Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 35

"153 ang patay matapos pagsabog ng bomba sa labas ng Nodawn Centre Dome, 10:04PM ng Ika-10 ng Oktubre. Nagkaroon din ng pagsabog sa loob ng Dome at nakapagresulta ng pagsugod ng mga opsiyal sa ospital para ipatingin ang kanilang mga kalagayan."

"Nagkaroon na ng sakuna, mga opisyal pa rin ang inuuna," sabi ni Clark at napailing. Nanonood kami ngayon ng balita sa ospital. Parang bumigat ang loob ko nang makita ang mga tao sa TV na nagwawala habang humihingi ng saklolo.

Tinitingnan ko ang mga doktor sa ospital at mukhang natataranta rin sila. Inaasahan nilang marami ang ipapadalang pasyente.

Kaso wala kaming naririnig na ambulansya.

Wala kaming naririnig kung anong sirena.

"Hindi ba tayo puwedeng pumunta roon? Ilang minuto na, walang rumeresponde. Kahit magfirst-aid lang sa mga nasugatan doon." Halos magmakaawa ako sa boses ko. Hindi ako nakakampante na hindi naman ganoong kalala ang nangyari sa akin samantala roon sa pinanggalingan namin ay maraming sugatan.

"Bloom.." pagpapakalma ni Heroic pero pinipilit kong umalis sa higaan.

"Umuwi na tayo. Maraming isusugod dito, Mas kailangan nila ang space ng ospital," sabi ko. Kung hindi man kami makakatulong doon, kahit dito na lang. Kagagaling din namin sa misyon. Baka mailink kami sa nangyari.

"Kalma lang.." pagpapahinahon ni Orion.

Huminga ako nang malalim at doon ko napansin kung gaano kalala ang kunot ng mukha ko. Para akong nawawala. Unti-unti akong huminahon kaso maraming napapatingin sa amin na dumadaan sa ospital kaya bumabalik na naman ang pangamba ko.

"Uwi na tayo," alok ni Danger. Lumabas na sila dahil napakiramdaman ata nila na masyado akong nararamihan sa mga tao na nakapaligid sa kain, kasama na ang mga dumadaan.

Inasikaso namin ang pagdischarge ko kaso hindi kami binibigyan ng pansin. Mas inuna 'yung mga nasa party kaya hindi na kami nagpakita roon. Baka may makakilala pa sa amin na galing kami roon. Mabuti na lang ay nauna na ang iba kaya naghiwalay din kami nila Heroic at Forsythe para hiwa-hiwalay na makarating sa sasakyan. Ito na talaga ang trademark namin para hindi makita na magkakasama kami.

"Walang masakit sa'yo?"

Napatigil kami maglakad ni Boss pababa ng hagdanan.

Ngumiti ako at mahinang tinapik ang pisngi niya. "Okay na ako. Dalian na lang nating umuwi dahil nasa ref pa raw ang cake ni Clark."

Nakakaisang hakbang pa lang ako pero nakatitig pa rin sa akin si Boss. Bumuga na lang ako ng hininga at tinapik muli ang braso niya para bumaba na kami.

Kaso hindi pa talaga siya gumagalaw sa kinatatayuan niya. Titig na titig pa rin sa akin eh. Hinawakan ko ang kamay niya. "Anniversary ng Gumdrop kaya halika na."

Kanina, sa akin nakatitig. Ngayon, sa mga kamay namin.

"May gusto ka bang sabihin?" Kasi nararamdaman ko na meron.

"Nagulat lang ako," sabi niya, pinakita ang mga kamay namin.

Tumawa ako. "Parang hindi naman tayo tabi matulog," sabi ko habang konokontrol ang pagwala ng lamang-loob ko.

Doon na rin siya natawa at dahan-dahan akong binalot sa yakap niya. Mahigpit niya akong niyakap hanggang sa naramdaman kong maluwag siyang nakahinga. Para bang may nawalang bigat sa loob niya. "Natakot ako kanina.." bulong niya.

Kung yelo lang ako, baka lusaw na lusaw na ako habang pinipilit na makababa sa hagdanan. Nanghihina na ata ako sa hawak niya.

"You okay?" tanong niya nang makita ang kalagayan ko ngayon.

"Ginulat mo ako," nasabi ko na lang.

"Para namang hindi tayo tabi natulog nung nakaraan," paggagaya niya sa sinabi ko kanina.

All of a sudden, gusto kong pasalamatan si Forsythe na siyang naghila kay Heroic para magkasama kami ni Boss ngayon.

Hinila ko na siya para makababa na kami. Kaloka, ilang palapag pa ang madadanan namin.

Imbis na siya ang nahila, ako ang nahila niya pabalik para iharap ako sa kaniya.

Muli niyang hinawakan ang pisngi ko at hinalikan ang noo ko. It felt like it was one of the best that I felt. Normal pa bang maiyak dahil sa nararamdaman ko? Nakalimutan ko bigla ang mga nangyari kanina at naglaho na rin ang anumang takot na naipon ko. He really never fails to let me feel that I'm safe with him.

"I'll take the risk."

Nanlaki ang mga mata ko. Nagshut down bigla ang pagkatao ko dahil sa sinabi niya. Ibig niyang sabihin..

"Whatever it takes."

Nakakailang kurap ako para gisingin ang sarili ko kung natutulog man ako. Kusa na lang bumalik ang mga alaala noong pag-uusap namin tungkol dito. Ngayon... Ngayon ay hindi niya binabawi. Seryoso pa rin siyang nakatingin sa akin.

Nakawala ako ng isang mahinang tawa habang nakatingin sa kaniya.

Doon na rin siya natawa habang pinagmamasdan ako.

"Tara na, baka hinahanap na tayo." Inalok niya ang kamay niya.

Tatanggapin ko sana kaso may pumasok na idea sa akin. "Alam mo ba na may pustahan sila Orion, Lawron at Clark?" tanong ko.

Napakunot saglit ang noo niya. "Pustahan pala 'yun? Nakikita kong nag-aabutan sila ng pera paminsan sa sala."

Hinaplos ko ang noo ko at hindi makapaniwala na seryoso pa rin sa pustahan nila. Akala ko ba hindi matutuloy 'yun? Kaya pala sinabi noon ni Clark na naghihirap na siya.

"Nagpustahan sila sa harapan ko noon kung sino raw para sa akin. Ang pusta ni Orion, si Forsythe. Si Lawron naman ay si Heroic. Sa'yo si Clark. Ang huli kong update ay nalulugi si Clark dahil bihira lang tayong magkasama o magkaroon ng interaksyon."

Kitang-kita ko ang pagpapalit ng reaksyon ni Boss sa sinasabi ko. Natawa na lang siya bigla matapos maningkit ang mga mata sa nauna kong nasabi.

"Sabihin na ba natin na panalo na si Clark?"

Ha?

Napaawang ang labi ko.

Sasabihin na ba namin?

Pinagpatuloy ko ang pagbaba sa hagdanan. Pinag-isipan ko na ang buong buhay ko tungkol dito sa bawat hakbang ko.

"Ayaw mo ba muna? Pwede namang sunod na lang." Sumunod sa akin si Boss.

May pumasok naman na ideya sa utak ko.

"How about..." Lumingon ako para harapin ulit si Boss. "Hayaan na lang muna nating malugi si Clark? Tapos kapag malaman na nila, doon na magkakaroon ng kapangyarihan si Clark kasi mababawi niya ang lahat ng paghihirap niya."

Unti-unting bumalik ang ngiti niya.

"Pero let's think it thoroughly kasi mayroon ding consequences kung napatagal natin ang paglulugi sa pustahan nila," dagdag ko. Pero as far as I remember, si Clark nagsimula ng pustahan tapos ngayon, grabe ang paglugi. Hindi rin siya makaatras dahil totoo siya sa mga salita niya.

"Let's do that." Tumango-tango si Boss. "Magbabayad sila Orion at Lawron sa huli dahil pinares ka sa iba." At nauna na siyang bumaba sa hagdanan.

"Oh.." Sinundan ko siya. "Nagseselos ka ba?" kinakabahan kong tanong.

"No," natatawa niyang sagot. "Hindi naman ako seloso. At regarding sa role niyo ni Forsythe, okay lang. I also admire your relationship with Heroic."

Ako tuloy 'yung hindi mapakali.

"Seryoso, Boss?" huli kong tanong kaya nilingon niya ako. Gusto ko kasi na hindi siya nag-iisip ng kung ano. "Hindi ka nagseselos?"

Ngumiti siya.

"Bakit ako magseselos?" kampante niyang tanong.

"Oo nga naman," bulong ko. Handa ko sanang sabihin nang direkta sa kaniya na siya lang naman ang nagustuhan ko simula noon kaso nagsalita pa siya.

"Why will I get jealous to those who are into each other?"

Napatakip ako ng bibig sa sinabi niya.

Narealize din niya ang sinabi niya kaya nilapat niya ang hintuturo sa labi niya.

"Hindi nga?" gulat kong tanong.

"'Yun pa lang napapansin ko pero baka mali rin ako."

Nagpatuloy na kaming bumaba habang gulat na gulat pa ako sa nalalaman ko.

"Inaasar ko kasi silang dalawa. Napapansin mo rin pala closeness nila."

"I thought you know?" tanong niya. "Palagi kayong magkasama ni Forsythe."

"Hindi naman niya direktang sinasabi!" Hindi rin naman niya sinasagot. Pero ang laking pagtataka ko lang kung bakit dati, binanggit ni Heroic 'yun? Mukhang mayroon talaga akong walang alam pagitan sa kanila. Kilala ko sila bilang indibidwal pero mukhang iba kapag silang dalawa. "Hinihintay ko rin kasi na pag-usapan namin 'yun. Although alam ni Forysthe ang tungkol sa atin."

"Uhm.." Napatigil si Boss sa paglalakad. "Alam talaga ni Forsythe... kasi... nahuhuli niya ako dati na nakatingin sa'yo noon. Kinausap niya rin ako noong pagkatapos ng unang misyon tungkol sa inyo na.. hanggang doon lang. Nakampante rin naman ako dahil bago nagsisimula ang mga misyon, magpapaalam muna siya sa akin bago tumabi sa'yo."

Napahawak ako sa puso ko. Hindi ko talaga alam 'yun! Marami pa pala akong hindi nalalaman! Nakakataba naman ng puso 'yung mga naririnig ko!

Hindi ko mapigilang mapangiti buong paglalakad namin. Parang naglaho rin ang mga pangit sa buhay ko. Parang pumapasok sa isipan ko na ang sarap na huminga sa mga oras na ito at sa mga susunod. Bago kami nakatapak sa parking lot ay muli niya akong tiningnan.

"And.. do you still remember that you ask us to pretend that we didn't say something when the sun rises?"

I still remember that.

Natakot lang ako na baka maging awkward kami pagkatapos ng mga confession namin noong nag-inuman kami.

"Naalala mo ba ang sagot ko?" tanong niya ulit.

"Ayaw mong lumabas ang araw.." bulong ko.

Tumango siya.

"Because I want to remember that particular moment when I was sure about what I feel for you."

"Eh, ano ba ang nararamdaman mo?" tanong ko sa kalagitnaan ng panunuyo ng lalamunan ko.

Nakawala siya ng isang ngiti na nagpatunaw ng buong puso ko.

"I realized how fucked up our situation was. But that time, I feel that you are the one I want to be with between good and... not that good."

Pwede bang mahimatay sa oras na ito?

Pero ang nakakatuwa, may pinanghahawakan na kami. Para nga akong lumulutang kahit hindi ko pa talaga madistinguish kung ano ba dapat talaga ang maramdaman. Ang dami rin kasing nangyari sa iisang araw. Kahit mabigat ang loob namin pag-uwi sa bahay dahil nanatili kaming nakikinig sa balita tungkol sa nangyari sa labas ng Nodawn Centre, natunaw na ang kandila sa cake ni Clark.

Buong hating-gabi, ianbangan lang namin ang mga nangyayari.

Hindi rin ako nakapayag na tuluyang kaming malunod sa bigat ng nararamdaman kaya sa kaunting saya na naipon ko mula sa oras namin ni Boss kanina, binuhos ko ang pagcocomfort sa kanila sa pamamagitan ng mga yakap at pagpapaalala na makakamit ang hustisya kung sino man ang nagsimula ng krimen na iyon.

Hanggang sa pang-umagang balita, inabangan namin ang update sa naganap.

Sabi raw ng White Hall ay ipapaimbestiga raw ang nangyari. Hindi namin alam kung maniniwala ba kami pero iyon ang huli naming narinig sa balita.

"Attorney Eura Fuentes," pagbabanggit ni Danger nang ipinakita sa TV na may nagbibigay ng assistance ang foundation na tinayo ng dating Vice Mayor sa mga namatayan na pamilya.

Kilala si Eura Fuentes bilang magaling na abogado sa Nodawn. Tumakbo rin siya bilang Vice Mayor kasama ang tatay ni Danger na si Dancio Rose. Nanalo sila kaya inakusa silang nandaya noong pagkatapos ng eleksyon. Iyon ang unang beses na may umupo na hindi Nodawn ang apelyido sa pulitika. Pero noong magaganda naman ang ambag ni Dancio Rose ay tahimik naman ang taga-kabilang partido. Marami ring naitayo si Eura Fuentes na nagbibigay-tulong sa ibang nangangailangan kaya maraming tumutulak sa kaniya na tumakbo sa susunod na eleksyon. Mula sa sinabi dati ni Danger na binintangan ang administasyon sa pangungurakot, doon ulit nagsumiklab ang ingay hanggang sa bumalik ang Nodawn sa pwesto.

May sense din naman ang nangyari noon. Ganoon na talaga ang takbo ng gobyerno.

"Sabi ko sa sarili ko dati, kapag marami akong pera, palagi akong nagdodonate sa foundation ni Atty. Fuentes para makatulong sa iba. Naalala ko na tumulong pa ako sa pagbibigay ng relief goods noong bagyo," kwento ni Danger na halos pumikit na dahil sa sobrang antok. Putol-putol din ang tulog namin dito sa sala eh.

"Kung matanggap na natin ang allowance natin, pwede bang magdonate tayo?" tanong ni Heroic habang nakaupo sa sahig at nakasandal ang ulo sa sofa.

Sa narinig namin, medyo nabuhayan ako. Napabangon ako. "Sige," pagsang-ayon ko.

"I would gladly to give half of my allowance," sabi ni Orion habang nakahiga.

"Magbibigay ba tayo dahil nakokonsensiya tayo na wala tayong nagawa sa oras na iyon?" mahinang tanong ni Lawron na puno ng lungkot.

Natahimik kami.

"Hindi rin naman natin alam ang mangyayari noong oras na iyon," sabi ni Boss. "Kung alam din nating may bomba sa madilim na parte sa labas ng Nodawn Centre, eh 'di sana, sila ang inuna natin."

"Hindi rin naman natin makokontrol ang mangyayari dahil kinokontrol din naman tayo," pagsang-ayon ko kaya muli kaming pinalibutan ng katahimikan sa sala.

Sumikat na ang araw kaya nagdagdagan ang liwanag sa loob. Hindi pa rin kami nakakapagbihis dahil nakakadrain ang mga nangyari. Napapasulyap kami ni Boss sa isa't-isa paminsan.

Nagsimula na pala ang sembreak kaya ayos lang na ganito lang kami buong dalawang linggo. Kaso nakakapanghinayang na ganito sa birthday ni Clark at anniversary namin. Pero mas inuna naming nirespeto ang mga nawalan ng buhay.

Nagising muli ang diwa namin nang tumunog ang phone ni Boss. May tumatawag sa kaniya kaya tumayo siya sa tabi ni Danger.

"Good morning." Pormal ang boses niya kaya nakilala rin naming White Hall ang tumatawag. Balak niya sanang lumayo saglit kaso bago pa siya makahakbang ay natigilan siya. Napatingin pa siya sa amin kaya kinabahan kami. "Okay. On my way."

It's already 8 AM. Working hours na rin siguro.

Binaba na niya ang tawag. Muli siyang tumingin sa amin.

Inunahan na siya ni Heroic sa pagsalita. "Ingat ka, Boss."

"Babalik ako agad." Umalis siya at hindi na ulit kami gumalaw sa sala.

Hindi ko namalayan na lumipat pala ako sa sahig para makahiga sa hita ni Heroic. Tinamaan din ako ng matinding antok. Hindi ko na rin kayang umakyat sa hagdanan. Mas gusto ko rito kasama sila.

At naalimpungatan ako nang naramdaman ko na nilipat ako sa sofa, kinumutan pa ako.

Pinilit kong hanapin ang mga kasama ko at andito pa rin sila, nakaidlip sa kaniya-kaniyang pwesto. Sila Heroic at Forsythe lang ang gising at naghahanda ng pagkain sa kusina.

Gusto kong tumulong kaya bumangon ako. Hinihintay kong mapuno ang energy ko, saktong nakauwi na si Boss galing sa labas. Kusa akong napatingin sa orasan kaya nagulat ako na ilang oras na pala akong nakatulog!

"Hindi ko alam kung ano dapat ang maramdaman natin nito."

Nang maramdaman ng iba na nakauwi na si Boss, nagising na rin sila. Sa bilis ng paglalakad niya ay nakakabahala kaya sila Heroic at Forsythe ay napapunta sa sala para tingnan ang dala ni Boss na suitcase.

Kahit gising na ako, mas lalo akong nagising nang makita namin ang laman nito.

"Tangina!" napamura pa si Orion.

Ang kakapal ng libo-libong pera!

Ngayon lang ako nakakita ng ganito karaming pera. Halos sobra pa ito kahit ilang beses idoble ang mga nakaraang allowance namin! Parang sobra nga pa rin ata kung ipaghalo-halo ang mga naging allowance namin dati!

"Milyon.." kapos-hiningang sabi ni Boss.

"Tangina, milyon," diin ni Danger.

Nakakatakot.

Para bang nakakatakot tingnan ang laki ng halaga ng nakikita namin ngayon. Lumayo pa kami dahil hindi namin kayang tingnan iyon. Kung dati ay nagrereklamo kami na kulang ang binibigay sa amin, ngayon ay hindi namin kayang tanggapin.

Hinayaan naming nakabukas ang suitcase. Katabi pa nito ang cake sa lamesa.

Hindi namin alam kung paano namin tatanggapin iyan.

Nakatitig lang kami ni Boss sa isa't-isa dahil siya rin, hindi inaakala na ganyang kalaking halaga ang ibibigay sa amin.

Para kaming nag-uusap sa tingin namin. Alam ko na nag-iisip na siya.

"Deserve ba natin 'yan..?" tanong ni Clark.

Mas lalo kaming nagtitigan ni Boss.

Tinanguan ko siya. Kung ano man ang iniisip niya, alam kong makakabuti iyon sa amin.

Ramdam ko ang pagbuo ng loob niya sa pagtango ko.

Doon din siya napatango at tumayo para lapitan ang suitcase.

"Danger, may contact ka sa RISE Foundation?" tanong niya.

Napabangon si Danger at nabuhayan ng loob. "Contact mismo kay Atty. Fuentes."

Napatango si Boss. "That's good. Magdodonate tayo para sa mga nangangailangan." Muli siyang humarap sa amin. "May alam pa ba kayo para magdonate?"

"May alam ako," mabilis na sabi ni Heroic. "Charity's Orphanage."

Tumango si Boss. "Let's put that on our list."

Dali-daling kumuha ng papel si Orion para isulat ang pinag-uusapan namin ngayon.

Sunod-sunod ang mga suggestion kaya nakakatunaw sa loob na gustong-gusto talaga naming tumulong sa mga foundation, orphanage at iba pang organization sa Nodawn City na hindi nabibigyan ng pansin.

"Let's calculate para may allowance tayo, pambayad sa bahay at sa donations. Aaminin kong baka malalaking misyon na ang maaaring ibigay sa atin at padagdag nang padagdag ang ibibigay sa atin. Tulungan natin ang mga non-government organizations dahil sila naman ang functional. I'll talk to Miss Ada to help us. Para hindi makarating kina Mr. Yu ang plano natin."

Sumang-ayon kami at sabay-sabay na naming inayos ang mga plano namin.

Nakakaproud na napupunta sa karapat-dapat ang mga nakukuha namin. Alam din naming malaki ang tulong nito para sa mga natutulungan nila.

Madali ring nacontact ni Danger si Atty. Fuentes kaya kinabukasan ay inabot na namin ang tulong namin. Ang nagpapahigpit lang sa amin, dapat ay hindi malaman ni Atty. Fuentes at ng ibang matutulungan namin na galing kami sa White Hall. Kaya sinasabi namin na galing ito sa mga gustong tumulong at pinag-isa namin ang pagbigay.

"Maraming salamat sa tulong niyo!" sabi ni Atty. Fuentes at hindi ko inexpect na yakapin kami ni Danger. Kaming dalawa lang ang pumunta rito para hindi halata kung saan kami galing. "Gusto niyo bang pumasok muna? Para makilala niyo ang mga committee ng foundation."

Inaya niya kami sa main building nila kung saan samutsaring relief goods na ang nakahanda para ilagay sa truck. Mayroon ding department para sa mga job-seekers. Marami ring professionals ang andito para tumulong.

"Kumusta na pala si Dancio? Kayo? 'Di ba 2nd year college na kayo?" sunod-sunod na tanong ni Atty. Fuentes kay Danger na parang nagsama sila sa iisang bubong noon.

Hindi ko man kilala nang lubos si Atty. Fuentes pero nakikita ko sa kaniya ang buong loob niya para magserbisyo. Nakikita ko lang siya sa TV noon pero ngayon, nakikita kong sobrang simple lang niyang tao. Hindi mo agad makikilala na dati siyang Vice Mayor dahil malapit siya sa mga tao.

Habang nagkukuwentuhan sila ay hindi ko mapigilang maging masaya habang pinapanood ko ang mga tao rito na masayang nagtutulungan sa mga gawain. Hindi ko rin masasabi agad na nasa Nodawn pa ako dahil ang gaan ng hangin sa paligid.

Nakakaramdam ako... ng pag-asa.

"Hi Jennifer!" bati ni Atty. Fuentes sa tabi ko kaya agad akong napatingin sa kaniya.

"Hello po, Attorney!" mabilis kong bati. "Pero hindi po Jennifer ang pangalan ko.. Bloom po."

"Ay Bloom ba?" Hinarap niya si Danger at pinalo ang braso nito. "Pinagloloko mo na naman akong bata ka!" Muli siyang humarap sa akin at hinawakan ang magkabilang kamay ko. "Pasensya ka na, Bloom. Pero ang ganda ng pangalan mo! Nursing ang program mo 'di ba? How are you naman?"

Buo ang kasiyahan kong makipagkuwentuhan kay Attorney. Para bang nagkonekta kami sa isa't-isa. Sobrang gaan ng hanging dala niya.

"Hello! Good morning! Sorry ngayon lang ako nakarating! Jusko! Nakipagkuwentuhan pa ako kay Manong Driver!" Nanlaki ang mga mata ko nang makilala ko ang Former Mayor na si Dancio Rose, ang tatay ni Danger. "Andito ang napakapogi kong anak!"

Pinakilala ako ni Danger sa tatay niya. Kahit natataranta, maayos ang pagkabati ko sa kaniya. At parang dalawang Danger ang kaharap ko ngayon!

Nawala rin ang kaba ko dahil ang saya nilang kausap. Ang saya ring makita kung paano nila pinamumunuan ang tinayo nila.

Pag-asa.

May bitbit akong pag-asa dahil alam kong may mga katulad pa nila sa lugar na ito.

Hindi naglaho ang pag-asa na naiipon namin dahil sunod naming pinuntahan ang Charity's Orphanage.

Hindi ko mapigilang tingnan si Heroic dahil alam kong konektado sa nangyari sa kaniya ang dahilan kung bakit sinuggest ang bahay ampunan. Gusto ko siyang sabihan kung gaano ako kaproud sa kaniya. Alam kong may tumatakbo sa isipan niya na takot dahil maaarming naalala niya ang mga nangyari dati pero ito siya ngayon, hinaharap niya ang nagpapatakot sa kaniya dati. Mula sa camera at ngayon ay mga bata.

"I'm so proud of you. Ang tapang mo," bulong ko kay Heroic habang nakatingin sa entrance ng orphanage. Nakapasok na ang iba at nanatiling nakatingin si Heroic doon.

Napatingin siya sa akin. Nakawala rin siya ng mahinahong ngiti bago ako balutin ng kaliwang bisig niya. Humarap ulit siya. "Alam kong may mga pinagdaanan ang mga bata rito kaya naaalala ko ang nangyari sa akin noon."

Niyakap ko siya pabalik. "At magiging inspirasyon ka nila para maging malakas sa buhay."

Ngumiti siya at siya na mismo ang naghila sa akin sa loob.

Buong oras namin sa orphanage, nakipaglaro kami sa mga bata. Nakilala rin namin ang mga madre na nag-aalaga sa mga bata.

Pinagmasdan ko silang lahat na makipaglaro sa mga bata. Si Clark ay tinuturuang magbasketball ang mga bata sa maliit na basketball court sa labas. Nagtutulungan din sila Danger at Lawron na ikabit ang bagong basketball ring.

Si Orion naman ay tinuturuan ang mga bata na magdrawing sa classroom nila. Nakakatuwa dahil pinagkakaguluhan siya roon para panoorin siyang magpinta.

"Normal namang umiyak dahil sa sobrang saya 'di ba?" tanong ko kay Heroic.

"Oo naman. Sabay pa tayo." sagot niya habang nakatitig sa mga sanggol sa nursery room. May mga nurse doon na nag-aalalaga sa mga baby roon. Nang makita kami ng isang nurse ay sinenyasan kaming pumasok.

Nakita kong kinabahan bigla si Heroic kaya natawa ako. Hinila ko siya sa loob at umalingasaw ang amoy ng mga baby na sobrang bango.

Nagsanitize pa kami bago ipakilala sa amin ang isang baby girl. "Siya si Baby Florentine. May nag-iwan sa kaniya sa garden ng barangay hall sa malapit na barangay," pagpapakilala ng nurse kaya natunaw ako nang nakita naming gumalaw ang baby.

Gusto kong tumalon sa sobrang tuwa.

"Nakakakita rin ako ng baby sa ospital tuwing duty ko.." nasabi ko kay Heroic habang hinahaplos ang maliit na kamay ni Baby Florantine. "Pwede po bang buhatin si baby?" nahihiya kong tanong sa nurse.

"Oo naman!" natatawang sabi ng nurse kaya naexcite ako nang inaalalayan na akong buhatin si Baby Florantine. Nang nabuhat ko na siya, pinakita ko siya kay Heroic na titig na titig. Para siyang nahuhulog lalo na't nang napangiti siya.

"Gusto mo bang buhatin?" tanong ko.

Napatingin siya bigla sa akin. Hindi siya sumagot pero nilapit ko ang baby sa kaniya. Tinulungan din ako ng nurse para ilipat ang baby sa mga bisig ni Heroic.

Noong una ay takot na takot ang mga mata niya dahil mukhang first time niya makakarga ng bata pero tumawa si Baby Florantine kaya naglaho ang lahat ng pangamba niya.

"Hi baby.." bulong niya.

Pinagmasdan kong mabighani si Heroic. Nagsimula na rin siyang magduyan nang padahan-dahan. "Parang gusto ko magkaanak balang araw."

"You'll be a great father." Tinapik ko ang braso niya.

Tumingin ako sa labas ng nursery room at andoon pala si Forsythe at nakatingin sa amin. Nagpaalam muna ako kay Heroic na lalabas ako saglit.

"Umiiyak ka ba?" tanong ni Forsythe nang lumabas ako habang pinupunasan ang ilalim ng mga mata ko.

"Ang saya ko lang," pag-aamin ko.

Tumabi ako sa kaniya at sabay naming pinagmasdan si Heroic na pinapatulog si Baby Florentine.

"Puntahan mo na siya," mahina kong sabi kay Forsythe dahil kanina ko pa napapansin na nakatitig siya kay Heroic.

Naramdaman kong huminga muna siya nang malalim bago pumasok sa nursery room. Nagsanitize muna siya. Nang tumabi na siya kay Heroic ay napanood ko kung gaano siya kasaya na pinakilala kay Forsythe si Baby Florentine na karga niya. Nakawala rin ng ngiti si Forsythe.

Pinanood ko silang dalawa. May pumasok din sa isip ko na maayos ang trato nila sa amin kaya alam kong magiging mabuting ama sila sa magiging anak nila balang araw. Hindi ko mapigilang mapangiti.

"Hi."

Kumaway ako nang makita kong naglalakad palapit sa akin si Boss. Tiningnan din niya ang tinitingnan ko habang nararamdaman kong niyakap ng bisig niya ang beywang ko. Hinawakan ko ang kamay niya at sumandal sa kaniya.

"Ang saya," bulong ko.

Naramdaman kong tumango siya bilang pagsang-ayon.

"Gusto mo bang pumasok?" aya ko.

Palihim niyang kinagat ang mga labi niya, parang nag-iisip pa.

"Actually," panimula niya. "Kung first time kong hahawak ng sanggol, gusto ko 'yung anak ko."

Ilang beses na bang natutunaw ang puso ko sa araw na 'to? Parang gusto ko na rin matunaw kasama ang kaluluwa ko.

Sinalubong niya ang tingin ko sa kaniya. Umangat ang gilid ng labi niya.

"Anak natin.."

Pinanlakihan ko siya ng mata pero tumawa rin ako para mailabas ang lahat ng nararamdaman ko. Kung pwede nga lang umuwi kami agad ni Boss!

Pero mas lalo kong nakilala si Boss. May idea na talaga ako na classic siyang tao at napakaconservative niya. To make it short: marriage first before that stage.

Which is very nice for me kasi may pagkaconservative din ako.

We'll do our way traditionally and also in our own way.

I know we'll get there someday.

Palapit nang palapit ang 2nd sem kaya pinagpasyahan naming magkaroon ng free day namin kung saan gagawin namin ang mga gusto namin. Tapos na ang pagdonate namin at may mga pera pa kami para bilhin ang gusto namin.

Andito kami sa kalagitnaan ng Square Circle, ang malaking mall dito sa Nodawn. Ngayon lang kami nakapunta rito dahil mayayaman lang ang nakakapunta rito. Nakakapanibago man dahil pakiramdam namin hindi pa rin namin deserve. Hindi namin deserve na magkaroon ng ganito karaming pera.

"Gawin niyo na ang mga gusto niyong gawin." Nilapit kami ni Danger at nagmistula kaming football players na nagmemeeting bago makipaglaro. Alam kong pinagtitinginan na kami ng mga tao rito dahil sa itsura namin. "Mag-enjoy lang tayo at gawin nga natin ang gusto natin gawin na hindi natin magagawa kapag may pasok na," pag-uulit niya.

"Kaniya-kaniya ang pag-uwi natin mamaya." May nilabas siyang mga papel tulad ng pinag-usapan namin na pares-pares kami sa araw na ito.

"Apat muna ang pipiliin para magbunot kung sino ang magiging kapares natin."

Nakakalito man pero gamit ang bato-bato-pick, inalam namin kung sino ang apat na bubunot sa pamamagitan ng mga taong pare-parehas ang kamay.

Matapos ang paulit-ulit na explanation at kaunting laro, kami nila Danger, Clark at Forsythe ang nagpaparehas. Patalon-talon pa si Danger habang sinusulat ang mga pangalan ni Boss, Heroic, Orion at Lawron.

At nang nagbubunot na kami... "Orion please.. Orion.. Orion.." pagdadasal niya habang hinahalo ang mga papel.

Nagbunot na kami kaya isa-isa na naming pinapakita ang mga nabunutan namin para partner namin sa buong araw.

"ORION!" Parang nanalo siya ng lotto habang pinapakita na binunot niya ang pangalan ni Orion nang walang daya. Kung makasigaw naman 'to, parang walang mga tao sa paligid. Niyakap pa niya si Orion.

"Lawron!" masayang sabi ni Clark.

Lumakas na ang kabog ng puso ko habang balak na sisilipin ang papel ko.

Habang nasa kalagitnaan ng pagpapatahimik sa amin ni Heroic dahil sa sobrang ingay, naramdaman kong kinalabit ako ni Forsythe.

Inabot niya ang papel na nakuha niya.

Napakunot ang noo ko dahil parang pinapamadali niya ako. Malapit na kasing magpatuloy ang pagbubukas ng nabunutan kaya nagpalit kami ng papel na hindi ko man lang nakikita kung sino ang nabunutan ko.

"Forsythe and Bloom! Sabay niyong buksan!"

Nagbilang na sila at sa huli, binuksan na namin ang sa amin.

Boss.

"Forsythe – Heroic! Bloom – Boss! Olrayt!"

Masaya kong tiningnan si Boss at binigyan din niya ako ng ngiti.

Ang ibig sabihin, si Heroic talaga ang nabunutan ko at nagpalitan kami ni Forsythe?

"Ayos! Kitakits later! Magpapakulay ako ng buhok! Pula!" paalam ni Danger at hinila na si Orion.

"Sige, ipangsasabong kita," sabi naman ni Orion na nagpatawa sa amin.

"Una na kami, peeps! Manonood kami ng sine kasi may movie na last day ngayon! Bye!" nagpaalam na rin ang dalawang bata. Nagtakbuhan pa para maabutan ang oras ng palabas.

Naiwan kaming apat sa kinatatayuan namin.

"Text kayo kung nakauwi na kayo mamaya."

Tumango kami sa sinabi ni Heroic. Para talaga siyang nanay na nagpapaalala.

"Malalaki na 'yan sila. Kaya na nila sarili nila." Inakbayan ni Forsythe si Heroic at sinimulang ilayo na sa amin. Para rin siyang tatay na nagkukunsinte paminsan.

"Ingat kayo ha," pagpapaalala pa ni Heroic na lumilingon pa.

"Ingat din kayo." Kumaway na ako.

Pinanood na naming maglakad sila palayo kaso lingon nang lingon si Heroic. Pinaharap din naman siya ni Forsythe at sinenyasan na kaming maglakad palayo kasi hindi mapakali ang kasama niya.

Natawa na lang ako.

"Halika na?" Inalok ni Boss ang kamay niya.

Hahawakan ko sana ang kamay niya kaso napatingin ako sa mga kaedad naming dinadaanan kami, nakatingin sa amin. Pakiramdam ko, hinuhusgahan kami dahil iba ang mga pananamit namin. Simple lang kumpara sa kanila na halatang mamahalin. Isa pa, mukhang madalas sila rito at hindi kami nakikita sa mall.

Nakikita ko silang napapabulong habang nakatingin sa amin kaya parang nawawala ako kahit nanatili pa rin akong nakatayo rito.

Ang dumi kong tingnan..

Parang gusto ko na lang umuwi kung ganito..

"Bloom.." tawag ni Boss at hinawakan ang kamay ko. "There's nothing wrong with us."

Naglaho ang lahat ng naipon ko kani-kanina lang at sabay na kaming naglakad. Habang hawak ko ang kamay niya, nakakaya kong daanan ang lahat ng nadadaanan namin dito.

Nilingon niya ako at binigyan ng ngiti.

Ngumiti rin ako pabalik.

Indeed, like you said, we're in this fucked up situation right now. And I also want to be with you and Gumdrop in everything good and... not that good.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com