod na malalalim na hininga ang pinakawakan niya. Nakita ko rin kung gaano hindi mapakali ang mga kamay niya at sa huli ay binabagsak niya ito sa hita niya.

Kiniskis ko ang mga palad ko. Nang hinawakan ko muli ang mga pisngi ni Boss at hinarap sa mukha ko. Nakawala ako ng isang mahinahong ngiti lalo na't nakita kong mas lalong kuminang ang mga luhang naiipon sa mga mata niya.

"You're doing good, Boss," bulong ko.

Hinaplos ng mga hintuturo ko ang mga pisngi niya para pakalmahin siya.

"How I wish I could tell everything I wanted to say but I can see you efforts for this group. I can see how determined are you in everything. All I can say for now is that I'm so proud of you."

I saw how his smile slowly growing before holding my hand how he held those earlier.

He closed his eyes as he caressed my hands. It looks like he's resting in my touch. I can feel his comfort as the song ended. We just stayed in this position.

Nang nakita kong napadilat na siya at humihinga nang malalim, nagtanong ako, "Bakit mo binalik ang microchip?" Gustong-gusto ko talagang malaman kung bakit at paano.

"Gusto kitang makausap pagkatapos ng unang misyon namin kaya nagpaiwan ako sa sasakyan nang hindi ka muna bumaba. Kaso hindi ako makatantya. Hindi ko alam kung paano magsisimula hanggang sa kinausap mo si Forsythe. Taimtim akong nakinig sa lahat ng sinabi mo. Lahat inintindi ko. Lahat sinaulo ko dahil ayaw kong maulit pa ang naramdaman mo at maaaring maramdaman ng iba. Kaya hindi ako nagdalawang-isip na iduplicate ang microchip ay iyon ang binigay sa White Hall. Ang original ay binalik ko kay Jon matapos ang ilang gabing paghihintay sa kaniya sa Bar. After hearing his story behind his creation, I know I did the right thing."

Mas lumawak ang ngiti ko sa narinig ko. Mas lalo kong pinanggigilan ang mga pisngi ni Boss hanggang sa matawa siya at mahigpit na hinawakan ang mga kamay ko. "I'm so proud of you, Bloom."

Huminahon ang tingin ko sa kaniya.

I want to remember this Boss. The honest, vocal, transparent, clingy and sweet Boss that I knew back when we were in Meritown. The Boss I haven't seen in a while because he really looked different from the past days.

Tumawa ako at binaba na ang mga kamay namin. "Sorry kung sinasadya kitang hindi pansinin," pag-aamin ko.

"Napapansin ko 'yun. Bakit?"

Napatikom muna ako ng bibig. Ngayon ay kailangan ko na rin maging totoo.

"Hindi ko rin alam, actually. Siguro noong una, hindi lang talaga ako sanay at masyado pa akong denial lalo na't hindi pa nagsisimula ang mission. Naramdaman ko bigla kasi ang gap natin pagkatapos 'yung mga oras na magkasama tayo sa Meritown. Simula naramdaman ko na may mga iba pa pala tayong kasama, parang dumistansya na rin ako. Iniisip na hanggang doon lang 'yun." Hindi ko alam kung naiintindihan ba niya kasi nakatingin lang siya sa akin, pinapanood lang akong magsalita. Nagkaroon pa ako ng lakas ng loob para ibahin ang topic. "Napansin mo rin pala 'yun."

Tumango siya. "I told you, I observe a lot."

"Talaga ba?" tanong ko ulit.

"Oo nga."

"Napansin mo rin ba na gusto kita?"

Nagkatitigan kami.

Wala na akong balak bawiin dahil nasa dulo na ako ng walang kasiguraduhan sa mundo. Bahala na. Hindi ko na alam. Sana nga, makalimutan niya ito kinabukasan. Ayaw kong may masira. Ayaw ko ring may mawala. Kuntento naman na ako pero hindi ko rin ipagkakaila na nahihirapan din at naguguluhan ako.

Matapos ang ilang segundong titigan ay parang nagkagulo ang lahat ng paru-paro sa tiyan ko nang dahan-dahan siyang napatango.

Hindi na ako nakapagsalita. Parang tuluyan kong nalunok ang dila ko kaya napaiwas ako ng tingin. Sisisihin ko na ang bawat patak ng alak na nainom ko ngayong gabi.

Wala na. Umamin na ako.

Hindi ko na alam kung paano ko pa maiangat ang sarili ko.

Dahil sa katahimikan, tumayo na ako para ayusin ang mga upuan. Hindi ko na kaya kung makikipagtitigan pa ako sa kaniya.

Sa kalagitnaan ng pag-aaliw sa sarili ko sa pag-aayos ng paligid ay narinig ko na naman si Boss mula sa kinauupuan niya, nakatanaw sa kalayuan.

"'Yung gabing hinalikan mo si Forsythe..."

Napatingin agad ako sa kaniya dahil sa binanggit niya. Lumakas bigla ang kabog ng puso ko.

"... iniisip ko bigla na sana ay ako 'yun," sabi niya habang nasa kalagitnaan siya ng pagpapakawala ng mahinahong tawa. Tiningnan niya ulit ako at napatango, parang may nasabi siyang kakaiba. "That's the confession I didn't want you to know."

Napaiwas ako ng tingin dahil hindi ko inaasahan na marinig 'yun mula sa kaniya. Napaisip nalang tuloy na ako na para patas kami na may inamin ngayong gabing ito.

Ayaw ko nang magtanong.

Hindi na ako magtatanong pa.

"Can we pretend that we didn't say something when the sun rises?" I asked as I looked at the watch that he gave me. "It's already 3:41 AM."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com