Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 30

It feels new and I like it better this way. Hindi na masyadong pinag-uusapan ang naging issue dati at nakakapag-aral na kami nang mapayapa. O sadyang hindi na namin ito pinapansin para hindi rin ito maging hadlang sa pang-araw-araw namin? Napagtanto ko rin na mahirap man ihandle ang mga ganung sitwasyon at sa huli, nasa amin pa rin kung mananatili kami sa phase na 'yun. Hindi rin naman namin kontrol ang oras at pagkakataon ng buhay. Pero kaya namin ito paglaruan kaya nakakaya pa rin namin.

Sa wakas, dumating ang Sabado kaso ganun pa rin, maaga akong nagising para uminom ng tubig. Kaya pinagpasyahan ko na bibili ako agad ng water tumbler kung may pera na ako.

Pagbaba ko at nakarating sa kusina, sila Boss ay nasa lamesa, nagbabasa ng diyaryo, samantala sila Clark at Forsythe ay umiinom ng tubig, mukhang kagagaling lang nila sa jogging. Sila Heroic at Orion naman ay nasa sala, nanonood ng TV habang may kaniya-kaniyang ginagawa.

Babalik sana ako sa pagtulog pero may narinig akong binabalita sa pang-umagang news show. Hindi lang din ako ang nakuhaan ng atensyon, pati na rin ang mga nakarinig.

"Ihinain ng Korte Suprema ang pagtanggal sa puwesto ng konsehal si Hon. Goriando Royo matapos malaman na mayroon itong ilegal na pagbebenta ng ipinagbabawal na gamot sa labas ng Nodawn City. Nahuling puno ng ipinagbabawal na gamot ang nakatagong parte ng kanilang mansyon sa isang tagong subdivision. Patuloy na iniimbestigahan ng mga pulis ang kaso na ito sa pamumuno ni Chief of Police PGen. Orlando Brojo."

Nagulat kaming lahat sa balita. Para ngang nagising bigla ang utak ko.

"Napaisip tuloy ako kung karma ba ang natanggap natin noon," sabi ni Heroic all of a sudden. Naisip ko rin na naisip niya ang sinabi sa kaniya ni Gael dati na karma iyon matapos ang mga nangyari noon.

Umiling si Orion. "Hindi iyon karma dahil tama naman ang ginawa mo. Pagsubok 'yun sa atin."

"Oo. I agree," pagsang-ayon ko kaya gulat na napalingon sa akin si Heroic.

"Gising ka na pala!"

Hindi natuloy ang usapan namin dahil may kasunod pa pala ang balita.

"Hindi lang ilegal na gawain, pati na rin ang pagkawala ng pondo para sa pinapatayong health centers sa mga barangay ay pinag-iimbestigahan."

"Ayan... nagsisilabasan na," sabi ni Clark habang nanonood ng balita.

"Ang kaniyang anak na si Gael Royo ay na-expel sa Nodawn Univeristy matapos malaman ang pagmamanipula ng mga record para maitago ang mga masasamang ginawa tulad ng pananakit at pambubully sa staff at sa mga estudyante sa unibersidad. Kasalukuyan itong sumasailalim sa mga legal na proseso kasama ang mga kasabwat sa kaniyang mga masamang aksyon."

Napawang ang mga labi namin sa nalaman namin. Hindi namin mafigure out ang dapat naming maramdaman. One thing for sure, I feel relieved.

"Iyan ang tunay na karma." Nakawala ng mahinang tawa si Boss pagkatapos binaba ang iniinom niyang gatas at ilipat ang pahina ng diyaryong binabasa niya.

Kung may dapat akong balikan noon para makumpleto ang mga realization ko, iyon ay ang sinabi ni Heroic. Ito na nga ang magandandang araw na dumating at patuloy na dumarating.

Nalagpasan na namin ang 1st year college.

Natapos din namin ang unang taon!

May isang taon na kaming nagapangan at mukhang makakaya pa naman namin ang mga sususnod na taon. Parang naorient din kami kung kahirap mag-aral sa level na 'to. Tatapak pa kami sa mga pataas na level kaya alam naming pahirap ito nang pahirap.

Naramdaman ko ang burnout ilang araw pagkatapos ng klase. Grabe 'yung research namin sa isang subject. Kung hindi lang ako tinulungan ni Boss sa methodology at sa result and discussion part, baka humihimlay na ako sa oras na 'to. Hindi rin naman kasi alam ng ibang kagroup ko at hindi rin nila gaanong kabisado ang tungkol doon. Nagtanong ako noon kay Boss (kinabukasan na ang defense) at agad niya akong tinulungan at tinuruan sa nangyari sa papel para may maisagot kami sa defense.

Kami ni Boss? Hindi pa rin kami nagbabago. Siguro, hindi rin kmi masyadong nagsama simula noong patapos ang 2nd semester dahil sobrang dami naming kailangang tapusin. Ang una at huling pag-uusap namin ay noong nagpaturo ako ng research. Ayaw ko man siyang abalahin pero desperada na rin kami dahil hindi man lang kami chinecheck ng prof para irevise ang papel namin. Diretso pa naman siyang nagpadefense? Sinong hindi mafufrustrate doon?

Going back, okay kami ni Boss. I think, gusto ko kung ano ang meron kami ngayon. Hindi ko rin alam kung kailangan ay may label pa kami sa lagay na 'to. Besides, parang kami pa lang ang may alam ng kung anong mayroon sa amin. We're still figuring things out while getting knowing each other. Hindi ko alam kung alam ba talaga ni Forsythe o inaasar lang niya kami. Ayos lang. Inaasar ko rin naman din siya kay Heroic.

Ngayon na bakasyon namin, mas lalo kaming close ng Gumdrop.

I'm just taking my time for myself right now. Sa pagiging burnout ito masyado kaya iniipon ko ang lakas ko.

Hindi lang naman ako, kung hindi kaming lahat. Kahit nga sa araw ay tulog ang iba sa amin para bumawi sa klaseng hindi kami pinapatulog dahil sa tambak na gawain.

Sa oras na ito, parang masasabi kong may lakas na ulit ako para makipag-usap kahit kanino. Hindi ko napapansin na ilang araw na pala ang nakakalipas dahil puro tulog lang ako nitong araw.

Pumunta ako sa kusina para maghanap ng pagkain. Nakita ko roon si Boss na nakaupo sa hapagkainan habang nagluluto sila Lawron at Clark sa kusina.

"Andito si Ma! Puwede siyang maging judge din natin!" sabi ni Lawron.

At sa wakas, natuloy din ang binabalik nilang cooking battle nilang dalawa?

"Bloom, nagluluto kami ngayon. Judge ka rin namin ha?" tanong ni Clark, habang abala sa niluluto niya.

"Sure!" sagot ko at umupo sa tabi ni Boss.

Nagkatinginan kami at napangiti. Kaso mas naging priority namin ang bigyan ng atensyon ang dalawang bata na nagluluto.

Napansin ko lang din na sa tuwing may kasama kami, parehas naming iniintindi ang iba naming nakakasama. Samantala, kung kami lang dalawa ay kaming dalawa lang talaga. Umiiral kasi ang ugali naming ganito. Naiintindihan naman din namin dahil ayaw namin silang naleleft behind kaya binibigay namin ang atensyon namin sa kanila.

Dumating na si Orion at Heroic sa kusina, kaya naging judge din sila bigla. Hindi na rin sila umangal dahil nagugutom na rin sila.

Sigro, magiging ganito talaga ang gawain namin, lalo na't wala pa kaming misyon.

Wala rin kaming allowance.

Kaya naghahanap kami ng puwede naming maging raket. Plano pa lang ang akin. Hindi ako sigurado kung ano ang magagawa ko sa ngayon.

Si Orion, tumatanggap ng art commissions. May natatanggap siya at siya paminsan ang bumibili ng pagkain namin. Especially kung may sobra ang bayad sa kaniya.

Si Danger ay bumalik din sa Noground, nakikipagkarera. Medyo hindi kami pumayag dahil nakakabahala, pero pumayag nalang din kami dahil nananalo siya. May tiwala rin kami sa kaniya kaya hindi niya ipapahamak ang sarili niya.

Si Boss, nalaman kong pagkatapos akong tulungan sa research ko, ginawa niyang commission ang pag-eedit at pagp-proofread ng papers ng mga kaklase niya. Malaki rin ang natatanggap niya dahil nakadepende ang bayad sa mga mali ng research paper. Kung maraming mali ang naedit niya, malaki ang price. Nalaman ko nga lang 'yun nitong linggo lang, narinig ko usapan nila Heroic sa balcony.

Nakakaproud sila. 'Yun talaga ang masasabi ko.

Lalo na sa dalawang nagluluto dahil infairness, may improvement na sa luto ni Lawron. "Hindi na siya maalat!" pagsasaya ni Heroic.

Pumeke ng iyak si Lawron. "Yehey! Atlast!"

Nagsalo-salo rin kami sa luto nilang ramen nila with a twist at omelette. Nakakatuwa rin kasi silang panoorin na magluto dahil imbis na battle (literal na competition) ay nagtutulungan sila sa kusina. Si Clark pa nga nagmomonitor sa niluluto ni Lawron kasi hindi pa siya masyadong sanay.

"Masarap!" pagpupuri ni Boss at nakita pa naming pumulot ng asin.

"Hindi nga maalat pero walang lasa," diretsong sabi ni Orion. Palihim siyang siniko ni Heroic. "Masarap pa rin! Atleast hindi parehas dati na asin na may kaunting itlog." Tumawa kami sa pahabol niya. "Good job, Batas at Clark!"

Nagthumbs-up ako. Malaki talaga ang improvement ngayon. Nakakaproud talaga sila.

Matapos kumain, nasa utak ko na talaga na kailangan kong maligo. Malaki kasi ang pakiramdam ko na malaking pagbabago sa buhay ko kung maliligo ako.

At totoo nga, para akong bagong tao habang napapatuyo ng buhok. Excited pa akong bumaba para manood ng TV. May napanood kasi akong series at inaabangan ko ang susunod na episode kasi nakakatense!

Hindi pa ako nakakarating sa hagdanan nang napatigil ako. Hinarang kasi ni Forsythe ang dinadaanan ko. Inabot pa niya ang phone niya sa akin kaya napakunot ako ng mukha.

Nagtataka man, kinuha ko ito at nakita si Danger sa kabilang linya.

"Bakit?" tanong ko.

"Jennifer.."

"Hoy, bakit? Anong nangyari?" Bakit ang ingay sa paligid niya?

"Puwede kang pumunta sa Noground? Dahil mo ang aid kit mo."

Dali-dali akong pumunta sa kuwarto ko para kunin ang kit ko. Inipit ko muna ang phone sa balikat at tenga ko para icheck ang nasa loob.

"Kingina naman, Danger Rose! Kasasabi pa lang na mag-ingat ka tuwing andiyan ka sa Nodawn!" sigaw ko habang naghahanap na ng damit ko.

"Hindi! May raket ka ngayon. Dalian niyo ni Forsythe. Patapos na ang laro!"

"Ano?!"

Para maintindihan namin ang pinagsasabi niya, nagbihis na ako ng simpleng white top at black pants. Tinaas ko nalang din ang buhok ko kasi ngayon ko lang napansin kung gaano na ito kahaba.

Bitbit ang bag, lumabas na ako ng kuwarto. Andoon na rin si Forsythe na nakasandal sa dingding, nakabihis na rin. May nakapatong pa sa kaniya na black leather jacket.

"Sinabihan ka niya?" tanong ko.

Tumango siya. "Halika ka?" aya niya.

Sasabay na sana siya pero magpapaalam pala ako kay Boss.

"Sandali lang. Magpapaalam pa ako."

Pinanliitan niya ako ng mga mata. "Kanino?"

Natahimik ako saglit. Ano ba 'yan! "Mauna ka na kasi pinapadalian na tayo ni Danger!"

Mukhang alam na niya ang kilos ko. Tumawa na naman kasi siya! Lagi ko nalang nasisigurado na inaasar niya talaga ako!

"Sige. Magpapaalam din ako."

Kinunutan ko siya ng noo. "Kanino?"

Ningisihan niya ako. "Dalian mo na." At umalis sa harapan ko.

Tahimik lang talaga itong si Forsythe pero magaling talaga mang-asar. Iniisip ko nalang na mas mabuti nalang iyon kaysa lunurin kami sa katahimikan.

Kumatok ako sa pinto ng kuwarto ni Boss. Kaso ilang beses na akong kumakatok ay walang sumagot. Baka wala siya roon.

Bumaba nalang ako.

Doon ako natigilan na nasa sala pala si Boss, nakikipaglaro ng UNO kina Heroic, Orion at Lawron. Samantalang natutulog si Clark sa kabilang parte ng sofa.

"Sige, ingat kayo," sabi ni Heroic.

Napatango ako. Mukhang nagpaalam na si Forsythe kaya mauuna nalang akong lumabas.

"Nagpaalam ka na ba?" Bigla akong natigilan sa tanong niya kaya marahan akong napalingon.

"Nagpaalam ka na sa kanila. Sa kanila rin naman ako magpapaalam."

Bakit parang galit ako?

"Una na kami," nagpaalam ulit ako.

Ewan ko pero automatic lang akong napapatingin kay Boss tuwing alam ko na may presensya siya kung nasaan man ako. Nagtama rin naman ang paningin namin. Binigyan niya akong ngiti at nabasa ko sa bibig niya ang 'ingat'.

Wala na. Hindi na ako galit.

Para maitago ang kilig ko, kinuha ko ang kuwelyo ni Forsythe para hilain palabas.

"Kalmahan niyo lang!" sigaw ni Orion hanggang sa tuluyan kaming makalabas.

---

First time ko sa Noground at totoo ngang ang bigat ng hangin dito. Nakakatakot ang mga taong nadadaanan namin. Ang didilim din ng mga suot ng nakakasalubong namin. Nakakailang na napapatingin sila sa akin dahil puti ang suot ko. Halatang ngayon lang nila ako nakita.

Napansin siguro ni Forsythe na naiilang ako kaya binalot niya ang bisig niya sa balikat ko. Kahit papaano, nawawala rin ang discomfort na nararamdaman ko.

Ang Noground ay sikat na lugar kung saan puwedeng makipagkarera o puwede rin sa mga underground battle. Patago ang lugar na 'to. Ang narinig ko rin, matalino ang humahawak nito kaya nakakalusot. Although, hindi namin kilala kung sino.

Nakikita na namin si Danger na naglalakad palapit sa amin. Agad ko siyang nilapitan para tingnan kung may sugat ba siya o ano. "Okay ka lang ba? Saan ka nasaktan? May sugat ba? Gaano na katagal?" sunod-sunod kong tanong.

"Ano ba, Jennifer! Hindi ako!" Tumawa siya. "Halika, ipapakilala kita sa mga magiging pasyente mo." Hinila niya kami papasok sa kabilang venue kung saan nakakarinig kami ng sobrang lakas ng sigawan. Nasilip ko ang stage sa gitna, may suntukan at away na nagaganap kaya iniwas ko ang tingin ko. Pangarap kong alagaan at itreat ang mga sugat ng mga nasasaktan tapos masasaksihan ko ang proseso ng sakitan nila. Jusko.

Bago kami tuluyang makapasok sa backstage ay nagsalita si Danger. "'Yung usapan natin ha? Mahal ang mga gamot, ointment at bandage. Libre man ang paggagamot ng mga sugat pero bumawi kayo sa tip para tulong sa kaniya na nakadepende kung gaano karami ang mailalagay sa inyo."

"Rose naman! Matutuyo nalang ang sugat namin!"

"Oo. Lilipas din naman 'to."

"Itong namang mga kuripot! Anong gamit ng pagkapanalo niyo?" reklamo pabalik ni Danger.

"Mas mabuting ipa-bar nalang namin ang napanaluhan!"

"Marami pang chicks na makakapansin sa amin!"

"Promise! Magaling gumamot 'yung kaibigan ko!" Tinaas niya ang dami niya. "Nagkakilala kami sa bus at siya naggamot nitong sugat ko. Oha, parang nakapunta na rin ako sa ospital."

"Sa ospital, maraming magagandang nurse kaya doon na lang kami."

Marahang napakamot ng ulo si Danger.

Gusto kong matawa. Nakakatuwa naman si Danger na iniisip ang kakayahan ko at para sa dagdag allowance ko.

Nagkatinginan kami ni Forsythe. Nakakaloka lang dahil grabe makaassume ng mga lalaki rito. Sumenyas na si Forsythe na pumasok na ako para magpakita sa kanila. Napatango ako. Mahal ang pamasahe papunta rito tapos choosy 'tong mga itlog na binugbog?!

Sumilip ako sa kanila mula sa likuran ni Danger.

"Naiintindihan ko kung ano ang mga kagustuhan niyo. Mukhang uuwi nalang kami," sabi ko at ngumiti.

Kitang-kita sa kanila ang gulat nang makita ako. Halos lumuwa pa nga ang mga mata ng nasa dulo, akala mo, hindi maga ang buong mukha matapos ang laban.

"Aray!! Ang sakit ng mga sugat ko!"

Isa-isa na silang nagreklamo na masakit ang mga sugat nila. Hindi ko mapigilang matawa sa mga reaksyon nila. Parang kanina lang, nagpupumilit sila na umalis. Ngayon ay parang mga cute na tuta silang bumalik sa mga upuan nila.

"Sino ang una?" tanong ko matapos ayusin ang gamit ko sa bakanteng lamesa.

Bigla silang nagkagulo para umupo sa harapan ko. Busy pa naman ako sa pagrorolyo ng bandage at paglalapag ng gunting.

"Ako! Ako ang nanalo sa buong round!" sabi ng isang moreno kaya agad silang lumayo para siya ang makaupo sa harapan ko.

"Ikaw ang nanalo? Congrats!" bati ko habang naglalagay ng alcohol sa mga kamay ko.

"I'm Jordan." Naglahad pa ng kamay.

Ningitian ko siya at pinakita na nagsusuot ako ng gloves. Nilahad ko nalang ang siko ko kaya naglapatan lang kami ng siko. Nakasanitize na kasi ako.

Akala ko talaga nakakaintimidate silang lahat pero para silang mga anak ni Danger at magkakavibes pa sila.

"Meron pa bang masakit sa katawan mo bukod sa mga napuruhan sa mukha mo?" tanong ko. Naglagay na ako ng mask. Napansin ko na nakapalibot sa amin ang iba pa kaya medyo nailang ako. Para silang mga batang nanonood.

Tiningnan ni Jordan ang mga nandoon at tinaboy ang mga andoon na hindi natatanggal ang tingin sa akin.

"Naiilang siya sa inyo!" At dahil doon, bumalik din sila sa inuupuan nila. "Wala namang masakit sa akin. 'Yung mukha ko lang pati 'yung labi ko. Ito oh." Ngumuso pa siya.

Mahina akong natawa habang naghahanda ng panlinis ng sugat. Nakita ko na hindi maganda ang posture niya kaya tinusok ko ang dibdib niya. Agad siyang napasigaw sa sakit kaya nagsilapitan ulit ang iba sa amin para tingnan ang nangyari.

"Hmm." Wala raw masakit sa kaniya ah. "Gagamutin ko lang ang mga sugat niyo para maiwasan ang infection. The more na nae-expose ito, baka malala pa ang mangyayari sa inyo. Mas mabuti rin kung may mga nararamdaman kayo sa katawan niyo matapos ang kanina ay pumunta kayo sa ospital, hindi 'yung mag-iinuman kayo. Kailangan niyong magpacheck-up at magpahinga sa inyo, ha?"

"Yes po!" sabay-sabay nilang sagot.

Nag-eenjoy ako sa paglilinis ng sugat nila. Nakakatuwa kasi ang mga reaksyon nila na pinipigilan ang hapdi. Sa tuwing pag-angat ng mga noo nila para ipakita na matapang sila ay nagpupumilipit sila sa sakit.

Si Forsythe ay nagbabantay sa doorway at pinapanood kami. Si Danger naman ay siyang nagmamanage sa loob.

"Thank you." Natapos ko na si Jordan. Hindi naman gaanong napuruhan ang mukha niya parehas ng iba.

"You're welcome. Ipacheck-up mo ang ribs mo ha?" paalala ko.

"Opo." Ngumiti siya na parang bata.

Ayaw pa niyang umalis sa harapan ko kaya nagsireklamuhan na ang ibang naghihintay. Kinuha siya ni Danger kaya dali-daling umupo ang sunod.

Nagfocus ako sa kanila para maayos ang paggamot ko sa sugat nila. Kaso nabahala ako nang makita na ubos na ang bandage, ointment pati na rin ang betadine ko. Hindi ko nalang pinakita na nag-iisip na ako tungkol doon.

Sa wakas, natapos na. Habang inaayos ko na ang gamit ko ay tinatanong ako ng mga tao rito kung ano ang mga ganap ko sa buhay. Wala pa akong nasasagot dahil masyadong maraming nagtatanong, hindi ko alam kung alin ang uunahin ko sa pagsagot.

"May boyfriend ka na ba?" tanong ng isa. 'Yun lang din naintindihan ko.

"Tama na 'yan! Umuwi na kayo. Baka mapag-initan pa kayo ng kabila, abangan kayo sa kanto," pananakot ni Danger.

Dahil nga, marami silang nagsasalita, wala na akong initindi pa.

Pinagmasdan ko ang paligid na puro semento lang. Ngayon ko lang narealize na mukha itong abandonadong underground parking lot. Medyo nakakatakot dahil sa pulang ilaw na lumiliwanag dito.

"Sila ba 'yung palaging nananalo?" tanong ko kay Danger nang tumayo sa harapan ko.

"Medyo. Ngayon lang sila nanalo kaya sinulit ko na 'yung pagkakataon para sa raket mo. Nga pala." Napatigil ako sa pag-aayos nang may binigay siya sa aking nakarolyong pera.

"Iyan ang lahat ng tip nila sa'yo."

"Tangina, tip 'to?!" gulat kong tanong. Binilang ko ang pera at hindi ko inaakala na sobra sa 10k ang hawak ko ngayon. Naka-10k ako sa isang gabi! At dahil iyon sa paggamot ng sugat ng mga tao na palaging nasa Noground!

Nakiramdaman ko rin na lumapit sa amin si Forsythe sa sinilip ang hawak ko.

Napakamot siya ng batok. "Hindi ko nga ineexpect na ganyang kalaking tip ang binigay nila. Ang pagkakaalam ko, 4 ang binigay ni Jordan sa akin bago umuwi."

Mas lalong napaawang ang labi ko.

"Malaki naman ang napapanalunan dito kaya piso lang 'yan kay Jordan and company." Tinapik niya ang balikat ko. "Deserve mo 'yan!"

"Danger.." Napanguso ako. Nagbilang na ako para may porsyento rin siya sa natanggap ko. Siya rin naman kasi nagtawag sa amin dito.

"Hoy! Sa'yo 'yan!" natatawa niyang sabi at hinawakan ang kamay ko para ipayukom. "Nanalo ako kanina sa karera kaya may pera ako. Napag-usapan din namin ni Boss na magbibigay ako para sa gastusin sa bahay."

"Danger..." Napanguso ako lalo. Sobra talagang nakakatouch!

"Sabi ko nga kay Boss na kalahati ng premyo ko ang ibibigay pero hindi siya pumayag. Aba, hindi naman sa nagrereklamo ako pero wala naman akong jowang paggagastusan. Kaya ayun."

Niyakap ko siya. "Thank you very much!"

Tumawa siya. "No problem! Hindi ba't marami kang babayarin kapag 2nd year mo dahil magkakaroon din kayo ng ceremony? Mabagal kasi ang serbisyo ng White Hall sa allowance natin kaya tayo na ang kumilos sa pangangailangan natin."

Niyugyog ko pa si Danger sa sobrang tuwa.

Pauwi na rin daw si Danger kaya sabay na kaming tatlo na maglakad palabas. Kumpara kanina, komportable na ako sa paglalakad dahil binigay sa akin ni Forsythe ang jacket niya kaya nagb-blend na ako sa mga tao rito.

"Pucha.."

Napatigil kami sa paglalakad nang lumingon si Danger. Nagtaka rin kami.

"Bakit?" tanong ni Forsythe at tiningnan din kung saan nakatingin si Danger. Kaso maraming tao.

"Pucha, anong ginagawa niya rito..." bulong niya habang nagmamadaling kunin ang phone niya. "May pupuntahan pa ako, mga pre." Tinapik niya ang mga balikat namin. "Kita nalang tayo sa bahay."

Pinanood namin siyang bumalik sa dagat ng mga tao kaya agad siyang nawala. Sino kaya ang nakita niya?

"May pinopormahan na ba si Danger?" tanong ko sa tabi ko.

"Naalala mo 'yung kinuwento niya na nakasagutan niya sa convenience store dahil nag-iisa nalang ang yogurt?"

Medyo napaisip ako. Sa dinami-rami ng kuwento ni Danger, mahirap aalahanin.

Ay, naalala ko na! 'Yung kuwento niya noong una kaming kumain nang sabay.

"Eh, 'di ba, may boyfriend na raw 'yun?"

"Fuckboy."

Kumunot ang buong mukha ko. Hindi deserve ni girl 'yung boyfriend niya!

"Kinuwento niya 'yun noong nag-inuman tayo."

Nanlaki ang mga mata ko. Wala akong maalala! "Nakainom na ata ako 'yun."

"Nakita raw niya 'yung lalaki na may kamake-out sa Noground tapos pinapaalala niya 'yung babae na kaprogram pala niya. Hindi naniwala 'yung babae hanggang siya 'yung nakakita." Mabuti at naalala pa 'yun ni Forsythe?

"Hiniwalayan niya?" seryosong tanong ko.

"Dapat lang," sagot niya kaya napathumbs-up ako.

"Dapat lang! Mabuti nalang, kaprogram ni girl si Danger kaya-" unti-unti akong napatigil sa pagsalita.

Kaprogram ni Danger?

Mechanical Engineering?

Nagcheat ang ex-boyfriend?

Lalaking makulit?

"Huy."

Para akong nag-lag na cellphone dahil hindi ako nakagalaw agad. May naalala lang ako pero sa sobrang dami ng nangyari parang nagkahalo-halo na ang thoughts ko.

"Baka nananaginip na naman ako.." Umiling ako para mawala ang nasa isip ko. "Hindi ako makaisip nang maayos. Kailangan ko ng ice cream."

"Tara." Inakbayan ako ni Forsythe. "Libre mo?"

"Of course!"

"Gusto ko rin burger."

Napatigil ako saglit pero natauhan din agad. "Sige!"

"Gusto ko rin ng cup noodles."

Nagkatinginan kami. Iniisip ko rin na deserve din niya dahil sinamahan niya ako rito at siniguraduhin na ligtas ako rito. Infairness, ngayon ko lang nakita ang side nito ni Forsythe.

"Tara!"

Hindi ako nagpadala sa kaniya kaya nagtaka siya sa akin.

"Grabe, ang sakit ng mga kamay ko. Ang sakit ng mga binti ko. Parang nanghihina ako." Ako na ang nagsimulang mang-asar sa kaniya. Napahawak pa ako sa balikat niya at umarte.

Medyo napaawang ang mga labi niya sa inasta ko. Tingnan ko kung hanggang saan pasensya mo, Mendez.

"Halika na."

Naningkit ang mga mata ko. "Hindi ka naniniwala na masakit ang katawan ko?" Napahawak ako sa tuhod ko.

"Anong gusto mong gawin ko?"

Hindi ako sumagot. Malay ko ba. Kaya nga naggaganito ako para makita ang gagawin niya.

Hindi pa nag-iisang minuto, bigla niya akong tinalikuran.

ABA?

Bago pa ako makareklamo, hinila na niya ako sa kaniya para makasakay sa likuran niya. "Nagugutom na ako!" Bigla naman siyang tumakbo kaya napatili ako. Baka mahulog kami!

"Sandali lang!" sigaw ko. Talagang tinakbo niya ako palabas ng Noground.

Nagtatawanan nalang kami.

"Kapag tayo matumba sa daan, hindi kita kilala!" sigaw ko pa.

Mabuti nalang ay malakas itong si Forsythe. Parang bakal ata ang almusal nito.

"Sa program niyo ba, palagi kayong may presentation?" tanong ko habang sinasabit sa kaniya ang bag ko. Atsaka Major in Physical Education siya eh.

"Depende. Kailangang iexecute 'yung exercises."

"Shete, sumasayaw din ba kayo?" Sinilip ko ang mukha niya.

Tumango siya.

Marami pa akong tinanong tungkol sa program niya. Sinasagot naman niya ako hanggang sa hindi ko namalayan na nilakad niya lang ang malapit na convenience store dito.

"Grabe stamina mo," pagpuri ko nang binaba na niya ako.

Pumasok na kami sa loob at bumili ng makakain namin. Mukhang mapaparami ang makakain namin ngayon dahil may mga nagustuhan ako habang tinitingnan ang ibang mabibili.

"Ganito pala..." bulong ko. Napalingon sa akin si Forsythe kaya napatingin din ako sa kaniya. "Kapag kumukuha ka lang ng mga bibilhin mo na hindi iniintindi kung magkukulang ba ang pera mo.."

Kanina nang natanggap ko ang pera, nagbudget agad ako sa utak ko. Nahati ko ang pangangailangan ko at mga gusto kong bilhin at para sa Gumdrop.

Matapos naming lutuin namin ang mga pagkain namin, umupo kami sa mga upuan doon. Hinintay namin na maluto talaga ang mga pagkain namin.

"Madami nabili mo." Napansin niya 'yung paper bag na nasa tabi ko.

"Para sa bahay," sagot ko.

Nang luto na ang noodles namin ay sinimulan na naming haluin ito. "Hindi ba sasakit tiyan natin nito kung mag-i-ice cream tayo?" tanong ko. Pasubo sana ako nang napansin siya na nakatitig sa usok ng noodles. Dahan-dahan ko itong binaba para itantya ang reaksyon niya.

Bigla siyang napangiti at sinimulang haluin din ang sa kaniya.

Napakurap ako. Palihim akong napailing at sinimulang hipan ang noodles ko.

"Maniniwala ka bang nakilala ko na si Heroic bago nabuo ang grupo na 'to?"

Naluwa ko ang pasubo kong noodles. Nataranta siya pero mas una ko siyang tinanong dahil hindi ko alam 'yun.

"Paano?"

Napaiwas siya ng tingin at nagsimulang kumain. Hindi ko siya papalagpasin ngayon dahil binukas na niya ang topic na 'to. Binibigyan ko siya ng sulyap habang kumakain kami. Ngayon ko lang talaga 'yun narinig.

"Noong napapahinga ako matapos ang klase, pumunta ako rito. Hindi ako nakauwi ng dorm dahil umulan, tumambay muna ako rito hanggang sa inabutan na ako ng curfew. Dito mismo ako umupo. Tapos nakita ko siya sa kabilang dulo, kumakain ng noodles. Kaso umulan na naman at nauulanan siya kaya lumipat siya ng mauupuan. Diyan siya mismo umupo." Tinuro niya ang inuupuan ko.

Sa pag-awang ng labi ko, hindi ko mapigilang mapangiti sa naririnig ko.

"Hindi siya makakain sa harapan ko na siya lang kaya binilhan niya rin ako ng makakain."

"Oh my.."

Mahina siyang natawa at pinatuloy ang pagkain niya.

"Napag-usapan niyo ba 'to? Naalala ka ba niya?"

Mas lalo siyang natawa.

"Hindi. Hindi niya ako tiningnan noong umupo siya sa harapan ko."

"Whaaat?" Ang pagkadismaya ang bumalot sa pagmumukha ko at napasandal. Hindi ako makapaniwala!

"I know. Nakita ko ulit siya noong nagkita-kita tayo sa Dean's Office. 'Yun ang unang beses na tiningnan niya ako."

"Hindi niyo man lang napag-usapan 'yun? Palagi kayong magkasama."

Napailing siya. "Okay lang."

Magtatanong pa sana ako nang nauna na siyang nagtanong sa akin.

"Seloso ba si Boss?"

Para akong binuhusan ng malamig na tubig.

Nakita niya ang reaksyon ko kaya napaayos siya ng upo. Napakamot muna siya ng kilay niya. "Mali ata ang tanong ko.." Napasulyap ulit siya sa akin. "Pero.. 'yun nga. We kissed. We pretend to be together. And now, we're here... hindi ba siya magseselos?"

Halos mabilaukan ako ng sarili kong laway. Hindi ko inaakala ko ib-bring up niya ito.

"Uhm.." Alam nga niya talaga! I'll just exclude what Boss said about the kiss. "He understands. Ginagawa ko ang lahat para wala kaming misunderstanding by communicating. So far, we are taking things slow."

I can't believe na napag-usapan namin ang tungkol sa amin ni Boss.

Pero nakakagaan ng pakiramdam. Nang marealize ko na nagtatago muna kami, may naramdaman akong kaunting bigat sa loob ko.

Tinapos na namin ang kinakain namin pati na rin ang ice cream na pinlano namin. Napaisip ako na baka naiintindihan ni Forsythe kung bakit hindi ako gaanong open pa rito.

Natatakot ako.

Baka mausog.

Gusto kong magwala dahil nadetermine ko na ang isa sa mga dahilan kung bakit lowkey lang kami sa ngayon. Besides, hindi pa ako ready.

Si Boss kaya? Handa na ba siya?

Sabi ko na nga ba, dapat hindi na ako masyadong nag-ooverthink.

Sinubukan kong sanayin ang sarili ko na hindi masaydong lumagpas sa limit ang pag-iisip ko ng kung ano-ano. Kasi sa huli, parang ako rin ang mabibigatan nito.

Kailangan kong malaman ang solusyon para ayusin ko muna ang sarili mo.

"Mukha naman tayong maghahalikan nito."

Ilang linggo na ang nakaraan at gusto ko na talaga ng sagot. Hinila ko pa si Heroic sa hallway para makausap ko siya in private. Talagang isinandal ko siya sa pader dahil nadala lang ako ng emosyon ko.

"Uhm.. ano ang ginagawa mo para hindi mag-overthink?" diretso kong tanong.

Napakunot siya ng noo at napatingin sa kisame. Bago pa siya makasagot ay gulat niya akong tiningnan. "Gusto mo ba ng kausap?"

Napailing ako. "Hihingi lang ako ng strategy para hindi maubos ang oras ko sa pag-iisip nang sobra."

"Oh." Medyo nanghina siya at napasandal lalo sa dingding. "Hindi naman natin maiiwasan ang pag-overthink. Dalawa rin ang choice para diyan: harapin mo at pag-usapan para peace of mind, o hindi kaya, ituon mo ang atensyon sa mga bagay para idistract at puwede ring magparealize sa'yo ng mga bagay-bagay. 'Yung una ay risky pero may advantage. 'Yung pangalawa, mahirap pero masasanay ka nalang. Depende rin sa tao kung ano ang gagawin niya. Sa akin, 'yung pangalawa pero paminsan ay 'yung una kung punong-puno na ako. Oh 'di ba? Magulo?"

Marami siyang sinabi pero pakiramdam ko, naintindihan ko ang sinabi niya.

Hindi ko pa kaya ang una kaya sinimulan ko ang pangalawa.

Kinailangan ko ng space para mag-unwind. Mahirap nga pero nang sinubukan kong magtahi ng mga sirang damit ni Danger (nanghingi ako ng mga butas at sira niyang damit para ayusin ko), nagkapagfocus ako roon. Natuwa ako dahil nakailang damit na ako at paimprove ako nang paimprove. Hindi lang pagtatahi ang naging hobby ko buong bakasyon. Pumapayag ako sa mga raket sa Noground kaya nadadagdagan ang allowance ko. Nagbibigay na rin ako kay Danger para siya na magbigay kay Boss ng pandagdag sa gastusin sa bahay.

"Iniiwasan mo ba si Boss?" tanong ni Forsythe noong pauwi kami sa bahay matapos ang raket namin.

"Hindi!" sagot ko agad. "Busy lang ako kasi magpapasukan na."

Tama. Tama itong dahilan ko.

Infairness, gumagaling din ako sa pagdidistract sa sarili ko.

I think I'm doing well.

Ang alam ng iba kaya hindi nila ako kinakausap ay sobra akong nakafocus sa mga ginagawa ko.

Tama ba talaga ang ginagawa ko?

Nalungkot din ako kaya sa kalagitnaan ng pagtatahi ko. Binagsak ko ang sarili ko sa sofa. Ang bilis na ng pagdaan ng mga araw.

Dahil ba ito kay Boss? Kung anong meron sa amin ni Boss? Takot ba ako sa commitment if ever makapunta na kami sa stage na iyon?

Kung malaman din nila na kami na balang araw, ano kaya ang magiging reaksyon nila? Kung maghiwalay man kami, ano ang mangyayari sa aming lahat?

"Hay, putangina naman," bulong ko.

Nagblangko na sa wakas ang utak ko sa sobrang pag-iisip.

Mukhang hahayaan ko lang na lipasin 'to ng panahon.

Hanggang dumating na nga ang 2nd year.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com