Chapter 32
8/25/22:
happy 6th anniversary, nct dream!

"Ito. I like this one."
Tinuro ko kay Boss ang picture namin ni Heroic sa stage noong Cap, Badge & Candlelight Ceremony namin. Nakaluhod ako habang sinusuotan ako ng cap. Hindi ko mapigilang mapangiti dahil ang gaganda ng mga kuha ni Boss.
Nasa kuwarto niya kami ngayon at tinitingnan ang mga picture noong ceremony at birthday ni Lawron. Pumipili kami ng mga ipapadevelop para ilagay sa album. Nagpasya kami na magkaroon ng remembrance namin sa college para balang araw ay may mabalikan kami.
"Isa nalang nga ang picture natin, blurred pa," nagtatampo kong sabi nang dinaanan na namin ang picture naming dalawa sa laptop niya pagkatapos ang ceremony. Ang pagkaalala ko rito ay nagmamadali na kami sa pagkuha ng litrato dahil parating na ang cake na inorder ni Orion. Hindi naman namin puwedeng sabihin dahil balak talaga naming isurprise si Lawron. Ang pagkakaalam ko, tapos na magdecorate sila Forsythe, Danger, at Clark sa pangunguna ni Orion sa kusina. Nalate nga lang sila nang slight sa ceremony pero nakahabol pa.
Natawa si Boss sa reaksyon ko at hinaplos ang buhok ko. "Pero cute ang picture niyo nila Clark at Lawron." Pinakita niya ang sunod. Nakaakbay silang dalawa sa akin at malawak na nakangiti. Mas lalo tuloy akong napangisi. Ang cute nga namin!
"Nasaan 'yung picture na binuhat ako ni Danger tapos muntikan kaming mahulog?" tanong ko at inabangan ang picture na 'yun.
"Ito."
Natatawa pa rin ako na makita ang litrato namin ni Danger na nanlalaki ang mga mata dahil pahulog na sana kami. Ang lakas ng loob namang magbuhat, hindi naman kaya! Pero nakakatuwa naman na nakuhaan pa kami bago kami saluhin nila Forsythe at Heroic.
"I love this!" Tinuro ko ang huling picture naming lahat bago makauwi. Nasa gitna ako nilang lahat at magkaakbay kaming lahat. Ang mga nasa dulo ay si Orion at Danger, sumunod naman sa kabila ay sila Lawron at Forsythe. Nasa gitna ako nila Clark at Heroic. "Bakit ka hindi tumabi sa akin?" nagtatampo ko na namang sabi dahil magkatabi sila ni Clark.
"Sorry. Sunod, unahan ko sila," malungkot niyang sabi.
Nataranta naman ako. "Ayos lang. Marami pa namang mangyayari sa ating lahat." Niyakap ko ang tagiliran niya. "By the way, papasa niyang picture na 'yan sa phone ko. Thank you!"
Habang pinapasa niya ang picture, tumayo muna ako para pumunta sa study table niya. Tiningnan ko ulit ang picture naming dalawa roon. Parang gusto ko talaga siyang nakikita dahil ang sarap pagmasdan.
"Done na."
Binaba ko ang picture frame at binalikan siya sa balcony at umupo sa tabi.
Pinakita niya ang wallpaper kong light blue sky na may maninipis na ulap. "Ikaw ang kumuha nito?" tanong niya.
"Yep! Dati ko 'tong pinicture, mid-high school. White lang kasi ang wallpaper ko noon. Eh, medyo boring kaya naghanap ako sa gallery ko. Iyan ang napili ko kasi blue. Ikaw ang naalala ko."
Boss pursed his lips. I already knew that he was hiding his smile. Pasimple pa niyang binalik ang tingin niya sa laptop. Balak ko rin sanang manood sa mga susunod na litrato pero pinakita niya sa akin ang phone niya. Pinanood kong buksan niya ito.
Nakita ko ang sarili ko na may icing sa mukha at nakabungisngis. Nakasuot pa ako ng uniform kaya alam kong noong birthday 'to ni Lawron kung kailan nagpapahiran na kaming lahat ng icing sa mukha.
Sigaw pa ako nang sigaw na huwag nilang pahiran ang uniform ko.
"May opportunity ka pang kunin 'yan sa gitna ng kaguluhan," sabi ko sa gitna ng mga tawa.
"Na kay Heroic kasi ang camera kaya ginamit ko ang phone ko para magvideo. 'Yun na rin ang chance ko para magpicture."
Napaiwas ako ng tingin. Alam kong mas lalong namumula ang mga pisngi ko ngayon.
Nagpatuloy kami na tumingin sa mga litrato. Ito na 'yung umuwi na kami sa bahay at nasurprise si Lawron sa inihanda namin. Mukhang si Heroic na ang may dala ng DSLR kasi nakikita na si Boss sa mga litrato. Mas marami ang mukha rito ni Lawron na gulat na gulat sa nakita niya. May photo sequence pa kung saan palapit si Boss sa kaniya na bitbit ang nakasinding cake hanggang sa naiyak siya habang nagwiwish.
"I love this." Tinuro ko 'yun.
"I also love this." Tinuro naman ni Boss ang kasunod na litrato kung saan nahirap na ni Lawron ang kandila at nagsimula nang pahiran siya ng icing.
"Ang saya nating tingnan," buong puso kong bulong habang tinitingnan na ang mga kasunod.
Parang umaapaw ang saya sa puso ko. Kaya ko ata itong titigan habang buhay.
Ako na ang tumitingin sa iba pang mga picture. Mukhang ako na rin ang nakatapos dahil umabot na ako sa mga picture ni Forsythe na naghuhugas ng pinggan. Naalala ko na pagkatapos naming kumain, naglaro kami ng jenga para malaman kung sino ang maglilinis at ang matalo ay siyang maghuhugas. Natalo si Forsythe at sa dulo ng storage ng camera, puro siya ang nandoon dahil kinuhaan ata siya ng litrato ni Heroic. Iba-iba pa ang mga anggulo, parang model.
"How about gawin nating customized ang photo album? I'm sure, si Orion, marami siyang idea."
Nahuli kong pinagmamasdan lang ako ni Boss. Parang ang lalim din ng iniisip niya dahil wala akong mabasa sa mga mata niya.
"Are you okay?" Baka may bumabagabag sa kaniya.
"I.." Napalunok siya at napaayos ng upo. Nagtama ang mga kamay namin sa paglapit niya sa laptop kaya naramdaman ko kung gaano nanlalamig ang mga mata niya. "Sige, let's ask Orion." At mukhang iniba niya ang topic.
Dahan-dahan akong napatango. "Sige. Puntahan ko muna siya para tanungin kung kailan siya free." Tumayo na ako.
"Bloom."
Hindi pa ako nakakahakbang palayo, tinawag ulit ako ni Boss. Lumingon ako.
"About us... is it okay... keeping it as a secret?"
Parang nagblangko saglit ang utak ko. Hinayaan ko munan iproseso ng utak ko ang tanong niya kahit nakuha ko na ito. Mukhang hindi ko kayang idigest.
"Ikaw?" Gusto kong malaman ang sagot niya.
"Ikaw muna," mahina niyang sabi.
"I want to know your answer," I said firmly.
Tinitigan niya lang ako kaya unti-unti akong nanlulumo.
"You want it.. to keep it as a secret.." I answered slowly in behalf of him.
I can see it in his eyes.
I can feel it in his silence.
Napaiwas siya ng tingin.
Napaiwas na rin ako ng tingin at napatingin sa kalayuan. Iyon din naman ang nagagawa namin nang hindi namamalayan pero kakaiba rin pala ang sakit kung galing na sa kaniya.
Tumango ako para makaalis na ako rito. Kaso bago na naman ako nakahakbang palayo ay hinawakan niya ang kamay ko.
"It's not like that.."
"No," inunahan ko siya. "I understand. Akala ko dati, sadyang hindi lang tayo nahahalata kaya hindi natin binibring-up sa kanila. Napaisip din naman ako dati ng ganun dahil masyado akong nag-ooverthink na hindi pa ako handa sa mga mangyayari. I want to enjoy what we have. I know that we are still getting to know each other more. But now, I know I'm sure. I'm willing to take the risk. Kaso hindi ko ineexpect 'to."
"That's why I thought of reconsidering—"
Binawi ko ang kamay ko.
"Reconsidering? What we have right now?"
Napasabunot saglit siya ng buhok.
"No! No!" He's waving his hands. "What I wanted to say is that let's not the risk."
"What.." Tuluyang naglaho ang lahat ng nasa mukha ko. Hindi ko alam kung namamanhid lang ba ako pero hindi ako makaisip.
When he realized that he said something wrong, he shook his head agad. "No! I mean.. I.. We should.. Uh.. Shit."
Napahakbang ako paatras. Wala akong maintindihan. Hindi ko rin alam kung ano ang nagtulak sa kaniya sa tanong niya kanina. Okay pa naman kami kanina ah.
I remained. I just stood in front of him, waiting.
"It's just.." Mariin siyang napapikit at napaupo. Para siyang nagsisi sa buhay niya. "It's just..." pahina nang pahina ang boses niya.
Wala rin akong karapatang magalit.
Sinarili ko rin naman ang pagbabalak sa reconsideration kung anong meron kami noong hindi ko pa nakakaya ang sarili ko. Ngayon na sigurado na ako, hindi ko naman inaakala na magmumula iyon sa kaniya.
I knew Boss as the concrete one.
Akala ko, sigurado na rin siya sa akin.
Ni hindi ko pa nga naririnig iyon mula sa kaniya.
Paano kung mali lang ang mga nakikita ko? Paano kung namisunderstood ko ang lahat ng mga kilos niya para sa akin?
I can't believe that I'm having the urge to cry right now.
Maybe, our situation is risky.
"I understand." I nodded.
I don't want to be his another burden because I know his responsibilities.
Ayaw ko ring maging dagdag sa problema niya dahil hindi naman sa lahat ng oras ay magiging masaya kami.
"Bloom, listen, please.." Tumayo ulit siya para hawakan ang mukha ko pero humakbang ulit ako paatras.
"I'm listening."
"This is also for your safety. I can't afford for you to take the risk for me. It's not like I don't want this to work, I have a reason."
"What is the reason?"
Natahimik siya nang makitang may luhang nakawala sa mga mata ko. Pinipigilan ko ang inis ko dahil hindi ko man lang pinigilan 'yun. Dahan-dahan akong napapikit para huminga nang malalim bago dumilat ulit.
"What is your reason?" I asked again.
He was about to answer but his phone rang.
And from where I am standing, I saw who is calling him.
White Hall.
So, that's his reason.
Napatingin siya sa akin, parang pinupunit siya.
I understand, Boss. Please don't make it harder for us.
Tumango ako. Sinenyasan ko siya na sagutin na niya iyon. Nauna na rin akong naglakad palayo kaso sinundan niya pala ako at dala-dala pa ang tumutunog niyang phone.
Napabuntong-hininga ako.
I don't want to do this.
"I understand, Boss. I will try to understand you more when you are ready to explain everything. Right now, let's go back to being friends and be civil like we used to."
Kitang-kita kung paano bumagsak ang mga balikat niya kasabay ang pagtigil ng pagtawag sa kaniya ng White Hall. Nabahala naman ako.
"Call them back," paalala ko at binuksan ang pintuan.
"Let's talk when everything gets better."
Napatango ako at dahan-dahan nang lumabas.
Ang huli kong nakita ay napasabunot siya ng buhok bago tumawag pabalik sa White Hall. "Good evening. This is Boss and sorry for the late response."
Pagsara ko ng pintuan, doon na rin sumara ang buong loob ko. Para bang may bumagsak sa akin. Ang bigat naman bigla ng buong katawan ko.
Para hindi matuloy ang nararamdaman ko, dumeretso ako sa kuwarto ni Heroic. Naabutan ko siyang nagtutupi ng mga damit. Nandito rin pala si Forsythe, mukhang nag-uusap sila.
"Uy, Bloom," bati ni Heroic.
Mukhang hindi ito ang magandang oras para magbreakdown sa kanila dahil magaan ang pag-uusap nila bago ako dumating. Napaiwas ako ng tingin para mag-isip. Iniisip ko na kailangan kong idistract ang sarili ko.
"Mayroon ba kayong mga butas na damit? Tatahiin ko."
---
I feel like I'm a walking timebomb. Anytime, puwede akong humagulgol kung may magb-bring-up kung ano ang bumabagabag sa akin. Kaya buong oras ay binibuhos ko ang atensyon sa mga bagay-bagay.
"Sobra ka na sa chocolate." Kukunin sana ni Forsythe ang hawak kong chocolate bar pero nilayo ko ito habang hindi tinatanggal ang tingin ko sa binabasa kong libro. Malapit na kasi ang duty namin kaya kailangan kong makatapos ng ibang gawain ko.
"Hindi naman," sabi ko.
"Eh, anong tawag mo diyan?" Tinuro niya ang mga wrapper sa lamesa. Sabi ko na nga ba, kailangan kong itapon 'yan.
Napakibit-balikat ako. Kunyare, wala akong kaalam-alam sa sinasabi niya.
"Tama na 'yan. Sobrang tamis na niyan."
"Kailangan ko ng sweets, okay?" pakikipaglaban ko. Ayaw ko naman kasing magkape o gatas. Gusto kong may ningunguya ako.
"Pakagat na lang."
Kinunutan ko muna siya ng noo. Binalik ko ang pagbabasa ko at inunat ang kamay ko para iabot sa kaniya ang hawak ko. Nang maramdaman ko na ang pagkagat niya, balak ko rin sanang kumagat kaso nakita kong halos kasing-laki na nito ng eraser. Ang laki ng kinagat niya!
"Bagong bukas ko lang 'yun!" sigaw ko at balak siyang paluin.
"Akin na lang." Balak niya sanang kunin ang kinakain ko pero nilawayan ko na ang wrapper. Bakit ba masyado siyang nacoconscious? Ako naman ang nakapitong chocolate bar eh.
"Sorry, nalawayan na."
"Eww."
Pinanliitan ko siya ng mga mata. Walang hiya? Nag-eww siya sa akin?
"Wow naman." Napabuga ako ng tawa. "Akala mo naman, hindi tayo naghalikan dati."
Napakunot ang buong mukha niya. "Bakit mo naman minemention 'yan?"
Tinuro ko siya gamit ang hawak ko. "Bakit ba kinukuha mo pagkain ko?"
"Hindi ka pa ba natatamisan? Hanep naman 'yang tiyan mo, Jennifer." Bigla namang sumingit si Danger. Doon ko napagtanto na tinitingnan din ako ng iba. Para silang nag-aalala sa akin sa kinakain ko. Wala namang kakaiba ah?
"Nags-stress eating ka ba?" dahan-dahang tanong ni Clark.
Napatingin ako bigla sa kalagayan ko ngayon sa lamesa. Maraming libro ang nakabukas sa harapan ko at kaliwa't kanan ang mga pinagkainan ko. Hindi naman ako ganoong kastress... sadyang... masarap lang ang chocolate na kinakain ko.
"Kalma lang." May nilapag si Orion na tubig sa lamesa kaya unti-unting naiintindihan kung bakit nag-aalala sila sa akin.
Dahil siguro, masyado akong hyper.
Marami rin akong nagawa ngayong araw: naglinis, naglaba, nagluto, naglinis ng ref at iba pa. Napaisip ata sila na baka may bumabagabag sa akin. Hindi naman ako ganito paminsan. Baka sugar rush ang kumilos para sa akin kanina.
"Ayos lang ako. Masarap lang talaga 'yung kinakain ko."
Hindi ko alam kung naniwala ba sila o ano. Umalis na lang din sila at pumunta sa mga kaniya-kaniyang puwesto nila. Maliban kay Forsythe na nakatayo pa rin sa gilid ko.
Pinatong niya ang magkabilang kamay niya sa lamesa at yumuko para bumulong sa akin.
"Ayos ka lang talaga?" bulong niya.
"Oo nga," bulong ko pabalik.
"Nag-away kayo?"
Natahimik ako saglit at sinalubong ang tingin niya. "Hindi."
Hindi ko alam.
"Bakit hindi kayo nagpapansinan?" Ang hina talaga ng boses niya.
"Busy."
Tama siguro 'to.
Si Forsythe pa lang nga, ang nakakalam kung anong meron sa amin ni Boss, natataranta at nag-aalala, paano pa kaya kung alam nilang lahat? Eh 'di magkakagulo? And worst, baka hindi pa magkaintindihan?
Tama talaga.
Kakainin ko na lang sana ang huling kagat kaso pinigilan na naman niya ako.
"Kaunti na lang oh!" reklamo ko at tuluyang kinain ang natitirang chcolate.
"Heroic oh!"
Aba, nagsumbong pa!
Nakita naming sumilip si Heroic mula sa sala kaya napanguso ako.
Habang nililinis ko ang kalat ko, doon ko na nalasahan 'yung tamis. Sumakit pa nga 'yung lalamunan ko matapos ang ilang minuto kaya uminom ako ng tubig. Ito na, ito na ang napapala ko.
Buong gabi, umiinom lang ako ng tubig. Natapos ko na ang binabasa ko, 'yung tumbler ang yakap-yakap ko. Atlast, may natapos din ako.
Nililigpit ko na ang mga libro ko habang kauupo palang ni Orion sa harapan ko, umiinom ng tsaa. "May bumabagabag sa'yo?"
Napailing ako.
"Ikaw? May bumabagabag sa'yo?" tanong ko pabalik.
"Wala naman pero bakit parang iba ang hanging dala mo ngayon?"
"Ganun niyo ba nararamdaman ang dalaw ko?" Ayan, para tumigil na silang lahat.
"Ingina," natatawa niyang bulong at umiling.
Natawa na lang din ako kasi masyado silang nag-aalala. Mabuti na lang, nagets din nila ang kalagayan ko ngayon.
Naghahanda ang iba na matulog nang nakita naming kapapasok palang ni Boss sa bahay.
"Boss, kain na," aya ni Orion.
"Thank you. Later."
Dumeretso rin siya sa itaas kaya napakunot ang lahat ng nakasaksi sa ikalimang beses na pagpapasalamat ni Boss para kumain pero sa huli, hindi siya bababa.
"Busy siya siguro sa White Hall," sabi ni Clark habang nagtotoothbrush.
"Nararamdaman niyo ba ang nararamdaman ko?" seryosong tanong ni Danger na kung saan lang sumisipot.
Natahimik ang iba habang umiipon ang tensyong sinimulan niya.
"Magkakaroon ba ng misyon?" tanong ni Lawron.
"Hindi. Najejebs na naman ako." At naglakad siya palayo. Ganun din sila Lawron at Clark ay umakyat na pataas.
Hindi na lang ako sumingit pero alam kong busy siya sa White Hall. Ang iniisip ko nga lang ngayon ay kung kailan kami mag-uusap ni Boss. Siya kasi ang hinihintay ko na lumapit, kung kailan na siya free. Kaso mukhang matatagalan pa dahil masyado siyang busy ngayon. As in, super busy. Nag-aalala rin ako dahil baka hindi siya masyadong nakakakain.
"Una na ako. Good night," paalam ko nang handa ko nang buhatin ang mga libro.
"Sige, good night," sabi ni Orion.
Bago pa ako makaalis sa lamesa ay nakita namin na bumalik sila Clark at Lawron sa lamesa at umupo. Pati rin si Heroic ay pumunta rito. Nagtataka pa na ako kung bakit ang seryoso naman nilang bumalik kung kailan ako paalis nang nakita namin na kararating ni Boss na bitbit ang mga envelope at laptop niya. Kahit si Danger na kalalabas pa lang ng CR ay nagtatakang umupo nang makita kaming lahat na nagtipon-tipon bigla.
"Ay, hindi pa pala good night," bulong ni Orion. Mahina pa siyang natawa nang dahan-dahan akong bumalik sa upuan ko.
"Sorry dahil biglaan pero kailangan kong idiscuss ito bago pa magpatong-patong ang misyon natin," sabi ni Boss habang abala sa mga papel na inaayos niya.
Misyon?
May misyon na kami?!
Binigay na niya ang mga reading material tungkol sa magiging misyon namin. Nakita naman namin doon ang details.
"Mortan Pascual, 27 years old, is a former government employee. He was fired 3 months ago when they found out that he was from another party and has been spying the current government. And this month, they also found out that he's selling data that he gathered from the White Hall in order to bring them down."
Medyo natahimik kami saglit.
Hindi ko alam kung busy lang kami sa pagbabasa o may iniisip kami. Kasi ako, mayroon.
Tumawa si Clark. "Ang purpose pala niya ay ipabagsak ang White Hall?"
Tumango naman si Boss.
"Paano kung... hayaan na lang natin?" Awkward na tumawa si Danger. "Hayaang bumagsak ang White Hall."
Tumingin kami sa isa't-isa dahil malaki ang punto. At hindi ko ipagkakaila na naisip ko rin 'yun.
Napabuntong-hininga si Boss. "Pinag-isipan ko rin 'yun," bulong niya. "Pero mapapahamak tayong lahat. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko." Pahina nang pahina ang boses niya kaya hindi na namin binuksan muli iyon. Sobrang mapanganib.
Ninamnam namin ang labis na katahimikan. Ayaw ko talaga ng ganito.
Pakiramdam ko, may sumasakal sa amin.
Tila tinitiis namin ang higpit ng mga sinusuot naming sapatos.
"Sorry, guys.." bulong ni Boss. "Kilala na nila kung sino ang kahinaan ko."
Napaiwas ng tingin ang iba habang humihinga nang malalim.
Pero nakatingin pa rin ako kay Boss.
Nanghihina niya akong tiningnan. Ngayon ko lang ulit nakita ang mga mata niyang maraming gustong sabihin.
Dahan-dahan niyan iniwas ang tingin niya at nanlulumong inayos ang tayo. "Nasa handout ang roles. Pero may kailangan tayong unahin." Sa laptop niya, may pinakita siyang commercial building na hindi tapos. Familiar iyon dahil malapit siya sa mall ng Nodawn. Tambayan ng mga iba't-ibang klaseng tao.
"Kung familiar ito sa inyo, ito ng Thy Lounge, kung saan nagiging tambayan ng mga tao. Kalimitang ginagamit para sa mga ilegal na transaksyon. Dito ang palaging meeting place ni Pascual para hindi mahalata ang bentahan. Ang huling transaksyon ay tungkol sa pagbebenta ng impormasyon mula sa White Hall sa partido ni Kyario."
"Shet, 'yung kalbo," reaksyon ni Danger.
"Ngayon ay pinagbantaan ni Pascual ang Mayor na ipaparating niya ang mga pinaggagawa ng White Hall kung hindi raw ito bumaba sa puwesto. Siya pala ang kumuha ng storage ng documents na nakatago sa Mayor's Office."
"Totoo bang voice activation ang storage na 'yun?" tanong ni Clark.
Napakamot ng batok si Boss. "Oo, kaya tricky ang misyon natin ngayon. Hindi matrack ang suitcase kaya siguradong iniba ang passcode nun at tinanggal ang tracker."
"Paano 'yan?" tanong ni Lawron nang nabahala sa kukunin namin.
"Bago 'yun, ang una nating kailangang gawin ay kunin ang blueprint ng building sa Talpegh Construction. Kailangan nating malaman 'yung structure at daanan ng unfinished commercial building para maoccupy ang spaces na puwedeng pwestuhan ni Pascual para mabuksan ang case."
"Alam ko sa Talpegh Construction!" sabi ni Orion.
Napatango si Boss. "Kailangan nating pag-usapan kung paano niyo makukuha ni Lawron ang blueprint sa record nila." Tiningnan niya kami. "Si Orion at Lawron ang maaassign ko sa pagkuha ng blueprint para makapagplano na tayo."
Sumaludo sila Orion at Lawron.
"Further details, next day." Inayos na niya ang gamit niya. "What time is it?"
"3 minutes before 12," sagot ni Orion.
"Before ending this meeting..."
Nagkatinginan kami ni Heroic para magsenyas kung nakabili siya ng cake. Gamit ang mga kilay niya, palihim niya itong inangat bago nakawala ng ngisi.
Busy man kami pero hindi namin papalagpasin ito.
"Sandali, may kukunin lang ako." Umalis agad si Boss dahil may kukunin.
"Jebs lang ako," paalam ulit ni Danger.
Nakita kong pinipigilang tumawa ni Clark habang may kinakalikot sa phone niya. Inosente namang napapatingin sa paligid si Lawron, parang hindi nagplano ng surprise ngayon. Mabuti na lang ay nakapag-usap pa kami para rito.
Tiningnan ko si Forsythe at seryoso niyang binabasa ang handout tungkol sa misyon namin. Bigla niyang tinuro ang mga pangalan namin doon. "Mukhang magkasama na naman tayo sa misyon."
"Bakit? Nagsasawa ka na ba sa akin?" nakanguso kong tanong.
Inismiran niya na lang ako.
"HAPPEH BORRRTHDAY SA'YO!" Nang nagsimulang magstrum si Boss sa gitara niya ay pinatay ni Orion ang ilaw at doon na bumirit si Danger habang bitbit ang cake. Lumapit din si Heroic sa kaniya para sindihan ito.
Sa reaksyon ni Forsythe, akala mo, parang iniwan siya sa ere at pinanood kaming kinakantahan siya pagpatak ng September 1, ang birthday niya.
"Happy Birthday, Forsythe!"
"Maligayang kaarawan, Pusit!"
"Akala ko, bukas pa kayo!" sigaw niya. Halos hindi na makita ang mga mata niya sa lawak ng ngiti niya. Nang tumigil na sila Danger at Heroic sa harapan ni Forsythe, pinagmasdan ko siyang nagwiwish bago hipan ang kandila.
Parang kailan lang ah.
Matapos niyang hipan ang kandila, nagsikantahan na naman kami. Nagshowdown pa sila Orion at Clark ng sayaw kaya nagtawanan kami.
Hindi na ako masyadong kumain ng matamis. Ito na nga ata ang pagsisisihan ko ngayon pero puwede naman siguro ako kumain ulit bukas.
Matapos ang surprise, maiksing entertainment at kainan, si Forsythe na mismo ang nag-aya na matulog.
"May pasok pa bukas. Matulog na tayo."
Nakakalungkot man, pero mayroon pa naman bukas kaya inayos na namin ang pinagkainan namin.
"Thank you, guys."
Bumalik ang tingin namin kay Forsythe na nakangiti sa amin.
"Yieeeee!!" Binalutan din namin siya ng yakap.
Maikli man pero ang sarap talaga sa puso na nagcecelebrate kami ng birthday. Nakakatuwa at nakakaiyak din. Halo-halo. Mas mabuti sana na wala kaming pasok mamaya para macelebrate nang buo ang birthday ngayon ni Forsythe. Kaso sa NU pa? My goodness.
Maayos na ang lahat at pumasok na ang iba sa mga kuwarto nila. Nahuli akong umakyat dahil nilalagyan ko ng tubig ang tumbler ko.
Tahimik na sa buong bahay kaya umakyat na ako. Kaso parang gusto kong umatras nang makita si Boss na nakasandal sa pintuan ko. Hindi nawala ang paghihirap sa mukha ko. Bakit pa ako aatras ngayon eh ilang araw ko ring hinintay na kausapin niya ako?
Kailangan na ring matapos ito.
Manhid ako nang lumapit sa kaniya. Hinanda ko naman ang sarili ko kaya hinintay kong magsalita siya.
Nagkatinginan kami.
Go on, Boss. I'll listen.
Sinasakripisyo ko ang bawat segundo para hintayin siyang magsalita. Pinaglaruan ko na lang 'yung hawakan ng tumbler ko habang naghihintay.
"About.. what we talked about."
"Hmm?" Napatango ako.
"I'm sorry."
Napatango ulit ako. Okay. Okay lang...
Naiintindihan ko naman kaya hinintay ko na lang ulit siyang umalis doon para makapasok ako.
"Let's go back to being friends and be civil.." he whispered.
"Okay." Like what I said.
Napatango rin siya.
Hindi na ako mag-iisip.
It is what it is.
Dahan-dahan na siyang umalis sa pintuan ko kaya hinawakan ko na ang doorknob ko.
Bago siya naglakad palayo, nagsalita ulit siya mula sa likuran ko. "They already know you."
Napatigil ako sa pagpihit ng hawak ko.
"I will never let them use or even come near you," he said underneath his breath. "Good night, Bloom."
I knew it.
Hindi ako nakagalaw sa puwesto ko.
Hinanda ko rin ang sarili ko para rito kaya hindi na ako masyadong nagulat. Nalulungkot lang ako. Ni hindi ko alam kung may nagsimula ba talaga para matapos nang ganito lang.
Huminga ako nang malalim at pumasok na sa loob ng kuwarto ko. Bago ko isara ang pinto, nakita ko si Boss na nasa harapan pa rin ng kuwarto niya, napabuntong-hininga hanggang sa pumasok na rin.
I felt empty.
Parang may parte sa loob ko na hindi ko maramdaman.
At sa pagsara ko ng pinto, nasabi ko rin sa sarili ko na may mga bagay din siguro na magpupuno ulit ng nawala sa akin.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com