Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 38

"Alam na ata ni Orion," sabi ko kay Boss na kasalukuyang nagbabasa sa libro niya.

"Ano ang reaksyon niya?" tanong niya nang napasulyap sa akin at binalik ang tingin sa binabasa.

"Denial stage na siya." Natawa ako. Ganun din si Boss. Gusto ko mang seryosohin pero natatawa pa rin ako na nakikita na kami ni Boss na nag-uusap paminsan sa bahay, hindi natatanggap ni Orion. Napapasigaw pa na hindi sabay walk-out.

Pinatuloy ko ang pagpapractice ko sa pagmake-up. Tapos din kasi ako sa mga gawain at nasa sala kami ngayon. Wala ring katao-tao dahil may mga lakad ang iba. Finals na rin kaya maraming groupings para sa requirements nila.

Actually, wala namang lakad si Forsythe pero umalis siya nang mapagtanto na kaming tatlo na lang sa bahay. Umalis din siya kaya kami ni Boss na lang ang nandito habang nagpapatugtog ng classic songs sa speaker. At napagtanto ko lang na sinasadya niya 'yun para magsama kami ngayon.

Hindi ko namamalayan ang pagkalunod ko sa ginagawa ko nang napatingin kay Boss na pinapanood na pala ako habang naglalagay ng make-up. Ginantihan ko rin siya ng titig bago napabuga ng tawa. "Hindi ba pantay?" Tinuro ko ang mukha ko.

Ngumiti siya at napailing.

"Ganda.."

Naningkit ang mga mata ko kahit gusto kong makawala ng tawa. "Thank you." Sa huli, napangiti na lang ako at pinatuloy na tapusin ang ginagawa ko.

Hindi nagtagal, nang napasulyap ako kay Boss, kinukuhaan na pala niya akong video sa phone niya!

"Ano ba..." Nahihiya kasi ako!

"Why? Ang ganda mo kaya!"

Pakiramdam ko, mukha na akong sasabog dahil sa pagkapula ng mukha ko. Halos mapunit na rin ang labi ko. Ang lawak na kasi ng ngiti ko!

"Ang pangit ng damit ko ngayon!" Nakaoversized white t-shirt lang ako tapos nakafull glam make-up. Mukha na akong espasol.

Tumawa si Boss at muli akong pinanood. Tinuro ko naman ang readings niya. "Baka nakalimutan mo."

Hindi niya pinutol ang tingin niya sa akin nang sinara niya ang libro. "Pwede naman mamaya."

Sa sobrang panggigigil ko sa kaniya, hinawakan ko ang buong mukha niya. Gusto kong pisilin ang mga pisngi niya na parang stuff toy pero baka masaktan siya kaya hinalikan ko ang pisngi niya. May lipstick mark na naiwan doon.

"Oh my gosh! Picture tayo!"

Tumawa siya at inangat ang phone niya. Humarap ako sa camera at sumandal sa dibdib niya. Sinandal din niya ang ulo niya sa ulo ko para ipakita ang lipstick mark. Inextend niya ang mga kamay niya para gawing landscape ang picture kaya parehas kaming ngumiti. Nang makunan niya ng picture, never akong nainlove sa picture naming dalawa hanggang ngayon.

Napatili ako dahil ang ganda ng kuha!

"May bago na namang wallpaper ang laptop ko."

Lumingon ako sa kaniya. "Hingi rin ako para sa laptop ko," sabi ko at napatango siya.

Pinagmasdan ko ang picture namin dahil ang sarap tingnan.

"Alam mo ba, halos linggo-linggo na akong nagpapalit ng wallpaper ng laptop," natatawa niyang sabi. "Let's keep it coming though."

Speaking of picture. "I have something to ask."

"Hmm?"

"What is your favorite picture of me?" I asked.

"Oh," he sounded like he has an answer for that.

Pinanood ko siyang maghanap sa phone niya habang nakasandal pa ako sa dibdib niya. Una kong napansin na ganun pa rin ang wallpaper niya: ako na may icing at humihighik noong birthday ni Lawron. Medyo nagulat din ako na hinayaan niyang makita ko ang loob ng phone niya. Iiwas sana ako ng tingin para sa privacy niya pero una kong nakita sa gallery niya ay halo-halo. May pictures ng pages ng textbooks, may pictures naming lahat, at may mga picture din akong stolen. Hindi ko talaga alam na kinukuhaan niya ako ng picture paminsan.

"Marami," sabi niya nang nags-scroll sa album ng camera niya. May napapansin din akong maganda ang kuha sa akin pero hindi niya 'yun pinipili.

Wala pa siyang nahahanap kaya lumipat siya sa ibang album.

B.

Ang pangalan ng folder at nang pinindot niya iyon, bumungad sa akin ang mga litrato ko at ibang litrato namin. Para akong nalula dahil hindi ko ineexpect na ganito pala karami ang kinuhaan niya sa amin. Simula 'yung pagpictorial namin habang nakauniform, pati na rin ang mga birthday at iba pang event na magkasama na kami.

"Marami akong favorite. Isa na rin ang wallpaper ko ngayon. Pati ito." Pinindot niya ang picture kong nagbabasa sa kusina. "Pati ito, ito pati ito.. and ito," dagdag niya habang sinaswipe ang mga litrato.

Ang dami na!

"Yours?" tanong niya kaya kinuha ang phone ko sa lamesa bago sumandal ulit sa dibdib niya.

Sinimulan ko nang kalikutin ang gallery ko. Ngayon ay nakita niya ang mga random pictures ko like sudden selfies with weird faces. Meron din akong selfie namin ni Heroic. Pati ni rin ni Danger na puro derp photos. Marami-rami rin ang groufie namin.

Although wala pa siyang sariling folder, alam ko kung saan banda ang mga picture niya sa camera roll ko.

"Here!" Pinakita ko sa kaniya ang picture niya na nakangiti. Ito 'yung kumain kami noon sa Aurelio. Ang cute niya! Para siyang baby na kumakain ng chicken! "Madami rin akong stolen." Most of them, during random events.

Pinakita ko sa kaniya ang baby pictures ko. Agad naman siyang humingi kaya sa huli, nagsend-an kami ng pictures na wala pa kami.

"What's the picture of me that when you took it, you told yourself that 'I'm lucky'" I asked. I also began to find a picture of him as my answer.

"All of them thought," he said while finding something in his gallery.

"Isa lang."

"Tatlo."

"Sige." Pumayag na ako dahil iniinsist talaga niya.

Una niyang pinakita ang picture ko noong kinuhaan niya sa DSLR, nakasuot ako ng uniform. Sunod naman niya na pinakita ang picture ko noong birthday ko at hawak ang cake ko, may mga icing din ako sa mukha. At ang panghuli, ang bago naming picture.

Napangiti ako habang dinamdam ang pagtunaw ng puso ko.

"Ito sa akin." Puro stolen ang kinuha ko lalo na't noong nagdaang buwan. May iba pang nag-aaral kami sa kusina, alas tres ng umaga.

"Can I ask something?" tanong niya.

"Go," kahit kinakabahan ako, sumagot pa rin ako. Pinapalitan ko ang wallpaper ng baby picture niya matapos ko siyang kulitin para pumayag.

"Kailan at paano mo nalaman na may feelings ka sa akin?"

Napatingin agad ako sa kaniya. Bigla lang din ako namula. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin na marami akong denial stage. "Basta kapag sumagot ako, sasagot ka rin."

Tumango siya. "Oo naman."

"Unang gabi namin dito sa bahay," panimula ko. "Late kang umuwi at naabutan mo ako sa kusina."

Napatango siya at napangiti. Parang naaalala niya ang gabing iyon.

"Hindi ko talaga maexplain 'yung nararamdaman ko kasi nakakagulat ka. Nagulat lang din ako na kalmado ka bilang isang lider. Siguro nag-expect ako na maypagkastrikto, ganun. Pero ang gaan ng pakiramdam ko sa'yo at masasabi kong napakakomportable ko sa'yo. And biglang naging interesado na ako sa'yo hanggang sa naconfirm ko noong unang beses natin sa Meritown."

"Tapos iniwasan mo ako pagkatapos," may halong pagtatampo niyang sabi.

"Kasi naman!" Napasabunot ako sa sarili ko. "Hindi ko alam ang gagawin ko! First time din ako nagkaganito! Hindi ko na nga maalala kung nagkacrush ba ako noon o puro aral lang ako. Tapos nakilala kita, ang daming denial stage ang dinaanan ko! Ang hirap kaya magkagusto sa taong kasama mo sa iisang bahay! Palagi akong nacoconscious!" reklamo ko.

Tinawanan niya lang ako at niyakap ako. Natawa na lang din ako dahil gumaan ang loob ko matapos sabihin iyon.

"Pero since then, mas lalo kong narealize na hindi ko na nakokontrol ang feelings ko sa'yo, to the point na ako na mismo ang umiiwas. Natatakot lang ako sa mga mangyayari. Nang nalaman ko na mutual ang feelings natin, parang kakayanin ko na rin. And looking back, I had good days."

Dahil nakatago ang mukha niya sa leeg ko, naramdaman kong napangiti siya.

"Ikaw? Kailan at paano?" tanong ko pabalik.

"Nakikita na kita sa labas ng White Hall, pinapanood ang rally," bulong niya.

Unti-unti akong humiwalay para tingnan siya. "Ano ulit?" Baka kasi namali ako ng rinig kahit malinaw ang narinig ko kanina.

"Ang pagkaalala ko, dalawang beses kitang nakita. Hindi kita nakalimutan simula noong nakita kita ulit sa bus, kasama si Danger dahil nakikilala ka agad."

Taimtim akong nakikinig sa kaniya.

"Since then, I was already mesmerized by you. But when the time you treated Danger's wound, I never knew that I will be more mesmerized. I still remember the word I said while watching you, beautiful," he said.

Mukha na siguro akong kamatis kung wala lang akong make-up.

"Hindi mo pa naman kilala si Danger that time pero ginamot mo ang sugat niya. I was having a bad day that time. Pero noong napanood ang nangyari sa inyo at pinalabas sa bus, narealize ko na sa oras lang na iyon ako natawa ulit."

Tinakpan ko ang mukha ko sa kahihiyan. Ewan ko ba sa tadhana at ganun ang nangyari. Nasaksihan pa ni Boss ang oras na ayaw kong maalala ulit.

Natatawa siya habang hinahawakan ang kamay ko para hindi matuloy ang pagtakip ko. "And actually.."

Bumalik din ang tingin ko sa kaniya.

"Doon nagsimula pero hindi ko pa inaacknowledge dahil itinatanggi ko pa iyon sa sarili ko. Iniisip ko na ganun talaga ang trato mo kaya dinidistract ko na lang muna ang sarili ko. Pero noong unang gabi na nagkaharap tayo sa kusina, parang hindi ko alam ang gagawin ko dahil may alam na ako tungkol sa'yo at sa iba. Hanggang sa Meritown... para akong nabuhay."

Napatitig ako sa kaniya.

"Sa totoo lang, maraming beses akong nahulog. Paulit-ulit. Hindi ko na nga nabilang."

Kumunot ang noo ko. "What do you mean?"

"Remember 4 and a half seconds?"

"4 and a half?" tanong ko, inaalala kung anong meron doon. Bago pa siya nakasagot ay naalala ko na iyon. "Ah! I remembered."

Napatango siya. "Isa 'yon." Sinuklay niya ang buhok na nakaharang sa mukha ko. "Nagkatitigan tayo at nasabi ko sa sarili ko, 'Oh, I like her' tapos marami rin ang sumunod na napapasabi ako sa sarili ko na 'Okay, I really like her'. Nakikipagdebate pa ako sa sarili ko dahil baka nadadala lang ako sa damdamin ko o ano pero habang kasama kita, walang anumang alinlangan ang bumubuo sa akin."

Bumaba ang mga dulo ng labi ko. Gusto kong umiyak sa saya ng puso ko.

"Hey.." he soflty said while reaching for my face. "Don't cry.. Masisira make-up mo," natatawa pa niyang sabi.

Niyakap ko ang leeg niya. Naramdaman ko rin ang pagyakap niya pabalik hanggang sa matapos ang kantang tumutugtog ngayon.

"Come on! Let's dance."

Habang nakayakap pa ako sa kaniya, Pinatayo niya ako at dinala sa gitna ng sala nang sumunod ang pagtugtog ng Stand By Me ni Ben E. King.

"Hindi ko alam sumayaw!" reklamo ko kay Boss pero nagsimula na siyang sumabay sa tugtog. Nagtawanan kami hanggang sa sumabay ako sa kaniya kung paano siya sumasayaw.

Palevel-up nang palevel-up ang steppings namin. Pinaikot niya ako at saktong nahilo ako saglit para matumba sa harapan niya. Sinalo niya ako kasabay ang pagbalot ng kamay niya sa akin para yakapin. Yumakap ako pabalik.

Narinig ko siyang pabulong na kinakanta sa tenga ko. "So darlin', darlin', stand by me.. oh, stand by me.."

Pumikit ako at sumabay kaming sumayaw sa tugtog habang yakap ang isa't-isa.

Tiningnan namin ang isa't-isa at napangiti. I grabbed that opportunity to stare at him. Pinagmasdan ko kung gaano siya nakakahumaling sa mga paningin ko.

"Can I kiss you?" he whispered.

Nanlaki ang mga mata ko. Para naman akong kinapusan ng hininga kaya ang lakas ng tibok ng puso ko. Wala na sigurong mas makakatunaw sa puso ko kapag humihingi siya ng consent kahit gusto ko ng surpresa sa mga bagay na 'to.

Tumango ako. Magiging pabebe pa ba ako? Si Boss na 'to!

Naramdaman ko ang pagbagal ng pagpatak ng oras. O sadyang dahan-dahan lang niyang inaangat ang mga kamay niya para hawakan ang pisngi ko. Napanood ko rin na palihim niyang kinagat ang mga labi niya habang palapit ang mukha niya sa akin. Muli kaming napatingin sa isa't-isa bago maglapat ang mga labi namin.

It felt so right.

The butterflies, the timing, the music, the moment and even the person.

It felt so good.

Even the setting is not that special since we were just wearing simple clothes like we always wear in our living room, it was everything that we wanted.

I held his face to kiss him back. We let our lips interact with our feelings. All of the seconds in this moment were already written in me. I want to remember our first kiss.

It was so magical that I see stars and sparkles with my eyes closed.

We slowly end the kiss with our soft laughter.

"'Yung labi mo.." natatawa kong sabi dahil lumipat ang lipstick ko sa kaniya. Natawa na lang din siya at hinayaang punasan ang labi niya. Hindi nga lang natanggal agad kaya muli kaming tumawa.

We looked at each other before he rests his forehead on mine.

We stayed like that for who knows how long.

Naramdaman na rin namin ang reyalidad kaya humiwalay na kami habang may dalang magaan na hangin. Balak na sana naming ayusin ang gamit namin sa lamesa nang bumukas ang pinto kaya sabay kaming napatingin doon.

Para kaming tinakasan ng kaluluwa nang makita kami ni Forsythe sa pwesto namin. Napaawang pa ang mga labi niya nang makita ang mga lipstick mark ni Boss mula sa akin. Mukha siyang nabuhusan ng malamig na tubig at hindi makagalaw.

"May umuwi na ba? Ayusin na natin ang hapagkainan habang mainit pa ang fried chicken."

Kami naman ang mukhang binuhusan ng tubig nang marinig ang boses ni Heroic mula sa labas.

Lumabas ulit si Forsythe at sinara ang pintuan para hindi agad makapasok si Heroic. Natauhan din kami ni Boss kaya mabilis kaming kumilos para linisin ang gamit namin sa lamesa pero may kailangan pa pala kaming unahin.

"Punas!" mariin kong utos kay Boss na natatarantang ligpitin ang mga libro niya. Sa sobrang pagtataranta niya, may nahulog na puting kahon mula sa bulsa niya pero agad niyang kinuha 'yun. Nilapit niya ang mukha niya sa akin para burahin ko gamit ang nakuha kong tissue pero hindi natatanggal dahil hindi pa pala nalalagyan ng make-up remover. Kumalat tuloy sa pisngi at labi niya.

Tuluyan nang bumukas ang pinto kaya hindi na namin pinatuloy ang paglinis ng mukha niya. Kumaripas na siya patakbo sa taas.

Humarap ako kina Heroic at nagpanggap na walang nangyari.

"Kumain na ba kayo? Kain na tayo o hintayin natin ang iba?" tanong niya habang sumusunod sa kaniya si Forsythe na naniningkit ang mga mata.

"Gutom na rin ako eh. Mukhang gabi pa makakauwi ang iba dahil may tinatapos sila sa subjects nila."

"Sige, maghahanda na ako sa lamesa."

"Tulungan na kita!" Kasi hindi ako mapapakale kung tutunganga lang ako na grabe ang kabog ng puso ko.

Naghanda kami sa lamesa. Nakakapangamba lang kasi grabe makapigil ng tawa si Forsythe.

"Sino ang kasama mo rito?" tanong ni Heroic nang handa na ang lamesa.

"Si Boss, nasa kwarto," mabilis kong sagot.

"Sige, tawagin niyo siya para sabay-sabay na tayong kumain."

Pero bago pa ako makatayo ay kabababa pa lang ni Boss mula sa itaas at... may suot na face mask.

Nagtaka kaming lahat.

"Anong nangyari sa'yo?" tanong ni Heroic at grabe ang kunot ng noo. Sino ba naman kasi ang magsusuot ng face mask sa bahay?

Naalala ko na hindi pala matanggal ang marka ng lipstick ko matapos ang nangyari kanina.

Si Forsythe naman ay tuluyang napatago sa kamay niya, tinago ang mga mata.

"Ah.." Hinawakan ni Boss ang face mask niya. "May sakit ata ako.." Hindi bagay sa kaniya ang mga ganyang palusot!

"Kumain ka muna bago uminom ng gamot," sabi ni Heroic.

"Baka sa kwarto na lang muna ako para matulog."

Mas lalong napayuko si Forsythe para pigilan ang tawa niya.

"Sige, magluluto rin ako ng lugaw para makainom ka ng gamot. Dadalhin namin sa kwarto mo. Magpahinga ka muna." Tumayo si Heroic at papasok sana sa kusina.

"Hindi!" pigil ni Boss. Tiningnan naman siya ni Heroic na napatigil sa pagsuot ng apron. "Okay lang ako. Huwag na lang. Itutulog ko na lang 'to. Kumain na kayo."

"Hindi." Umiling si Heroic. "Forsythe, Bloom, ibalik niyo si Boss sa kwarto. Ipapadala rin mamaya ang lugaw para makakain siya. Ihahanda ko rin ang gamot." At tuluyan na siyang pumunta sa kusina.

Hindi kami nakagalaw sa nangyari. Hanggang si Forsythe na ang nakabasag ng katahimikan sa pagpalo niya ng lamesa para pakawalan ang tawa na hindi makawala sa bibig niya. Napatayo na rin siya para lumapit sa amin na parang nalalantang gulay sa pwesto namin.

Habang paakyat sa kwarto, pumagitna si Forsythe at inakbayan kaming dalawa ni Boss. "What a cute mess." At pinakawalan ang mas malakas na tawa.

---

Nagpatuloy ang mga araw na parang normal lang. Mas lalo lang sigurong nabusy dahil 2nd semester na at naghahanda na para sa 4th year next school year. Bumalik na rin kami sa kusina para magstudy kasama sila Orion, Clark at Lawron. Sumama na rin sa amin si Boss kaya nadagdagan kami ng kasipagan lalo na't parang umaalingasaw ang inspirasyon mula sa kaniya.

Kaya napapag-aral kami nang mabuti dahil seryosong nag-aaral si Boss. Dapat kami rin ay seryoso sa pinag-aaralan namin.

Ilang gabing ganun pero may gabi rin kaming nagpapahinga. Napapadalas din ang inuman namin kapag ang isa sa amin ay masama ang loob or something. Paminsan, nagkakaayaan lang.

Ang pagkakaalam ko, ang huli naming inuman ay muntikang bumagsak sa exam si Orion. Kinabukasan, nakamove-on agad siya dahil mas inuna ang hangover, mukhang nakalimutan na.

Nakakatuwa lang din dahil madali na kaming makamove-on sa mga negang ganap sa school.

Mukhang may kulang sa amin ngayon.

"Nasaan si Danger?" tanong ko sa mga tao sa sala. Bihira ko rin makita si Danger nitong nagdaang araw kaya nakakabahala.

"Noground," sagot ni Forsythe habang may inaayos sa laptop niya.

Kumunot ang mukha ko. "Mukhang palagi na siyang nandoon."

Napatigil saglit si Heroic sa ginagawa niyang project na scrapbook. "Sinabihan na namin siya ni Orion noong nakaraan dahil 6 AM na umuwi. Pinakawalan din namin dahil inaantok na raw siya."

"6 AM?!" napalakas ang boses ko. Parang sumusobra na siya.

"Kinausap ko kanina bago siya umalis sa bahay. Parang hindi nga ako narinig," sabi ni Orion.

"Kauspin mo nga, Jennifer, baka makinig sa'yo," sabi ni Heroic. Magrereklamo sana ako sa tinawag niya sa akin pero napaisip din ako ng pagkakataon para makausap si Danger. Baka may problema siya o ano.

"Si Jon oh," tinuro ni Lawron ang TV kaya napatingin kaming lahat doon. Andoon nga si Jon at binalita ang tungkol sa progress ng imbensyon niya. As usual, maraming kumokontra at pinapatigil siya. Ilang linggo na rin ang nakalipas na palagi siyang binabalita. Marami ring naghihintay kung magiging successful ba ang ginawa niya o ano. Ang huli kong nabasa sa online article ay naghahanap sila ng bonafide subject para sa clinical experiment.

Inaabangan din namin ang bawat progress na nangyayari sa MX-0103—pinangalan na niya ang device.

Sumunod na balita ang malapit na filing of candidacy sa Nodawn City.

"Hala shet, mag-e-election na pala," sabi ni Lawron. "Pati sa University."

"Alam niyo ba 'yung myth kapag nagsabay ang election ng Nodawn City at 'yung University?" tanong ni Heroic.

"Narinig ko na 'yun!" sabi ni Clark. "Kailangang iendorse ng school sa pamumuno ng nanalong University Student Council President ang isang Nodawn na tatakbo. Kung hindi, harap-harapan itong babarilin. Kaya simula dati, kapag nagsasabay ang election ng Univ at siyudad, palaging Nodawn ang ineendorse ng University dahil may hitman na nakaabang sa president tuwing proclamation."

Napaawang ang labi ko. Narinig ko na dati na may myth pero hindi ko alam na ganun kalala.

"Narinig ko rin na walang nagbabalak tumakbo ngayong election sa school kasi election din sa Nodawn," sabi ni Forsythe.

Tumitig lang ako sa TV. Hindi ko talaga madistinguish kung ano ang eksaktong tumatakbo sa isipan ko. Hindi pa nga ako natatauhan pero may masama akong naramdaman. May bumubuo sa aking masama na kutob kaya pilit kong gisingin ang diwa ko. Hindi ko hahayaan na makaisip ng iba. Hangga't nakokontrol ko pa ang sarili ko, hindi ko hahayaang malunod ulit ang sarili ko sa anumang negatibong posibilidad lalo na't sa panahon ngayon.

"Bloom, ayos ka lang?"

Hindi nakakagalaw ang katawan ko pero lumipat ang tingin ko sa mga tao sa harapan ko. Medyo natauhan din ako sa boses ni Clark kaya nag-iisip na ako ng maisasagot. "Uhm, oo."

"Seryoso? Namumutla ka," sabi ni Orion.

Kung saan ko binaling-baling ang ulo ko hanggang sa napasulyap kay Boss na nakatingin pala sa akin, nag-aalala.

Kumurap ako at palihim na umiling. "Gusto ko ng dumplings.." mahina kong sabi, ni hindi ko alam kung saan nanggaling 'yun. Parang nasa sistema ko na ang natural na pagpapalusot.

Nagpaalam ako para mag-ayos ng gamit. Mabuti na lang ay hindi na nila ako tinanong dahil wala na akong maisip na sagot.

Inayos ko ang pagkatupi ng damit ko sa cabinet. Hindi rin ako nakuntento, pati na rin ang mismong kwarto ko ay nilinis ko na rin. Hindi ako mahilig tumugtog habang may ginagawa pero malakas ang classical music ko ngayon kaya hindi ko naririnig kung may tumatawag ba sa akin sa labas. Siguro, naiisip nila na busy talaga ako.

Nagpahinga ako sa vanity table ko habang nilalaro ko ang mga lipstick ko. Ngayon ko lang kasi napansin na marami na akong nabili. Pinagpapatong-patong ko na lang ito habang hinihintay na matapos ang playlist ko dahil isang kanta na lang bago matapos ang mahigit dalawang oras na tugtog.

Inayos ko na ang sarili ko pagkatapos tumahimik ang paligid ko. Napanganga na lang ako na hatinggabi na pala.

Para akong nawala saglit. Parang kanina lang ay ang bagal-bagal ng oras tapos ngayon, ang bilis lang ng lumipas?

Natauhan ako nang may kumatok nang isang beses sa pinto ko. Saktong paglingon ko, bumukas iyon at nakita ko si Boss na sumilip sa loob ng kwarto.

"Hi!" bati ko. "Pasok ka." Mabuti na lang at malinis na ang kwarto ko. Kaso ako naman ang marumi dahil sa pawis at alikabok.

Pumasok siya. Tatalikod sana ako saglit pero napatingin ulit ako nang makita na may dala siyang Chinese food. "Kain tayo."

Hindi pa nagsisink-in sa akin lahat lalo na't narinig niya ang pagsabi ko ng gusto ko ng dumplings kahit mahina lang 'yun.

"Saan mo gusto kumain?" tanong pa niya.

"Sa terrace mo," sagot ko dahil mukhang masarap kumain habang pinapanood ang kalangitan ngayon.

"Okay."

"Pero maliligo muna ako saglit kasi katatapos ko lang maglinis."

"Sure. Maghahanda ako roon."

Tumango ako at doon na niya sinara ang pintuan.

Dinalian ko ang pagligo para marami pa ang oras namin. Kaya pagkatapos kong magblower ng buhok, tumakbo agad ako papunta sa kwarto niya. Napatagal din ako sa pagpapatuyo ng buhok.

Sinigurado kong walang ibang tao sa labas bago pumasok sa kwarto niya. Para na rin ako nakahinga nang maluwag nang makarating sa terrace kung nasaan siya. Nakahanda na ang pagkain at kasalukuyang may tinitipa sa laptop niya.

"I'm here!" bati ko kaya agad siyang napatingin sa akin.

"Hi! Come on, let's eat."

Tumabi ako sa kaniya. Siya na mismo ang naghanda ng makakain sa harapan ko at pinanood ko lang siyang hainan ako ng pagkain. Saglit siyang napatingin sa akin. "Are you alright? Is there something bothering you?"

Ngumiti ako at umiling. "Thank you," sabi ko at sabay na sana kaming kakain pero nakatingin pa rin siya sa akin.

"I thought, we will be honest with each other?"

Right.

"Masama lang ang kutob ko," mahinang sabi ko. "Siguro, sa panahon lang."

Naramdaman kong walang masabi si Boss. Ngumiti na lang ako sa kaniya at tinapik ang tuktok ng ulo niya.

"May pantali ka ba?" Napansin niya siguro na medyo nagkakagulo ang buhok ko dahil katutuyo ko pa lang.

"Here." Pinakita ko ang pulso ko. "Bakit? Tatalian mo ako?"

Tumango siya.

Mahina akong natawa at binigay sa kaniya ang tali. Nakakatuwa dahil pursigido siyang matuto sa pagtali ng buhok. Matapos ang trial and errors, maayos na ang pagkatali niya.

"Good job! Kain na tayo," aya ko.

Nakita kong yumuko muna siya bago magsimulang kumain. Hindi ko mapiglang mapangiti. Nagdadasal siya muna bago kumain. Naging kinagawian ko na rin na tuwing kumakain kaming dalawa ay may oras kami na magpasalamat.

Gumagaan na rin ang pakiramdam ko habang nalalasahan 'yung dumplings. Hanggang sa napansin kong napapasulyap siya sa akin. Ginantihan ko siya ng tingin kaya siya naman ang napaiwas ng tingin para ipagpatuloy ang pagkain niya.

I really liked the silence.

But something crossed into my mind.

"Boss, kailan ang birthday mo?" diretso kong tanong.

Sinubukan ko rin naman alamin pero wala akong mahanap. Hindi ko alam pero mukhang napapersonal na iyon. Napapaisip din ako na mahigit dalawang taon na kaming magkakasama lahat, maasikaso siya sa mga birthday namin. Lately lang naming napansin na hindi pa namin nacecelebrate ang birthday niya. Pakiramdam kasi namin, matagal-tagal pa. Pero hindi namin namamalayan na hindi pa lumilipas dahil wala rin kaming alam.

Ngayon, gusto kong malaman mula sa kaniya.

Napatitig siya sa akin bago napaiwas ng tingin. "I.. don't know."

Kumunot ang noo ko. Gusto kong ipaulit pero malinaw ang pagkadinig ko sa sinabi niya.

"What do you mean?" mahina kong tanong.

Binaba niya muna ang noodles na kinakain niya para buksan ang laptop niya.

"Hindi ko alam," ulit niya at pinakita sa akin ang scanned copy ng birth certificate niya. Nanlaki ang mga mata ko nang may itim na tatak na may nakasulat na confidential ang pangalan ng mother niya. Pati rin ang date and place of birth. Posible ba 'to? Pwede ba 'to sa pagregister ng citizenship sa White Hall?

Ningitian niya ako saka sinara ang laptop.

"Oh," ang tanging nasabi ko dahil hindi ko na mahanap ang dila ko.

Pinagpatuloy namin ang pagkain hanggang sa mas lalong nanaig ang katahimikan.

"Bloom," tawag niya bigla dahil nauna siyang natapos.

"Hmmm?"

Huling subo ko na sana ng noodles nang nagtanong siya, "Do I bore you?"

Muntikan akong mabilaukan.

"Sorry! Sorry!" Kumuha siya ng tissue at tinutulungan na punasan ang labi ko. "I just wanna ask if you feel bored since I noticed myself that I am too simple. Baka kasi naboboring-an ka na. You can tell me. O kung may gusto kang gawin, pwede naman nating gawin."

"Wait." Pinunasan ko ang mga labi ko. "Gaano na 'yan katagal sa'yo? 'Yung thought mo na 'yan?" tanong ko. Kasi wala naman akong iniisip na iba simula noon. Ngayon na binuksan niya 'yan, napaisip ako na baka bumabagabag sa kaniya 'yun.

"Hindi ko alam. It just pops up all of a sudden."

Napatitig ako sa kaniya habang cinoconstruct ang sagot ko. Easy naman sumagot ng hindi. Pero gusto kong sumagot ng iba.

"You never bore me," I said. "It's true that we are in our simpliest but it never made me uninterested. I'd rather be with you. In every thing."

Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya bago sinuklay ang buhok niya pataas.

"If those words didn't convince you, then let's be boring together. Let's be in our simpliest together. Anything exciting or not. Through the betterness and the worst of everything."

I didn't expect to give a vow after eating Chinese food.

"The worst.." he whispered.

Tumango ako. "'Yung kaya pa natin..." nahihiya kong dagdag dahil hindi rin ako sigurado sa mga susunod na mangyari.

Tumango rin siya pabalik at hinawakan din ang magkabilang pisngi ko.

"I have something to give you," he said.

Pinanood ko siyang tumayo at naglakad pabalik sa loob ng kwarto niya. Nagsimula na akong mag-isip-isip kung ano kaya ang ibibigay niya. Wala pa ngang pumapasok sa isipan ko, bumalik na siya at nakita kong may hawak siyang puting box. Bumalik siya sa upuan saka binuksan ang hawak niya.

Kuminang ang isang gold na kwintas na may cursive B na pendant.

Naramdaman kong natunaw ang puso ko.

"I was about to give you this before but they got home early. Kinailangan ko pang magsuot ng face mask for almost 3 days dahil hindi agad natatanggal ang mantsa ng lipstick at kahit todo-layo sila Lawron at Clark sa akin dahil takot mahawaan, 'yun ang pinakamagandang nangyari sa akin."

Tinanggal na niya ang kwintas mula sa box kaya tumalikod ako agad para maisuot niya sa akin.

When my skin felt the pendant touching my chest, it was one of the best feeling.

Hinawakan ko iyon habang nilingon pabalik si Boss. Kahit amoy pagkain pa kami ngayon, hindi iyon ang naging hadlang para hindi ko siya mayakap.

"Thank you!"

"Whatever happens, I will be the first one to hug you.." he whispered. "I will be with you... always."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com