Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

02 | lost


I don't know which part of school this is. Basta ang alam ko lang ay nakasalampak ako sa sahig at puro sapatos lang ang nakikita ko. Iba't ibang sapatos na ang dumadaan—may Adidas, may Nike, may Skechers, at iba pa na di ko alam ang brand.


Isang pares ng sapatos ang nakakuha ng atensyon ko. It has all the details I wanted: red and black ang kulay, Nike, high-cut, maganda. Feeling ko nga nakita ko na 'yun before eh. Di ko maisip, dumaan lang kasi bigla.


Hm, saan ko nga ba 'yun nakita?


Dumaan ulit sa harap ko 'yung pares ng sapatos na 'yun at tumigil pa sa harap ko. Parang inaasar ata ako nito eh. Ay nako. Oo na, ako na ulyanin! Di ko matandaan kung saan ko nakita.


"You look familiar." Huh? Sino 'yun? Inangat ko ang tingin ko at parang nabanat 'yung muscles ko sa leeg sa ginawa ko. Tangkad naman! "You look so familiar," sabi ulit nung matangkad sabay ngiti nang malawak. "I wonder where I've seen you..."


Same, Kuya. I was also wondering where I saw your shoes.


"Ah!" nagulantang ako sa biglaang pagsigaw niya. Pakibabaan naman 'yung volume ng boses, Kuya. Kagulat eh. "I remember! I saw you in the gymnasium! You were in line! That's where I started to think where I've seen you 'cause you look so familiar to me. It's like when I see you, some of my memories came rushing back."


Okay?


Inilahad niya ang kamay niya sa 'kin. Tinanggap ko naman ito at inalalayan niya akong tumayo. Now, I can see Kuya's face clearly. At... oo nga. Pamilyar nga.


Inilahad niya ulit ang kamay niya, but this time, to shake hands. Tinanggap ko ulit ito. "Asher," said he then smiled.


"Trixie," pagpapakilala ko sa sarili.


"Sabi na nga ba eh. Nice to see you again, best friend."


Just like him, my memories came rushing back too.


–×–


"Trixie, may sasabihin ako sa 'yo," sabi ni Asher habang naglalakad siya sa ibabaw ng benches sa playground ng Golden Elementary School.


"Ano na naman? Na panget ako?"


Natigilan siya sa paglakad. "Hindi ha! Iba 'to! Alam mo naman na 'yun eh." Tinaasan ko lang siya ng kilay. Tumawa siya saglit pagkatapos sumeryoso na ang mukha niya.


Umupo siya sa isang bench katapat ng swing na kinauupuan ko. "Trixie, di ba tinanong tayo ni Teacher Mary kanina kung ano ang pangarap natin?" Tumango ako. "Pangarap kong sumali sa isang basketball team!"


"So?" di ko ma-gets kung bakit sinabi niya sa 'kin 'yun. Edi sumali siya! Para namang may magagawa ako para pigilan siya.


"Anong so? Bigay mo opinyon mo! Maganda ba ang pangarap ko? Kung makapasok ba ako, susuportahan mo ako?"


Tumayo ako sa swing at kinurot ko ang magkabilang pisngi niya. Taba taba! Sama sama pa ng ugali! Bakit ko ba naging kaibigan 'to? "Ikaw sasali sa basketball team? Tumatanggap ba sila ng mga overweight?"


Tinanggal niya ang mga kamay ko. "Aray! Di ako overweight!"


"Hindi? Eh bakit ang taba mo?"


"Masarap kasi kumain," sabi niya tapos nag-pout siya. "Hindi ba sila tumatanggap ng matataba?" pinilit kong wag tumawa kasi seryoso ang mukha niya at mukhang isang pilig na lang ay iiyak na siya.


Nagkibit-balikat ako. "Kung ikaw naman ang mag-aapply, matatanggihan ka pa ba nila? Siguradong pasok ka na, Ash. At kapag nakapasok ka, syempre susuportahan kita. Best friend kita eh. Kahit na mataba ka at salbahe."


Sa kabila ng pang-iinsulto ko sa kanya, niyakap niya ako nang mahigpit sabay bulong ng "Thank you bes".


Umiling-iling ako. That was years ago pero naalala niya pa. Mataba pa nga siya noon eh at mas matangkad pa ako sa kanya.


"Susuportahan kita."


I frowned to myself. Yan tuloy, napilitan akong um-oo na papanoorin ko ang practice nila ngayong araw. Okay lang naman sana, kaso di ko mahanap ang gym. Nalibot ko na ata ang buong school eh kakahanap lang ng gym na 'yun. To think na ilang beses na rin akong nakapunta roon kasi dun kami pumipila tuwing umaga. Hanep na memory naman 'to oh.


Pabagsak akong umupo sa isang malaking bato habang hinahabol ang hininga ko. Kinuha ko ang panyo ko at hinilamos 'to sa mukha ko.


"Hey, you lookin' for something?" inis kong tinanggal ang panyo ko para tingnan ang nilalang na nagsalita. And I was right, it was him. Nag-smirk ito at dahil doon, umabot na sa kasukdul-sukdulan ang pagka-bwiset ko.


"Just go away." tumayo na ako at naglakad palayo sa kanya. Nabi-bwiset lang ako lalo.


"If you're lost, I can help you. Just tell me what you're looking for."


I stopped walking. Ano nga ba ang hinahanap ko? 'Yung gym nga ba? I've been there every morning five days a week pero bakit di ko mahanap ito ngayon? Ano bang nangyayari sa 'kin?


"Hey, are you okay?" pagkasabi niya nun, naramdaman kong may pumatong sa balikat ko. "Are you looking for the gym? Many girls want to go there. I don't know why but maybe the basketball team has practice today."


Tumango ako at nagsimula na siyang maglakad sa harapan ko. Jay-seen-tow is not that bad, after all.


"What's your name?" tanong ko sa kanya nung makaupo kami sa isang bleacher or something, basta upuan sa gym. Sa pinakataas kami pumwesto.


"I've been your seatmate for almost 2 weeks already and you don't know my name?"


"I know they call you Jay-seen-tow." And a bully. Kahit na ang payat niya at mukha naman siyang mabait para sa isang bully.


"That's my surname. They read it like that but it's actually Hasinto. J-A-C-I-N-T-O." Oh, parang Emilio Jacinto.


"What's your name?" ulit ko dahil 'yung first name niya talaga ang gusto kong malaman.


Tumunog ang siren kaya napatingin ako sa harapan. Hinanap ng mata ko si Asher. He looked so serious. Di ko maiwasang mapangiti, at the same time, malungkot. Di ko maintindihan ang sarili ko.


Naramdaman kong tumayo si Jay-seen-tow sa tabi ko. Tumingin ako sa kanya. "Hey, where are you going?" tanong ko kasi humakbang siya palayo.


Lumingon siya. "Um, I don't really like basketball. I'm going now," sabi niya tapos tumalikod na siya.


"Just watch for a few minutes?"


"No, thank you!"


Tumayo ako para sundan siya. "But I don't know the way to our classroom!"


Tumigil siya. Kumuha siya ng ballpen at kapirasong papel galing sa backpack niya. Sumalampak siya sa sahig at ginamit na mesa ang bleacher. Nagsimula siyang mag-drawing. Pagkatapos niya, inabot niya sa 'kin 'yung papel na dinorawingan niya. Mapa pala ito.


Sinusuri ko pa lang 'yung drawing pero tumayo na ulit siya. "Uy sandali lang naman!" bulalas ko. To my surprise, nag-stay lang siya sa kinatatayuan niya. Naintindihan niya kaya ang sinabi ko? Hah. Imposible. Tagalog 'yun eh.


Nakatingin siya nang masinsinan sa 'kin kaya umiwas ako ng tingin. Nakakailang. "D-don't you want to watch basketball--" ...with me?


"Didn't I already say that I don't like basketball?!" nakakagulat niyang pagsigaw. Edi ayaw mo! Kailangang sumigaw?


Di ako makapaniwalang tumingin sa kanya. "Sungit!" sigaw ko pabalik at padabog na naglakad sa pwesto ko kanina. Narinig ko siyang mag-snicker. I turned around and there I saw him laughing. The hell?!


Umupo na lang ako at pilit na nag-focus sa mga naglalaro sa harapan. Nabi-bwiset ako, sobra!


"My name is Kiefer, by the way." Nilingon ko siya pero wala na akong nadatnan na Jay-seen-tow. Or should I say, Kiefer.


Kiefer Jacinto.


Hay, ang weird. Ang weird niya! Nahawaan nga ata ako ng pagka-weird niya at hindi na ako nakanood ng practice ni Asher. The next thing I knew, lumabas na ako ng gymnasium at hinahanap ko na ang nakaka-bwiset na presensya niya...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com