Chapter 3
I am enjoying learning some new things. I may experience shits here in this place but I can't deny that I'm learning everyday. I also learned that I should prioritize myself to leave this place. Kasi alam ko namang magiging maayos ang buhay ko kung wala na ako rito. Itong lugar lang kasi ang problema sa buong buhay ko.
"Excuse meeee!" Hinawi ko ang mga taong humaharang sa daanan ko. Wala na akong oras para kumain ng lunch kung maglalakad lang ako sa hallway. Kaya ito ako, tumatakbo para maabutan ang menu ngayon na Burger Steak.
Masyado akong natakam doon kaya kailangan kong maabutan 'yun. Bukod sa ulam, kailangan ko ring maabutan ang afternoon course ko.
Atlast, nakarating ako sa naglalakihang cafeteria ng NU. Late ako nang ilang minuto sa lunch. Bilang na tuloy ang lunchtime ko. Dumeresto ako sa counter at naabutan ko ang mga dish na sineserve.
"Tumakbo ka na naman, Bloom?" tanong ni Ate May, ang server sa counter. Kilala na niya ako dahil alam niyang nagpapalagay ako ng kamatis sa bawat lunch ko. Ilang buwan na rin kaya automatic na niyang nilalagyan ng preskong kamatis ang pagkain ko.
"Kailangang maabutan ang Burger Steak mo, Ate May." Pinupunasan ko ang noo ko habang tumatawa.
"Malapit nang maubos kanina. Mabuti na lang, nakapagtabi ako para sa'yo," bulong niya habang nilalagay sa tray ang plato ko.
Humighik ako at binigyan siya ng flying kiss. Kahit wala akong kaibigan dito sa NU ay masaya akong nakakasundo ko ang chef at server na si Ate May na nagrereserve sa akin ng mga paborito kong pagkain.
"Hinay-hinay lang, Bloom! Baka marumihan ang uniform mo!" paalala pa ni Ate May habang binubuhat ko na ang tray ko.
"Thank you, Ate! Mwaps!"
Dumeretso na ako sa palagi kong inuupuan. Mabuti na lang, walang umuupo rito dahil medyo malayo. At ako lang ata ang nakakatiis na maglakad papunta rito.
Ilang buwan na akong pumapasok at napakalayo talaga ng expectation ko sa college. Kasi ngayong college, ang DAMING gawain. Like wow! Bawal ka talagang tamarin dito. Kung gusto mong magkaroon ng 8 hours of sleep, kailangan mong imanage nang maayos ang oras mo sa pag-aaral, paggawa ng mga outputs at iba pang school works. Paminsan nga, parang kulang pa ang walong oras dahil sa sobrang daming gawain, gusto mong matulog nang matagal sa sobrang pagod. Madalas nga ata, kulang na ang mga tulog ko.
Pero masyado atang malakas ang inspirasyon ko na makapagtapos ng pag-aaral para umalis dito. 'Yun lang ang nagpapalakas sa akin lalo para tiisin ang unang semester sa school na 'to. Mukhang marami-rami pa ang madadaanan ko kaya kailangan ko nang mag-expect ng mga malalala na mangyayari.
"Jennifer?"
Muntikan na akong mabilaukan sa kinakain ko. Napaangat ang tingin ko sa isang lalaking umupo sa bakanteng upuan sa harapan ko.
"Jennifer? Ikaw ba talaga 'yan?"
Napakunot ang noo ko para tandaan ang pangalan niya. Sa bait ng mukha niya, naalala kong siya ang tumulong sa akin noonㅡbago magpasukan.
"Jon," sigurado kong pagbabanggit ng pangalan niya. Napatango rin agad siya. Aba, dapat lang na maalala ko ang pangalan niya! Dalawa lang kasi silang tumawag sa aking Jennifer. 'Yung isa, ang pahamak na si Danger na mabuti na lang ay hindi ko na nakikita.
"Kumusta ka na?" Napaayos siya ng upo.
"Ito, buhay pa," sagot ko. "Ikaw?" tanong ko pabalik.
"Kinakaya ang college," sagot naman niya.
Natawa na lang kami.
"Nga pala," panimula ko. "Bloom Jinx Marcues ang tunay kong pangalan." Baka kasi habang buhay na niya akong tawaging Jennifer. Basta talaga naririnig ko 'yun, naalala ko na naman ang nangyari noon. Isang masamang bangungot na mas lalo akong nababangungot tuwing naalala ko.
Tumawa siya bago nagsimulang kumain ng sandwich niya. "I know."
Napakunot ang noo ko habang naipon ang mga sinubo ko. Alam pala niya? Eh, bakit tinawag niya akong Jennifer? Jusko. Kahit ako, mukhang naiinis lang ako lalo kung sa akin mismo nanggaling ang pangalan na 'yun. Pasensya na sa mga Jennifer pero kapag nababanggit ko kayo ay naiisip ko ang kapahamakang binigay sa akin ng mismong pahamak na si Danger.
"Nakasabay kita sa faculty room noon at nakita ko ang pangalan mo sa output na ipapasa mo. Tatawagin sana kita kaso nagmamadali kang umalis. Mabuti ngayon, nakita kita."
Napakamot ako ng batok sa sobrang hiya. Parang simula noong nagsimula ang klase, nagfocus ako masyado sa klase. Sa University? It's either, takbo here and takbo there. I can't waste time. I'd rather use my time to study. Kung tapos naman ako magstudy, tulog.
I guess, kahit sa ganitong lagay ay nag-eenjoy pa rin ako. Masyado na talaga akong nakatutok sa puntong alam kong sasaya talaga ako.
"Ang dami ngang mga estudyante rito. Mabuti na lang talaga, nakita mo ako," nasabi ko na lang.
Totoo rin naman kasi. Sobrang daming tao rito. Marami raw na pumapasok pero hindi ganung kadami ang gumagraduate. Nabasa ko sa mga article related sa NU, hindi nakakapagtapos ang iba dahil hindi na nila kaya ang expectation at tuition. Hindi rin kasi available ang scholarship dito.
Nagkuwentuhan pa kami ni Jon tungkol sa pamalakad ng school pero napansin kong kaunti na lang ang mga tao sa loob ng Cafeteria.
Shete! Late na ako! 7 minutes late na ako sa first subject ko kaya sa sobrang taranta ay wala na akong time para magretouch!
"Hala! Late na ako!"
Agad siyang napatingin sa phone niya. "Oo nga! Sorry! Masyado tayong nagdaldal."
Kinuha ko na ang bag ko at inayos ang pinagkainan ko. "Una na ako, Jon. Thank you sa time."
"Teka lang."
Kahit nagmamadali na ang mga paa ko para makatakbo ulit, tinawag na naman niya ako. May ginalaw siya sa phone niya. May sinaksak siya sa phone niya na isang maliit na flash drive. Actually, parang advanced type na drive.
Napasulyap muna siya sa akin. "Anong University Student Number mo?"
"Uniㅡwhat? Ano?" pag-uulit ko. Sa sobrang pagpapanic, hindi ko masyadong narinig ang sinabi niya.
"USN," ulit niya kaya nagmadali akong tanggalin ang ID ko para tingnan ang USN ko.
"2002029." Pinakita ko rin sa kanya ang ID ko na nakalagay ang USN. University Student Number pala ang ibig sabihin nun? Ngayon ko lang ulit naisip. Bakit kaya niya tinanong 'yun?
"Instructor mo si Sir Mophand ngayong course?" tanong niya. Paano niya nalaman? Mukhang may binabasa pa siya sa phone niya eh.
"Paanoㅡ"
"I messaged his pager. Sabi ko, kailangan siya sa lab."
Napakunot ang noo ko. Naguluhan ako saglit.
Pinakita niya sa akin ang screen ng phone niya. Kung kunot na ang noo ko kanina, mas kumunot ngayon. Masyadong madilim ang phone niya pero napansin kong nakaaccess siya sa system ng Nodawn University. Dahil iyon sa sinalpak niyang drive.
"Aalis siya sa room niyo saglit kaya tumakbo ka na papunta roon. Ingat ka, Bloom." Ngumiti siya. Hindi pa rin ako makaalis sa kinatatayuan ko. Mukhang makatitiwalaan siya kaya nagpaalam na ako.
Baka rin kasi maabutan ko 'yung instructor ko kaya nagdadalawang-isip pa ako sa galaw ko. Ilang minuto, nakarating ako sa room ko at sumilip doon. Nakahinga ako nang maluwag na walang Prof sa loob. Agad akong naghanap ng upuan. Sinilip ko ang phone ko. Sakto lang ang oras.
Hindi nagtagal, dumating na Prof namin habang tiningnan ang Faculty's Pager niya. Inis niyang tinago iyon sa bulsa niya bago binuksan ulit ang projector.
Mukhang totoo talaga ang ginawa ni Jon.
---
Sumunod ang mga bukas, hinanap ko si Jon sa buong University. Gusto ko talagang magpasalamat. Masyado kasing mahigpit ang NU sa punctuality ng students. Nangangamba kasi ako na baka sa isang late ko ay maraming mangyari. Mabuti na lang, wala. Kapag may natanggap akong pera galing sa pamilya ko, bibili ako ng relo.
Sa isang oras kong free, hinanap ko si Jon sa College of Arts and Science. Bahala na akong maligaw. Ay mali, sana hindi ako maligaw.
Nahihiya rin akong magtanong.
Napakibit-balikat ako at umalis na lang sa building na 'yun. Kaso hindi pa ako nakakalabas, may naaninag akong lalaki na kahawig ni Jon. Sumunod na lang ako.
Hindi ko alam kung nakikita niya ako o napapansin na sumusunod. Tumigil na lang siya sa harapan ng isang room na para lang sa mga authorized personnel. Bakit naman siya pupunta roon?
Hindi ako nakatago agad nang lumingon siya. Para tuloy akong naging statwa sa kinatatayuan ko. "Bloom?" Nakilala pa niya ako kahit medyo madilim sa paligid. Masyado kasing papasok ang dinaanan niya.
"Hi.." Napakamot ako ng batok. "Sorry, sinundan kita. Gusto ko sanang pasalamatan ka noon."
Napatango siya. Bago ko pa siya tinalikuran, lumapit siya sa akin. "Ilang oras pa ang natitira bago ang susunod mong subject?"
Tumingin ako sa screen ng phone ko. "Mga isang oras pa."
"Gusto mo bang pumasok?"
Medyo natakot ako nang slight pero sumunod na lang din ako. Halatang hindi na dinadaanan ang hallway na dinaanan namin. Wala ring katao-tao rito. Nawala na lang bigla ang mga iniisip ko nang makita ang loob ng room na pinasukan namin.
Maraming screens dahil maraming computers. Ang daming equipments na high-techs. Hindi ko kasi alam ang mga tawag sa kanila. Masyadong maliwanag ang paligid at advanced ang ibang gadgets.
"Ikaw ang namamahala sa mga ito?" tanong ko.
Umupo siya sa upuan sa harapan ng isang malaking computer set. Nakakita naman ako ng desktop sa ordinaryong computer kaso ngayon sa nakikita ko ay nalulula ako sa sobrang daming numero at letters.
"Oo." May binuksan siya na switch kaya napatingin ako sa parteng lumiwanag.
Lumapit ako para tingnan nang maiigi ang napakamaliit na microchip. Nakatakip pa ito ng salamin kaya hind mahahawakan.
"Naging dahilan mo rin ba na gusto mong umalis sa lugar na 'to kaya kailangan mong mag-aral?" tanong niya mula sa likuran ko. Hindi ako nakalingon agad. Napaisip ako na plano rin niyang umalis pagkatapos mag-aral.
"Matapos mamatay ang Lolo ko sa kamay ng gobyerno, ginawa ni Dad ng lugar na ito para gumawa ng paraan para makaalis dito. Lahat ng sweldo niya ay ginastos sa lahat ng kagamitang nakikita mo ngayon."
Ngayon, napatingin na ako kay Jon, nakita ko ang lungkot sa mga mata niya. Hindi pa kami ganoong katagal magkakilala pero hindi ako makapaniwalang nagkukuwento siya sa akin.
"Nang malaman ng gobyerno ang ginagawa niya, hinaluglog ng mga pulis ang bahay namin dati. Takot siguro na makagawa kami ng ikakabagsak nila."
"Hindi ba nila malalaman ang lugar na 'to?" natatakot kong tanong. Nangamba rin ako na baka mawala ito tulad ng mga sinabi niya. Kahit hindi ko pa malaman lahat ng kuwento niya ay may mga nakita ako sa utak ko. Hindi man kumpleto pero may ideya ako.
"Hindi." Umiling pa siya. "Nakarehistro itong lugar bilang Computer Lab. Kaso ibang lab ang ginagamit nila ngayon."
Alam ko ang isang lab na sinasabi niya.
"Nasaan ang pamilya mo?" tanong niya habang pinapanood akong tinitingnan ang microchip.
"Nasa labas ng Nodawn, nagtatrabaho."
Natigilan siya kaya napatingin ako. Para bang may mali sa sinabi ko. Napahid rin ng takot ang mga mata niya.
"Nag-uusap kayo sa phone?"
Tumango ako. Ano namang problema roon?
"Alam mo bang nakakaaccess ang Nodawn sa technology na lumalagpas sa Network Tower ng Nodawn?"
Para bang tumigil ako sa paghinga. Naalala ko ang mga tawag namin nila Mom sa phone. Namanhid ang mga tuhod ko. Buti na lang, napahawak ako sa sandalan ng upuan doon.
"Bloom, alam mo ba 'yun?"
Umiling ako habang nakatingin sa sahig.
"Kailan kayo last nag-usap ng magulang mo?"
"A month ago." Kinakabahan ako. Sana naman, hindi tama ang mga iniisip ko na nakapasok ang Nodawn sa communication namin noon.
Napatango siya. "Three weeks ago ko lang nalaman na ganun ang ginagawa ng Nodawn. Ngayon, huwag ka munang gumamit ng phone para hindi matrace ang activity mo."
Hindi ko alam ang gagawin ko. Parang pumalibot ang takot sa sistema ko.
"Nasaan ang magulang mo ngayon? Anong mga trabaho nila?" Umupo siya sa swivel chair at humarap sa mga naglalakihang monitor.
Nagdadalawang-isip akong sabihin dahil nagdududa ako sa kakayahan ni Jon. Hindi ko maintindihan pero hindi ko alam kung tama bang magtiwala ako sa kaniya.
Nabasa ni Jon ang reaksyon ko kaya napabuntong hininga siya. Imbis na magsalita, may pinakita muna siyang screen na pero puno ito ng iba't ibang klase ng simbolo. "Hindi naaccess ng Nodawn ang mga ginagamit kong device sa pagtrace ng mga tao sa labas ng Nodawn."
Napalunok ako bago lumapit sa kaniya. "Brooksent Medical."
Mukhang alam niya kung anong trabaho nila kaya pinanood ko na lang siyang magtipa sa keyboard niya ng mga code. Wala nga akong maintindihan pero sa mga numero at letra, may nababasa na akong salita na naiintindihan ko.
Ilang minuto pa ang nakalipas, nababasa ko sa screen ang listahan ng mga live CCTV footage ng Brooksent Medical. Nagulat nga ako roon. Ang galing naman niya!
May tiningnan pa siyang cams bago pinalaki ang screen kung saan nakikita ko si Mom na nakaupo sa opisina niya at may kasamang dalawang babaeng nurse. "You look like your Mom."
Hindi ko mapigilang mapangiti. Gumaan din ang loob ko. Mabuti na lang, ligtas siya!
Ramdam kong magtatanong sana si Jon tungkol kay Dad pero may pumasok sa office ni Mom at sa tindig pa lang niya, alam kong si Dad 'yun.
"Ligtas sila."
Napatango ako at napangiti lalo.
Gusto ko pa sanang magtanong kaso nakita kong may countdown sa gitna ng screen. Pagkatapos ng 1 ay tuluyang namatay ang computer. Napasandal si Jon bago humarap sa akin. "Kaya hindi malalaman na may ganito ako dahil ibang network ang gamit ko. Kaso masyadong malakas humigop ang pagtatrace ko sa labas kaya madaling bumigay ang computer."
"Hala! Sorry!" pagpapaumanhin ko.
Tumawa siya. "Hindi mo kasalanan. Sadyang ganito talaga ang nakaset sa system para hindi maabutan ng iba. Kaya may limitasyon."
Napangiti ako. "Maraming salamat, Jon! Makakatulog talaga ako nang mahimbing nito."
Tumayo siya at naglakad papunta sa ibang set of computer kaso napatingin ulit ako sa microchip. Hindi ko pa pala naitatanong kung ano ang meron doon.
Naramdaman kong tumabi sa akin si Jon at tiningnan din ang tinitingnan ko.
"Para saan 'to?" mabagal kong tanong.
"Still under programming." Lumapit siya at mahinang tinapik ang salamin. "Wala pa akong naiisip na pangalan pero I know that this chip..." Tinuro niya ang nasa loob nito. "...can help us leave this place as soon as possible."
"Tayo?" pag-uulit ko
Napatango siya. "Tayong lahat."
Muli akong napatingin sa microchip. Sinong mag-aakala na sa maliit na chip ay makakalaya kami?
"Pero hindi pa siya ganoong kaeffective sa ngayon dahil hindi ko alam kung gagana 'to. Kailangan ko rin kasing ayusin ang lahat bago gamitin. Hindi ako pwedeng magtest kasi baka mahuli ako ng Nodawn. Kaya sa araw na kumpleto na 'to at handa na itong gamitin nang isang beses, magiging malaya na tayo."
Napangiti ako dahil nagkaroon ako ng pag-asa. Nagkaroon ng pag-asa ang mga tao rito para mabuhay.
"Salamat, Jon sa lahat ng effort mo at iniisip mo rin ang ibang gustong umalis sa lugar na 'to."
"Shhh!" Nilapat niya ang daliri niya sa labi niya. "Baka majinx, Bloom Jinx Marcues. Kukunin ko ang 1% ng pasasalamat mo bago ko tanggapin nang buo kung matutuloy talaga 'to."
Tumawa ako. "Dahil galing sa isang Jinx iyon, magiging swerte 'yan."
Napatango siya kasabay ang pag-angat ng mga kamay. "Sana. Kailangan na kasing magpa-ospital si Mom. Kaya ginagawa ko ang lahat para makalabas kami rito para ipagamot siya sa ospital na alam kong gagaling siya."
"Sa determinasyon mo, alam kong darating ang araw na haharapin mo ang mga bagay na pinapangarap mo. Ipagpatuloy mo 'yan, may magandang resulta ang lahat ng paghihirap mo." Tinapik ko ang likuran niya.
"Thank you, Bloom."
Hindi nagtagal, bumalik siya sa inuupuan niya. Binuksan niya ang mga cabinet niya. Parang may hinahanap.
"May ibibigay ako sa'yo.." panimula niya. Nagtaka ako kung ano ang hawak-hawak niyang parang flashdrive pero parang medyo complicated kumapara sa ordinaryong flashdrive na sinasalpak. "This is a Macrofinder. I made this during the first month of class. I made these finders before I made the tracker I'm using right now."
Nilapag niya ang Macrofinder sa palad ko. "I will give it to you. Baka kasi magamit mo balang araw. Iconnect mo sa phone mo at ienter ang phone number ng hinahanap mo. Kaso isang beses lang 'yan pwedeng gamitin kaya kailangan mong maging sigurado sa taong hahanapin mo. Kapag inenter mo na ang number, may map na makikita riyan at directions papunta roon. Hanggang sa Nodawn lang 'yan magagamit. Atsaka, don't worry. Safe 'yan."
"Jon... thank you talaga," buong puso kong pasasalamat. Alam kong magagamit ko 'to balang araw pero hindi ko nga lang alam kung kailan.
"No problem," sabi niya at napangiti.
Mula sa araw na iyon, I made myself distant from my parents. Feeling ko kasi, nakakaaccess talaga ang Nodawn sa mga communication hanggang out of Nodawn. Kung magmemessage sila, I always sent them na I'm busy and I always love them. But mostly, I'm ignoring their calls. Kahit ayaw ko ng ganun, kailangan kong magtiis. Para rin sa kanila iyon para hindi sila mapahamak.
Matapos ang lahat ng pagtitiis at pag-aaral ko, matatapos ko na ang first semester.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com