CHAPTER 1
HELLION UNIVERSITY
•CATHANA•
Napatigil ako sa paglalakad ng marating ko ang dulo ng madilim na hall, the lights were dim just enough to see the path you're walking on. May hagdanan pataas sa elevated part na natatakpan ng kulay pulang tela, yumuko ako para magbigay galang.
"Prime Master" yukod ko.
May kaunting liwanag na nagmumula sa likod ng pulang tela na nagpapakita ng isang bulto ng lalaki.
"A student will be added to your unit along with the new batch, train him well without special treatment. His father don Javier wants him to be manlier and grow a back bone rather than be wasted with money, fame and women. I want you to handle him as per don Javier's request" mahabang litanya ng isang lalaking boses. Malalim pero halatang hindi boses ng isang matanda.
Muli akong yumukod bago sumagot "ordered accepted, Prime Master" sabi ko.
"He will be admitted today please inform captain DG as he will be his roommate from now on." he added.
"as per your orders Prime Master" magalang na sabi ko.
Sa panghuling pagkakataon ay yumukod ako saka paatras na humakbang ng tatlo bago tuluyang umalis.
Ang Prime Master ang syang namumuno sa Hellion University, isang sekreto at tagong eskwelahan. Hindi ito nabibilang sa kahit na anong institusyon pang-edukasyon, dahil ang eskwelahang ito ay may sariling patakaran, sariling bisyon at misyon na sinusunod. Hellion University is not the usual university you'll ever see, it is a school where wasted youths goes to learn and put worth to their lives. Madalas mga kabataang minanmanan ng head organizations ng information department, ang naiimbitahan para makapasok dito. Meron ding mga anak ng mga mayayaman na di na makontrol ng mga magulang nila, syempre dahil galing sila sa mayayamang pamilya magbabayad sila ng milyones para maipasok ang mga anak nila sa University. Isasalang sila sa isang test para malaman kung saang unit sila mabibilang.
Nahahati sa anim na unit ang mga estudyante.
Unit I- o ang battlefield department, kung saan ako ang naatasang maging Heneral, at ang katuwang ko sa pangangalakad sa unit na to ay si Captain DG. Dito napupunta ang mga nag-eenroll na mahilig sa gulo, sa away, sa basag-ulo. Mga kabataang naliligaw ng landas, madalas mga kabataan sa kalye. Kami ang sumasabak sa mga misyon na iaatas sa amin ng Prime master, kadalasan mga underground missions na hindi nakakaya ng mga Government agencies.
Unit II- o ang medical department, si Xavier ang tumatayong Heneral at ang katuwang nya sa pamamalakad ay si captain Vnyx. Sila ang incharge sa health assessment ng university at ng Unit I.
Unit III- o ang Artificial Intelligence Developer (AID) department, sila ang nagdedevelope, gumagawa ng mga machines, technologies and weapons na idinidistribute sa iba pang mga units. General in-charge; General Tatiana and captain Thesis.
Unit IV- o ang sports and talent department. Sila ang unit na nagpopokus sa talento ng mga estudyanteng makakapasok sa unibersidad. Sila naman ang sumasabak sa nga international tournaments to win glory for our country. General Keid and captain Grunt.
Unit V- Security and information department. Sila ang mata at tenga ng unibersidad sa labas ng campus, whether it's inside or outside the country, they'll get the information needed. Sila din ang responsable sa seguridad ng buong campus and the so-called detectives dahil sila ang nag-iimbistiga sa bawat krimeng magaganap na may kinalaman sa eskwelahan, General in-charge; General End and Captain Duke.
Unit VI- Law and Justice department. Lead by General Law and captain Trade. Sila anh kumikilos kapag merong akusado at biktima sa isang krimen. Mag-aatas sila ng dalawang tatayong abugado para sa mga taong sangkot. But unlike any other trials. Here lawyers cannot twist the truth, only proven facts will be laid on the court and unit V is in-charge of judging truth based on the information they've gathered after a thorough investigation. Hindi nila pwedeng ipagtanggol ang client nila if wala silang malakas na pruwebang makakapagstand para sa client nila.
In every good deeds that we make, malaking halaga ng pera ang mapupunta sa school individual account namin at kada isang masamang gagawin namin na salungat sa rules and regulations ng eskwelahan ay babalik sa 0 balance ang accounts namin at pag nangyari yun matinding taggutom at taghirap ang mararanasan namin. This school doesn't tolerate drugs, rape and injustice killing. Katumbas ng mga yun ay ang buhay mo, hindi lang buhay at katawan mo ang mabubura sa mundo maging ang katauhan mo. Nakasaad yun sa kontratang pinirmahan ng bawat estundyanteng nakakapasok dito.
In this school, your ways of life will get straightened. After you graduate the students can choose whether to stay or get out of the campus to live the life you choose, as long as you won't disclose anything about the School, of course you will still be monitored for your safety. And now another mission is bestowed upon our unit....
Little do I know that this mission would change me more than how the university changed my life...
-磊
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com