Chapter 4
"Excuse me, kind people!"
Dahan-dahan kong hinawi ang mga estudyanteng nakakasalubong ko. Pagkatingin ko sa screen ng phone ko ay 12:10 PM na. Masyado akong late para sa lunch kahit 1 PM pa ang susunod kong subject. Ang ibig kong sabihin sa pagiging late sa lunch ay hindi ko na naman maabutan ang Burger Steak sa cafeteria.
Mabuti na lang, kaunti na ang pila kaya tumakbo ako papunta sa counter. Saktong kaaalis pa lang ng mga nasa pila ay sinakop ko ang buong counter. "Ate Maaay!" malambing kong tawag kay Ate May na mukhang nakita na ako. Kaya naghihiwa na siya ng kamatis.
"Sakto, Bloom! Ito na ang lunch mo."
"Thank you poooo!" mahaba kong pasasalamat habang tinutulak na palapit sa akin ang tray. Didikit na sana ang balat ko sa tray nang may tumabi sa aking lalaki na hinahabol ang hininga.
"Ate May, meron pa bo ba?" tanong nito.
"Hala kang bata ka. Late ka na naman! Naubusan ka na naman!" sabi naman ni Ate May kaya napatingin ako sa matangkad na batang nasa tabi ko.
"Ay, ganun po ba." Lumungkot ang mukha nito. Kita ko rin ang lungkot ng mga mata niyang singkit.
"Ilang araw mo nang hindi naaabutan ang Burger Steak ah. Parang dati lang, palagi kang nauuna sa pag-order," sabi ni Ate May.
Napahaplos ng noo 'yung lalaki. "Oo nga po eh. Nalalate lang po ako dahil palaging nag-oovertime 'yung instructor namin. Hindi ko po tuloy naabutan 'yun."
Hindi dumampi ang balat ko sa tray kaya humarap ako sa lalaki. "Puwede mong kunin 'tong Burger Steak ko."
Napatingin naman din ito sa akin. "Naku po. Okay lang! Magpapakbet na lang ako." Umiling pa siya nang maraming beses.
"Hindi, ayos lang. Palagi rin naman akong nagb-Burger Steak kaya nakakasawa rin." Tumawa ako. Mahina kong tinulak sa kaniya ang tray ko.
"Ayos lang talaga?" pag-uulit niya. Parang natatakot siyang makabasag siya.
Ang cute niya! "Oo! Mukhang masarap ang Beef Broccoli kaya 'yun ang uulamin ko ngayon." Tinuro ko ang nagpatakam sa akin.
"Talaga? Salamat!"
Nagpakuha ako ng Beef Broccoli kaya pinakuha ko sa kaniya ang ulam niya. Nakuha ko na rin ang akin kaya tumungo na ako sa palagi kong inuupuan. Napansin kong puno na ang mga lamesa kaya lumingon ako sa lalaking nakasabay ko. Nakatayo, naghahanap ng mauupuan.
"Sabay ka nasa akin," sabi ko kaya napatingin na naman siya sa akin. "Mag-isa rin naman ako," dagdag ko. Sumama na rin siya sa akin hanggang makarating kami sa palagi kong inuupuan. Mabuti na lang talaga, malayo-layo itong lamesa kaya tatamarin ang iba na maglakad papunta rito.
"Ang ganda rito!" sabi ng kasama ko.
Hindi ko mapigilang mapangiti dahil manghang-mangha siya sa chandelier sa ibabaw ng palagi kong puwesto. "Saan ka ba palaging nakaupo dati?"
May tinuro siyang lamesa sa kalayuan. "Palagi akong kumakain doon dati kaso palagi akong pinapaalis ng basketball players. Hindi na ako makaangal kasi naalala kong tinapunan ako ng juice dati."
Nanlaki ang mga mata ko. Sa nalaman ko, kumulo ang dugo ko. Hinanap ko ko 'yung grupo ng basketball players at nakilala ko rin agad sila. Walo sila at maiingay. Kung hindi ko pinipigilan ang sarili ko, baka sumugod na ako at buhusan sila ng juice.
"Simula ngayon, puwede ka nang kumain dito kasama ako," sabi ko.
"Talaga? Puwede?" Nagningning ang mga mata niya kaya napangiti ako lalo. Sa tangkad niya, para talaga siyang mas bata sa akin! Ang cute niya! Sana mabulsa ko siya!
"Ako rin naman mag-isa rito palagi. Although sobrang layo," nakanguso kong sabi bago magsimulang kumain. Bigla akong nabuhay muli nang nasarapan sa ulam ko ngayon.
"Masarap?" tanong niya.
Napatango ako at nilapit sa kaniya ang ulam ko. "Tikman mo. As in, masarap."
Tumikim din siya at mukhang nasarapan din. Binigyan ko siya ng ulam para maparami ang kain niya. Nagsalo-salo rin kami sa pagkain namin kaya nakakatuwa.
"Kain ka kamatis para gumanda rin kutis mo."
"Para ka na talagang Nanay," natatawa niyang sabi at tinatanggap ang pagkain ko.
"Kain ka lang nang marami, Nak. Palapit na ang sunod na semester kaya kailangang lumakas." Dahil sa sinabi ko, naalala ko lang ulit ang bayaran ng tuition. Hindi ko pa rin kasi nakakausap sila Mom. Hindi rin sila tumatawag kaya medyo nag-aalala ako. Gustuhin ko man silang tawagan kaso marami akong kailangang ipasang outputs. Medyo marami-rami na ring activities kaya hindi ko namamalayan ang lahat.
"Sige po, Ma."
Tumawa kami. Habang kumakain ay pinag-uusapan namin ang mga kinuha naming kurso. Nalaman kong nag-Accountancy siya kahit wala siyang hilig doon. 'Yun lang daw ang pinili niya dahil Accountant daw ang Lola niya noon. At sa pension ng Lola niya siya umaasa para sa tuition niya.
Hindi rin nagtagal, malapit na magtime. Nagpaalam na kami sa isa't-isa. Sayang nabitin 'yung kuwentuhan namin. Habang naglalakad ako papunta sa room ko, napapadyak ako nang marealize na hindi ko alam ang pangalan niya! Caroles, L. ang nakita ko sa name plate sa dibdib niya. Hindi ko nga lang nakita ang ID niya kasi nasa ibaba.
Dahil matatapos na ang semester, pinasa ko na ang mga kailangang ipasa bago ang pinakadeadliestline bukas. Once kasi na magset ang deadline ang instructors namin, 'yun na ang last kaya tinatawag naming pinakadeadliestline.
Sinabihan na ako ng adviser namin na pwede na raw ako mag-update sa Accounting Office sa department namin tungkol sa assessment, kung nakabayad na raw ba ang parents ko for this semester and downpayment for the following semester. Kahit ganito ang paraan sa University, hindi naman kami makapagreklamo dahil hindi rin naman sila nakikinig. Titiisin na lang namin 'to. Basta makakatapagtapos ako at makaalis dito. Iyon ang mahalaga ngayon.
Mabuti't wala pang masyadong tao ngayon sa Office kaya sumilip ako sa bintana. "Good afternoon po. Marcues, Bloom. College of Nursing. Ask ko lang po about sa assessment," bati ko sa staff doon.
"Good afternoon." Tiningnan niya ang monitor niya. "We're still updating the data until tomorrow. From our records, hindi pa nakakabayad ang parents mo."
Napakunot ang noo ko. Hindi ko rin mapigilang kabahan.
"You can check again tomorrow. Baka bukas or mamaya pa sila magbayad," dagdag niya.
"Okay, thank you po," sabi ko at unti-unting umalis doon. Hindi pa nagpapadala sila Mom ng tuition ko? Alam naman nila ang method na pinili nila. Alam nila ang school calendar namin. Imposible naman ding makakalimutan nila dahil ayaw na ayaw nilang malate sa mga gawain.
Buong gabi, tinatawagan ko sila Mom at Dad. Hindi nila sinasagot ang tawag ko kasi can't be reached daw. Imposible talaga. Hindi sinasara ng magulang ko ang mga phone nila!
Umabot na ako ng 11 PM, alam kong sa ganitong oras ay break ni Mom kaso natapos na ang araw ngayon at hindi pa rin niya binubuksan ang phone niya.
Naiiyak na ako sa sobrang kaba. Hindi llang dahil natatakot ako na baka idrop out ako ng Nodawn University. Kung hindi, iniisip ko na baka may nangyari sa kanilang masama. Huwag naman sana. Nagsisisi na ako na hindi ko sinasagot ang mga tawag nila noon. Nagrereply naman sila pabalik sa akin noon.
Gusto kong gamitin ang Macrofinder na binigay sa akin ni Jon kaso hanggang Nodawn lang ang nasasakop ng finder na 'yun.
Kung hindi ako makakabayad ng tuition ko ngayon, baka ipadrop out ako. Hindi 'yun pwedeng mangyari. Hindi ako makakahanap agad ng trabaho. Hindi rin ako makakaalis sa lugar na 'to.
Ano na ang gagawin ko?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com