Chapter 27
warning: this chapter contains
various of sensitive contents.
(e.g., vulgarity, h*rrassment)

Of course, I am happy that Clark is hanging out with us. Nakakaoverwelm nga dahil noon ay nasanay kami na late siya sa mga pagtitipon namin o hindi kaya, busy siya sa mga kaibigan niya. Ngayon na nawiwitness namin kung paano niya iturn down ang mga alok ng kaibigan niya... hindi ko mapigilang mangamba.
Wala lang talagang pake si Clark. Para siyang naimmune ng mga ganap na siya ang nakakaalam. Ni hindi siya nagdadalawang isip na tumanggi sa bawat paglapit nila.
"Hindi naman sa tinataboy ka namin pero nahahalata na namin na iniiwasan mo 'yung mga kaibigan mo?" Mabuti nalang ay nag-open si Danger. Andito kami ngayong lahat sa lamesa sa cafeteria, kumpleto at kumakain ng lunch.
"I agree. Puwede ka namang sumama sa kanila eh. Dito ka naman umuuwi sa amin. Naiintindihan namin," dagdag ni Orion.
Mapait na tumawa si Clark habang kumakakin. "I appreciate you all. Pero narealize ko lang na bakit pa ako magsesettle sa mga taong dinidisregard ako?"
Bigla kaming natahimik dahil hindi namin alam na ganun pala ang kalagayan niya.
Napansin niyang natahimik kami kaya napasulyap siya sa amin. Nakawala pa siya ulit ng tawa. "Dati ko pa talaga napapansin na ayaw nila sa akin. Palagi akong naleleft behind pero patuloy pa rin akong sumasama sa kanila kasi sila lang ang meron ako. Nalaman nila na iniwan ako ng magulang ko rito sa Nodawn at walang iniwan sa akin kahit man lang paalam, mas lalo ko lang naramdaman na napipilitan lang silang isama ako dahil parang nakakaawa ako. Nasanay ako sa ganoong kalagayan ko kaya noong sila na mismo ang nag-aaya sa akin, nakakapanibago. Mas lalo ko lang napagtanto na ayaw ko na maranasan ang dati."
"Huwag niyong idamay ang mga kaibigan ko! Mas gusto ko silang kasama kaysa sa inyo!"
Nalungkot ako. Grabe ang pagtatanggol niya sa kanila dati. Iyon pala ay sila lang ang meron sa kaniya.
"Kayo ang unang nag-alok sa akin na kumain. Kayo rin ang unang kumanta para sa kaarawan ko. Doon na rin ako natauhan na mararanasan ko rin pala 'to. Hindi 'yung nagtitiis ako buong buhay ko." Mahinahon siyang ngumiti. "Nga pala, kayo ang pinakamagandang regalo na natanggap ko."
Napapikit ako para pakalmahin ang sarili ko saglit. Nararamdaman ko na ang mga luha ko. Hindi ako puwedeng umiyak dahil kakalat ang mascara ko.
Nang dumilat ako ulit, nakita kong inakbayan ni Danger si Clark. "Hindi ako naiiyak," sabi pa niya pero bigla siyang napayuko para humikbi. Hindi namin napigilang natawa pero dahil sumunod na napaluha si Orion habang pinapatuloy ang pagkain niya.
"Ang pangit pala ng mga naunang gabi natin sa bahay," sabi ni Orion habang nasa bibig pa ang kutsara niya. "Pasensya na talaga kayo." At tuluyan siyang napahikbi.
"Huy! Ayos lang! Naiintindihan ka namin!" Inakbayan siya ni Heroic at tinatapik-tapik ang balikat niya. "Ang mahalaga ay ngayon. Salamat dahil pinapahalagahan mo kami."
"Sandali lang, nasa cafeteria pa tayo," paalala ko. Nasa bingit na rin ako ng luha ko. Ngayon lang naging emosyonal ang pag-uusap namin nang biglaan. Hindi man lang nag-warning itong si Clark.
"Since, andito na rin naman tayo sa topic na ito, maraming salamat sa inyo kahit pinupulubi ako nila Lawron at Orion. Maraming salamat dahil naramdaman kong hindi ako nag-iisa."
Tuluyang naiyak si Lawron sa sinabi ni Clark kaya inakbayan siya nito. "Kapag wala akong makita sa whiteboard mamaya dahil namamaga ang mga mata ko, sisisihin kita."
Tumawa si Clark at inakbayan siya pabalik. "Nga pala! Napuri ako ng prof ko sa major subject ko dahil nakapasa ako sa long quiz niya!"
Mas lalong naiyak si Lawron. Kitang-kita sa kaniya ang pagiging proud niya. Nasaksihan ko rin ang pag-aaral nila eh.
"Wala ka bang maicocontribute ngayon, Forsythe?" tanong ni Danger dahil tahimik lang talaga si Forsythe sa tabi ni Heroic.
"Ano bang gusto niyong marinig?" tanong niya pabalik matapos magpunas ng bibig.
"Buhay mo bago magkaroon ng meron tayo ngayon," dahan-dahang sabi ni Orion kaya buong atensyon ang binigay namin para makinig sa kaniya.
"Hmmm." Saglit siyang napaisip bago ibaba ang tissue. "To make it short, my parents separated, got their own lives, leaving me here. May narinig ako tungkol sa scholarship noong sinusubukan kong humingi ng form sa pagdrop. Hindi ko nalang pinatuloy at hinintay 'yun. Ito na ako ngayon." He sounded so casual and direct. Hindi pa nga kami nagsisimulang malungkot tungkol sa magulang niya tapos tinapos niya agad ang kuwento.
"Okay ka lang?" tanong ni Lawron.
Forsythe nodded. "I have you, guys. Why wouldn't I be okay?"
Normal pa bang sabay-sabay kiligin? Sabay-sabay kasi kaming napangiti sa sinabi niya!
"Ano ba 'yan! Kinikilig ako!" Parang isdang inahon kung makagalaw si Clark sa kinauupuan niya.
"Dahil diyan, ikikiss ka ni Jennifer," bigla ba namang sumingit si Danger. Sinamaan ko agad siya ng tingin kaso napatingin ako agad kay Forsythe na nakangisi sa akin.
Siya naman ang sinamaan ko ng tingin dahil ito na naman ang pang-aasar niya sa akin! Hindi ba sila makakamove-on sa paghalik ko sa kaniya? Pwes ako, hindi rin ako makamove-on kaya gusto kong ibalibag ang ulo ko sa lamesa!
Napansin ko sa kalagitnaan ng pagngisi ni Forsythe ay napasulyap siya sa direksyon ko. Bago mas lalong napangisi.
Biglang nagkasalubong ang tingin namin ni Boss nang napalingon ako. Nakatingin pala siya sa akin pero agad napaiwas ng tingin. Panigurado, nakita iyon ni Forsythe kaya nakawala siya ng napakalakas na tawa. Nagtaka naman ang mga kasama namin.
"Kaunti na lang, mahahalata na namin na si Bloom ang nagpapasaya kay Forsythe."
Sa reaksyon ko ay parang sumuko na ako sa buhay. Wala na. Sa huli, nakangiti na ako dahil nakita ko silang natatawa. Huminga ako nang malalim at in-activate ang character ko.
"Masaya ka ba talaga sa akin, Forsythe?"
"Yoooow!"
Naningkit ang mga mata niya sa akin habang nagwawala ang mga tao sa paligid namin.
Napaangat ang gilid ng labi niya at uminom ng tubig. "Let's talk later."
I tried my best to maintain my posture. Kung hindi lang talaga ako naorient, baka mangisay na ako sa kinauupuan ko.
"Harap-harapan?" singit ni Heroic habang tinitingnan kami.
"Ayan! Harap-harapan sa asawa!" natatawang sabi ni Clark.
Blangkong nakatingin sa akin si Heroic. Hindi ko alam pero gusto kong matawa sa pagkaseryoso niya. Niyakap ko tuloy siya. He looks so done! I'm so sorry, Heroic!
"Ayaw ko na tumawa, please!" pagpipigil ni Danger. "Boss! May sasabihin ka? 'Yung magpapaiyak sa amin."
Aba, gusto pang umiyak ulit matapos magtawanan.
"Uhm.." Napakamot siya ng noo. "Wala pa tayong pambayad ng kuryente at tubig."
At doon na kami naiyak sa inis.
Kinalaunan, bumalik kami sa pagtawa dahil halo-halo ang mga nangyayari sa amin.
"Nakakainis!" sigaw ni Clark.
"Mahal ko kayo! Nakakainis!" natatawang sabi ni Orion.
Kahit namamaga pa ang mga mata ko dahil halos maiyak ako sa katatawa kanina, nagretouch ako bago pumunta sa room namin ngayon.
Nauna na sila Danger sa klase nila kaya medyo nagpaiwan muna ako saglit. Mamaya pa namang 1:30 PM ang klase namin.
Napansin kong nasa lamesa pa si Boss at dahan-dahang inaayos ang mga pinagkainan namin. Mabuti nalang ay patapos na ako sa paglagay ng lipstick. Tinago ko agad ang gamit ko para tulungan siyang ipatong ang mga plato namin.
"What time klase niyo?"
Baka kasi malate siya. Medyo nahiya ako dahil nabusy ako sa pagreretouch at pag-aayos ng buhok ko.
"1:30 pa. Sabay na tayo?"
Napangiti ako at napatango. Nang maayos na ang lamesa namin, handa na naming ilagay iyon sa tabi ng counter pero may nauna na kumuha ito mula sa amin.
"Ito na ba ang last?"
Andito pa si Forsythe?!
"Akala ko nauna ka na?" tanong ni Boss.
"Kakausapin ko pa si Bloom."
Kinunutan ko siya ng noo.
"Tungkol saan ba?" tanong ko. Puwede naman kasing kasama si Boss?
Hindi siya sumagot at napaiwas ng tingin. "About something."
Napakurap ako nang maraming beses bago napatingin kay Boss. Siya na ang tumango para sumama kay Forsythe. Wala talaga akong kaalam-alam kung ano dapat ang pag-uusapan. Kinabahan lang naman ako nang slight.
Dumadaan na kami sa College of Nursing para sa klase ko. Gusto ko sana siyang idirekta kaso hahayaan ko muna siyang unang magsalita. Imbis na sana ngayon ang unang beses namin na sabay papasok sa mga klase namin.
"I think someone will betray us."
Napakunot ako ng mukha. "Ano?"
Tumigil siya sa paglalakad, ganun din ako. Ano ang ibig niyang sabihin?
"Gusto ko talaga ito iopen dati pa pero alam ko naman na baka mali lang ang iniisip ko."
"Paano? At sino?" seryoso kong tanong. Medyo hindi na ako mapakali. "Sandali. Naguguluhan na ako."
"The White Hall itself." Sinalubong niya ang mga mata ko. "Puwede nila tayong traydorin sa huli."
Natahimik ako. Pumasok na rin ang idea na kulang ang binibigay nila sa amin para sa pang-araw-araw namin. Pati na rin ang mga nakaraan naming misyon ay medyo matagal na. Nakakarandam din kami ng inconsistency.
"Pakiramdam ko lang na strategy nila pagkukulang nila sa atin para wala tayong choice na tanggapin ang mga susunod na misyon."
"Wala na kasi tayong pera at mapapakapit na naman tayo sa patalim..." dugtong ko sa ideya niya.
Napatango siya.
"I wanted to open this to Boss. Kaso baka mali rin ako ng naiisip kaya hinihintay ko nalang na mali ang iniisip ko."
"Iba rin kasi ang iniisip namin ni Boss ngayon," pag-aamin ko habang nahihiyang inaayos ang buhok ko. "Mga kaibigan ni Clark..." mahina kong dagdag.
Nanlaki ang mga mata niya. "So, parehas tayo ng napapansin?"
Tumango ako. "Naiintindihan ko na nakakaconscious mag-open-up ng thoughts, lalo na 'yung mga kutob na puwede maging mali. But those are possibilities that can possibly happen in the future. Kailangan nating maging handa."
Siguro, mas kailangan naming mas bigyan ng pansin kung anong meron sa amin ngayon.
Bukod sa maraming subjects na kailangang pag-aralan, kailangan din naming tiisan ang mga terror na professor. Kung makapagbigay naman ng outputs, akala nila, wala kaming ibang subjects na inaatupag. Nabalitaan naman namin na mahilig magbigay ng dos kaya mapapatanong ka na lang kung anong klaseng standards ang meron sa kanila. Wala man lang silang konsiderasyon para sa ibang estudyanteng nagkakaroon ng problema.
Nagsisilabasan na ang pagiging strikto ng mga professor. Kasabay na rin ang inis ng mga estudyante, halos lumalabas na ang pagiging nila. Kitang-kita na nahihirapan din sila.
Kung sasabihin nila na para naman ito sa kinabukasan namin at bahagi na ito sa pagdidisiplina sa amin, may pagkakaiba ba kung maging patas o maayos ang trato nila sa amin?
Nasobrahan ata ako sa kape ngayong gabi. Hindi ako makatulog at randam ko ang pagkagising ng diwa ko. Imbis na tumunganga sa kuwarto ko, sinubukan kong magbasa-basa ng mga notes ko. 'Yung isang prof kasi namin, hanep maka-surprise recitation.
Nang nasa katapusan na ako ng binabasa ko, napaisip nalang ako bigla sa bayarin sa bahay. Isa pa iyon na sumasagi sa isipan ko. Ayaw ko naman kasi maging pabigat. Hindi ako nasanay na maghintay lang simula noong ako nalang ang nag-aalaga ng sarili ko. Para kasing hindi ako mapakali.
Pinilit ko ang sarili ko na tapusin ang binabasa ko para magligpit na ako ng gamit. Medyo nanghinayang din ako nang marealize na dalawang ilaw ang nakabukas sa kusina. Mariin akong napakamot ng ulo ko.
Seryoso na. Matutulog na talaga ako.
Naayos ko na ang bag ko at nilagay nalang sa upuan para madali kong makuha pagpasok ko sa school. Pinatay ko na rin ang dalawang ilaw at ginamit ang flashlight ng phone ko. Bago pa ako makaakyat ay muli kong tiningnan ang pintuan sa sala kung nakasara nang maiigi.
At paglingon ko, may tao sa harapan ko.
Sumigaw ako sa sobrang gulat. Hindi ko nakita ang mukha niya dahil gumalaw ang kamay ko. Gusto ko pa sanang sumigaw at itulak palayo ang nasa harapan ko nang hinawakan niya ang bibig ko.
"It's me! It's me!"
Si Boss pala 'to!
"Sino andyan?" May narinig kaming mga pintuan na bumukas mula sa taas.
Agad kinuha ni Boss ang phone ko para ilagay sa bulsa niya. Nakakarinig na rin kami ng yapak kaya hinawakan niya ang kamay ko at dinala papunta sa headquarters.
Mukhang nagising na rin ang iba. Tinakpan ko ang bibig ko para pigilan ang tawa ko.
Dahan-dahan niyang sinara ang pintuan ng headquarters pagkarating namin doon. Nang humarap na siya sa akin, hindi ko napigilang paluin ang dibdib niya. "Bakit ba hilig mong manggulat?!" inis kong tanong.
"Sorry! Nagsasabit ako ng picture frames sa sala tapos biglang namatay 'yung mga ilaw."
Napakunot ako ng noo. "Bakit hindi ka man lang nagparamdam?"
"Busy ka kasi sa pagbabasa. Inuna ko munang isabit 'yung picture frames para ipakita ko sa'yo sunod. Bigla ka rin namang natapos agad."
"Bakit mo naman ako hinila palayo?" tanong ko. Puwede naman kasi kaming nasa sala lang?
Napakamot siya ng batok. "Adrenaline rush. Nagulat din ako sa nangyari."
Sabay kaming natawa. Nakakainis naman 'tong si Boss! Ang cute-cute!
"Sige lang. At least, magagawa ko 'to." Dahan-dahan akong lumapit sa kaniya para yakapin siya. "How are you?" bulong ko.
Natigilan siya saglit pero agad niya akong niyakap pabalik. Huminga ako nang malalim. Atlast, nakakahinga na rin matapos ang nakakapagod na araw.
"Tired. Maraming tinapos na readings pero mukhang dadagdag na naman ang backlogs." Humiwalay siya saglit para tingnan ako. Kaso nga lang, madilim. Medyo natawa na naman ako dahil kinuha niya ang phone ko at tinapat sa amin ang ilaw para makita namin ang isa't isa. "How about you? How are you?"
Nakawala nalang ako ng mahinang tawa matapos makita ang mukha niya. "My gosh, mapipiga na ang utak ko sa Anatomy." Bumalik ako sa yakap. Hindi nagtagal, narinig ko ang pagtawag sa akin ni Heroic mula sa kalayuan. Nagkatinginan kami agad ni Boss. Oo nga pala, napasigaw ako kanina. Baka kung ano maisip nila.
"Lumabas ka after ilang minutes."
Nauna akong lumabas at dahan-dahang naglakad papunta sa kusina. Nanlaki ang mga mata ko nang nakita silang lahat na mga naalimpungatan. Si Danger ay topless pa pero may yakap-yakap pa na unan para matakpan ang harapan niya.
"Anong nangyari sa'yo? May nangyari ba? Saan ka galing?" Tumakbo palapit sa akin si Heroic at hinawakan ang magkabilang balikat ko. Hindi ako nakasagot agad dahil nag-iisip pa ako ng isasagot. Sorry, Heroic kung nataranta ka sa sigaw ko.
"Napatay ko lang ang ilaw kanina. Sorry sa inyo."
Parang magkadikit lang ang mga baga namin dahil noong nakahinga na siya nang maluwag, nakahinga na rin ako nang maluwag. Bago pa bumalik ang iba ay pumunta ako sa sala kung saan galing si Boss kanina. Binuksan ko ang ilaw roon at nabighani sa nakikita ngayon.
Sumunod din ang ang iba sa akin at hindi nakapagsalita nang makita ang mga indibiwal naming litrato na kinuhaan ni Boss. Suot-suot namin ang kaniya-kaniyang uniform na ayon sa program namin:
Orion, Architecture, maroon polo at may hawak siyang blueprint tube.
Fosythe, Major in Physical Education, nakasuot ng PE uniform.
Lawron, Accountancy, dark blue formal polo at may hawak siyang supplies.
Heroic, Early Childhood Education, dark gray full botton polo.
Danger, Mechanical Engineer, red and black mechanics uniform.
Clark, Business Management, business attire.
Boss, Political Science, suot ang sky blue dress shirt niya at may nakasabit na coat sa bisig.
At suot ko naman ang nursing uniform ko.
Sinong mag-aakala na magkakasunod pa rin kami ngayon kahit iba-iba ang mga kinuha naming program? Maliban lang pala ang mga nangyari sa amin noong una.
"Actually, gusto ko maglagay ng group photo natin na ganyan ang mga suot natin. Kaso sunod nalang at magpicture ulit tayo soon na graduate tayong lahat," sabi ni Boss na nakasandal na pala sa dingding at pinagmamasdan kaming nakatingin sa mga frame na nakasabit sa dingding.
"Eh, hanggang 5th year kami ni Danger," sabi naman ni Orion. Oo nga pala.
"Hihintayin din namin kayong matapos." Lumapit lalo sa amin si Boss. "Kaya sana, gawin natin ang lahat ng makakaya natin na walang babagsak sa courses para walang uulit sa atin."
"Yes, Boss!" Sumaludo sila Clark at Lawron.
"Palagi mo naman kaming binibigyan ng surprise, Boss! Pahalik! Legit!" Pilit pang humahalik si Danger. Todo-iwas pa si Boss.
"Nga pala, Boss, ano 'yung umiilaw sa bulsa mo?" tanong ni Lawron.
Shet, phone ko.
"Ah, nakalimutan lang isara ang flashlight." Kinuha niya ang phone ko kaya napahugot ako ng hininga.
"Phone ni Bloom 'yan ah?" sabi bigla ni Heroic.
Boss, kailan ka pa nagkaroon ng pastel pink na case?
Katahimikan.
Sobrang nakakabinging katahimikan.
Nakailang-kurap muna ako bago kinuha ang phone ko. "Hiniram niya kanina habang pinapantay ang frames kanina," palusot ko.
Mabuti nalang talaga naniwala sila!
"Sige, magsitulog na tayo! Good night! Love you all!" Tinutulak ko na sila pataas para pumunta na sila sa mga kuwarto nila.
Ito namang si Forsythe ay nauna nang umakyat sa itaas habang tumatawa nang sobrang lakas.
Alam kong hindi magiging maganda ang buong araw ko dahil hindi maganda ang paggising ko. Hindi ko nga lang naalala nang maayos ang panaginip ko pero paggising ko ay para akong pagod at nanghihina. Mas lalo lang ako nafu-frustrate dahil umaapaw ang mga nararamdaman ko buong umaga.
Kinakabahan? Oo.
Natatakot? Oo.
Naiiyak? Oo.
Nangangamba? Isang malaking oo.
Hindi ko alam ang nangyayari sa akin. Hindi ko rin naman kayang sisihin o ibuhos ang galit ko sa mga nakapaligid sa akin. Sino ba naman ang hindi matataranta? Muntikan na akong hindi makapasa sa long quiz namin. Nagblangko lang kasi bigla ang utak ko habang sumasagot. Kino-comfort ko ang sarili ko na nakakuha naman ng passing score. Kaso natakot lang talaga ako na muntikan na akong bumagsak. Ngayon lang 'to nangyari sa akin. Masyado ko bang tinulak ang sarili ko? Wala na rin akong lakas eh.
"Mabuti na lang, nakaisang puntos pa ako."
Tama. Iyon dapat ang isipin ko.
Bahagi ito ng college kaya kailangan kong maorient ngayong unang taon para hindi ako maging ignorante kung gaano kahirap ang mundo habang tumatanda ako.
Kahit papaano, gumaan naman ang pakiramdam ko. At least, makakaharap ako sa Gumdrop na hindi ganoong kabagsak ang mga balikat.
Naniniwala rin ako na nakakaranas tayo ng kapangitan sa buhay dahil may mga mabuting bagay ang parating.
Tama.
Kailangan kong harapin ang mga magagandang bagay sa buhay ko.
Nang napatingin ako sa relo ko, alam kong ilang minuto na ang nakalipas. Tumakbo na ako para hindi masayang ang oras. May lecture pa naman kami mamayang hapon.
Dali-dali akong kumuha ng tray at tiningnan ang mga ulam sa kalayuan para dire-diretso na ako.
"Uy, Ma!"
Katatapos palang nila Lawron at Clark kumuha ng pagkain. Kumaway ako at dali-daling kumuha sa counter.
"Chill! Hihintayin ka namin!" sabi ni Clark at lumapit sila sa akin.
"Salamuch!"
Madali rin naman akong nakakuha. Nakita ko kasing may pakbet kaya iyon agad ang kinuha ko. Hindi na nga lang ako nakakuha ng kamatis dahil napansin ni Ate May na nagmamadali ko. Medyo natawa pa ako dahil natataranta siya sa akin.
Matapos magpasalamat kay Ate May, sabay na kaming tatlong naglakad papunta sa lamesa namin. Habang nauuna silang maglakad kaysa sa akin, napapansin kong nagkukuwentuhan pala sila. Bigla nalang kasing lumipad ang utak ko.
Pumasok agad ang ideya sa akin na dadaan na naman kami kina Gael. Napasulyap ako sa direksyon nila at nanlamig ako nang nakatingin silang lahat sa amin. Lalo na kina Clark at Lawron na nag-uusap.
Tumayo si Gael na may hawak na orange juice.
Alam kong papagitna siya kina Clark kaya balak ko sanang ihila palayo si Lawron. Bago pa man dumapo ang kamay ko sa uniform niya ay kitang-kita kung paano siya binangga ni Gael.
Natumba si Lawron sa akin kaya sabay kaming bumagsak sa sahig.
Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang makita ang uniform ko. 'Yung puting uniform ko..
"Ma.." Mabilis na tumayo si Lawron para aalalayan akong itayo. Kahit may bahid ng sabaw ang damit niya, mas inuna niya akong linisan. "Shit, uniform mo.."
Hindi pa rin ako makapagsalita dahil para akong nabingi.
Pilit kong pinapakalma ang sarili ko. Gusto kong sugurin si Gael. Gusto ko siyang sapakin at ingudngod ang mukha niya sa sahig. Halos manginig na ako sa kinatatayuan ko pero walang lumalabas sa bibig ko.
Kahit nanlalabo pa ang buong sistema ko, nakita kong kinukuwelyuhan ni Clark si Gael. Nataranta ako bigla dahil baka makagawa siya ng masama. Nang narinig ko na ang mga sigaw niya, kahit nanginginig pa ako, pilit kong nilalayo si Clark.
"Clark... baka maguidance tayo.. please," pakiusap ko.
Wala kaming lakas. Wala kaming kapangyarihan. Madali rin kaming makikick-out kung gawin kaming masama.
"Ano? Hahayaan lang natin?" malakas na tanong ni Clark. Malapit ko na siyang mailayo pero nagulat na naman kami nang tinapon ang juice kay Lawron at sa akin... sa mismong dibdib ko pa.
Hinugot ko ang hininga ko dahil marami na ang nakatingin sa akin. Lalo na't nakikita na ang mismong panloob ko. Doon na ako nalunod sa nararamdaman kong umaapaw.
"Kaya naman pala, Clark." Sumipol si Gael. Kinilabutan ako nang nakatingin siya sa katawan ko. Sobra akong nandidiri sa mga tingin niya. Alam ko naman may lakas pa ako para saktan siya sa pambabastos sa akin pero mas naunang pumiglas si Clark.
"Tangina mo!"
Maraming nangyari at napagtanto ko nalang na nasa harapan ko na si Lawron para takpan ang harapan ko. Hawak-hawak niya ang mga braso ko habang tinitingnan ang paligid.
Maraming nakatingin sa akin... lalo na't mga lalaki..
"Ang tapang naman." Tumawa si Gael. "Ang lakas din naman ng loob mo na iwan kami. Matapos naming pagtiisan ka, ganoon nalang 'yun? Diyan ka talaga papanig?" Tinuro niya kami ni Lawron. "Talaga, Clark? Wala ka na bang taste sa pagpili ng kaibigan? Dito talaga sa lumpo na 'to?"
Mas lalong nagalit si Clark nang dinuro-duro si Lawron. Parang iyon na ang huling straw niya para mas lalong kuwelyuan si Gael. 'Yung tipong malapit na niyang ihiga sa lamesa nila.
Nakita kong tumakbo hanggang sa makarating sa amin sila Heroic. Agad din naman kaming inalalayan palayo. Sila Forsythe at Boss ay hinihila si Clark palayo hangga't hindi pa siya sumusuntok.
"Tangina," bulong ni Heroic at pinupunasan ang mantsa sa uniform ko. "Tiningnan ka niya. Tangina niya."
"Nagagalit ako," sabi ni Danger nang sinuot niya sa akin ang jacket niya. "Sandali lang." Ramdam na ramdam ko ang pagkulo ng dugo niya dahil sa pagnginig ng mga kamay niya. Balak pa niya atang pumunta sa gulo.
"Huwag na, Danger, please," pakiusap ko.
Kailangan ko talagang pigilan sila. Kaya kong tiisin lahat basta hindi sila makagawa ng ikakasama sa kondisyon namin.
"Hindi. Puta. Binastos ka eh."
Hinawakan ko ang kamay niya at nakiusap sa mga tingin ko.
"Punong-puno na ako sa inyo. Hindi ko kayang kasama ang mga katulad niyo!"
"Aba! Wala akong pake!" sigaw pabalik ni Gael. "Wala ka na rin namang silbi eh! Eh 'di diyan ka na sa kanila!"
"Hindi mo ako kailangang pagsabihan dahil hindi ko naman kailangan ng salita mo! Hindi naman ako nagsisisi na iniwan ko kayo. Iyon pa nga ang pinakamagandang desisyon na ginawa ko!"
"Tama na.." bulong ni Boss kay Clark habang tinatapik ang balikat niya.
Tumawa nang malakas si Gael bago niya kami tingnan isa-isa. Para bang may nakakatawa sa aming lahat. Para bang may alam siya.
"Guys," tinawag niya ang iba pang nakaupo sa lamesa. Tuwang-tuwa pa sila habang nanonood sa gulo. "Napapansin niyo ba ang napapansin ko?"
Nakitawa rin ang iba. Nakakaasar ang mga tawa nila.
"Alis na tayo.." bulong ko sa iba. Hinihila ko na sila paalis doon. Hinihila ko rin ang kamay ni Danger. Please, ayaw natin ng gulo 'di ba?
"Magaling ba?" tanong bigla ng isa sa kanila.
Napakunot ako ng noo dahil nakatingin sila sa akin.
"Malakas." Tumawa 'yung Gomez at Quezon. "Nakaya ang pito? Masyado na bang wasak?"
Mas lalo akong nanghina. Ngayon lang ako nabastos nang ganito.
"Fuck."
Pumiglas si Clark at nilapitan si Gael. Hindi rin ito napatalo. Binangga pa ang dibdib ni Clark.
"Gusto niyo bang ibulgar ko ang baho niyo?" tanong niya kaya natigilan kaming lahat.
Anong alam niya?
"Halika na, please. Umalis na tayo rito," bulong ko sa kanila.
Wala rin tayong magagawa.
Nakita kong nakatingin siya sa direksyon namin. Pero unti-unti kong napapagtanto na nakatingin pala siya kay Heroic na nasa tabi ko.
Tinago ako ni Heroic sa likuran niya. Nakatingin din siya kay Gael.
"Halika na," sabi niya. Hinawakan na rin niya ang iba para makaalis na.
Hindi talaga kami makakilos.
Nasa aming lahat na ang atensyon. Kaso hindi pa roon nagtatapos dahil narinig pa naming pumalakpak si Gael. Sumabay din ang iba para asarin kami lalo.
"Huwag kayong masyadong mapanatag. Alam kong kilala niyo kung sino ang binangga niyo." Tinuro niya ang sarili niya at muling napapalakpak. "Umaakto pa kayong mahihina para kayo ang kaawaan. Sige, ilalabas ko ang dumi para ipakita kung gaano talaga kalala."
Bumalik siya sa upuan niya at grabe kung makakangiti. Sobrang satisfaction ang nasa ngisi niya nang makita kami sa kalagayan namin ngayon.
Tumalikod na kami.
Bago pa kami makalayo ay may narinig pa kami mula mula roon. "Akalain niyo? Bagay naman sila..."
Humalakhak silang lahat.
"... mga kriminal."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com