Chapter 31
08/13/22 : hbd na jaemin!

Nagsisimula na naman. Ang pagkakaiba nga lang ay last year, wala talaga akong ideya sa buhay kolehiya samantalaga ngayon ay madadadagdagan na naman ang karanasan ko. And I'm with people that makes me happy and feel loved.
Abala man ako sa bawat araw na lumilipas pero nakakaya ko pa naman. I mean, wala naman ibang choice 'di ba? Bawal din namang sumuko. Wala 'yun sa plano namin.
Nakakamiss din pala ang feeling na sa may natatapos ka at nalagpasan ang stress. Kaso ganun din, paulit-ulit lang nangyayari 'yun.
"Bloom Jinx Marcues!" may sumigaw ng pangalan ko habang nasa kalagitnaan ng hallway. Kunot-mukha pa akong napalingon kung sino ang tumawag sa akin pero agad din namang naplantsa ang noo ko nang makita si Wonder na tumatakbo palapit sa akin.
"Wonder Cortez!" sigaw ko pabalik at marahang kumaway. Nagyakapan kami pero agad akong humiwalay. "'Yun lang ba ang pangalan mo? Wala ka bang second name or something?" tanong ko.
Nilukot niya ang mukha niya. "'Yun lang."
Sabay kaming naglakad palabas ng building pero tumambay muna kami sa vending machine. Bumili ako ng maiinom naming dalawa.
"Kumusta ka na?" tanong niya.
As usual, parehas pa rin ang sagot ko. "Kaya pa naman. Kasisimula pa lang ng klase. Ikaw?"
"Ayos lang din. Grabe, nakausad rin sa unang taon."
Marami rin kaming nakuwentuhan lalo na sa mga professor namin ngayon. Magkaiba naman silang lahat pero pare-parehas na terror. Matapos ang topic na iyon ay tumahimik muna kami habang pinapanood ang mga tao na dumadaan sa hallway.
"Nga pala," panimula niya kaya tiningnan ko siya, pinaglalaruan niya ang straw ng iniinom niya. "Tangina pa rin ng dormmate ko."
Tumawa ako. "Ano ba pangalan niya? Masyado ba talagang spoiled?"
"Kaleido Sy. 'Yung anak ng may-ari ng botika? Nakalimutan ko 'yung pangalan kasi ang hirap naman banggitin. Business Management siya."
"Business Management?" Kilala kaya siya ni Clark?
"Oo. Narinig ko nga 'yun na nagpapagawa nalang ng assignment sa classmate niya para makapagparty siya."
"Fudge..." nalungkot ako. Mga ganung klaseng tao nga naman.
"Speaking of party, nakapunta ka na ba sa Nodawn Shots?" tanong niya.
And I saw pictures in my head of memories we made in that bar.
"Once?" Hindi pa ata ako sure doon. Bumalik naman kasi ang utak ko sa halik namin ni Forsythe.
At ang confession ni Boss.
I miss him.
"Ba't ka namumula?" tanong niya nang natahimik ako saglit.
"Wala lang. May naalala lang."
Sinundot niya ang beywang ko. "Do you have someone right now?" bulong niya.
Ningitian ko siya. "Kinda."
Mas lalo niya akong kiniliti.
"Ikaw ba, meron?" tanong ko.
"Tangina ng mga lalaki ngayon," malutong niyang sagot.
Aasarin ko sana siya nang may pumasok sa isipan ko.
"Kilala mo ba si Danger?" tanong ko bigla kaya napatigil siya.
Sumeryoso rin siya kaya napaiwas saglit ng tingin. Kinabahan tuloy ako. Mukhang magkakilala sila! Naputol tuloy ang pag-aassume ko dahil bumalik ang tingin niya at kunot ng noo niya.
"Sino ba naman ang hindi makakakilala sa lalaki na 'yun?! Alam mo bang sumirit ang oil niya noong practical exams namin? Tapos ang kulit-kulit niya!"
Para akong nahihirapan ngumiti dahil sa mukha ko ngayon. Sasabihin ko ba na kilala ko si Danger? Kaso ayun nga, baka sa pagsimula ko magshare tungkol doon ay mabanggit ko ang Gumdrop. Mabuti nalang na nakatatak ang rules dati sa utak ko.
"Pero dahil sa kaniya, nalaman ko na ginagago na pala ako ng ex ko. Naintindihan ko kung bakit hindi niya direktang sinabi sa akin. Hindi kasi ako maniniwala hangga't hindi ko nakikita mismo. Kaya ayun. Akala ko hanggang doon ang purpose niya kung bakit niya ako pinapansin pero kahit pagkatapos nun, pinapansin niya pa rin ako." Napakamot siya ng batok. "Atleast, hindi siya parehas sa iba."
"Hindi talaga," pagsang-ayon ko.
"Kilala mo si Danger?"
Shet.
"Oo." Awkward akong tumawa. "Mechanical Engineering."
"Ow, daldal nun 'di ba? Ang daming kuwento." Mahina siyang napailing. "By the way, kung free ka, Nodawn Shots tayo paminsan. If gusto mo lang."
Agad naman akong pumayag. Atlast may kaibigan na akong babae!
Nagpalitan kami ng number. Bihira lang kami nagkikita rito kasi malawak ang NU at malayo ang college nila sa amin.
Nakakapanghinayang lang na ngayon lang kam nagkakainteract ng ganito. Sa dorm noon, hindi rin kami ganoong kadaldal dahil hindi pa naman ganoong karami ang nagaganap.
Uwian na kaya nauna na siyang umuwi sa dorm. Friday ngayon kaya babawi siya ng tulog.
Umuwi na rin kami. Magkasabay kami sa sasakyan pero wala si Boss.
"Nasaan si Boss?" tanong ni Clark.
"Nagpaalam si Boss kasi 'yung block nila, nagcelebrate sa Nodawn Shots dahil successful 'yung inorganize nilang seminar," sagot ni Danger habang nagmamaneho.
That's nice. Nakikipaghalubilo siya sa kablock niya at nagpaparty. Para naman hindi puro pag-aaral ang inaatupag nila.
Nang nakauwi kami ay hinila ko agad si Danger palayo sa sasakyan. Kailangan ko lang kumpirmahin ang nalaman ko. "Huy? Bakit? May ginawa ba ako? Sorry na!"
"Hindi." Nang nakarating kami sa lamesa sa labas, binuo ko na ang nasa isip ko. "Kilala mo si Wonder." Hindi na 'yon tanong.
Napaiwas siya ng tingin habang nanlalaki ang mga mata. "Kilala mo siya?"
"Dormmate ko dati."
"Ha? Hindi nga?"
Ayun. Naiintindihan ko na ang lahat. Magkakilala sila Wonder at Danger. Si Danger ang makulit na namention dati ni Wonder noon. Si Wonder naman ang kinuwento noon ni Danger na nakaagawan sa convenience, para magpapansin kaso may jowa pa that time si Wonder.
Ang masasabi ko lang ay amazing! Ang liit ng mundo at nakakatuwa dahil magkakilala sila. No wonder na palaging good mood si Danger. Mahina akong natawa.
"Willing ako makinig sa kuwento mo kung gusto mo ishare ang story niyo," nakangiti kong sabi at tinapik ang braso niya.
Nakita ko namang napangisi siya. "Sige, sa Nodawn Shots tayo mamaya."
Nagsimula na kaming naglakad papasok sa bahay. "Parang dati lang." Naalala ko 'yung pumunta roon para mag-usap. Mabuti nalang na mauulit ngayon.
"Susunduin ko rin si Boss kaya doon nalang din tayo magkuwentuhan," sabi niya.
Nagpaalam kami kina Heroic na lalabas kami at diretsong kukunin si Boss sa bar. Inaya pa namin ang iba kung gustong sumama pero tinatamad sila at matutulog sila nang maaga.
"Mukha naman tayong mga party person," sabi ko kay Danger habang papunta sa pulang sasakyan.
"Hindi naman halatang naghanda ka?"
"Kung puwede nga lang magpajama sa bar, iyon susuotin ko."
Nakaskirt ako, stiletto heels at baby pink na crop top na binili ko ngayong buwan. Ang cute kasi. Ang gaan lang din kasi kaya hindi ako maiinitan. Nagsuot din ako ng accessories. Naglagay ako ng make-up.
Ay, sana inaya ko si Wonder ngayon! Hindi ko rin kasi alam. At hindi ko pa pala puwedeng mabanggit na magkakilala kami ni Danger hangga't hindi pa namin pinag-uusapan 'yun.
Pagkarating namin sa bar, as usual, marami talagang mga tao. Kaso nabibigyan agad ng pansin ang mga Political Science na mga estudyante na nakakalat sa dance floor. Hindi rin kasi sila mapaghahalataan na estudyante dahil naka-formal attire sila. Mas nagmumukha silang mga businessmen at businesswomen.
Pumwesto kami sa counter ni Danger at siya lang ang umorder ng beer. Hindi ako iinom ngayon dahil hindi ko trip magpakalasing. Kumukuha nalang ako sa pulutan niya habang pinapakinggan siyang magsalita. Binigyan din ako ng bartender ng tubig.
"Since kilala ko siya dahil magkaklase kami sa ibang subject, hindi lang nakaya ng konsensiya ko na hayaan ko lang na gaguhin siya nung tostadong bayag na iyon kaya binibigyan ko siya ng hint. Hindi rin kami close that time kaya hindi ko direktang masabi sa kaniya. Hanggang sa akala ko kapag nalaman na niya na 'yung gusto kong sabihin sa kaniya, okay na ako. Kaso nakakatuwa talaga siya na mapikon. At.. ayun."
Napatango ako. Parang alam ko kung saan papunta.
"So... uhm.." Hindi ko kayang pangunahan ang sasabihin niya kahit may ideya na ako! Kaya sa tingin ko, sana makuha niya 'yung kaunting pang-asar ko. Kinikilig kasi ako!
"Ayun, okay lang kami."
Kumunot ang mukha ko. "Kayo na ba?"
Nanlaki ang mga mata niya at nabilaukan ng sariling laway. "Hindi, uy! Hindi nga ako gusto nun!"
Mas lalong kumunot ang mukha ko. "Gusto mo siya?" seryosong tanong ko.
Doon na siya nakawala ng mahabang hininga. Parang nag-iisip din siya.
"Go with the flow ako sa ngayon. Gusto ko ring sigurado ako."
Napanguso ako. Nagiging emosyonal ako sa side nito ni Danger! Ang saya ko rin makita na seryoso at masaya siyang nagkukuwento.
"Hindi kami close noon ni Wonder pero nagkakausap na kami ngayon. Paminsan nga lang. Hindi ko lang nasabi na close tayo kasi inaalala ko rin 'yung rule na binigay sa atin ng White Hall. Baka rin kasi magtaka sila or something. Especially kung malaman na nakatira tayo sa iisang bubong."
"Ganun din naman ako. Wala pa akong napagsasabihan kung saan ako nakatira ngayon."
Nagpalibre ako kay Danger ng halo-halo. Mukhang nabusy na rin kami sa pagkukuwentuhan kaya naubos na ang lamig ng iniinom niya. Kung sabagay, baka puno na ata siya.
11 PM na. Nabanggit niya na nagpapakuha na si Boss. Kaya pinuntahan namin siya sa space nila sa second floor. Napanganga nga kami kung gaano karaming bote ang ininom nila. Halos lahat sila ay may tama na. Maliban sa isa nilang kasama na may reading pa, kaharap pa ang sandamakmak na papel.
Nakita na namin si Boss. Nakasuot siya ng itim na polo dress shirt habang nakasabit sa bisig niya ang coat. Tumatawa siya habang nakikinig sa nagkukuwento niyang blockmate. May akbay pa itong babae.
"Hayaan lang ba natin muna?" bulong ni Danger. Nagsasaya kasi sila. May iniinom pa rin sila hanggang ngayon kaya mahahalatang hindi pa sila tapos.
"What if tawagan mo? Baka hinihintay ka rin niya?" tanong ko habang nakatingin kay Boss. Pulang-pula na rin kasi siya.
Kukunin sana niya ang phone niya kaso napahawak ako sa braso niya nang may dumaan sa aming mga babae. Nagsigawan ang mga lalaki roon. Para akong nanlamig dahil biglang nagsisikandong ito sa mga nag-iinuman. Gusto kong hilain si Boss palayo kasi sasabog ata ang puso ko sa nangyayari. Kahit nga si Danger ay napahakbang paatras nang naghahalikan na ang iba.
Pinanood ko ang isang babae na may brown hair na nakatayo sa harapan ni Boss. Nababasa rin sa galaw nito na balak niyang umupo sa hita niya habang sinusuklay ang buhok. Kitang-kita na hindi komportable sa inuupuan si Boss.
"Ay! Boss! Mayroon ka na bang girlfriend?" natatawang tanong ng kablock niya na may babae sa magkabilang bisig niya. Napansin din sila ng iba at nakiasar.
Si Boss lang naman ay umusog sa upuan at nilagyan ng bag ang hita niya. Nagpanggap nalang siya na walang nakikita. Pinagpatuloy pa ang pagkain ng mani.
"Naks naman, Boss." Natawa rin si Danger. Ang good boy din ng datingan ni Boss kahit nasa bar siya.
"Hindi na siya komportable." Kinalbit ko si Danger. Kitang-kita ko na parang wala na siyang reaksyon habang inaasar pa siya ng iba.
"Sige, kunin na natin." Kukunin na sana niya ang phone niya pero may lumapit bigla sa amin na taga-PolSci.
"Hi, sino hanap niyo?" tanong nito pero nakatingin sa akin. Palapit nang palapit pa ang mukha niya sa akin kaya naamoy ko ang amoy ng alak at yosi.
Pasimple akong tinago ni Danger sa likuran niya at hinarap ang lalaki. "Si Boss."
"Ohh." Napatango ito. "Agustine! May naghahanap sa'yo!" sigaw niya nang bumalik sa sofa roon.
Pinahiran ng 'atlast' ang mukha ni Boss. Tumayo agad siya. "Una na ako sa inyo. Good job and congratulations."
Pinigilan siya ng isa. "Maya na, Boss! Hindi mo pa nga pinapansin ni Anna!" Tinuro 'yung babaeng tumabi sa kaniya. Dismaya pa rin itong nakatingin kay Boss.
"Pagpasensyahan mo na 'yan, Anna. Hindi lang sanay lumandi kasi busy sa studies. Siya pa ang Top 1 namin."
"Isa pang pangungulit ng lalaki na 'yun na mukhang nasa bote ng sarsa, bubuhusan ko siya ng mani," bulong ko kay Danger.
"Shh. Malakas si Boss," bulong niya pabalik.
"Pansinin mo na si Anna, Boss!"
"Malay natin, mapasaya niya ang gabi mo!"
At napuno ng tawanan.
Napaangat ang gilid ng labi ni Boss. Umiling pa siya bago inubos ang natitirang alak sa baso niya. "May naghihintay sa akin sa bahay."
Binuhusan na naman siya ng samutsaring asaran. 'Yung iba pa nga ay binabalik siya sa tabi ni Anna. Nang nakaupo na ulit siya, parang may nagliyab sa mga mata ko. Binalot bigla nung Anna ang mga kamay niya sa beywang ni Boss.
I will not let this continue.
Marahan kong kinuha ang phone ko para tawagan si Boss.
Habang inaasar siya, nakuha pa rin niyang kunin ang phone niya para tingnan ito. Para siyang natauhan nang makita ang screen niya. Doon na siya nagpumilit na tumayo at kinuha ang bag niya. Kaso hinarang siya ng kanina pang pumipilit sa kaniya.
"Masyado pang maaga, Agustine. Nagsasaya pa naman tayo rito eh."
"Sa tingin mo, masaya ako?"
Hindi ko napigilan ang sarili ko na napangiti. Tama 'yan, Boss, kahit lasing ay alam pa rin ang tama at mali.
"Una na ako sa sasakyan," paalam ko kay Danger.
"Teka, sabay-sabay na tayo."
Nang makalapit na si Boss sa gawi namin, mula sa seryosong pagmumukha, bigla siyang napangiti. Napayakap pa siya kay Danger kaya gulat kaming napatingin sa isa't-isa. Siyempre, ang pinakanagulat ay si Danger mismo kasi hindi naman clingy si Boss sa kaniya. Palagi kasing siya ang clingy.
Parang nawawala si Danger habang tinitingnan ako. Nagtataka kung ganun ba talaga si Boss kapag lasing.
Sumenyas na ako na umalis na kami kaya nagsimula na silang maglakad, sinusundan ako.
Naririnig ko na nagrereklamo si Boss kay Danger habang magkaakbay sila. Kahit nahihirapan si Danger, tango siya nang tango sa mga reklamo. Hindi ko mapigilang mapangiti. Marami man ang taong nakapaligid sa amin, kinuhaan ko sila ng litrato na ganun ang lagay nila. Kawawa naman si Danger, hindi pa natatauhan sa pustura nila ni Boss. Tapos natataranta pa sa dinadaanan.
Sinubukan ko namang tulungan siya sa pagkuha ng kabilang kamay ni Boss dahil sa bawat pagkuwento ni Boss ay may matching actions pa.
Nauna akong nakarating sa sasakyan. Paglingon ko, nawala silang dalawa. Akala ko susunod na silang lalabas ng bar pero halos sampung minuto na at wala pa sila.
Tinawagan ko na si Danger habang dahan-dahang naglalakad pabalik sa loob.
"Sandali lang! Hinila ako ni Boss sa dancefloor!" sagot niya agad at rinig na rinig ko ang sigaw niya sa kalagitnaan ng lakas ng tugtog.
Natawa ako. "Nasa labas na ako."
"Ito, palabas na kami!"
Hinintay ko nalang sila sa lumabas. Sumandal ako sa sasakyan.
Nang makita ko na sila na naglalakad at pageywang-geywang sa daan, hindi ko na naman mapigilang matawa. Nadadala nalang si Danger sa bawat paghila sa kaniya ni Boss kahit saan. Bago pa nga sila makasakay sa sasakyan, halos iwrestling pa ni Boss si Danger sa gitna ng daan.
"Boss! Uwi na tayo!"
Ayaw kong aminin na natutuwa ako sa nakikita ko sa kanilang dalawa. Mabuti nalang ay napagod na si Boss at bumagsak sa backseat. Para ngang nalalantang gulay si Danger nang umupo sa driver's seat. Basang-basa pa sila ng pawis.
"Puwede ba tayong bumili ng beer sa convenience store? Parang gusto ko pa uminom," sabi ni Boss na nakahiga sa likod.
"Hindi na," matigas na sagot ni Danger at mariin na umiling. "Pagdating mo sa bahay, maghilamos ka at matulog agad."
"Isa lang." Tinaas pa ni Boss ang hintuturo niya.
"Hindi na."
"Sige na pleaaaaseee," pagpupumilit niya at hinawakan pa ang braso ni Danger.
"Huwag mo akong hawakan, please!" iyak ni Danger habang nagmamaneho. "Nanghihina ako!"
Hindi ko mapigilang matawa nang mahina.
Habang nasa biyahe, kinuwento ni Boss ang mga nangyari sa seminar nila. May guest speaker silang sikat at magaling na abogado na taga-Solance City. Marami ang preparations nilang ginawa pero hindi sila tinutulungan ng White Hall. Hindi raw pinapansin ang unang nag-approach ng officer nila.
Nabanggit na ayaw ni Boss na mainvolve dahil siya ang namamahala ng technical at kilala siya ng White Hall. Pero malaki ang paghahanda nila at nafrustrate siya na wala pang progress sa pag-approve ng request nila.
"Ayaw kong nagf-first move sa pakikipag-usap sa White Hall. Pero wala akong nagawa dahil masasayang ang mga pinaghirapan ng buong department. Wala nang puwedeng gawin kaya kinausap ko ang mga tao roon. Napansin naman agad nila ang letter. 'Yung mayor mismo nagsabi na siya magbibigay ng opening remarks pero hindi siya pumunta. Kung hindi lang din advance mag-isip ang mga organizers, baka mapahiya na kami."
Para sa isang lider kagaya ni Boss, iba siya sa mga nakikilala ko. Ayaw niya ng masyadong kapangyarihan.
"Fuck," bulong niya nang tinakpan niya ang mga mata niya gamit ang bisig niya.
Nagkatinginan kami ni Danger.
Nakakatakot si Boss ngayon. Kanina, nagmumura, ngayon naman ay tumatawa. Hinayaan muna naming ilabas niya ang mga gusto niyang sabihin. Nakikinig kami sa lahat ng sinasabi niya.
"Ngayon niyo lang narinig ang apelyido ko 'no?"
Stalwart Boss Agustine.
Ngayon ko lang nalaman ang apelyido niya.
Agustine.
"Apelyido 'yun ni Papa." Napahighik siya habang inaayos ang paghiga niya.
Sinilip ko siya mula sa likuran. Gusto ko siyang yakapin pero uunahin ko munang ipaubos ang lahat sa kaniya. Panibagong araw na naman bukas kaya sana ay mabawasan ang bigat ng nararamdaman niya ngayon.
"Pero hindi ko alam kung nasaan siya ngayon."
Pakiramdam ko, binuhusan ako ng tubig. Ang buong akala ko ay... wala na ang Papa niya?
"Hindi ko alam kung buhay pa ba siya o wala na siya. Nawala nalang siya bigla at wala na akong balita sa kaniya. Hindi ko na alam kung ano pa ang magagawa ko. Putanginang buhay na 'to."
Aabutin ko sana ang kamay niya nang nagsalita siya ulit.
"Sana, nanalo ulit ang tatay mo noong nakaraang eleksyon, Danger."
Kitang-kita kay Danger ang gulat at paninigas ng katawan niya.
Nakarating na kami sa bahay na bitbit ang katahimikan. Mukhang nakatulog si Boss.
"Ngayon ko lang narinig 'yun sa buong buhay ko," bulong ni Danger nang hindi pa kami nakakababa ng sasakyan. "Si Tatay lang ang naiiba sa lahat ng naging mayor dito dahil ang mga Nodawn 'yung nananalo. Maraming nagsabing nandaya raw siya or binili niya ang mga boto. Pero saksi ako sa pangangampanya niya kada pamamahay, Bloom. Nakikita ko tuwing gabi kung gaano siya natatakot sa mga desisyon niya dahil gusto niyang mapabuti ang Nodawn. Kaso inuuna niya ang mga utang, ang pagtatapos ng mga hindi natuloy na infrastructure at iba pa. Tapos siya ang sisisihin na kurakot eh naririnig ko ang away nila Nanay noon dahil inuuna pa niya ang iba kaysa sa amin na pamilya niya. Tapos..." Sumandal siya at natawa.
Hinawakan ko ang balikat niya at tinapik-tapik ito.
"Tapos siya pa ang nagmukhang masama dahil sa mga misinformation at disinformation na pinapakalat. Naging kalaban na rin niya ng sambayanan. Iba rin talaga ang kapangyarihan ng pera," mahina niyang dagdag.
Wala akong masabi dahil sa nalalaman ko.
Tinapik-tapik ko nalang muna ang balikat niya.
"Tapang mo, Danger.." bulong ko. "Hindi madali 'yung pinagdaanan niyo. Lalabas din ang katotohanan balang araw."
Nakawala siya ng mahinang ngiti. Napatango na siya at tinanggal na ang seatbelt niya.
"Dalhin na natin si Boss sa kuwarto niya. Bagsak na bagsak oh."
Totoo ngang knock-out na si Boss. Amoy na amoy talaga sa kaniya ang alak noong kinarga na namin siya palabas ng sasakyan. Mabuti nalang ay gising pa sila Forsythe at Heroic kaya sila na ang nagtulong-tulong magbuhat. Mas lalong bumigat si Boss dahil hindi na rin niya inaalalayan ang bigat niya.
Naghanda na ako ng maliit na planggana at facetowel para pamunas sa kaniya. Mabawas-bawasan man lang ang amoy niya.
"Grabe! Marami talaga nainom niya?" tanong ni Heroic nang inihiga na nila si Boss sa kama niya.
"Oo. Muntikan na ngang madala ng babae," natatawang pagsumbong ni Danger.
Nagulat naman ang dalawa.
Itong si Forsythe pa ay napatingin sa akin.
"Sinong magpupunas sa kaniya?" tanong ulit ni Heroic.
"Bloom." Tinuro pa ako ni Forsythe.
Aangal sana ako kaso sumang-ayon naman si Danger. "Oo nga! Andito pala ang nurse natin."
Wala na akong nagawa dahit tinaas nila ang 'nurse' card.
"Puwedeng kayo magtanggal ng polo niya?" Dumeretso ako sa cabinet kaya sila na nagtanggal ng polo ni Boss. "Hayaan nalang ang pants niya kasi baka mailang siya bukas."
Kumuha ako ng white t-shirt niya. Basta presko siya sa pagtulog.
Bago pa ako makahakbang, napatingin ako sa study table ni Boss. Hindi man bukas ang lamp niya roon pero nakita ko 'yung picture frame doon.
Picture namin ni Boss na magkatabi at nakangiti. Nakasuot kami ng uniform at ito pala dapat ang hihingiin ko sa kaniya. Nakalimutan ko lang.
Palihim ko itong tinaob para hindi nila makita. Tinatago ko ko rin ang ngiti ko dahil parang gustong umiyak ng puso ko.
Nakafocus ako sa pagpupunas ng mukha niya. Kaso narealize ko na sa ilalim ng kumot niya, wala na pala siyang suot. Kahit diretso lang ang mukha ko, nagwwala na ang buong kalamnan ko. Baka nga magtaka pa si Forsythe kung paano ko pa nakakalma ang sarili ko.
Tapos na naming bihisan si Boss at inayos ang paghiga niya. Sa wakas, nagpasay na rin kaming magsitulog.
Bago ako natulog, inayos ko na ang sarili ko, nagsuot ng t-shirt at pajama, pati na rin pagtanggal ng make-up. Pakiramdam ko pa ay may energy pa ako kaya inayos ko ang shelf ko. Inipon ko ang mga outputs, activity at mga libro kong napakamahal sa lamesa. Naghalungkat ako nitong mga araw para magreview ng mga pinag-aralan namin dati. Marami rin ang dapat naming gawin kaya parang medyo nap-pressure na ako.
Maayos na ang mga gamit ko. Maayos na rin ang kama ko.
Pero hindi pa ako inaantok.
Bumaba ako sa kusina para lagyan ng tubig ang bili kong tumbler. Naalala kong hindi pa makapaniwala si Lawron na may bitbit akong 2L pink water tumbler. Sinabihan pa naman ako ng anak ko na sana bumili nalang daw ako ng jug!
Naalala ko si Boss kaya pumunta ako sa kuwarto niya. Kaso nakalimutan ko na sana, nagdala rin ako ng tubig niya para inumin niya kung nauuhaw siya.
Balak kong bumalik pero nakarinig ako ng tunog ng lata sa loob. Agad naman akong kumatok at binuksan ito. Nakita ko si Boss na gising, seryosong nakatingin sa mga libro niya at umiinom ng beer in can! Ganun pa rin ang suot niya kaso nakasalamin na siya at magulo pa ang buhok niya. Nang nakita niya ako ay napaekis ako ng mga bisig.
"Tama na nga 'yan, sabi eh."
Hindi niya ako sinagot at inubos ang laman ng hawak niya. Napairap ako at sinara ko ang pinto pagpasok ko. May pagkamatigas din ang ulo nito eh.
Inipon ko ang mga lata sa sahig. Kingina, nakalima na siya.
"Hayaan mo 'yan. Ako bahala diyan."
"Nagsalita ang lasing." Saktong pag-angat ng tingin ko, may maliit na cooler sa tabi niya. Aba, may tinabi pala siya at mukhang ngayon lang inilabas. "Tapos nagbabasa ka diyan. Hanep ka na ah."
"Hindi naman ako nagbabasa."
Okay, props lang niya 'yan.
"Tama na nga 'yan, Boss."
"Ito na. Last na." Siya na mismo nagtapon ng huling lata. Napatakip pa siya ng mga mata, akala ko nga, natutulog na siya.
Matapos kong maglinis, nakita kong nakatayo na ulit ang picture frame na tinaob ko kanina. At doon ko lang ulit napansin na wala na 'yung litrato nila na nakita ko noon.
Tumayo ako sa tabi niya at hinintay na magsalita siya. Kaso hikbi ang narinig ko.
"Miss na kita.."
Parang binagsakan ako ng mabigat na konsensiya.
Bumalik ang alaala kung paano ko iniiwasan ang mundo para buhatin ang sarili ko dahil ayaw kong pumasok sa relasyon na may problema pa sa sarili ko. Ayaw kong dumepende sa iba. Lalo na kay Boss dahil mahirap pigilan ang nararamdaman ko sa kaniya.
"Sinusubukan kong intindihin kung bakit ka umiiwas pero wala akong maintindihan. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Gusto kitang kausapin pero may tiwala naman ako na para sarili mo ang dahilan. Pero nabigla ako. Nahihirapan ako. Hindi ko na alam ang sasabihin ko."
Umupo ako sa ibaba para tingnan ang mukha niya. Naiipon na rin ang luha ko pero sinubukan ko maging matatag. First time 'tong nangyayari sa akin at hindi ko alam kung paano ba 'to.
"Gusto kong sabihin ang lahat. Gusto kong ipaliwanag sa'yo kung bakit.. pero.. pero.." Hindi na siya makapagsalita dahil sa mga hikbi niya.
Napayuko ako. Ramdam ko na marami siyang gustong sabihin.
"Shhh." Hinaplos ko ang buhok niya. "Hindi naman tayo nagmamadali 'di ba?" bulong ko.
Hinawakan ko ang mga kamay niya pero puno ito ng luha kaya tumayo ako para punasan ito gamit ang laylayan ng damit ko. Sunod naman na pinunasan ko ang mukha niya.
"Sorry. Magulo ang pag-iisip ko dati lalo na't kailangan ko munang imanage ang pag-iisip ko kasi ako 'yung nasasakal sa lahat ng iniisip ko. Ayaw ko na madamay kasi nakakagawa ako ng masamang desisyon kung masyado akong nag-iisip. Sorry."
Niyakap ko siya. Lahat na ng bumabagabag sa akin unti-unting nawala. Alam kong sigurado na ako sa nararamdaman ko. And I also know that something is growing.
"Let's talk again when you're sober, hmm?"
Tumango siya.
Hindi ko mapigilang hawakan ang magkabilang pisngi ni Boss. He must gone through a lot these past days.
Dahan-dahan kong hinalikan ang noo niya.
Nagulat siya sa ginawa ko pero nanlumo rin nang nagkasalubong ang mga tingin namin.
"Thank you for letting me feel this kind of feeling, Boss."
Nagpanic na naman ako dahil napayuko siya at humikbi na naman.
"Bakit ka naman umiiyak?" natatawa kong tanong.
"Gusto kong sabihin lahat pero hindi ko pa kaya," hikbi niya.
Natawa nalang ulit ako at pinunasan ang mga luha niya. "Take your time. Willing naman akong makinig sa'yo anytime."
I patiently waited for him to sober up. Binigay ko pa ang water tumbler ko. Medyo naiilang siya noong una dahil sa akin naman 'yun pero wala namng problema. Uminom din siya sa straw kung saan ako umiinom.
"Ang sakit na ng ulo ko."
Hinawakan ko ang noo niya. Medyo mainit siya pero napaisip ako na baka sa pag-iyak niya 'yun. "Humiga ka na. May aayusin lang ako."
Mabuti na lang, hindi siya umangal at sumunod siya. Inayos ko ang mga pinag-inuman niya. Tinapon ko na rin 'yun sa labas para wala na gaanong kalat sa kuwarto niya.
Nagpalit na rin ako ng damit sa kuwarto ko.
Bumalik ako sa kuwarto niya para ayusin ang iba niyang gamit. Pero nagdadalawang-isip ako na baka may binabasa talaga siya kaya sa pagsara ko ng libro niya, naglagay ako ng bookmark para palatandaan na iyon ang nakabukas. Isasara ko sana ang lamp kaso nakita kong umilaw ang laptop niya, lowbatt na.
Pinindot ko ang space bar.
Nakita ko naman ang litrato naming dalawa pero iba na ang posing. Ito 'yung time na naghihintay kami ng timer pero napaaga kami ng bilang kaya sa huli, sabay kaming napatakip ng mukha dahil sa flash. Hindi ko mapigilang mapangiti.
Nagdadalawang isip pa ako kung ichacharge ko ba kasi nakita kong may mga bukas na Microsoft Office si Boss. Baka may tinatrabaho siya bago sila mag-inuman.
Balak ko nalang na maagang magising para matanggal din ang saksakan.
Nakasabit lang ang charger kaya sinaksak ko na ito. Paalis sana ako nang makita ko ang sticky note sa desktop niya.
August 13 – Nodawn University Association of Political Science "Through Laws" Seminar
August 16 – Exam and recitation (Major)
August 25 – Lawron's birthday
- Bloom, Nodawn University 62nd Cap, Badge & Candlelight Ceremony
Malapit na nga ang ceremony namin! At ang mas nakakagulat, birthday din ni Lawron ang araw na 'yun!
Nag-iisip na ako kung ano ang gagawin namin. Umupo pa ako sa study table ni Boss para mag-isip nang mabuti. Pero nang maalala na ceremony rin namin iyon, baka after nun ay magcelebrate kami. Final plan for today, kakausapin sila Heroic para sa surprise.
Bago ako bumalik sa kuwarto ko, sinilip ko si Boss. Kinapa ko ang noo niya at hindi na ganoong kainit tulad kanina. Inayos ko na ang electricfan at kumot niya.
Mukhang nagising pa ata siya sa paggalaw ko ng kumot niya kaya napadilat siya. Napangiti ako at umupo sa kama niya. "Tulog ka na." Sinara ko ang mga mata niya gamit ang palad ko.
Kaso pagtanggal ko, nakadilat pa rin siya.
"Sleep here.." he softly said.
Pinanlakihan ko siya ng mga mata. Seryoso ba siya?
"But it's okay if you don't want."
"Gusto ko," diretso kong sagot.
Gusto kong magwala.
Binuksan niya ang kumot niya pero ako itong tumalikod muna dahil iniisip ko... ang bra ko.
Para sa aming dalawa, niluwag ko nalang ang strap ko. Hindi rin naman ako sanay kung may suot pa ako sa dibdib pero ayaw ko pang matulog sa tabi niya na wala akong bra.
Nakahinga rin ako nang maluwag nang maluwag na ang suot ko.
Paglingon ko, nakita ko si Boss na nasa kabilang parte ng higaan.
"Tapos ka na mag-adjust?" tanong niya.
Natawa ako. Hindi ako nakapagpaalam na mag-aadjust ako kaya tinalikuran ko siya. At tinalikuran din naman niya ako.
"Tapos na."
Unti-unti niya akong sinilip. Nakatukod ang siko ko sa unan habang tinitingnan ang reaksyon niya. Gusto ko talaga siyang kurutin!
"I charged your laptop pala. Mamaya nalang tanggalin." 3 AM na rin naman eh.
"Okay, thank you."
Nakahiga kami nang tuwid. Para kaming mga bangkay kaya hindi ko mapigilang matawa, Siya nag-aya tapos hindi siya nagf-first move. Kung sabagay, naiintindihan ko rin siya.
Niyakap ko ang unan na hinihigaan ko. Sa ganitong posisyon ako nakakatulog.
"Good night," sabi ko at pumikit na.
Habang hinihintay na dapuan ako ng antok, naramdaman kong inayos niya ang kumot sa gawi ko. Actually, naramdaman ko na binigay niya sa akin ang lahat ng kumot!
Dumilat ako bigla at natigilan siya sa pag-ayos ng higa niya, naabutan ko pa na nasa ibabaw ang bisig niya.
"Uhm.." panimula niya at napaiwas ng tingin. "I want to hug you."
Pero balot ako ng kumot niya?
Nabasa niya ang tingin ko kaya awkward siyang tumawa. "Ganito lang muna tayo."
Napatakip ako ng mukha at natawa. "Jusko, Boss!" Huminga ako nang malalim. Ako na ang mismong umusog sa kaniya. Parang may tumabi sa kaniya na kulay asul na turon. Sinandal ko ang ulo ko sa dibdib niya. "Let's sleep."
I've always wanted to feel his arms around me.
And I can already identify that love is the 'something' that is growing between us.
---
Naramdaman ko na ang umaga dahil sa liwanag na nararamdaman ko sa mukha ko. Masyado pa akong komportable sa higaan ko kaya hindi ko pa binalak tumayo. Gusto ko 'yung amoy, lambot at lawak ng higaan. Wala rin namang pasok ngayon kaya dito lang muna ako.
Kung dito ako palagi sa kama ni Boss, masarap talaga ang tulog ko.
Sa kama ni Boss...
Teka.
Kama ni Boss?
Dumilat ako at nakita ko ang sarili ko na sakop na ang buong space ng higaan. Nakadapa na ako at yakap-yakap ang mga unan na nakapaligid sa akin. Nagmukha pa akong starfish!
Hinanap ko si Boss sa paligid pero wala na siya. Iniwan ba niya ako rito? Hindi man lang ako ginising! Anong oras na ba?
Dali-dali akong bumangon. Para na tuloy akong nagkape sa sobrang kaba. Paano kong may makaalam na tabi kaming natulog ni Boss? Nahihiya na agad ako sa asaran at awkwardness!
Umagang-umaga, nag-iisip na ako ng script habang inaayos ang hinigaan. Baka sakaling tanungin ako, may maisasagot ako. Pakiramdam ko, 10 AM na dahil sa liwanag. Kailangan kong ihanda ang sarili ko bago bumaba.
Abot langit ang dasal ko nang sumilip ako sa labas. Mabuti nalang ay walang katao-tao kaya mabilis akong pumasok sa kuwarto ko para maghilamos.
Sa wakas, nakahinga rin ako nang maluwag. Kalmado na rin akong nakababa para mag-almusal.
Nasa kalagitnaan ako ng pagtali ng buhok nang makarating sa hapagkainan. Andoon na silang lahat at kumakain.
"Good morning, Ma!"
"Good morning, nak!" bati ko pabalik kay Lawron. Tumabi ako sa kaniya at pinagmasdan ang almusal ngayong umaga.
Napasulyap ako kay Boss na nagbabasa ng diyaryo. Nang nagtama ang paningin namin, ngumiti siya at nabasa ko sa labi niya ang 'good morning'.
Sarap naman ng almusal ko.
Tahimik kaming nag-aalmusal. Tanging mga kubyertos ang naririnig namin kaya mukhang ito ang tamang oras para magsalita.
"Malapit na ang ceremony namin para maging student nurse na ako," panimula ko kaya napatingin silang lahat sa akin.
"What time?" tanong ni Orion.
"8 AM. Punta kayo ha?"
"Opkors! Kahit hindi mo kami pagsabihan, pupunta talaga kami," sabi ni Danger.
"Puwede ba magpatarpaulin ng mukha mo? Maglalagay kami ng CONGRATS BLOOM, STUDENT NURSE KA NA!" singit ni Clark kaya mabilis akong umiling.
Nagtawanan naman silang lahat. Naiimagine ko palang, nahihiya na ako.
"And 'di ba, sa mga ceremony like graduation or recognition, may kasamang parent or guardian habang nagmamarch papunta sa stage?" paalala ko. Napatango naman sila.
Simula talaga iniisip ko ang ceremony namin, isa agad ang pumasok sa isipan na gusto kong makasama ko sa pagmartsa.
"Since wala ang magulang ko rito..."
Tiningnan ko si Heroic.
"Puwedeng ikaw ang makasama ko sa pagmartsa?" tanong ko.
Napatingin din sila sa kaniya para maghintay ng sagot niya kaso parang nagblangko ang mukha niya.
"Ako?" pag-uulit niya at halata sa boses niya ang panginginig. Mukhang hindi siya makapaniwala.
"Oo nga!" Tumawa ako. Parang ang tagal pa magsink-in sa kaniya ang tanong ko.
Naalala ko noong unang pagkikita namin ni Heroic, naramdaman ko ang paglapit ng loob namin. Para isa siya sa mga piraso sa buhay ko na magpapakumpleto sa akin. Simula hindi pa namin alam ng pangalan ng isa't-isa, sa mga oras na magkasama kami, sa lahat ng kuwento o tawa man hanggang sa mga pagsubok ay mas lalo ko siyang nakikilala. At habang buhay akong magpapasalamat sa kaniya.
Hinihintay pa rin namin ang sagot niya. Kaso may napansin akong luha na namumuo sa mga mata niya.
"Huy!" tawag ko.
Ito ang unang beses na nakita kong umiyak si Heroic.
Wala siyang sinabi pero alam kong pumapayag siya sa mga hikbi niya. Nanginginig ang mga kamay niya habang tinatakpan ang mukha niya. Agad naman akong lumapit para yumakap. "Bakit ka umiiyak?" natatawa kong tanong habang binalot ng mga bisig ko ang buong ulo niya.
Niyakap ko lang siya at hinintay na huminahon sa kahihikbi.
"Sa wakas, umiyak si Heroic!" Inangat ko ang kamao ko.
"Sa wakas!" sigaw din ng iba at dali-daling sumali sa yakap.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com