Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 42

"Hindi pa rin umuuwi si Boss," anunsyo ni Clark.

Galit ba ako o nagtatampo? Hindi ko rin alam. Bukas ay New Year's Eve at lahat siguro ng pinagplanuhan namin ay mapupunta sa wala. Ginugugol ko na ang ang oras ko sa pagtatahi ng mga butas na damit ni Danger. Nasa lamesa kami ni Forsythe ngayon habang naglalaro siya ng online game niya. Ang iba naman ay nasa sala at nanonood ng movie.

Napansin kong tinigil ni Forsythe ang paglalaro para tingnan ang reaksyon ko matapos mabanggit si Boss.

Umangat din ang tingin ko para tingnan siya nang diretso.

"Wala siyang binanggit sa'yo?"

Napaangat saglit ang nguso ko para mag-isip. "Hindi. Kahit magtanong ako, hindi siya papayag na may malaman ako sa White Hall dahil baka mainvolve pa ako. Atsaka, ayaw ko rin naman ako lang magkakaroon ng kaalaman sa White Hall. Kung may malaman man ako, dapat kasama ko kayo."

"Pero hindi pa umuuwi si Boss," seryoso niyang sabi.

Kinakabahan na ako. Wala pa rin kasi akong natatanggap na text mula sa kaniya.

Kinuha ko ang phone ko. Taas-noo kong tinext si Boss kahit alam kong hindi naman siya magrereply. Siguro, masyado siyang busy.

Are you okay? I miss you. Come home na.

Pinakita ko kay Forsythe ang mga message ko na wala pang reply. Bigla ba naman niya akong kinunutan ng mukha nang makita ang latest message ko. "Nang-iinggit ka ba o ano?"

Napakibit ako ng balikat. "Nasa sala lang naman 'yung sa'yo. Anytime ay pwede mo siyang makatabi," asar ko.

Binugahan lang niya ako ng hininga at sinuot pabalik ang headset.

"Balak sana naming umamin noong Pasko," pahabol ko.

Marahan niyang tinanggal ang headset niya. Gulat na gulat pa siya.

Doon na rin ako nawalan ng gana sa pagtatahi kaya sumigaw ako, "Ano ba 'yan, Danger! Dami mong butas na damit!"

"Aba!" sigaw niya pabalik. "Dati, pinipilit mo akong maghanap na sirang damit ko! Kaya sinasadya ko ang iba na butasan para may maibigay ako sa'yo kung maghanap ka!"

"Okay. Fair point," sabi ko at pinagpatuloy ang pagtatahi.

Bukas pa pala ang screen ko at nakita kong delivered ang mga message ko.

Hapon na kaya nag-aayos na ako ng laman ng ref. Nasa sala na silang lahat at naglalaro ng UNO cards. Pinag-isipan ko talaga nang mabuti kung sasali ba ako sa kanila o iidlip muna ako saglit. Hindi ko lang makontrol pagiging balisa ko kaya hindi pa man ako nakakatapos sa pag-ayos ng gawain ko, titigil na agad ako.

Bahala. Iidlip muna ako sa sala.

"Gisingin niyo ako kung may himala." Sumalpak ako sa sofa at dumapa. Ginawa kong unan ko kaya agad akong nakatulog.

Nagising ako sa tawanan. Unti-unti akong dumilat at naaninag ko si Boss na nakaupo sa sahig, kasama sa laro. Sabay-sabay pa silang tumatawa kaya napapaisip pa ako kung nananaginip ba ako o masyadong malinaw ang isipan ko para mapanaginipan ang ganito.

"You're awake," Boss said.

"You came home," I whispered.

He nodded. "I'm home."

And everything was flawless.

Natuloy kami sa Meritown.

Natuloy ang surprise party.

"Happy birthday, Boss!"

Parang lumulutang si Boss nang hinarap namin sa kaniya ang cake niyang mey design na langit. Para sa akin, bagay sa kaniya ang purity and sincerity dahil sa asul ng langit pero itong mga malalakas ang trip, lalo na si Danger ay balak lagyan ng kalapati! Bastos!

"Guys.." Hindi makapagsalita si Boss dahil nakatingin pa rin siya sa cake. "Thank you.."

"Ulit! Kanta ulit tayo!"

Sobrang saya ko bahang pinapanood na sumasabay si Boss sa pagkanta ng birthday song. Puno ng tawanan, kantahan, at pati na rin sayawan sa tahimik na Meritown. Solong-solo namin ang lugar kaya ang sarap sa pakiramdam na malaya kami.

This is what we want in the first place.

Freedom.

What does it cost?

Our youth.

And what will it cost?

Our life.

"Okay! Happy new year!" sigaw ni Danger.

"Happy new year, guys!" bati ni Lawron habang winawagayway ang kaninang kinakatakutan na sparkles.

"Happy new year!"

Andito kami ngayon sa labas ng abandonadong theater na pinuntahan namin ni Boss habang nakatingin sa kalangitan.

"Unang tanong sa bagong taon!" Heto na naman si Danger at ang mga tanong niya na namiss namin. "Anong gusto niyo para sa taon na ito at para rin sa mga susunod na taon?"

"Magandang gobyerno!" sigaw ni Heroic at sumang-ayon kaming lahat.

"Kaligtasan nating lahat!" sigaw din ni Forsythe.

"Lakas!" sagot ni Orion.

"Si Orion!" biro ni Danger kaya tinulak siya ni Orion. "Joke! Gusto ko ng mga magagandang bagay na hindi natin nakuha!"

"Magandang buhay para sa atin," sabi ni Clark habang nakatingin sa kalangitan.

"Magandang buhay din para mas malakas ang manifestation," natatawang sabi ni Lawron kaya natawa kaming lahat.

"Gusto kong makapagtapos tayo ng pag-aaral," sabi ko at napabuga ng mahinang tawa.

Sabay kaming tumingin lahat kay Boss na blangkong nakatingin sa mga bituin sa madilim na langit.

"Ikaw, Boss?"

Sinagot lang niya kami ng isang malumanay na ngiti.

---

Masyadong malalim na ang gabi. Naiwan kami sa Meritown. Nauna kasing umalis ang iba para uminom sa Nodawn Shots. Kaso hindi ako sumama dahil kailangan kong maging malakas sa mga susunod na araw dahil duty na naman. Kaya andito pa kami nila Forsythe, Heroic at Boss na nag-aayos ng ibang kalat.

"Kung mauna na kayo para marami pa ang oras niyo?" tanong ko kay Heroic. "May dala namang motor si Forsythe. May dala namang sasakyan si Boss."

"Tapusin na lang muna natin 'to."

Nasa kalayuan pa sila Boss at Forsythe na seryosong nag-uusap.

"Uhm.." Muli akong humarap kay Heroic. "Okay lang ba kayo ni Forsythe?" tanong ko sa kaniya.

"Oo naman. Bakit?" mabilis niyang sagot.

"Sure?" Hindi ko kasi alam kung paano ko siya tatanungin tungkol mismo kay Forsythe! Kung ano ba talaga sila o ano. Nahihiya rin kasi ako kasi parang ang kapal naman ng mukha ko na tatanungin ang lovelife niya na hindi ko pa sinasabi ang sa akin.

"Binibigyan mo na naman ng malisya," natatawa niyang sabi at ginulo ang buhok ko.

"Halika na?" Lumapit na ulit sila Boss at Forsythe sa amin.

Binasa ko agad ang mukha ni Forsythe at parang blangko lang ito. Seryoso lang siyang sumama sa amin hanggang sa malapit na kaming dumaan sa gubat para makarating sa Nodawn Terminal.

"Ingat kayo," paalam ni Heroic at sumakay na sa motor ni Forsythe.

"Enjoy!" paalam ko rin habang kumakaway.

Ngayon na kaming dalawa na lang ni Boss ang naiwan, marami akong gustong tanungin sa kaniya.

"By the way.." I wanted to ask if he liked our surprise. Kaso pagtingin ko sa kaniya ay nakatitig siya sa akin. Natahimik tuloy ako dahil pakiramdam ko ay natutunaw ang buong puso ko tuwing tinitingnan niya ako nang ganito.

"Hmm?" Umabante siya para ituloy ang sasabihin ko.

"Uh.." Napaiwas ako ng tingin. "Uuwi na tayo or dito lang muna?"

"Anywhere you want," sabi niya.

"Kahit saan." Tumawa ako. "As long as we're together."

Napaiwas siya saglit ng tingin para pakawalan ang tawa niya. Tinakpan pa niya ang bibig niya habang sinisilip ako. Hindi siya makapaniwala sa biglaang pagbanat ko.

Tumawa ako at niyakap siya mula sa tagiliran. "Happy birthday. How are you?"

Niyakap niya ako pabalik nang mas mahigpit. "I am so happy. Ngayon ko lang ulit ako nakacelebrate ng birthday. Thank you so much."

"Then simula sa mga susunod na January 1, it will be your birthday."

Nakawala siya ng isang mahinang tawa. "Si Papa dati, tuwing bagong taon din kami nagcecelebrate ng birthday ko. Hindi rin niya alam kung kailan ang birthday ko dahil wala siya noong ipinanganak ako."

Unti-unti akong humiwalay para harapin siya. Ngayon ko lang iyon narinig at hindi ko alam kung magiging proud ako para saktuhin namin na bagong taon din ang magiging birthday niya.

"Ngayon na binuhay niyo ulit ang kaarawan ko, parang nabuhay din ako. Thank you so much."

Buong oras, nag-usap lang kami sa mga bagay-bagay. Puro tawanan at kwentuhan ang naambag namin sa tahimik na Meritown hanggang sa sinapian ata kami ng hilig ni Danger na magtanong ng mga bagay-bagay.

"Ano ang nangyari sa buhay mo na hindi mo pa naikukwento kahit kanino?" tanong niya habang pinapakiramdaman ang bawat kalamnan ng kamay ko. Napapahawak din siya sa relo niyang suot ko.

"Hmm." Napaisip ako. "Wala namang makubuluhang nangyayari sa buhay ko." Sumandal ako sa balikat niya habang pinapanood ang pakikiramdaman niya ng kamay ko. "Siguro.. noong nagwala ako sa bahay.."

Napatigil siya sa ginagawa niya at nilapit niya lalo ang mukha niya para pakinggan ako. Ngayon ko lang kasi bubuksan iyon. Simula nangyari 'yun, walang nagtanong dahil baka iniisip nila na ayaw kong maalala.

"Parang hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Pakiramdam ko, titigil lang sakit kung..." I don't like to say the word. ".. mamatay.." mahina kong sabi. ".. na lang ako. Hindi ko nakikilala ang sarili ko. Sinisigawan ko kayo. Minumura ko kayo. Sinasabi kong nagsisisi ako na nakilala ko kayo. Parang kinabukasan, hindi ko kayo kayang harapin dahil sa mga sinabi ko. Pero nahihiya ako ngayon na nagpapanggap lang kayong hindi ko ginawa iyon kahit alam kong nasaktan kayo sa ginagawa ko."

Napatango siya at binalot ako ng bisig niya. Nakaupo kasi kami ngayon sa abandonadong theater kung saan kami nag-stay dati.

"Kwento ka lang. Nakikinig ako," sabi ni Boss.

Malumanay akong ngumiti. "Okay na 'yun. Birthday mo kaya hindi ko pwedeng sirain dahil sa mga nangyaring hindi maganda."

"No. I guess, it's better to talk about it. We also learn from the things that happened to us. Hindi naman pwedeng hindi natin pag-usapan ang mga bumabagabag sa atin kasi pinilipit lang natin maging positibo."

"Simulan mo," sabi ko.

Nanlaki naman ang mga mata niya. Napaisip siya saglit. "Ano gusto mong malaman?"

"Kung ano ang gusto mong ishare."

Tumango-tango muna siya. "Isang journalist si Papa. Hindi man siya kilala ng buong Nodawn City pero siya ang nagsusulat ng balita sa newspapers. Salvador Agustine. Ang gwapong pangalan pero binabayaran lang siya para magsulat sa mga kilalang journalist. Nalaman ko lang na nagsimula siya sa ganoong kabuhayan noong ipinanganak ako. Buong buhay niya na simula dumating ako, nagtago na siya sa buhay ng journalism. Para raw sa kaligtasan ko lalo na't sunod-sunod na Nodawn ang umuupo sa posisyon. Hindi raw niya ginustong bayaran siya pero wala siyang magawa dahil ulila na siya noon at kailangan niyang mabuhay. Noong sumiklab ang isyu tungkol inaabangan ni Bernadette Nodawn ang pinakamataas na posisyon, lumabas sa mga balita na siya ang dahilan kung bakit maraming baho ang napunta sa pangalan ng tatay ni Danger na si Tito Dancio."

"Omg," bulong ko. "Talagang sadya ang pagtakbo ni Bernadette?" bulong ko.

Umangat ang mga kilay ni Boss. Para kaming nagchichismisan sa mga nangyari sa Nodawn! "Malakas lang talaga ang pangalan niya dahil sa mga tao. Kung hindi naman siya Nodawn, hindi naman siya mananalo." Lumapit siya sa akin. "Tungkol sa mayor bago manalo si Tito Dancio.."

"Manuel Nodawn," dugtong ko. Isa rin siyang kurakot at nawala ang tiwala sa kaniya ng mga tao dahil bumagsak ang ekonomiya kasabay ang tax evasion niya.

"Kapatid siya ng Nanay ni Bernadette Nodawn. Noong dinumihan ni Manuel ang pangalan ni Bethany Nodawn sa kalagitnaan ng termino niya, si Bernadette naman ang nagdumi sa pangalan ni Manuel sa pamamagitan ng pagbayad kay Papa para magsulat ng mga article."

"Wait! Oh my goodness!" Hinawakan ko ang sentido ko. "Journalist ang Papa mo and simula noong ipinanganak ka, nagtago na siya sa jounalism para protektahan ka. Pero bago 'yun, binabayaran siya ni Bernadette Nodawn para siraan ang mga gusto niyang siraan?"

Tumango siya. "At noong tumakbo si Bernadette, hindi pumayag ang Papa ko dahil may alam siya kaya may sinulat siya na ang dahilan kung bakit hindi ko na siya nakita kinabukasan."

Naglandslide ang mukha ko. Hinawakan ko ang kamay niya. "Ang dumi talaga ng White Hall," konklusyon ko at umirap.

Tumango siya. "I know right." Sinubukan din niyang umirap pero natawa kami. Ang cute niya kasi!

"Nga pala.." May naalala ako. "Noong misyon kay Mortan Pascual.."

"Hmm?"

"May nakausap siya sa phone.. at nabanggit niya na may anak si Bernadette Nodawn. Totoo ba?" mabagal kong tanong.

Tinitigan lang ako ni Boss. Hindi ko alam kung alam ba niya o hindi. Tahimik lang siya at hindi nagbabago ang tingin niya. Ako na sana ang magpapalit ng topic kaso unti-unti siyang napakibit-balikat.

Naramdaman na namin ang gabi kaya nagpasya na kaming magsimula maglakad papunta kung saan nakapark ang sasakyan niya. Habang naglalakad kami sa kagubatan, hindi pa rin natatapos ang question and answer portion namin.

"Let's do fast talk. Sagutin natin ang mga tanong natin na walang explanation," pagsisimula ko.

"Game," sabi niya at halatang game sa ganap namin.

"Kung isang pagkain lang ang pwede mong kainin buong buhay mo... ano iyon?

"Ang hirap!" Pati ang buong katawan niya ay sumasabay sa tensyon. "Tinola?"

"Oo nga, ang hirap nga!" Natawa ako dahil ang hirap nga sumagot. "Sopas ni Heroic."

"Favorite Gumdrop member," mabilis niyang tanong kaya nanlaki ang mga mata ko.

"Madaya! Wala akong maisasagot!"

"Joke lang." Mas lalo siyang natawa. "Bukod sa akin, kung nastuck ka sa isang isla, sino ang gusto mong kasama?"

"Bukod sa'yo... hmm, Forsythe?" Kailangan ko ng magpuputol ng puno.

"Heroic," sagot niya.

Napatakip ako ng bibig. Si Heroic pala!

Pero kailangan palang mabilis ang fast talk namin. "Spaghetti or Carbonara?"

Ningusuan niya ako. Oo nga pala! Hindi siya mahilig sa mga pagkain na may sauce! "Pero gusto ko 'yung spaghetti mo ngayon."

Umangat ang mukha ko. "Paano mo nasabi na spaghetti ko 'yun?" panghahamon ko.

"'Yung paghiwa ng hotdog mo. 'Yung kay Heroic kasi, hinahati pa sa gitna."

Tumawa ako habang pumapalakpak. "Magaling." Ako talaga nagluto kasi nagrequest si Lawron at Clark. "Carbonara," sagot ko.

"Bakit hindi ka nag-Carbonara ngayon?" tanong niya.

Sasagot sana ako. "Boss, may laro tayo, remember?" paalala ko.

"Oh, right!" Napakamot siya ng batok at pinatuloy ang paglalakad. "Favorite part of my face."

Oh, interesting. "Everything. Lalo na ang eyes at lips."

"Eyes and lips," sagot din niya at yumuko siya para bigyan ako ng smack sa lips!

"Boss!" Napahighik ako. Nakakalimutan ko rin na may laro kami!

"It's your turn," paalala niya.

"Favorite part of my body," paghahamon ko.

Napatigil siya sa paglalakad at napaiwas saglit ng tingin. Napahaplos pa siya ng pisngi niya.

"Come on, Boss. Tayong dalawa lang ang nandito."

"You sure, you want to know?"

Palihim kong kinagat ang loob ng pisngi ko para pigilan ang ngiti ko. Namumula na ata ako!

"Your waist and hands."

Kinunutan ko siya ng mukha. "Come on, Boss." I know there's something more.

Kinunutan din niya ako ng mukha. Namumula na rin siya! "Ano pa?"

"My breast?" lakas-loob kong dagdag kaya napabuga siya ng tawa bago maglakad sana palayo sa akin. Natawa na lamang ako. "Oh 'di ba?" Malakas akong tumawa habang hinahabol siya.

"O, sige. Ikaw?" tanong niya pabalik.

My goodness! Nasa akin na ang pressure! "Hands, arms and thighs."

"And?"

"Huy!" Pabiro kong pinalo ang braso niya. May gusto pa ata siyang marinig!

"Hot or cold?"

Nanlaki ang mga mata ko. "Ang simple naman, Boss! Level up na dapat tayo! Lights on or lights off?"

"Seriously?" natatawa niyang tanong.

"Ayaw mo ba?"

"Gusto." Mas lalo kaming natawa. "It's interesting. Pero wala akong masagot. Ano ba ang gusto mo? Lights or off?"

Pabiro akong napairap. Kailangan kong maging malakas! "Kahit ano! As long as ikaw kasama ko, go! Kahit saan!"

Para kaming mga baliw sa kalagitnaan ng kagubatan. Namumula at ang lalakas ng tawa.

"Have you ever dreamt of me?" I asked.

"Yes. In the most wholesome way... or even in a naughty way."

"Boss!" Napatakip ako ng mukha. Akala ko pa naman tapos na kami sa part na iyon.

"You said, we need to spice things up!" Hinawakan niya ang dalawang kamay ko para makita niya ang reaksyon ko. "Ikaw?'

"Same," sagot ko at natawa na naman kami. Wala na, palagi na kaming natatawa nito.

"What do my lips taste like?"

Napaawang ang labi ko dahil sa sobrang gulat. Huminga ako nang malalim habang inaalala kung nakainom ba ako ngayon para mapakiramdaman kung lasing na ba ako o ano.

"Can I have one first before answering?"

He chuckled before pulling my waist against him and started kissing me. Pakiramdam ko, ginagalingan niya kaya humiwalay ako. "You taste like a sweet mint."

Napangiti siya. "I can taste your lipstick. It tastes like white chocolate."

"Kakaretouch ko pa lang kanina." Nagpatuloy ulit kaming maglakad. "Are you a dom or a sub?"

Nabilaukan siya sa sarili niyang laway. Halos tumilapon pa siya palayo sa tabi ko! Pero matapos ayusin ang kwelyo ng blue dress shirt niya, tumayo siya nang tuwid. "How will we know if we don't try?"

"Boss!" sigaw ko at tuluyang tinakpan ang buong mukha ko.

Puro tawanan lang ata ang mangyayari kung ganito ang usapan namin.

"Naexperience mo na ba?" seryoso kong tanong. Kanina pa rin namin ito pinag-uusapan. Hindi pa dinederetso.

Tiningnan niya ako na parang hindi siya makapaniwala. "Bloom, you are my first girlfriend."

Tumango-tango ako. Nagmumukha naman akong kampante dahil doon.

"Yeah, right. Si Forsythe ang una mo naging boyfriend at first kiss mo."

Muli akong tumingin sa kaniya at puno ng tawad ang buong mukha ko. "Sorry na!" Niyakap ko siya. Noong una, kunwari, ayaw pa niya pero hindi pa umaabot ng isang minuto, niyakap din naman niya ako pabalik.

"What do you think will happen to us?" I asked once more before we go home.

Bago kami makalapit sa highway, muli kaming humarap sa isa't-isa.

"What will happen to us..." he repeated what I asked.

I nodded. "Makakaalis pa ba tayo sa White Hall? May mga malala pang mangyayari dahil mag-eeleksyon na. Hindi ko pa nakikita ang kinabukasan natin hangga't nasa ilalim pa tayo ng White Hall. Kahit matatapos na tayo sa pag-aaral, sigurado tayong hindi nila tayo agad-agad papakawalan dahil marami tayong alam sa pamamalakad ngayon.."

"Bloom." Hinawakan niya ang mukha ko. "Malalagpasan natin lahat 'yan. Nating lahat. Tayo nina Heroic, Lawron, Danger, Orion, Clark, at Forsythe ay makakaalis sa White Hall. Magtiwala lang kayong lahat sa akin."

"Grabe na rin ang sakripisyo mo para sa amin, Boss. Para saan pa at naging grupo tayo? Sabihin mo sa amin kung ano ang makakaya namin para hindi mo kailangang akuhin ang lahat ng pinapagawa sa'yo."

Ngumiti siya. Para bang ayos lang ang lahat. "Hindi niyo rin naman ginusto na mainvolve sa White Hall noong simula pa lang. Ako ang pumili sa inyo at papanindigan ko kayo. Kaya kong gawin lahat para protektahan kayo."

"Eh, ikaw, Boss. Ikaw ang inaalala ko. Sila rin, ikaw ang inaalala dahil sobra-sobra na ang sakripisyo mo. Hayaan mo sana naming tulungan ka."

"Bloom.." Mahina siyang tumawa at sinuklay ang buhok kong humaharang sa mukha ko. Pinagmasdan pa niya ito at hindi mapigilang mapangiti. "My God, you're so beautiful."

"Seriously, Boss?" Hindi ko kayang kiligin! Seryoso ang pag-uusap namin ngayon!

"I haven't told you yet how much I love you, right?"

Tila tumigil saglit ang paggana ng mga baga ko.

Hindi mawala ang ngiti niya. Gusto kong bumagsak dahil natatakot ako sa mga susunod na nangyayari pero ang sarap pagmasdan ng ngiti niya. Kaya ko siyang titigan buong buhay ko. Papayag akong hawakan niya ang buong mukha ko kahit umaraw man o bumagyo sa kinatatayuan namin ngayon.

I love him.

I love him so much.

Napabuntong-hininga siya at hinawakan ang magkabilang pisngi ko. "Simula namulat ako sa mundo, naging alipin na ako ng White Hall. Hindi na ako nakapagreklamo dahil wala rin naman akong magagawa. May pangarap ako at kaya kong isugal ang lahat para makahanap ng paraan para makatakas ako at maging malaya ang mga tao rito. Kaso wala pa akong dahilan para sa lakas na iyon dahil ako mismo ay pinipigilang magsalita. Ngayon na nakilala ko kayo, kaya ko na. Kaya kong gamitin ang sarili ko para sa lahat ng mangyayari para makalaya tayong lahat. Ang kailangan ko sa inyo ay tiwala niyo."

"Malaki ang tiwala namin sa'yo."

Tumango siya.

Habang pinapahupa ang bigat na umipon sa hangin ngayon, naramdaman kong huminahon ang paghawak niya sa mukha ko.

"I can see my future with you, Bloom. I can see us, having our jobs, experiencing life outside Nodawn, building this relationship, marrying you, having kids, and growing old with you. I can also see Gumdrop's future outside Nodawn. That's why I really need to do something. If I took risky things last time, I'll do it again."

Tumango ako. Naiintindihan ko siya. May tiwala ako sa kaniya.

"Noong tinawagan nila ako noong Pasko.." panimula niya. "May pinapautos sila sa akin. Pero hindi ko na kayang magpaalipin kaya tumakas ako. Ilang araw akong nagtago. Kaya hindi ako umuwi dahil ayaw kong madamay kayo."

"Pero umuwi ka," mahina kong sabi.

Nanghihina siyang ngumiti. "Dahil kailangan ko ng lakas," sabi niya habang nakatingin sa mga mata ko.

May narinig akong sasakyan mula sa kalayuan. Nakaramdam ako ng takot dahil wala namang dumadaang sasakyan sa lugar na 'to. Ngunit hindi lang isang sasakyan ang naririnig ko... marami... maraming sasakyan ang naririnig kong parating dito.

"Boss?" tawag ko kung naririnig din ba niya ang naririnig ko. Kaso nang tumingin ako sa kaniya, nakatingin pa rin siya sa akin.

Nakita ko ang pula at asul na ilaw sa hallway. Palakas nang palakas ang ilaw kaya nakikita na rin ito sa mga puno.

"Boss. What is happening? Umalis na tayo rito." Hinawakan ko ang kamay niya at sinubukang hilain siya palayo.

"They found me."

"Found who?!"

Naaninag ko na ang mga itim na sasakyan na pumasok na sa gubat, palapit kung saan kami nakatayo ngayon. Nakapatay na ang sirena nila pero rinig na rinig ang paglapit nila sa akin.

"Bloom," tawag sa akin ni Boss na ngayon ay nakatingin na nang diretso kung saan dumadaan ang mga sasakyan. "If I told you to go, go. Nasa highway si Forsythe at umalis kayo agad."

Hindi ako nakapagsalita lalo na't tumigil na ang mga sasakyan. Nakatingin lamang ako kay Boss na hindi ko mahanapan ng ekspresyon sa oras na ito.

Tinutukan kami ng napakalakas na puting headlight ng sasakyan. Saglit napakurap ang mga mata ko dahil sa pagkasilaw pero inangat agad ni Boss ang kamay niya para takpan ang mga mata ko sa lakas ng liwanag. Siya ang napanood kong naningkit ang mga mata dahil mas inuna niyang tinakpan ang mga mata ko.

"Stalwart Boss," someone called him with an authorative voice. I can't see who were the men infront of us.

"Stay where you are," Boss said using his voice that I haven't heard from him.

My heart dropped. He sounds like someone I don't know.

"You need to come with us."

"Let her go first," Boss once said.

"You need to­—"

"Let her go first. Do I need to tell you again?"

Tumahimik sila. Pero andito pa rin ako, nakatingin sa kaniya.

Kahit sobrang liwanag, lumipat ang tingin ni Boss sa akin.

Nakaangat pa rin ang kamay niya.

"Go."

Pabigat nang pabigat ang paghinga ko. No. I can't. I know you're not safe.

Nakita ko ulit ang mga mata ni Boss. I saw comfort and almost begging just for me to go.

"Bloom," he sofly called.

Please. Don't act like everything's fine! Can't we just run away?

"I love you.." he whispered. "Please go."

Yumuko ako at sinimulang maglakad palayo sa kaniya. Tinakpan ko rin ang mga bahagi ng mukha ko para hindi nila makita ang mukha ko. Hindi ko nakita ang mga lalaking lumabas sa sasakyan. Nakita ko lang na nakasuot sila ng black suit. Hindi sila gumalaw sa kinatatayuan nila hanggang sa nalagpasan ko na sila.

Nakarating na ako sa highway, muli akong lumingon at nakita pa rin na nakatayo si Boss sa liwanag, nakaekis ang mga bisig at nakayuko.

Nakita kong mabilis na pinapaharurot ni Forsythe ang motor niya palapit sa akin. Nagmamadali niyang tinanggal ang helmet niya para isuot sa akin. "We need to get out of here," sabi niya.

"Si Boss.." nanghihina kong sabi.

"Magiging okay din ang lahat."

Sumakay na ako sa likuran.

Bumusina si Forsythe.

Ang huli kong nakita ay napaangat ang tingin ni Boss sa kalayuan nang marinig ang busina ng motor. Doon na rin siya sumakay sa sasakyan na walang humahawak sa kaniya.

---

Nalaman din nila ang nangyaring pagkuha ng White Hall kay Boss sa kagubatan. Hindi namin alam ang nangyayari. Hindi rin umuwi si Boss. Kahit gaano ang pag-aalala ko, hindi ako pwedeng magtext o ano dahil iyon ang sinabi ni Forsythe. Iyon pala ang pinag-usapan nila Boss sa Meritown. Alam na niya na kukunin na siya matapos ang ilang araw sa pagtatago.

"Okay ka lang?" tanong ni Orion nang mapansin na tahimik lang ako sa pag-aayos ng gamit ko sa bag.

"Hindi," pag-aamin ko. Nakita ko na ring bumaba na sila Clark at Lawron kaya kinailangan kong suotin ulit ang maskara ko. Kailangan ko maging malakas. Hindi na ako pwedeng manghina matapos ang nangyari noon.

Sabay kaming pitong pumasok sa university matapos ang sembreak.

"Ngayon na ipapakita ang official candidates para sa University Elections," sabi ni Lawron habang gumagamit ng cellphone.

"Huy, nakakakaba," sabi ni Clark. "Wala pa namang nananalong president ng Student Council, kinakabahan na ako para sa kaniya. Grabeng magiging pressure 'yun."

Tahimik lang ako buong biyahe. Balak sanang magpatugtog ni Danger pero hindi pumayag si Forsythe na siyang nagmamaneho ngayon (hindi pa pwedeng magmaneho si Danger) dahil malapit na rin naman kami sa school.

Nang makarating kami sa main building para tingnan ang updates sa bulletin board, natigilan kaming lahat sa nakikita namin sa malaking screen ng main hall.

Offical Candidates
PRESIDENT:

TIMOTHY MORALES
Bachelor of Arts in Communication

STALWART BOSS AGUSTINE
Bachelor of Arts in Political Science

Bumagsak ang puso ko. Pakiramdam ko, nabasag ito sa sahig. Pakiramdam ko, tinapak-tapakan na ng mga taong dumadaan iyon.

"Si Boss.. tatakbo.." bulong ni Lawron sa likuran ko.

Oo, tatakbo si Boss.

... bilang President.

Hindi maayos ang pag-iisip ko buong umaga. Kaliwa't-kanan ang naririnig kong usapan tungkol sa mga kandidato sa eleksyon ng university.

Kinailangan pa naming pumunta sa rooftop kung saan kami pumwesto noon, pagdating ng lunchtime para iproseso ang mga nangyayari ngayon.

"Tatakbo si Boss. President. Si Boss," paulit-ulit na pagpapaalala ni Orion habang naglalakad-lakad. Silang dalawa ni Clark ay naglalakad-lakad habang nakaupo kami sa upuan, nag-iisip din sa nangyayari ngayon. "Magkasama kayo sa gabi na iyon, Bloom. Wala ba siyang sinabi sa'yo?" tanong niya sa akin.

Umiling ako. Hindi ko kayang magsalita. Nadidismaya ako pero pilit kong sinasabihan ang sarili ko na kailangan kong magtiwala sa kaniya.

"Magkausap kayo ni Boss noon sa Meritown 'di ba? Sinabi niya sa'yo?" tanong ni Heroic.

"Sinabi lang niya sa akin na tumakas siya sa White Hall dahil may inuutos sa kaniya na ayaw niya. Nagtago siya dahil hinahabol siya. Nang nakatanggap siya ng mensahe mula sa Mayor, nahanap siya sa Meritown kaya wala siyang choice. Sinabihan din niya ako na kunin ko si Bloom kung naabutan sila. Iyon lang."

"Paano kung inuutusan siya ng White Hall na tumakbo dahil kung sure-win si Morales, hindi Nodawn ang ieendorse niya?" tanong ni Lawron kaya napatingin kaming lahat sa kaniya. "Ngayon na tatakbo siya.. paano kung hindi Nodawn ang iendorse niya kasi 'di ba, against din siya sa White Hall?"

"Si Boss 'yun eh! For sure, hindi Nodawn ang ipapanalo niya!"

Iyon ang mas lalong nagpalakas ng tiwala namin.

Kahit may naramdaman kaming kaunting pagtataksil dahil hindi kami sinabihan ni Boss, malakas pa rin ang tiwala namin sa kaniya. Kahit hindi siya umuuwi sa amin, sa campaign season ng school, siya ang kinakampanyahan namin. Kailangan niyang manalo dahil kilala namin siya. Matalino at responsable siya. Alam namin isa siyang magiging mabuting leader.

"Nakita niyo na ba 'to?"

Ilang linggo ang nakalipas, natauhan kami sa pinakita ni Forsythe. 'Yung bankbook ng Gumdrop, na hawak ni Boss. Nagtaka kami kung bakit maraming nabawas na pera. Para ito sa bayaran ng bahay at nakapagtataka talaga na kukuha si Boss ng pera na hindi man lang nagpapaalam sa amin?

"Malaking halaga," diin ni Heroic at pinakita ang pera na naiwan kumpara sa pinakahuling pagdeposit namin.

"Tangina, ang laki nito ah," sabi rin ni Orion nang nagkukumpulan na kami sa kusina.

Wala akong masabi. Hindi ko alam ang sasabihin. Parang ayaw kong magsalita sa ngayon.

Ang alam ko, kahit may tiwala ako, may sumisilip na pagdududa.

Parang sobra naman ang hindi niya pagsasabi sa amin?

Nabubulag ba kami sa kabaitang pinapakita niya?

"Kailangan natin siyang pagkatiwalaan," na lang ang nasabi ko.

Nagpatuloy ang campaign at parang nawalan kami ng gana simula sa nalaman naming kumuha siya sa pera naming lahat na hindi man lang kami pinagsasabihan. At noong nalaman namin na tatakbo siya ay naging negatibo na rin sa parte namin.

Ngayon na pinapanood ko siya sa stage, nangangampanya, wala akong reaksyon. Hindi man lang din ako nakinig dahil alam kong salita lang iyon. Hinayaan ko ring pag-usapan siya ng mga babae sa paligid ko kung gaano siya kagwapo. Wala na, halo-halo na ang inis ko at dinala ko iyon hanggang sa araw ng eleksyon sa Nodawn University.

Mabilis ang panahon.

Parang kumurap lang kami.

Noon, magkasama kami habang nakatingin sa screen ng hallway kung saan nakalagay ang pangalan niya bilang kandidato sa pinakamataas na posisyon.

Ngayon, magkasama pa rin kami habang nakatingin sa screen ng hallway kung saan nakalagay na ang resulta ng botohan.

President: Stalwart Boss Agustine

---

Parang napupuno ang bahay ng galit, lungkot, at taka. Nanalo na si Boss sa eleksyon sa school at hindi pa rin siya umuuwi. Gusto ko talagang magalit at magtampo. Ako na girlfriend niya, hindi ko man lang siya nakausap simula noon? Ang sakit sa puso, sa totoo lang. Mahirap din ipakita ang tunay kong nararamdaman kaya nagpapanggap ako na wala lang. Hindi lang din naman ako ang nadismaya eh.

"Wala kayong alam kung nasaan siya ngayon?" tanong ni Clark.

"Kaya nga," sabi rin ni Danger. "Nanalo siya tapos hindi man lang tayo magcecelebrate?"

"Alam naman natin na hindi tayo tatalikuran ni Boss. Hawak siya ng White Hall ngayon kaya dumidistansya siya sa atin para hindi tayo madamay," sabi ni Lawron.

Iyon ang nagpagaan ulit ng nararamdaman namin. Mahirap din kontrolin ang dismaya na naipon namin simula noon.

"Baka nasa tree house niya.." sabi ko. Gusto rin namin siyang makita.

Biglaang plano, pumunta kami sa tree house niya kinagabihan kung kailan mataas ang pag-asa na doon siya umuuwi. Kaso walang tao roon pati sa Meritown. Nasayang lang ang cake na binili namin at napanis din ang binili naming pagkain sa kahihintay sa kaniya.

Sa mga sumunod na gabi, kaming dalawa lang ni Forsythe ang nagbabalik-balik sa tree house niya. Nasasaksihan na ni Forsythe ang galit at inis ko sa mga nagdaang araw. Paano nakayanan ni Boss na ilihim lang ang lahat ng itos sa amin? Sa akin? Paano niya nakakaya 'to? Paano niya kami natitiis?

Patapos na rin ang 2nd sem. Ilang buwan akong nagtiis na dinadaanan lang namin ni Boss ang isa't-isa. Simula nanalo siya, busy na siya kasama ang nakaupo pa rin ngayon na president at ang mga ibang officers.

Worth it ba talaga 'to, Boss?

Mahigit anim na buwan mo kaming iniiwasan?

Paano mo nakakaya 'yun?

Nagsisisi na ako na puno ng galit ang bumuo sa akin sa nagdaang buwan. Dahil doon, hindi ko na alam kung ano ba dapat ang maramdaman ko. Parang matigas na ang puso ko at hindi na nakakaramdam ng mga naramdaman ko dati. Nahihirapan na akong ibalik ang dati.

May kumatok sa pinto ko kaya wala akong emosyon na binuksan iyon. Nasa harapan ko si Forsythe, tinaas ang napakapamilyar na dark blue gray card na nakita ko na noon. Malakas ang pakiramdam ko na nangyari na ito dati.

Gumdrop, White Hall, tonight at 8 PM.

---

Wala ito sa pinangarap ko. Wala rin ito sa iniisip ko simula noon. Hindi ko inaakala na maglalakad ulit kami sa loob ng White Hall habang nakatingin sa amin ang lahat ng mga tao roon. Tinitingnan nila kami na parang hindi nila kami kilala. Na parang hindi kami naging importante. Na parang hindi kami ang naglinis sa mga dumi nila noon.

Nanlalamig ang buong katawan ko. Nakaramdam na lang ako ng init nang hinawakan ni Heroic ang kamay ko. Kinailangan naming maging malakas lalo na't wala kaming alam sa mangyayari ngayon.

Muli naming nakaharap si Mr. Yu. Hindi namin siya magawang tingnan nang diretso habang binubuksan niya ang pintuan ng pupuntahan namin, ang Mayor's Office.

Puno ng kintab at liwanag sa loob ng opisina ni Bernadette Nodawn. Sa buong buhay namin, kasama na ang parte ng buhay namin na sumailalim kami sa White Hall, ngayon lang namin siya nakita nang personal. Maputi siya, nakataas ang buhok, suot ang isang mamahaling formal suit, at sobrang nakakaintimidate ang bawat piyesa na bumubuo sa mukha niya.

"Are they the Gumdrop that you're talking about?" she asked Mr. Yu. Busy siya sa pagpipirma sa mga papeles niya.

"Yes, Mayor."

Napahigpit ang hawak ko kay Heroic. Hindi ko siya kayang titigan. Hindi ko kayang sikmurain na nasa iisang kwarto kami ngayong lahat sa oras na ito.

"Where are their biodata?"

"Here, Mayor."

Nakarinig ako ng pag-ayos ng makakapal na papeles. Unti-unti akong napapikit habang dinadamdam ang bigat ng hangin sa loob.

"So, sila ang pinili ni Boss. Where is he, by the way?"

She mentioned Boss. Hindi ko napigilan ang sarili ko na inangat ang paningin ko. Nakita ko siyang kunot-noong binabasa ang nakalagay sa bio data namin.

"Forsythe Mendez, Bachelor of Physical Education," pagbanggit niya at napasulyap sa amin. "Where are you?"

Nagtaas ng kamay si Forsythe. Naacknowledge naman siya at napatango ito. Nagtaka kaming lahat kung bakit naglagay siya ng malaking ekis sa buong papel.

"Danger Rose, Bachelor of Science in Mechanical Engineering." Sumama ang timpla ng mukha niya. "How could Boss choose the son of the corrupt politician?"

Napapikit nang mariin si Danger sa tabi ko. Agad kong hinawakan ang kamay niya para pakalmahin siya.

Naglagay si Bernadette Nodawn ng malaking ekis, nilukot, at tinapon palayo ang papel.

"Orion Glint, Bachelor of Science in Architecture." Hindi na niya inangat ang paningin niya at pinagpatuloy ang pag-eekis ng mga papel namin.

"Heroic Wilson, Bachelor of Early Childhood Education."

"Lawron Caroles, Bachelor of Science in Accountancy."

"Clark Richards, Bachelor of Science in Business Management." Umangat muli ang tingin niya. "Grandson of Rob Richards," dagdag niya at naglagay din ng malaking ekis sa papel habang nakatingin pa rin sa direksyon ni Clark. Napailing ito at muling bumalik para basahin ang papel ko.

"Bloom Jinx Marcues, Bachelor of Science in Nursing—" Napatigil siya saglit nang binasa lalo ang papel ko. "Hmm. Interesting. You're the daugther of Brunindino and Jineiva." Sinalubong niya ang tingin ko sa kaniya. Hindi ako nagpatalo at hindi binawi ang tingin ko. "Anak ng dalawang aktibista. No wonder, namatay sila sa Brooksent." Napakibit-balikat siya at tinapon din ang papel ko.

Napaawang ang labi ko dahil sa sinabi niya.

"So, I called you all to announce that your contract will be terminated."

What?

How can she be so chill about it? Matapos niya kaming gamitin tapos itatapon niya lang kami na parang papel?

"Oh, andito ka na pala."

Dinaanan kami ni Boss na may hawak na brown envelop. Kung hindi ako nagkakamali, iyon ang oath niya kasama ang kontrata namin.

Nang binigay iyon sa kaniya, napairap siya nang may panibago na naman siyang papel na titingnan.

Binasa niya ang kontrata at oath.

"How many times do I have to tell you to use Nodawn?" she told Boss. "You're always using your useless father's name! Kaya nahihirapan tayo sa pagpoproseso sa pangalan mo!"

What the fuck.

Tiningnan naming lahat si Boss.

Hindi siya makatingin sa amin.

Binalik sa kaniya ang mga papel pero hindi niya ito tinanggap. Sa huli, pinunit na rin iyon ni Bernadette Nodawn nang maraming beses at tinapon palayo.

Hindi kami makapaniwala kay Boss. May mas malala pa pala siyang tinatago sa amin? Ngayon ay haharap siya sa amin na parang wala lang? How could he?!

"Burahin mo ang lahat ng ebidensya ng Gumdrop. Tapos na ang kontrata niyo. Ikaw na ang bahala sa kanila. Kung may lumabas sa kanila tungkol sa White Hall, alam naman siguro nila kung anong mangyayari sa kanila."

Nakita kong sinalubong ni Boss ang tingin ko sa kaniya.

I can't believe you.

Ako ang unang lumabas sa opisina dahil hindi ko na kayang manatili sa loob matapos ang lahat ng nalaman ko. Nanginginig ako. Nanlalamig ako. Gusto kong magsuka. Nasusuka ako na nagtiwala rin kami sa isang Nodawn.

Si Boss... ay isang Nodawn.

What the fuck!

"Let's get out of here." Kinuha ni Forsythe ang pulso ko para hinalin palabas ng White Hall.

Hanggang sa paglabas na namin ay hindi kami makapaniwala sa nangyari. Napaupo ako sa sahig habang napapahilamos ng mukha. Nahihilo ako at gusto kong sumuka. Hindi ko kinakaya ang mga nalaman ko.

Si Boss ay isang Nodawn.

Paulit-ulit na iyon tumatakbo sa utak ko.

"Tangina. Huwag tayong sumakay diyan." Binato ni Danger ang susi ng microbus doon na palagi naming sinasakyan.

Kitang-kita sa amin ang sakit at galit. Lalo na't nakita namin si Boss na naglalakad palapit sa amin. Bago pa siya tuluyang makalapit sa amin, hinarang siya ni Heroic.

"Anak ka ni Bernadette Nodawn."

Fuck. Ang sakit sa tenga.

"Oo, ako nga. Sorry—"

Sinuntok siya ni Heroic na ikinagulat naming lahat. Hindi pa siya nakuntento, paulit-ulit niyang sinuntok si Boss hanggang sa pumaibabaw na ito para paulanin ng suntok.

"Nagtiwala kami sa'yo! Tangina mo!"

"Heroic." Sinubukan ko siyang ilayo pero masyado siyang nanginginig.

Sinisigawan niya ang mukha ni Boss. "Buong buhay ko, napakalaking tiwala ang binigay namin sa'yo! Tapos gaganituhin mo lang kami? Matapos mo kaming pinili at gamitin, itatapon mo lang kami?! Putangina mo! Ang sama mo!"

"Heroic, tama na." Buong lakas ko siyang nilayo para maiwan si Boss sa sahig habang sugatan.

"Kaibigan ka namin, Boss! Kaibigan!" diin ni Heroic. "Bakit ganito ang ginawa mo sa amin!" Humagulgol si Heroic habang pilit kumawala sa yakap namin ni Lawron. Nakaupo na lamang sa sahig sila Danger, Orion, at Clark na umiiyak na rin.

"Boss! Paano na kami nito! Kaibigan mo kami! Pamilya tayo! Ang sama-sama mo! Traydor! Para mo na rin kaming pinatay!" sigaw ni Heroic.

Pilit na tumayo ni Boss kahit hirap na hirap. Gustuhin ko man siyang pakinggan pero hindi ko na kaya. Hindi na siya ang Boss na kilala namin. Mukha ngang hindi talaga siya ang Boss na nagpakilala sa amin.

Hinarap siya ni Forsythe. "Huwag ka nang magpakita sa amin. Tutal, ikaw naman ang may kasalanan ng lahat ng ito."

At sa gabi na iyon ang pagbuwag ng Gumdrop.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com