Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 36

I've always wanted to live like this: I can buy what I want and what I need, having friends to be with, having someone who let me feel loved and appreciated, and even helping others in any way. And I also saw myself how I grew after remembering what I have been through.

Parang dati lang, lahat ng ginagawa ko, nagdadalawang-isip ako o baka sobra naman ang pag-iisip ko. At hindi ko inaakala na darating ang araw na parang natural na lang ang mga pinapagawa sa amin.

Magmanipula ng documents, ihack ang bank account ng isang sikat na businessman dahil pumanig sa kabilang partido, ninakaw ang mga ebidensya na pinakapakuha sa amin, at iba pang ganap namin nitong nagdaang buwan.

Marami na rin. Hindi ko nga inaakala na marami na kaming nagawa at heto kami ngayon, nasa mas mabuting bahagi ng buhay namin.

Si Danger ay mas lalo naging active sa Nodawn bilang manonood or host ng mga laban. Hindi na rin kami makapagpigil sa kaniya dahil paminsan ay nanonood na rin kami ni Forsythe. Pinapasama nga namin si Heroic kaso hindi niya gustong manood ng mga karera o laban. Narealize ko rin na mas nakakatuwang panoorin si Danger na nas-stress sa mga kumokontra sa kaniya. Halos gabi-gabi na ata siyang may nakakasagutan na participant.

Masaya ako kay Lawron na madalas sa orphanage kasama si Clark. Sumasama rin sila bilang volunteers para pasayahin ang mga batang andoon. Ang nakakatuwa lalo, nag-improve ang pagluluto nila sa mga competetion nilang dalawa at pinaglulutuan nila ang mga bata isang beses sa isang buwan.

Si Heroic at Forsythe ay ganoon pa rin. Prefer din kasi nilang nasa bahay lang at kung inaaya ko sila, bihira silang sumama. Madalas nga lang kaming maggrocery ni Heroic at ginagawang taga-bitbit si Forsythe.

Kami ni Boss...

"Hi!" bati ko habang patalon-talong lumabas ng ospital. Malapit na talaga matapos ang duty namin at babalik na naman kami sa University. Since then, si Boss ang palaging nagsusundo sa akin mula rito.

"Hey," bati niya at agad akong binalot ng mga bisig niya. "Gusto mo ng fried chicken? May bagong bukas na kainan sa mall."

Tiningnan ko ang relo ko habang nakayakap sa kaniya. "Huwag tayo masyadong kumain ng ma-oily. Blood Letting in 4 days," paalala ko.

"Oh, shoot, oo nga pala." Humiwalay kami at tiningnan ko ang calendar ko.

Hindi ko mapigilang matawa dahil ang cute niya. Simula noong kaming dalawa lang ang naiwan noong nakaraang buwan, nagpalista kami sa Blood Letting sa Mall bilang volunteers. This will be our kind of date. Ang humanitarian organization na naghahandle ng Blood Letting ay may binibigay na card sa mga nagdodonate. Pinipirmahan nila iyon tuwing nakapagbibigay kami ng dugo. Kung nakumpleto namin ang date na nakalagay roon, may regalo kami mula sa organization. Binigyan kami ng time bago kami tuluyang magsimulang magdonate.

Desisyon din naming dalawa iyon ni Boss para may matulungan kaming mga nangangailangan ng dugo.

"Kaunti lang naman eh," pahabol pa niya.

"Okay lang sa'yo kasi hindi ka naman mahilig sa sauce." Eh ako kasi, halos sabawan ko na ang gravy sa fried chicken ko. Sana, nilagay ko na rin sa baso ko para inumin.

Nang mas lalo kong makilala si Boss, hindi siya mahilig sa mga sarsa o sauce. Bihira ko lang din siyang makita na naglalagay ng ketchup sa mga pagkain na karaniwang pinapares sa ketchup. Hindi ko rin pinapasubok sa kaniya kasi papayag naman agad 'yun kung ako magsabi kaya hinahayaan ko. Baka mas gusto niya na ganun lang ang mga kinakain niya.

Hinahayaan na rin namin kung ano ang mangyayari sa amin. Wala kaming pressure na nararamdaman sa pagitan sa amin dahil we are still taking everything slow. Hindi na nga namin na namamalayan na ilang buwan na ang nakakalipas dahil ineenjoy lang namin ang company ng isa't-isa.

"How about gumawa tayo ng potato salad?" suggestion ko.

Napatango siya. "That's better. Let's go home."

Pagkasakay ko ng motor, napatingin ako sa exit ng ospital at nakita si Ness Tan na kalalabas pa lang.

"Siya si Happiness," bulong ko kay Boss at pasimple siyang napatingin sa direksyon kung saan ako nakatingin. "Medyo nakakapag-usap na kami kasi madalas kaming sabay maglunch."

"Oh," sambit niya. "Alam ni Orion?" bulong niya pabalik.

"Akala ko nasa moving-on stage na siya?" Hindi naman din niya nababanggit kaya I assume na nasa stage na siya na iyon?

"Huli nating inuman, umiyak siya," paalala niya kaya napaawang ang labi ko.

"What if..."

Lumingon si Boss sa akin. "What if.."

Si Orion ay busy sa pinasukan niyang art class. Hindi niya na talaga inoopen ang topic tungkol kay Happiness simula noon kung may malay siya. Kung lasing naman siya, doon siya iiyak kay Danger habang inuulit-ulit na sinasabi na sana ay umamin siya para hindi naiipon ang lahat ng nararamdaman niya simula noon.

Kung hindi naman siya lasing, hindi naman niya gustong pag-usapan.

Naisip ko na rin kung ipapunta ko si Orion sa ospital para makasalubong si Happiness at makapag-usap sila. Kaso nakakabahala lang sa mga posibleng mangyari.

Awkward akong ngumiti. "Erm, sunod na lang siguro." Huwag lang muna siguro dahil hindi ko rin gaanong close pa si Happiness kahit madalas kaming maglunch nang sabay.

"Exam din ni Orion next week kaya sunod na lang."

Nakakatuwa dahil parehas kami ng iniisip. Hindi ko napigilang yakapin siya at pinagdikit ang mga pisngi namin. Parehas kaming natawa.

"Uwi na tayo."

Bago siya magmaneho, saglit siyang napalingon sa akin para ngitian. Nagsimula na rin siyang magmaneho bago tuluyang lumalim ang gabi.

Masaya ako.

Kung meron din akong inaabangang kababalaghan sa buhay ko, iyon ay ang pag-aaral namin ng venipunture, ang pagkuha ng dugo para sa isa naming major.

Hindi ko na rin alam kung kinakabahan ba ako o naeexcite. Bumili ako ng mga syringe at needle. Halos kinumpleto ko na rin ang iba tulad ng panggamot incase na magkamali ako sa pagpapractice. Nagkaroon kami ng mga performance task sa mga classmate namin pero iba pa rin ang kaba kung exam namin dahil head doctor ang mag-a-assess sa amin.

Kaya sa araw ng Sabado, hinanda ko ang sarili ko.

Dahil si Danger ang papraktisan ko.

Oo, ako ang dapat maghanda kasi hindi niya alam.

Hindi ko rin kasi makausap si Boss tungkol dito dahil sa kaniya na ako nagpapractice para sa return demonstation ko. Nakakailang ulit pa ako kaya nakakahiya na. Marami rin siyang ginagawa kaya super naappreciate ko pumapayag siya agad para maging pekeng pasyente ko.

"Danger," tawag ko kay Danger nang kabababa pa lang niya ng hagdanan. Maganda ang panahon ngayon kaya baka lumabas siya para maglaro ng online games.

"Oh, Jennifer," tawag niya pabalik.

Huminga ako nang malalim para makita niyang seryoso ako kahit nasa lalamunan ko na ang tawa ko. Pinlano ko pang umarte para makuha ang loob niya.

"May iba ka rin bang nararamdaman these days? Para kasing naiibahan na ako sa panahon ngayon." Humawak ako sa lamesa para suportahan ang sarili ko.

Doon na siya napakunot ng noo. "Hoy, ayos ka lang? Pakiramdam mo ba, magkakasakit ka?"

Heto na, palapit na siya sa akin.

"Naramdaman ko kasi 'to kahapon. Umupo lang ako sa upuan at pumikit, parang may kakaiba."

Medyo humakbang siya palayo. "Nakakatakot ah."

"Hindi." Umiling ako. "Subukan mo. Baka kasi iba lang ang vibes dito sa upuan." Pinaupo ko siya sa upuan at sinadaya kong pinatong ang bisig niya sa lamesa.

"Wala naman?" tanong niya.

"Subukan mong pumikit," utos ko.

Kinunutan niya ako ng buong mukha bago sumunod. Doon ko kinuha ang opportunity na pagmasdan ang bisig niya. Masasabi kong madali lang maidentify ang ugat ng pagkukunan ko. Napaisip din ako na pwede ko ring pagpraktisan si Forsythe dahil iba ang structure ng bisig niya. Siya ata ang grabe kung mag-gym.

Habang dinadamdam ni Danger ang pagdrama ko kanina, sinubukan ko siyang idistract habang inaayos na ang mga equipment na gagamitin ko.

"Napapakiramdaman ko kasi na baka sa pagbabago-bago ng panahon o baka sa school din dahil katatapos lang din ng duty ko. Pero naman kasi, narerealize kong wala namang kwenta ang pinagsasabi ko."

"Huh?" tanong niya na nakapikit pa.

Nagsanitize na ako.

Naamoy niya siguro ang kakaibang amoy ng alcohol ko kaya napadilat na siya.

Bumungad sa kaniya ang mga karayom na nakapatong sa lamesa.

Matinis siyang sumigaw.

Kinailangan ko pa takpan ang mga tenga ko sa sobrang lakas ng sigaw niya. Langya! Para namang may iba akong ginagawa sa kaniya! Magpapaalam naman ako eh!

"Ano 'yan?!"

Bumaba na ang iba para tingnan kung saan nanggaling ang sigaw. Agad din namang tumakbo palayo si Danger para makayakap kay Orion, takot na takot.

"Si Bloom! Magpa-practice sa akin! Jusko!"

"Magpapaalam naman ako!" sigaw ko pabalik at lumalapit sa kaniya.

Kaso nang makita na ng iba ang mga nakalagay sa lamesa at sa pustura ko, sabay-sabay silang lumayo sa akin.

"Kaya mo na 'yan, Forsythe." Pilit binibigay sa akin ni Orion si Forsythe pero pilit niyang lumayo para magtago sa likuran ni Heroic.

"Matapang ka 'di ba, Clark? Ikaw na." Tinulak pa niya si Clark pero mas lalo rin itong lumayo.

"Tulungan mo asawa mo." Tinulak niya si Heroic.

Ang hindi ko inaakala, pasimpleng umiwas si Heroic at tinawag si Lawron. "Tulungan mo Mama mo."

"Susmaryosep!" Umiwas din si Lawron.

Aba!

Napameywang ako sa harapan nila. "Promise! Parang kagat lang ng langgam!" Dahil mukhang takot pa sila, pinakita ko ang bisig ko. Pinagpraktisan ko rin ang sarili ko kaya alam ko na ang techniques! Gusto ko sanang idagdag na magkakapasa pagkatapos pero huwag na lang. Baka hindi talaga sila pumayag.

"May pasa!"

Mas lalo silang natakot at umiwas.

"Tulungan niyo na ako!" Halos magmakaawa ako. "Exam na rin namin! Kailangan kong ma-master 'to dahil head doctor ng Nodawn ang maggagrado sa amin!"

At wala pa ring pumapayag.

"Anong meron?"

Bumaba si Boss habang nakatingin sa amin.

"Si Boss!" Ayan, tinuro na nila si Boss.

"Bakit? Anong meron?" tanong niya sa akin.

"Venipuncture.." nahihiya kong sagot.

Mula sa pag-iwas nila Danger, sa suot kong gloves, at sa mga kagamitan na nakapatong sa lamesa, mukhang nakuha niya rin ang ibig kong sabihin.

"You can practice on me."

Nabuhayan ako ng loob. Mas lalo na ang kasama namin na hindi sila ang magiging pasyente ko.

Umupo na si Boss sa upuan kaya sinimulan ko ulit na magsanitize sa sarili ko at ihanda ang mga gagamitin ko.

"Right ang dominant mo kaya sa left ako kukuha ng dugo," sabi ko. Baka hindi siya makakilos nang maayos kung sumakit ang kamay niya pagkatapos kumuha ng dugo.

"Hindi naman masakit 'di ba?" tanong niya na may kinakabahang ngiti.

"Hindi." Hindi ako sure para sa'yo. "Iba ang pain tolerance ng mga tao. Pero parang kaya mo rin siguro."

"Kaya mo 'yan, Boss!" pagch-cheer ng iba at halos hilutin pa ang balikat niya.

Tinali ko na ang tourniquet para hanapin ang vein niya. I need to be careful na hanapin ang Median Cubital Vein dahil madaling maaccess iyon. Habang seryoso akong naghahanap ng ugat, napapansin kong tutok na tutok ang mga nanonood sa amin. Samantala itong si Boss, harap-harapan nang nakatitig sa akin.

Sa wakas, nahanap ko na ang vein kaya niluwag ko ang tourniquet. Saka ko nilinis ang balat niya kung saan ako tutusok.

"Just look at me, hmm?" bulong ko habang tinatali pabalik ang tourniquet.

Masyado na akong nafocus sa gagawin ko dahil hindi dapat magtagal ang tali para maiwasan ang hemoconcentration. Dahil may experience naman ako nito sa mga kaklase ko, hindi na ako ganoong nanginginig. Medyo kampante rin ako dahil nagagawa ko rin naman ito sa akin.

I made sure to let the bevel up before inserting the needle.

Hindi ako makakurap nang naipasok ko na iyon sa balat ni Boss. Siya naman itong natusukan ko pero sumigaw 'yung mga nasa paligid namin. Ito ngang tinutusukan ko, kalmado lang.

Nang kinuhaan ko na siya ng dugo, hindi ko mapigilang mapangiti. Sinigurado kong maayos ang pagsecure ng dugo niya at paglagay ng bulak sa kaniya.

"Good job! Thank you, Boss. May snack ka mamaya." Tinapik ko ang balikat niya.

"Boss! Masakit?" nakiusuyo na ang mga nanonood habang inaayos ko ang mga nasa lamesa.

"Hindi," kampanteng sagot ni Boss na patawa-tawa pa.

"Ako naman!" lakas-loob na sabi ni Clark at handa ring magpakuha ng dugo.

"Ako naman sunod!" pagvovolunteer na ng iba.

Masyadong nagtiwala kay Boss.

"Sure kayo ha?" Nagbukas ulit ako ng bagong syringe.

Habang tinatali ang tourniquet kay Clark, napatingin kaming lahat kay Boss na pinapanood kami at hawak-hawak pa rin ang bisig niya.

"Boss?" tanong namin dahil nagsisimula na siyang magluha.

"Umiiyak ka ba?"

Nakawala siya ng mahinang tawa at pinunasan ang luhang tumutulo sa kaniya. "Masakit..."

Sa wakas, umamin din siya! Pero sumigaw itong si Clark nang napagtanto niyang siya ang tutusukin ko. Hinawakan din siya nila Lawron at Danger kaya nagsimula na siyang pumiglas.

"Ayaw ko na! Ayaw ko na! AHHH!"

---

"Pupunta na kami sa supermarket" paalam ko sa kanila habang palabas kami ng bahay ni Heroic. Kaso hindi ata nila kami naririnig dahil busy sila sa pag-emote sa sala. Ang lakas din ng pagtugtog sa mga slow rock love songs mula sa playlist ni Boss. "Hoy!" sigaw ko dahil wala kaming natatanggap na sagot muna sa kanila.

"Hayaan mo na. Halika na," sabi ni Heroic.

Kung pagmamasdan ko nang mabuti, may pagbabago rin sa bawat araw na lumilipas. Hanggang sa pagkarating namin sa supermarket ng mall.

Naramdaman ko lang iyon habang pinagmamasdan ko si Heroic na pumipili ng grocery. Seryoso rin akong sumusunod sa kaniya at tinutulak ang shopping cart. Pumipili nga siya pero wala pa naman siyang nilalagay sa cart.

"May bumabagabag ba sa'yo?" tanong ko. Halos sampung minuto na kaming umiikot.

"Nakalimutan ko 'yung listahan." Binalik niya 'yung butter at nagsimula na namang maglakad habang tumingin-tingin sa nadadaanan namin.

"Papicture-an natin kina Forsythe 'yung ref at cabinet para alam natin kung ang bibilhin natin."

Kitang-kita ko kung paano natigilan si Heroic habang nakatitig pa sa palaman na binabasa niya. Napapaisip ako kung ganun ba kahaba ang binabasa niya para matagal siyang makasagot sa akin. Ako tuloy ang nailang. May nasabi ba ako? O baka kanina pa siya wala sa mood simula pagpunta namin dito.

"Okay."

Pero hindi niya kinuha ang phone niya.

"Okay," bulong ko.

Dahan-dahan kong kinuha ang phone ko, tinatantya kung uunahan ba ako o hahayaan na lang na tawagin si Forsythe. Kaso wala talagang nangyayari. Kung nakakamatay lang ang katahimikan, baka nanghihingalo na ako.

Napakamot ako sa noo ko at doon ko na kinuha ang phone ko. Bigla rin niyang kinuha ang phone niya. Nilapat niya rin iyon sa tenga niya.

"Lawron," bati niya sa kausap niya.

Shet.

"Pakipicture-an ang loob ng ref at cabinet. Nakalimutan ko gumawa ng listahan."

Unconfirmed: nag-away sila ni Forsythe.

"Sige, salamat."

Titig na titig ako sa kaniya hanggang binalik na niya ang cellphone niya sa bulsa. Pagkalingon niya, naabutan niya akong nakatitig sa kaniya.

"Nag-away ba kayo ni Forsythe?" tanong ko.

Hindi nagbabago ang reaksyon niya. "Hindi. Busy 'yun sa presentation para sa major subject nila."

Ow.

"Okay ka lang ba?" Nag-aalala rin ako. Para talagang may iba sa kaniya.

"Masama lang kutob ko," mahinang sagot niya, iniiwasan pa ang tingin ko.

"Sa?"

Napakibit-balikat siya. "Hindi ko rin alam. Masama lang kutob ko." Inulit niya ang sinabi niya kaya medyo kinabahan ako. Parang naramdaman ko rin na bumalot sa akin ang kutob na nararamdaman niya.

"Gusto mo bang magsnack muna tayo? May waffle house sa labas," aya ko.

"May mga bibilhin pa tayo."

Hinila ko na siya at binalik ang shopping cart sa lagayan sa entrance.

"Pwede naman nating hintayin o hindi kaya, bumili na lang tayo bago tayo umuwi." Hinila ko na siya palabas ng supermarket. "Pasyal muna tayo. Miss na kita eh." Dahil sa huling sinabi ko, nakita kong napangiti siya at sabay na kaming naglakad papunta sa waffle house na binanggit ko. Nag-order kami ng ham and cheese. Dumeretso rin kami sa bakanteng upuan sa dulo ng kainan.

"Ngayon lang ulit tayo nagsama. Siguro, meron ka na kaya hati na ang oras mo 'no?"

Ako naman ang natigilan sa sinabi niya. Shet. Anong sasabihin ko? Aamin na ba ako?

Tiningnan niya akong natigilan sa pagbukas ng lalagyan ng waffle ko.

"Joke lang.." seryoso niyang sabi, baka iniisip niya na nailang ako sa sinabi niya. "Kung meron ka namang boyfriend, sasabihin mo naman sa akin, 'di ba?" mas seryoso niyang tanong kaya napaiwas ako saglit ng tingin.

"Paano kung meron?" mabagal kong tanong. Umiipon na ang kaba sa dibdib ko. Sino ba naman ang hindi matataranta nang binaba ni Heroic ang kakainin sana niyang waffle at napasandal sa upuan. Mukha tuloy akong batang handang sermunan.

"Hindi mo ipapakilala sa amin?"

"Ipapakilala.."

"Kailan?"

Namasyal muna ang tingin ko kung saan. Nag-iisip din ako ng mga isasagot kaso sa sobrang dami kong iniisip, hindi ko na nadidisinguish ang dapat kong isagot.

"Kapag maayos na ang sitwasyon natin," sagot ko.

Kinunutan niya ako ng noo.

Sinalubong ko ang tingin niya.

"Kung wala na tayo sa White Hall," bulong ko.

Medyo naplantshan na ang noo niya at lumuwag ang hangin na nakapalibot sa amin.

"Maghihintay pa ng higit na isang taon?" malamig niyang tanong.

Napanguso ako.

"Masyado akong maingat sa magiging relasyon ko lalo na't first time ko 'to," panimula ko. "Hindi naman sa ayaw kong sabihin sa inyo pero naiipit ako sa responsibilidad sa White Hall kaya parang wala pa tayong kalayaan. Hindi pa kami ganoong kaofficial pero I know we'll get there. We are just taking things slow and we're in the stage of getting to know each other more. And I promise you na safe ako sa kaniya."

"Siya ba 'yung kinuwento mo noong inuman?" tanong niya.

Napatango ako.

Hinintay kong magsalita siya pero mas inuna niyang kinagat ang pagkain niya. Para siyang nag-iisip habang ngumunguya.

"Heroic..." nakanguso kong tawag.

Kitang-kita ko ang matigas niyang paglunok bago uminom ng juice. Pagkatapos ay pinatong niya ang mga bisig niya sa lamesa. "Imposible namang si Danger kasi si Wonder..." mahina niyang sabi. Hindi ko alam kung ako ba o sarili niya ang kinakausap niya. "Imposible naman 'yung dalawang bata kasi mga anak-anakan mo 'yun... lalo na si Orion.. lalo na rin si Boss kasi bihira ko rin kayong nakikitang magkasama at nag-uusap sa bahay."

Palihim kong kinagat ang mga labi sa loob ng bibig ko para hindi mailabas ang awkward kong ngiti.

"Forsythe.."

"Hindi." Inunahan ko na siya. Pinagpatuloy niya ang pag-iisip niya kaya siya na ang kinorner ko. "Bakit mo ba palaging tinutulak sa akin si Forsythe? May iba 'yung gusto."

Kumunot ang noo niya saglit. Kunwari, wala siyang narinig at pinatuloy ang pagkain niya.

"Promise, ipapakilala ko siya sa inyo." Itataya ko buong buhay ko sa pangako na 'yun.

"Baka ipakilala mo sa amin kung kailan ikakasal na kayo."

Umiling ako bigla. Hindi naman ganoong katagal 'no!

Huminga siya nang malalim at napatango.

"Okay, maghihintay ako."

Inubos na namin ang kinakain namin pero napapatingin pa rin ako sa kaniya.

"Galit ka ba...?" mahina kong tanong.

"Hindi." Pero hindi siya tumitingin.

"Heroic.."

Napabuntong-hininga siya. "Okay nga lang. Nakakatampo lang dahil hindi ko kilala para makampante ako na nasa mabuting kalagayan ka. Pero iniisip ko rin na mas mabuting ipakilala mo sa amin na handa ka at hindi 'yung napilitan ka lang. Para akong napupunit kung magtatampo ba ako pero ayos lang. Hihintayin ko."

"Thank you."

Nagkatitigan kami.

"Ay, walang 'love you.' Ouch," reklamo niya.

"Love you!" pahabol ko.

Iyon pala ang hinihintay niya.

Tumawa naman siya.

"Love you too, Bloom. Kung saan ka masaya."

Pagkatapos kumain ay namasyal muna kami sa ibang stores. Bumili ako ng bagong lipstick.

"Ang dami mo nang lipstick."

"Gusto ko ng dark para may iba rin akong mapagpipilian kung may misyon," sabi ko at pinili ang dark coral shade.

Bumili na rin siya ng facial wash dahil nagtext pala si Clark na nagpapabili.

"Do you have someone right now?" tanong ko kay Heroic. Kinakabahan din ako kung paano ko siya itatanong dahil hinihintay ko siyang mag-open. Kaso mukhang walang mangyayari kung hindi ako ang unang magtatanong.

"Wala," mabilis niyang sagot. "Wala naman iyon sa plano ko." Napabikit-balikat siya. Pero nang umabante kami sa pila para magbayad sa cashier, nag-iba ang ekspresyon niya. "Ewan ko."

"Ano ba talaga?" natatawa kong tanong.

"Ayaw ko ng responsibilidad."

Kumunot ang buong mukha ko. "What do you mean?"

"'Yung pagkakaroon ng romantic relationships.. hindi ko nakikita ang sarili ko na may kasamang iba. Hindi ko rin kasi maintindihan."

Sinubukan kong intindihin ang sinabi niya kaso hindi rumerehistro sa utak ko.

"Going back sa responsibilidad.. takot ka sa commitment?" pagkaklaro ko. "Kasi sa trato mo sa akin, magiging mabuti kang partner if ever papasok ka sa isang relationship."

Kumunot ang buong mukha niya, binalutan pa ng discomfort. "Eh, kasi kaibigan kita. Natural lang ang trato ko sa'yo. Ibang usapan din kasi ang commitment. Ayaw ko rin ng responsibilidad ako dahil pakiramdam ko ay pabigat ako. Ayaw ko rin ng responsibilidad dahil lang kailangan na may magwork."

Hinawakan ko ang buong ulo ko para iproseso ang sinabi niya. Iba-iba kasi ang perspektibo ng bawat tao sa relasyon lalo na't walang experience.

Ako nga na walang experience, hinayaan lang na maramdaman ko ito dahil gusto ko si Boss. Gusto kong kasama ko siya sa mga bagay. Hindi naman pinilit ang feelings ko. Hinayaan kong maggrow ang feelings ko and I admit that it took time to figure out. May naramdaman din akong responsibilidad pero hindi mabigat ang paglalarawan ko roon dahil lahat ng naiibigay ko kay Boss ay ginusto ko.

Late kong napansin na pinapanood pala ako ni Heroic na pinoproseso ang mga sinabi niya.

Mahina siyang natawa. "Aware ako na ako talaga ang problema, Bloom."

Bumagsak ang mga balikat ko at lumabas na kami sa department store. Bumalik na rin kami sa supermarket habang tinitingnan ang sinend ni Lawron.

"Ayaw kong kontrahin 'yung pagkakaroon ng responsibilidad kasi hangga't nabubuhay tayo, may responsibilidad talaga tayo."

Tumango siya para ipakita na nakikinig siya sa sinasabi ko.

"But I can tell you that when you like someone, you are free. Nothing is stopping you to be open to that someone. If you feel that responsibility is a heavy part to handle, when you like that someone, you will never think that way. Everything you'll do for that someone is something that you really like to do. There's no burden. There's nothing to regret of because you like that person."

Nakatingin lang siya sa daanan.

"Iyon siguro ang point: gusto mo 'yung tao. Kasi lahat ng gagawin mo kasama siya ay gugustuhin mo. Iyon," pagdidiin ko.

"Siguro masyado na rin akong sira.." mahina niyang sabi.

Narinig ko iyon.

"There's someone who will accept you." Hinawakan ko ang balikat niya. "Andito kami, tanggap namin ang mga nangyari sa'yo. Hindi ka namin nakilala dahil sa mga naranasan mo. May mga oras na hindi mo nakikilala ang sarili mo kung paano ka namin nakilala. Pero iba pa rin kung merong sasamahan ka sa huli at tatanggapin ka nang buong-buo. Pakiramdam mong malaya ka at nakakahinga ka. Sa lahat ng mabuti at masamang nangyayari. Iba pa rin 'yun."

Tinapik-tapik ko ang balikat niya. Parang pinoproseso pa niya ang mga sinabi ko.

"But the first one who need to accept you is yourself," I added.

Mahina siyang natawa at napatango.

"Heroic naman ih." Niyakap ko ang braso niya at inalog. Ngayon ko lang siya nakausap sa ganito! More on life at school din kasi ang nagiging topic namin.

"Ang dami mong alam," natatawa niyang sabi at niyakap ang balikat ko at inalog pabalik. "Pero salamat. Mukhang mabuting tao ang boyfriend mo para ganyan ang mindset mo. Nakakaproud."

"Salamat din. You know, once you'll feel that you're ready to acknowledge love, there's someone looking after you proudly and waiting for you." Humighik ako. "Si Forsythe."

Saglit siyang napasulyap sa akin bago napabuga ng tawa. Umiwas siya ng tingin at napailing.

Nakaramdam din ako ng pagiging kampante na sinabi ko kay Heroic ang mga salita na iyon. Naramdaman ko rin ang paggaan ng mga balikat niya.

"Honestly, nakakabaliw 'yung pagmamahal. Beware," natatawa kong sabi.

Napabuga ulit siya ng tawa. "Bakit naman?"

"Kasi papagitna sa'yo na siya ang uunahin mo o uunahin mo ang sarili mo dahil iyon ang gusto niya para sa'yo."

"Priorities," mahina niyang sabi kaya napatango ako.

"Doon din malalaman kung gusto ka ng tao."

"Paano?" tanong niya.

"Kung ikaw ang uunahin niya. Ikaw ang priority niya."

Pinatuloy na namin ang pagbili ng grocery.

Napupuno ng saya ang puso ko sa mga pinag-uusapan namin kaso biglang namanhid na lang ako bigla nang may nakita akong dumaan na nakaitim na lalaki. Natigilan pa akong magtulak ng shopping cart dahil naalala ko bigla ang nangyari noon sa Nodawn Centre. 'Yung nakita ko bago ang mga pagsabog...

"Bloom, halika na."

Hindi nawala sa utak ko 'yung nakita kong lalaki. Nakaitim talaga siya at may suot na itim na face mask at cap. Parang binabalutan na ulit ako ng takot.

"May problema ba?"

"May titingnan lang ako sa canned goods section," sabi ko.

"Sige, punatahan na lang kita roon." Kinuha niya ang shopping cart kaya pumunta na ako kung saan dumaan 'yung lalaki. Inayos ko rin ang singsing ko para iharap ang matalas na bahagi nito bilang depensa ko.

Pasimple akong dumaan doon at nagpanggap na may hinahanap sa shelves. Kaso wala na siya roon. Sinubukan ko ring dumaan sa mga kasunod na section. Wala na siya. Lumingon-lingon pa ako sa paligid at mukhang wala na talaga siya. Kumuha na lang ako ng biscuit na nasa harapan ko pa at babalik sana kay Heroic.

Natigilan ako nang nakita ko siya sa kalayuan at nakatingin sa akin.

Tinakasan ako ng kaluluwa dahil hindi ako nagkakamali sa kaniya. Bigla rin siyang nawala kaya naiwan sa akin ang pangamba at takot na akala ko ay nawala. Bumabalik din ulit sa akin ang alaala noong may sumabog.

Hinanap ko si Heroic.

Nanginginig ang mga kamay ko.

Para akong kinakapusan ng hininga.

"May.." nabasag ang boses ko. "May nakita akong nakaitim na lalaki.." mahinang sabi ko na para bang natatakot ako na may makarinig sa akin.

Napaayos siya ng tayo. "Nasaan?"

"Sinundan ko. Akala ko namamalikmata lang ako pero nangamba ako noong nahuli ko siyang nakatingin sa akin mula sa malayo. Parang nakita ko siya noon sa Nodawn Centre Dome bago 'yung pagsabog.."

Doon na siya napatingin sa paligid.

Napako ang tingin niya bigla.

Tiningnan ko ang direksyon kung saan siya nakatingin.

Andoon ang lalaki, nakatingin sa amin.

Nang nahuli namin siyang nakatingin sa amin, para kaming natauhan sa posibleng mangyari lalo na't agad itong naglakad palayo.

Hinawakan ni Heroic ang kamay ko. Iniwan namin ang shopping cart namin. Mabilis kaming naglakad kung saan man. Naghahanap kami ng gwardya kaso malayo pa ang entrance at exit mula sa amin.

Nang dumaan kami sa fire alarm bell, malakas na siniko iyon ni Heroic para mabasag ang salamin at tumunog.

Nataranta ang ibang namimili kaya ang iba ay nagsimulang lumabas. Ang iba naman ay nagdadalawang-isip kung seryoso ba ang alarm.

Lahat ng dinadaanan naming fire alarm ay sinisiko ni Heroic. Mahigpit ang paghawak niya sa kamay ko dahil nagsisimulang magpanic ang mga tao.

"Tumigil kayo!" may pumito sa aming mga security guard at nahuli kaming pinaptunog ang mga fire alarm.

Pinalibutan din kami ng ibang guards at balak pa kaming huliin.

"Sumama kayo sa amin."

"Palabasin niyo ang lahat ng tao sa loob ng mall," sabi ni Heroic. Nilalayo niya ako sa mga hawak ng guard.

May mga sinasabi pa ang mga gwardya para huliin kami pero hindi na namin iyon narinig.

Nakarinig kami ng pagsabog.

Yumanig din ang tinatapakan namin at halos matumba kami sa kinatatayuan namin. Mabuti na lang ay sinalo ako ni Heroic.

Nagsimulang palibutan ng usok ang buong mall dahil may apoy na bumubuo roon.

Doon na rin bumukas ang fire sprinkler system ng mall kaya nakalabas kaming basa.

Marami-rami na rin ang nakalabas at rinig namin ang pagpapasalamat na nakalabas sila bago pa man lumaki ang apoy. Pinanood namin ang mga taong lumalabas mula sa loob. Dahil din siguro sa sprinkler ay hindi ganoong kalaki ang apoy sa loob pero punong-puno iyon ng usok.

"Okay ka lang?" tanong ni Heroic.

"Okay ka lang?" tanong ko rin. Una kong tiningnan ang siko na ginamit niya sa pagbukas ng fire alarm at namamaga ito. May mga gasgas din. "Umuwi na tayo. Gamutin natin."

Hindi na rin namin alam ang gagawin dahil nakarating na rin ang ambulansya at mga bumbero. May dumating na press kaya mas mabuting umuwi na kami. Kung malaman na kami nagbukas ng fire alarm, baka iinterview kami.

Umuwi kaming basa. Nanginginig pa ako. Hindi ako makapaniwala na biglaang nangyari iyon. Kung hindi ko pa nakita ang lalaki na 'yun, baka hindi kami makalabas agad at marami ang masasaktan sa loob.

Iniipon ko pa rin ang lakas ko hanggang sa makarating kami sa bahay. Para kaming mga basang sisiw.

"Putangina! Ayos lang ba kayo?!" Lumabas sila agad Orion nang kabubukas pa lang namin ng gate. Mukhang alam nila ang nangyari dahil nasa radio na rin ang balita habang nasa jeep kami.

"Ayos lang.." sagot ko habang yakap-yakap ang sarili ko.

Habang tumatakbo sila Clark palapit sa amin, biglang malakas na bumukas ang gate kaya sabay-sabay kaming napalingon doon.

Si Forsythe, suot-suot pa ang PE uniform, tumakbo palapit kay Heroic. "Ayos ka lang? Nasaktan ka ba?"

"Doon din malalaman kung gusto ka ng tao."

"Paano?" tanong niya.

"Kung ikaw ang uunahin niya. Ikaw ang priority niya."

Napaawang ang mga labi ko.

Kahit nga si Heroic ay nagguguluhan habang napapasulyap sa akin na nakasama rin niya sa mall.

"Ayos lang ako.." mabagal na sagot ni Heroic na napapasulyap pa rin sa akin. "Kasama ko rin si Bloom sa mall." Kasi 'yung buong atensyon ni Forsythe ay na kay Heroic lang.

Natauhan si Forsythe at napatingin din sa amin na nakatingin sa kanila.

Medyo lumayo siya kay Heroic at lumapit din sa akin. Pero ngayon ay hinawakan niya ang braso ko. "Okay ka lang? May masakit ba?"

Sinubukan ko siyang asarin gamit ang mga tingin ko.

Pero naputol din iyon dahil lumapit sila Clark at Lawron sa amin para yakapin kami.

"Nakasalubong niyo ba si Boss? Matapos ibalita 'yung sunog sa mall, umalis agad siya gamit motor niya."

Nanlaki ang mga mata ko.

"Hindi," sagot ni Heroic dahil hindi pa rin ako makapaniwala sa narinig ko.

"Pumasok na tayo. Magbihis na rin kayo baka magkasakit kayo," sabi ni Danger. Sabay-sabay kaming pumasok sa bahay kaso naalala kong bukas pa pala ang gate.

Nang nakapasok na silang lahat, bumalik ako sa gate para isara ito. Pero narinig ko ang motor ni Boss na palapit dito kaya sumilip ako sa labas. Andito na siya at nagkasalubong ang tingin namin.

Nabasa ko agad sa mga mata ni Boss ang taranta at kaba. Bumaba pa agad siya sa motor kahit umaandar pa iyon kaya bumagsak iyon sa daanan. "Huy!" Tinuro ko ang motor niya kasi baka nasira. Halos dumulas pa iyon sa kalsada. Pero paglabas ko sa gate habang tinuturo ang motor niya, tumakbo siya palapit sa akin at agad akong niyakap.

"Are you okay?" nanginginig niyang tanong habang mahigpit ang yakap sa akin. "Did you notice something weird? Are you hurt?" sunod-sunod niyang tanong.

Bigla akong napahikbi at niyakap siya pabalik. Doon ko na inilabas ang lahat ng takot na naipon ko kanina. Kung hindi ko pa nakita 'yung nakaitim, baka duguan na kami, baka maraming napahamak.

"Shhh. You're safe now," bulong niya habang hinihimas ang likuran ko.

"May nakita akong lalaki... nakaitim.." naghihingalo kong sabi kaya inihiwalay niya ako saglit para punasan ang mukha ko.

"Nakaitim," pag-uulit niya.

"I think I saw him... noong party... palabas sa swimming pool area... bago sumabog..."

Natigilan si Boss at napatitig sa akin.

"Sa tingin ko, sinasadya niya iyon sa amin... nakita kong nakatingin siya sa amin... dalawang beses."

Tuwing naalala ko 'yung tingin na nakita ko kanina, mas lalo akong naiiyak. Habang napapagtanto ko ang mga nangyari, mas lalo akong natatakot.

Muli akong niyakap ni Boss nang palakas nang palakas ang hikbi ko.

Mukhang iyon ang kutob na nabuo kanina bago ang nangyari.

Akala ko mawawala na ang sama ng pakiramdam ko pero bakit pakiramdam ko ay may mas masama pang mangyayari?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com