Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 26

"Bakit?" tanong ni Danger nang hinarang ko siya sa dinadaanan niya.

"May napapansin ka ba sa mga kaibigan ni Clark?" May napapansin kasi ako at nakakabother lang talaga. Ilang oras pa lang ang nakakaraan simula pagkatapos ng laro ay nakakapag-overthink na ako.

"Bukod sa hindi naman talaga sila magaling sa basketball, ang sama ng tingin ni Royo."

Napakunot ako ng noo. "Sino si Royo?"

"Gael Royo, anak ng councilor," seryoso niyang sagot.

Narealize ko lang na hindi ko nga kilala ang pito pang basketball players.

"Kailangan ko muna silang kilalanin bago makapag-isip ng kung ano," sabi ko kaya napatango siya.

"Patulong ka kay Boss." Nagkatanguan kami. Tama, si Boss.

Nagulat bigla ako sa napatalon-talon na siya. "Daan muna ako ha? Kanina pa ako najejebs."

Pinalo ko ang braso niya. "Hindi mo man lang sinabi!" sigaw ko. Akala ko pa naman sobrang seryoso niya habang kausap ako. Pinipigilan na pala niya ang tae niya.

"Eh, nakapag-isip ako sa sinabi mo! Usap ulit tayo sunod. Sumama tiyan ko sa anghang ng kinain natin kanina." Kumaripas na siya ng takbo habang hawak-hawak ang tiyan niya.

Kailangan ko nga talagang kausapin si Boss.

Dumaan ako sa dining room at andoon sila Lawron at Clark na nag-aaral. Nasa harapan naman nila si Orion, umiinom ng tsaa. Mukhang hindi muna ako makakasabay sa kanila. Hindi ata ako makakapagfocus kung may bumabagabag sa akin.

Nasabi ko sa iba na hindi ako makakasabay ngayon dahil may kailangan akong asikasuhin.

Kaya pumunta ako kay Boss.

Halos malukot ko na ang mga kamay ko sa sobrang kaba. Sana hindi siya gaanong busy.

Bitbit ko na ang lahat ng lakas ng loob ko, humarap na ako sa pintuan niya.

Bakit ba ako kinakabahan? Wala na dapat 'to kasi ilang buwan na rin naman kaming nakatira rito. Halos alam ko na ang mga amoy at itsura nila tuwing umaga pati nakilala ko 'yung mga kilos nila. Ewan ko ba kung bakit palagi kong kinukuwestyon palagi 'yung nararamdaman ko bago ko makausap si Boss? Parang palagi nalang akong ganito.

Kung iopen ko kaya 'to kay Boss?

Pati na rin ang mga bayarin sa kuryente at tubig. Wala pa kasi kaming natatanggap mula sa White Hall. Baka mag-ambag na naman kami. Eh, parang nagastos na ang kalahati ng allowance ko. Hindi rin namin alam kung kailan ang sususnod na misyon kaya mukhang mas lalo kaming magigipit.

Kumatok na ako nang isang beses pero nakalimutan ko palang ayusin ang sarili ko. Napaayos pa ako ng buhok... saktong binuksan na ni Boss ang pintuan.

Napatigil ako sa pag-aayos ng buhok ko nang nagtama ang paningin namin. Agad naman siyang napangiti kaya parang nawala nalang ang tensyon sa buong katawan ko.

"Bloom," bati niya.

"Busy ka?" tanong ko.

Napatigil siya saglit at dahan-dahang lumingon. Sinundan ko rin kung saan siya tumingin. Halos mataranta ako nang makita na bukas ang lamp sa study table niya at maraming libro roon. Bago pa magbago ang isipan ko, dahan-dahan niyang sinara ang pinto. Muli siyang ngumiti sa akin na para bang wala lang.

"Hindi na ngayon. Bakit?"

Bigla ba naman akong nabahala. Nakita ko palang na nag-aaral siya ngayon!

"Nag-aaral ka.." mahina kong sabi at saglit na napaturo sa kaniya.

"Oh." Napaayos siya ng tayo at muling binuksan ang pinto niya. "Nagbabasa lang ako. Puwede ko namang ipagpatuloy bukas." Inayos din niya ang suot niyang white t-shirt. "May maitutulong ba ako?"

Gusto kong kapusan ng hininga. 'Yung tipong isisigaw ko muna ang lahat ang kilig pero kailangan kong tatagan ang angas ko.

"Gusto kitang kausapin."

Napatango siya. "Sige, saan tayo?" Humakbang na rin siya palabas at sinara ang pinto.

"Si Clark at Lawron, nasa dining room."

"Sa balcony?" tanong niya.

Napakamot ako ng ilong. "Andoon si Roic, nagkakape. Tapos sinasamahan siya ni Forsythe, naglalaro."

Napanguso siya at bumalik na naman sa paghawak ng pinto.

Hindi lang pala ako ang natataranta.

"Bakit ka hindi mapakali?" tanong ko habang tumatawa. Ngayon ko lang kasi nakita si Boss na medyo hindi composed at hindi alam kung ano gagawin.

Tumawa rin siya. "Hindi ko nga rin alam eh." Kinamot na niya ata ang bawat pulgada ng mukha niya.

Halatang kinakabahan siya kaya hinawakan ko ang kamay niya para pigilan sa pagkamot. Masyado siyang nababalisa. "Kalma ka lang!" Mahina kong tinapik ang pisngi niya.

"Hindi kasi ako naghanda na kakausapin mo ako."

Mas lalo akong natawa.

Ang cute! Hmmp!

"Pag-usapan natin 'yan mamaya. Ngayon, saan tayo puwede mag-usap?"

Napalingon siya sa loob ng kuwarto niya kaya medyo nanlaki ang mga mata ko. Nakuha niya bigla ang tingin ko. Nataranta na naman siya bigla. "I didn't mean to give you discomfort. Meron lang ako ditong maliit na balcony. Gusto mo bang mag-stargazing?"

Dinadaan ko nalang siguro sa mahihinang tawa ang awkwardness ng bumuo sa loob ko dahil nadala lang ako sa pagpapanic kaya kung ano naiisip ko.

Sabay na kaming pumasok sa loob. Pinagmasdan ko ang lahat ng nakikita ko. Kahit pagdaan namin sa study table niya ay tiningnan ko ang ginagawa niya, nalulula ako sa kapal ng libro. Wala pang mga picture kaya gusto kong itanong si Boss kung paano nakakaya ng utak niya ang lahat ng mga pahina na puro words lang.

"Gusto mo bang kumain?"

Hindi ako nakasagot agad dahil napatulala ako sa ganda ng view sa ganitong side ng bahay. Sa kalayuan, nakikita ang ilaw ng city proper ng Nodawn. Ang sarap naman magtambay dito!

"Ikaw? Gusto mong kumain?" tanong ko pabalik.

"No. I'm good."

Napatango ako. "Then, I'm also good." Umupo na ako sa upuan doon.

Hindi natuloy ang pagsisight-seeing ko nang maramdaman ang katahimikan ni Boss kaya muli akong lumingon sa kaniya na nakatingin pa rin sa akin.

"Ayaw mo bang kumain dahil sinabi kong ayaw kong kumain o ayaw mo talaga?" he asked and I can feel the genuineness in him. "I don't want us to misunderstand each other."

Bumagal ang paghinga ko kasabay ang pagkawala ng ngiti ko. Bakit ba ganito ka-green flag ni Boss?

"Kung 'yung kasama ko ay aalukin akong kumain tapos siya ang hindi kakain, parang wala rin akong ganang kumain. Pero kung ayaw talaga niyang kumain, it's fine. Kung gusto ko rin namang kumain, ako ang mag-aalok. It's kinda tricky kasi paminsan, wala ring ganang kumain ang kasama ko kaya mahirap ang timing. Instead, tatanungin ko siya kung ano ang makakain namin." Never akong nagsalita tungkol sa ganitong side ko. Ngayon ko lang din nagkaroon ng conversation na ganito kay Boss sa lahat ng taong nakilala ko. Nasanay siguro akong nagsasarili ng thoughts ko.

"Oh, okay, naiintindihan ko." Lumapit siya para umupo sa tabi ko. "Ano gusto mong kainin natin?" tanong niya.

"Kakakain ko pa lang." Nahihiya akong tumawa. How ironic! Kakashare ko lang kanina at medyo nawala rin ang essence ng idea ko kanina.

Tumawa kami. Nakakaloka naman! Naguguluhan na rin ako sa nangyayari!

"How about milk and cookies later?"

Lumiwanag ang mga mata ko. "Nice!"

At doon nagtatapos ang panimula ng pag-uusap namin. Inaayos ko pa ulit ang lahat ng sasabihin ko sa utak ko kaya ninanamnam ko ang katahimikan namin ngayon. Laking pasasalamat ko na sobrang haba ng pasensya ni Boss.

Nakawala ako ng isang mahabang hininga at napatingin sa kalayuan. Ni hindi ko alam kung saan magsisimula.

"Kinakabahan na ako lalo, Bloom," seryoso niyang sabi.

Doon na naman ako nakawala ng tawa. Nilalamon na pala ng kaba si Boss habang pahaba nang pahaba ang katahimikan.

"Kanina," panimula ko kaya umabante na ang katawan niya para pakinggan ako. "Noong pinili tayo ni Clark kaysa sa mga kaibigan niyang nag-aaya ng inuman, nakita ko ang isa sa kanila na ang sama ng tingin. Actually, lahat sila, ganun ang tingin kaso napapansin ko talaga siya simula noong laro pa."

"Name?"

"Narinig ko kanina, Gael. Nagtanong din ako kay Danger, Gael Royo ang pangalan."

"Goriando Royo's son," nasabi niya bigla.

"Nakapag-overthink lang ako. Lalo na't anak siya ng councilor. Baka..." Natahimik ako saglit at umiwas ng tingin. "You know.. strings... our group.." putol-putol kong sabi. Ang hirap magcompose ng matinong sasabihin kung pumapangibabaw 'yung nararamdaman.

Napatitig si Boss sa akin bago tumayo. "Kunin ko lang laptop ko."

Ganito pala kabigat 'yung pag-ooverthink ko. Parang nakakatakot kasi lahat ay puwedeng mangyari. Sinubukan ko namang bawasan. Kaso baka matulad na naman dati kay Jon. Kung hindi lang ako napakinggan ni Boss at hindi niya nagawan ng paraan, baka hanggang ngayon, nalulunod ako sa konsensiya.

Bumalik siya sa tabi ko at nagsimulang magtype sa laptop niya.

"Kilala ko lang sa mga kaibigan ni Clark ay si Gael. 'Yung tatay niya kasi ay nasa White Hall." Pinagpatuloy niya ang pagtitipa. "Mukhang kailangan din nating makilala ang iba."

Napatango ako. Nasanay na rin siguro ako na makilala ko dapat ang mga taong mapapaligiran namin dahil sa mga misyon namin. Kung ano ang kaya nilang gawin, kung anong klase sila at kung saan sila galing. Mahirap din kasi kung wala kaming kaalam-alam at papalipasin namin ang sign. Malaki man 'yan o maliit. Kailangan din maging aware.

"Mas nakakatakot pala kung hindi natin sila kilala," pag-aamin ko.

Umangat ang tingin niya kasabay ng sa akin. "Hey.. we'll figure this out, okay? I'm so glad that you brought this up."

Napatango ulit ako at yumuko. Binabawi ko ang hiningang hindi ko magalaw kanina.

Buong atensyon na ang binigay ni Boss sa laptop niya. Hindi ko matanong kung ano ang hinahanap niya ngayon pero baka tungkol sa iba pa.

"Should we tell others?" tanong ko.

"Huwag lang muna sa ngayon. Si Clark din ang iniisip ko. Wala pa namang nangyayaring threats or such tayong natatanggap mula sa mga kaibigan niya. Baka mali rin ang nasa isip natin sa ngayon. Let's wait."

Hinarap ni Boss ang screen ng laptop niya sa amin. Nakita kong nakapasok siya sa system ng Nodawn University at nagdodownload siya ng copies ng pitong students.

Habang pinapanood namin ang pagtaas ng percent, napansin kong napapasulyap sa akin si Boss.

Pinanood ko siyang nasa bingit ng gustong magsalita pero sa huli, napapaiwas siya ng tingin sabay tago ng mga labi. Nagpuputol-putol tuloy 'yung pag-iisip ko kasi napupuno ng mga salitang ang cute ni Boss lalo na't parang inosente niya masyado sa oras na 'to.

Nang napatingin siya sa akin, nahuli niya akong pinapanood siya.

"Tinatantya ko lang kung kailan ako magtatanong sa iba nating pag-uusapan, bukod sa kanila." Tinuro niya ang nasa laptop niya.

Siguro, ito na rin ang oras.

"Kinakabahan ako tuwing mag-aapproach ako sa'yo," seryoso kong sabi. "Like, everytime."

Gusto ko talagang magseryoso pero sa nanlalaking mga mata ni Boss, napabuga ako ng tawa. Okay, nabawasan na ang lahat ng mga nararamdaman ko. Parang puwede na ako maging productive kinabukasan.

Mukhang hindi pa natatauhan si Boss sa sinabi ko kaya dinugtungan ko na. "Pero okay na ako ngayon. I'm comfortable na. Siguro dahil nalaman ko rin kanina na kinakabahan ka rin." Napagtanto ko rin kasi na hindi lang ako ang napapraning bago makipag-usap. Akala ko rin kasi na sobrang composed at kalmado lang si Boss. Most of the time, oo.

"I really get nervous when it comes to you, actually," he said, chuckling. "I tend to think a lot of things beforehand. Kaya siguro kapag haharap ako sa inyo, masasabi niyong organized ako masyado."

"Hindi ko talaga inaakala na ganun ka. Paminsan, nakakulong ka lang dito eh."

Tumango siya. "I guess so. But I'm doing my best to make myself available." Mariin siyang napapikit. "Responsibilities."

Halos bumagsak ang magkabilang dulo ng labi ko. Inabot ko siya at tinapik nang dahan-dahan ang braso niya. "Appreciated."

Ngumiti siya pabalik at napayuko.

Muling tumahimik sa pagitan namin habang pinapanood na makumpleto ang percent.

"Huwag kang magdalawang-isip na lapitan ako." All of a sudden, nagsalita ulit siya. Akala ko pa naman tapos na ang part na iyon. "Mahirap sabihin 'yun kasi hindi ko makokontrol ang nararamdaman mo pero I will do my best to make you comfortable. You are always welcome and I am willing to help. I am the happiest when I'm with you, guys."

Para akong natutunaw sa sinabi niya. Hindi ko nalang mapigilang mapangiti. Napapaisip ako na healthy ang magiging relasyon ni Boss. He knows what to say and what to do. Para na ngang imposible.

"Thank you."

Ngumiti siya lalo bago nagpakawala ng mahinang tawa. "Ngayon lang pala ulit tayo nag-usap matapos noong inuman. Kaya siguro kinakabahan ako."

Mahina rin akong natawa at muling hinaplos ang bisig ni Boss bago tumingin ulit sa screen. "Tapos na pala." Tinuro ko 'yon. Nakita ko agad ang biodata ni Gael. Hinihintay ko na ipaliwanag ni Boss kaso tahimik pa siya.

Bumalik ang tingin ko sa kaniya at nakatitig pa pala siya sa akin.

I saw how his eyes carry so much emotions. I witnessed how his smile slowly showing on his face. Until the butterflies in my stomach went wild when he placed his hand on the top of my head. He ran his fingers through my hair. And I felt his thumb caressing it. He leaned infront of me and made small headshakes while crinkling his nose.

That was so adorable.

"I wanted to sit beside you earlier. Napansin ni Forsythe 'yung mga lalaki na palapit sa'yo kaya inunahan niya ako."

Nawala saglit ang ngiti ko.

Hindi na ako nakapagreact kasi lumayo na siya at sumandal sa upuan. "So, I just wanna ask if what's your favorite song as of this moment?"

Teka, bakit napunta na doon 'yung topic namin?

"Boss, may pinag-uusapan pa tayo." Tinuro ko ang laptop.

Para siyang nabuhusan ng malamig na tubig. "Right! I forgot." Inayos na niya ang upo niya at humarap sa laptop niya.

Napahighik ako. Pinanood ko siyang magbasa.

"Meron isang kanta na pumasok sa isipan ko. Parang nastuck na siya simula noong napakinggan ko 'yun sa Meritown." Parang may keyword na umagaw ng atensyon niya. "Fast Car," I answered. "Parang pumapasok sa akin 'yung circumstances na nasa loob ng kanta. It also talks about life kaya napapasabi ako sa sarili ko na nararamdaman ko na 'yung ganap. Ang ganda lang ng timing noong napakinggan ko iyon. Plus, ikaw ang kasama ko."

Napangiti siya at napatango.

And I had a feeling that I belonged... "I had a feeling I could be someone."

It felt like our eyes were communicating.

"You will be always Bloom Jinx," he said.

Bago pa kami lumihis sa dapat pag-usapan, we started reading their biodata.

We confirmed that Gael Royo is the son of the councilor. Nakakapagtaka lang ang records niya dahil may nabasa kami na isa roon ang offensive action to a staff, particularly the university janitor this year.

"Hindi ba't maeexpel na ang student kung nanakit o pinagtripan ang mga faculty members or staff ng school?" tanong ko. Tinuro ko pa ang detail kung saan nagkaroon ng injury sa wrist ang victim at hindi na nakapagtrabaho pa sa mga sumunod na araw. That was too much.

Tinuro rin niya ang isa pa niyang tab na nakabukas kung saan nakalagay ang codes. "Hindi nakikita sa main portal ng Nodawn Univeristy ang data na 'to." May pula na nakalagay doon. "Hidden siya. Hindi naman puwedeng makapagdelete ng data na iniinput ng admin kaya tinago nila kasi hindi nila puwedeng mabura."

Napairap ako.

Connection. Strings.

Mancho Gomez at Victor Zacheria ay anak ng mga nagtatrabaho sa White Hall. Sila Paul Montero, Archie Ignacio, Luke Quezon at Sanve Xi ay nagmula sa pamilya na nasa ilalim ng partido ni Goriando Royo. Kung titingnan ang mga nagawa nila sa unang taon ng kolehiyo, marami na silang ginawang kalokohan. Halos pare-parehas ang records nila. Halatang magkasabwat silang lahat. Ngayon na alam namin kung ano ang kaya nilang gawin, natatakot na ako kung ano ang magagawa nila.

"Ano 'yung trabaho ng pamilya ni Clark?" mahina kong tanong.

Narealize kong kapangyarihan at pera pa rin ang makakalaban namin dito dahil wala naman kami ng ganun.

"Retired general ang tatay niya at apo siya ng isang highest paid sniper."

Napatango ako at natahimik saglit. Tinitingnan ko ang mga mukha nila. Doon ko rin sila nakikilala kaninang laro nila sa basketball. Nagugol ang oras ko sa pagkakilala sa kanila pero parang humuhupa na rin ang kaba na nararamdaman ko.

"Wala rin naman tayong magagawa kung galing sila sa may mga kapangyarihan at koneksyon. 'Yung mismong school nga, namamanipula nila. Kung ano man ang mangyari, eh 'di mangyayari. Sabay-sabay nalang nating harapin 'yun."

Nakakatawa dahil sumuko nalang din ako.

"Subukan lang nila," bulong ni Boss kaya bigla akong napatingin sa kaniya. Nagbabanta ba siya? Nakakapanibago! "Napaisip din ako kung ano ang magagawa nila. Kung hindi ko 'yun makokontrol, harapin natin 'yun. Walang iwanan."

Ngumiti ako. "Walang iwanan."

Para kaming mga nawawalan ng pag-asa. Pinag-usapan pa namin kung sasabihin ba namin kay Clark pero ayaw talaga naming magsuspetya agad kay dadahan-dahanin nalang namin. Nabawasan din ang bigat ng loob ko.

Napagod na rin ako sa kaiisip. Sinandal ko ang ulo ko sa palad ko. Mabuti nalang ay kumalma na ako. Atleast, kumpara noon, nahihirapan ako imanage ang nararamdaman ko. Para sa oras ng pagtatanto ko ngayon, masasabi kong proud na ako sa sarili ko.

Thanks also to Boss.

At tuluyan nang humupa ang tensyong inipon namin kanina. Hinayaan lang din naming lumipas ang oras na tahimik at tunog ng hangin ang bumabalot sa amin.

"Thank you, Boss." Nagkaroon na rin ako ng lakas sa oras na ito.

Nakasandal siya sa balikat niya. Gusto ko na talagang matunaw sa mga tingin niya. Kaya kong manatili sa upuan na 'to.

"Are you sleepy?"

Halata ba?

"Kinda. Pero kailangan ko pa magreview mamaya para maging productive pa ako bago ako magpahinga." Huminga ako nang malalim at inayos ang upo ko. May foam din kasi ang bench na inuupan namin. At makakasandal sa dingding sa likuran na namin. "Sapat na siguro ang 15 minutes."

"You can take a nap here."

Nanlaki ang mga mata ko. Dito talaga mismo?

Tumayo siya at pumasok ulit sa kuwarto niya. Sisilipin ko sana siya nang lumabas ulit siya na may dalang kumot.

Nang binigay niya iyon sa akin, binalutan ang sarili ko. "Saan ako hihiga?" Puwede ba akong humiga sa bench? O hindi kaya sa lamesa nalang?

Tinapik niya ang balikat niya.

Mas lalong nanlaki ang mga mata ko. Ang tapang na ni Boss!

"I'll wake you up after 15 minutes."

Dahil hindi pa ako makakurap, siya na ang lumapit sa akin habang mahinang tumatawa. Pinakiramdaman ko ang hawak niya habang dahan-dahan akong sinandal sa balikat niya. Naramdaman ko ring binalutan niya ako ng bisig niya para mabalutan ako nang maigi sa kumot.

Mahina niyang tinatapik ang braso ko kaya tuluyan akong nakaidlip sa yakap niya.

I can't help but to recall from the very first time we met. I didn't expect that I will be resting on his shoulder right now.

Boss indeed woke me up. Hindi ko na tinanong kung anong oras na dahil inaya na niya akong magmidnight snack. Natuloy na rin ang pagkain namin ng gatas at cookies. Mukhang tulog na ang iba kaya kaming dalawa lang sa kusina, kumakain habang nakasandal sa lababo, sa tabi ng refrigerator.

Marami rin kaming napag-usapan tungkol sa program namin bago namin napag-usapan ang bayarin sa bahay. Nastress tuloy kami na wala pang binibigay ang White Hall. Nabanggit niya nalang na magtatanong at kakausapin niya si Mr. Yu para panindigan ang usapan. 'Yung huling bayarin ay nag-ambagan kami. Nagsuggest ako na buksan ito sa Gumdrop bukas. Pumayag din siya pero mas uunahin niyang magtanong kay Mr. Yu.

"Wala na akong pera, actually," nahihiya kong sabi. "Ang mahal kasi magpatahi ng uniform namin. Tapos magkakaroon na naman kami ng bago. Mamomoblema din ako sa capping and pinning ceremony."

"May exact date na ba ang ceremony niyo? Pupunta kami."

Napakibit-balikat ako. "Hindi pa sure. Alam mo naman ang Nodawn University, biglaan lang palagi. Akala nila mabilis lang makaafford ng mga requirement ng ibang estudyante. Malaki na talaga ang problema eh."

"Napapansin ko.." Uminom siya sa gatas niya bago magpatuloy sa pagsasalita. "Sa iba't-ibang perspective ng mga tao, pinagdidiinan nila na hindi umuunlad ang mga tao dahil sa kanila mismo. May mga point naman sila pero hindi nila nakokonsidera na nasanay sila sa sistema ng lugar kaya hindi na nila ineexpect na magbago ang gobyerno."

Sumang-ayon ako habang nasa kalagitnaan ako ng pagnguya ng cookie. "Bagsak na nga ang lugar tapos bobotohin pa ang pare-parehas na mukha. Mas nakakapanibangan 'yung mga taong may posisyon. Paano naman ang dapat nilang pagsilbihan?"

Napatango siya at nilapag ang baso niya. "Wala ring nagsasalita."

"Kasi pinapatahimik."

"Yooow!" Awkward siyang tumawa at unti-unting humihina ang boses niya. "Dark."

"Sorry." Napanguso ako. "Noong bata ako, marami akong pangarap. Parang halos lahat na ata ng trabaho ay inimagine ko ang sarili ko na nagtatrabaho ng trabaho nila. Gusto ko ngang maging journalist. Kaso noong nalaman ko sa balita na may mga nawawala at hindi na mahanap na journalists, natakot ako. Hindi na nga ako nanonood ng balita simula noon. Natabunan nalang ng pangarap ko na maging teacher o doctor. Nang may isip na ako para sa pinakagusto ko para sa sarili ko, pinili ko ang maging nurse. Kaya ito ako, gagapang na sa nursing."

Tumawa kami.

"Nakikita ko na talaga na magiging nurse ka balang araw. Parang nasa dugo mo na nga iyon."

Napailing ako. Nasa dugo ko ang pagiging maambisyon at naisip na bagay akong maging nurse dahil nasa medical field ang mga magulang ko.

"Ikaw, Boss? Ano ang ambisyon mo noong bata ka?"

"Hmm. Noong bata ako..." Napaisip siya. "Wala akong specific na profession na iniisip kasi gusto ko lang na gumanda ang buhay namin ni Papa. Nasabi ko nga sa kaniya dati na kaya kong pasukan ang lahat ng trabaho para makaipon ng pera para makaalis kami dito. Pero ngayon, wala akong maramdaman sa pinag-aaralan kong program. Hindi ko nga alam kung masaya ba ako o ano. Hintayin ko nalang siguro na malalaman ko ang gusto ko sa buhay sa kalagitnaan ng proseso."

Napatango ako at tinapik-tapik ang braso ni Boss. Napapaisip din ako na mukhang more on present time type of person siya. More on future kasi ako. Once I set my goals, iyon na ang tinitingnan ko. And now, look at me, nagdesisyon na galing sa White Hall ang tuition ko dahil takot akong tumigil sa pag-aaral.

Pinag-usapan din namin ang iba. Mas lalo ko kasi silang nakilala at nakakatuwa ang mga nalalaman ko. Nabanggit din ni Boss na malapit na rin sila sa kaniya kumapara noon. Nakikita ko kung gaano siya kasaya kaya hindi ko mapigilang maging masaya para sa kaniya.

Dahil masyado nang malalim ang gabi, tinapos na namin ang pag-uusap. Hinugasan na rin namin ang pinagkainan namin.

Nakatulog ulit ako na magaan ang loob.

Lumipas na rin ang mga araw. Sumapit na rin ang umaga at as usual, papasok na naman. Mabilis lang ang oras dahil sa dami ng pinag-aralan namin ngayon at nagulat nalang na lunch na. Never akong naexcite lalo sa lunch time.

Nagkasalubong kami ni Danger papunta sa cafeteria kaya sabay na kaming kumuha ng pagkain. Handa na ang lunch ko kaya taimtim lang akong sumusunod sa kaniya na nahihirapang pumili ng ulam niya.

"Masarap 'yung meatballs." Ninguso ko 'yung nadaanan niyang tray. "O hindi kaya 'yung adobong manok."

"Masarap ba 'yung pork steak?" tanong niya at nakalock ang paningin doon.

"Oo naman. Luto ni Ate May 'yan," pagmamalaki ko dahil nakatingin sa amin si Ate May.

"Bloom, boyfriend mo na ba siya?" natatawa niyang tanong dahil kanina pa kaming pumipili ng pagkain.

"Ay, Ate May!" gulat kong sabi kinalaunan, natawa nalang din.

"Bagay po ba kami?" biro pa ni Danger kaya palihim ko siyang kinurot sa kilikili niya.

"Bagay kayo! Mabuti naman, nakahanap ka rin ng nobyo, Bloom. Ang gwapo naman!"

Hindi ko alam kung matatawa ako o maiiyak sa natatanggap ko. "Ate May, magkaibigan lang kami atsaka, siya ang unang pasyente ko."

"Okay lang po, Ate May. Dahil nasaksihan niyo ang pagkafriendzone ko kay Bloom, puwede pong makahingi rin ng kamatis?"

Kaya pala, nagsegway pa. Hinayaan ko nalang na magdrama siya kay Ate May habang hinahain sa kaniya ang napili niyang ulam. At nakahingi pa ng libreng kamatis tulad ko. Nakakaaliw nga naman ang mga salita ni Danger.

Atlast, puwede na kaming tumungo sa lamesa namin. Kaso napatigil kami nang narinig namin ang boses ni Clark. "Bloom! Danger!"

"Si Clark." Kumaway ako pabalik. Hinintay din namin siyang kumuha ng pagkain niya. Hindi rin nagtagal at natapos siya. Mukhang nagulat pa siya nang andito pa rin kami at hinintay siya.

"Kumusta ang exam niyo?" tanong ko.

"Effective pala ang pagnonotes! Naka 78/100 ako!"

"Huy! I'm so proud! Matutuwa 'yan si Lawron!" Sulit ang pagpupush niya kay Clark dahil may improvement sa performance niya sa klase niya.

"Nice! Ayos! Mahirap ba?" tanong ni Danger.

"Medyo. Mabuti nalang talaga na mas naintindihan ko ang lesson namin dahil sulat ko."

Padaan na kami sa mga kaibigan ni Clark kaya napaiwas ako ng tingin. Magpapanggap nalang ako na hindi ko pa sila kilala at hindi ako affected. Mabuti nalang, napatingin ko sa lamesa namin at andoon na sila Heroic na kumakain na.

"Clark."

Si Clark lang ang tinawag pero napahinto rin kami ni Danger nang tinawag ni Gael si Clark. Nakatitig na rin ang iba niyang kasama na parang may hinihintay na mangyari.

"Uy, hi," chill na bati ni Clark pero hindi pa siya umuupo sa panig nila.

Magpapaalam na sana kami ni Danger dahil sa kanila naman palagi siyang naglulunch pero nakapagtataka lang na nakatayo pa rin siya.

Hindi nagsalita si Gael at tinuro ang bakanteng upuan sa harapan niya.

"May party rin sa bar nila Sanve. Mukhang bukas na ulit ang arcade. Punta tayo mamaya," sabi ni Mancho Gomez.

Kitang-kita namin kung paano kumunot ang buong mukha ni Clak kahit may ngiti pa siya sa labi. Mukhang may bumahid na malaking discomfort sa mukha niya. "Salamat pero may gagawin pa ako mamaya eh."

"Saan ka pupunta?" tanong ni Gael nang nakaisang hakbang si Clark paalis.

"Uhm. Kakain?" patanong pa niya na sagot. Sumaludo pa siya. "Sige, una na ako. Gutom na ako eh." Nakangiti siyang naglakad palapit sa amin. "Tara na."

Kahit nagulat pa kami sa nasaksihan namin, mas lalong nagulat pa sina Orion na ngayon lang namin makakasabay sa pagkain sa lamesa na ito.

"Huy! Andito ka!" masayang bati ni Lawron at umusog para magkatabi sila.

"Nakakagulat!" Tumawa si Danger habang umuupo sa tabi ni Forsythe.

Agad din silang nag-usap sa mga ganap nila pero tiningnan ko si Boss na parang may pinapahiwatig ako. Sa tingin din niya ay may pangamba at taka matapos pasimpleng lumingon sa puwesto ng mga varsity players. Nang magkasalubong ang paningin namin, doon na rin siya napatingin kay Clark.

Palihim ko ring tiningnan ang direksyon nila.

Kinilabutan ako nang mayroon pa palang mas nakakatakot na tingin ang isang Gael Royo.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com