Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 45

"Welcome to Nodawn City. A place you never want to leave," pagbabasa ko sa naglalakihang sign na nakapaskil sa billboard ng Nodawn. Naglaho na ang pagkakulay nito dahil nakikita na ang tunay nitong kulay. Katulad lang noong nangyari ngayong eleksyon. Napakadumi.

"Kalinawan! Kailangan namin ng kalinawagan sa resulta!" sigaw ng mga kaedad ko na kasalukuyang nagkakaroon ng rally sa harapan ng White Hall. Nananawagan sila ng transparency dahil noong pagbilang ng boto ay nakakaduda ang bilang na nadagdagan na nagmula raw sa mga precinct na nasiraan ng voting machine. Karamihan ay bumoto kay Atty. Fuentes pero nakapagtataka lang na bakit hanggang matapos ang vote countings ay hindi na umusad ang mga boto niya.

I stayed where I stood back then.

Gustong-gusto kong gamitin ang boses ko.

Gustong-gusto namin gamitin ang boses namin.

Kaso nasasakal na kami masyado. Parang punong-puno na kami simula noon at gusto na lang namin tumakas dahil iyon na lang ang nakikita naming paraan.

Kung malaman din naman ng publiko kung ano ang naging relasyon namin sa White Hall ay kami pa ang magmumukhang masama.

Dala ko ang bigat ng loob mula sa napanood ko hanggang sa university. Kailangan ko sigurong mag-focus sa pag-aasikaso ng grades at documents ko para wala akong poproblemahin sa graduation ko.

Graduation.

Makakapagtapos na rin ako sa wakas.

Ako ang unang makakagraduate dahil sa schedule ng College of Nursing.

Susunod sa akin sila Lawron, Clark, at Boss na mula sa College of Arts and Sciences.

Tapos kasunod naman sila Heroic at Forsythe na College of Education.

Sina Orion at Danger... ay magsasakripisyo.

Hindi pa rin mawala sa utak ko noong nag-uusap kami tungkol sa plano namin pagkatapos ng graduation—ang pagtakas namin. Kaso limang taon ang course nila. Isang taon na lang.

Ang mga reaksyon nila... para silang piniga at nawalan ng pag-asa. Tuwing naalala ko kung paano sila umiyak ay hindi ko mapigilang maluha. Kailangan na kasi naming tumakas pagkatapos kaso hindi na kami sigurado kung aabot pa kami ng isang buwan dito lalo na't nanalo na naman si Bernadette Nodawn.

Nanalo na naman siya at magiging mas makapangyarihan siya ngayon lalo na't mapapalakas pa niya ang mga nagawa niya noong nakaraang termino niya.

"Good morning po. Bloom Jinx Marcues from College of Nursing. Ipapasa ko po ang lacking requirements ko." Binigay ko sa Registrar ang kulang sa requirments ko. Binayaran ko na rin ang graduation fee ko.

Nang hawak-hawak ko na ang resibo at toga ko, hindi ko mapigilang mapangiti and at the same time ay malungkot. Hindi ko man lang magawa maging masaya nang buo dahil sa pagtatago namin.

Tumambay muna ako sa rooftop kung saan ang taguan namin. Hindi ko man lang din magawang sumama kina Happiness na nakasalubong ko kanina kasi pakiramdam ko, hiyang-hiya ako sumama sa kanila. Para kasing ang dumi-dumi ko. Parang may dugo sa katawan ko na hindi ko nakikita pero nararamdaman ko.

Kahit nakapikit ako, ramdam kong gising ang diwa ko. Mas lalong nagising ang katawang lupa ko nang may tumawag sa akin.

Si Boss.

"Hi," bati ko.

["Hi. Where are you?"]

"Rooftop," pikit-mata kong sagot.

["Nasa parking lot ako. Do you want to go home?"]

I want to go home.

Pumunta na ako sa parking lot kung nasaan siya.

Masyadong nakakapagod ang lahat. Iba na ang pagod na nararamdaman namin. Para kasing hangga't andito pa kami sa lugar na 'to, hindi kami napapanatag. Lalo na't namatay ang pag-asa naming lahat nang manalo na naman ang Nodawn sa maduming laban.

Nang makita ko si Boss na nakasandal sa scooter niya, parang natunaw ang loob ko. Lalo na't nang makita niya ako ay nakita ko kung gaanong relief ang puminta sa mukha niya. 'Yung ngiti niya, 'Yung kalmado niyang ngiti, at lahat na bumubuo sa kaniya... siya ang isa sa mga magagandang nangyari sa akin.

Kumaway siya.

Kumaway ako pabalik habang tinataas ang paper bag kung nasaan ang toga ko.

Mas lalong lumawak ang ngiti niya. Kasabay ang paglawak din ng ngiti ko.

Pagkasalubong namin ay binalot ko ang mga bisig ko sa leeg at mga balikat niya. Binalot din niya ang buong bisig niya sa beywang ko para mayakap ako nang mahigpit.

"I am so proud of you," he whispered as his face was buried in my neck.

"I love you. I am always proud of you," I whispered back and brought him closer to me.

"I love you, Bloom."

This is such a pretty moment that keeps my heart beating despite of all that was currently happening.

Umuwi kami at hindi ko inaakala na may kaunting handaan palang nakahanda sa sala.

"Anong meron?" nagluluha kong tanong.

"Salo-salo natin! Ilang taon na rin tayong hindi nag-inuman!" Kinuha kami ni Clark at parang nawala na lang ang lahat ng pangamba ko mula kanina nang makita ang mga lawak ng ngiti nila.

"Toga?" tanong ni Danger na may malawak ang ngiti sa mukha.

Tumango ako habang nakanguso. Umaakyat na sa lalamunan ko ang hikbi ko.

"Gagraduate na ang bulaklak natin!" Halos buhatin niya ako para iangat-angat sa ere. Nabalutan lalo ng halakhak ang sala namin nang sumali na ang iba para ihahagis ako para saluhin pabalik.

Nakakawala lahat ng mga tawang hindi ko inaakalang lalabas ulit.

Umupo na kami sa sahig para magsimulang kumain.

Samutsaring tawa at kuwentuhan ang muling bumuhay sa amin. Parang kailan lang talaga. Nakikita ko ang mga sarili namin noong mga bata pa kami at hindi pa namin alam na ganito kalala ang mangyayari sa amin.

"Kumain ka na. Gusto mo ng kamatis 'di ba?" tanong sa akin ni Orion at inabot sa akin ang plato na puno ng kamatis.

Tuluyang bumagsak ang mga dulo ng labi ko. Nakita ko kasi ang sarili ko noong hindi pa ganito ang sitwasyon namin. Noong panahong inosente pa kami at hindi inaakalang ganito kalala ang haharapin namin.

"Hep! Hep! Mamaya na tayo umiyak!" Tumayo si Danger at tinaas ang bote ng beer na iniinom niya. "Ilang taon na tayong nabusy at hindi na tayo nakakapag-Bloom's Job!"

Nang marinig ulit ang evaluation ko, pumipilit ako sa hiya, lalo na kung unang beses mo lang maririnig. Pero sa totoo lang, nakakamiss din pala ang ganito.

"Irate mo ang yakap namin."

Hindi ko na nakilala kung sino ang nagsabi no'n dahil napatakip na ako ng mukha nang lumabas na ang hagulgol na kanina ko pa pala tinatago. Nakarinig na lang ako ng tawanan at nakaramdam ng yakap nila sa akin. Sabay-sabay ba naman nila akong niyakap! Naiyak na naman tuloy ako nang mas malakas!

Nabawi ang saya pagkatapos ng mga biruan at tawanan. Marami kami naging entry ng 'naalala mo pa ba' simula noong nagsama-sama na kami sa iisang bahay.

Hindi ko na mapigilang mapangiti dahil ngayon ko lang napagtatanto kung gaano kami naggrow.

Ganoon ba kabilis ang takbo ng oras kaya hindi ko namamalayan na dumulas lang ang pahanon sa mga kamay namin.

"Gagraduate na si Bloom," sabi ni Heroic na may malawak at nakakatunaw na ngiti.

"At magiging registered nurse ako," dagdag ko na nakataas ang noo.

"At libre na ang paggamot sa amin," taas noo ring dagdag ni Danger.

Sinamaan ko naman siya ng tingin. "Please don't harm yourselves. Baka ako pa manakit sa inyo kung hindi kayo mag-ingat."

At nagtawanan ang lahat.

Palalim nang palalim ang gabi kaya nararamdaman na rin ang pagod ng mga lasing. Lalo na sila Lawron at Clark na nakapikit na. Tinaas lang nila ang kamay nila para ipamukha sa amin na nakapikit lang sila at gising pa sila sa lagay nila.

"What if..." simula ni Orion habang sumusubo ng pulutan. "What if mas maganda pala ang magiging buhay natin sa labas ng Nodawn, 'no?"

Napabuga ako ng isang mahinahon at malambot na hininga.

"Basta ako, kahit saan ako, alam kong maganda ang buhay ko kung kasama ko kayo," sabi ni Heroic.

"Cheesy naman ni Bayani." Hinila ng lasing na si Danger si Heroic para halikan sa pisngi pero mas naunang kumilos si Heroic para si Orion ang makuha ni Danger. Sigaw tuloy ni Orion ang bumalot sa buong paligid.

"What if last na pala natin ngayon 'no?" sabi bigla ni Clark at napabuga ng tawa bago tuluyang binaba ang kamay matapos ang ilang minutong pagtaas nito.

Mahinang sinapak ni Lawron si Clark na nasa tabi niya. Umisa pa si Forsythe dahil siya ang nasa kabilang banda ni Clark. "Ito, last." Sabay kurot sa kilikili kaya nag-ingay na naman ang paligid.

"What if matulog na tayo? Puro kayo inom!" pabirong sermon ko kaya tiningnan nila ako na parang isa akong malaking joke.

"Sus! Galing sa'yo, Jennifer, na palaging puno ang baso mo!"

"Ikaw ang naglalagay!" sumbat ko pabalik kay Danger.

"Eh nagrereklamo ka na kaunti lang!"

Bago pa tuluyang mag-ingay ang paligid, inisa-isa na ni Boss gisingin ang mga tulog at matutulog pa lang para sa mga kwarto na nila magpahinga. Sumuko na rin sila kaya nagsipahingahan na sila.

Nilinis na namin ni Boss ang mga kalat. Hindi rin siya gaanong nalasing kahit kumpleto siya ng tagay kanina. Nagawa pa niyang tulungan ako sa paghugas ng pinagkainan hanggang sa pagsara ng mga ilaw at pintuan ng bahay.

Muli kaming bumalik sa sala. Bago pa ako makaupo sa sofa ay naramdaman ko ang kamay niya sa beywang ko at inilapit sa kaniya.

Napangiti ako at hinaplos ang mga balikat niya bago dahan-dahang binalot ang mga bisig ko sa kaniya.

We didn't say anything.

We just let ourselves feel each other.

Napapikit ako habang pinapakiramdaman ang kamay niyang hinahagod ang buong likuran ko. Parang nawawala na lang bigla ang lamig at bigat ng loob ko sa hawak niya.

I faced him before cupping both of his cheeks to caress his face. I looked at him, remembering how much we had been through. And I know that there's a lot to walk through away from this city.

Oh, I love you, Stalwart Boss.

I broke the distance between our lips.

And treasured each beat of our hearts.

"Bloom," he whispered between our kiss so I looked at him again. He was admiring me with his eyes full of affection. His hand gently touched my face. "Oh, Bloom..." He smiled at me and I saw tears in his eyes. "It will always be you." As he kissed me once more.

---

Hindi ko alam kung masaya ba ako o ano. Para kasing pumapangibabaw sa akin ang takot sa mga bagay na hindi namin alam. Siguro, nasanay kami sa mga bagay na pinaghahandaan tulad ng mga misyon namin noon. Ngayon kasi... parang ang daming mata ang nakatingin at nakaabang sa akin.

Tulad ng nabanggit ni Lawron at Clark kahapon na may itim na van na nakapark sa harapan ng bahay na wala namang tumitira. Ilang taon na akong nakatira sa subdivision na ito kasama ang magulang ko at alam kong wala nang nakatira doon.

At ngayon, nakikita siya ng mga dalawang mata ko na nakapark malapit sa amin.

Sinubukan ko ang lahat na hindi makalabas ng kakaibang reaksyon at nanatiling blangko ang pagtingin sa direksyon doon. Sigurado akong may mga tao sa loob kahit sobrang tinted ng mga bintana. Maggagabi na rin kaya walang makita.

Nagpanggap akong nahagip lang iyon ng paningin ko at binuksan ang gate kahit nangangatog ang katawan ko.

Hinigpitan ko ang pagyukom ng kamao ko nang napansin kong namamanhid ang mga kamay ko.

Sumalubong sa akin si Forsythe. Nakabihis siya at mukhang paalis siya.

"Kumusta ang practice para bukas? Anong oras ba ang graduation?"

"'Yung itim na sasakyan na nabanggit kahapon nila Lawron... nasa labas pa rin."

Kumunot ang noo niya. "Baka naman bumalik 'yung may ari ng bahay kung saan nakapark 'yung van?"

Parang tumigil saglit ang paghinga ko nang napagtanto kung gaano nakakatakot ang pagkumpirma sa posibleng mangyari ngayon.

"Ilang metro na lang sila... sa bahay.." mabagal kong sagot kaya parang nabuhusan siya ng malamig na tubig sa reaksyon niya.

Dali-dali siyang umakyat at tumago sa pader para makasilip sa labas ng bahay.

"Shit."

Tumalon siya pababa at hinila ako papasok sa bahay.

"Nasaan sila? Please tell me na walang lumabas," pagmamakaawa ko dahil kung makumpirma nila na kaming walo ay nasa iisang bahay, baka may mangyari.

"Nasa loob sila."

Sinara namin nang mabuti ang mga pintuan.

"Please... walang magdodoorbell. Please.. walang magdodoorbell.." paulit-ulit kong bulong habang unti-unting tinatanggal ang mga suot kong accessories. Pagtanggal ko ng hoodie ko ay kinuha ko ang cardigan na nakasampay sa sandalan ng upuan sa sala.

"Why? What is happening?" Hinawakan ni Boss ang magkabilang balikat ko para iharap sa kaniya nang napapansin akong natataranta.

"Nasa labas pa rin ang itim na van."

He already knew what I said. Tiningnan niya ang ibang naglalakad na palapit sa amin. "Sinong sa inyo ang lumabas na sa bahay simula kahapon?" seryoso niyang tanong.

"Hindi na ako lumalabas. Limang araw na," mabilis na sagot ni Orion.

"Same. I mean, ano pa ang punto para pumunta sa univ," sagot ni Danger.

"Hindi pa rin kami lumalabas ni Batas at Clark," sagot ni Heroic. "Mamaya sana." Mas lalo siyang lumapit sa amin. "Bakit? Andoon pa rin ang van?"

Tumango ako. "Nakapark, ilang metro mula sa bahay."

"Fuckshit!" sigaw ni Orion at napatakip ng mukha.

Nakita ko kung paano sila nanghina sa narinig nila kaya nakawala ako ng nanginginig na hininga.

Naramdaman kong hinawakan ni Boss ang kamay ko kahit nanginginig din ang sa kaniya.

Bumalik sa sala si Forsythe. "Sa likod ng bahay, walang tao. Pwede tayong dumaan doon."

Tumango si Boss.

"Get your phones and money. Wala na tayong time."

Paalis na sana kaming lahat sa sala nang tumunog ang landline namin. Nanlamig ang buong katawan ko. Kahit alam kong gumagana pa iyon, pero hindi ko inaakala na gumagana pa ang telepono simula noong lumipat na ang mga magulang ko.

Nagkatinginan kaming lahat dahil hindi pa rin tumitigil ang tunog.

Habang nakatingin kay Boss, unti-unti kong binitawan ang kamay niya para lumapit sa telepono. Sinagot ko iyon habang nakatingin silang lahat sa akin.

"Hello...?"

["Bloom? Bloom Marcues?"] I heard a woman's whispering voice.

"Ako nga.."

["This is Adaline... from the Mayor's Office. I hope you remember me. Thank goodness, nasa biodata mo ang number ng landline ng bahay niyo."] Masyadong mabilis ang pagsalita niya. ["You're with Gumdrop, right?"]

Hindi ako nakapagsalita dahil hindi ko na alam kung magtitiwala pa kami sa tao sa White Hall.

"Miss Ada.." pagbanggit ko habang nakatingin sa Gumdrop na nakatingin pa rin sa akin.

["Leave your house. Mr. Yu knows where you all are. Leave. Please, leave."]

Bumagsak ang puso ko. Para akong nawala sa kinatatayuan ko. Hindi ko na nga lang napansin na nasa tabi ko na si Boss para pindutin ang loud speaker ng telepono.

"Miss Ada, what's happening?"

["Stalwart? Thank goodness! Umalis kayo sa bahay niyo. Alam na ni Nodawn at Mr. Yu kung nasaaan kayo. They sent some armed men sa subdivision. Huwag niyong buksan ang pinto. I heard Nodawn's go signal."]

Muli kaming nagkatinginan lahat. Ang bigat na ng pagpatak ng oras.

["Get out of there! Now! Stay alive, please!"]

Hindi na kami nagsalita at agad kumilos para makapaghanda. Naibulsa ko ang mga kailangan ko at hindi na nag-abalang magbihis dahil hindi na ata kaya ng oras.

Nang bumalik kami sa sala ay nagbigay ng instructions si Boss habang inaayos ang mga nasa bulsa niya. "Magkita-kita tayo sa Meritown. Maghiwalay tayo. Make sure na sumagot agad sa tawag natin. Huwag tayong makipagkausap at magtiwala kahit kanino."

Doorbell.

May nag-doorbell.

Tinakasan ata kami ng kaluluwa.

"Hindi na tayo makakalabas," sabi ni Danger.

"Sa likod tayo," sabi ni Heroic.

"Una na kayo, Lawron at Clark," sabi ni Boss.

Tiningnan kami ni Lawron na parang batang ayaw pumasok sa eskwelahan. Alam kong gusto niyang magreklamo. Pati na rin si Clark lalo na't maghihiwalay kaming lahat.

"Please," pagmamakaawa ko dahil parang ayaw nilang umalis na hindi kami kasama.

Muling tumunog ang doorbell.

Mabigat ang mga hakbang nila nang tumakbo palabas sa likuran ng bahay namin.

Sumunod sila Danger at Orion.

"Meritown," paalala ni Orion bago sila makalabas.

Kaming apat na lang nila Heroic ang nasa bahay habang sunod-sunod na ang pagtunog ng doorbell.

Napabuntong-hininga si Heroic bago hinawakan ang tuktok ng ulo ko at hinimas ang buhok ko. "Makakaalis din tayo rito." Binigyan niya ako ng isang mahinahong ngiti.

Lumabas na sila ni Heroic at naiwan kami ni Boss sa sala habang tumutunog pa rin ang doorbell at pagkatok sa gate.

Tiningnan ko si Boss na kinuha ang phone niya at may tinipa para tawagan.

Sa mga nagsisimulang numero.. hindi iyon taga-Nodawn.

"Boss, baka matrace ka," paalala ko.

"Fuck them," matigas niyang bulong at nilapat ang phone sa tenga niya.

Tumigil ang mga kumakatok sa labas kaya nabalutan kami saglit ng katahimikan.

"Hindi siya sumagot.." bulong niya. Humarap na siya sa akin at inalok ang kamay niya. "Let's go, Bloom."

Huminga ako nang malalim at tiningnan ang bahay namin. Kung ito na ang huling beses ko rito.

Then we heard a gunshot.

Doon namin narinig ang pagbukas ng gate at mga yapak kaya tumakbo na kami sa likuran para makaalis ng bahay. Tumakbo kami sa kahuyan dahil highway ang dulo nito. Hindi kami lumingon at hindi kami tumigil sa pagtakbo. Nakakuha kami agad ng taxi at bumaba sa daanan malapit sa mismong Meritown. Dumaan kami sa puno habang tiningnan ang daanan kung may sumunod bang van o sasakyan sa amin.

Parang gising ang katawan at diwa namin sa nangyayari ngayon. Hindi ko rin naman itatanggi na grabe ang takot namin.

"I think we need to run again," bulong ni Boss habang napapalingon.

Lumingon din ako at nakakita ng dalawang itim na van sa malayo na mabilis ang pagmaneho. Sigurado kaming sila iyon dahil hindi ginagamit ang daanan na 'to.

Tumakbo na naman kami kahit nakakailang beses kaming sumabit sa mga sanga. Hanggang sa makarating na kami sa mismong Meritown, nangamba kami dahil baka makita kami agad. Walang katao-tao sa lugar na 'to.

Naaninag namin si Forsythe na nakamotor. Mukhang nakita kami kaya mabilisang nagmaneho para makuha kami,

"Let's go. Let's go."

Mabilis siyang nagmaneho papunta kung saanman. Andito na rin ang iba dahil tumawag kanina si Danger na malapit na sila kung nasaan sila Lawron.

"Nasaan sila, Sythe?" tanong ni Boss.

"Abandonadong theater."

Napalingon ako kay Boss na nasa likuran ko. Nakatingin pala siya sa akin kahit malakas ang hangin na sumasalubong sa amin.

Ngumiti siya sa akin at sinandal ang mukha niya sa mukha ko. "Our place," bulong niya.

Hinding-hindi ko makakalimutan 'yung lugar kung saan kami unang nag-usap at nagsama nang matagal.

"Nasa life-and-death situation tayo ngayon. Pwedeng mamaya na ang lambingan kung makatakas na tayo?" singit ni Forsythe. Nakita ata kami sa side mirrors.

Muli kaming nakumpleto sa abandonadong theater. Naghihintay ng signs kung ligtas ba sa kabilang parte. Wala pa kasing nakakapunta roon.

"Mahigpit ang pagbabantay ng militar sa boundary ng Nodawn at National Road. Papunta na kasi 'yun sa Solance kaya mahigpit ang security ng lugar," sabi ni Boss habang may tinatawagan sa phone niya.

Pinapanood lang siya ni Orion hanggang sa nakita rin niya ang numerong tinatawagan ni Boss. Napaawang ang labi niya at nataranta. "Boss, labas sa Nodawn ang tinatawagan mo. Hindi ba't nat-trace agad iyon ng White Hall?"

Hindi agad sumagot si Boss at pinagpatuloy ang pagtawag.

Kinuha ni Danger ang phone ni Boss. "Boss, ano ba? Paano kung matrace tayo rito?"

"Tinatawagan ko 'yung kukuha sa atin sa boundary!" Nakuha niya agad ang phone. "Kailangang malaman niya na papunta tayo roon para hindi tayo makulong!"

Sino?

"Guys.." tawag ni Lawron na nagmamasid sa itaas na parte ng lugar. "Andito sila..."

"Tangina!" matigas na bulong ni Boss at tinago ang phone niya. "Tara na! Diretso lang tayo! Wala nang maghihiwalay ngayon!"

Tumakbo na kami sa kagubatan. Kahit nangangatog pa rin ang mga tuhod ko ay kinalaingan kong magpakatatag. Kaso nanlalabo ang paningin ko.

Hinawakan ni Heroic ang kamay ko at siya ang naging lakas ko para makatakbo pa.

Nakarinig kami ng sunod-sunod na pagputok ng baril.

Ang kaninang tahimik ng kagubatan ay nabalutan ng putok ng baril at bakas ng mga takbo. Ngayon lang ulit nila ginamit ang mga armas dahil walang nakakakita. Hindi sila natatakot dahil ganoon din, trabaho rin nilang patahimikin kami.

Isang malakas na pagsabog ang yumanig sa buong lupa. Sa sobrang lakas ay halos matumba kami.

"What the?!? May granada sila!" sabi ni Clark.

"Halika na, please.." Kinuha ni Lawron si Clark para magpatuloy sa pagtakbo.

Sunod-sunod na naman ang pagputok mula sa likuran namin kaya wala kaming choice na humiwalay para magtago sa mga kahoy.

Nagdadasal na ako sa utak ko at doon ko naalala na graduation ko na sana bukas. Pero ito ako ngayon. Ito kami ngayon, tinatakasan ang kamatayan.

Naaninag naming maraming lalaking nakaitim ang naghahanap sa kahuyan.

Marami sila.

May mga dala pang armas.

"Ma.." bulong ni Lawron na nasa tabi ko pala. Sa sobrang pag-iisip ko, hindi ko namalayan na kasama ko si Lawron sa pagtago.

"Dito ka lang.. kapag nakalayo sila, magpapatuloy na tayo sa pagtakbo."

"Ma.."

Tiningnan ko siya dahil iba na ang boses niya. Kahit padilim na ay nakita ko ang malinawag niyang ngiti.

"Ma, salamat sa lahat."

Kumunot ang noo ko.

"Bloom, salamat."

"Anong gagawin mo?" bulong ko dahil nagsisimula na siyang humakbang paatras. "Lawron.."

Nakatitig lang siya sa akin habang naglalakad paatras.

Muli siyang ngumiti.

Pinakita niya ang singsing niya.

"Para sa inyo, Gumdrop."

"Lawron!" giit ko pero tumakbo na siya palayo.

Balak ko sanang sumunod sa kaniya pero nakarinig ako ng yapak malapit sa akin kaya nanatili ako sa tinataguan ko at tinakpan ang bibig ko.

Nasa harapan ko na siya at nakikita ko ang itim niyang sapatos.

Hindi na ako huminga dahil baka marinig 'yung pagnginig ng hininga ko.

Nang makarinig ng takbo sa kahuyan, agad siyang tumakbo palayo. Tumayo ako para harapin si Lawron pero nakita ko siyang tumatakbo sa kabilang direksyon at may mga sumusunod na tao sa kaniya.

"Bloom, halika na." Kinuha ako ni Heroic pero hindi ko alam. Ayaw kong sumama nang hindi kasama si Lawron.

"Si Lawron, Roic.. 'Yung anak ko.." bulong ko at doon niya rin napagtanto na wala si Lawron sa amin.

"Nasaan si Lawron?" tanong ni Clark.

Hindi ako nakapagsalita pero sinasabi ng mga kamay ko kung anong nangyari.

"Pucha." Nagsimulang umiyak si Clark at sinubukang bumalik. Pinigilan siya ni Forsythe. Tinakpan niya ang bibig ni Clark para hindi ito makahikbi at makagawa ng ingay.

Hindi pa rin ako makapaniwala kaya hindi ako makaiyak. Pero alam kong may parte sa akin na nawala.

Pinagpatuloy ang pagtakas.

Napansin ko ang pagkatatag nila Boss, Forsythe, at Heroic na nagsisilbing lakas namin para makakilos pa.

Sumunod ulit ang sunod-sunod na putok at pagsabog sa likuran namin kaya tumakbo kami kahit hingal na hingal kami. Sobrang nakakatakot dahil palakas nang palakas ang putok kaya alam naming malapit na sila sa likuran namin kaya kailangan naming bilisan ang takbo namin.

Hanggang sa isang pagsabog na naman ang nagpatigil sa amin.

Natumba kaming lahat sa lakas ng pagyanig.

Puro usok ang bumalot sa amin pero ginawa pa rin namin ang lahat para makaalis.

Nakakapanibago ang katahimikan nang maramdaman naming lumayo na kami.

"Asan sila—?" napatigil ako sa pagtanong nang paglingon ko ay nakita ko si Danger na kakaiba ang paglakad.

"Guys.." tawag niya at biglang napaluhod habang hawak-hawak ang tagiliran niya.

Lumapit agad ako nang makita na may dugong lumalabas sa kaniya.

Napahiga na siya sa lupa at hindi ko alam kung anong gagawin ko nang makita si Danger na umiiyak sa sakit.

"Danger. Tingnan mo kami," sabi ni Boss habang kinukuha ang atensyon ni Danger na iniinda ang sakit.

"Danger, please. Malapit na tayo," nagsimula nang umiyak si Orion.

Para akong nanigas habang pinapanood na nagkakaganoon si Danger. Ilang segundo pa bago ako matauhan at hinubad ang cardigan ko para ilagay sa tama ni Danger. Nilagyan ko ito ng pressure kasabay ang paglabas ng luha ko.

"Danger naman eh.." iyak ko habang tinitingnan ang sugat niya. Wala akong dala na kahit ano. Hindi katulad dati na nagamot ko agad ang sugat niya.

"Si Clark.. naghiwalay kami ni Clark.." nanginginig niyang sabi.

Hindi na ako nakapagsalita at humagulgol habang pinipigilan ang paglabas ng dugo ni Danger.

"Tumakbo na kayo," utos ni Orion at inusog ako para siya ang humawak sa cardigan ko. Siya ang naglagay ng bigat sa tama ni Danger.

"Orion.."

"Tumakas na kayo! Parang awa!"

Hindi ko alam kung paano pa ako nakatakas sa sobrang labo ng paningin ko. Iyak lang ako nang iyak dahil nakakalimutan ko ang mga kaya kong gawin. Kung natauhan lang ako agad ay umaksyon ako agad kay Danger. Kung nakapaghanda lang ako ay sana nagamot ko pa siya. Ano pa ang silbi at nag-aral pa ako ng nursing kung naging ganoon lang ako kanina?

"Malapit na tayo."

Naaninag ko na ang liwanag sa dulo.

"Forysthe."

Lumingon ako nang marinig si Heroic.

Nasa likuran si Forsythe at nakatingin siya sa amin. Hindi siya nagsasalita pero sa paghakbang niya ay alam na namin ang balak niya.

"Forsythe," matigas na pagtawag ni Heroic pero naririnig sa boses niya ang panghihina ng sistema niya. "Forysthe."

Tinitigan lang ni Forsythe si Heroic habang dahan-dahang humahakbang paatras.

Nakawala na lang siya ng isang ngiti bago niya kami tingnan ni Boss na nasa likuran ni Heroic.

Hindi na siya nagsalita at tumakbo pabalik kung saan kami galing.

"Forsythe!" sigaw ni Heroic.

Tatakbo sana siya para habulin si Forsythe pero hinawakan ko ang braso niya. "Heroic.. akala ko ba.." Nalunod na naman ako sa hikbi ko.

Ang kaninang pighati na nakikita ko sa mga mata niya ay napalitan ng panlulumo nang makitang umiiyak ako sa harapan niya.

Hindi ako nakapagsalita at umiyak sa harapan niya.

Wala na si Lawron. Wala na rin si Clark. Si Danger at si Orion. Wala na sa amin si Forsythe. Tatlo na lang kami.

Akala ko ba makakatakas kaming lahat?

Parang hindi na kinaya ni Heroic na umiiyak ako kaya mahigpit niya akong hinawakan sa braso at lalong lumapit sa dulo ng kagubatan.

Akala ko tatlo na kami nila Boss na makakarating doon pero tumigil ulit siya.

Nilingon ko siya.

Patago niyang kinagat ang mga labi niya habang bumubuo ang mga luha sa mga mata niya.

"'Yung pinag-usapan natin."

Tumango si Boss.

Hinarap ako ni Heroic at muling pinatong ang kamay niya sa ulo ko para ayusin ang buhok ko.

"Kain ka nang mabuti sa Solance, ha?"

"Heroic.." humikbi ako.

"Huwag kang magpagutom." Iyon ang huling sinabi niya bago tumakbo palayo. Mas lalo akong napaiyak.

Muli akong inalalayan ni Boss para magpatuloy pero tumigil ako.

"Ipapagpatuloy pa ba natin 'to? Andoon silang lahat! Naiwan silang lahat!" iyak ko.

Boss is also crying.

"Akala ko ba sama-sama tayong tatakas?!"

Iyak na lang din ang sinagot sa akin ni Boss.

"Boss... parang wala na talagang pag-asa."

"Mayroon pa. Halika na. Malapit na."

Hinawakan niya ang kamay ko at nagsimula na ulit kaming lumapit sa dulo.

"Noong nagsama-sama ulit tayo, habang tulog ka, nag-usap kami tungkol dito sa magiging pagtakas natin. Sinabi nila imposible na hindi tayo makakatakas na kumpleto pero gagawin natin ang lahat. Magiging choice nila ang magpaiwan kaya hindi na kami pwedeng komontra sa magiging desisyon nila. Ang mahalaga raw, kahit isa sa atin ang makatakas dito."

Unti-unti akong lumingon nang pabagal nang pabagal ang hakbang niya.

"It was hard for me too, Bloom."

Humahakbang din siya paatras sa akin.

"Boss.. please.."

Don't tell me that you'll leave me too.

"And this is also my choice."

"Then I'll choose to stay too!" sabi ko.

Umiling siya.

"You need to get out of here, Bloom."

"Ang unfair!" sigaw ko at napahagulgol. "Choice ko rin magstay! Bahala na mamatay! Ayaw ko kayong iwan!"

Umiling siya lalo.

"You need to live."

"Bakit ako?! Hindi ko deserve 'yun!"

Hinawakan niya ang mga braso ko bago ako binalot sa yakap niya.

"You need to get out of here. Kailangang may tumakas na isa sa atin at ikaw iyon."

"Eh paano ka naman?" Humiwalay ako para harapin siya.

Napatingin ako sa dibdib ko at may dugong dumikit sa bandang balikat ko. Tiningnan ko si Boss. Itim ang damit niya. May tama na pala ang balikat niya.

Mas lalo akong humagulgol. Gusto ko siyang hawakan pero napaupo na ako sa lupa para umiyak. Bakit ba ito nangyayari sa amin?

"Kailangan nila ako rito."

"Please.. ayaw ko na nito.." iyak ko.

"Shh." Umupo rin siya at hinawakan ang mukha ko. "Susunod kami sa'yo. Hahanapin ka namin sa Solance at titira tayo sa iisang bahay. Gagawin natin ang lahat. Walang White Hall, walang paghihirap. Magsasama tayong lahat at mabubuhay malayo rito."

"Promise me." Hinawakan ko ang damit niya at nilapit siya sa akin.

Nanlumo siya sa hinihingi niyang salita.

"Promise me, Boss. Susunod kayo. Makukumpleto ulit tayo sa labas ng Nodawn."

Tinitigan niya lang ako.

Bago siya napatango at ngumiti.

"Promise," bulong niya.

Hinila ko siya para halikan siya.

"I trust you."

Tumayo na kami at hinatid niya ako hanggang sa kalagitnaan.

"Magpakilala ka roon para hindi ka huliin agad." sabi niya. "You need to run, okay? Don't look back."

Nilakasan ko ang loob ko na tumakbo pa nang hindi na siya nililingon. I'm starting to forget the images I saw. Pero alam kong dala-dala ko ang lahat sa akin. Nakakabulag lang talaga ang ilaw sa dulo ng Nodawn.

Nilamon ako ng liwanag at muli akong nakarinig ng sigawan kasabay ang pagkasa ng baril.

"Stay right there!"

"Sino ka?!?"

Nakarinig ako ng samutsaring alarm na nagpalakas ng kabog ng puso ko. I didn't know what I look like. I didn't know what I was. Masyadong malinawag ang paligid. Masyadong magulo at maingay. Pero ang alam ko ay umiiyak ako at nanginginig ang mga kamay kong nakataas sa ere, nagmamakaawang huwag akong barilin.

"I'm Bloom Jinx Marcues.. and.. and..."

Hindi na ako nakapagsalita dahil sa labis na paghagulgol.

"I'm Bloom.. Bloom Jinx Marcues.. and.. and.. my friends.." Mas lalo akong umiyak nang makita ko ang kalagayan nilang lahat sa utak ko. ".. my friends.. are still in there..."

With hands still up high, I started getting down on my knees just to beg not to shoot me. They kept shouting at me. I can hear some of them are walking towards me.

"That's her!"

Nawala na lang ang maputing ilaw sa buong paligid nang makarinig ako ng boses ng babae.

Nakita ko na ang kalagayan kung nasaan ako ngayon. Nakahilera ang mga sundalo sa akin at may dalang naglalakihang baril. May mga patusok na alambre sa pagitan sa amin at nakikita ko na ang daanan. Nakikita ko na rin ang paligid na may kakaibang hangin na ikukumpara sa Nodawn.

Wala na ako sa Nodawn.

Ako lang...

"Bloom, right? Bloom?" Hinawakan niya ang mukha ko para iharap sa kaniya.

Doon ko natingnan nang mabuti ang mukha niya at tumigil ako sa pag-iyak nang makilala ang mukha niya.

"I'm Pristine Montes. I know Stalwart Boss."

Boss...

Inalalayan na niya akong tinayo. "You're safe with me. You'll be alright."

Binaba na ng mga sundalo ang mga armas nila at tinulungan din ako.

"Siya lang? Hindi ba't walo raw sila, sabi ni Boss?" May lumapit sa amin na Heneral kaya sumaludo ang mga sundalo.

"Yes, Dad," sagot ni Pristine. "It looks like.. she's the only one who made it.." Napabuntong-hininga siya. "Can we wait more, Dad? Baka may sumunod pa."

"Okay. Make sure that you'll talk to Atty. Marton about this."

"Ako na po ang bahala, Dad. Thank you."

Malabo na ang pagtingin ko pero iniisip ko na baka nakatulog ako matapos akong icheck ng mga taga-medical at muling nagising nang umandar na ang kotse.

Tiningnan ko ang buong sasakyan.

Walang sumunod.

Ako nga lang talagang mag-isa.

"Oh, you're awake. You can sleep pa. You need to rest." Tinapik ni Pristine ang balikat ko.

"Walang... sumunod...?" mahina kong tanong.

Naglaho ang ngiti sa mukha niya at napaiwas ng tingin.

"I'm sorry, Bloom. Hindi tayo pwedeng magtagal doon. Hindi alam ng gobyerno rito ang nangyari kanina. Pinakausapan ko lang si Daddy kasi mabuting kaibigan namin si Boss noong nasa Nodawn pa kami. Ngayon, ipoproseso ko ang papel mo rito para legal na ang pagstay mo rito."

Napapikit ako. "Thank you.." at muling namuo ang mga luha sa mga mata ko.

"I'm also sorry na hindi ko nasagot ang tawag ni Boss kanina. Busy ako sa school at nang makita ang missed call niya, alam ko na ang mangyayari. Pero let's still wait for him to call again. Alam kong makakagawa siya ng paraan para sumunod."

Tumango ulit ako at pinunasan ang mukha ko.

Napatigil ako saglit nang inilahad niya ang phone niya para may ipakitang text. "Ito ang messages na natanggap ko bago kita nakilala kanina."

18 missed calls from Stalwart Boss.

2 text messages from Stalwart Boss.

From Stalwart Boss:
Her name is Bloom Jinx. Thank you, Pristine.

From Stalwart Boss:
Please tell her that we love her.
I love her so much.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com