Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 34

"I'm in."

Umirap ako pagkapasok ko sa lawfirm building. Kinailangan ko pang makipag-usap sa assistant ng Head Attorney para natural lang ang pagpasok ko. I told him that I am visiting someone from the business department. Hindi naman siya nagtanong kung sino dahil nakikiramdaman ko na pinapaikot niya ang conversation namin kung single ba ako. Nagpaalam na agad ako kasi sinabi kong nagmamadali ako.

"3rd floor ang office ng abogado na may hawak ng complaint," sabi ni Boss habang inaayos ko ang buhok ko. "I also blocked the cameras so, you can change your coat on your way out."

"Thanks," I said.

We got a lot of missions these past weeks. Kinailangan ko pang isingit 'to kahit katatapos pa lang ng duty ko kanina at may duty pa ako kinabukasan.

"Wala talagang details kung bakit kailangang palitan 'yung documents?" Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko ito tinanong. "Final question."

Nabuntong-hininga si Boss. "None. Sinabi lang na papalitan ang documents ni Erikon Cordon sa office ni Atty. Ashtal Perez. Nakasealed ang documents na nasa iyo at nasa office. Nakatanggap na kapapasa pa lang kaya kailangang palitan as soon as possible. Hopefully, hindi pa nabubuksan kasi nasa seminar daw si Atty. Perez."

Huminga ako nang malalim at napabuga ng hininga. "Mukhang nag-eenjoy sila sa pagbibigay ng misyon sa atin ah. Todo-linis."

Narinig kong tumawa si Boss. "You're doing great, Bloom Jinx."

"Thanks, Stalwart Boss. Sana, hindi naman ako sermunan ni Heroic na mayroon na naman akong one-man and impromptu mission." Awkward akong tumawa.

Mag-isa ako sa misyon na ito dahil biglaan. Saktong pag-uwi ko sa bahay galing duty, akala ko makakapagpahinga ako pero nakasalubong ko si Boss at may misyon daw. Hindi rin naman ako makahindi dahil kailangan daw naming bilisan. Hindi ito ang unang beses dahil parang hindi ko pa naaabsorb ang gagawin ko, mapagtatanto kong tapos na. Basta sundin ko ang mga instruction niya.

"Malapit na ako."

"Cams blocked. You have 8 minutes."

"8 minutes..." ulit ko habang palihim na sinusuot ang gloves.

I didn't mind the time at all. As soon I got into the office, I scanned the room. I made my act fast by scanning the documents on the table. Hinanap ko ang pangalan ni Cordon na hindi ko alam kung anong kaso ang isasampa laban sa kung sino man ang sasampahan niya.

"Same envelopes?" tanong ko.

"Yes."

Sa kabilang piles ng papeles, nakita ko na ang hinahanap ko. Tiningnan ko rin ang mga ibang papers para siguraduhin na isa lang ang pinasa. Doble ingat kong binalik ang kinalkal ko matapos palitan ang kailangang palitan.

"Done," sabi ko habang pinapasok iyon sa hawak kong case.

"Okay. You can go out and use the stairs. May access pa ako ng ground floor lobby kaya pwede kang dumaan sa pangalawang entrance."

"Noted."

Lumabas ako ng office. Sa totoo lang, kinakabahan ako kasi baka may makasalubong ako rito pero mabuti na lang ay wala masyadong tao. Dumeretso ako sa staircase at mabilis na bumaba. Papalitan ko sana ang coat kong two-sided. Balak ko ring tanggalin ang tali ng buhok ko. Babaliktarin ko sana 'yun pero nakita ko ulit 'yung assistant ng Head Attorney. Para akong nabuhusan ng tubig nang nakita kong pumasok siya mula sa 2nd floor. Pinakalma ko na ang sarili ko at pinatuloy ang pagbaba sa hagdanan.

"Oh, it's you again," sabi niya nang magkasalubong kami. May bitbit siyang mga folders at paakyat siya ng hagdanan.

Awkward akong tumawa. "Lumabas daw ang hinahanap ko sa department kaya I'll send an email to inform her that I visited her."

"I see."

May balak pa ata 'to dahil sa mga tingin niya.

Mukhang hindi ako makakapalit ng coat nito ah.

"Ihatid na kita."

Kumunot ng noo ko. "No, thank you."

"It's okay. Puwede naman kitang ihatid palabas. May I know your name?"

Please. Jusko! Heto na naman ako sa alas ko sa ganitong sitwasyon!

"My husband is waiting for me outside."

Maraming beses naman ako nagganito pero grabe ang epekto sa akin ngayon. Dahil siguro si Boss ang tinutukoy ko.

Nakalabas ako ng lawfirm na kalahati lang ang kamalayan ko.

Saktong tumigil na sa harapan ko si Boss at binuksan ang pintuan. Sumakay din agad ako sa tabi niya kaya nagsimula na siyang magmaneho. Tulad ng inaasahan ko, tahimik lang kami sa loob.

Masasabi ko talagang civil kami ni Boss. Actually, ayos lang kung anong meron kami. Parang dati lang at dahil siguro busy na kami sa mga ganap ngayon, nalilipasan na ng panahon ang mayroon dati. Hindi lang namin napag-usapan ulit.

Halos mahigit ilang linggo na ang nakalilipas matapos ang huling inuman namin.

And I can still recall him and Danger's conversation.

"Kilala ba namin kung sino 'yun?" tanong ni Danger.

Hindi sumagot si Boss dahil busy siya sa paghuhugas ng lababo. Alam kong hindi nila ako makikita dahil nasa kabilang pader ako.

"Aw, so, kilala namin?"

Doon na siya lumingon at napangiti. "Ipapakilala ko sa inyo sunod. Alam kong magugustuhan niyo siya."

"Paano ka nakakasiguro?" seryosong tanong ni Danger. "Ano ba ang nagustuhan mo sa kaniya?"

Saglit na natahimik si Boss. Hindi ko alam kung wala siyang masagot pero hinintay ko talaga na makasagot siya.

"Sino ba kasi siyaaaa? Curious na ako ah! Ako luge! Kilala niyo kung sino 'yung gusto ko!"

"Actually, wala akong masagot kung hindi 'yung nararamdaman ko sa kaniya. I like everything in her. Kung puwede ko lang ipakilala siya sa inyo kaso hangga't may koneksyon pa ako sa White Hall, hindi ko ipapakita na malapit na ako sa inyo dahil alam nila kung saan ako mahina."

"Kinikilig ako, Boss ah."

Tumawa siya at pinalo ang likuran ni Danger na basa pa ang mga kamay. "Tapusin na lang natin 'to kasi gusto ko nang matulog."

"Pero gusto mo talaga siya?"

"Yes. I am still figuring out how can I express what I wanted to say... pero hindi na kami nag-uusap."

"What?!"

Malungkot na ngumiti si Boss at pinatuloy ang paghuhugas.

"Do you to go home first? Dadaan pa kasi si White Hall para ibigay ang papers."

Nakapikit pala ako kaya unti-unti kong binuksan ang mga mata ko. "Sige, daan lang muna sa White Hall."

Ang ineexpect ko, may sasabihin siya pero seryoso siyang nagmamaneho. Tiningnan ko rin siya habang hinihintay ang sasabihin niya. Parang naghihintayan lang kami.

"Uhh.. are you okay?"

Napangiti ako.

Shet! Napangiti ako!

Bago pa niya nakita, napaiwas ako ng tingin. "Okay lang ako. Pagod lang."

"Gusto mo bang kumain?"

"Matulog," sagot ko.

"Sige. Matulog ka na muna. Gisingin kita kapag nasa bahay na tayo."

"Dadaan pa sa White Hall," paalala ko.

"Ako na ang bahala. Matulog ka na."

I really need to sleep. Para na akong lumulutang.

Plano ko talaga, matulog. Bahala na pero gusto ko na ishutdown ang buong pagkatao ko para magpahinga. Kaso mukhang naririnig ko 'yung bawat segundo. Naramdaman ko pa na inayos niya ang seatbelt ko. Hindi rin ako gumalaw nang sinuotan niya ako ng suot niyang cap kanina.

Naramdaman kong tumigil ang sasakyan pero hindi ko naramdaman na umalis si Boss sa tabi ko. Narinig ko lang 'yung pagbukas ng bintana kaya napadilat ako. Nasa labas si Mr. Yu, kasama ang bodyguards niya. Ang ineexpect ko ay si Boss ang pupunta sa kanila pero mukhang naghintay si Mr. Yu sa kabilang entrance ng White Hall.

"Is this the orginal copy?"

"Yes."

Pinunit ni Mr. Yu ang dulo ng envelop para tingnan ang nasa loob ng papel. Hinintay pang mabasa ang first page hanggang sa napatango siya. "I'm impressed that you finished this. Who did the mission?"

"She's tired and asleep. Can we go home as soon as possible? I have a class."

Napatango si Mr. Yu. "The group allowance was already sent into your account. Good job." And just like that, umalis na rin sila kasabay ang pagmaneho ni Boss.

"May klase kayo?" tanong ko.

Halos napalundag si Boss sa kinauupuan niya. Masyado kasing seryoso!

"Akala ko, tulog ka?"

Napakibit-balikat ako. Sa totoo lang, nagising ako lalo nang malaman kong may allowance na ulit kami.

Wala na. Nakarating na kami sa bahay na hindi ako nakatulog.

"Maggogrocery ba?" tanong ko ulit.

"Kailan?"

"Mamaya?" patanong kong sagot. "May klase ka kasi mamaya kaya puwede sila Heroic kasama ko."

"Actually.." Napatigil ako sa pagbukas ng pinto ng bahay para lumingon sa kaniya. "Palusot ko lang 'yun para hindi na ako makalabas ng sasakyan at makauwi tayo agad."

Napaawang ang labi ko. That's so brave of him. Siya? Sa spokesperson ng Mayor?

"Oh.." I was speechless. "Thank you. Mukhang kailangan ko nang matulog," paalam ko at naunang pumasok sa loob ng bahay. Dali-dali akong pumasok sa kuwarto at nagkulong.

Nabigla ako! Hindi ako nabigla sa biglaang misyon ngayon, kung hindi dahil kay Boss! Pinaadjust niya 'yung kanang kamay ng Mayor! Sinong hindi magugulat?

Kahit ganun, nanalo pa rin ang antok ko at nakatulog. Bahala na. Kung ano-ano na ang iniisip ko.

Kung tutuusin, marami nga akong hindi pa alam kay Boss. Kahit honest at transparent siyang tao, ngayon ko lang napagtanto na hindi ko pa siya lubusang nakilala.

Kingina, bakit pakiramdam ko, may kasama ako sa kuwarto ngayon?

May narinig akong pagbukas ng lalagyan. Hindi nagtagal, naramdaman kong may umupo sa higaan ko. May nagbubura ng make-up ko kaya dahan-dahan akong dumilat. Andito pala si Heroic.

"Anong oras na?" tanong ko at nilibot ang paningin ko.

"8 ng gabi," sagot niya habang pinupunasan ang mukha ko. "Bakit ka ba natutulog na may make-up pa? Hindi ka pa rin nagbibihis."

"Nakalimutan ko." Mabagal akong tumawa at hinayaan siyang burahin ang make-up ko.

"Dalhan kita ng pagkain dito?" tanong niya.

"Bababa na lang ako." Masyado niya akong ginagawang baby. "Tapos na kayo kumain?" tanong ko pabalik.

"Oo." Focus na focus talaga siya sa paglilinis ng mukha ko. "Musta pala ang misyon? Biglaan na naman?"

Tumango ako. "Tapos wala pang context."

Bigla rin akong natauhan. "Hala, grocery!" Nakalimutan ko!

"Tapos na kami ni Danger. Hindi ka na namin ginising kasi tulog ka."

May kumatok mula sa labas. "Kain na hangga't mainit pa 'yung kanin," sabi ni Forsythe.

Forsythe—I stayed casual to him. Hindi ko alam kung totoo ba 'yung sinabi sa akin ni Heroic noon pero hindi ko pinaniwalaan. Patagal nang patagal, narerealize ko na baka lasing na siya noong sinabi iyon sa akin. Hindi talaga ako maniniwala hangga't siya magsabi. Besides, alam naman niyang iba ang gusto ko.

"Bumaba ka na pagkatapos maghilamos." Tumayo na si Heroic at lumabas.

Napangiti ako habang tiningnan ang friendship ring naming lahat.

Gumdrop.

Patagal nang patagal, napapansin ko na marami na akong naiipong alaala sa kanila. Marami rin akong natututunan. Kahit busy rin kami sa pag-aaral, nakakatuwa na pare-parehas kaming nagpapahinga. Sama-sama kaming naglalabas ng sama ng loob. Sama-sama kaming naiinis sa mga bagay-bagay. Sama-sama rin kaming nasa bingit ng buhay para maabot ang mga pangarap namin.

Naramdaman kong hindi ako nag-iisa.

---

"Mukha kang isda rito." Pinakita sa akin ni Orion ang picture ko na nakanguso. Busy ako sa pagdesign ng photo album ng birthday ni Heroic tapos ipapakita sa akin 'yung epic faces ko. Teka nga.

"Bakit niyo naman pinaprint 'yan?" malakas kong tanong.

"Request ni Danger," pagsusumbong ng Anak ko kaya sinamaan ko ng tingin si Danger na nagkakalat lang ng art paper.

"Cute mo kaya! Mukha kang janitorfish."

"Heroic oh!" pagsusumbong ko.

Binato naman ng glue ni Heroic na blangko ang mukha si Danger. "Aray! Favoritism!"

Nagbelatan na lang kami.

"Nasaan si Boss?" tanong ni Clark na kumakain ng ice cream, pinapanood kaming magdecorate sa photo album namin.

"White Hall."

Natahimik kami.

Mukhang palagi na siyang nandoon ah.

"Naamoy niyo ba ang naamoy ko?" tanong ni Danger na kung makatayo ay parang bida sa mga pelikula na may ideya.

"May sipon ako," pagbabasag ni Orion kaya nagtawanan kami.

"May misyon." Tumaas-baba pa ang mga kilay nito. May point naman din si Danger. Mukhang nakikiramdam na rin namin ang pattern ng ganap. Once, busy lalo si Boss, it's either pinag-aaralan na niya ang misyon o kinakausap siya ni Mr. Yu.

"Eh 'di, maghanda tayo."

Kumpara noon, hindi na kami gaanong nangangamba ngayon.

"Pero curious ako sa babaeng gusto ni Boss," sabi bigla ni Lawron.

Doon tuloy ako nangamba.

"Hindi na raw sila nag-uusap kaya nalungkot ako," sabi naman ni Danger. "Marami rin ang responsibilidad niya. Malakas din ang kutob ko na maayos ang pag-uusap nila kasi si Boss 'yun eh."

"Kapag pinag-uusapan natin si Boss, naiinlove ako." Tinakpan ni Clark ang mukha niya at kinilig.

Mahina akong natawa.

Hindi nagtagal, nag-iba na rin ang pinag-uusapan nila.

Hindi namin namamalayan na inabutan kami ng gabi sa lamesa, ginagawa pa rin ang album sa kalagitnaan ng pagkain ng snack at kuwentuhan namin.

Naabutan pa nga kami Boss.

"Nagdinner ka na?" tanong ni Heroic.

Imbis na sumagot, medyo napangiti siya na may discomfort sa mukha.

May tinaas siyang folder at ginawa iyong pangkamot ng sentido niya.

"This is the biggest mission we will ever have yet." He distributed the handouts. Agad ko namang binasa ang context ng mission. "It is difficult and very tricky."

"Wow, happy birthday, Clark," sabi ni Lawron.

Birthday ng Mayor sa October 7 pero mayroong birthday celebration sa October 10 sa Nodawn Centre Dome. Invited ang mga iba't-ibang matataas na tao tulad ng mga pulitiko galing sa ibang siyudad, mga empleyado sa White Hall, mga artista, mga businessman at iba pang mga may puwesto sa lipunan.

"Happy anniversary, Gumdrop," sabi rin ni Orion kaya nagkatinginan kaming lahat.

"Hala! Isang taon na pala tayo!"

Isang taon na kaming magkasama!

"Badtrip, may misyon tayo sa birthday ni Clark at anniversary natin." Napanguso si Lawron.

"Atleast magkasama pa rin tayo! Puwedeng pagtapos ng misyon, Kumain tayo kasi may allowance na ulit tayo." Pumalakpak si Clark para pagaanin ang loob namin. Kaso birthday niya 'yun eh. Pero malaki rin ang punto niya.

"Bakit walang specific na roles?" tanong ni Orion at iyon nga rin ang napansin ko. Sa tabi ng mga pangalan namin, walang nakalagay kung ano ang gagawin namin kumpara noong mga nakaraang meeting.

"October 7 ang birthday ni Mayor Nodawn pero October 10 ang celebration. Maraming invited at sa susunod na page ay ang profile ng mga bisita na hindi niya kapartido kaya nabanggit ni Mr. Yu na baka may mga balak sila para ipahamak ang Mayor. Lahat tayo, nasa loob dapat."

"Pati ikaw, Boss?"

Nabasa ko rin na walang nakainstall na CCTV cams doon kaya hindi magkakaroon ng visual si Boss mula sa loob.

"I.." He pursed his lips first without breaking his sight on us. "I will be in the crowd with the officials."

Sa pagkurap ko, para akong nagloading saglit. He will be with the officials? Ang taas masyado!

"Okay, so, saan kami?"

"Tutulungan tayo ni Ms. Ada para makapagpanggap kayo bilang waiters sa party. Inaayos niya ang contact sa caterer service. Doon, makakapalibot kayo at makapag-observe sa mga bisita roon."

Iba ang pagiging unsatisfied ko ngayon. Gusto ko kasi ng dahilan tulad ng binibigay nila sa amin bago gawin ang misyon kaso ngayon ay parang wala akong maintindihan. O sadyang hindi ko pa naiintindihan ngayon?

"Ang hirap," pag-aamin ko kaya napatingin silang lahat sa akin. "Like, paano naman namin maoobserve ang mga bisita roon? Let's state the fact na hindi naman sila gagala sa party while nagpaplano ng pagpatay sa Mayor."

"She has a point," sabi ni Orion.

"Napapansin din naming nagbibigay lang sila nang biglaan."

"Parang grabe na sila maglinis ah. Dahil ba mag-eeleksyon na?'

"Mukha na tayong mga taga-linis."

Kitang-kita sa reaksyon ni Boss na parang nabuhusan siya ng malamig na tubig habang nakatitig sa akin. Sunod-sunod na rin ang mga reklamo at tanong namin. I hope he got our point. Mahirap kasing kumilos na hindi alam ang purpose.

Sa pagbukas ng bibig niya, bigla rin itong napatikom. Napailing siya nang maraming beses. "Let's not question the White Hall."

"Boss??" gulat naming tanong.

Napaiwas siya ng tingin kasabay ang malakas na pagbukas ng pintuan sa sala. Napatingin kami roon at halos tinakasan kami ng kaluluwa nang makita namin na pumasok si Mr. Yu na hindi man lang nagparamdam bago pumasok. Kaswal siyang naglakad-lakad sa sala habang tinitingnan ang paligid. As usual, may mga nakahilera ring mga bodyguard. Nabalutan kami ng takot habang unti-unting napagtatanto na andito si Mr. Yu sa bahay ngayon, sa kalagitnaan ng meeting namin.

Hindi kami makagalaw habang pinapanood siyang nakatitig sa group picture naming nakasabit sa itaas ng individual shots namin.

"So, I see that you question everything."

Using his index finger, he lifted the picture frame. Humakbang siya patalikod at doon niya hinayaang bumagsak ang picture frame sa sahig. Nakalikha iyon ng napakalakas na ingay.

Pinanood naming nabasag ang salamin ng frame at tinapakan pa niya ito habang naglalakad palapit sa amin.

"Sa lahat ba ng misyon niyo, kinukwestiyon niyo ang White Hall?"

Nanatili kaming tahimik. Gustuhin ko mang ipaglaban ang karapatan namin pero pakiramdam ko, hawak kami sa leeg.

"Just to remind you, Gumdrop, you all are under the White Hall since the day you signed the contract. Marami na kaming hawak tungkol sa inyo. Huwag kayo maging pangamba sa nagbigay sa inyo ng pag-asa."

He looked at us like we are some breathing disappointment. I can feel his anger yet he chose to be calm.

"If you still want to continue, don't ask questions and just follow what the White Hall orders."

Ni hindi na ako makagalaw dahil sa tensyong nagpapamanhid ng buong pagkatao ko.

"Do you understand, Gumdrop?"

No one answered because of the tension.

"Do you understand?!?" he raised his voiced.

"Yes."

We answered without any synchronization.

The fear is definitely obvious.

He nodded before fixing his suit. He even looked at Boss. "This will be known by the Mayor." Then he left.

Nang nawala na ang presensya niya ay para kaming bumagsak mula sa itaas. Nararamdaman kong nag-iipon na ang mga luha ko dahil sa sobrang takot.

Nakita rin naming bumagsak ang mga kamay at bisig ni Boss sa lamesa. Nakikita namin ang pangamba sa mga mata niya habang pilit niyang itayo ang sarili niya. Para siyang nawawala.

"Boss." I tried to reach out.

Pero tumayo na siya at sinara ang laptop niya. "Further details will be discussed tomorrow."

Iniwan niya kami sa kusina kasama ang katahimikan at ang basag na salamin ng picture frame naming lahat.

Unti-unti na rin silang tahimik na pumunta sa kuwarto nila. Hanggang napansin kong ako na lang ang natitira sa kusina.

Pinagpasyahan kong linisin ang sala. Kaso sa bawat segundo na lumilipas, mas lalo kong nararamdaman ang takot. Parang nararamdaman ko na 'yung higpit. Ang pinakamalala, hindi ko na nakikita ang pangarap ko. Matapos marinig ulit kung ano ang pinasukan namin... pakiramdam ko, may masamang mangyayari.

Muntikan kong mabitawan ang picture frame habang pinapasandal iyon sa dingding. Nahawakan ko ang mismong frame na may natitirang basag kaya nahiwa ang daliri ko. Tinitigan ko na lang ang dugong umaagos dito. Hindi na ako nagulat dahil talagang ineexpect ko na masusugatan ako sa paglinis nito.

Tiniis ko iyon hanggang sa maayos na ulit ang sala. Pagkatapos ay ginamot ko na ang sugat ko.

Narealize ko lang kung gaano ako kabagal kumilos habang nililinisan ang sugat ko. Halos sampung minuto pa ata bago ako matapos sa paglilinis.

Umangat ang tingin ko nang may narinig akong yapak mula sa hagdanan.

Matapos makita na malinis na ang sala, agad akong tiningnan ni Boss. Tumakbo pa siya palapit sa akin para tingnan ang kamay ko. Wala pa siyang sinasabi pero alam kong natataranta siya nang makita ang sugat ko. Tinitingnan niya ang magkabila kong kamay, nahahanap kung nasugatan pa ba ako.

"Okay na. Ginamot ko na," sabi ko.

Natigilan siya nang magtama ang mga tingin namin. Puno ng pagod at takot ang mga mata niya. Parang doon ko na naramdaman ang pagpupunit ng puso ko. Lalo na't hinawakan niya ang magkabila kong kamay para halikan niya kasabay ang pagsandal niya ng noo niya. Doon na siya napahagulgol.

Wala akong masabi. Napapikit ako habang nararamdaman ko ang mga luha niya.

"Natatakot ako..."

Binalot ko siya ng yakap ko at hinayaan siyang umiyak sa dibdib ko.

"I'm sorry.." bulong ko.

Nalunod kami sa lahat ng nararamdaman namin. Umabot pa sa puntong hindi na namin makita ang kinabukasan.

Ngayon lang ulit kami tabing matulog ni Boss. Pero ngayon ay sa kuwarto ko na. Buong oras ay sinamahan ko siya. Pinakinggan ko ang mga hikbi niya habang hinahaplos ang buhok niya. Hanggang sa nakatulog na siya sa yakap ko, hindi ko siya binitawan.

Pagkatapos ng gabing iyon, naramdaman namin ang distansya at katahimikan namin.

Ganito pala ang pakiramdam na kailangang manahimik.

Para kaming mga patay habang naghahanda sa misyon. Hindi rin kami makapagsalita dahil nakakatakot kung may mali kaming masabi.

Ni hindi na rin namin alam kung ano ang gagawin namin.

Ni hindi na rin namin alam kung ano ang mangyayari sa amin.

"I need report every minute about the people who are in the list. Please be aware to the surrounding. The mission will be successful when the Mayor is safe." The voice of Boss represents our lifelessness.

"As long as the Mayor is safe," I concluded as I try to understand the goal of this mission.

"As long as the Mayor is safe, the mission is successful," I heard Forsythe.

That's all that matter.

Then that will be the main goal.

We were scattered all around the venue. We were serving drinks to the guests. Naging mapanuri rin kami sa mga nandoon pero wala kaming masagap. Hanggang sa nakikita na namin ang Mayor ng Nodawn City na nakikipagsalamuha sa mga bisita niya. Hindi ko puwedeng idistract ang sarili ko sa ibang bagay. Masyado kasing pinaghanda ang gabi na 'to at halos kumikinang ang bawat sulok ng venue.

"Served the Barodeas just now. Stayed at their back for a while but no signs." Si Orion.

"If ever you cannot talk at your state, like I said during our meeting, evidence. Go get some evidence. If none, none."

I continued serving cocktails. Wala talaga akong makalap na impormasyon dahil mga projects ang mga naririnig ko sa mga tao sa 2nd floor. Wala rin akong marinig na updates mula sa iba. Napapaisip tuloy ako lalo na imposible naman talaga 'yung assumption sa magiging action ng iba. It is unpredicatble, to be honest. Unless, there is something they are up to and to twist the upcoming circumstance. I can't tell. I'm too afraid to talk right now.

"None," I updated. Nakakailang beses na akong dumaan pero wala talaga akong nalalaman. Nauubos na nga ang pasensya ko.

Pabalik sana ako para kumuha ng panibagong drinks nang dumaan ako sa railings. Hinanap ko ang iba na nagseserve ng drinks. Nakita kong mabagal na naglalakad sila Heroic at Orion para ihanda ang mga inumin sa mga bisita. Nakita ko na rin sa kabilang parte si Forsythe na nakafocus sa pagkukuha ng mga baso habang nasa likuran niya ang mga miyembro mula sa kabilang partido. Nasa labas naman sila Orion, Danger at Clark. Ang nalaman namin ay may mga tao sa labas. Mga sumusuporta sa Nodawn at ang mga nagproprotesta dahil sa sa pagtaas ng mga bilihin. Ilang beses na rin silang nagpoprotesta dahil hindi binibigyan ng pansin ang ekonomiya at ngayon ay nagpapaparty lang sila.

Nakikita ko mula sa itaas si Boss na kasama si Mr. Yu. May suot siyang black suit at may hawak na champagne. Mukha talaga siyang isa sa mga tao rito.

Binigyan ko ng buong pansin ang buong misyon.

Ang nakakainis lang dahil wala talaga. Wala talaga kaming makuha o ano. Para bang buong gabi ay naging waiter talaga kami. Para akong binagsakan ng langit at lupa habang nakasandal sa pader ng storage room ng Nodawn Centre. Natapos na rin kasi ang dinner at ngayon ay nagpaparty na lang sila. Hanggang ngayon, wala pa ring natatanggap mula sa iba.

Hindi talaga ako nakuntento, lumabas ako para kunin ang mga kailangang paghugasan. Nagiging bukas din ang pandinig ko sa mga tao sa paligid pero wala talaga. Nakakafrustrate.

"Wala pa rin."

"Then that's better. Malapit nang matapos ang party at malapit nang umuwi ang Mayor kaya matatapos na tayo."

Dahil sa narinig ko, napabuga na ako ng hininga at nilagay ang mga hugasin sa lababo. Niluwag ko ang necktie ko para makahandang lumabas nang may nakita akong nakaitim na taong lumabas mula sa pintuan kung nasaan nakapuwesto si Forsythe.

"Forsythe?" tawag ko. Nakikita ko siyang nakafocus sa mga bisita. Hindi ko alam kung ano na ang nangyayari pero ang alam ko ay may mabilis na naglakad palayo. "Nakita mo bang may nakaitim na lumabas mula sa pintuan diyan sa puwesto mo?" tanong ko.

Nakita kong lumingon siya. Para na rin siyang nawawala kaya naglakad ako para pumasok kung saan lumabas 'yung nakita ko. Hangga't busy pa sa dance floor ang iba, iyon na ang chance ko na makagalaw.

"Saan, Bloom?" tanong ni Clark.

"2nd floor, left, the largest door."

"Nandoon ang swimming pool ah?" rinig namin kay Boss.

Swimming pool..

Pumasok ako sa loob at madilim ang daanan. Pero lakas-loob kong nilakad ang daanan hanggang sa nakikita ko na ang liwanag mula sa swimming pool. Mabagal akong lumalapit doon habang tinatantya ang meron doon.

"Bloom." Narinig ko si Clark. Tumakbo siya palapit sa akin kaya sabay naming tiningnan ang swimming pool area.

"Galing ka pa sa labas ah?" bulong ko.

"Wala namang nangyayari kaya pumasok na ako para sasamahan kita dito."

Walang tao sa pool area kaya medyo nagmasid pa kami sa paligid.

"Last update?" tanong ni Boss. "Pauwi na ang Mayor. Papasok na siya sa sasakyan niya. Mukhang umuwi na rin ang mga bisita."

"So, tapos na ang misyon?" tanong pabalik ni Heroic.

"Yes. Good job, everyone. Meet me outside the venue."

Sabay kaming nakahinga nang maluwag ni Clark sa narinig namin. "Tapos na, sa wakas. Ito 'yung party na nakakadrain." Natawa kaming dalawa sa sinabi niya kaya balak na sana naming umalis doon nang may napansin ako sa ilalim ng pool dahil may nakita akong pulang ilaw. Hindi ako nagkakamali.

"May ilaw sa ilalim ng tubig.." mahina kong sabi kay Clark kaya napalingon din siya.

"May itim." Lumapit kami para tingnan nang maigi ang nandoon.

Bumibilis ang pagkislap ng pulang ilaw.

"Bomba.."

Shit! Bomba!

"Bomba! May bomba!" sigaw namin at tumakbo palabas.

"Bomba?!"

Sinalubong kami ni Forsythe pero agad ding tumakbo kasabay namin.

Pababa na kami sa hagdanan nang marinig ang isang malakas na pagsabog, may apoy na lumabas mula sa kitchen area sa second floor.

Nabingi ako.

Hindi ko nagawang ihanda ang sarili ko sa pagsabog. Nahulog pa ako sa hagdanan. Nagblangko rin ang utak ko.

Nahihirapan akong ibalik ang kamalayan ko. Pinipilit kong ibalik ang pandinig at paningin ko pero parang ang labo. Puno na ng usok ang loob ng venue.

Tatawagin ko sana sila kaso nakarinig ako ng matinis na tunog mula sa earpiece ko.

Doon ko na ulit narinig ang buong paligid na puno ng sigawan.

Sunod-sunod ang pagbunggo sa akin kaya hindi ako makatayo agad. Hinanap ko sila Clark at Forsythe pero pakapal na nang pakapal ang usok.

"Bloom!"

I saw Boss.

Nilusong niya ang usok. Nang makalapit sa akin ay binuhat niya ako. "Stay awake.. please, stay awake.."

Palakas nang palakas ang paglagablab ng apoy mula sa 2nd floor. At napanood ko kung paano balutin ng usok ang buong paligid. Bago pa kami makalabas ay nagbukas ang mga fire sprinkler mula sa mataas na kisame.

Paglabas namin ay nakawala ako ng sunod na sunod na pag-ubo ko. Andoon ang mga bisita na nakalabas sa loob. Nakita ko rin sila Heroic. Tinuro ako ni Lawron kaya nilapitan nila ako. "Are you okay? Isusugod ka namin sa ospital."

Inuna kong binilang sila.

At napahagulgol na ako nang mabilang ko na pito sila. Naramdaman kong niyakap nila ako.

"Okay na ako.. umuwi na tayo.." sabi ko. Please, hindi ko na kaya rito. Nanghihina ako lalo kung makakita ako ng sugatan pero hangga't wala pa akong nakikita, gusto ko na umalis dito.

"Pupunta tayo sa ospital," diin ni Heroic.

Mabilis na nagmaneho papunta sa harapan namin si Danger. Agad din kaming pumasok kasabay ang iba na sumakay sa kaniya-kaniyang sasakyan. Dumating na rin ang bumbero kaya maraming tao ang tumingin sa pagpatay ng apoy.

"Uwi na tayo..."

Tahimik kami sa loob ng sasakyan. Nakasandal ako sa balikat ni Boss habang pinupunasan niya ang mukha ko.

"Sa ospital muna," utos ni Heroic kay Danger.

"Okay lang ako, please." Hindi naman malala ang pagkabagsak ko at alam ko ang katawan ko.

"Mas mabuting sigurado tayo! Baka napano ka sa loob kanina!"

Marahan akong umiling. Pilit ko pang bumangon para ipakita na okay ako kaso nanghihina pa rin ako.

"Punta tayo sa ospital, hmm?" bulong ni Boss.

Napabuntong-hininga ako at tuluyang bumagsak sa balikat niya. Hinahabol ko pa rin ang hininga ko.

"Orion? Forsythe? Clark? Lawron?" tawag ni Boss. "Baka nasaktan kayo. Sabihin niyo."

"Nakalabas kami agad."

"Hindi ko nakuha agad si Bloom noong lumakas ang pagsabog," sabi ni Forsythe na puno ng pagsisisi.

"Hindi.." mahina kong sabi at ginalaw ang kamay ko para makita niya. "Marami talagang tao kanina.."

"Sabihin niyo kung may masakit sa inyo," pahabol ulit ni Heroic na lumingon pa sa kanila.

Hindi pa nakakalayo sa venue, napatigil kami sa daanan dahil traffic. Marami ang mga sasakyan na nastuck dahil national highway na roon.

Wala pang ilang minuto ay may narinig ulit kami.

May sumabog ulit mula sa pinanggalingan namin kaya napalingon kaming lahat.

Mas malakas pa iyon kaysa kanina.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com