Chapter 25
note: gonna share to you
gumdrop's visuals
and their glow up ≧▽≦
2021 - 2022

uwu salamat sa pagbabasa!

While waiting for the sun to come out, we are having coffee to sober up. Akala ko nga, maknoknock-out si Boss dahil sa rami ng ininom niya pero mukhang kaya pa rin naman niya. Ang akala ko rin na matutulog ako agad pagkatapos magligpit, parang pinili na mantiling gising sa oras na 'to.
"Ang intense ng pangalawang misyon natin. Nagtaka nga 'yung guard kung bakit nasa clinic na siya ng resort. Nagpanggap si Danger na dayo sa resort at nagbabakasyon. Nagsalita pa ng English para makatotohanan habang ineexplain na bigla na lang siyang nahimatay abang rumuronda," pagkukuwento ni Boss tungkol sa pagtranquilize sa guard na malapit nang mahuli si Heroic. "Clark did a great job. Hindi halata 'yung pinagtusukan ng dart sa leeg. Siguro bago pa makita ng iba, magaling na 'yun."
"I wouldn't be honest if I say that I wasn't scared when you ordered Clark to shoot."
He just chuckled before sipping his coffee. I also took a sip from mine.
"So, you're not into coffee pero umiinom ka ngayon," pag-iba niya ng topic.
Tinawanan ko siya. "Dami mong napapansin, Stalwart," inis kong sabi na may halong pagbibiro.
"Hindi mo ako pinapansin eh," pakikipaglaban niya kaya halos masamid ako sa iniinom ko. Naging alerto agad siya at bigla ba namang inilabas ang panyo niya. "Dahan-dahan lang."
Hindi na ako nagsalita at dinaan na lang sa tawa. "Masyado ka lang ba talagang honest? O may tama ka pa?"
"I'm sure that I'm sober and I know that I mean all of the things I said."
Natahimik ako saglit dahil mukhang mahirap magpanggap na walang nagaganap sa oras na ito.
"Ang s sa Boss ay sincerity. Doble pa kaya siguro ay sobrang sincere mo."
Doon siya sobrang natawa. 'Yung tipong kapag nakapikit ka, aakalain mong may nagpupunas ng bintana. Napapalo pa siya sa hita niya. Hanggang sa ako na rin ay natatawa sa tawa niya.
"Witty." Napailing siya nang unti-unti na siyang kumakalma.
"Kakaiba atake mo, Stalwart Boss. Napapasabi agad ako ng totoo tuwing kausap kita."
Napabuga siya ng tawa. "Bakit?"
Napakibit-balikat ako. "I just feel comfortable with you."
"I'm glad," he whispered as he looked away. Maybe Boss is just too happy at this moment. Did I already mention that I really love hearing his laugh?
Bumalik ang tingin niya sa akin. "Malamig na. Gusto mo na bang pumasok?"
Umiling ako. "Gusto ko 'yung lamig."
"Me too." Napangiti siya hanggang sa napatingin siya sa mga kamay ko.
Suot ko pala ang singsing naming lahat at ang relo niya.
Inabot niya ang kamay niya. Parang hinihingi ang kamay ko kaya binigay ko rin sa kaniya. Hinaplos niya ang relo bago hinawakan ang kamay ko. "Thank you for wearing this. It meant a lot for me."
"I should be the one to thank you."
He smiled at me. Nararamdaman ko ang pagtunaw ng puso ko dahil ngayon ko lang ulit pinagmasdan ang mukha niya.
"Can I ask one thing?" he asked. Napaabante ang katawan ko sa kaniya para hintayin ang sasabihin niya. "Can we be honest with each other?"
"Even if you don't ask for it, I will be honest to you."
His smile went wider. Dahan-dahan siyang napatango. "Come on, pumasok na tayo. Baka magkahangover pa tayo mamaya."
Hihilain niya sana ako patayo pero hinigpitan ko ang hawak sa kamay niya.
"Boss, naalala ko lang na sinabihan kita noon na kailangan namin ng lider."
"Hmmm?" Bumalik siya sa upuan niya. "Anong meron?"
"Just because I told you that we need a leader, that's all we want. We also need a friend. We want you to be our friend in every way."
Kung yelo lang ngayon si Boss, baka pinapanood ko siyang matunaw.
"Can I hug you?"
Natawa ako. Halos pumikit na ang mga mata ko dahil sa lawak ng ngiti ko.
"I like surprise hugs," I honestly said.
Wala pang ilang segundo ay agad siyang yumuko para yakapin ako. Hindi ko mapigilang mapahighik habang nararamdaman ang hininga niya sa leeg ko. Hindi ako makagalaw kaya tinapik ko muna ang balikat niya para humiwalay saglit. Ang hirap kayang yumakap na nakaupo!
Nang humawalay siya sa akin ay doon na ako napatayo. Saka siya niyakap sa leeg. Doon na niya ulit ako niyakap sa beywang.
"Thank you, Bloom." Sunod-sunod pa siyang nagpasalamat hanggang sa bulong na lang ang naririnig ko.
Gusto kong sabihin na ayos lang nang paulit-ulit pero narealize ko na big deal iyon kay Boss. Para bang isang napalaking bagay ang nasabi ko. Napaisip tuloy ako kung ano ang mga pinagdaanan niya bago niya kami nakilala.
"The boys really like you. Hindi mo ba napapansin na gusto ka nang ampunin ni Clark?" Tumawa ako. "Palagi kong naririnig na binubulong niya na gusto niyang magkaanak na parehas sa'yo last meeting."
Doon din siya natawa bago humiwalay para tingnan ako.
"Halika na nga. Masyado nang malamig dito."
"Manonood pa tayo ng sunrise!" Hinila ko siya pabalik.
Nabuntong-hininga siya at napaiwas ng tingin. "Ayaw kong panoorin ang araw," bulong niya kaya napakunot ako ng noo.
Bago pa ako magtanong ay muli siyang tumingin sa akin.
"Ayaw kong lumabas ang araw."
At pumasok nalang nga kami. Mabuti na lang, tinulungan niya akong ayusin ang mga ibang kailangang ayusin. Kaya nga lang, napakatahimik namin. Pero 'yung katahimikan namin, hindi 'yung awkward. Parang normal lang na oras at nakakakalma lang.
Ano kaya ang mangyayari pagkagising mamaya?
Kasi ako, hindi ko alam.
Halos sermunan ko na ang sarili ko dahil bakit ba ako nag-ooverthink masyado. Kahit man lang sa lagay na ito ay huwag akong mag-overthink at hayaan lang ang mangyayari?
Bago ako makapasok sa kuwarto ko ay muli akong napatingin kay Boss na nasa harapan din ng pintuan ng kwarto niya. Muli siyang napatingin sa akin at napangiti.
Sleep tight, nabasa ko sa mga labi niya.
You too, I whispered back.
---
And I did sleep well. Ang sarap ng tulog ko. Sobrang gaan ng pakiramdam ko kahit may kirot nang kaunti ang ulo ko. Siguro, sa sobrang oras sa pagtulog ito o sa ininom ko. Pero paggising ko ay hinanda ko na ang sarili ko na lumabas. Alas-dos na ng hapon kaya kinailangan ko na talagang lumabas.
Suot-suot ang oversized t-shirt ko at fluffy pink pajamas, hinanap ko ang mga tao sa bahay. At naabutan ko sila sa dining table. Sila Danger, Clark at Orion ay parang nakaidlip sa lamesa. Si Lawron naman ay umiinom sa gatas niya. Si Forsythe ay nakita kong nagluluto kasama si Heroic. At si Boss, nagbabasa ng diyaryo. Parang mga kalalabas palang nila mula sa kwarto nila ah.
"At nagising ka na nga!" Nilapag ni Heroic ang plato sa lamesa kaya nagulat 'yung ibang nakaidlip. "Bakit nagsolo ka lang kagabi? Ikaw naglinis lahat ng kalat? Aba! Dapat hinayaan mo lang at natulog ka agad! Hinintay mo sana ako para sabay tayong maglinis o ako naman ang maglilinis! Anong oras ka ba natulog? Baka naman sobrang dami ng ginawa mo tapos anong oras ka na natulog."
Bigla ba naman akong sermunan ni Heroic dahil walang kalat na natira mula sa inuman namin. Natuwa tuloy ako dahil ang cute niyang magsermon. Para siyang nagra-rap.
"Chill!" natatawa kong sabi.
"Hindi!" Para pa siyang nagpumiglas kahit walang humahawak sa kaniya. Kahit nga si Forsythe na naglalagay ng pagkain biglang napakunot ang noo. "Sa susunod, hindi na ako iinom nang marami."
Natawa na lang ako lalo.
"Kumain ka na." Matapos ayusin ni Forsythe ang upuan ay pinaupo na niya si Heroic habang nasa kalagitnaan ng pag-aalburoto niya.
"Thank you for the food!" Nasanay kasi ako na ako ang nagluluto at ganito pala ang feeling na pag-upo sa hapagkainan ay kakain na lang ako.
Nakita kong inaabot ni Boss ang plato sa ibang inaantok pa. Nang nagtama ang paningin namin ay napangiti siya. Ngumiti rin ako pabalik at naglagay na ng pagkain sa plato ko.
Kung ilalarawan lang ang meron sa amin ngayon, close na kami ngayong lahat. Lalo na't kapag pasukan ay kahit hindi kami ganoong nag-uusap, ramdam pa rin namin ang pagiging komportable namin sa isa't-isa.
Naging study buddy ko na rin si Orion sa dining table tuwing 9 PM. Noong una ay tinanong niya kung hindi raw ba ako nadidistract dahil nagpapatugtog siya ng classical musics at halos naooccupy na niya ang lamesa para sa plates niya. Hindi naman ako nabobother sa music at paggawa niya ng plates. Siya pa nga nagsuggest sa akin na tuwing nagnonotes ako ay gamitin ko ang colored highlighters niya. Which is super helpful sa akin dahil ang daming terms ang kailangan kong imemorize. Sa kapal ng libro ay nalulula na ako kapag masyadong marami na ang kailangang iregister sa utak ko.
"Number of bones?" tanong bigla ni Orion nang saglit akong napasandal. Inabot niya pala ang flashcards na ginawa ko.
"206," sagot ko.
"Known as 'River of Life?'"
"Blood."
"Largest organ?"
"Skin."
"Skin?!" gulat niyang tanong. "Ngayon ko lang narealize."
"Ako rin. Noong elementary ako, akala ko, organs lang 'yung mga nasa loob natin."
Mahina siyang natawa bago nagsalita ulit, "Biggest and smallest cell?"
"Egg cell, biggest cell. Sprem cell, smallest."
Ilang questions pa ang tinanong niya ay nasasagot ko naman. Namamali lang ako ng iba dahil nakakalito. Lalo na 'yung number of bones sa katawan. Mga numero pa naman kaya nakakalito!
"Huy, baka may ginagawa ka pa?" tanong ko.
"Tapos na." Pinakita niya ang mga plates niya. "Ayaw kong nagc-cram ako kaya tinapos ko na."
Pinalakpakan ko siya. "Ang gaganda ng mga gawa mo!" Hindi ko nga lang mahawakan para tingnan din ang iba kasi baka madumihan.
"Salamat." Niligpit na niya ang mga output niya. "Hindi pa ako inaantok. Gusto mo bang drawing-an natin flashcards mo para may kulay din?" Binuksan niya ang bag niya na puno ng supplies. Binili niya raw ito pagkatanggap ng allowance.
"Tara!"
Nagdaan din ang mga araw na sumasama na rin si Lawron sa study sessions namin ni Orion tuwing 9 PM, pagkatapos magdinner. Sandamakmak na makakapal ang librong meron siya. Tuwing napapatingin kami sa kaniya ay napapasandal siya sa upuan, nakapikit at pinipindot ang noo. Halatang nas-stress na rin sa pinag-aaralan niya.
Nagkatinginan kami ni Orion. "Gusto niyo ng kape? Tara, kape." Tumayo siya kaya medyo napadilat si Lawron.
"Ito na pala ang sinasabi nilang gagapang na talaga tayo sa College," sabi niya at napaayos ng upo.
"Ang tumunganga, babagsak." Inayos ko na rin ang upo ko. "Parang nasasayangan sa time kung magpapahinga muna kasi maraming pending na kailangang bigyan ng pansin."
"Tama. Sumasang-ayon ako."
Tinulungan namin si Orion sa pagtimpla ng kape namin. Hindi ako mahilig magkape pero para ngang kailangan ko siya ngayon. Nagpapalpitate man ako, atleast pinupush ako na maging productive. Nakakatuwa lang na may natatapos ako sa mga gawain ko. Parang sulit din ang puyat namin.
"Huy, nakakaproud tayo! Medyo nabawasan na ang mga gawain natin," sabi ni Orion nang nagliligpit na kami ng mga gamit. Halos 2 AM na kaya kailangan na naming matulog.
Hindi ko mapigilang mapangiti. Kahit magkaiba kami ng mga program, malaki pa rin ang tulong nilang dalawa sa akin kasi tuwing may mga oras parang tatamarin akong mag-aral, naiinspire ako na may matapos kapag nakikita ko silang dalawa. Naitutulak ko rin ang sarili ko kasi nag-aaral sila nang mabuti.
"Pitong outputs na lang! Nakaya nga tapusin ang walo, pito pa kaya?" bulong ko sa sarili ko nang makita ang to-do list ko. Nililigpit ko na ang mga gamit ko para matulog. Bukas na lang siguro ako magrereview since nakapag-aral naman ako kahapon.
"Hi guys!"
Napalingon kaming lahat kay Clark na kararating palang sa bahay. Napatingin kaming tatlo nila Orion at Lawron sa orasan. Grabe, umabot ang practice nila ng basketball ng 1 AM?
"1 AM na ah. Nagpractice pa kayo?" tanong ko. Mukhang katatapos niya lang maligo. Mukhang naligo muna siya bago umuwi.
"Oo. Malapit na kasi 'yung competition." Sumulip siya sa lamesa, tinitingnan ang mga gamit na inaayos namin.
"Quiz niyo kanina sa isa niyong subject 'di ba? Kumusta naman?" tanong ni Lawron habang zinizipper 'yung bag niya.
"Hehehe," awkward na tumawa si Clark kaya muli kaming napatingin sa kaniya. "Grade is just a number," panimula niya. "21/100."
"21!" pagdidiin ni Lawron.
Biglang nabahiran ng kaba ang ngiti ni Clark nang makitang sumeryoso si Lawron. Naririnig ko rin sila kasing mag-usap tungkol sa pag-aaral. Nasabi ni Clark dati na hindi niya masyadong tinutuunan ng pansin 'yung pag-aaral niya to the point na muntikan na siyang hindi tumuloy college pero nasagip siya ng magulang niya. Natakot si Lawron na kung magpatuloy na ganun si Clark, baka umulit siya ng course at hindi kami sabay lahat na maggraduate.
"Nabusy lang kasi ako sa training! Promise, mag-aaral na ako sunod!"
Nakakatuwa panoorin sila Lawron at Clark. Kitang-kita ang pagkakaiba nila. Kung si Lawron ay grabe maging conscious sa grades at pag-aaral niya, si Clark naman ay masyadong carefree. Hindi naman masama maging carefree pero kung sobra-sobra naman ay parang maraming isinasantabi. Dahil nga sa takot din ni Clark ay kinabukasan ng gabi, nagulat nalang ako na nasa lamesa na rin siya at nagsusulat ng notes niya.
Napansin kong nagpipigil-tawa si Orion nang napapasulyap kay Clark na parang lantang prutas na tahimik na nagsusulat. Katabi pa naman niya si Lawron na seryosong nag-aaral.
Mas lalo ko silang nakilala. Ang mga kasama ko ngayon ay prefer na may kasama sa pag-aaral. Sa mga presensya namin ay naitutulak namin ang sarili namin na matakapos ng gawain. Kapag may oras naman sa pahinga, kakain kami ng snack o magkukuwentuhan saglit.
Meron din ibang prefer sa mga ganitong bagay. Tulad sina Heroic at Forsythe na may sariling oras. Natutulog nga lang sa sofa si Heroic habang naglalaro ng online games si Forsythe. May mga oras na naabutan ko si Heroic na may hawak na notes kaya masasabi kong komportable siya sa ganung pamamaraan ng pag-aaral.
Si Danger naman ay nababalitaan kong bumabalik sa Noground. Nanonood lang naman daw siya at hindi sumasabak sa anumang contest. Hinahayaan nalang namin sa ngayon dahil siya naman ang nagluluto para sa amin.
Si Boss...
"Nasaan pala si Boss?" tanong ni Clark nang pumatak ang alas-dose ng hating gabi.
Hindi ko pa nakakausap si Boss simula noong huli naming pagsasama.
"Sunod-sunod 'yung recitations nila kaya busy siya sa pagbabasa ng readings," sagot ni Orion habang nilalagay sa portfolio ang mga natapos niya. "Gusto nga niyang sumama sa atin kaso nag-suggest ako na sa susunod nalang dahil may mga oras na maiingay tayo. Baka madistract siya."
Palihim akong napangiti. Gusto rin pala niyang sumama sa amin kaso ayun nga, baka madistract din siya sa amin. Mukhang kailangan din niyang magfocus.
At kailangan ko ring magfocus! Baka buong gabi ko lang siyang titingnan!
"Huyyy! Bakit ka nakangiti, Bloom?" tanong bigla ni Orion. Nakita pa rin niya ang ngiti ko kahit nakayuko na ako? Grabe naman!
"Malapit na ako matapos," nakangisi kong palusot. Bahala na silang mag-isip. Kailangan ko nang magpahinga dahil kailangan ko ng lakas sa mga susunod na araw.
"Nga pala, nood kayo ng basketball competition namin ha?" aya bigla ni Clark sa kalagitnaan ng pagbabasa niya.
"Oo naman!" sagot ko. Naexcite tuloy ako na makita na maglaro si Clark.
"Kahit hindi mo sabihin, pupunta kami para manood," sabi naman ni Orion.
"Ngayong Friday 'yun ng 7 PM 'di ba?" paninigurado ni Lawron.
"Uy! Alam niyo! Oo." Napahighik si Clark. "Manood kayo ha? Yehey!"
---
Naramdaman ko rin ang excitement ng iba nang inaya na rin sila ni Clark noong nagsama-sama kami sa hapagkainan kinabukasan. Hindi ko rin inaakala na naging busy kaming lahat pagkatapos ng pag-aya dahil gusto rin naming mabawasan ang gawain namin. Pare-parehas naming gusto na wala masyadong iniisip habang sinusuportahan si Clark na maglaro.
"Tapos na klase niyo, Ma?"
Kumaway ako kay Lawron nang nagkasalubong kami sa labas ng mga building namin.
"Oo. Diretso na tayo sa court? O nagpapahintay ang iba?"
Tiningnan niya ang phone niya. "May group message na ginawa si Danger. Ganun pa rin ba ang number mo na nasa contract? Mukhang iyon ang inadd niya."
Kinuha ko rin ang phone ko mula sa bag ko. Hindi kasi kasya sa mga bulsa ko at mabigat din. Sa susunod siguro na uniforms ko ay ipapalalim ko na ang mga bulsa ko.
GUMDROP
Group Message
3:02 PM
Dangerous: hello, tama ba 'yung mga numbers na inilagay ko?
Dangerous: type 1 kung active pa number niyo
Orion Glint: 1
Lawron Caroles: 1
Forsythe Mendez: .
C. Richards: Pwede magchange ng nickname sa group message 'di ba?
Dangerous: oo,, ngayon lang ako nakagamit ng telecom na service.
Dangerous: nakakabahala kapag online kasi baka matrack ng mga ibang lamang lupa
Dangerous: buti nalang nablock ni boss ang server kaya safe mga kalat niyo rito <3
Dangerous: hala!!! 'yung admin lang pala pwedeng magchange ng nicknames ng participants sa group message EHEHEHE
Dangerous changed his nickname to pogi.
Heroic Wilson: patay tayo nito
Heroic Wilson: goodluck sa mga nickname natin dito dahil itong si pogi ang admin dito
Heroic Wilson: btw paano kayo nagka-name?? eh wala pa naman akong mga number niyo??
Orion Glint: Kung ano ata ang nakalagay na name mo sa personal contact information ng phone ay 'yun ang makikita namin.
Heroic Wilson: amazing!!
pogi changed Heroic Wilson's nickname to Bayani.
Bayani: :DDD???
C. Richards: BTW, NAGRESERVE AKO NG UPUAN NIYO!! HINTAYIN KO KAYO!! <3
Stalwart Boss: Hi! Thank you, Danger sa paggawa ng group message! Kita-kita tayo mamaya sa laro ni Clark.
pogi changed Stalwart Boss' nickname to bHOzZ.
Orion Glint: HUY HAHAHAHAHAHAHAHAHA
pogi changed Orion Glint's name to ONION RINGS.
ONION RINGS: POCHA DANGEROUS
pogi changed Lawron Caroles' nickname to Batas.
pogi changed Forsythe Mendez' nickname to pusit.
pogi changed C. Richards' nickname to Daddy.
pogi: WOW DADDEH
pogi changed Bloom's nickname to BJ.
Bayani: HUY
ONION RINGS: O _ O
Batas: Patay ka mamaya kay Ma!
pogi: BLOOM JINX KASI
pogi: ANYWAYS,,, bhozz, dala ko 'yung sasakyan
bHOzZ: Okay. Sabay na tayong umuwi mamaya pagkatapos ng laro ni Clark.
pogi: NAYS! SEE U LATER PEEPS
"BJ.." pagbanggit ko sa nickname ko at dahan-dahang napatango, pinapakalma ko ang sarili ko. Infairness, masarap talaga sapakin si Danger since Day 1. Pero napabuga nalang din ako ng tawa dahil wala talaga akong magagawa rito. Si Danger ang admin at siya lang pwedeng magpalit ng mga nickname namin.
Pagkarating namin sa labas ng court ay nakita naming tumatakbo papasok sa loob si Clark na bitbit ang jacket niya. Nahagip kami ng paningin niya kaya napatigil siya sa pagtakbo para kawayan kami. "Hi!"
Kumaway din kami pabalik at sumabay kay Clark papasok sa loob ng court.
"Good luck, Clark!" sabi ko bago siya tumakbo sa team niya. Nagfistbump kami.
"Good luck!" sabi rin ni Lawron.
"Salamat!"
Parami nang parami ang mga tao. Dumating na rin ang mga referee, staffs at pati na rin ang players mula sa ibang school. Saktong dumating na rin sila Orion, Forsythe at Heroic.
"Akala ko nagsisimula na! Napatakbo pa ako," sabi ni Orion nang umupo sa tabi ni Heroic.
"Nag-announce na kanina na magsisimula na kaya nagwawarm-up na ang players," sagot ni Lawron.
Pinigilan ko ang ngiti ko nang makita si Boss na kapapasok palang ng court at kasama si Danger. May suot siyang salamin ngayon at medyo magulo ang buhok niya.
Hindi ko na napigilan ang pagkawala ng isang maliit na ngiti nang nagtama ang paningin namin ni Boss. Lumawak ang ngiti niya kaya pangiti sana ako lalo. Kaso lumipat ang tingin ko kay Forsythe na kunot-noong nakatingin sa akin. Nahuli pa niya akong napapangiti kaya pasimple siyang lumingon. Nagpanic ako bigla kasi muli niya akong tiningnan na nanlalaki ang mga mata.
Okay, nakita niyang nagkangitian kami ni Boss.
Lumapit sana siya kay Heroic para bulungan kaya pasimple kong nilapat ang hintuturo ko sa labi ko. Please naman, Forsythe! Alam kong nagkahalikan tayo pero protektahan mo naman loob ko!
Nabasa niya ang kaba at pagkataranta ko kaya napabuga siya ng tawa at napailing. Napasandal siya bigla. Doon ko nakita na nakatingin pala sa akin si Boss.
Tinuro niya ang bakanteng upuan na ansa tabi ko. Nabasa ko sa labi niya ang meron?kaya sumagot ako sa kamay ko na walang nakaupo. Pagtingin ko sa kabilang banda ko ay may nakita akong grupo ng mga lalaki na palapit sa bakanteng upuan. Halos magtulakan pa sila habang nakatingin sa akin kaya hindi na ako komportable sa kinauupuan ko.
Bago pa makaupo ang isa sa mga lalaki, may naunang umupo.
Si Forsythe.
Pigil-ngisi siyang dahan-dahang napasandal. Halos asarin pa ako sa ngisi niya.
Sinalubong ko ang tingin niya at tinitigan ko siya. Pinakita ko na dismayado ako sa kaniya.
Kakaiba rin mang-asar itong si Forsythe dahil nasasanay kaming wala siyang masyadong reaksyon sa mga bagay.
"Bakit ganyan ka makatingin?" mahinang tanong niya.
"Kung hindi mo pa mapansin, lahat kayo ay ningingitian ko," pagpapaliwanag ko para sa sarili ko. Baka tungkol ito sa ngitian namin ni Boss.
Inangat niya ang magkabilang mga kilay niya at kinagat ang ibabang labi para pigilang makawala ng ngisi.
"Talaga lang ba?"
Kinunutan ko na siya ng mukha. "Halikan pa ulit kita diyan," bulong ko pa at nakawala ng maiksing tawa nang nag-iipon na ako ng pagkapikon.
Doon na siya natawa at napaekis ng bisig. "Huwag. Nakatingin siya."
Pumikit ako at huminga nang malalim.
"Heroic," pagtawag ko kaya napatingin siya sa akin. "Si Forsythe oh." Ayan, nagsumbong na ako. Nagulat pa si Forsythe sa pagsusumbong ko kaya nanlalaki ang mga singkit niyang mata.
"Wala akong ginagawa."
Bigla ba naman niyang nilapat ang hintuturo sa bibig niya. "Huwag na kayong maingay. Magsisimula na ang laro."
Hindi ito maaari!
"Danger," tawag ko naman kay Danger sa tabi ni Boss na susubo palang sana ng chichirya niya. "Palit tayo upuan."
Nakita kong papayag sana siya pero pataas-pababa nang paulit-ulit ang tingin niya sa akin at sa likuran ko. "Okay na ako rito," sabi niya at agad napasandal para putulin ang ang tinginan namin.
Lumingon ako kay Forsythe na nakaabante pala para senyasan si Danger kanina. Bigla siyang sumandal at pinakita sa akin na masyado siyang komportable sa inuupuan niya.
Nagsimula na ang laro at nakatitig pa rin ako kay Forsythe.
Hindi man nakatingin sa akin, lumapit ang mukha niya sa tenga ko para bumulong. "Pwede kang makipagpalit kay Boss."
Blangko akong napatingin sa kisame. Nakumpirma ko na may iba na nga siyang iniisip.
Nanatili siyang nakasandal sa sandalan para makipagbulungan sa akin. Sa ganung posisyon ay nanonood siya ng court. Hindi naman ako nagpatalo ay nanatili rin sa puwesto ko. Halos sumandal na siya sa balikat ko dahil nakaupo ako nang matuwid.
"May kailangan ka ba kaya pamblackmail mo ito? O sadyang genuinely asar lang?" tanong ko.
Mahina siyang natawa at sumandal sa kamao niya. "Both but erase the blackmail part."
Napakunot naman ako ng noo. "Ano naman?"
Sinenyasan niya akong huwag mag-ingay. "Sunod na lang. Masaya lang ako."
"Huh?"
"Pssst, lovebirds. Maya na 'yan," inawat kami ni Orion. May inabot siya sa aming junkfood kaya dineretso ko iyon kay Forsythe. Hindi naman kasi ako mahilig kumain ng ganito.
Hinimas ni Forsythe ang likuran ko. "Your secret is safe with me," bulong niya.
Pinaglaruan ko ang mga labi ko at napanguso. Tumango na rin ako. Tinapik ko rin siya sa balikat. Alam kong makakapagtiwalaan si Forsythe. Atsaka, malaki rin ang tiwala ko sa kaniya.
Pinatuloy namin ang panonood sa laro. Hindi man ako gaanong marunong sa mga basketball pero napapahiyaw ako sa tuwa kapag naaagaw at naipapasok ni Clark ang bola. Halos nagpapatinisan kami ng sigaw nila Heroic at Danger kaya kawawa naman ang anak kong nakatakip na ang magkabilang tenga.
Nakakatuwa talaga na naghihiwayan kaming pito mula sa upuan namin. 'Yung tipong napapatingin na rin ang ibang tao sa amin.
Hanggang sa napansin kong napapatingin sa gawi namin ang mga kaibigan ni Clark.
"Should we minimize our cheer?" tanong ko sa mga katabi ko kasi parang nakakatakot ang mga tingin nila.
"Galingan kasi nila para makapuntos sila!" sabi ni Danger.
"Huy! Shhh!" natatawang pang-aawat ni Orion.
"Tama naman!" Lumaban pa itong si Danger. "Dati ko pa sila napapanood. Hindi sila nananalo hangga't hindi naglalaro si Clark. Ngayon ko lang nga silang napanood na mas lamang kaysa sa kalaban eh!"
"Baka masabi na may favoritism tayo." Tinakpan ni Boss ang bibig ni Danger kaya natawa kami.
Matapos ang ilang quarter ay 54-28 ang score at lamang ang Unodawn, ang team nila Clark. May sunod pa na match kaya natapos ngayon ang laro. Grabe ang palakpakan namin kaya lumingon sa amin si Clark at kinawayan kami.
"Grabe galawan ni Clark! Ang liksi masyado!" Pati si Danger ay ginawang court ang dinadaanan namin papunta sa parking lot. Mas lalong nakakatawa dahil ginawa pa niyang bola ang bag niya. "Magbasketball nga tayo paminsan."
"Sige ba!" Sumabay din si Heroic sa pagd-dribble at halos maglaro na nga sila ni Danger. "Lawron, block! Block!" utos bigla sa anak ko kaya sumali siya sa pag-aagaw ng bag ni Danger na nagsisilbing bola nila.
Hindi namin napigilan ang tawa namin habang naglalakad. Mukha silang mga bata!
"Kanina pa namin kayo napapansin." Napatigil sila sa paglalaro nang nagsalita si Orion. Bigla niya kaming tinuro. "Parang ang close niyo naman ngayon?"
Doon ko narealize na nakaakbay sa akin si Forsythe. Naguluhan din ako pero napakibit-balikat nalang ako. "Parang hindi kayo nasanay sa amin na magkadikit noon."
"Eh may misyon naman 'yung panahon na 'yun."
"Oo nga 'no." Ngayon ko lang nagrealize. Agad ko namang pinalo ang dibdib ni Forsythe gamit ang likuran ng kamay ko. "Wala naman tayong misyon. Bakit ka ba nakadikit sa akin? Hinahanap-hanap mo ba ang halik ko?"
Nagtawanan silang lahat nang agad siyang lumayo sa akin na nakakunot ang buong mukha. "False."
Tumakbo siya papunta sa mga nagpatuloy na maglaro ng basketball sa daanan. Hanggang sa pinagtulungan na nila si Danger na hindi makuha ang bag nito.
Nakarating na kami sa sasakyan namin at ginawa na talaga nilang court ang parking lot.
"Hep!" Nang nakuha na ulit ni Danger ang bag niya, doon na mas nagkatuwaan dahil pinagkakaisahan na siya nila Heroic, Lawron at Forsythe. Pinanood nalang namin nila Orion at Boss silang maglaro hanggang sa maaninag na namin si Clark na mag-isang naglalakad sa amin.
"Andito na ang MVP natin!"
Sumali sa laro si Clark at nagpakita ng mga moves niya.
Hawak-hawak ang imaginary ball ay pumwesto siya para magshoot sa imaginary ring.
"Richards for threeeeeeee pooooints!" anunsyo ni Orion.
Kunwari, may bolang pumasok kaya sabay-sabay silang napatalon. Nagyakapan pa sila at patalon-talon. Si Orion ay hinila naman kaming dalawa ni Boss para makasali sa yakapan ng lima.
Hindi man ako makahinga sa yakap dahil nagtatalon pa rin sila, hindi ko mapigilang matawa sa sobrang saya.
"Tangina! May parating na ako na exam! Tara! Uwi na tayo!" sigaw ni Clark kaya naghiwalay na kaming lahat.
Atlast! Nang makalanghap ng hangin ay napahawak ako sa dibdib para habulin ang hininga ko. "Langya kayo! Hindi ako nakahinga!" reklamo ko.
Mas lalo silang nagtawanan. Si Heroic pa nga ay niyakap ako sa tagiliran ko bilang comfort. Sumabay nalang din ako sa tawanan at sabay-sabay kaming naglakad papunta sa sasakyan.
"Napatindi ata si BJ kanina," sabi bigla ni Danger.
Iba naman ang pagkarehistro sa utak namin dahil sa tono ng pagsabi ni Danger kaya napatakip ako ng tenga.
"Please laaanggg!!" mariin kong sigaw.
May mas ilalakas pa pala ang tawanan nilang lahat hanggang sa isa-isa na kaming pumasok sa sasakyan.
"Clark!"
Napatigil sa pagpasok ng sasakyan si Clark nang tinawag siya ng mga kaibigan niya na nakasakay sa itim na sasakyan. Nakatingin pa silang lahat sa direksyon namin kaso nasa loob na kaming lahat bukod kay Clark.
"Mag-iinuman tayo sa bahay nila Gael!"
Ang pagkakaalam ko, 'yung Gael ay ang nagmamaneho ng sasakyan nilang convertible kaya nakikita ang tingin niyang nakakaintimidate. Siya rin ang nakatingin sa gawi namin kaninang laro.
"Ngayon na?" sigaw pabalik ni Clark.
"Oo! May nakahandang victory party! Tara na!"
Natahimik kaming lahat sa loob ng sasakyan dahil nakikita namin kay Clark na humahakbang na siya palayo sa pintuan ng sasakyan.
Naramdaman naming parang napupunit siya pagdedesisyon kung kanino siya sasabay ngayon. Hindi na lang kami nagsalita para hayaan namin siyang magdesisyon.
"Halika na! Sayang ang gas!" Mas lalo nilang tinawag si Clark.
"You can go with them, Clark. Victory party niyo," sabi ni Boss. "Bubuksan lang namin ang pintuan mamaya kung uuwi ka na."
Palipat-lipat ang tingin ni Clark sa amin at sa mga kaibigan niya.
Sasabihan ko rin sana na pwede siyang sumama sa kanila para magsaya sila. Besides, mga kaibigan niya 'yun eh.
"May test pa kami next week! Kailangan kong mag-aral!" paalam niya at tuluyang sumakay sa loob ng sasakyan.
Pagkasara niya ng microbus ay gulat namin siyang tiningnan. Did he choose us over his friends?
"Pwede tayo dumaan sa fast food chain? Bibili ako dinner natin," sabi niya pagkatapos inayos ang upo niya.
"Clark.." hindi matuloy ang sasabihin ko.
Nakangiti pa rin siya sa amin.
"Tara na! Magpapakabusog tayo sa bahay!"
"Libre ni Clark!" anunsyo ni Danger at nagsimula na siyang magmaneho.
Nagsaya kami sa plano. Paulit-ulit pa naming binati at pinuri si Clark sa laro nila kanina. Inaalala din namin kung gaano siya kagaling. May video pa nga si Lawron sa kaniya.
Nadaanan din namin ang mga kaibigan niya na hindi pa nagmamaneho palayo.
Nakita ko kung gaano kasama ang tingin ni Gael.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com