Chapter 37

Pagkatapos ng nangyari sa amin sa mall, mas lalo kami naging maingat. May naikwento rin sa amin si Lawron na may sumunod sa kaniyang nakaitim kaya agad niya itong niligaw. Nababahala kami na baka dumating kami sa punto na hindi na kami makalabas sa bahay sa sobrang takot na may madamay pa. Halos pauli-ulit naming napagtatanto na kami talaga ang target ng lalaki na 'yun. Mukhang iniisa-isa kami.
Kung gaano kami natatakot, ano pa kaya ang nararamdaman ni Boss na halos malunod sa iniisp niya habang kinukuwento namin ang tungkol doon. Parang nagpapalamon siya ng takot at hindi na nakapagsasalita sa amin.
Hindi ko na nabibilang ang mga lumipas ang mabigat na gabi.
Inaamin kong nakakapraning talaga ang nangyayari pero hindi ko hinahayaang magpalamon sa takot.
Umabot ang 10 PM at nasa kaniya-kaniyang kwarto na sila. Maliban sa akin na nasa kusina pa rin, iniisip kung anong makakakain ang pwedeng ibigay kay Boss sa kwarto niya.
Sa huli, hindi ako nakapagdesisyon kaya pumunta na lang ako sa kwarto niya. Matapos kong kumatok nang isang beses, sumilip ako sa loob. Andoon siya sa study table niya at hawak-hawak niya ang ulo niya. Narinig niya akong sumilip kaya nagkasalubong ang paningin namin.
"Hi."
Pagkatapos isara ang pintuan, lumapit ako sa kaniya at niyakap ang ulo niya. Sinandal ko iyon sa tiyan ko habang sinusuklay ang buhok niya. "Gusto mo bang kumain?" bulong ko.
"Wala akong gana." Niyakap niya ako pabalik. Hindi ko na siya pipilitin. Noong nakaraang araw, dahil sa palagi siyang pumapayag sa aya ko, pinilit niyang kumain kahit wala siyang gana. Sa huli, nagkaroon siya ng indigestion.
Napabuntong-hininga ako. Hinayaan ko muna siyang magpahinga sa akin habang nag-iisip ako ng sasabihin. Kaso napapaisip din ako na baka kailangan niya lang ng kasama ngayon.
Iniisip ko na ang mga gawain ko bukas pero hindi naman kabigat katulad noon. Kahit palapit na kami sa 4th year, mukhang kaya ko pa maging flexible sa time management ko.
"Boss," bulong ko at hinawakan ang mukha niya. Pinaharap ko siya sa akin. "Gusto mo bang tumakas saglit?"
Tiningnan niya rin ako, binabasa ang ibig kong sabihin.
Isang beses siyang tumango at tumayo. Kumuha siya ng hoodie na dark blue. Hindi na rin ako pumunta sa kwarto ko dahil may nakita akong jacket niya na puti. Kinuha ko na lang iyon at sinuot sa akin. Humarap ako sa salamin habang tinatali nang maayos ang buhok ko.
Nakita kong pinapanood pala ako ni Boss.
Mahina siyang napabuga ng tawa at niyakap ako mula sa likuran. Mula sa salamin, nakita ko ang pagod niya na halos napapikit pa habang yakap-yakap ako.
"Kung ayaw mong lumabas, pwede naman tayong dito lang muna. Baka kasi pagod ka masyado sa nangyayari at pabalik-balik sa White Hall," sabi ko.
"Gusto ko ring tumakas muna."
Then tatakas kami.
Sabay kaming lumabas mula sa kwarto niya na magkahawak ang mga kamay.
Saktong paglabas namin ay kalalabas din ni Forsythe mula sa kwarto niya at may suot pang headset.
Nagkatinginan kaming tatlo.
Dahil din sa gulat, tinanggal niya ang suot niyang headset para mas lalo kaming tititgan.
"Saan kayo pupunta?"
Nilapat ko ang hintuturo ko para patahimikin siya. Baka magising din ang iba.
"Mamamasyal," sagot ko.
Kumunot ang noo niya. Nagtaka sa mamamasyal nang gabi.
"Uuwi kami agad," sabi ni Boss.
Tumango si Forsythe. "Take your time. Isip na lang ako ng palusot kung hindi pa kayo nakakauwi pag-umaga."
"Salamat." Binigyan ko siya ng kurot mula sa ere.
"Osiya, Ingat kayo."
Tumakbo na kami ni Boss palabas ng bahay at pinipigilan namin ang tawa namin habang tinutulak palabas ang scooter niya. Mukha naman kaming teenagers na tumatakas sa bahay.
"Sure ka na hindi nasira motor mo? Halos mag-exhibition ka noong nagmamadali kang umuwi," paalala ko bago umangkas.
"Maayos pa naman siya. Don't worry, malakas 'to," natatawa niyang sabi.
Iba ang hangin na tumatama sa mukha ko habang sinasalubong ito mula sa highway. Nakakaloka lang dahil wala kaming suot na helmet. Todo-yakap pa ako sa beywang ni Boss.
"Aurelio?" tanong niya habang nagmamaneho.
"Sige!"
Dumaan kami sa White Hall na parang hindi namin iyon alam. Dumeretso kami sa kainan at excited akong bumaba ng scooter para picture-an ang ganda ng ilaw ng sign. Pati na rin si Boss ay kinukuhaan ko ng litrato.
"Midnight snack?" tanong ko. Hinila ko na siya sa loob at pinagbuksan kami ng guard na nakabantay doon.
"Boss!"
"Manong Ed!" bati pabalik ni Boss.
Parang sinuntok ako ng alaala noong una naming pumunta rito. Pumasok din sa utak ko ang pangalan ni Pristine Montes na kailanman ay kinalimutan ko saglit. Pero ngayon na naalala ko ulit, naalala ko 'yung pag-amin ni Boss na first love niya si Pristine.
"Binatang-binata ka na!"
"Salamat po, Manong."
Naramdaman kong lumuluwag na ang higpit ng kamay ko dahil hindi na pala namin siya napag-usapan ni Boss. Ayaw ko nga ring buksan dahil medyo sumasama lang ang pakiramdam ko.
"Nga pala, Manong. Si Bloom po, girlfriend ko."
Tila nabuhayan ulit ang loob ko kasabay ang pagbalik ng tingin ko sa kanila.
Pinakilala ako ni Boss bilang girlfriend niya at parang napuno ang puso ko ng saya.
"Ang saya niyong pagmasdan!" Lumawak ang ngiti ni Manong Ed. "Hi Bloom. Sige, mag-order na kayo."
"Salamat, Manong ah?" paalam na ni Boss at dumeretso na kami sa counter. "Order ka ng kahit anong gusto mo." May hinanap na siya sa mga bulsa niya.
Nakangiti akong pumipili ng available menu habang naghihintay ang cashier sa order namin. "Gusto ko ng dahon ngayon," pag-aamin ko kay Boss kasi gusto ko ng vegetable salad. "Salad sana pero fruit salad na lang muna siguro at carbonara. Can I also have chicken lollipop? Ikaw? Ano ba gusto mo?" sunod-sunod kong tanong.
Kaso hindi siya gumagalaw sa tabi ko. Tiningnan ko siya at para siyang sirang manika na hindi gumagalaw.
"Bakit?" tanong ko.
"Nakalimutan ko ang wallet ko..." bulong niya.
Muli akong natawa. Jusko, Boss! Ang cute-cute mo!
"Sige, order ka na," sabi ko habang kinukuha ang phone ko. Wala rin akong dalang wallet pero palagi akong may dalang pera sa likod ng phone case ko.
"Hindi. Pwede namang sunod na lang siguro," pagpipigil niya. Tinatakip pa ang phone ko para hindi ko mailabas ang pera ko. Masyadong gentleman!
"Ako na magbabayad," diin ko pero dalawang kamay na ang pumipigil sa akin.
"Pwede munang umuwi tayo saglit para kunin ang wallet ko."
"Ako na nga magbabayad. Wala namang problema!"
"Hindi."
"Boss," seryoso kong tawag dahil nakahawak na rin siya sa phone ko.
"Bloom," seryoso rin niyang tawag.
Nagkatitigan kami saglit bago ako napabuntong-hininga. "Sige na, order na. Gusto kong magbayad."
Sa wakas, sumuko na rin siya at tumingin sa menu. "Burger and chicken lollipop na lang siguro."
"Cheesy chicken taco?" tanong ko dahil mahilig siya roon.
"Kaya pa ng budget?" kinakabahan niyang tanong.
"Jusko, Boss. Huwag ka ngang mag-alala," bulong ko. "Just order what you want, hmmm? Papakabusog tayo ngayon."
Nakapag-order na kami at nakapagbayad. Habang naghahanap ng pwesto namin, dikit na dikit sa akin si Boss, mukhang hindi mapakali dahil ako nagbayad. Palagi kasi siya ang nagbabayad kaya ganyan siya.
"Huy," natatawa kong tawag dahil parang natutunaw siya sa kinauupuan niya. "Ako nag-aya sa'yo. Atsaka wala namang problema na ako nagbabayad. Gusto rin kitang paggastusan."
"Nakalimutan ko kasi ang wallet ko."
Hindi talaga siya makakamove-on.
Umabante ang katawan ko.
"Kiss na lang." At ngumuso ako.
Nanlaki ang mga mata niya at marahang napakamot sa batok niya. Namula rin ang mga tenga niya habang tumitingin sa paligid. "Bloom naman eh..."
"Wala namang katao-tao." Halos kaming dalawa lang ata ang nandito sa oras na 'to.
"Mamaya," mabilis niyang sabi.
Malakas akong tumawa. Tinakpan ko pa ang mukha ko dahil ang cute-cute niya! Ang sarap niyang pisilin! Palibhasa, hindi pa kami naghahalikan kaya natataranta siya.
Habang inaantay ang order namin, kinuwentuhan ko siya sa pag-uusap ni Heroic noon. Pati na rin ang nakita ko sa kanilang dalawa ni Forsythe. Taimtim na nakikinig sa akin si Boss hanggang sa dumating na ang pagkain namin.
Magsisimula na sana kaming kumain pero may narinig akong pamilyar na pangalan mula sa bukas na TV dito sa loob ng Aurelio.
"Jon.." bulong ko.
Napalingon din si Boss sa TV.
Nakita namin si Jon sa balita na pinapakilala bilang pinakabatang imbentor sa Solance, isang napakamalaking siyudad. Hindi rumerehistro sa akin ang report pero ang nakikita ko ay may imbensyon siya para manipulahin ang alaala ng isang tao. May malaking equipement na parang helmet ang pinakita. Ang laki ng improvements niya para makagawa ng bagay na iyon!
"Hindi ito inaproba ng mga head scientist ng Solance Sciences Department dahil ayon kay Dr. Obraba, hindi ito ligtas hangga't hindi pa ito sumasailalim sa masusing pagsusuri. Kailangan pa itong pag-aralan ng mga eksperto. Ngunit maaaring hindi ito ipagamit dahil maaaring gamitin iyon sa mga ilegal na gawain kaya kinompiska ito ng mga opisyal," sabi sa report.
"He made something bigger than the microchip."
Napatingin ako kay Boss na nakalingon para panoorin ang balita. "That's really an achievement, right? Kayang ikontrol ang alaala?" tanong ko.
"Nakita mo 'yung machine kung saan nakakabit 'yung apparatus? Doon siguro niya makikita ang brainwaves na maproproduce ng utak ng isang tao." Kaso nawala ang clip ng pagpapakita sa imbensyon ni Jon kaya kinuha ni Boss ang cellphone niya para isearch iyon. "He even made system to illustrate what he wanted to see in someone's memory." Tinuro niya ang isang screen mula sa picture ng isang published article online.
"Mahirap iyon 'di ba?" Maraming kailangang pag-aralan doon.
Tumango si Boss. "When I am replicating Jon's microchip, I can say that he really did a great job in its system. Maliit lang ang chip pero nakakaccess ng naglalakihang systems."
"And you really made a replica," I recalled.
"But not exactly like his. Nakuha ko ang encoder na ginamit niya pero hindi ko nilagay 'yun sa binigay sa White Hall. As far as I know, hindi nila alam kung paano gamitin ang inaakala nilang microchip kaya tinapon nila."
Sa sobrang saya ko sa narinig ko, inabot ko ng pisngi niya para pisilin iyon. "I'm so proud of you."
Ngumiti siya.
"Pero you think, effective ang ginawa ni Jon? Posible talagang gumana iyon sa mga tao?" tanong ko habang hinahanda na ang mga kubyertos ko.
"Mula sa balita kanina at sa pagscan ko ng articles tungkol doon. 50/50 sa akin. Or 1% possibility na nakaaccess sa memory ng subject. Kaso baka makapahamak kaya hindi sapat ang dalawang taon ng pag-aaral. Kailangan pa talaga sumailalim sa mga sunod-sunod na experiments."
Medyo sumasakit na ang utak ko sa mga nalalaman ko.
"Masyadong maraming kailangang iproseso," reklamo ko. "What if kumain na lang tayo?" aya ko dahil lumalamig na ang carbonara ko. Tinawanan na nga lang ako ni Boss.
Interesado talaga ako sa nagawa ni Jon sa Solance. Kaso late ko lang narealize na nakakatakot na baka may side effects ang technology na iyon. Malaking enerhiya at radiation ang kailangang gamitin eh. Sayang, hindi ko na ulit makikita si Jon balang araw pero nasaksihan ko ang proseso ng pagsisimula niya noon kaya sobrang proud ako sa kaniya.
Nalipat ang topic namin ni Boss sa mga bagay-bagay. Pagkatapos kumain ay bumili kami ng mga makakain at maiinom namin sa Meritown. Pinagpasyahan naming manood ng sunrise.
Ilang minuto pa bago kami nakarating sa tree house niya. Grabe, ilang taon na rin akong hindi nakakapunta rito. Napansin kong matibay na ulit ang mga hagdanan kaya kampante akong umakyat sa loob. Masyadong madilim na sa loob pero nang buksan ni Boss ang ilaw doon ay napanganga ako sa pagbabago. Nalipat ang mga lamesa at sa gilid ay may mga tool na nagkakalat doon. Marami rin ang mga mga nakainstall na devices.
"Dito ka gumawa ng microchip?" gulat kong tanong.
Nahihiya siyang tumango. "Dito rin ako nagbrabrainstorm bago ko ibigay sa inyo ang misyon. Madalas din ako nandito para maghack ng information ng mga kumpanya."
Napatango ako at pinagmasdan ang mga gamit niya. Nakakabighani talaga ang kaalaman ni Boss sa mga bagay na 'to.
"Uhm.." Lumingon ako sa kaniya nang narinig kong balak niyang magsalita. Paglingon ko ay may hawak siyang badminton. "Gusto mong maglaro tayo?"
Pumunta pa kami sa proper ng Meritown at naglaro sa malawak na daan. Tulad pa rin ito noong huli naming pagpunta rito. Hindi naming mapigilang matawa kapag narerealize naming masyado kaming nagseseryoso sa laro. Nakakalimutan pa namin ang relasyon namin dahil grabe na kung makaspike. Sa bawat puntos, painit nang painit ang laban.
"Baka masira ang racket!" sigaw ko dahil ang lakas na tumira ni Boss.
Sa huli, hindi na namin natrack kung ano ang scores namin dahil halo-halo na ang reklamo at tawa buong laro.
Pagkatapos naming maglaro, umupo kami sa pavement ng daanan habang umiinom ng binili naming inumin.
"Baka ang asim ko na." Inamoy ko ang sarili ko. Hindi ko naman inaakala na grabe ang laro namin. Wala tuloy akong extra na pampalit.
"Hindi naman."
Medyo lumayo ako nang naramdamang inamoy din ako ni Boss. Mahina ko tuloy napalo ang braso niya.
Sabay naming pinanood ang kalangitan. Marami na ang bituin kaya ang sarap pagmasdan. Maganda rin ang panahon ngayon.
Ngayon na tahimik na kami sa inuupuan namin, naipon na ang lakas ng loob ko na magtanong.
"Uh.. about kay Pristine..." panimula ko. Hindi ko siya kayang tingnan nang diretso pero naramdaman kong nakatingin na siya.
"Hmmm?" Mukhang tinatantya na rin ang mood ko.
"Uhh.." Hindi ko rin kasi alam kung paano ko sisimulan. "You like her, right?"
Napakurap siya. Naloloka lang na hindi man lang niya iniiwasan ang tingin niya!
"Liked," diin niya.
"You liked her," ulit ko.
Tumango siya.
Napabuntong-hininga ako. "Actually, I was waiting for you to talk about her."
"I was waiting for you to ask," he said. "Ayaw ko namang binubuksan siya agad sa'yo kaya hinintay ko na ikaw ang magtanong bago ko sasabihin lahat. Sa totoo lang, nakalimutan ko na nga rin eh." Mahina siyang natawa.
"'Di ba, she was your first love?"
Napaiwas siya ng tingin at kumunot ang buong mukha niya. "Akala ko."
Ako naman ang napakunot ng noo.
"Pristine is a prodigy. She entered elementary at the age of 3 and a half. Kahit kaedad lang natin siya, she started going to school at a young age. Kaya ahead siya sa atin. She is hardworking and smart. Nag-aaral siya ng law sa Solance. Pagkatapos niyang maggraduate, binigyan siya ng opportunity na mag-aral sa labas ng Nodawn kaya kinuha niya iyon. Pinag-usapan naming sabay kaming aalis pero nauna siya. Pinangako niya na kukunin niya ako rito kaya noon, palagi akong naghihintay sa boundary ng Nodawn."
Napatango ako. Iyon nga ata ang dahilan kung bakit naghihintay siya sa boundary ng Nodawn dati.
Hindi siya nakapagsalita kaya sumilip ako sa kaniya. Nakatingin pa pala siya sa akin.
"I'm listening," I said.
"May narealize lang ako," sabi niya.
"Hmm?"
"I was too young to think that she was my first love. Hindi ko pa alam kung ano talaga ang ibig sabihin ng salita na 'yun. During that time, she was my inspiration. Hanggang doon na lang 'yun. I liked her for treating me her friend but I never knew that I'll like someone like I like you."
Our eyes were locked.
"I'm glad that I get to be with you in this time when I can stand for myself."
I was about to say something but I pursed my lips.
"This feeling that has been growing since then..." He pointed his chest. "... is making me a better version of myself. It's making me do everything better for us."
"Boss..." He's making me cry!
"Akala ko dati kung nagmamahal, kailangang ibuhos ang lahat mo sa taong mahal mo. Pero pinaparamdam mo rin sa akin ang halaga ko. Nagiging mature ako kahit sa mga karanasang hindi ko pa nararanasan tungkol sa mga relasyon. Marami rin akong narerealize. Nagpapasalamat ako na andito ako sa buhay ko na marami akong natutunan at nakilala kita sa phase ng buhay ko na alam kong kakayanin ko ang lahat para magwork tayo."
Unti-unti siyang ngumiti.
"You are my first and my always."
Hindi ko na napigilan ang sarili ko at agad siyang binalot sa yakap ko. Late ko na lang din narealize na basa pa pala kami ng pawis kaya balak ko sanang humiwalay saglit pero kinulong na niya ang katawan ko sa mga bisig niya. Natawa na lamang ako.
"Thank you, Boss," I whispered.
Thank you for everything.
"I'm glad to be with you in this lifetime," I added.
And we watched the sunrise, remembering everything what we have been through.
---
While on our way to Meritown, riding in a blue classic Volkswagen Microbus that the father of Boss owns, we were singing Bon Jovi's Livin' On A Prayer.
"Woah, we're half way there. Woah, livin' on a prayer!"
I once said that it was like a dream that I never knew that's happening to me.
Papunta kaming lahat ngayon sa Meritown at ang saya ko na binigay ni Boss sa akin ang karangalan na ayain sila. Hindi ko sinabi kung saan pero ang alam lang nila ay magroroadtrip lang kami kung saan pero may pupuntahan kami at mags-stay kami hanggang gabi. Nagsuggest din ako na magdala ng papel at ballpen para sulatan namin ang isa't-isa. Pwede kaming maghukay doon at ilagay sa lalagyan ang mga sulat namin para time capsule namin.
"Lakasan niyo pa!" sigaw ni Lawron habang nakatakip ang mga tenga. Halata sa boses niya ang pagiging sarcastic pero si Clark sa tabi niya ay mas lalong nilakas ang pagkanta niya na umabot sa punto na nakisabay na ang lahat.
Nagtataka man, matapos ang biyahe, bumaba na kami sa Nodawn Terminal na hindi na rin ginagamit. Pagkababa ng sasakyan, parang natunaw na ice cream ang anak ko matapos malunod sa ingay kanina. Niyakap ko siya at tiningnan kung basa ba ang likuran niya dahil medyo tirik ang araw kanina, lasap na lasap ang araw.
"Para tayong nasa horror movie," sabi ni Orion habang nakatingin sa mga puno sa dadaanan namin.
"Pwede kang yumakap sa akin kapag natatakot ka," alok ni Danger.
"Gusto mo bang isumbong kita kay Wonder?"
Tiningnan naming lahat si Danger na nanlaki ang mga mata sa pagbanggit ni Orion kay Wonder.
"Ano bang meron sa loob ng gubat? Naeexcite naman ako sa thrill!" At nauna siya sa loob ng gubat.
"Akala ko, sila na?" tanong ko kay Orion.
Tumawa naman siya. "Mahina ang manok natin. Friends pa rin, getting to know each other."
Napatango ako. "Malay natin, maglevel-up sunod," sabi ko.
"Iba talaga kapag inlove," pagpaparinig ni Heroic at nagsimula na rin maglakad.
Iniwan tuloy kaming may nabubuo na tensyon matapos nilang marinig iyon.
"May boyfriend ka na, Ma?" tanong ni Lawron.
Grabe ang tingin nila sa akin!
Ngumiti na lang ako at iniisip kung paano sasabihin ang lahat.
"Ipapakilala ko sa inyo soon..."
Napasulyap ako kay Boss na nakatingin sa akin. Nanlalambot ako sa tingin niya! Napakasoft!
"Bakit hindi ngayon?" tanong ni Orion.
"White Hall..." mahina kong sagot kaya nakuha rin nila ang dahilan ko.
May mga tanong pa sila pero pinapadahan-dahan ko dahil hindi ko sila maabutan. Nabaling na lang ang atensyon namin dahil nagdabog na si Clark. "Wala na! Tapos na ang pustahan, hindi man lang ako nakabawi!" Sabay walk-out. Bago pa siya nakalayo, lumingon siya saglit. "Pero masaya ako sa'yo, Bloom!"
"Kawawang Clark!" Malakas ang tawa nila Lawron at Orion.
Sabay-sabay na kaming naglakad sa gubat. Nauna sila dahil sabi ni Boss na diretso lang ang lakad. Nasa likuran naman kami at hindi ko mapigilang mapangiti nang hinahawakan ni Boss ang kamay ko habang naglalakad.
"Harap-harapan?"
Nasa likod pala namin ni Forsythe.
"Nasa harapan na 'yung sa'yo," asar ko at tinuro si Heroic.
Malakas na nakawala ng buntong-hininga si Forsythe at binilisan na lang ang lakad. Dahil nahuhuli na rin kami ni Boss, hinila ko siya para makahabol kami sa kanila.
Ang sarap pagmasdan ang reaksyon nila nang makarating kami sa proper ng Meritown na malinis ang daanan, sarado ang mga gusali at tindahan, pati na rin ang mga ibang bagay na makikita rito.
Pinaliwanag ni Boss ang tungkol sa Meritown at nakanganga pa rin silang pinagmamasdan ang paligid.
Gusto kong isaulo ang bawat oras namin dito.
Naglaro kami ng patintero at tumba lata na nakita nila sa daanan. Puno ng tawanan ang paligid. Simula pumunta kami rito, naramdaman kong mas lalong nabuhay ang lugar dahil sa mga tawanan namin.
Hindi pa sila nagpatawad at kinuha ang bola sa tree house ni Boss para maglaro ng volleyball. Kaso sa laro na 'yun, hindi kami sumali ni Heroic. Umupo kami sa upuan ng abandonadong kainan. Habang kumukuha siya ng litrato sa dala niyang DSLR, malakas akong nagchecheer sa mga naglalaro. Nakakapaos lang dahil lahat sila ay chinicheer ko.
Nagpatuloy na naglaro ang iba at sila Boss, Forsythe at Orion ay nagpahinga saglit. Iniwan sa akin ni Heroic ang DSLR niya kaya kinukuhaan ko ng mga litrato ang mga kasama ko sa lamesa. Nakipaglaro rin kasi siya.
"Gusto niyo ba ng ice cream?" tanong ni Boss habang pinupunasan ang pawis niya.
"Double Dutch sa akin," sabi ni Orion.
"Sila Lawron?"
"Hoy! Ano gusto niyong flavor ng ice cream?" sigaw ni Orion at lumalapit kina Lawron.
"Popsticle, cone or gallon?" tanong ko kay Boss.
Yumuko siya para marinig ako. "Gusto mo gallon?"
"Ano ba bibilhin niyo?" tanong ko. "Kahit ano na lang siguro." Nakapagdesisyon na rin ako na kahit ano na lang.
"How about 'yung solo pack? Vanilla flavor?"
Tumango ako. "Pwede pati ano hehehe."
"Loaf bread?" dagdag niya.
Muli akong tumango.
Sabay kaming napatingin kay Forsythe na pinapanood pala kami na may kunot ang noo. "Hindi ko alam kung bakit hindi napapansin ng iba na may something sa inyo. Halatang-halata na kaya kayo." Napailing siya.
"Anong gusto ni Heroic na flavor ng ice cream?" tanong ni Boss sa kalagitnaan ng tawa niya.
"Lactose intolerant siya. Siopao na lang."
"Heezz," ngisi kong asar.
"Eh ikaw?"
"Magsiosiopao na lang din ako."
"Heeeezzzz," mas lalo kong asar.
"Chocolate kay Danger. Cookies and cream kay Lawron at Clark. Ayaw daw ni Heroic ng ice cream." Bumalik na si Orion.
"Ano ba ang bibilhin niyong snack?" Sumunod pala si Heroic na basa ng pawis.
"Ice cream? Gusto mo?"
Marahan siyang napailing.
"Siopao asado?" tanong ni Forsythe.
"Sige! Salamat!" At bumalik siya sa laro.
Mas lalong lumawak ang ngiti ko.
"Sinong bibili?" tanong ni Orion.
"Kami ni Forsythe," sagot ni Boss. "Goods?"
Tumango si Forsythe. Kaso nang napatingin siya sa akin na may mapang-asar na ngisi, napailing siya.
"Anong nangyari sa'yo?" Napansin na ni Orion ang itsura ko. "Nakakatakot naman ngisi mo kay Forsythe, huy."
"Sige na. Bili na kami." Bago pa sila makaalis ay binura ni Forsythe gamit ang pagpunas ng kamay niya ang ngisi sa mukha ko. Mukhang naasar na siya.
"Make-up ko!" reklamo ko.
Pinanood ko silang dalawa na maglakad palayo. Hanggang sa pagbalik ng tingin ko, pinapanood pala ako ni Orion. "Don't tell me na si Forsythe ang boyf—"
"Nope!" mabilis kong sagot.
"Sino nga?"
Napabuntong-hininga ako. "Natatakot pa ako kasi kontrolado pa tayo ng White Hall. Pero promise, ipapakilala ko siya."
Ramdam ko pa na gusto pa niyang magsalita kayo masyadong makapangyarihan ang White Hall kahit pangalan pa lang nila, nakakapagbigay na ng pangamba.
"Masaya ka naman 'di ba?"
Tumango ako.
Napatango rin siya. "I'm happy for you. You deserve to be loved. Sana he's treating you right."
Natunaw ang buong puso ko at niyakap siya. Nagpumiglas siya saglit dahil basa siya ng pawis pero wala akong pake. "Thank you, Orion."
Mahina siyang tumawa. Tinapik-tapik niya ang bisig ko. "Pambihira, gusto ko rin sana sabihin na sana all nagmamahal kaso nakakasal pala ang sitwasyon natin." Wala pang isang segundo, tiningnan niya ako. "Siya ba 'yung kinuwento mo noon na hindi na kayo nag-uusap?"
"Yep.." mahina kong sagot.
Napaawang ang labi niya. "Wow.." Bigla siyang napatakip ng bibig. "Lechugas... naiintindihan ko na.."
Napaupo ako nang matuwid. "Ang ano?"
Takip-takip pa rin ang bibig niya. "Napaisip ako kung bakit hindi mo siya pinapakilala dahil nasa White Hall tayo... naisip ko rin ang side niya... kung paano okay lang sa kaniya... kasi..." Sinalubong niya ang titig ko sa kaniya.
Mas lalong lumakas ang kabog ng puso ko. Iniisip kong ang talino at grabe ang awareness ni Orion para isipin din ang side kung sino ang karelasyon ko. Parang unti-unting nagkakaroon siya ng idea.
"Kasi... direkta siyang nasa White Hall...?"
Tuluyan akong tinakasan ng kaluluwa.
Agad siyang napatayo. "Hindi!"
Kumunot ang mukha ko. Ngayon pa siya kokontra na nakuha rin niya ang sagot?
"Hihintayin kong ipakilala mo siya sa amin! Hindi na dapat ako mag-aassume ulit! Never again!"
Naputol ang pag-uusap namin dahil dumikit na naman sa kaniya si Danger. Kaya lumayo siya lalo na't basa ng pawis ang balak lumandi sa kaniya.
"Anong nangyari sa kaniya?" tanong ni Clark.
Napakibit-balikat ako. Hindi ko rin kung ano ang nangyari.
Tirik na masyado ang araw kaya nakaupo na kami ngayon. Naglalaro sila ng Call of Duty habang naghihintay ng snack.
Naintriga rin ako kahit mukhang ang hirap intindihin ang details, parang nakukuha ko rin ang habang pinapanood si Clark na barilin ang mga kalaban.
"Nakasniper ka, Clark?" tanong ni Lawron.
"Yep," sagot ni Clark.
"Pati sa laro, sniper siya." Tumawa si Heroic.
"Pucha mamamatay na ako!" sigaw ni Lawron.
"Hindi pwede!" sigaw ni Danger. "Diyan ka lang, Batas! Hindi ka pwedeng mamatay! Tatlong teams na lang ang natitira!"
Sa huli, namatay pa rin sila dahil sinabugan sila ng granada.
Balak sana nilang mag-isa pa pero dumating na sila Boss bitbit ang mga snack.
"My goodness! I love this place! I love this day!" sigaw ni Clark.
"Dito na tayo tumira," sabi ni Lawron.
"Bakit ayaw ba ng White Hall na buksan ito para naman hindi nagsisiksikan sa Nodawn?" tanong ni Orion.
Tumikhim muna si Boss. "Hangga't Nodawn pa rin ang nakaupo sa White Hall at malaman na may bakas pa ng Meritown, baka gawin din nilang Nodawn ito at magkukulong ng kurapsyon."
"Totoo," sabi ni Danger. "Hindi ko nga alam na totoo pala ang Meritown. Narinig ko na 'yun sa tatay ko pero inuna niya muna ang Nodawn City bago buhayin ulit ang balak niyang bagong bayan kasi hindi rin sapat ang pondo ng gobyerno noon. Kailangan munang bumawi."
"Pero may balak talaga si Mayor Dancio noon?" tanong ni Boss.
"Actually, plano 'yun ni Atty. Eura. Sa kanilang dalawa noon, si Atty. Eura ang may mas maraming plano at si Tatay ang nag-iimplement. Para silang dry at wet ingredients sa pagbabake."
"Noong sumama ako sa volunteering sa RISE Foundtion, nakausap ko si Atty. Eura. Nalulula ako sa bait at sense of humor," sabi ni Orion. "Atsaka ramdam 'yung koneksyon niya sa mga tao."
"Ni hindi ko iyon makita kay Bernadette Nodawn," sabi ni Heroic. Binanggit niya ang kasalukuyang mayor.
"Parang kapangyarihan sa kapangyarihan lang ang gusto niyang koneksyon kaya bihira lang magparamdam sa masa."
"I agree," sabi ni Boss kaya nalipat ang tingin namin sa kaniya na seryosong nakatingin sa kinakain niyang ice cream.
"Nakausap mo na ba siya sa personal, Boss?" tanong ni Clark.
Natahimik muna siya. Hindi namin alam kung narinig ba niya ang tanong ni Clark. Uulitin niya sana ang tanong pero nagsalita na si Boss.
"Oo." Sinubo niya ang huling kutsara ng ice cream niya. "Para siyang walang puso..." panimula niya, hindi kami tinitingnan. Iyon ang kakaiba mula sa mga naunang pag-uusap—hindi niya kami tinitingnan kumpara noon na halos sumisid siya sa kaluluwa namin kung makatingin. "Diretso lang siyang nagdedesisyon. Hindi siya nagdadalawang-isip basta maprotektahan lang ang pagiging Nodawn."
"Para namang hindi niya pinag-isipan nang mabuti na magkaroon ng grupo na maglilinis ng pangalan niya kaya ngayon ay mukhang iniisa-isa na tayo," natatawang sabi ni Danger. Kung iisipin ang sunod-sunod na nangyayari sa amin noon, parang nagkaroon ng sense ang sinabi niya kahit halata namang nagjojoke lang siya.
Natahimik kaming lahat at naiwan siyang tumatawa. Nang napansin niyang hindi kami nakapagreact sa joke niya, dahan-dahang naglaho ang tawa niya. "Sabi sa balita dati na magkakaroon ng investigation kung sino ang nagpasimuno ng pagbobomba ng dome?"
"Hindi pa nalaman kung sino..." sagot ni Lawron.
"Kasi nilipat ang media sa mga businessman na may koneksyon sa ibang pulitiko na may illegal na business." Isa iyon sa mga naging misyon namin dati. "At ngayon..." Tinuro kami isa-isa ni Danger. "Mukhang... iniisa-isa tayo."
Mula noong nasa supermarket kami ni Heroic.. hanggang sa pagsunod kay Lawron habang pauwi sa bahay.. at nakita raw ni Orion na may sumunod sa kaniya sa RISE Foundation.
"Kung nagbibiro ka lang, hindi nakakatuwa," seryosong sabi ni Heroic.
Mas lalo kaming natahimik.
"May tiwala kayo sa akin?" tanong ni Boss bigla.
Tiningnan namin siya.
"Meron ka bang hindi sinasabi sa amin?"
Huminga nang malalim si Boss. "May parating na gathering sa RISE Foundation."
"Ngayong buwan," sabi ni Danger.
"Tinanggihan ko ang misyon ng White Hall doon."
"Ano ba ang misyon?"
Hindi na kami komportable sa katahimikan. Mukhang ayaw din kasi sabihin ni Boss nang diretsahan.
"I told you that I don't tolerate any immoral activities specially killing."
Tuluyan akong namanhid. Parang bumalik din dati ang nararamdaman ko noon. Para akong nasusuka... parang hinuhugot na ang hininga ko...
Heto na naman.
Bumagsak na naman bigla ang kasiyahan na naipon namin kanina.
"Meron akong proposal, guys."
Muli kaming napatingin kay Boss.
"Tumakas na lang tayo," sabi niya na parang iyon na lang ang huling choice namin sa dulo. "Kapag tumakbo ulit si Bernadette Nodawn, umalis na tayo rito."
Mas lalo kaming nagpalamon sa katahimikan.
"Tatakas tayo," pagsang-ayon ni Clark.
Malapit na ang paglubog ng araw kaya sabay-sabay na kaming naglinis at naghanda para pumunta sa sinasabi ni Boss na lugar kung saan maganda panoorin ang sunset.
"Kung tatakas tayo sa huli, siguraduhin nating kumpleto tayo," sabi ko. Malapit-lapit na rin kami sa tuktok ng hill.
"Siguraduhin nating kumpleto tayo," pag-uulit ni Heroic. Tumabi siya sa akin at inakbayan ako. Lumapit din sa akin ang anak ko kaya binalot ko ang beywang niya ng bisig ko.
"Sama-sama tayo, okay?"
It feels like it has always been like this. Kung kailan napapalibutan kami ng takot, napapanatag din kami kung nararamdaman namin ang presensya ng bawat isa.
Habang paakyat pa rin sa pupuntahan namin, binalot kami nila Boss at Danger ng yakap kaya muntikan kaming gumulong pababa. Natawa na lang kami hanggang sa natigilan kami nang nakarating kami sa tuktok at napatingin sa liwanag ng araw na kinukulayan ang buong kalangitan.
"Palagi kaming pupunta ni Papa rito noon," sabi ni Boss at inaya kaming umupo sa damuhan. Nagkatinginan kami ni Boss dahil mukhang napalayo kami sa isa't-isa nang pumagitna ang iba para makaupo. Napakibit-balikat ako at sinensyan na ayos lang.
Dahil bitbit ko pa ang DSLR, binuksan ko iyon at kinuhaan sila ng litrato na nabibighani sa kalangitan.
"Tingin kayo!"
Nang tumingin sila sa akin ay kinuhaan ko ng litrato ang mga ngiti nila.
"Kaya ba magselfie diyan?" tanong ni Orion kaya gumapang ako sa gitna.
Inunat ko ang mga kamay ko para subukang ilayo sa akin ang lense at makasali ang iba sa likod ko. Kaso hindi pa sapat 'yung space. "Dikit pa!" Sumandal ako kay Heroic sa likuran ko. Nagdikitan din ang mga mukha namin hanggang sa nakunan ko na ng litrato kaming lahat na nagkasya sa picture.
"Penge ako niyan! Iwawallpaper ko sa laptop ko!"
"Huy shete! Napanood niyo ba 'yung balita noong nakaraang araw? Tungkol kay Jon?" pagbubukas ni Danger.
"Sino si Jon?"
"'Yung unang misyon natin."
"Fudge! Siya ba 'yung may inimbento na nakakapagkontrol ng alaala? Nakita ko 'yun sa mga online articles," sabi ni Clark.
"Kung susubukan ko 'yung machine na 'yun, gusto kong maalala ulit itong oras na 'to," sabi ni Lawron.
"Ako, lahat ng oras na kasama kayo," sabi naman ni Clark.
"Ang corny na natin!" sigaw ni Danger kaya dinaganan siya ng iba. "Saglit! Palubog na ang araw! May tanong ako!"
"Ito na naman si Danger at ang mga tanong niya." Napailing si Forsythe.
Pumalakpak si Danger para manahimik saglit at maisingit ang katanungan niya sa katahimikan.
"Ano ang kinakatakutan niyo?"
Nag-ingay ang iba para bang nagbibigay reaksyon sa mga tinatanong ni Danger simula noon. Pero nag-iisip na ako na ng sagot dahil sa mga tanong niya, marami rin akong narerealize sa tuwing inaalala ko kung ano ang pwede kong masagot.
"Ako... hmmm... mamatay nang walang natatapos," sagot ni Orion.
"Kapag naghiwalay tayong lahat," sagot naman ni Clark.
"Wala akong maisip na sagot! Basta related sa inyo ang kinakatakutan ko." Sumunod naman si Lawron.
Inalala ko kung ano ang naging buhay ko simula noon hanggang sa makilala ko silang lahat. Pinagmasdan ko silang lahat at pumasok agad sa isipan ko na meron akong iniisip na hindi ko ata kakayanin kung mangyari sa akin.
"Wala na akong kinakatakutan. Tangina nilang lahat!" sigaw ni Heroic kaya natawa kaming lahat.
Walang nasagot si Forsythe dahil mukhang sumasang-ayon din siya sa mga sagot ng iba.
"Ikaw ba, Danger bukod sa ipis?" tanong ni Heroic.
"Si Orion ang may takot sa ipis!"
"Kapag lumilipad lang!"
Bago pa sila mag-away, pinakita na ni Heroic ang mga palad niya bilang pag-awat.
"Kinakatakutan ko? Kapag tinalikuran natin ang isa't-isa," seryosong sagot ni Danger.
"Bakit naman natin tatalikuran ang isa't-isa?" tanong ni Boss.
"Dahil hindi na tayo sigurado sa kinabukasan natin." Huminga siya nang malalim. "Kapag hindi na natin kinakaya ang pagsubok natin at sa huli, tatalikuran natin ang isa't-isa dahil hindi na iyon nakakabuti sa atin."
"Huwag kang mag-isip ng ganyan," sabi ko dahil kinakabahan ako.
"Chill! 'Yun ang worst case na naiisip ko kaya 'yun kinakatakutan ko. Pero kasal na tayong lahat kaya hindi tayo pwedeng maghiwalay," pagbabawi niya. Tama 'yan. Ikareer niya ang pagiging kasal naming lahat sa papel.
"Ikaw, Boss?"
"Hmmm." Nang lumingon ako sa kaniya, nakita kong napasulyap siya sa akin bago napasulyap sa iba. "Kapag may mangyari sa inyong masama—iyon ang pinakakinakatakutan ko. Halos kaya kong tanggapin ang mga bagay na ayaw ko basta hindi lang kayo ulit mapahamak."
"Awww! Boss!" Niyakap siya ni Clark. "Kahit hindi namin alam ang mga pinagdadaanan mo sa White Hall, alam namin na nahihirapan ka rin na magdesisyon para sa ikabubuti namin. Hindi mo man sinasabi pero simula noong nasa ilalim na kami ng White Hall ay alam naming buhay na namin ang nakataya. Pero kung inaalala ang lahat ng mga misyon na pinagdaanan natin, ang dahilan kung bakit nabubuhay pa kami ay dahil iyon sa'yo."
Niyakap din siya ni Orion na tumayo para makalapit sa kaniya. "Alam din naming hindi ka magdedesisyon na magpapahamak sa amin."
Inakbayan siya ni Forsythe. "Naaappreciate ka namin."
Biglang yumuko si Boss at nagtago sa mga bisig niya.
"Umiiyak si Boss!"
"Hala! Pinaiyak niyo!"
Nagtawanan sila at binalot ng yakap si Boss. Mukha na rin kaming burol dahil sa pag-iibabaw namin sa kaniya para makayakap siya, Si Danger nga ay humiga pa sa ibabaw namin.
Inangat saglit ni Boss ang mukha niya kaya nakita namin na umaagos ang luha sa mga mata niya. Mahina akong natawa at pinunasan ang mukha niya gamit ang panyo ko. You deserve the appreciation, Boss. Thank you for bringing out the best in us.
"Ano naman ang sagot mo, Bloom?"
Ako na lang pala ang hindi nakakasakot.
"Kinakatakutan ko?" Napaiwas ako saglit ng tingin at pinagmasdan ang palubog na araw. Muli ko silang tiningnan na kasalukuyang nakatingin sa akin.
Mahina akong natawa. "Natatakot ako na gigising ako balang araw na panaginip lang ang lahat ng ito," sagot ko.
Agad din akong nabuhayan nang maalala na kailangan namin lagyan ang capsule namin. "Nga pala! May dala kaming papel at ballpen! Magsusulat tayo ng letter at ilalagay sa time capsule natin!" Pinalakpakan ko sila para kumilos. Nilabas na rin ni Boss ang jar para lalagyan ng mga sulat.
"Danger, 'yung may sense naman," pakiusap ko kay Danger.
"Naman! Hindi naman ako maglalagay ng tite rito tapos ilang taon pa natin mabubuksan! Baka nga maiyak pa kayo sa sulat ko." Kahit maypagkaseryoso ang sagot niya, nabatukan pa siya ni Orion.
Medyo dumistansya ako para isulat ang sa akin. Nagtagal pa ata kami dahil baka hindi kasya sa isang yellow pad ang mga naisulat namin. Lalo na kay Clark na ang lalaki ng mga letra na sinulat. Pero nakakatuwa dahil sakto rin pala ang mga papel at nagtipon-tipon kami sa gitna para ilagay ang mga nakatuping sulat sa lalagyan.
"Pwedeng ilagay ko 'to?" tanong ni Heroic habang kinakalikot niya ang wallet niya. May picture pala siya namin sa White Hall noong napilay ako.
"Sige!"
Nilagay ni Danger ang isang hikaw niya para may mabalikan siya soon. Hindi naman nagpatalo si Lawron na naglagay ng maliit na rubics cube na nasa loob ng bag niya. Si Orion naman ay masyadong madiskarte at nilagyan ng pera ang letter niya. Ganun din si Clark. Si Forsythe naman ay napilitang ilagay ang relo niya para may mailagay siya.
Pinag-iisipan ko pa nang mabuti kung ano ang pwede kong mailagay. Hindi ko naman pwedeng ilagay ang singsing at relo ko. Kaya ang panyo ko na lang ang nailagay ko roon.
Si Boss na lang ang hindi pa nakapaglalagay ng gamit kaya pinanood namin siyang nag-iisip. Hanggang sa nailabas niya ang cellphone niya.
"Huwag mong sabihin—" Hindi natuloy ang sasabihin namin dahil nakahinga kami nang maluwag nang tinanggal niya ang phone case niya. Akala namin, phone niya mismo ang ilalagay niya.
Mahina akong natawa nang may makitang pera na sa loob pero pumako sa iba ang paningin ko.
'Yung sachet ng gumdrop noon.
"Huy! Grabe!"
Nagulat kami na nasa kaniya pa ang sachet na pinagsalo-salo namin noon.
Habang gulat na gulat pa kami sa nailabas ni Boss, siya na mismo ang nagsara ng jar. "Andito na ang lahat ng letters? Wala na ba kayong ilalagay pa?" tanong niya habang nilolock na ang jar.
"Boss naman eh!" Muli nilang niyakap si Boss. Natouch nang makita 'yung sachet na tinatago niya pala simula noon.
Hinukay na nila Forsythe ang lupa kung nasaan kami ngayon at nilagay na doon ang time capsule. Nang matapos, bumalik kami sa pagkaupo at pinagmasdan ang araw na binibigyan ng iba't-ibang kulay ang mga ulap hanggang sa lumubog na ito.
Tiningnan ko sila at nakawala ng isang mahinahong ngiti.
Hi Gumdrop, maybe I really dream too much that I reached to this point where I am afraid that everything good that happened in my life with you was just a dream.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com