Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 44

Sinubukan niyang tumayo.

Kahit nanghihina, sinbukang tumayo ni Boss

Nagsimulang magwala ang mga estudyante at nagsisitakbuhan para makaalis sa lugar. Kaya nahihirapan akong makadaan agad lalo na't nadadala ako ng agos ng mga nagmamadaling estudyante.

Napapatanong din ako tungkol sa pagsasakripisyo. Ngayong oras na 'to, naramdaman kong malakas ang loob ko para magprotekta. Kahit anong mangyari, hindi na ako aalis.

Buong lakas kong hinawi ang mga humaharang sa daanan ko. Kailangan kong makaabot kay Boss na nahihirapang tumayo.

Nakita ko si Danger na sumampa sa entablado na nakabuka ang mga bisig para protektahan si Boss. Nakaharap siya kung saan nanggaling ang hitman. Handa niyang saluhin ang susunod na bala. Sumunod sa kaniya si Orion na agad napaluhod para hawakan si Boss.

Nang makarating ako sa stage, agad kong tiningnan ang kalagayan ni Boss. Nanginginig an mga kamay niya at napansin kong humihinga siya nang malalim para pakalmahin ang sarili niya. Mariin din siyang nakapikit.

Wala siyang dugo.

Muntikan akong mawala sa katinuan dahil biglang hindi ko alam ang gagawin ko nang makita siyang nagkakaroon ng matinding panic attack sa oras na 'to.

"Pumunta tayo sa bakanteng classroom." Tinulungan ako ni Orion para akbayin si Boss at mabuhat namin siya. Kaso hindi namin siya nakakaya dahil dumoble ang bigat niya. Kasabay pa ang panlalamig ng katawan niya at nakakagawa siya ng mga maliliit na kilos. Mukhang hinahanap din niya ang sarili niya.

Tumakbo na rin palapit sa amin Lawron at buong lakas na binuhat si Boss.

Nang makapasok kami sa isang classroom na walang tao, pinaupo namin si Boss. Si Danger naman ay sinara ang mga kurtina para hindi kami makita sa loob.

Huminga ako nang malalim at inipon lahat ng lakas ng loob ko. Nasa bingit ng lalamunan ko ang iyak ko pero hindi dapat ako maging mahina ngayon.

"Boss.." tawag ko habang sinusuri ang kalagayan niya.

Tuluyang nanigas ang mga kamay niya. Dahil din sa paghinga nang malalim mula kanina, nagdominate ang oxygen sa sistema niya.

"Danger, sa clinic, may brown bag. Please get one. ASAP."

Agad siyang tumakbo palabas.

Hinawakan ko ang kamay ni Boss at saglit na minasahe. "Boss.. we're here.."

Binuksan ko ang polo niya at nagulat ako nang may bulletproof vest siyang suot.

He knew..

"Boss... Boss? Andito kami.. Wala nang maiiwan.." Hinawakan ko ang mukha niya. Dahan-dahan akong huminga nang malalim nang nakitang nagsimula nang lumabas ang mga luha niya. Marahan niyang pinapalo ang dibdib niya. "You're okay. You'll be fine," bulong ko at pilit ginigising ang malay niya sa lahat ng makakaya ko.

Naramdaman kong tumigil siya sa paghinga.

Agad akong tumayo. "Nasaan na si Danger?"

Lumabas si Orion para hanapin si Danger.

Binalikan ko si Boss at pinabangon para himasin ang likuran niya. "Breathe, Boss.. Please.. please.." Kinuha ko ang nakita kong notebook na nakapatong sa lamesa at pinaypayan siya. Muli siyang mabilis na huminga nang malalim.

I can see the sign that something is not going to be right.

"He's hyperventilating.." bulong ko dahil hindi na mahigpit ang pagkapit niya sa kamay ko.

"Ito na!" Mabuti na lang dumating na sila Danger at Orion. Binigay ko ang brown bag kay Boss at sinabayan siya sa paghinga. Buong atensyon ko ay na kay Boss lamang kaya nagulat ako nang mapansin na nakatitig sa amin sina Danger, Orion, at Lawron. Actually, halata kay Danger ang pag-aalala. Kaso kina Orion at Lawron ang may ibang tingin dahil may alam sila sa relasyon namin ni Boss.

Matapos kong binilang ang paghihinga niya sa brown bag, tinanggal ko iyon at inobserbahan ulit siya. Nakailang beses kaming ginawa iyon hanggang sa nakita kong may improvement na sa kalagayan niya kumpara kanina.

"Can you hear me?" tanong ko at pinahawak sa kaniya ang kamay ko. Nakahinga ako nang maluwag nang hindi na siya namamanhid. Hinawakan niya ang kamay ko habang humihinga nang malalim.

"Breathe through your nose," bulong ko. Tumango siya at sinunod ang sinabi ko habang nakapikit pa rin. "You'll be fine. We're here, hmm?" Hinawakan ko nang maigi ang kamay niya at pinagmasdan siyang kumalma.

"Hanapin ko sila Clark," paalam ni Danger at muling lumabas.

Hinintay kong bumalik ang malay niya. Tinanggal din namin ang bulletproof vest niya para mas maging maayos ang paghinga niya. Tiningnan pa nila Lawron ang bala na nasa vest. "Nakakatakot naman 'to."

Unti-unting dumilat si Boss at pinagmasdan ang paligid bago napatingin sa akin. Ngumiti ako at inayos ang buhok niya. "Musta pakiramdam mo?"

Mahina siyang ngumiti at maayos na umupo. Sinandal niya ang mga siko niya sa tuhod niya habang ginagalaw ang mga kamay niya. Kahit nakikita naming napapangiti siya, may luha pa rin siyang nailalabas.

Niyakap ko siya at niyakap niya ako pabalik.

Ang tagal kong hinahanap-hanap ang yakap niya.

"I love you," bulong ko. "I'm so proud of you."

Hinayaan muna namin siyang huminga habang nakasandal sa akin. Minamasahe ko rin ang bawat pulgada ng balikat niya para madagdagan ang pagkalma niya sa sarili niya.

"Totoo talaga ang myth.." una niyang nasabi.

"Nakita namin," pampahupa ng mabigat na hangin ni Orion.

Dinaanan na lang sa tawa ni Boss. Isa rin 'tong may dark humor.

Dahan-dahang bumangon si Boss para mas lalong palakasin ang sarili niya. Balak pa niyang bumangon pero naisandal na lang niya ang mga siko sa mga tuhod niya. Umupo ako sa harapan niya para tingnan siyang nakayuko.

"How are you feeling? Do you want something?" mahinahon kong tanong habang sinusuri ang mukha niya.

Muli niya akong tiningnan. Naramdaman ko na lang na natunaw ang buong pagkatao ko nang ngumiti siya sa akin bago hinawakan ang magkabilang pisngi ko. Hindi ko inaasahang tumutulo na ang mga luhang kanina pa naiipon sa mga mata ko.

"I'm okay," he whispered. "Thank you.."

Mabilis na bumukas ang pintuan at nakarating na sila Clark, Forsythe, at Heroic na mukhang hinanap pa talaga ni Danger. Napansin ko agad kay Heroic na hindi agad nakalapit sa amin na nasa tabi ni Boss.

"Oh!? Nakipag-away ka?" tanong ni Orion nang makita ang pasa si Forsythe sa mukha. Agad naman akong napatayo para tingnan ang kalagayan niya.

"Nahabol niya 'yung hitman," kampanteng sabi ni Clark habang iniikot ang isang unusal na bagay sa mga daliri niya.

"Ano 'yan?" tanong ko kay Clark at saglit na nakalimutan ang mga pasa at preskong sugat ni Forsythe.

"Ito?" Tinaas niya at napagtanto kong trigger ito ng baril. "Trigger ng NS Q1021. Habang binubugbog ni Forsythe 'yung hitman, pinaghiwalay ko 'yung NS Q1021 para hindi na nila magamit. Isa lang ang model nun kaya mahihirapan silang makahanap ng trigger na compatible sa device."

"Matalino ka sa part na 'yan, Clark," pagpupuri ni Danger at inakbayan si Clark.

Pinaupo ko si Forsythe sa lamesa ng armchair para simulang linisin ang sugat niya.

"So, ano na ang mangyayari?" tanong bigla ni Lawron all of a sudden kasi marami palang nangyari bago kami napunta sa sitwasyon na ito.

"Hindi ko na alam." Kay Boss na mismo ang nanggaling ang mga salita na iyon. "Magtago na siguro tayo."

Natahimik kami. Mukhang ito na nga ang oras na kinakatakutan namin noon.

"Okay lang ba kayo? Walang nasaktan sa inyo?" tanong ni Boss matapos ang katahimikan.

So far, wala naman, ayon iyon sa aking obserbasyon.

Kaso napatingin kaming lahat kay Heroic na tahimik lang at nakatingin sa kaluyuan.

---

Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa utak ni Heroic ngayon na kasama namin ngayon si Boss. Naiintindihan ko na may galit siya noon kay Boss kaso hindi siya nagsasalita. Kahit tinatawag namin siya, puro iling lang ang binibigay sa amin. Kaya binigyan siya namin ng space hanggang sa makarating kami sa bahay namin.

Pakiramdam namin, bumalik kami sa pinakasimula ng lahat. Parang bukas na ulit ang getting-to-know-each-other stage namin matapos ang ilang buwan naming hindi pagsasama-sama. Pero parang nakakabuo pa rin ng loob nang makita kaming walo sa iisang bahay. Kahit may malaking gap sa pagitan namin, nandito kaming lahat.

Saglit na napag-usapan ang sitwasyon namin. Hindi alam ng White Hall ang bahay namin ngayon kaya medyo kampante kami sa oras na 'to. Besides, wala na rin ang records namin sa White Hall matapos ang kontrata namin.

Dahil pagod ang lahat, maraming nagpasyang matulog. Ako nga lang naunang natulog dahil pakiramdam ko, masyadong naubos ang lakas ko.

May tatlong kwarto sa bahay maliban sa kwarto ng mga magulang ko. Sa kwarto ni Lawron, doon na natulog si Danger. Sa isa naman ay sina Clark, Forsythe, at Orion. Kanina ay hindi ko napansin na nakatulog na ako sa kwarto ko at naalimpungatan ako bigla sa kalagitnaan ng madaling araw na si Heroic ang katabi ko.

Hinanap ko si Boss.

Nagising na nga rin ang buong sistema ko dahil natakot ako na baka umalis na naman siya. Hindi ko na rin napansin na maaga pa ang duty ko mamaya sa ospital pero nagdadalawang-isip pa ako kung may papasok pa ba matapos ang nangyari kanina.

Malapit na akong mataranta nang sumilip sa mga nadaanan kong kwarto na wala roon si Boss.

1 AM, bumaba ako sa sala.

Pagsulyap ko sa kusina, para akong nakahinga nang maluwag nang makitang bukas ang ilaw. Dahan-dahan akong naglakad papunta roon at nakitang nakaupo si Boss habang tinitingnan ang photo album na puno ng childhood photos ko. Hindi na ako magtataka na nakita niya iyon sa ilalim ng lamesa ng sala kasi palaging nilalabas iyon ni Lawron para tingnan ang mga litrato ko noong bata pa ako.

Sumandal ako sa doorframe habang pinapanood siyang napapangiti sa mga nakikita niya. Nakasandal pa ang ulo niya sa nakatukod niyang siko. Hindi ko na tuloy alam kung nilalabanan ba niya ang antok niya o baka may iniisip pa siya.

"Bakit hindi ka pa natutulog?" tanong ko.

Umangat ang tingin niya sa akin at mahinang natawa. "Kinausap ko sila kanina habang natutulog ka."

"Tungkol saan?" tanong ko ulit habang naglalakad palapit sa kaniya.

"Kung tatakas ba tayo rito."

Napatikom ang bibig ko. Hindi na ako nakaramdam ng matinding takot dahil isa ito sa mga inaasahan ko dati pa.

"Ano naman ang napag-usapan niyo?" Sumandal ako ako sa lamesa habang nakaekis ang mga bisig.

"Wala pang final na decision. Bahala na lang muna kung anong mangyayari."

Napatango ako. Nag-iisip pa ako ng sasabihin ko habang pinagmasdan ang buong kusina kaso nang napatingin ulit ako sa kaniya, nakatingin pala siya sa akin.

"I'm sorry, Bloom."

Nanlamig ako. Sa totoo lang, hindi ko na alam ang sasabihin sa dami ng nangyari. Nakatitig na lang ako sa kaniya at hinihintay ang mga susunod niyang sabihin.

"Marami akong narealize simula noon. Marami pala akong tinago at kailanman, hindi iyon ang magiging rason kung bakit biglaan ko na lang kayong tinalikuran para sarilihin ang mga bagay. Sinabi ko sa sarili ko na sana ay sinabihan ko kayo sa lahat ng gagawin ko para hindi kayo nagkahiwalay noon. Alam kong nahirapan kayo lalo sa mga nangyari dati, lalo na't nalaman niyong ako ang anak ng mayor, pero sana, sinabi ko lahat para sa lahat ng oras na lumipas simula noon, hindi ganitong gap ang meron sa atin."

Heto na naman si Boss at ang pagiging selfless niya.

"Deserve ko rin na masuntok ni Heroic noong gabi na 'yun. Kasi hindi ko magawang sabihin sa inyo lahat ang plano ko na magpaalila sa White Hall. Ayaw ko na rin kayong madamay kaya hinayaan kong matapos ang kontrata natin. Gusto kong mawala na kayo sa White Hall bago ko simulang ipabagsak ang pamamalakad ngayon. Ngayon ko lang din narealize kung gaano kalala ang pinasukan ko. Ramdam ko pa nga ang pwersa ng bala sa dibdib ko. Pero mas hindi ko tanggap na hindi ako kinakausap ni Heroic simula kanina. Naiintindihan ko rin naman kung gaano kalala ang ginawa ko sa inyo dati."

Huminga ako nang malalim. Masyado siyang mabait. Ito rin siguro ang flaw niya dahil nagpapabigat lang iyon lalo ng mga balikat nila simula noon.

"Kung alam ko lang kung paano ko sasabihin sa inyo lahat, kung sinabi ko rin sa inyo ang lahat, kung mas naging maingat ako sa mga desisyon ko noon, sana hindi ganito ang nangyayari sa atin. Sana hindi ganoon ang nangyari sa atin dati. Hindi ko na alam ang gagawin ko ngayon. Pakiramdam ko, masyado akong nagkulang bilang boyfriend noon. Hindi ko na alam kung saan na ako magsisimula. Hindi ko na maintindihan." Yumuko siya at sinabunutan ang sarili niyang buhok.

Muli akong huminga nang malalim at hinawakan ang kamay niya. Hinawakan ko ang mukha niya para maiharap siya sa akin.

"You're doing so much, Boss," I whispered.

Five words made him cry.

Sinandal ko ang mukha niya sa balikat ko. Naramdaman ko ang paghikbi niya kaya niyakap ko siya. Nang niyakap niya ako pabalik, napakandong ako sa hita niya.

"You're doing so much. Hindi ba't sinabi ko sa iyo noon na hindi mo kailangang sarilihin ang lahat?" paalala ko habang hinahaplos ang likuran niya. "Naiintindihan ko ang responsibility mo as a leader. Pati na rin ang loob mo sa pagkakaroon ng panindigan sa amin dahil pinili mo kami para sa grupo na ito kaya ayaw mo kaming madamay at hinanda mo ang sarili mo na saluhin ang lahat. Pero hindi ka lang naming basta-basta na leader, kaibigan ka rin namin simula noon. Girlfriend mo ako. Handa ka naming samahan sa lahat ng mangyayari. Marami kaming natutunan sa mga misyon. Maiintindihan namin ang lahat ng mga sasabihin mo. Pero kung hindi mo pa nacoconstruct sa sarili mo, maghihintay pa rin kami. Sabay-sabay nating alamin ang mga gusto mong sabihin. Palagi kaming nag-aalala sa'yo."

Hinayaan ko muna siyang humikbi sa balikat ko. Gusto ko rin munang ubusin niya ang lahat ng nasa loob niya bago kami mag-usap ulit. Habang patagal nang patagal, marami akong naiipon para sabihin sa kaniya.

"I'm sorry.. I'm so sorry.." bulong niya. Paulit-ulit.

Mas lalo akong huminga nang malalim.

"Shh.. it's not entirely your fault. May point ka rin naman kung bakit iyon ang ginawa mo para sa amin. Hindi na natin iyon mababalikan pero andito ka na. Wala nang iwanan." Mas hinigpit ko ang pagyakap sa kaniya. "Thank you. Thank you for all of your sacrifices. How I wish that I can take your pain away by hugging you."

"I'm sorry.."

"Hey," tinawag ko siya nang hinawakan ang mukha niya para iharap sa akin. "Okay na, hmm? Andito ka na, andito na ako. I'm sorry."

Gusto kong magsorry dahil dumating ako sa punto noon na kinamuhian ko siya dahil wala pa akong maintindihan. Gusto kong magsorry dahil may pagkukulang ako.

"I'm sorry." I hugged him tighter.

Paulit-ulit ang pagso-sorry namin hanggang sa magsawa kami.

I didn't expect to have this kind of love. Hindi ko rin inakala kung ano na ang hinaharap namin pero as long as it's me and Boss, kakayanin namin. Ganito na ang hinaharap namin. Hindi namin 'to nararanasan dahil wala lang.

Ngayon, na nasa punto na kami ng buhay namin na alam namin ang tama at mali, alam namin kung saan kami lulugar. Alam namin kung saan tatayo.

At nakikita naming hindi kami nag-iisa sa laban na 'to.

Puno ng kulay puti ang buong covered court kung saan nagtitipon ang lahat ng sumusuporta kay Atty. Eura. Halos lahat ay kabataan. Ang iba ay nakikita o nakakasalubong ko sa school pero ngayon ay nakakasama namin dito at nakakangitian. Parang sa lugar na ito ay magkalapit na kaming lahat.

"Ang galing! Ang daming libreng snacks!" Dumaan sa amin si Lawron na sandamakmak na pagkain ang yakap-yakap niya.

Hindi ko mapigilang matuwa dahil ang gaan ng hangin kung nasaan kami ngayon. Kahit maraming tao at nagsisiksikan, ang gaan pa rin sa pakiramdam.

Lalo na't makita ko si Danger at Orion na kasama si Atty. Eura na kinakausap ang mga tao sa harapan nila.

"You okay?"

Lumingon ako nang tumabi sa akin si Boss matapos binalot ang bisig niya sa beywang ko. Hindi ko pa ata nababanggit na mas lalo siyang nagliliwanag sa mga mata ko sa suot niyang puti.

"Never been better," I answered.

Kinuha ko ang phone ko at kinuhaan siya ng litrato. I want to remember this moment.

While admiring his photo I took, I noticed that he was staring at me.

"I missed you so much."

We missed you more.

Let's face the better side of our lives.

---

This campaign period was like a rollercoaster ride. Kahit pumapangibabaw ang pag-asa lalo na't napapansin namin na marami pala kaming kakampi sa laban na ito, samu't-saring mga maling impormasyon ang kumakalat sa madla na galing mismo sa mga sumusuporta sa panig ni Bernadette Nodawn.

Iyon pa ang naging usapan namin sa hapagkainan ngayong umaga.

"Inuungkat na naman ang mga dating post years ago na may doctoral degree si Bernadette," pagbabasa ni Forsythe sa phone niya.

Napailing si Boss habang umiinom sa gatas na iniinom niya. Pagkababa niya nito ay mas lalong ibinuklat ang newpaper na hawak niya. "Ni hindi nga nagtagal sa pag-aaral ng masteral degree."

"Sige, noted. Send ko lang sa group chat," sabi bigla ni Danger kaya napatingin kaming lahat sa kaniya. Napatingin din naman agad siya sa amin.

"Danger, hindi dapat tayo nag-eengage sa mga ganap sa internet tungkol dito," seryosong paalala ni Boss. "Baka matrace tayo."

"Hindi naman pangalan ko ang magkakalat. 'Yung mga volunteer sa fact checking social media committee ng group 'yung bahala magfurther research bago ipublic."

"Meron palang ganun? Gusto kong sumali!" singit ni Lawron.

"Anak," sabi ko na may paalalang tono. Sapat na sigurong isa lang ang magparamdam online kasi masyado nang nakakatakot sa mundo ng social media kung saan lahat ay pwedeng idistort.

"Misinformation ba ang tawag dito?" tanong ni Danger habang busy sa katatype sa phone niya.

"Misinformation is the information that people spread without any intention of spreading falseness. Ang alam nila ay tama ang information nila kahit sa totoo ay hindi. Disinformation is the information that people spread with intended purpose to ruin someone or something. Alam nilang mali at sinasadya nila," paliwanag ni Boss pagkatapos itupi ang binabasa niyang diyaryo. "Base sa naoobserbahan ko, halo-halo na ang misinformation and disinformation sa social media kaya sa diyaryo na ako nagbabasa. Atleast dito, hindi maeedit."

Napatango ang ibang nakikinig samantala ako, nakatitig sa kaniya. Hindi ko alam kung tama ba ang oras ngayon para kiligin kung gaano kagwapo si Boss. I mean, araw-araw siyang gwapo pero iba rin ang atake kung nagsasalita siya kung ano ang mga nalalaman niya. Pakiramdam ko, kung i-straight English niya ako, hihilain ko na siya sa kwarto.

Joke!

"Namumula ka," bulong ni Orion na nasa tabi ko.

Agad akong napaiwas para magpanggap na walang pagkakalat ang nangyari sa utak ko kanina-kanina lang.

Saktong pag-iwas ko ng paningin ay tumama ito kay Heroic na abala sa lesson plan niya. Napapaisip tuloy ako kung ano na kaya ang nangyayari sa kanila ni Forsythe. Natatakot ako sa malalaman ko. Mas natatakot ako kung lumayo sila sa isa't-isa. Alam na kaya ng iba? Kaso sa napapansin ko, mukhang wala silang kaalam-alam. Para kasing sa loob lang silang nagliliyab.

Napatingin ako kay Boss. Marami akong naiisip ngayon. Pakiramdam ko talaga, hindi ko na kayang mawala siya ulit.

Napatingin ako sa kanilang lahat na nasa hapagkainan ngayon.

Hindi ko kayang mawala silang lahat sa akin.

---

Today is the day.

Eleksyon na at marami akong nadadaanan na mga kasing-edad ko na kinakabahan sa pila. Sinadya naming magpaaga para mag-obserba hanggang matapos ang nakalaang oras para bumoto. Iba-iba nga lang ang precinct namin nila Boss.

"Sama ng pakiramdam ko," rinig ko sa katabi ko. Mukhang may kausap siya sa cellphone. "Kung magpatuloy pa si Bernadette sa posisyon, tuluyang mamatay ang agrikultura na sinimulan nila Tatay. Hindi ba't sila nagpaalis kina Lolo sa lupa nila para magtayo ng tindahan para sa siyudad? How ironic."

Samutsaring reklamo ang narinig ko buong oras sa pila. Hindi lang reklamo pero pati na rin ang mga dasal. Ganito kaseryoso ang botohan. Hindi lang pangkabuhayan ang maaaring mawala... pati na ang buhay namin.

Bago ako makapasok sa precinct kung nasaan ang pangalan ko, nakita kong nakatitig sa akin ang isang security. Hindi ko napigilan ang sarili ko na titigan siya pabalik pero mula siya sa White Hall.

Hindi ako papayag na ipapakita ko na intimidated ako kasi hindi naman. 'Yung mga katabi tuloy, nakikita kong hindi mapakali sa inuupuan nila.

Hanggang sa natapos na akong bumoto, nakatingin pa rin siya sa akin.

Doon na ako kinilabutan.

Bago ako makalabas ng hallway, muli kong tiningnan ang security at nakita kong may kausap siya sa pulso niya kung nasaan ang comms niya.

Parang magkaparehas na ng bilis ang tibok ng puso ko pati ang paglakad ko papunta sa rooftop ng Nodawn University kung saan ang meeting place namin pagkatapos bumoto.

Pagkarating ko ay si Danger pa lang ang nandoon. Nakayuko siya at kitang-kita ang bigat ng balikat niya sa pwesto niya. Hawak niya ang phone niya habang nanonood ng pimple popping video sa internet.

Napakunot ang mukha ko. "Danger."

Napasulyap muna siya sa akin bago binalik ang tingin sa pinapanood niya. "Andito ang security ng White Hall."

"So.." Tila naubusan ako ng salita.

"May napapansin akong may nagmamasid sa akin sa pila. Pagkatapos kong bumoto ay dinaanan ko kayo ni Heroic kanina. May mga security din sa sa linya niyo. Samantala sa ibang linya, wala naman," seryoso niyang sabi.

"Bale, hindi lang pala ako ang nakapansin?" Dumating na si Clark at tumabi kay Danger. "May security rin sa linya namin. Pag-alis ko, sa ibang precinct ay wala naman."

"Binabantayan ata tayo.." bulong ko.

"Mareredtag pa tayo, puta," pagmumura ni Danger.

Dumating na rin si Forsythe kasama si Orion. Sumunod na rin si Heroic na pare-parehas ang napapansin.

Nang dumating si Boss, dumeretso siya sa pagsandal sa dingding at binuksan ang laptop niya. Nakatikom ang bibig niya at abala ang mga mata niya sa laptop. Hindi tuloy namin nakamusta dahil sa mukha niya ay alam na naming marami siyang iniisip. Kitang-kita sa mga mata niya ang kaba matapos magkalapat ang mga kamay niya para idikit sa labi niya para magdasal.

Nakita ko ang tinta sa hintuturo niya.

Napabuntong-hininga ako dahil napagtanto ko lalo na nanay niya pala ang kailangang pabagsakin.

Balak ko sana siyang tabihan pero nakita kong nakatitig siya sa wallpaper ng laptop niya... picture namin.

Dumating na si Lawron.

"Bakit ngayon ka lang?" tanong ni Heroic kasi oo nga, siya ang pinakamatagal sa amin.

Mariin siyang napapikit at marahang napasuklay sa buhok niya.

Walang tinta sa hintuturo niya.

"Hindi gumagana ang voting machine sa tatlong precinct, kabilang na 'yung room namin."

"Ano?!" Napatayo si Orion.

"Nasaan ang balota mo?" seryosong tanong ni Boss.

"Kinuha ng watchers."

"Hindi pwede 'yun!" Napatayo na rin si Boss at napasapo ng noo.

"Iyon na nga rin ang pinaglalaban namin! Kaso nagkakagulo na roon kaya ang ibang botante, nagsiuwian na kasi grabe ang gulo roon."

Napapikit ako kasabay ang paghinga nang malalim. Ito na.

"Boss, saan ka pupunta?" tanong ni Clark nang balak lumabas ni Boss.

"Sa Electoral Board, magrereklamo. Dito na magsisimula 'yung dumi."

"May nagreklamo na. Pero mas lalo lang gumulo roon," sabi ni Lawron.

"Baka nakakalimutan mo kung sino ka, Boss," seryosong paalala ni Heroic kaya natigilan si Boss. "Anak ka ni Bernadette Nodawn. Kung malaman pa ng ibang tao ay mas lalong magkakaroon ng gulo. Kung malaman pa ng media, magiging hot issue at matatabunan ang nangyayari ngayon."

Humakbang paatras si Boss at napatakip na lang ng mukha.

"Kaysa ganito ang mangyari..."

"Kaysa patayin tayo."

"Heroic," seryosong pagtawag ko para ipadahan-dahan sa pinagsasabi niya dahil nakakadagdag lang ng takot.

Napakibit-balikat na lang siya at sumandal sa dingding para ipagpatuloy ang tulog niya.

Napatingin kaming lahat kay Boss na nakatakip na ang buong mukha.

Matapos taimtim na pag-isip, hinarap na niya ulit kami.

"Tumakas na tayo."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com