Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 28

08/02/22 : hbd, mark lee!

warning: this chapter
and all of the chapters
to be followed will be
consisted of sensitive
and triggering contents.

Punong-puno na ako. Hindi na nga ako makapag-focus sa pag-aaral ko, nangangamba pa ako sa pagbabanta sa amin. Ngayon, hindi ko mapigilang mapaisip sa sarili ko. May mga issue kaya na makakasira sa akin? Sa buong buhay ko, alam kong wala namang kaming ikinaharap na problema. Parehas doktor ang mga magulang ko at hindi naman makabuluhan ang buhay ko noon bago magkolehiyo. Alam ko namang malinis ang track record ko.

Pero hindi ko mapigilang mapaisip sa iba. Hindi ko rin gaanong alam ang buhay nila dati. Bukod sa hindi nila binubuksan, hindi ko rin kayang buksan ang topic na iyon.

Napapaisip ako tungkol kay Danger, malakas ang kutob ko na ib-bring-up ang pagiging anak ni Dancio Rose. O hindi kaya ang mga gawain siya sa Noground.

Pati na rin kay Clark. Tungkol sa pamilya niya o sa mga sikreto na maaaring nasabi niya kina Gael. Baka pa nga gumawa ng kuwento para masira pa ang image niya.

Pumasok na rin ang iba sa utak ko. Natatakot na talaga ako. Hindi ko rin alam ang gagawin ko kung ano man ang mangyari kinabukasan. Parang ayaw ko na nga magising at manatiling tulog kahit isang linggo lang.

"Please.." bulong ko at napapikit. Pinagdikit ko ang mga palad ko. Ilang beses akong huminga nang malalim.

Nakaramdam ako ng mga bisig na bumalot sa akin mula sa likuran ko. Lilingon sana ako nang pinatong niya ang pisngi niya sa balikat ko.

"Heroic?" Kinapa ko ang ulo niya. Sa lambot ng buhok niya, alam kong siya ito.

"Anong bumabagabag sa'yo?" tanong niya.

"Lahat," sagot ko naman at tumawa.

Naramdaman kong napatango siya at mas lalong hinigpitan ang yakap niya sa akin. Hinawakan ko ang mga bisig niya, mahinang tinatapik ito. Alam ko ring nangangamba rin siya sa nangyayari.

"Gusto mo bang kumain? Magluluto ako."

Napailing ako. "Wala na ngang ulam sa loob ng ref, wala na ring tinapay."

"Ay? Masyado na ba tayong naghihirap ngayon?"

Awkward akong tumawa. Mukhang ganun na nga.

"May tinabi pa akong pera. Gusto mo bang kumain sa labas?" bulong niya.

Napailing ulit ako. "Itabi mo nalang 'yan. Wala rin akong ganang kumain, eh." Napbuntong-hininga ako.

Humiwalay na siya sa akin at umupo sa lamesa ng balcony para harapin ako. Umangat pa ang paningin ko para makita siya. Kitang-kita ko ang pag-aalala niya. "Anong gusto mo?"

Umiling ako. "Wala. Ikaw? Gusto mo bang kumain? Sasamahan kita."

Umiling din siya. Sige, mag-ilingan lang tayo, Heroic Wilson.

"Ikaw nga tinatanong ko eh. Kanina ka pa tahimik."

Mahina akong tumawa at sinandal ang sentido ko sa hita niya.

Hindi ko alam kung inaantok na ba ako o baka nanghihina lang ako. Basta gusto ko lang muna ng kasama habang nasa katahimikan.

Naramdaman ko na sinusuklay niya ang buhok ko. Atleast, nakakahinga pa naman ako sa oras na 'to.

"Bakit ka pala tinitingnan ni Gael at nung iba? Magkakilala ba kayo noon?" tanong ko.

"Sinagot ko lang ang tanong ng counselor kung sino ang gumawa noong pinagtrip-an nila 'yung janitor. Hindi ko lang napigilan ang sarili ko pero bakit ko naman hahayaan ang nasaksihan ko? Nawalan na nga ng trabaho 'yung tao tapos nasaktan pa."

Agad akong napabangon sa narinig ko. Parang puzzle na nakumpleto ang impormasyon sa utak ko. Hindi ko na maisa-isa pero naiintindihan ko na ang nangyari.

Nabasa niya ang reaksyon ko. Ngumiti siya at sinuklay ang buhok ko na nakaharang sa mukha ko. Pumalakpak siya bago umupo sa bakanteng upuan na nasa tabi ko. "Catch-up tayo. Hindi tayo masyadong nakakapag-usap dahil busy sa school."

Sumandal ako sa braso niya saka kinuwento sa kaniya ang mga ganap sa school. Simula sa mga subjects ko hanggang sa mga posible naming maging topic in the future kasi nag-aadvance reading ako tuwing nagbabasa ako. Kahit hindi masyadong pamilyar si Heroic doon dahil magkaiba ang program namin, nakikinig lang siya sa akin.

Siya naman ang pinagkuwento ko sa mga ganap niya sa school. Wala naman daw pero nakuwento niya 'yung mga prof niyang matataas ang standard. Sa huli, taimtim akong nakikinig ng mga rant niya.

Medyo napatigil kami saglit sa pag-uusap nang makita si Forsythe na naglagay ng dalawang mug na may iced coffee at iced milk. Gulat ko siyang tiningnan. Hindi namin siya inutusan o ano.

"Huy!" nakangiti kong sabi at kinuha ang sa akin. "Salamat, Forsythe."

"Actually-" napatigil siya saglit at umangat ang tingin. Umangat ang paningin ko sa kaniya kaya agad niya kaming tiningnan. "You're welcome. Inom muna kayo."

Lumingon din ako sa loob ng bahay kung sino ang katinginan niya. Wala namang tao roon kaya nakakunot ang noo ko nang bumalik ang puwesto ko.

"Hindi mo ba ako papatulugin?" tanong ni Heroic pero uminom lang naman din sa kape.

"Decaf 'yan."

"Yieee," kusa lang iyon na lumabas sa bibig ko. Bago pa dumikit ang labi ko sa mug ay napakiramdaman ko na nakatingin silang dalawa sa akin. Natigilan naman ako. "Sorry, automatic lang kasi 'yun lumalabas sa akin."

---

Walang katapusang klase. Wala talaga akong lakas ng loob para pumasok pero wala akong magagawa. Mukhang sariwa pa ang nangyari kaya may napapansin akong may napapatingin sa akin tuwing naglalakad ako sa hallway. At bago pa magsimula ang panibago naming subject, may narinig ako sa mga kaklase ko na nakaupo sa harapan ko na nag-uusap.

"Nakita mo ba 'yung bagong post ng Unodawn? Nasa website. Ilang taon nang hindi ginagamit 'yun."

"Grabe, nabasa ko kanina habang papunta ako sa school. Nanghihina ako."

Hindi ko nailabas ang phone ko dahil dumating na ang prof. Laking panghihinayang ko na hindi ko nabasa agad kung ano mang pinost doon dahil buong leksyon ay lumilipad ang utak ko tungkol doon. Ang nasa isip ko lang buong oras ay kailangan kong mabasa ang pinag-uusapan nila.

Nakarinig na rin ako tungkol sa posting site ng mga estudyante ng NU. Pero hindi ko naman tiningnan noon kasi wala namang dahilan para tingnan 'yun. Ang alam ko roon ay nagpopost doon ng mga confessions, rants, o mga hot issue. Ayaw ko rin namang tumingin kasi alam kong sasama ang loob ko noon. Ngayon, kinakabahan ako lalo na't may nangyari sa amin bago nabuhay mula ang website.

Saktong pagdismiss ng prof sa amin, nilabas ko ang phone ko. Nanlalamig ang mga daliri ko pero pinilit ko ang sarili ko na tingnan ang pinag-uusapan ngayon ng kaklase ko. Naririnig ko silang lahat na pinag-uusapan ang pare-parehas na topic.

"Kung ako sa'yo, huwag mo nalang basahin. Wala man lang trigger warning or such."

"I really feel bad."

"Lima 'yung pinost ngayong araw. Grabe. Saan naman nila nakiukuha 'yun? Parang imposible 'yung Top 1 at 2 eh. As in. Nakakalungkot. Sino kaya 'yun?"

Napatingin ako sa kaklase kong nag-uusap nang dumaan sila sa gawi ko. Halo-halo na rin ang naririnig ko kaya tuluyan ko nang binuksan ang site. Pinatong ko ang phone ko sa lamesa at hinawakan ang mga kamay ko. Hinintay ko ang pagload ng site hanggang sa nakita ko na ang top 5 new stories na nasa home ng Unodawn Page.

1. Child for RENT!
2. Untitled
3. Rich young varsity player, ulila na ba?
4. Anak ng Kurakot sa Noground
5. Artist wannabe and its pathetic selling stategies

Those are the headlines. Kahit hindi ko pa kaya, binasa ko ang tatlo mula sa ibaba. Mukhang kilala ko kung sino ang tinutukoy pero hindi ko kayang basahin nang maigi dahil ang dami kong nababasang disinformation.

Hinigpit ang pagsusulat tungkol kay Clark at talagang sinira ang image niya. Hindi siya tinakwil, hindi namatay ang magulang niya at lalong hindi niya binebenta ang mga kagamitan sa bahay nila para may pambili ng ipinagbabawal na gamot! Jusko! Halatang paninira talaga ang purpose nito!

Napasapo ako ng noo nang mabasa ko ang tungkol kay Danger na palaging nasa Noground. Gusto ko talagang manuntok nang mabasa ko na ginagamit daw ni Danger ang kaban ng bayan sa pagpupusta roon. Ni hindi na nga siya masyadong pumupunta roon! Kilala ko siya at alam kong wala siyang pera ngayon dahil pinaggagastusan niya ang sasakyan sa pagpapa-change oil. Alam kong may tinatago si Danger pero alam kong hindi siya magsisinungaling. Naiimagine ko na ang reaksyon niya kung mabasa ito. Baka nga pagtawanan pa niya ito kasi ang trying hard nilang manira. Maiinis tuloy siya dahil sobrang bata pa niya (blonde ang dulo ng buhok niya) sa litrato na nakaattach dito.

Nalungkot ako para kay Orion. Alam ko talaga na bababa ang confidence niya kung maalala niya ang pinagdaanan niya sa pagbebenta ng pininta niya. Nakakagalit talaga. Bakit kailangan pa nilang puntiryahin ang bagay na iyon? Kitang-kita naman ang paninira nila sa kakayahan ni Orion dahil lang tinanggihan siya ng mga art dealers sa mga museum.

Naghanap pa ako ng bagong pinost pero lima lang ang mayroon. Sa totoo lang, naghahanap din ako ng sa akin pero wala akong mahanap.

Tiningnan ko rin ang unang article. Wala talaga akong alam kung sino ito. Baka naman iba 'to?

Nilakasan ko ang loob ko at binuksan iyon.

Title: Child for RENT!
Author: Anonymous

Hindi pa rin ako makapaniwala na nag-aaral na sa Nodawn University 'yung batang binalita. Ilang taon na ang nakalipas pero sariwa pa rin ang issue na iyon. Tungkol iyon sa pagbebenta sa kaniya ng mga magulang niya sa mga tao, dayuhan man o naghahanap lang din ng bata. Walang may alam kung anong ginagawa ng mga nagbabayad sa bata. Ilang beses na raw siyang binili hanggang sa Hindi rin alam ng mga pulis kung ginagamit ba 'yung bata sa malalaswang gawain dahil hindi rin ito nagsasalita tungkol doon. Nasaksihan daw niya ang pagkulong ng mga magulang niya sa patong-patong ng kasong child trafficking at child abuse. Kahit hindi nakilala ang bata noon, may natanggap na impormasyon na nag-aaral siya sa rito. May nagbigay din ng impormasyon na dahil nakakulong ang mga magulang niya, ang perang pambayad ng tuition niya ay galing sa mga suki niya simula pagkabata. Talagang mananatili sa nakasanayan kung kinakailangangan talagang kumapit sa patalim.

Noong una, parang imposible naman na kilala ko ang binasa ko. Wala naman akong ideya kung sino ito pero grabe rin ang lungkot ko. Wala namang nakalagay kung kailan ito pinost kaya hindi ko alam kung luma na ba ito at nagtrending ulit o bagong post ito.

Nag-scan din ako sa comment section. Maraming nagtatanong kung sino raw iyon. Marami-rami rin ang humihingi ng face reveal. Nasusuka na ako sa ibang mga chismosa. Pero may iilan akong nababasa na huwag na iyon halungkatin dahil para naman 'yun sa estudyante. Maging sensitibo raw dahil parang lumagpas na raw sa linya ang post.

Mabigat ang loob ko nang pinindot ang pangalawa.

Title: Untitled
Author: Anonymous

Tungkol ito sa issue na kinakama ng estudyanteng babae, kikilalaning A-Student, ang mga professor sa university para maipasa ang mga subject 20 years ago. Kumuha siya ng programang Education ngunit hindi nakapagtapos dahil itinanan siya ni Professor F matapos magpabuntis. Ayon sa matalik na kaibigan ni A-Student ay ang dahilan niya ay upang makatakas siya sa responsibilidad niya sa pag-aalaga ng kaniyang nakababatang kapatid at sa responsibilidad sa kanilang bahay. Nasabi rin na kasalukuyang nag-aaral din sa NU ang kapatid nito. Kinakama rin ba niya ang mga prof para makapasa siya sa mga course niya parehas sa nakakatanda niyang kapatid?

Para akong nanigas sa nabasa ko. Lalo na sa comment section na puro pag-iinsulto sa kapatid at sa kaniya. Wala talaga akong ideya at never ko pang narinig ito mula sa ibang members ng Gumdrop. Napaisip ako na baka parehas din ito sa nauna kong nabasa. Luma at nagtrending ulit o bagong post din.

Nakilala ko kasi agad ang tatlo at wala na akong makilala sa iba. Wala na ring akong mahanap na ibang bago.

Napahalpos ako nang mariin sa noo ko. Pag-uusapan nalang namin ito mamaya. Gusto ko talagang ipabura ito kay Boss.

Hindi ako mapakali pagdating ng lunch. Hindi na nga ako nakakuha ng pagkain at dire-diretsong naglakad papunta sa lamesa namin. Dumaan ako sa mesa nila Gael pero hindi ko sila pinansin o ano. Kaso bago pa ako makarating sa lamesa namin ay walang katao-tao roon. Bumalik ako sa paglalakad sa labas ng cafeteria kaso hinarangan ni Gael at Sanve ang dinadaanan ko.

Mabigat na buntong-hininga ang nailabas ko dahil nananadya talaga sila.

Bored ko silang tiningnan. Nanonood pa naman ang iba nilang kasama. Hindi naman nila deserve ng effort ko kahit pag-irap kaya nagpanggap nalang ako na hindi sila nakita at dumaan sa kabilang daanan ng cafeteria. Hindi nila ako nahabol kasi mabilis ang paglalakad ko.

Nang makalabas ako sa cafeteria, kukunin ko sana ang phone ko. Kaso nakita ko si Heroic na naglalakad sa akin at kinaway ako.

"Heroic.." Napanguso ako. Tumakbo ako para mayakap siya. "Nabasa mo na ba 'yung nasa website?" tanong ko.

"Oo. Tara. Nasa rooftop silang lahat."

Dinalian naming maglakad at talagang maingat kami sa dinadaanan namin. Sana ay walang nakasunod sa amin.

Nakarating na kami sa rooftop. Nakita ko sila Clark na nakaupo sa lumang lamesa ng cafeteria. Una kong nilapitan si Orion na nakayuko. Niyakap ko siya mula sa likuran at hinimas-himas ang mga balikat niya. Nakilala niya naman ako at niyakap niya ako pabalik. Naramdaman kong napapahikbi siya kaya mariin akong napapikit.

"Anong plano? Idedelete ang site?" tanong ko.

Nasa tabi rin pala si Danger kaya inextend ko ang bisig ko para mayakap din siya. "Okay lang ako, Wala 'yun sa akin," bulong niya. Niyakap din niya si Orion.

"Still working on it," seryosong sabi ni Boss at dire-diretsong nagtitipa sa laptop niya.

"I'm really.. really sorry.." sabi ni Clark.

"It's not your fault. Malalagpasan din natin ito." Tinapik ni Heroic ang balikat niya.

"Pero 'yung Top 1 and 2 story..." Dahil nabanggit iyon ni Orion sa gitna ng mga luha niya, nanahimik kami saglit. "Sino 'yun..."

Tuluyan kaming binalutan ng katahimikan. Naghihintay kami kung sino ang sasagot pero walang nagsasalita.

Isa-isa ko silang tiningnan. Palihim akong nagdadasal na sana ay wala iyon sa amin. Sana hindi sila iyon.

Si Lawron ay nakayuko lang. Si Forsythe ay nakatingin sa amin. Si Heroic ay hinihimas ang likuran ni Clark. Si Boss naman ay bumalik sa paggamit ng laptop. Sila ang una kong inobserba dahil kilala naman namin ang tatlong pinag-usapan. 'Yung tungkol talaga sa una ang pangalawa ang kailangan naming malaman kung bago lang din iyong pinost o ano.

"Naiintindihan namin na mahirap umamin pero... sana kung gusto niyong magsalita, makikinig naman kami.." dahan-dahang sabi ni Orion.

Humiwalay ako para makaupo sa bakanteng upuan. Naghihintay din ako kung sinong aamin kaya inaabangan ko ang iba sa amin.

"Sana sabihin niyo na hindi kayo 'yon.. o kung kayo man iyon, sana sabihin niyo na may mali at parehas lang din sa iba ay pinalala lang," pagmamaakawa ko. Para kasing pinupunit na rin ako ng katahimikan. Hindi ko alam kung sasaya ba ako na walang sumasagot kasi hindi iyon sa amin o masasaktan dahil sinasarili lang niya iyon kaya hindi sila umaamin. "Please..."

Hindi na ako nagtanong pa. Hinayaan nalang namin na lamunin kami ng katahimikan. Hinintay nalang namin na mag-time at pumunta sa kaniya-kaniyang schedule.

Kaliwa't-kanang bulungan ang naririnig ko buong araw. Gusto ko na talagang umuwi kasi nakakapagod na sa school. Gusto ko munang umabsent hanggang sa humupa na ang nangyayari. Kahit isang linggo lang. O kahit isang buwan. Basta mabawasan ang tension at ingay sa buong paligid. Kaso hindi talaga puwede dahil hectic ang upcoming activities ngayon.

Medyo nakampante naman ako kahit kaunti matapos mag-isip. What if walang umamin kasi naghihintay din silang umamin ang iba at sa huli, wala naman talaga?

Parang nahihibang na ako.

Kahit sa bahay, pinili ko nalang na maging tahimik. Natulog muna ako pagkarating at nag-alarm ng 8 PM para mag-aral. Sayang din kasi ang oras kung mahaba ang tulog ko.

Dahil pakiramdam ko na sobrang bagal ng oras, akala ko sobrang haba ng tulog ko dahil hindi pa ito nag-aalarm. Nagising nalang din ako bigla dahil nauuhaw ako. Naalala ko rin pala na hindi pa ako kumakain ng lunch.

Pag-upo ko sa kama ay tiningnan ang phone ko. Naiipon na ang inis ko dahil lowbatt na pala ito. Nakalimutan ko icharge habang natutulog ako. Kaya balak kong kunin ang charger sa bag ko.

Saktong pagtayo ko ay nawalan ng kuryente.

Malutong na mura ang lumabas agad sa utak ko at muling napaupo sa higaan. Don't tell me, naputulan na kami ng kuryente dahil hindi pa nagbabayad?

Sinabunutan ko na ang sarili ko. Ano ba ang nangyayari? Bakit naman biglang nagsasabay-sabay 'tong nangyayari sa amin?

Ilang beses akong napapabuntong-hininga habang walang makita sa dilim. As in, wala akong makita dahil sobrang itim ng paligid.

May kumatok sa pintuan nang maraming beses. Bago pa ako makapagsalita ay bumukas na ang pinto. Si Boss, may hawak na ilaw.

Mahina akong tumawa at inangat ang phone ko. "Deadbatt ang phone kaya wala akong ilaw."

Napabuntong-hininga siya. Inangat din niya ang ang solar lamp na hawak niya. "Pinuntahan kita agad kasi hindi ka sanay sa dilim." Kahit nanghihina, napangiti pa rin ako. Sinenyasan ko siyang pumasok kaya naglakad na siya palapit sa akin. "Tara, kain tayo. Hindi ka nga pala kumain kaninang lunch," aya niya.

"Nasaan sila?" tanong ko.

"Kalalabas palang dahil walang kuryente. Halika na."

Bumagsak ang mga dulo ng labi ko. "Ano nang mangyayari?"

Natigilan siya bago unti-unting tumabi sa akin. "Sorry, I failed to..."

Napabuntong-hininga ako. Una, nasira ang image ni Clark at Danger. Sunod, sobrang nalungkot si Orion sa pinost. Tapos kinakabahan pa kami kung para kanino ang una at pangalawang post. "Hindi, Boss. Hindi mo rin kasalanan dahil wala rin naman sa kontrol natin ito. Hindi rin natin alam kung ano ang mga balak ng kabila."

Mahirap din kumilos dahil walang-wala kami.

Wala nga kaming kuryente eh.

Ako na ang nag-aya para lumabas. Nakasabay ko si Lawron bumaba kaya may nakikita pa ako sa daan dahil may dala rin siyang kandila.

Saktong pagkarating namin sa kusina ay nakaupo sila sa hapagkainan, iniilawan ng mga kandila.

Sumabay ako sa katahimikan at tumabi kay Heroic. Tinitingnan niya ang ibang nakayuko.

Nang makarating na si Boss sa lamesa, nagkaroon pa ng liwanag sa paligid namin. "Sinubukan kong makipag-usap kay Mr. Yu pero hindi siya available kaya si Ms. Ada ang tinawagan ko tungkol sa sitwasyon natin. Baka maya-maya, mayroon na tayong kuryente."

Napatango kami. Salamat dahil nakikinig si Ms. Ada.

"And regarding sa mga post, hihingi ako ng consent niyo na buburahin. Pero napapaisip din ako kung ano pa ang magagawa ng kabila kung subukan natin silang labanan," dagdag pa niya.

"Bakit pa buburahin kung nabasa na ng iba at panigurado, may mga kopya na rin sila dahil alam nilang mabubura 'yun?" tanong ni Orion.

May punto siya kaya hindi na kami nakaangal.

"Mas lalo lang silang matutuwa na nakikita tayong sobrang naaapektuhan," sabi ni Clark. "Sorry talaga sa inyo. Sorry."

"Pero 'yung una at pangalawang post.." mahinang pagbabanggit ni Danger. Binalutan na naman kami ng katahimikan dahil nabring-up 'yun. "Sino 'yun?"

Wala talagang umaamin kaya napapaisip talaga ako na baka wala talaga sa amin.

"Kung walang sumasagot, baka hindi iyon para sa atin," sabi ni Heroic. "Alam kong mahirap imanage ang nararamdaman natin ngayon pero ipapaalala ko sa inyo na may mga magagandang araw pa na darating para sa atin."

Sa mga salita niya, medyo gumaan ang pakiramdam namin. Hindi ko na talaga madetermine ang nararamdaman ko dahil umaaapaw na ito masyado.

Masyadong mababa ang loob namin ngayon. Pero pumapangibabaw din ang magcocomfort sa amin ni Heroic. Kahit papaano nakakaya pa namin ang bigat.

Hindi ko na rin inaakala na pipilitin ko nalang ang sarili ko na pumasok sa mga susunod na araw. Sinubukan ko namang hindi pansinin ang mga bulungan sa paligid pero nag-aalala pa rin ako sa kalagayan nila Clark, Danger at Orion na aware sila na sila ang pinag-uusapan. Puwede ko bang sipain mga itlog ng kampon ni Gael? Gustong-gusto ko talaga ingudngod sila sa kanal.

As usual, nagkita-kita kami sa rooftop kung saan na kami nagtitipon tuwing lunch. Hindi namn kayang pumunta sa cafeteria na ganito pa ang sitwasyon. Baka inaabangan pa kami ng kabila roon.

Nagdala si Heroic ng baunan na hindi namin inaasahan. May mga niluto pala siya sa bahay na mga de latang ulam para maging lunch namin ngayon. Kaya pala sabi niyang medyo magpapalate siya sa pagpasok.

Hindi kami tumitigil sa pasasalamat kay Heroic habang hinahainan kami ng tanghalian.

"Pakabusog kayo, ha? Huwag niyo na isipin 'yung mga sumisira sa buhay natin. Takot lang sila dahil malalakas tayo."

Kahit doon, lumakas din ang loob namin.

Natawa pa nga kami dahil may dala siyang mga paper plates at kubyertos. Nag-volunteer kami ni Danger na kami ang magtatapon ng mga plastic na pinaglagyan ng mga kanin at ulam pero inako nalang ni Heroic kasi dadaan daw siya sa trashcan sa likuran ng College of Education.

Nauna na akong nagpaalam dahil may quiz pa kami sa first session. Nakakapanibago lang dahil tahimik ang mga kaklase ko ngayon. Parang busy sa pag-rereview. At last! Mukhang may maganda ring nangyayari ngayon.

Ilang minuto nang late ang prof namin. Hindi ko nga napansin dahil binabasa ko ang flashcards ko na ginawa namin ni Orion. Nawala bigla ang focus ko nang biglang nag-ingay na naman ang paligid, hawak-hawak ang kanilang mga cellphone.

"May bagong post! Tingnan niyo!"

"Picture nung bata! Hala! Iisang bata lang ang Top 1 and 2 story?"

"Grabe! Tingnan mo! Iisang batang lalaki lang talaga! Nakikilala mo ba?"

Nataranta ako bigla kaya kinuha ko na rin ang phone ko. Nagsimula nang manlamig ang mga dulo ng daliri ko pero tinutulak ko pa ang sarili ko na buksan ang website ng Unodawn. Ni hindi na rin ako nakakahinga nang maayos simula nakita ko ang panibagong top post doon.

1. The boy = Untitled & For rent! (PICTURES)

Agad kong hinanap ang mismong mukha pero masyadong marami ang mga screenshot ng balita na pinoprotektahan pa ang mukha ng bata. Pinakita rito ang mga rooms ng motel kung saan raw nanatili ang bata kasama ang mga dayuhan. Marami pa ang mga kinuhaan ng litrato, galing pa sa mga documentary ng mga pulis. Pati na rin ang nakacensored pa na mukha ng bata. Hanggang sa huling mga litrato ay tinakasan ako ng kaluluwa dahil nakilala ko agad ang mukha niya.

Tumayo ako bigla kaya nakalikha ng napakalakas na tunog. Wala na akong pake kung tingnan at pag-usapan nila ako. Kailangan kong makaalis dito.

Tumakbo ako palabas... palabas ng room... palabas ng College of Nursing Building. Nakarating na ako sa College of Education at nakita kong tumatakbo rin si Forsythe palabas ng kabilang building.

"Si Heroic.. puntahan natin si Heroic. Please.."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com