Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 3.

CHAPTER 3.

"HELLO TO MAGINOONGMARIACLARA AND TO THAT GIRL WHO VOTED ON MY RECENT CHAPTERS, PLEASE COMMENT HERE I'LL DEDICATE THIS CHAPTER FOR YOU, VOTE AND COMMENTS WILL BE MUCH APPRECIATED"

*CALLISTER*

"Ako na ang nakikiusap sayo Calli, magtino ka na sa eskwelahang ito dahil kapag pati ba naman sa unibersidad na ito ay napatalsik ka, hindi ko na talaga alam ang gagawin ko sayong bata ka" iiling iling na sabi ni papa.

Napaling nalang ako saka napatingin sa labas ng bintana, ilang oras na ba kaming nasa byahe? Halos ugatin na ang pwet ko kakaupo dahil mula kaninang umaga, paputok palang ang araw ay nagsimula na kaming bumyahe. Tsk. Mukhang malayo na to sa syudad, saang lupalop ba matatagpuan ang paaralang yun? Napabuntong hininga ako, I wonder kung bakit pa ako ineenroll sa paaralan ni papa eh wala na nga akong halos ginawa kundi ang gumawa ng preoblema na tiyak na makakapagpatalsik sa akin sa eskwelahang pinapasukan ko.

Hindi ko rin alam kung bakit ba hindi ko magawang manahimik na lang at mag-aral sa paaralang pinagpapasukan sa akin ni papa, well, hindi ko naman gustong magmukha akong kaawa awa habang inaangasan ako ng iba pang mga estudyante di ba? HUH, ako si Callister Maximo De Vasco isang malaking pagkakamali ang kabanggain nila ako.

Nangunot ang noo ko ng unti-unting huminto ang kotseng kinalululalan ko.

"We arrived in the main gate, get out and don't cause trouble." Anunsyo ni papa saka lumabas ng kotse, isang malakas na buntong hininga ang pinakawalan ko saka lumabas ng kotse, mas lalong nangunot ang noo ko ng bumungad sa  akin ang napakalaking bakal na gate at napakakapal na mataas na pader, para syang sa great  wall of China pero parang mas matibay.

"Magandang umaga ginoo, isang mabilisang pag-iinspeksyon lamang po" magalang na sabi ng isang halatang gwardya saka ako kinapkapan, meron ding nangapkap kay papa at sa driver naming si mang Edrick.



May mga naghalungkat din sa kotse namin, matapos ay sumenyas ang mga gwardya sa itaas ng pader at pag tingala ko ay may mga nakita pa ako mga gwardya dun, nagtaas ng kulay berdeng flag yung nangkapkap sa akin na sya namang tinguan nung nasa taas na gwardya.



Muli kaming pumasok sa kotse ni papa, ilang saglit pa ay kusang bumukas yung bakal na gate, kung saan nagkaroon ako ng pagkakataong makita kung gaano yun kakapal. Kahit ata magdamag kong barilin yun or batuhin ng granada ay hindi mawawasak. Bumungad sa amin ang isang madilim na tunnel, dahan dahan namang umandar ang sinasakyan namin papasok sa tunnel.

"This school has the best security in the world, yung gate na nalampasan natin kanina ay gawa sa pinakamatibay na materials, no bullet nor explosives can destroy it." Sabi ni papa.



"What was that for? I mean yung security, bakit ganon kahigpit na ultimong lighter eh hindi pwedeng makita sayo?" I asked.



Napangiti naman si papa. "You'll know" misteryosong sabi nya.

Ilang segundo pa ay nakalabas na kami ng tunnel, at bumungad sa akin ang mapunong parang kagubatan, hindi sementado ang daan pero hindi rin naman lubak lubak, hindi ko maiwasan ang mamangha sa nakikita ko, bibihira na kasi ang berdeng berdeng mga halaman sa N. City. Lalo na ng madaanan namin yung ilog, mula sa kinauupuan ko ay tanaw ko ang malinaw na tubig nito, may mga isda pang tumalon. Pilipinas pa ba to?





Hanggang ngayon ay nahihiwagaan parin talaga ako sa bagong school na papasukan ko, dahil sa bahay palamang ay andami ng sinasabi ni papa na bawal.

Mas lalong nangunot ang noo ko ng makakita ulit ng isa pang gate pero hindi kagaya kanina ay nakikita kung ano yung nasa likod nun, ang pader din ay di na kasing kapal nung una.



Tumigil ang sasakyan sa harap ng gate. Teka, wag nyang sasabihing kakapkapan uli kami?

"We'll be stopping here son, I wish you nothing but good luck and I'm hoping na sana mapatino ka na sa eskwelahang ito" sinserong sabi ni papa napatirik na lang ako ng mata saka bumuntong hininga at isinabit ang malaking bag ko sa balikat ko saka umalis.



"Remember son, your life depends on how you will survive this school" sabi ni papa pero di ko na sya pinagtuunan ng pansin.



Narinig ko pang bumuntong hininga sya bago nya inaya si Manong Ederick na umalis na. Tinignan ko na lang ang papalayong sasakyan bago ako tuluyang pumihit paharap sa gate, may dalawang gwardyang nakatayo sa magkabilang gilid ng gate na nakabukas.  Pagpasok ko ay merong anim na detector ang malalampasan. Inilabas ko ang I.D. na ibinigay sa akin ni papa, which is magiging school I.D. ko daw at ang magiging ATM ko na rin...I don't know what the heck does he mean pero tinatamad na rin naman akong magtanong ng magtanong dahil hindi rin naman ako interesado sa eskwelahang ito...I bet na ilang araw lang ay lalabas din ako sa eskwelahang ito.



May mga gwardya din bawat detector.

"Ah ginoo, ang mga gamit mo ay mapupunta dito para sa inspeksyon at dito ka naman papasok, ilabas mo ang iyong pagkakakilanlan at ipasok sa makinaryang ito upang mabuksan ang pinto" sabi nya habang iminumuwestra ang isa isa yung paglalagyan ko, kung saan ako papasok at kung saan ko ipapasok yung pagkakakilanlan ko daw.

"Ano bang sinasabi mong pagkakakilanlan ko? Atsaka bakit ba ang lalim nyong magsalita?" Tanong ko.

"Ang iyong pagkakakilanlan ay ang bagay na nakasabit sa iyong leeg ginoo, at sa unibersidad na ito. Narapat lamang na tagalog ang gamitin namin dahil ito ang wika ng bansa natin, ito din po ang nakasaad sa aming batas na kailangan naming sundin." mahabang litanya nya.

Nawiweiduhang napatingin ako sakanya saka inilagay yung gamit ko dun sa machine na sa tingin ko ay x-ray detector na agad naming gumalaw papasook dun sa box na metal. Hinubad ko yung pagkakasabit ng I.D. ko saka isinalpak dun sa machine na sinasabi nung gwardya.

*TING!*

Tunog nung pinto na nagbukas saka lumabas yung I.D. ko pumasok na ako dun sa detector, nangunot ang noo ko ng may pahabang ilaw ang nakalaser sa katawan ko mula paanan hanggang ulo na para bang chinecheck ako. Nagulat pa ako ng magliwanag yung glass na nasa harapan ko.

"Callister Maximo De Vasco, Dalawangpu't apat na taong gulang. Nagmula sa Eskwelahan ng ASCOT, ang huling pinasukang departamento ay Enhinyero. Maligayang pagdating sa Hellion University, ikaw ay nabibilang sa unit one ng unibersidad, sa pangangalaga ni Heneral Cathana at Kapitan DG. Ang napiling alyas: Calli." Mahabang litanya nung boses babaeng robbot.

Bahagya pa akong napapitlag ng biglag may nagbukas na parang compartment at meron dung isang device, kinuha ko yung at isinuot yung earphone na nakakonekta.

"Hayaan mong ito ang maging gabay mo, Mapa de Hellion University Modelo 21, ito ang magsasabi kung saan ka nararapat magtungo, muli maligayang pagdating ginoong Calli." sabi ulit nung boses saka nagbukas yung pinto sa harap ko. Pagkaapak ko sa labas ay nakangiting inabot sa akin nung nag-aantay na gwardya yung bag ko.



"Maligayang pagdating sa Hellion University ginoong Calli" puno ng galang na sabi nito, kinunutan ko lang sya ng noo saka kinuha ang bag ko, humakbang na ako palayo habang isinusukbit ang bag ko pero ng maayos ko na ang bag ko ay di ko maiwasang mapatigil sa paglalakad ng makita ko ang kapaligiran ko.

"Hahaha Queen ang lakas mo talaga!"

"Ah! Charlotte I love your new designs nakakaloka yung catwalk last night ha?"



"Princess Diane, tulungan mo naman ako sa chem oh, nakakainis hindi ko parin makuha yung tamang formula eh"



"Crisalyn balita ko may ginagawa kayong new AI?"


"IVY hintayin mo naman ako!"

"Ang tagal mo kasing maglakad, Audrey eh!"

"Grabe andaming bago sa unit one and two no?"



"Oo nga eh"



"Precious, sabi ni Christian wag mo daw kalimutang i-check yung security system natin"


"Ah oo, salamat sa pagpapaalala Jessa"

"HOY LEI YUNG LIBRO MO!"



"Ano ka ba naman Erica pag ikaw sinita kakasigaw mo sa General's office ang bagsak mo"



"Eh di maganda makikita ko si Kuya Alvin hahaha"



"Joveliza anong gagawin mo mamaya?"

"Wala naman bakit?"

"Wushuu Kallib mga damubs mo pre  hahaha"

"Shut up Arjay kundi magsusumbong ako kay Jessa"

"F-ck you ka pre sagad"

"Kay Jove lang ako kakalampag"

Madaming estudyante sa paligid, may mga naglalaro ng iba't ibang sports, may mga nakatambay at may mga nagkakantahan, nagpipinta...ang ganda ng paligid  mapuno ito at merong pathway na gawa sa mga pinakinis na bato at bricks. Maganda ang berdeng damo na parang nakikisama sa mga nagtataasang mga puno, pathway, fountain at mga estudyante.

Napatingin ako sa hawak kong dvice ng magvbrate yun at patuloy na ipinapaskil sa kulay black na screen nito ang oras at ng pindutin ko ang nag-iisang button ay...

"ALERT ALERT UNIT ONE BATCH 98 CADET CALLI IS RUNNING 5 MINUTES LATE FOR STUDENT BRIEFING, PROCEED TO THE RED DOT SHOWN ON THE SCREEN-ALERT ALERT UNIT ONE--" Kamuntik ko pang nabitawan yung device na hawak ko ng sumigaw ang isang boses na kagayang kagaya ng boses ko. Buti na lang ay napatigil ko agad dahil agad na naglingunan sa akin yung mga estudyante sa paligid.

NAKAKAHIYA!!!!!!!

-磊

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com