Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 41

I should have called them. I should have took the risk to call them even once a week.. even once a month... or even.. once. Pero makakaaccess din naman ang gobyerno sa mga tawag mula sa labas ng Nodawn City kaya baka malala pa ang mangyari.

Bakit?

May mas ikakalala pa ba ang nangyari ngayon sa magulang ko?

Pero imposible.

Parang grabe naman.

Parang grabe na talaga...

Hindi ko alam. Baka nananaginip ako? Baka nananaginip lang talaga ako? O baka mali lang pagkarinig ko? Mali na ba ang pagkaintindi ko kung paano ang takbo ng buhay?

Masyadong maaga para mangyari sa akin ang lahat ng ito.

Kaso.. imposible.

Para namang sumobra.

Hindi ko namamalayan na nakarating na ako sa parking lot. Nadaanan ko ang mga taong nagbubulungan habang pinapanood akong maglakad. Hindi ko man maramdaman ang sarili kong katawan pero binubuhay ang kamalayan ko tuwing may mga matang nakatingin sa akin.

Sumisikip lalo ang dibdib ko.

Gusto kong umuwi..

Gusto kong umuwi sa amin.

"Bloom!"

Lumingon ako at nakita ko si Boss na tumatakbo palapit sa akin, mukhang alam na ang balita. Sino ba naman ang hindi malalaman nang lahat na ata ng tao sa university ay pinag-uusapan iyon?

Niyakap niya ako. "Kinausap ko ang White Hall. Kung totoo ba iyon. Kakausapin ko rin ang mga opsiyal para humingi ng tulong."

Unti-unti akong humiwalay. "Gusto kong umuwi." Mukhang hindi ko na kaya.

"Bloom.." bulong niya at nakatitig sa mga mata kong hindi man lang makatingin nang diretso sa kaniya.

"Parang imposible eh.." Nilabas ko ang mga bumubuo sa utak ko. "Parang grabe naman ang nangyayari sa akin. Napakaimposible." Paulit-ulit na naman ang mga salita ko.

Boss lost his words. I guess, he didn't know what to say.

And I.. I don't know.

"I want to go home."

Hinatid niya ako pauwi kahit wala pa ang iba. Hindi ko na kaya ang mga tingin ng mga tao sa akin. Pumikit na lang ako buong biyahe habang naririnig si Boss na sumasagot ng mga tawag ni Heroic.

Alam na nilang lahat.

Nang nakauwi na kami, mabibigat ang mga hakbang ko.

"You can talk to me. Makikinig ako." Narinig ko si Boss na sinusundan ako.

Nanghihina akong lumingon. "Boss, gusto ko munang mapag-isa." Kasi hindi na ako makaiyak. Ubos na ubos na ako.

Tumango siya at hinayaan na akong pumunta sa kwarto ko. Pagkasara ng pintuan, nagpalamon ako sa kadiliman. Umupo ako sa sahig at niyakap ang mga tuhod ko.

Hindi ko na alam kung saan na tumatakbo ang utak ko, Wala na akong naiisip para sa kinabukasan ko. Nagdadalawang-isip na rin ako sa mga desisyon sa buhay ko. Hindi ko alam kung kanino ko isisisi ang lahat ng mga nangyari sa akin. Wala na akong maisip para magpagaan para sa sarili kong nararamdaman.

Walang lumalabas na luha.

Nararamdaman ko na ang pagkabigat ng mundo ko.

Pagsubok pa ba ito?

O parusa?

Ano ba ang ginawa ko para parusahan ako?

Hindi man ako nakaidlip. Ni hindi na ako makapikit. Nanatili lang akong nakatitig sa dilim.

Ano pa bang silbi ng buhay ko? Sunod-sunod naman din ang mga malas sa buhay ko. Dahil din siguro sa pangalan ko. O baka sa mismong sarili ko.

Panigurado naman na susunod na ang mga masamang mangyayari sa amin. Ito na rin siguro ang pinakamasamang nangyari sa buhay ko.

Wala na akong malay kung anong oras na. Ang alam ko lang ay gusto kong umuwi sa amin. Sa bahay namin.

Mom, Dad, nagsisisi na ako sa buhay ko.

Nagsisisi na ako.

Lahat.

Hindi ko na alam.

Hindi na tumitigil ang sakit.

Gusto kong umalis.

Hindi ko na talaga alam..

Marami na akong nagawang hindi maganda.

Tumayo na ako para lumabas ng kwarto. Pagbukas ko ng pintuan, nakita ko si Boss na nakaupo pala sa sahig at mukhang pintuan lang ang naging pagitan naming sa nagdaang oras.

"Do you want something? Gusto mo bang kumain?"

Wala. Dinaanan ko siya at bumaba ng hagdanan.

"Saan ka pupunta? You can talk to me. Bloom."

Pagkarating ko sa sala, nakita kong nakaupo sila Heroic, Forsythe, Clark, Orion, at Lawron at sabay-sabay na napatingin sa akin.

Pasikip nang pasikip lalo ang paghinga ko. Sinubukan kong maglakad palayo pero hinarangan ni Forsythe ang dinadaanan ko. "Saan ka pupunta?"

"Please."

"Bloom, we feel your pain.. you can let it all out.."

"Oh ano? Iiyak lang ako. Tapos?" Tiningnan ko silang lahat. Tila may sumabog sa puso ko at nagsimulang mandilim ang paningin ko. "Babalik ba ang buhay ng magulang ko?"

Walang sumagot sa akin kaya napaangat ang tingin ko. "Ilang araw na akong umiiyak. Ilang araw nauubos ang luha ko pero palala lang nang palala ang mga nangyayari."

"Hindi rin naman natin kontrol—"

"Eh 'di manahimik!" sumigaw ako. Ayaw ko nang makarinig pa ng kung anong pagcocomfort dahil wala nang epekto sa akin. "Halos buong buhay ko, umiikot sa hirap at pagod sa lugar na ito! Ngayon na nasa ilalim ako ng pamamahalang kinamumuhian ko na hindi man lang alam ng magulang ko, naiisip ko rin na ako rin naman pala ang may kasalanan kung anong nangyayari sa akin!"

"Kumalma ka.." Hahawakan sana ni Forsythe ang braso ko pero tinakwil ko ito. Sinubukan pa niya akong ipahinahon pero tinulak ko siya palayo.

"Dapat nga talaga, hindi ko na kayo pinigilan na umalis sa grupong ito. Sana hinayaan kong mabuwag ang grupo na ito! Sana hindi ito ang nangyayari sa akin!"

"Bloom, huwag mong sabihin iyan.." Tumayo si Heroic.

"Totoo naman talaga! Lahat ng nangyayari, kasalanan ko! Sana umalis na lang din ako! Bahala na kung magdrop ako pero ayaw kong sakalin ako ng gobyerno lalo na't hindi ko man lang makikita ang mga magulang ko kahit man lang ang bangkay nila!"

Mas lalo silang nanahimik.

At sa katahimikan na iyon, naramdaman kong dapat na rin akong magsalita.

"Bloom.." pagtatawag nila nang naglakad na ako palabas ng bahay.

"Bitiwan niyo ako!" Maraming kamay na ang pumipigil sa aking makalabas. "Hayaan niyo nga akong magsalita! Kailangan nang ilabas ang baho ng White Hall! Wala na ring patutunguhan itong nangyayari sa atin!" Sinubukan kong pumiglas pero mahigpit ang yakap sa akin ni Lawron. Si Forsythe naman ay hindi ako mahawakan kahit gustong-gusto niya akong pigilan. "Putang ina!" sigaw ko at muling pumiglas.

"Bloom.. please.. please.." Humarap sa akin si Boss at hinawakan ang mukha ko para pakalmahin ako. "Everything will be alright.. please.. believe me.."

Nanghina ako kaya muli nila akong pinapasok sa loob ng bahay.

Hindi ako makapaniwala.

Everything? Will be alright?

"I can't believe you.." I whispered. "My parents died.. Ngayon, hindi pa natin alam kung mabubuhay pa tayo sa mga susunod na araw.. Danger almost died.. Everything will be alright?"

Mas lalo akong pumiglas at nagpumilit lumabas ng bahay. "Eh 'di tanginang buhay na 'to! Bakit kailangan pa nating magtiis?! Hanggang kailan pa itong kaputanginahang nangyayari sa atin!"

"Kumalma ka, Bloom!"

"Leche! Kakalma pa ako? Naririnig niyo ba ang sarili niyo!?! Putangina niyo! Bakit ba hindi niyo ako maintindihan?! Kahit kaunting pag-iintindi lang sa akin! Nagmamakaawa ako sa inyo! Kung mahirap man intindihin ako, mas mabuting umalis na lang ako! Pesteng buhay na 'to dapat dati ko pa 'to naisip! Bitawan niyo nga ako!" sigaw ko at pilit silang tinutulak palayo.

Rinig ko ang pagmamakaawa nila habang naglalakad palayo pero pilit akong pinapakalma ni Boss. "I'm sorry, Bloom. Please don't do this.. please I'm begging you."

Puro mura na ang lumalabas sa bibig ko habang tinatanggal ang mga kamay nila.

"Fuck you all! Fuck you!" I screamed on the top of my lungs. I was raging. I was screaming. I could feel my throat scratching in pain.

Bago pa man ako makalabas ng gate, may mahigpit na humawak sa braso ko.

"Heroic! Nasasaktan mo siya!"

"Puta! BITAW!" napakalakas kong sigaw at halos umupo sa sahig para hindi ako madala sa lakas ng hatak ni Heroic.

"Heroic!"

"Don't touch me!" Kumapit ako sa nadadaanan naming mahahawakan ko kaso masyadong malakas si Heroic na dahilan na magpanic ang ibang pumipigil sa amin.

"BITAW SABI EH!" sigaw ko lalo at buong lakas na hinablot ang sarili ko mula sa kaniya. Dumulas ang hawak niya kaya dali-dali akong tumakbo paalis pero hinarangan ni Boss ang dinadaanan ko at malambot na hinawakan ang mga braso ko para iharap sa kaniya.

"Bloom, parang awa mo na."

"AALIS AKO! Putangina niyo! Bitawan niyo nga ako sabi!" Malakas ko silang tinulak para makaalis ako pero hindi na nagpatinag si Boss at pinanatili akong nakatayo sa harapan niya.

Hindi na tumitigil ang katawan ko na tanggalin ang mga hawak nila sa akin. Kaso muli akong nahatak ni Heroic kaya marahan akong pumipiglas habang sumisigaw na bitawan nila ako.

Nang dumaan kami sa hapagainan, naramdaman kong binuhos ni Heroic sa mukha ko ang tubig sa pitsel.

"Heroic!"

Mas lalo akong nagalit sa ginawa niya kaya halos kalmutin ko na siya para tanggalin ang pagkahawak niya. Kaso mas lalo lang niyang hinigpitan at hinarap lalo sa kaniya.

"Gumising ka," seryoso niyang sabi.

"Putangina! Bitawan mo nga ako!"

Mas lalo niyang binuhos sa akin ang tubig kaya mas lalong dumilim ang paningin ko.

Nawala na ako sa katinuan at naalala kong mas lalo kong nailabas ang lakas ko. Nakipaglaban ako sa lakas niya para lang mabitawan at makatakas ako kaso nakakarinig ako ng sigawan nang pinasok niya ako sa CR.

"Heroic! Huwag!"

"Heroic! Anong gagawin mo?!"

"Tangina! Heroic, tama na!"

Sunod na sunod na katok mula sa pinto na siyang nagpapaingay sa buong paligid. Nakakabingi. At heto rin ako, nakikipaglaban sa ingay.

"Gumising ka, Bloom. Gumising ka," paulit-ulit niyang bulong.

"Parang awa, gusto kong umalis!" sigaw ko.

Lamig.

Natigilan ako nang naramdaman ko ang dumadaloy na tubig mula sa tuktok ng ulo ko. Nanlamig nang tuluyan ang mga kamay ko at naiwan ito sa ere. Nang tuluyang nabasa ang buong mukha ko, para akong dumilat at naaninag si Heroic na basa na rin sa harapan ko habang hawak-hawak ang magkabilang bisig ko. Nasa ilalim ako ng dumadaloy na tubig kasabay ay paggising ng malay na hindi ko naramdaman mula kanina.

Tumigil saglit ang paghinga ko. Pabagal nang pabagal ang pagtibok ng puso ko.

Sumabay ang mga luha sa agos ng tubig sa mukha ko.

Umiiyak na ulit ako.

Sa wakas.

"Alam naming mahirap at masakit..." bulong ni Heroic. "...pero andito pa kami. Hindi pa tapos ang laban."

Napapikit ako nang binalot niya ako sa yakap niya.

Nakawala ako ng isang mabigat na hininga at tuluyang napahagulgol.

"Heroic.. 'yung mga magulang ko.."

"Wala nang hirap.. wala nang sakit.."

"Paano naman ako... iniwan nila ako.."

"Hindi ka namin iiwan, hmm? I'm sorry."

We are crying.

The door opened and all of us are crying.

"Kung pwede lang kunin lahat ang sakit na nararamdaman mo ngayon," bulong pa ni Heroic at binigyan ako ng mas mahigit na yakap.

"We love you, Bloom.. We really love you.."

And I felt all of them hugging me even though the water is still running, while still wearing our uniform.

I am not alone.

I started letting out soft breaths. The wound started to stitch up. However, it will take time to heal.

We stayed inside for who knows long.

I fell asleep in Heroic's arms. I can't even breathe properly after crying so hard.

Unti-unti akong nagkamalay at napagtanto na nakasandal ako kay Heroic na nakasandal na sa dingding ng CR. Sina Forsythe ay nakaupo na rin sa sahig at nakaidlip, maliban kay Boss na napaayos ng upo nang makita akong nagising na.

"I want to rest," nanghihina kong sabi.

Napaayos na ng upo si Heroic at inayos ang tuwalyang nakayakap sa akin.

"Let's go to your room," Boss sofly said and assisting us to stand up.

"I'm sorry..." I'm sorry that I shouted at you. I'm sorry that I cursed at you. That was not me.

"Shhh. I'm sorry," he also said. "I will be always with you," he whispered.

Bumagsak ako sa dibdib niya dahil nanlalamig na ako. Agad niya akong niyakap at inalalayan na nila akong lumabas.

Sabay-sabay kaming lumabas na basa mula sa CR.

Napatigil kami nang bumukas ang pintuan at pumasok si Danger na nagmamadaling tanggalin ang bulak sa mga bisig niya. Alam na alam ko na hindi pa siya gaanong magaling at halatang tumakas siya sa ospital.

Tiningnan niya agad ako. Nagsimula na siyang umiyak nang napaluhod sa harapan namin.

Akala ko, ubos na ang lahat ng luha sa katawan ko pero lumapit ako sa kaniya. Niyakap ko siya at sinabayan siyang humikbi. Hindi nagtagal, muli kaming binalutan ng yakap.

Napuno ng mga iyak at hikbi namin ang bawat sulok ng bahay.

Wala na akong maalala pero alam kong pagod ang buong katawan ko.

I have never been physically, mentally, and emotionally drained like now. It felt like I was broken. I can't function well.

Kahit nga pagtulog, mabigat pa rin.

Hindi ako pumasok sa school. Hindi ko talaga kayang gumalaw. Gusto kong matulog buong linggo. Kung pwede nga lang, hindi ako gumising hangga't hindi pa humuhupa ang sakit na nagpapalunod sa akin.

Wala na akong kaalam-alam kung anong oras na. Naalimpungatan na lang ako nang may naramdaman na may kasama ako sa kwarto ngayon.

Unti-unti akong dumilat. Nanghina ako nang makita si Danger na nakaupo sa kama ko, hinihintay pala niya akong magising. Nauna ang pag-aalala ko. May mga pasa at hindi pa gaanong gumagaling ang mga sugat niya. Tapos andito siya sa amin ngayon. Hindi ko inaakalang papansinin pa niya ako.

"Sorry.." panimula niya. Huminga siya nang malalim at humiga sa space sa tabi ko. Para tuloy siyang nagsastargazing sa kisame ko dahil may glow in the dark stars akong dinikit doon. "Ang gago ko naman na sinabi kong kinakatakutan kong baka magtalikuran tayo. Kaso wala na akong magawa. Kailangan kong dumistansya lalo na't pinagkakainitan ang pamilya namin dahil mag-eeleksyon ngayon."

Sumilip siya sa aking nakatingin sa kaniya at nakikinig sa mga sinasabi niya. "Para akong pinupunit. Ayaw ko kayong madamay kaya gumagawa ako ng paraan para putulin ko ang sarili ko sa inyo bago kayo madamay sa nangyayari sa amin. Sinasabihan na ako ni Tatay na sumama muna sa kanila dahil lalayo muna kami sa town proper habang pabukas na ang filing of candidacy. Marami kasing lumalabas na mga kwento na hindi naman katotohanan kaya nagagalit ang iba nang naririnig nilang tatakbo si Tatay kahit hindi naman totoo. Kahit ang mga tao sa Noground, nagdadalawang-isip na kung pagtitiwalaan pa ba ako nang may lumalabas na naman na issue tungkol sa pangungurakot daw ng Tatay ko na wala namang katotohanan. 'Yung iba naman ay inaaway na ako. Nahihirapan din ako noong panahon na 'yun dahil sinusubukan ko namang ayusin kaso mahirap lang palang sarilihin lang. Sana kinausap ko kayo. Kaso napapaisip ako na ayaw ko nang dumagdag. Kaya sumandal ako kay Wonder."

Napaayos ako ng higa nang marinig si Wonder mula sa kaniya.

"Ngayon ko lang siguro sasabihin 'to.." Napapikit siya. "Gustong-gusto ko na talaga siya."

"Halata naman," komento ko kaya napatingin siya sa akin.

Nakawala siya nang mahinang tawa. Akala mo naman, hindi sugatan ang mukha. "Nagdrop siya."

Binagsakan ang mukha ko. "Ano?" Baka kasi mali pagkarinig ko.

"Tumigil siya sa pag-aaral dahil wala na siyang pambayad sa pag-aaral."

"What the fuck?" Sinubukan kong bumangon.

Mahina akong pinigilan ni Danger at muling pinahiga sa higaan ko. "Huwag ka nang bumangon. Parehas tayong nanghihina ngayon."

"Nagdrop siya?!" pag-uulit ko. Kaya pala hindi ko na siya nakikita sa University!

Tumango si Danger. "Sobrang sama ng pakiramdam ko. Noong panahon siya ang nagcocomfort sa akin, may pinagdadaanan na pala siya." Tinakpan niya ang mga mata niya sa pamamagitan ng bisig niya. "Alam mo ba? Nagmakaawa akong ako ang magbabayad ng tuition niya. Basta huwag siyang tumigil sa pag-aaral. Ako na ang bahala sa paggagastos basta sabay kaming maggraduate. Isasama ko siya sa atin kung umalis dito sa Nodawn kaso hindi na siya nagpakita simula dati at iniwan ang phone niya sa sasakyan ko. 'Yung nakita mong puting phone na hawak ko dati? Sa kaniya 'yun. Sinasadya niyang iniwan dahil andoon ang lahat ng sulat niya para sa akin at lahat ng litrato namin."

"Danger.." Tinapik ko ang balikat niya bilang pagpaparamdam sa kaniya na hindi siya nag-iisa sa oras na ito.

"Ampapanget ng nangyayari sa atin.." Tumawa siya. "Pero alam mo ba? Mabuti na lang ay hindi ka nagstay sa sasakyan noong araw na iyon." Muli niya akong tiningnan. "Dahil may sumalubong sa akin na mga siraulong talunan sa Noground, sinubukan akong banggain kaso nakaiwas ako. Nakaiwas nga rin ako sa truck kaso wala na akong kontrol kaya nadisgrasya ako."

Nakaawang pa rin ang bibig ko. Ganun pala ang nangyari.

"Bloom, hindi totoo na nagsasawa ako sa inyo." Tiningnan niya ako. "Kailanman ay hindi ako magsasawa. Lahat ng pag-aaruga niyo ay isinasapuso ko. Lahat ay dinadamdam ko. Palagi akong nagpapasalamat pero natatakot pa rin ako dahil baka madamay kayo sa gulo na palaging nakaabang sa amin. Simula noong bata pa ako, nasasanay na ako na ganito ang kalagayan namin kapag eleksyon pero ngayon lang ako natakot nang sobra kaya sinubukan kong putulin ang ugnayan nating lahat. Kaso hindi ko kaya. Mahal ko kayo eh."

Ngayon lang ulit ako napangiti.

"Nang nalaman ko ang nangyari sa magulang mo, tumakas na muna ako sa ospital. Kinausap ko rin si Tatay para hindi mag-aalala."

Mahina kong tinusok ang kilikili niya gamit ang hintuturo. "Tigas ng ulo."

"Eh ikaw nga itong may boyfriend tapos hindi pa pinakilala sa amin."

Nawala ang reaksyon sa mukha ko.

"Noong nakatulog ka na, nag-usap kami. Napatanong si Heroic kung nasaan daw ang jowa mo na ngayon na ganito ang nangyayari sa'yo. Napatanong din si Batas na akala nila ipapakilala mo na siya bago ako naaksindente. Sumagot naman si Boss na hindi maganda ang timing ngayon para sa ganyan. Kailangan ka naming unahin muna dahil isa pa, nasa ilalim pa rin tayo ng White Hall."

Mahina akong tumawa. Hindi ko alam kung ano mararamdaman ko sa pagsagot ni Boss. Panigurado, hinihintay niya ako dahil dapat sabay kaming aamin. Man of his words talaga.

"May inamin din pala si Boss sa amin tungkol sa magulang mo kanina kaya may schedule kami sa pagkikipag-usap sa'yo. Baka kasi maoverwhelm ka kung andito kaming lahat sa kwarto mo."

"Tungkol sa magulang ko...?" pag-uulit ko.

Tumango siya. "Si Boss mag-eexplain sa'yo."

Natahimik ako.

Hinaplos ni Danger ang tuktok ng ulo ko. "Maraming salamat sa lahat, Jennifer. Pasensya ka na sa nangyari. Hindi ko na kayo ipagtataboy ulit. Peksman."

Hinawakan ko rin ang kamay niya. "Salamat, Danger."

"Lalakas na tayo. Grabe na nangyari sa atin kaya chicken nalang ang mga susunod na mangyayari."

"Words mo. Baka majinx," pagbabanta ako.

"Jinx ka kaya reverse ang sumpa."

Matapos ang usapan namin, nagtawanan kami.

Maayos na kami ni Danger.

Bumalik din ang Danger namin.

Kumapara noong mga nauna kong nararamdaman, nagsisimula na ulit akong bumangon. Nagkakalakas na rin ako kaya iniisip ko na kailangan itong magpatuloy. Kailanga kong alamin ang nangyari sa mga magulang ko.

Hindi ako nakakaramdam ng gutom kahit sobrang lalim na ang gabi. Parang tulog lang ata makakabusog sa akin.

Muli akong nagising na hindi ko alam ang oras na. Madilim lang talaga ang kwarto ko dahil hindi ko na binubuksan ang nagkakapalang kurtina. Hindi pa ako handang makakita ng liwanag.

Naaninag kong may mukha palang nakaharap sa akin na nakahiga sa tabi ko. Hindi pa lumilinaw ang paningin ko, nakilala ko agad si Boss sa amoy niya. Agad akong yumakap sa kaniya at sumandal sa dibdib niya. Mukhang nagising siya at niyakap ako pabalik.

"What time is it?" I asked weakly.

"It doesn't matter."

Inabot ko ang relo ko sa mesa sa tabi ng higaan ko. Nanlaki ang mga mata ko nang 9 AM na pala!

"May pasok kayo!" Nagising din ang buong diwa ko.

"I sent an excuse letter. And also wrote for you."

Mariin akong napapikit at sumandal ulit sa dibdib niya.

"Nasaan sila?"

"Pinapasok ko."

Tumango ako at mas lalong dumikit sa katawan niya. Gusto ko ng mahigpit na yakap. Mabuti na lang ay mahigpit ang yakap niya sa akin. Baliktad man pero nakakahinga ako nang maluwag sa posisyon na ito.

"Gusto kong asikasuhin ang magulang ko." Mahirap man tanggapin pero kailangan kong asikasuhin sila.

"Wala pang natatanggap na death certificate ang White Hall. Hindi rin maipapadala ang bangkay dahil wala namang nakikilalang katawan."

Agad akong humiwalay sa kaniya. Tiningnan ko ang mukha niya dahil hindi ko siya maintindihan. Nang dahan-dahan siyang dumilat, diretso ang tingin niya sa akin.

"Pero 'yung nasa balita. Andoon ang pangalan nila. Tinawagan ang university." Imposibleng mali ang nangyari sa akin.

"Ang laki rin ng kapangyarihan ng media, 'no?"

Natahimik ako. Gusto kong sa kaniya mismo manggaling ang mga magpapabuo ng konklusyon sa utak ko.

"Pinasok ko ang sistema ng White Hall kanina. Tadtad ng paghihingi ng tulong ng ibang pamilya sa parehong aksidente. Ang huli kong nakita sa system ang confirmed deaths ng residenteng nakatira roon na taga-Nodawn pero hindi ko pa makita ang pangalan ng mga magulang mo."

"Pwede bang diretsuhin mo ako, Boss?"

"Posibleng minamanipula na naman ng White Hall ang nangyayari."

"Bakit?" Naiipon na ang galit kahit nanghihina pa ako.

"Ayaw nilang may lumalabas na taga-Nodawn sa lugar na ito."

Natigilan ako.

"Kasi natatakot sila na baka ipabagsak sila ng mga umaasensong residente."

Natahimik ako. Natunaw ata ang dila ko.

"I'll do everything to communicate with people I know at Brooksent to gather updates. Hangga't walang natatanggap na death certificate ang White Hall mula sa Brooksent, may pag-asa na buhay pa sila. Maayos ang pamamalakad sa Brooksent. Sadyang marumi lang ang pamamalakad dito kaya maraming nadadamay. May sakit na talaga ang lugar na ito."

Malaki ang tiwala ko kay Boss kaya lumalakas ang loob ko.

Unti-unti siyang bumangon at muli akong hinarap.

"Bloom, do you trust me?"

I nodded.

Kailan ba nawala ang tiwala ko sa'yo?

---

"Isa pa rin ang nagfile ng candidacy para sa eleksyon sa Nodawn University?" tanong ni Lawron habang tinitingnan ang official site ng Nodawn University. Lumapit din kami sa kaniya para tingnan ang updates.

Timothy Morales – BA Communication

"Hindi ko kilala," sabi ni Clark matapos binabasa ang nasa site.

"Ay! Anti-Nodawn 'yan! Nakikita ko 'yan sa rally tuwing Lunes dati! Kung manalo 'yan, nasa panganib ang buhay niya kapag proclamation of endorsement na," sabi ni Orion.

"As in? Seryoso talaga 'yung myth na iyon?" tanong ni Heroic.

"Malakas talaga ang pakiramdam ko na oo." Inayos ni Clark ang upo niya para ipagpatuloy ang nilalaro niyang basketball game sa cellphone niya. "NS Q1021."

"NS.. ano?" pag-uulit ni Lawron.

"Sniper 'yun ni Lolo Rob. Kinukwento niya sa amin na ang laser sight ng sniper na 'yun ay hindi nakikita ng naked eye. Kaya palagi niya iyon ginagamit noon. Amaze na amaze nga kami sa mga kwento niya. Kaso noong nagresign siya, kinuha ng gobyerno 'yung armas. Nakipagdebate nga si Lolo noon na bakit i-co-consficate, eh sa kaniya naman nakarehistro 'yun? Kaso muntikan na siyang iwarrant nang sinubukan pa niyang kunin iyon kasi baka gamit-gamitin daw ng White Hall."

"Laser sight? Tapos hindi nakikita?"

Tumango si Clark. "Kung itututok sa target, hindi gaanong visible ang light. Kaya napapaisip ako sa mga nagdaang eleksyon na kasabay sa Student Council election ng University kung ginagamit ang NS Q1021 kasi kalat na kalat din na may nakaabang na hitman sa president."

"Eh wala namang nangyayari simula noon?"

"Kasi Nodawn ang palagi nilang ineendorse."

Napatango ako at mas lalong tiningnan ang mga candidate na nakapost sa site. Simula sa Vice-President ay maraming nagfile. Sa President lang talaga ang nag-iisa.

"Makikita na lang natin kapag manalo si Morales tapos partido ni Ramirez ang iendorse niya, bago pa siya makababa ng stage, matutumba 'yan."

"Nakakatakot naman, Clark," sabi ng anak ko.

"Aba! Talagang nakakatakot. Lalo na kung manalo ang Nodawn ngayong eleksyon, nakakatakot para sa atin."

"Sana mulat at malakas ang loob ng magiging President ng Student Council para magsalita naman tayong lahat. Imagine, malaki na populasyon natin na estudyate para bumoto sa isang qualified. At sana, mulat na rin ang iba nating schoolmates. Baka nga, nahihiya at natatakot lang sila," sabi ni Orion.

"'Yung mga classmates ko, gusto na ng pagbabago!" Tinaas ni Clark ang kamay niya.

"Ewan ko ba sa mga boboto pa sa Nodawn sa parating na eleksyon. Nagtataasan lalo ang presyo ng bilihin, hindi man lang binibigyan ng atensyon ang mga pag-aaral ng mga estudyante, at 'yung mga nangyayaring krimen at manmade tragedy, tapos sasabihin nila na maayos naman ng pamamalakad? Lakas pa ng loob ipatakbo ulit kasi para raw itama ang mga mali sa nakaraang termino?" napalakas ang boses ni Lawron habang naglalaro ng rubic's cube.

"Tangina nila," biglang pagmumura ni Forsythe kaya napatingin kami sa kaniya. Nambibigla sa reaksyon niya eh!

Christmas break na ngayon at nagsasama kami sa sala. Laking pasasalamat ko na bumalik ang lakas ko dahil sa kanila para bumawi sa mga namiss kong subjects. Lalo na't sandamakmak ang gawain at nakabawi ako sa time sa duty namin. Kinausap ko ang head namin at pumayag naman sila dahil kalat na kalat ang nangyari sa magulang ko.

Pero hanggang ngayon, wala pa rin kaming natatanggap na death certificate. Palagi akong ina-update ni Boss. Hindi rin kasi pinu-publicize ang mga bagay na 'yun hangga't walang consent ng pamilya kaya mga gawa-gawa lang ang kumakalat ngayon na talagang wala na sila. Sinubukan ko silang tawagan at niririsk na ang buhay ko kaso wala talagang sumasagot. Wala ring contact na binibigay ang White Hall sa Brooksent Medical dahil not in good terms ang relationship nila since then.

Hanggang ngayon, nagtitiwala ako kay Boss.

Kumapara noong nakaraang araw, bumabalik ang lakas ko. Palagi nila akong inaasikaso. Kahit sa paghatid sa mga room at sa ospital, palagi akong sinasamahan ni Heroic at Lawron. Noong nagsisimula na ulit akong lumabas sa kwarto ko, palagi akong kinakausap ni Clark at Orion. Nagbabantay din sa akin si Forsythe at mag-aalok kung magpapabuhat ba ako kaya tinatawanan ko na lang siya. Si Danger nga ay pinabalik sa ospital para magpagaling pa.

Nasa ugali ko na ata na ayaw kong masyado akong iniispoil kaya sa pagmamahal at pag-aarugang binibigay nila sa akin, ginagawa kong lakas para bumalik ang sigla ko at sila rin ay aasikasuhin ko.

"Kailan discharge ni Danger?" tanong ni Forsythe.

"Anytime kasi tumatakas lang naman din siya," biro ni Heroic.

Mahina akong tumawa. "24," ako sumagot dahil sa duty ko, pinupuntahan ko siya.

"Wow, Merry Christmas!"

Nakausap ko si Tito Dan kung saan uuwi si Danger. Sabi niya, bahala raw si Danger dahil hindi raw siya pwedeng umuwi sa kanila at sumama-sama dahil nakakatanggap din daw sila ng threat. Kaya sigurado, uuwi si Danger sa amin.

"Guys." May pumasok sa isipan ko bigla.

"Bakit?"

"Hindi pa nagbi-birthday si Boss."

Doon nanlaki ang mga mata nila. Diniretso ko lang din eh.

Malakas na pumalakpak si Clark nang isang beses. "SABI KO NA! Hindi ako ulyanin! Since nagsama-sama na tayo, hindi pa pala natin nacecelebrate araw niya!"

"Ganun ba tayo sobrang kabusy sa misyon at pag-aaral??!" frustrated na tanong ni Orion.

"Kailan ba birthday niya?" tanong ni Lawron.

"'Yun nga. Hindi niya alam kung kailan birthday niya at kung saan siya ipinanganak."

"HUUUH?" malakas na reaksyon ni Heroic. "Birth certificate niya? Meron siya? Paano naman niya nafifill-up-an ang mga forms na kailangan ng birthday?"

Napakibit-balikat ako. "Nakatakip ng itim ang birthday at birthplace section niya." Pati ang name of his mother.

"Paano mo nalaman?" Kaniya-kaniya na nila akong binibigyan ng naniningkit na mata. Hindi ako nagpaapekto dahil ako na itong nagbibigay ng hint na may relasyon kami ni Boss sa kanila.

"Pinakita niya sa akin?" angat-balikat kong sagot.

"Bakit niya sa'yo pinakita?" naniningkit na tanong ni Heroic.

"Kasi nagtanong na ako?" pilosopo kong sagot kaya sumuko rin sila.

Sayang! Hindi na sila nagtanong! Hirap na hirap silang magbigay ng malisya kay Boss dahil leader namin siya!

Pero.. may naiisip ako.

"What if.. tayo magdecide ng birthday niya?"

Pumayag sila sa suggestion ko.

"What if Pasko?" tanong ni Orion.

Pinag-isipan ko nang mabuti. Maganda rin sana kaso Christmas din iyon at mas maganda kapag may particular day na masasabi talaga na 'Boss Day'.

"January 1.." bulong ko. Safe option. New Year, dagdag ang age niya.

"Maganda ang January 1," pagsang-ayon ni Orion. "Kasi kung madetermine natin ang tunay niyang birthday niya, atleast sa January 1, automatic na dagdag ang edad niya."

Mas lalo siyang sumang-ayon.

"Let's vote. January 1, birthday ni Boss?"

Nagthumbs-up kaming lahat.

Birthday ni Boss, January 1.

Sa oras din na iyon, pinag-usapan na namin ang welcome surprise namin kay Danger at diretso na rin sa Christmas Eve.

Pati na rin ang magiging birthday ni Boss. Sisiguraduhin lang namin na andito si Boss sa araw na iyon.

Ngayon kasi, busy pa rin sila sa pag-aasikaso ng records at sa filing of candidacy. Namomoblema sila dahil hindi nagkakaorganize ang candidates. Mas namomoblema pa sila sa president dahil iisa pa lang.

Umabot na ang ala-una ng hatinggabi. Tulog na ang lahat, maliban sa akin na hinihintay si Boss mula sa University. Ilang araw ko rin siyang inaabangan kasi simula noong duty nila, nagpatong-patong ang mga gawain niya at pati na rin ang mga nangyayari sa amin. Ang nagpapasakit lang ng puso ko ay kahit sandamakmak ang ginagawa niya pero hindi siya nagkukulang sa atensyon niya sa akin. Napapaisip tuloy ako na kailangan din niya ng atensyon lalo na't maraming nangyayari. Ngayon na may lakas na ulit ako, babawi ako.

Nilibang ko ang sarili ko saglit sa pag-aayos ng kalat sa lamesa. Andito pala ang sketch book ni Orion. Sumilip ako at napangiti sa ganda ng mga gawa niya.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita na may drawing dito ni Happiness habang nagbabasa ng libro.

"Aww, Orion.." bulong ko at mas malawak na ngumiti.

"Gising ka pa."

Speaking of Orion, bumaba pala siya at pumunta rito sa sala. Nakita niya na nakatingin ako sa sketch book niya. Napangiti rin siya. "Kahapon, sinamahan ko siya sa library."

"Kumusta kayo?" Hindi ko pa kasi alam simula noong maraming naganap. Busy na rin kami sa duty kaya hindi kami gaanong nagkukwentuhan.

"Friends?" hindi sure na sagot niya. "Back to sqaure one kami at mas mabuti na 'yun. Kuntento naman ako na nag-uusap na kami."

"Sinabi na niya sa'yo?" mahina kong tanong.

Malungkot siyang ngumiti. "Oo."

Napaiwas ako saglit ng tingin. Naramdaman kong umupo rin siya sa tabi ko at saka ko binigay ang hawak kong sketch book.

"Dapat pinilit ko noong magstay. Dapat hindi rin ako umiwas noong panahon na iyon. Sana hindi siya nag-iisa at hindi niya tiniis ang lahat."

"Atleast, okay na ngayon 'di ba?"

"Okay na ngayon.." Tumango siya at sumandal sa sofa. "Babawi kami."

Mahina akong napahampas sa braso niya. "Kinikilig ako." Sabay napahighik.

Bigla ba naman ako hinampas sa braso pabalik!

"Eh, ikaw? Hinhintay mo si Boss?"

Nanlaki ang mga mata ko.

Malakas siyang tumawa. "Ganitong oras ba talaga ang bebe time niyo kaya hindi pa kayo nahuhuli?"

"Orion.."

Tumawa na naman siya. "Noong nakaraang araw, sinundo ko si Ness sa duty niya."

"Kaya pala nagmamadali siya!" sabi ko nang maalala ko kung anong nangyari noong araw na binanggit niya.

Tumango siya. "Tapos namention niya na ang bait mo raw, sobrang ganda mo, at 'Her boyfriend's name is Boss while her name is Bloom. Aren't they beautiful?'. So ayun, nalaman ko rin." Ginaya niya pa ang boses ni Ness.

Napanganga ako.

"Ang hirap magpanggap na hindi kita kilala. Kaya masyadong kontrolado mukha ko habang kausap siya."

Doon na ako napakurap.

Napasulyap si Orion sa akin bago napakamot ng batok. "Hindi ko nabanggit na masyado siyang honest at inglishera siya 'no?"

"Oo," diretsong sabi ko.

Napatango siya. "Ngayon, alam mo na."

Tatanungin ko sana siya kung ano ang masasabi niya pero bumukas ang pinto. Mas lalo akong nagulat nang makita si Boss na bagsak ang mga balikat at may hawak na bouquet of white roses. Napaawang ang labi ko.

Nang makita niyang nasa sala kami ni Orion, nanlaki rin ang mga mata niya at parang nawala ang kamalayan niya sa kinatatayuan niya. "A-Andito pala kayo.. U-Uh.. Hi? Bakit hindi pa kayo natutulog?" Nagsimula na siyang mautal habang kung saan umilipad ang mga kamay niya. Kabadong-kabado kasi nahuli siya.

"Grabe.." bulong ni Orion at pabalik-balik ang tingin sa amin. "Kailan pa?" tanong niya.

"Kailan pa?" tanong ko kay Boss para sigurado.

Nagtaka saglit si Boss. Agad niya ring nakuha na nahuli na talaga kami."'Yung official? O 'yung mga nauna?" tanong niya sa akin pabalik.

"You mean???" napalakas ang boses ni Orion kaya tinakpan ko ang bibig niya. Biglaan lang pag-amin namin!

"October 10, after ng misyon natin sa Nodawn Centre Dome, Birthday ni Clark at anniversary natin kami naging official," mabilis na sagot ko.

Halos lumuwa ang mga mata niya. Tinanggal niya ang kamay ko. "Kailan kayo nagsimula?"

Tumingin ako kay Boss. "First night?"

Tumango siya. "First night."

Tinakpan ni Orion ang bibig niya. "Sinong unang nahulog?"

Nagkatinginan kami ni Boss.

"Ako," diretsong sagot ko.

Kaso umiling si Boss.

"Ako."

"So, sino ba talaga?" iritang tanong ni Orion.

Napakamot ako ng leeg dahil hindi na rin namin alam ang sasabihin.

"Bakit ang ingay niyo?" Bumaba si Forsythe.

Nagpanic si Orion at sinubukang harangin ang paningin ni Forsythe. Parang ayaw niyang ipakita kung anong nangyayari sa sala. Natakot ata na baka mahuli kami.

"Matulog ka na. Wala 'yun."

Pero hindi nagpaindak si Forsythe at dumeretso talaga sa amin. "Oh. Bakit ngayon ka lang?" tanong niya.

"May tinapos lang sa school," sagot ni Boss.

Napatango si Forsythe at tinuro ang bulaklak na hawak pa niya. "Bakit hindi mo pa ibigay?" tinuro niya ako.

"Sandali nga. Alam mo?" iritang bulong ni Orion.

"Oo." Nang lumingon si Forsythe, ngayon lang siya nagulat na andito si Orion. "Huh! Bakit ka andito?" Napasulyap din siya sa amin. "Sinabi na nila sa'yo?"

"Nalaman ko lang! Alam pala ni Forsythe! Kailan mo pa nalaman?" tanong ni Orion.

"Basketball match ni Clark."

"Ako lang ba ang hindi nakakaalam?!" iritang bulong pa ni Orion.

Tumayo ako at pinakita ang dalawa kong palad para huminahon siya. "Kayong dalawa pa lang.." mahina kong sabi.

Nawala ang pagkairita niya. Napalitan din ng konsensya. "Shet.."

Lumapit sa amin si Boss. "Sorry, hindi pa ami nakakaamin. Noon pa sana kaso naaksidente si Danger. Hindi na rin nakasingit dahil hindi maganda ang timing ngayon."

Napasabunot ng buhok si Orion. "I can't believe it! Ang tagal niyo na pala! Bakit hindi ko napansin?"

"Hindi ba obvious?" tanong pabalik ni Forsythe.

"Jusko!" Mas lalong napasabunot si Orion. "Kailan niyo sasabihin sa iba?"

Napatingin kami kay Boss.

"Kung malapit na tayong makaalis sa White Hall."

Sumimangot si Orion. "Tagal pa."

Nalungkot din ako. "This is really important to us. Kaya gusto naming memorable at maganda ang timing. Matagal na rin naming pinagpaplanuhan kaya sana kami mismo magsasabi," malumanay kong sabi.

Lumambot ang paningin sa amin ni Orion. "Sorry nalaman ko." Napahilamos siya ng mukha. "Sana hindi nabanggit ni Happiness kanina."

Tumingin sa kaniya si Forsythe. "Ano na ang nangyayari sa inyo ni Happiness?"

"Oh ano? Magkukwentuhan tayo sa balcony?" sarcastic na tanong ni Orion.

Kaso pumayag si Forsythe. "Kukuha ako ng beer."

"Huy," natatawa kong sabi.

"Geh," pumayag na rin si Orion. Humarap siya ulit sa amin. "Anong alam ni Forsythe sa inyo?"

"Lahat?" hindi ko sure na sagot. "What if tanungin mo nalang siya?"

"Okay lang?"

Tumingin ako kay Boss. Tumango naman din siya. Saktong bumalik si Forsythe na may dalang beer. Sinabihan siya ni Boss, "Just the basic knowledge. The rest will be ours to tell."

Tumango si Forsythe at umakyat na silang dalawa.

Lumapit ako kay Boss. "Masyadong honest si Ness. Hindi naman sinasadyang malaman ni Orion," sabi ko habang nakanguso.

Hinalikan niya ang noo ko. "It's okay. Baby steps muna.. explain na lang natin sa kanila once na umamin na tayo."

"Thank you." Ngumuso ako lalo.

Mahina siyang tumawa at hinawakan pisngi ko, sakop na rin ang likuran ng tenga ko.

Kaso napatingin siya bigla sa hagdanan.

Napatingin din ako.

Andoon pala si Orion na nakasilip sa amin.

"Uh.. sorry, naabala ko kayo. Bibigyan ko lang kayo ng assurance na hindi ko sasabihin sa iba. Lahat ay itatago ko lang muna at hintayin kong kayo ang magsabi sa kanila. Salamat din sa tiwala. Sobrang saya ko na kayo pala."

Napangiti ako. "Thank you, Orion."

"Geh." At umalis na siya.

Nang humarap ulit kami sa isa't-isa ni Boss, sabay kaming natawa.

Binigay niya sa akin ang hawak niya. "Maaga sana akong uuwi kaya bumili ako ng bulaklak. Kaso pinabalik ako sa school bitbit 'yan. Ang daming tanong nila sa akin."

Niyakap ko ang napakagandang bulaklak na una kong natanggap. "Thank you. Ang ganda." Niyakap ko rin siya.

I just received a bouquet of flowers from Boss.

"Bakit pala?"

Napaangat ang mga balikat niya. "Just because."

I wanna cry!

I leaned foward to kiss him. I even wrapped my arms around his neck. I just love how he hugged my waist as he kissed me back.

Parang bumalik sa akin ang mga nangyari nitong nagdaang araw. Simula noong panahon na wala pang nangyayari, hindi niya ako iniwan. Kahit noong panahon na sobrang bumagsak ako sa buhay, sinamahan niya ako. Ngayon na nagkakaroon na ako ng lakas, andito pa rin siya.

Andito siya sa akin, mapa-meron man o wala.

"Thank you," I whispered.

"Always," he whispered back.

Inayos niya ang buhok ko at taimtim akong pinagmasdan. "By the way, sa Meritown tayo magcelebrate ng new year."

"Meritown?" Nagliwanag ang mukha ko.

Kinabukasan, nagkaroon ako ng pagkakataon para sabihan ang iba. Para rin ay mapagplanuhan namin ang surprise. Kailangan namin maging maingat na hindi malaman ni Boss na magiging birthday niya pagdating ng bagong taon. Ang alam niya ay isusurprise lang namin si Danger pag-uwi niya.

Successful ang surprise namin kay Danger. Noong pagkatapak niya ulit sa bahay, akala niya ay simple lang ang kainan namin kaso pagbaba niya ulit sa kusina, galing sa kwarto niya, sinurprise namin siya ng puno ng pula na balloons, mas maraming pagkain at napakalaking tarpaulin na may derp faces niya. Hindi nakuntento ang editor naming si Orion at naglagay pa ng jejemon version ni Danger. Blonde pa ang dulo ng buhok nito.

Matapos mapatalon si Danger sa kilig dahil sa nakikita niya, napaupo rin siya sa sahig habang tinatawanan pa namin ang mga tsura niya dati.

Nagkaroon din kami ng palaro tulad ng ginagawa namin dati. Wala pa ring nag-iba. Kaso mas naging masaya ang gabi dahil mas maingay kami kumpara dati.

Hindi ko alam kung sobra ba kaming nagsasaya sa gabing ito na hindi nila kami pinapansin ni Boss. Lalo na't kami ang magkapares para sa paper dance.

"Ang daya nila Clark!" sigaw ni Heroic nang nanginginig na si Clark habang karga si Lawron. Dapat talaga ay si Lawron ang magbubuhat sa kaniya kaso nakulangan sila ng oras kaya ngayon ay inaabangan namin ang pagbasak nilang dalawa.

"Dali naaa!" sigaw ni Forysthe na bitbit si Orion.

Hindi kasi namin pinasali si Danger dahil baka sumakit ang katawan niya lalo. Si Heroic naman ay hindi sumali at naging striktong judge.

Kami naman ni Boss ag magpartner at wala siyang kahirap-hirap sa pagbuhat sa akin.

Lahat ng tingin nila ay inaabangan ang pagbagsak ni Clark kaso hindi sila nagpapatalo. Kahit nakakatawa ang sitwasyon nilang dalawa, bumulong ako kay Boss, "Patalo na lang tayo. Hirap na hirap si Clark."

Hindi naman din sobrang competitive si Boss kaya tumango siya habang mahinang tumawa.

Dahil iisa na lang din ang paang nakatukod, nagkunwari siyang na-o-out of balance.

"Oh!!! Si Boss!!"

Nag-ingay na sila nang na naibaba ako ni Boss. Madrama pa siyang nakahakbang palayo sa diyaryo. Hindi ko mapigilang matawa kahit nahihiya ako na hindi natural ang pagkatalo namin.

"Boss, Bloom, out!" masayang anunsyo ni Danger habang nakaporma ng ekis ang mga bisig.

Nagsaya ang mga bata na nagstay pa sila sa laro. Natatawa kami ni Boss nang umalis sa laro para kumain ng mga nakahanda sa lamesa.

Ngayon lang ulit kami nakumpleto.

Sabay-sabay din naming sinalubong ang Pasko.

"Merry Christmas!"

"Merry Christmas," bati ko kay Boss na nasa tabi ko.

"Merry Christmas," bulong pabalik ni Boss.

Hinawakan niya ang kamay ko kaya ikinagulat ko.

"Sabihin na natin?" tanong niya kaya mas lalong lumaki ang mga mata ko.

Bago pa ako makatango, tumunog ang phone niya. Kinunutan ko siya ng noo dahil nag-iba agad ang reaksyon niya. Kinuha niya ang phone niya at nakita ko mismo na White Hall ang tumatawag.

Kahit nagdadalawang-isip siya sa pagsagot, pikit-mata niyang sinagot ito bago nilapat sa tenga niya.

Lumuwag ang pagkahawak niya sa kamay ko kaya bumitaw na ako at humakbang palayo.

"Good evening."

Narinig ng iba ang pagkaseryoso ni Boss kaya tinigil muna nila ang tugtog. Lumapit sila sa amin habang hinintay na matapos ang tawag. Nakita na lang namin na unti-unting bumagsak an mukha niya. Naramdaman ko rin kung paano bumagsak ang paghinga niya.

"Okay."

Bumagsak ang kamay niya kasabay ang mga balikat niya.

"Boss.." tawag ko.

"Tinatawag ako sa White Hall."

"Ganitong oras?" malakas na tanong ni Heroic.

Hindi na nagsalita si Boss at kinuha ang hoodie niya na nakasabit sa upuan. "Aalis muna ako."

"Boss," tawag ko at hinabol siya palabas. "Is everything alright?"

Sumakay na siya sa sasakyan pero pilit ko siyang mahabol hangga't hindi pa nasasara ang pinto ng sasakyan.

"Boss. Hey." Sa wakas, napatingin na siya sa akin. "Bakit daw? Ganitong oras? Pasko ngayon." Halos magmakaawa ako. Ayaw ko na ring nagpupunta-punta pa siya sa White Hall dahil hindi talaga maganda ang kutob ko.

"Ayusin ko lang, hmm? Uuwi ako," sabi niya.

Pero sa mga sumunod na araw, hindi na siya umuwi sa amin.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com