Chapter 33
warning: various triggering
and senstive contents ahead.

Nakakatawa. Gusto namin ng pagbabago pero mukhang kami rin ang humahadlang dito. Binabalutan kami ng panghihinayang dahil hindi namin puwedeng hayaan na bumagsak ang White Hall.
Nakuha na nila Orion ang blueprint kaya pinag-aralan namin iyon pagkatapos ng hapunan.
May tatlong floor ang commercial building. Bawat palapag ay may mahigit limang spaces bukod sa ground floor. May restroom doon at kalimitang doon tumatambay ang iba lalo na sa entrance.
Nagbigay na rin ng roles. May nakaassign sa aming floor at spaces para makagawa ng ingay. Doon ay makakahanap si Pascual ng tahimik na lugar at mabuksan ang suitcase bago ang transaction. As usual, kami naman ni Forsythe ang magkasama at magbabantay kami sa ground floor. Nakalock ang mga stall kaya maaaring sa CR daw siya unang tumungo para sa privacy. Wala ring visual si Boss sa buong building dahil walang CCTV cameras kaya mukhang mahihirapan kami nito dahil audio lang ang magiging communication namin.
Natatawa kami sa role ni Heroic na isang agresibong pulubi. Siya ang nasa second floor kaya medyo nakikita namin na mapipilitan si Mortan na pumunta sa 3rd floor kung saan may visual si Clark at Boss dahil hindi pa tapos 'yung mga bintana roon.
Kaya naman siguro namin 'to, 'di ba?
I mean, nagawan din naman ng paraan noong nangyari sa guard.
Kasi kapag nabuksan na ng case (na voice activated, like, wow, meron pala ang ganun 'yung White Hall), doon titira si Clark para maukha ni Lawron ang mga buong case matapos ideactivate ang system ng mismong case. Ang pagkakaalam ko, may one-on-one discussion sila ni Boss kagabi para turuan si Lawron tungkol doon.
Bukas na ang araw ng misyon kaya palaging nagigising ang diwa namin. Kahit hating gabi na ay mahirap matulog. Siguro, sa kaba. Dumaan nga ako sa balcony at nakita ko si Orion at Danger doon. Napansin ko rin na medyo naging blangko si Orion matapos kunin ang blueprint. Akala ko may nangyari lang sa school niya pero hindi naman siya iinom ngayon kung hindi sobrang lalim.
"Huy.. ayos lang kayo?" tanong ko nang sumulpot sa likuran nila.
Napalingon sila saglit sa akin.
"Itong si Orion, sinasamahan ko pero ayaw akong bigyan ng beer," sabi ni Danger at pinapanood lang si Orion.
"May quiz kayo bukas," paalala ni Orion.
"Yie, sweet mo naman, Orionbabes."
"Okay ka lang?" Hinawakan ko ang balikat ni Orion.
"Pagkatapos na lang siguro ng misyon. Pangit pa ng timing ngayon," sagot niya.
"Sabi ko naman, na baka hindi siya makafocus sa misyon kapag may iniisip siya," pagsusumbong ni Danger.
"Kaya ko naman. Sa inuman ko na lang sasabihin."
Inakbayan siya ni Danger. "Babae ba 'yan?"
Uminom na lang si Orion bilang sagot niya. Napatili naman kami ni Danger. May someone pala siya! "Hintayin natin na matapos ang misyon natin para makapagkuwento ka!"
Naexcite ako sa mga kuwento ng lovelife nila, sa totoo lang. Kaso kinakatakot ko rin kung ano naman ang maishashare ko. Tungkol kay Boss? Ang awkward.
Nagpaalam muna ako dahil huhugasan ko na ang tumbler ko. Napansin ko na tapos na sila Danger at Orion dahil sumisigaw na naman si Orion, baka inaasar na naman ni Danger. Nakarinig din ako ng sigaw na good night kaya I assume na matutulog na rin sila.
Binaliktad ko muna ang hinugasan ko para matuyo. Babalikan ko na lang mamaya kung nangalahati na ako sa binabasa ko.
Muntikan ko na nga iyong kalimutan, mabuti na lang ay nauhaw ako alas tres ng madaling araw. Kinilabutan ako nang pagbaba ko mula sa kuwarto ko, may narinig akong nagkagulo mula sa kusina. Naglakas loob akong pumunta roon pero nakita ko lang na medyo nagkagulo ang mga lalagyan sa lababo.
May mga gising pa?
Dahan-dahan akong pumunta sa lababo para ayusin ang nagkagulong lalagyan. Napapatingin din ako sa paligid. Baka daga lang? Masyado naman sigurong mabilis para sa tao kung nawala lang sa isang iglap. Baka daga nga lang talaga.
Habang pinupuno ng tubig ang tumbler ko, tumitingin pa rin ako sa paligid. Kinakabahan ako nang slight pero kaya ko pa naman.
Natigilan ako nang makita si Boss na kabababa palang sa hagdanan. Pasimple kong hinugot ang hininga ko para pakalmahin ang sarili ko. Naacknowledge naman ang existence namin sa kusina kaya hinayaan ko siyang kumuha ng tasa dahil mukhang magtitimpla siya ng gatas.
Mabuti na lang ay puno na ang tubig ko. Yumuko ako para maging senyales na aalis na ako. Hindi naman niya ako tinitingnan kaya ayos lang.
"Good night."
Napatigil ako sa paglakad palayo dahil may pahabol pa siya.
"Good night," paalam ko na hindi lumilingon sa kaniya.
"Sleep well," he said.
---
"Natulog ka ba?" tanong ni Danger. Nakapikit kasi ako habang nilalagyan niya ng temporary tattoo ang dibdib at buong braso ko. By this, hindi ako makikilala kung makita man ako ng mga tao roon. "May hawak ka pang reviewer."
"Dami naming kailangang pag-aralan," pikit-mata kong sabi.
Pero sino ba naman ang makakatulog sa sleep well ni Boss?
Napalakas ang buntong-hininga ko at mariing nakapikit.
"Review pero nakapikit."
Kung puwede lang ipasok 'yung bawat pahina sa ulo ko.
"Hanggang kailan matatanggal 'to?" tanong ko sa tattoo.
"Isang linggo," sagot naman niya habang dinadampi-dampi ang basa na pamunas.
"Sure ha? May medical test kami this week and next week," sabi ko.
"Puwede naman nating kudkurin pagkatapos ng misyon."
"Sige, isama mo na ang mga libag ko."
Naramdaman kong napatigil siya sa pagdadampi ng temporary tattoo. Kahit nga sila Clark at Lawron na nanonood sa amin ay napatigil sa paghinga kaya dahan-dahan akong napadilat. Isa rin 'tong false eyelashes ang nagpapadagdag ng antok ko dahil sobrang bigat.
Bigla ring narealize ko ang nasabi ko kaya, "Joke," dagdag ko habang seryoso ang mukha.
"Joke pero parang namatayan.." bulong ni Clark kay Lawron.
"Tumawa ka na lang.." bulong din niya pabalik kaya awkward silang tumawa.
"Asan ba boyfriend mo?" tanong ni Danger.
Sasagot sana ako pero napatanong din ako sa sarili ko na sino ba ang boyfriend ko?
Ah, baka sa misyon.
"Andoon kay Heroic," sagot ko. Inaayusan kasi ni Orion si Heroic ngayon bilang pulubi.
"Ay, boyfriend at asawa mo, magkasama," asar ni Danger at nagtawanan ang dalawang bata.
"Kahit sila na magkatuluyan, please."
Natahimik na naman sila kaya blangko ko silang tiningnan. Ano ba ang problema? Binabasa ko ang awkwardness nila. Kahit ang kilos ni Danger ay napapansin kong sinasalba niya ang bigat ng hangin na mayroon kami bigla ngayon.
"Paano ba 'yan?" Inakbayan niya si Lawron. "Ako na talaga ang tatay mo ngayon?"
"Ayaw ko nga!"
At nagtawanan sila.
Sabay-sabay din nilang tiningnan ang reaksyon ko.
Ah, napagtanto ko rin na blangko at seryoso pa rin ang mukha ko simula kanina.
"Anong problema niyan?"
Andito na pala sila Forsythe, Orion, pati na rin si Heroic na mukha talagang pulubi dahil sa suot, mukha at buhok niya. Marumi rin siya kaya medyo hindi mo siya makikilala sa isang sulyap.
"'Yun nga eh. Hindi kami makatawa sa joke niya kasi napakaseryoso," sabi ni Clark.
Tumabi sa akin si Forsythe at tinapik-tapik ang likuran ko, mukhang nagpapraktis na. "Okay ka lang?"
Oo naman!
Saktong palapit sa amin si Boss. Nagkatinginan pa kami.
"Huy, Bloom, ayos ka lang? Kaya mo ba ngayon?" nag-aalalang tanong ni Orion. Halos lahat naman sila ay nag-aalala sa akin. Halos lahat ng tingin nila ay nasa akin.
Kingina, inaantok lang ako!
"Ayos lang ako. Huwag kayong mag-aalala."
Katahimikan.
Sinasadya ko talagang palakasin ang buntong-hininga ko.
Kailangan kong sabihin ang totoo.
"Dalaw ko ngayon."
Rinig na rinig ko ang paghinga nila nang maluwag. Grabe, akala ata nila na may pinagdadaanan ako ngayon!
"Atsaka, may pregnancy test kami kinabukasan." Iyon ay mandatory requirement para sa duty namin sa Nodawn Medical.
Hinawakan ni Danger ang magkabila kong kamay. "Safe ba?"
Kinunutan ko siya ng mukha bago pinalo ang braso niya.
"Wala nga akong ka-churva!" At nagwalk-out ako sa sobrang kahihiyan. Nagtawanan pa naman sila! Tawang-tawa!
"Sandali lang, Jennifer! Hindi pa tapos 'yung tattoo mo!"
Tiniis ko ang kahihiyan ko hanggang sa sumakay na kami sa sasakyan papunta sa Thy Loungue.
8 AM.
Freaking 8 AM.
Kahit mula sa nalaman ni Boss ay 3 PM pa ang possible transaction. Pero aagahan lang namin para sigurado kaming maaabutan namin si Mortan Pascual at makapuwesto rin sa pupwestuhan namin.
Habang hinihintay ang senyales, nakatulog ako sa balikat ni Forsythe. Buong biyahe ay nakatulog din ako. Kay Heroic sana ako hihiga kaso binigay niya ako kay Forsythe. Dahil siguro, marumi siya.
"8:30 AM."
Nagising ako sa boses ni Boss, Doon ko napansin na umalis na sila Orion at Lawron. Nasa harapan pa sila Boss at Danger na seryosong nagmomonitor ng time at daanan. Nasa gitna pa rin ako nila Forsythe at Heroic. At mukhang nakapuwesto na si Clark sa kabilang building.
"Headcount from 1st to 3rd floor."
"Ground floor, 34. 2nd floor, 13. 3rd floor, none. Mainit at umaalingasaw ang sikat ng araw," rinig namin si Orion mula sa speaker. "Total: 47 people. Most of them are by pair. Mukhang makakablend ang lovebirds natin."
"Okay, noted. Thanks." Inadjust ni Boss ang frequency. "Clark?"
"Yo, init sa rooftop pero may bubong at may visual pa rin ako sa 3rd floor. No worries."
"I'll go there later. Visual," sabi pa ni Boss.
"Okay."
"Lalabas na tayo," bulong ni Forsythe kaya inayos ko na ang sarili ko. Inayos ko muna ang make-up at blonde wig ko. Tinanggal ko na rin ang jacket kaya naiwan sa akin ang fitted white top na nakikita tattoos ko. Nakamaong short din ako kaya sobrang revealing ng pormahan ko. Si Forsythe nga ay parang bad boy ang datingan sa ripped jeans at green sando. May nilagyan din na tattoo na wolf sa braso niya.
"9:00 AM, Forsythe, Bloom."
Lumabas na ako sa microbus at sumunod si Forsythe. Tiningnan ko ang paligid at walang katao-tao. Pinagpilian talaga nila ang liblib na lugar at walang CCTV cameras.
"Sandali, earpiece," pahabol ko.
Binaba ni Boss ang bintana at saka may inabot sa akin. Hindi ko pinutol ang titigan namin habang sinusuot ko ang earpiece. Hindi ko alam kung nawala na ba ang hiya ko o sumanib na sa akin ang role ko ngayon. Ginantihan din naman niya ako ng titig. Parang nararamdaman ko na marami siyang gustong sabihin pero hindi na nagpaindak at pasimpleng umiwas ng tingin matapos kong maging handa para sa gagawin namin ngayon.
"Comms check," sabi ko nang binuksan ito.
"Naririnig na kita," sabi ni Boss.
"Okay."
Iyon lang. Tahimik na kami ni Forsythe habang naglalakad sa kabilang route para makapasok sa Thy Lounge. Para nga akong lasing na sinasadyang gumegeywang habang naglalakad.
"Warning: Super Public Display of Affection ahead," panimula ko.
"Huh?"
Bago pa magtanong ang iba, lumapit ako kay Forsythe. Saktong pageywang ulit ako kaya sinalo niya ako. Doon ko narinig ang mahina niyang tawa sa ibig kong sabihin kanina kaya binalot niya ang buong balikat ko ng bisig niya. Natatawa na lang kami dahil komportable na kami sa isa't-isa.
"Juskopo, ayan na naman sila," rinig namin kay Clark at malakas na tumawa.
Sa kabilang entrance kami pumasok kaya hindi gaanong karaming tao ang nakasalubong namin. Pumwesto kami sa gitna kung saan nakikita ang apat na entrance mula sa bawat dulo ng building. Nakikita na namin ang ibang mga magsyota na wild magmake-out. Ang iba naman ay naglalaro ng mga card game at iba pang pustahan. Napansin namin sa isang stall na may maingay na naglalaro ng majong.
"CR," bulong ni Forsythe.
Lumingon-lingon din ako hanggang sa nakita ko ang sign ng CR.
Medyo nababahala din ako dahil maraming nakatingin sa amin na tao roon. Lalo na 'yung mga nag-iinuman sa kabilang hallway. Parang pinagmamasdan kaming dalawa ni Forsythe. Mukhang naninibago, mukhang bago lang kami eh.
"Gonna check the CR," bulong ko kay Forsythe. Nakatingin din siya sa mga nakatingin sa amin.
"Okay," bulong niya pabalik kaya nilapit ko ang mukha ko sa kaniya para magmukhang naghahalikan kami. Para lang makita ng mga nakatingin sa amin na mukhang may relasyon kami.
Pumunta ako sa CR. Walang katao-tao. Dahil siguro ay masyado pang maaga. This is just a typical undone comfort room. May cubicles at salamin. Puro semento pa kaya puno ng vandalism ng mga kabastusan.
"Walang tao sa CR. Possible na pumarito muna siya," I reported.
"Noted. Just stay alert."
Tumango ako kahit hindi niya ako nakikita. Bumalik din ako kay Forsythe na nakakunot ng noo habang palihim na sinesenyasan ang mga tao na halos kaedad lang namin na nakatingin pa rin sa amin. Tumabi ako sa kaniya sa bench at naghihintay ng himala.
"Nilapitan ako ng babaeng may pula ang buhok," bulong niya. "Pinapasali ako sa laro nila."
Hinanap ko ang sinasabi niyang babae at may grupo ng babae na may kasamang lalaki sa medyo kalayuan sa amin. Nakatingin at mula sa pinaroroonan namin, makikita mo agad ang nang-aakit nilang tingin kay Forsythe. Gusto ko sanang tawanan siya pero kung ipakita kong hindi ako apektado, baka mas lalo silang lumapit.
Nang nagtama ang paningin ng babaeng may pula ang buhok, tinaasan ko siya ng kilay. Tinaasan ko talaga ang taray level ko saka napairap. Kaso may kulang sa ginawa ko kaya hinarap ko si Forsythe. Mukhang handa naman siya sa mga gagawin ko kaya nilapit ko ang bibig ko sa tenga niya. "Let's just pretend that I'm whispering something."
Nang humarap ulit ako sa kaniya, seryoso siyang nakatingin sa akin.
"Should we do something?"
Napabuga ako ng maikling hininga. "Just let them look away."
Hindi pa ako nakakakurap nang sinandal niya ako sa dingding. Kinulong din niya ako sa bisig niya kaya napaangat ang tingin ko. He was quite aggressive on that part yet attractive. That was hot actually. I was not in the mood. Kaya siguro seryoso ko lang siyang tinitingnan. Sinalubong din niya ang tingin ko. Halos lunurin pa ako sa mga mata niya.
I moistened my lips before looking at his. If I'll let myself kiss him again, I know that something will break. I know he will get hurt.
But Forsythe.. I wonder who are you thinking right now..
Because I am thinking someone else.
"What are you two doing?" Boss asked.
"Just making people looking at us feel awkward watching us in order to look away," Forsythe answered without breaking our stare.
Him.
When silence filled our ears, I can feel the tension between us. The outcome from it was already predicatable. What we are thinking was the same.
Ayaw ko na mag-isip pa.
"Fuck it," I hissed before grabbing his face to let me kiss him again.
But before our lips touch, I stopped to look at his face closely.
I wish you were Boss.
Our faces were almost a centimeter away. We were feeling each other's breath. I can feel his energy on my cheeks.
Alam kong hinihintay niya ako pero mariin akong napapikit.
"I wish you were Boss," I whispered under my breath as I planted a soft peck on my thumb covering his lips.
Dahan-dahan akong lumayo at doon ko naaninag na nakatitig siya sa akin. I bet he heard that.
"I wish you were..."
Hindi ko siya narinig dahil nilapit niya ang mukha sa akin at hinalikan.
Pero ginaya niya ang ginawa ko kanina, tinakpan niya ang labi ko gamit ang hinlalaki niya. Doon na lang ako napapikit at niyakap ang leeg niya. Sinandal niya ang kabilang bisig niya sa dingding para ilapit ang katawan niya sa akin. Hanggang sa maramdaman na namin na wala nang may kayang tingnan kami.
Nang napansin namin na effective ang ginawa namin, sabay kaming napabuga ng tawa matapos humiwalay.
"Wala kaming nakikita ngayon kaya in behalf sa ibang Gumdrop, iniimagine namin na naglalaro lang kayo ng bato-bato pick," sabi ni Danger para basagin ang katahimikan.
"So, sinong nanalo?" tanong ni Orion.
Inangat ni Forsythe ang dulo ng labi niya habang nakatitig sa akin.
"It's a tie," sagot niya.
And that's when I knew that it wasn't me who he thought of.
But it felt good, knowing that nobody was looking at us after that.
Umupo kami sa bench doon at naghihintay ng senyales ni Boss kung andito na ba si Mortan Pascual. Habang naghihintay, pinaglalaruan ko lang ang kamay ni Forsythe hanggang sa narinig kong tumunog ang earpiece ko.
"What the.." Kinuha ko iyon at nakita na pula na ang ilaw nito. Pinakita ko iyon sa katabi ko. "Lowbatt na."
Kinapa niya ang earpiece niya. "Lowbatt na ang earpiece ni Bloom."
Binabalik ko pa rin sa tenga ko ang earpiece. May naririnig pa rin naman ako kahit medyo nagsisimula na itong napuputol.
"Baka malowbatt din ang sa iyo. Ioff mo muna at buksan na lang ulit kung nakita niyo na si Pascual."
"Okay." Pinatay ni Forsythe ang sa kaniya at tuluyan nang namatay ang akin. Bumagsak ang balikat ko at sumandal sa dingding.
Hindi pa kasi upgraded ang mga ginagamit namin kaya hindi pa ata kinakaya pangmatagalan.
"I heard what you said earlier."
Pero medyo nakahinga ako nang maluwag dahil kami lang ang puwedeng makarinig ng usapan namin.
Napabuga ako ng maikling hininga. "We reconsidered things and went back to square one," sabi ko at binigyan siya ng malungkot na ngiti. "Which is okay. I understand him and ayaw ko na ng iniisip."
Ngayon ko lang narealize kung gaano rin masikreto si Boss. 'Yung tipong may naikukuwento siya na masasabi mong open siya kaso may tinatago pa siya. At hindi pa niya kayang sabihin iyon.
Tumango si Forsythe at napayuko.
"So, sino?" tanong ko. Hindi ko kasi narinig nang malinaw kanina.
"Ang?" Binalik niya ang tingin sa akin.
"If mine was Boss.. who's yours?"
Napatitig siya sa mga mata ko bago napabuga ng mahinang tawa. Umiwas siya saglit ng tingin kaya kinunutan ko siya ng noo. Hindi tuloy natuloy ang pagtanong ko sa kaniya nang makarinig na kami ng mga lata mula sa entrance.
Pumasok na si Heroic na sobrang hindi makikilala dahil sa itsura niya ngayon. May tinutulak siyang kahoy na may mga gulong na lata kaya nakakalikha ng ingay. Napatingin pa nga sa kaniya ang lahat ng tao sa ground floor. Kaso hindi iyon naging hadlang sa kaniya para rumampa sa daanan. Ginagawa pang microphone ang hawakan ng laruan niya.
"Banal na aso! Santong kabayo! Natatawa ako! Hee hee hee!"
Pinipigilan namin ang tawa namin sa role ni Heroic habang confident na dumadaan para makaakyat sa 2nd floor. Sayang, hindi kami puwedeng mag-interact at nagpapanggap na hindi kami magkakakilala.
Nawala na sa isipan ko ang naging tanong ko kanina. Hindi tuloy nawala sa paningin ko na sinusundan ng tingin ni Forsythe si Heroic kahit nakaakyat na. Medyo naningkit ang mga mata ko habang inaanalyze ang mga tingin niya.
"Hmm." Hindi ko mapigilang mapangisi kaya kinagat ko ang labi ko.
"Nasagot na ba ang tanong ko?"
Nakuha ko rin sa wakas ang tingin niya at tiningnan ako. Nakangisi ako sa kaniya kaya naningkit ang mga mata niya.
Inaamin kong medyo nadismaya ako kasi ang akala ko ay matataranta siya.
At ang chill pa niya.
Ilang minuto, hindi siya nagsalita. Halos magmake-face na ako pero hindi talaga siya sumasagot. Wala rin siyang balak hanggang sa sinandal niya ang ulo niya sa balikat ko.
At balak pang matulog.
Nirespeto ko ang katahimikan niya kaya tinapik-tapik ko ang ulo niya. Naghintay lang kami na lumipas ang oras. Pinanood ko na lang nga ang mga binata't dalaga na pumapasok sa building na may bitbit na mga bagay na pagkakaabalahan nila. Mukha silang mga nang-aaway kung banggain sila. Pinagmasdan ko na lang ang mga bawat tao rito habang sinusuklay ang buhok ni Forsythe gamit ang mga daliri ko.
"Masyado na tayong komportable ah?" tanong ko.
Tawa lang ang sinagot niya.
Parami nang parami ang teenagers. Mukhang ito talaga ang nagiging tambayan. Lalo na't katatapos lang ng lunch.
Tiningnan ko ang relo ni Forsythe na mukhang nakaidlip sa akin. 12:32 PM pa lang. Ano ba 'yan! Ang bagal ng oras!
Bumalik ang tingin ko sa mga entrance at napatigil ako nang may nakita akong sobrang pamilyar na lalaki. Hindi ko lang maconfirm dahil wala siyang buhok. Hindi agad ako nakakilos dahil hindi ko siya makilala. Napapansin ko sa kilos niya na pinagmamasid niya ang paligid.
At suitcase siyang dala na nakatago sa likuran niya.
"Huy hala.." nagmadali akong ginising si Forsythe. "He's here. He's here!" mariin kong bulong.
Doon na siya dahan-dahang napabangon pero kailangan naming bilisan para malaman ang updates. Ako na ang kumuha ng earpiece ni Forsythe para buksan ito.
"Bakit hindi umiilaw?" bulong ko.
"Shit." Kinuha niya ito at sinusubukan niyang buksan ito.
Napansin kong tinitingnan niya ang bawat tao na andito. Mukahng pinag-aaralan niya ang kilos ng mga tao. Naitago ko ang mukha ko sa mukha ni Forsythe para hindi ako makita.
"Lumiko siya sa kabilang hallway kung saan may bakanteng stall," bulong ko. Dinikit ko ang pisngi ko sa pisngi niya para panoorin si Mortan Pascual na pinag-aaralan ang paligid.
Nakita kong nakita na niya na walang tao sa hallway kung nasaan ang CR. Agad akong napatayo nang kinausap siya bigla ng mga umiinom doon.
"CR." Hinila ko si Forsythe sa CR na busy sa kabubukas ng earpiece. Mabuti na lang at hindi nakatingin si Pascual dahil mukhang pinapainom din siya roon pero todo tanggi siya.
Pumasok kami sa isang cubicle at sinara iyon.
"Where is he? What is he wearing? Did he bring the suitcase?" sunod-sunod niyang tanong.
"He's bald."
"Huh?" Napatigil siya sa pagsuot ng earpiece.
Sa pagtataranta ko, sinenyas ko ang tuktok ng ulo ko. "He has no hair."
Halatang pinoproseso pa niya ang sinabi ko kaya sinuot niya sa akin ang earpiece niya. Agad ko naman itong kinapa para magsalita. "He's wearing a black shirt with printed thorns design and faded pants. He's hiding the suitcase in his back. And he has no hair," mabilis kong sabi.
"Putangina! Siya nga 'yung nakita ko, Boss!" sigaw ni Danger. "Tinawanan ko pa dahil akala ko nangangamot siya ng pwet! Tinatago na pala 'yung case!"
"Andito na ako sa tabi ni Clark. Nasaan kayo, Bloom?" tanong ni Boss.
"Nasa cubicle ng CR." Tinakpan ni Forsythe ang bibig ko. Nakarinig din kami ng pagbukas ng pintuan doon.
"Andito na ako sa Thy Lounge. Nasa loob ng CR. Maingay ang mga bata sa labas kaya dito na ako magbubukas ng case. Oo, dito na lang tao magkita. Ilolock ko ang pintuan hanggang sa makarating kayo. Oo, andito ang lahat ng files ni Mayor Bernadette Nodawn."
"Talagang ninakaw ko ito noong nalaman ko na may koneksyon sila ni Davidi. Kayo na bahala na ibigay ito sa press. Siya ang dahilan kung bakit nakulong si Davidi kasi pinagbantaan siya. Nag-unahan lang sila na maglabasan ng baho kaso nauna nga lang si Nodawn. Mukhang may mga tao na siya para may gawin para sa White Hall."
Nagkatinginan kami ni Forsythe sa nalaman namin.
"Malamang, hindi magbabago 'yung mga Nodawn. Hindi nga nagpapakasal para hindi magbago ang apelyido niya. May usap-usapan nga na kung may anak siyang lalaki, Nodawn ang apelyido para palawakin pa ang pamilya nila. Haha! Sabihan kita kung may impormasyon na ako tungkol sa usapin na 'yon. Nasaan na kayo para buksan ko na itong case hangga't tahimik pa."
Hindi kami puwedeng manatiling tahimik.
Napatingin ulit kami ni Forsythe nang narinig kong dahan-dahan niyang pinapalo ang bisig niya. Kaya nakakalikha ito ng... ano... ibang tunog kung papakinggan lang.
"What was that?" tanong ni Lawron.
Pinanood kong matalim akong tinititigan ni Forsythe habang ginagawa iyon. He looks in pain but we have no choice. Sa tingin nga niya ay parang iyon ang planong naiisip niya.
Hindi nga ako makaintindi agad dahil naririnig ko ang iba na nagpapanic sa earpiece.
What are you doing? bukambibig ko.
May binubukambibig din siya kasi hindi ko maintindihan.
Para akong nawawala.
Kasi iba na ang pumapasok sa utak ko.
"Moan," he whispered.
"Paano ako uungol, eh hindi ko alam?!" mariin kong bulong kaya napasabunot siya ng buhok niya.
Siya na ang nagtakip ng bibig niya at malakas na umungol. Napahampas pa siya sa pader ng cubicle.
"Oh my gosh." Napahawak ako sa sentido ko dahil hindi sapat ang lakas. Mukhang pasikreto lang ang nagaganap ngayon.
Mukha siyang stressed sa nangyayari. Ako rin, natataranta ako dahil hindi ko talaga alam ang gagawin ko. Muling nagkasalubong ang tingin namin at kitang-kita na bumagsak ang mga balikat niya. Para kaming nag-uusap sa mga tingin namin. Nagulat na lang ako na pinatalikod niya ako.
"Hoy! Forsythe!" natataranta kong tawag pero para akong nanghina nang pinisil nila ang magkabilang balikat ko. "Ohh!" Agad akong napasandal sa pintuan. Pilit kong tinakpan ang bibig ko dahil may kakaibang tunog ang lumalabas dito.
Makasalanang tunog sa pangyayaring ito.
Hindi ko na alam kung anong parte na ang minamasahe ni Forysthe dahil napapalakas ang ingay ko habang pilit lumalayo sa mga hawak niya. Masasabi kong masarap ang paghilot niya sa likuran ko matapos ang mga gabing nag-aaral ako na nakayuko lang at umabot sa pagsakit ng likuran ko, pero mukha naman akong.. uhm.. paano ba 'to sabihin? Parang may nangyayari mula sa likuran?
"Tama na.. Ahhh!" Hindi ko rin alam kung natataranta lang siya o ano pero ang didiin na ng paghilot niya kaya nagpupumilipit ako. Nahahampas ko tuloy 'yung mga dingding.
"Pupunta ako sa taas ng building. Sabihan mo na lang ako kung andito na kayo para sabihin ko sa inyo kung nasaang kuwarto ako."
Nang marinig naming lumabas si Mortan Pascual at sumara ang pinto, tumigil na si Forsythe. Napasandal pa ang likuran ko sa pader ng cubicle at hinabol ang hininga ko. Hindi naman siguro magiging ganun ang reaction ko sa hilot kung hindi madiin ang mga hagod ni Forsythe.
"U-uh.." Pilit kong tumayo nang marinig si Boss sa earpiece. "Uhm.. update. What's the update?"
Right, update. Hinawakan ko ang tenga ko. "He left. He mentioned that he will go upstares."
"Noted," he said. "Lawron, Heroic and Orion."
"Checked the rooms sa 2nd floor, locked na lahat," sabi ni Orion.
"Pati sa 3rd floor. Nakastandby na ako rito," sabi naman ni Lawron.
Humalakhak si Heroic. "It's my time to shine. Nakikita ko na siya sa hagdanan. Kung sa hallway siya mismong magbukas ng case, kakanta na lang ako agad habang pinapatunog si Marijose."
"Sino si Marijose?" tanong ko.
"'Yung laruan ko."
Napabuga ako ng tawa nang marinig na siyang kumakanta sa kabilang linya. Todo birit pa ng Christmas songs habang pinapatunog ang laruan niya. Sulitin niya iyon dahil ilang araw niya iyong ginawa.
"Okay, we got a visual of Pascual papunta sa 3rd floor. Wala munang aalis sa mga puwesto bukod kay Lawron kung nakuha na ang bukas na suitcase. Nakikita na namin ang katransaksyon niya na papunta sa Thy Lounge kaya kalma lang kayong lalabas ng building."
Huminga ako nang malalim habang nakikinig.
"Orion, make sure na makakalabas si Lawron na walang nakakakita sa kaniya."
"Noted, Boss."
"Ready, Lawron?"
"Bukas na."
Bukas na ang suitcase.
"Shoot."
Para akong nagblangko habang iniisip kung anong nangyayari sa itaas. Ramdam ko ang katahimikan ng bawat isa habang nalulunod sa tensyonadong pangyayari. Kung makikita ko man silang kumikilos, alam kong ginagawa nila ang makakaya nila para maging matagumpay ang misyon na 'to.
Pero wala akong marinig.
Walang nagsasalita.
Nahalata ni Forsythe ang reaksyon ko kaya kinuha niya ang earpiece para isuot sa kaniya. Hindi ko talaga maiwasang kabahan. Kasi maraming posibleng mangyari sa bawat kilos namin.
Mukhang nakahinga siya nang maluwag matapos ang ilang minuto.
"Anong nangyari?" mahina kong tanong.
"Nasa sasakyan na si Lawron."
Sabay kaming nakahinga nang maluwag at nakawala ng tawa.
Parang nawala ang lahat ng naipon namin mula kanina.
Muli kaming natawa. Hindi namin mapigilang maging masaya nang lumabas sa CR. Para bang walang nangyari dahil sa sobrang saya na nararamdaman namin. Bumalik pa kami ulit kami sa puwesto namin. Marami-rami na rin ang mga andito na naglalaro, nag-iinuman at iba pang magsyota na medyo grabe na ang pagkadikit.
Hinintay na lang namin ang go signal ni Boss na lumabas kami pagkatapos nilang makarating sa sasakyan. Sa ngayon, pinaglalaruan ko na lang ang friendship ring namin ni Forsythe habang pinapalipas ang oras. Napanood pa namin na nagsisitakbuhan ang mga nakausap ni Mortan Pascual. Hindi namin kung paano pero nagkamalay na siya at tumatakbo kahit saan habang natataranta.
Masaya kami dahil natapos namin ang misyon.
Nakakalungkot lang na kami ang dahilan na hindi natuloy ang gusto naming pagbabago.
---
"Hindi niyo lang ba ipapaliwanag kung anong nangyari sa inyo sa CR?" Hindi ko inaasahang binuksan ni Danger ang topic na iyon, ni hindi pa nagsisismula ang inuman nmin sa backyard ng bahay. Tinaasan ko lang siya ng kilay habang nasa kalagitnaan ako ng pag-inom ng juice (chaser) ko.
Napabuga na lang ako ng tawa bago binaba ang baso ko. Ramdam ko talaga ang curiosity nila simula natapos ang misyon. Hindi lang sila makapagtanong nang direkta sa akin dahil nahahalata nila sa akin ang shock. Pero ngayon ay tinatawanan ko lang.
"Hindi pa ba halata?" tanong ko habang tumataas ang gilid ng labi ko.
Lahat sila nabilaukan sa tono ko. Si Lawron nga ay parang gustong maligo sa iniinom niyang juice. Si Forsythe naman sa tabi ko ay napatingin sa akin na naniningkit ang mga mata. Sinulyapan ko siya para ngisihan bago binalik ang tingin ko sa binabasa kong reviewer.
"Hindi 'yan si Bloom!" Tinuro ako ni Orion. "Naghaircut lang, naging matapang na!"
Tinawanan ko siya at halos batuhin ko siya ng mani. Hindi naman masayadong maikli ang pinagupit ko! Sakto lang para maitali ko. Bawal na nga ang heavy make-up sa amin kahit accessory. Palagi nga akong napapanguso kung kailangan kong tanggalin ang singsing ko.
"Anyways, negative ako!" anunsyo ko habang tinaas ang bote ng beer.
Malamang! Wala namang nangyayari!
"Congrats!" sumabay si Danger at nakipagcheers sa akin. 'Yung iba naman ay napilitan na lang tumagay. "Congrats din na tagumpay tayo sa misyon natin!"
Nang makuha namin ang allowance namin mula sa White Hall, nakakagulat dahil parang dumoble ito kumpara noon. Inaamin kong ginanahan kami lalo kung ganito karaming pera ang binibigay sa amin.
Nabibili ko ang mga pangangailangan ko sa school. Hindi ako naiilang sa pagbili ng mga gusto ko. Kumpara noon na bilang na bilang ako sa pera ko.
Mayroon kaming salu-salo ngayon. Parang tuwing pagkatapos ng misyon ay pagsasama-sama kaming ganito.
Overall, I know that I am happy. Masasabi kong nakaadjust na ako at naaabsorb ko na ang ginagawa namin.
Puno ng kantahan at tawanan kami ngayong gabi. Nagpalaro pa si Danger ng Pinoy Henyo. Nakakaloka lang dahil siya ang partner ko, puro sigawan lang ata ang naaambag namin. Sa huli, nanalo sila Forsythe at Boss dahil nagcomplement sila. Lumabas din ang pagkacompetetive nila. Maliban kina Clark at Heroic dahil kung gaano pursigidong manalo si Clark sa laro ay kabaliktaran kay Heroic na parang napilitan lang kaya tawa kami nang tawa. Si Orion naman at Lawron ay nas-stress si Orion sa pagiging sigurista ni Lawron kaya iilan lang ang nakuha nila dahil ayaw magpass ni Lawron.
Nakalimutan ko na nga 'yung nirereview ko dahil gusto kong matandaan ang gabi na 'to.
Ngayon ko nga lang napansin na bumili pala si Heroic ng camera. Nakakatuwa kasi palagi niya ako kinukuhaan ng picture. Paminsan, kapag nararamdaman kong kinukuhaan niya ako ng litrato, depende kung kunwari, stolen o hindi kaya magpapacute ako. Napansin ko rin kung gaano siya natutuwa na kumuha ng litrato ngayon.
"Request ni Orion na matulog na tayo kapag 3 AM kasi ayaw niyang magkaroon ng eyebags," sabi ni Danger. Siya talaga ang nagbubuhat ng usapan namin.
"Wala akong sinabi ah! Baka siya dahil may date siya bukas," sabi ni Orion kaya inasar namin si danger. Kaya naman pala! Ginamit pa si Orion!
"Oh siya! Mag-usap tayo ngayon," aya ni Clark.
"Walang Bloom's Job ni Ma ngayon?" tanong ni Lawron kaya napatingin silang lahat sa akin.
"Next time. Gusto kong magkuwentuhan tayo," sabi ko naman kaya pumayag silang lahat at saglit na naglinis ng lamesa.
Mas lalong kaming lumapit sa lamesa habang naghahalo si Orion at Danger ng alak. Naramdaman naming magiging matapang iyon. Amoy pa lang ay iba na. Sumasakit na nga ang sikmura ko.
Wala ako sa sarili ko na napatingin sa gawi ni Boss na kausap si Heroic at Clark. Mabuti na lang at may malay pa ako kaya iniwas ko ito agad bago pa sila magtaka sa akin kung sino ang tinititigan ko.
Nagsimula na umikot ang tagay kaya naghihintay na kami ng magbubukas ng topic. Sumasabay muna kami sa kanta na pinapatugtog ni Forsythe.
"May naisip na ako na tanong!" Daming naiisip ni Danger. Mukhang kaya niya maging event organizer soon. Tumayo pa siya para mag-explain. "May isang tanong tapos lahat tayo sasagot."
"Game!" sabi ni Lawron at sumang-ayon din kami.
"Ano 'yung tanong?" tanong ni Clark.
"Ano ang tatlong sikreto na hindi niyo masabi noon pero sa gabi na ito ay komportable kang sabihin?"
May naalala ako sa tanong na iyon.
Naramdaman namin ang katahimikan namin. Mukhang nag-iisip sila ng sagot. Eh wala akong maisip na hindi ko nasasabi sa kanila kahit marami!
"Sino puwedeng mauna?" tanong ni Heroic.
Nagtinginan kaming lahat. Hindi sa nangpepressure kami pero hinayaan lang namin kung sino ang komportableng magsalita.
Wala pang sumasagot kaya umayos ng upo si Heroic. "Sige, ako."
Lahat kami ay humarap sa kaniya para pakinggan ang sasabihin niya.
"Unang sikreto ko, hindi totoo na nakipagtanan ang ate ko sa professor niya." Parang tumigil saglit ang paghinga ko sa sinabi niya. "She... uhm.." Tinaas niya ang pulso niya. Napakiramdaman ko kung ano ang sunod niyang ginawa kaya napapikit ako agad. "Kaya hindi naman ako masyadong apektado noon. Hindi ko nga alam na para sa akin pala ang post noon."
"Roic..." tawag ni Orion na parang sa tono niya ay nag-aalala siya.
"Ayos lang." Mahinang tumawa si Heroic at hindi man lang nag-iba ang ekspresyon niyang magaan. "Pangalawa naman ay... ayaw kong nakakakita ng camera dahil naalala ko 'yung nangyari sa akin noon. Parang natatakot ako tuwing kinukuhaan ako ng litrato kasi bumabalik lang ang mga alaala ko." Pero pinakita niya ang binili niyang camera. "Pinahawak sa akin ni Boss dati ang DSLR camera niya noong birthday ni Lawron. Sobrang natuwa ako habang kinukuhaan kayo ng litrato kaya nawala ang masasamang alaala ko roon. Kaya ito! Bumili ako ng sa akin."
Para akong natutunaw sa inuupuan ko. Bakit kasi ang layo niya sa akin ngayon? Mabuti na lang at nakita kong hinawakan ni Boss ang kamay ni Heroic.
"Pangatlo, ayaw kong nakikita 'yung picture ko noong kabataan ko." Tumawa siya. Kung gaano kabigat ang binabahagi niya sa amin, nakangiti siya at mukhang masaya pa siyang nagkukuwento. "Kasi naiisip ko na hindi niya deserve ang nangyari sa kaniya at naaawa ako. Kaya pumasok din sa isipan ko na ayaw kong magkaroon ng anak dahil ayaw kong malaman niya ang pinagdaanan ko."
Nakinig lang kami. Kahit kating-kati ako na puntahan siya, naisip ko na baka maging crowded siya roon.
"Ayun lang! Baka nagtataka kayo kasi ganito ang ekspresyon ko. Kasi masyado nang nagdigest ang mga nangyari sa akin. Ngayon, magaan na ang loob ko nang sinabi iyon sa inyo. Parang kaya ko na ulit gumawa ng bagong magagandang memorya kasama kayo." Siya na mismo ang napaakbay kina Clark sa magkabilang side niya bilang comfort. "Ayun lang ulit! Salamat sa pakikinig! Gusto kong sumunod sa akin si Lawron!"
"Ayan! Nananawag! Aylabet!" reaksyon ni Clark.
Awkward na tumawa si Lawron. "Uhm.. hindi ko kilala ang magulang ko?" panimula niya. "Si Lola lang ang nagpalaki sa akin. Iyon ang una ko."
Umabante ang katawan ko para pakinggan siya nang maigi.
"Wala na akong ibang maisip na hindi ko pa nasasabi sa inyo bukod sa isa. Siguro, ito na 'yung pangalawa ko at pangatlo." Napakamot siya ng batok. "4th year high school, mayroon akong naging girlfriend. Kaso noong may relasyon pa kami, nalaman kong may nangyayari sa kanila ng kaklase ko. Doon lang ang gusto kong sabihin. Kinakalimutan ko rin naman kaya wala na akong maalala."
Halos lumuwa ang mga mata ko sa sinabi niya. Gusto kong magbigay ng reaksyon pero hindi ako makapagtanong dahil naramdaman kong binibilisan ni Lawron ang turn niya. Bago pa nga kami makapagsalita ay tinuro na niya agad si Forsythe. "Forsythe, lapag!"
Muntikan pa siyang mabilaukan habang nanlalaki ang mga mata. Hindi na rin siya makaangal dahil nakatingin na kaming lahat sa kaniya. "Hindi siguro aabot ng tatlo 'yung sasabihin ko."
Napatango ako at pormal na inaya siyang magsalita gamit ang paglahat ng kamay ko.
"First one... I used to fight.. sa Noground."
Napapalakpak si Danger. "Sabi ko na nga ba! Ikaw 'yung nakapilay kay Icot!"
Nahihiyang napasapo ng noo si Forsythe. "Kaya tumigil ako."
"Deserve naman niya iyon. Ninanakawan niya 'yung pera ng mga matatanda na namamalimos sa tabi ng kalsada."
"Deserve!" sang-ayon ni Heroic.
"I agree!" pati rin si Orion.
Mahinang natawa si Forsythe bago nagsalita ulit. "Second and last... I like someone right now."
Bigla kaming nag-ingay. Seryoso niyang sinabi iyon at ramdam ko ang confidence niya! Halos lumipad pa si Clark para maitulak si Forsythe. "Hanggang doon lang. Next! Next! Si Danger!" mabilis niyang sabi, halatang iniiwasan na ang topic.
"Pwes! Ako rin, I like someone right now pero no details," taas-noong sabi ni Danger kaya siya naman ang pinagtulakan. May kampante pa itong mukha habang nakakibit-balikat. Kaso wala pang isang segundo ay bumagsak ang mukha niya. "Kaso masama pakiramdam ko dahil wala lang. Parang something's off."
Hindi niya kami pinagpasalita dahil tinaas niya ang hintuturo niya. "Next is.. nagagalit ako dahil masaya ako sa pamilya ko kung hindi hinahaluan ng politika pero hindi ko man lang masabi sa iba. Gusto kong ipagtanggol na mali ang mga paratang na binabato kay Tatay pero hindi ko magawa. Sa huli, tuwing lumalabas ako sa bahay, kinakalimutan kong Rose ang apelyido ko dahil marami-rami rin ang umiiwas sa akin kahit saan ako magpunta. Kayo, ang mga tao sa Noground at si Wonder lang ang nakakakilala talaga sa akin at mas gusto ko na iyon."
"Uyyy sino si Wonder yieee."
Pinatahimik niya kami matapos asarin kay Wonder.
"Last... wala. Iyon lang ang gusto kong sabihin." Nag-dab siya at tinuro si Orion. Hindi pa nakuntento, hahalikan pa sana siya kaso tinulak ni Orion ang mukha niya palayo.
"Wala rin akong maisip. Pero alam ko ang Talpegh Construction dahil..." Napaangat ang tingin niya. "'Yung anak ng may-ari ay ang first love ko."
"Name! Name drop!"
Awkward na ngumiti si Orion. "Ness." Nagwala kami. Kaso si Danger ay kakaiba ang sigaw, madramang hawak-hawak ang dibdib. "Nahirapan lang ako dahil noong kinukuha ko ang blueprint, nakita ko siya at gustong-gusto ko siyang kausapin. Kaso pinigilan ko ang sarili ko dahil baka masira ang plano kaya nanghinayang ako. Pero tama lang siguro iyon. Kailangan kong pigilan ang sarili ko. Wala rin namang pag-asa eh."
"Taga-NU?" tanong ni Lawron.
Tumango si Orion at saglit akong tinuro. "Nursing."
Nursing? Kaya pala tinutulungan ako ni Orion sa iba kong subject! Pero may Ness ba akong classmate? Baka sa ibang section.
"Ness... Ness.." paulit-ulit kong bulong. For sure, nickname 'yun. Teka, nickname 'yun! "Happiness Tan!" sigaw ko na ikinagulat nilang lahat.
Napatango ulit si Orion. "'Yun lang. Clark! Ikaw na sunod."
"Hindi pa nga tayo tapos sa'yo at kay Happiness!" reklamo niya.
"Basta, gusto ko siya since elementary. Magkaibigan kami pero iniwasan niya ako noong high school. Hanggang sa hindi na kami magkausap. The end! Ikaw na!"
Halos mag-away pa.
"Wala naman na akong sikreto!" Napasandal si Clark sa sandalan. "So far, ang random lang sa utak ko ngayon na trip kong sabihin: gusto kong maging anak si Boss dahil ang cute niya, masaya ako sa inyo, maganda performance ko sa school dahil sa tulong ng study sessions natin tuwing gabi, magaling magbasketball si Forsythe at pakshit dahil natatalo na ako sa pustahan namin nila Orion at Lawron."
Napakarandom nga.
"Sunod, sabihan ko na lang kayo kung may nangyari sa akin." Wala siyang inaksayang oras at tinuro niya ako. "Bloom! Sikreto mo!"
Nagmamadali naman sila! Ni hindi pa ako nakakapagdigest ng mga nalalaman ko mula sa kanila!
Saglit akong napaisip habang umiinom.
"Marami akong hindi nasasabi sa inyo pero tungkol lang naman 'yun sa sobra kong pag-iisip. Namamanage ko naman ngayon kaya nakakatuwa lang na nakakapag-adjust na ako ngayon. So far, okay ako at busy lang sa school pero may isa akong gustong ishare sa inyo." Napasulyap ako kay Boss na nakatitig sa akin pero pinagbalingan ko rin ang iba ng tingin.
"I also like someone."
Nag-ingay na naman sila. Pero pinakalma ko sila sa pagtaas ng magkabilang kamay ko. "Hindi ako magbibigay ng details kung sino siya dahil mas komportable akong ishare sa inyo kung ano ang nararamdaman ko para sa kaniya."
"Bakit ba pa-mysterious kayo ngayon?" reklamo ni Lawron.
Nang kumalma sila, napangiti ako. I guess, it's better this way. As long as maririnig din ni Boss ang mga sasabihin ko. Gustong-gusto ko talagang ilabas ito, lalo na't may alak sa sistema ko. Ngayon lang ako maglalakas-loob.
"I really like him. Simula noong una ko siyang nakita, alam kong interesado na ako sa kaniya. Wala naman akong balak na pumasok sa isang relasyon before pero iba siya." Mahina akong tumawa. Napapansin siguro nila kung gaano ako kasaya na nagkukuwento. "We got along just fine. Nakilala ko kung anong klase siyang tao. He really feels like home. I really like everything about him. Hindi ko na maexplain." Tumawa na naman ako.
"You really like him. Halata sa ngiti mo," sabi ni Orion.
Mas lalo akong napangiti. Magsasalita sana ako pero hindi na matanggal ang ngiti ko nang makita ang reaksyon ni Boss na tinitingnan ako. Napatakip na lang ako ng mukha at doon na nilabas ang natitira kong saya. Nararamdaman ko na kasi ang pait na hanggang doon na lang pala 'yun. Napabuntong-hininga ako.
"Pero hanggang doon lang 'yun. Sinabi ko lang ang nararamdaman ko dahil matagal ko iyong tinago."
"Nag-uusap pa ba kayo?"
Shet.
"Uhm.." Anong sasabihin ko? "We reconsidered what we have and remained friends."
Napakunot ang noo nila kaya agad akong nagdagdag. "Nag-usap na kami at mutual decision 'yun."
"Kilala ba namin?"
Samutsaring tanong na ang pumapalibot sa amin kaya pilit ko silang pinapatahimik. Hindi na ako makasingit dahil si Lawron ay sinusundot na ang kilikili ko bilang asar. Tama na! Nahihibang na ako!
"Boss!"
Bigla silang natahimik habang tinuturo ko si Boss. Kahit nga siya ay nagulat nang sinigaw ko ang pangalan niya.
"I mean, si Boss na 'yung maglalapag ng sikreto!" pahabol ko.
"Ah, akala namin si Boss," sabi ni Danger at nagtawanan na sila na para bang imposible iyon. Grabe naman 'yung lakas ng tawa nila!
Kahit nga si Boss ay awkward na ang pagtawa.
Si Forsythe ata ang may pinakamalakas na tawa dahil may alam siya.
Tahimik na lang akong umupo hanggang na kay Boss na ang lahat ng atensyon.
"Tatlo?" tanong ulit niya habang nag-iisip nang malalim. "Unahin ko siguro na sa bahay na 'to, dito ako lumaki kasama ang Papa ko."
"'Yung drawings sa pader ng hallway papuntang Headquarters.." pagbanggit ni Clark.
Mahinang tumawa si Boss bago tumango. "Kailangang takpan noong may mga kasama na ako rito." Dahan-dahan ulit siyang tumango. "At Agustine ang apelyido ko."
Nagulat ang iba at may kaniya-kaniyang pose.
"And..." Nagkasalubong ang tingin namin pero mabilis ding napagbalingan sa iba.
"There is someone I like. How I wish I can express to you how much I like her."
Nagsigawan sila lalo kumpara kanina. Pinagtulakan pa si Boss at halos matapon ang alak sa gitna ng lamesa. Sa sobrang pagkagulo, hindi na namin napansin na nagpapagulong na si Danger sa damuhan. Nakalimutan na nilang bigyan ng space si Boss dahil masyado silang kinilig sa sinabi.
Samantala andito ako, hindi makagalaw at nakatitig lang sa kaniya na pinagkakaguluhan ng iba. Nakalimutan pa na may pinag-uusapan pa.
"Sandali! Anong oras na?"
"September 19 na!"
"Happy birthday, Bloom Jinx Marcues!"
September 19? Birthday ko na?
Para pa akong lumulutang nang nakita ko si Lawron na may bitbit na cake kaya napatayo ako sa sobrang gulat. Sa sobrang daming ganap, ang bilis na pala ng oras at birthday ko na pala! Hindi ko na nga alam kung may umaalis ba kanina!
"Bente na ako!" iyak ko.
Kinantahan nila ako at pinagmasdan ko silang lahat bago ko hipan ang kandila. Hindi pa natapos ang gabi dahil mukhang nagsimula pa lang ulit. Siguro may tama na kami kaya nagpahiran na naman sila ng icing!
Ang alam ko ay masaya talaga ako. Natapos din kami na puno ng kalat sa backyard. Naglaro pa sila panghuling beses para malaman kung sino ang maglilinis dahil since birthday ko ay magbeauty rest daw agad ako. Sa huli, si Danger at Boss ang maglilinis ng kalat.
"Good night!" sigaw ko. "Love you all!"
"Happy birthday, Bloom! Mamaya na lang ang gift ko!" sigaw ni Orion na parang nadapa sa icing at putik.
"Happy birthday, Ma!"
"Happy birthday." Ginulo ni Forsythe ang buhok ko. Medyo gumanti pa ako kaya nagtagal kaming nagharutan sa sala bago siya naunang pumunta sa itaas. Akala ko tapos na pero narinig ko na naman ang sigaw nila lalo na't kina Orion at Clark na binabati ako.
Tinanggap ko ang lahat ng bati nila. Niyakap ko pa sila kahit puno na kami ng dumi. Bahala na lang mamaya kung may tubig mamaya dahil mukhang sabay-sabay kaming gagamit ng tubig nito.
Bago ako umakyat sa kuwarto ko, naghilamos muna ako sa lababo. Nakita kong tinabihan ako ni Heroic at pinanood akong maghilamos.
"Happy birthday," bati niya.
Hinarap ko sa kaniya ang mukha kong walang make-up at basa. "Thank you, Roic."
Tumawa siya at niyakap ako. Kahit may dumi pa ako mula kanina, wala lang iyon sa kaniya.
"Sinabihan ka na ba ni Forsythe?"
Napakunot ang noo ko. "Ano?"
Medyo nakakunot naman ang mukha niya. "Mukhang masyado akong nag-oobserba."
"Ang ano ba?"
"Hindi ko alam o ano dahil napapansin ko lang." Napakibit-balikat siya at balak sanang umalis kaso hinila ko siya pabalik.
"Ang ano? Sabihin mo na."
Tiningnan ako ni Heroic, diretso sa mga mata ko. Napaangat pa ang gilid ng labi niya.
"Gusto ka ni Forsythe."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com