Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

049

SORRY FOR NOT UPDATING LATELY BC EXAM WEEK. NARRATION NA DIS OMGgGGgG. AND GUYS, KAILANGAN NIYONG IPLAY 'YUNG VIDEO MAMAYA SA MM PARA MAFEEL NIYO TALAGA 'TONG CHAPTER NA 'TO, I SWEAR. KUNG WALA KAYONG NET PLAY NIYO NALANG 'YUNG JEALOUS NI NICK JONAS HAHA. HAPPY READINGGG!!1!1!1

ㅆㅆㅆ

Napailing nalang ako sa kakulitan ni Shawn, pero 'di ko naman mapagkakailang kahit ganon ay napangiti niya pa rin ako.

Inilagay ko muna sa bulsa ng pants ko ang phone ko at nilingon si Kian na kasalukuyang inaayos ang beanie niya. Hindi ko alam kung saan kami papunta ngayon basta lakad lang kami nang lakad dito sa hallway.

"Kian," tawag ko sa kanya. "Pwede ba tayong pumunta sa GC saglit?"

In-adjust niya ang backpack niya. "Akala ko ba walang practice ngayon?"

"Pinapapunta kasi ako ni Shawn, eh. Pero sige, kung ayaw mo naman 'wag nalang tayong pumunta." Ngumiti ako sa kanya ngunit agad akong napakagat sa ibabang labi ko. Shet. Naalala ko 'yung sinabi ni Shawn na mababaog siya kapag 'di ako nagpunta agad sa GC.

Agad niya akong inilingan. Hinawakan niya ang wrist ko at lumiko kami pabalik. "Ah, hindi. Pupunta tayo," nginitian niya ako't ni-pat ang ulo ko.

Ang gwapo ni Kian— lalo na kapag ngumingiti siya. Pero parang may kulang, eh. Hindi ko nararamdaman sa kanya 'yung nararamdaman ko kay Daylight kapag ngumingiti siya. Ay, ewan.

Daylight na naman. May Jaycee na kaya 'yung kabayong yon. Hayz.  

Habang naglalakad kami ni Kian papunta sa GC ay nagkwentuhan lang kami sa mga bagay-bagay. Random topics lang— kung gaano na karami ang collection niya ng beanies, minsan naman sa Teen Wolf, pero kadalasan talaga tungkol sa iba't ibang klaseng burgers.

Pagpasok namin sa Glee Club eh as usual maraming tao. Majority kasi ng students dito sa CAL ARTS ay Glee Club ang sinalihan. 'Yung iba nga wala pa rito, kasi baka tinatamad na magpunta o busy sa kanya-kanyang buhay nila.

Inilibot ko ang paningin ko at nakita si Shawn na kakatayo palang mula sa harap ng piano na tinutugtog niya.

"Kian, wait lang, ah?" Tumango't ngumiti lang siya sa'kin.

Tiningnan ko ulit si Shawn at medyo napatalon pa siya nang makita ako habang nagwe-wave ng kamay sa'kin.

"Mae!" Niyakap niya ako nang makalapit siya sa'kin. Ang clingy niya pero ayos lang, ang sarap niya kayang yakapin. Fluffeh af. "Buti naman at pumunta ka, kundi baka mabaog talaga ako." Bulong niya sa'kin.

Bumitaw ako sa kanya't pinalo ang braso niya, "Sira!" Natawa lang kaming dalawa. "Ba't mo ba ako pinapunta rito?"

Nagulat ako nang hilahin niya ako palayo kay Kian matapos niyang sulyapan ito. Pinanliitan niya ako ng mata kaya napakunot lang ang noo ko. Ano bang problema ng biik na 'to?

Nag-cross arms siya at sinuri ang paligid kaya napatingin din ako at napansin kong mas dumami na ang tao rito sa loob.

"Mae," napatingin ako sa kanya. "I just want you to know that I am totally against with the Beanie couple," gumawa pa siya ng cross sign gamit ang dalawang hintuturo niya at itinapat sa mukha ko. "A big NO for Kian and Maevel! DayVel lang! Walang titibayag!"

WAT DA.

Napaawang ang bibig ko at hindi nakapagsalita agad. Napailing ako nang ilang beses.

"'Yun lang?! 'Yun lang ang sasabihin mo kaya mo ako pinapunta rito?!" Niyugyog ko siya, "Seryoso?!"

Inalis niya ang mga kamay ko sa braso niya. "Ih! Kay fafa Daylight ka nalang kasi, Mae!" Pagmamaktol niya't hinila-hila pa ang braso ko kaya pinitik ko ang noo niya nang matigil siya. "Ouch!" Napahawak siya sa noo niya, "How dare chu, madapakah!"

"Ang ingay mo kasi, e!" Napakamot ako sa ulo ko. "Mas matinis pa ata ang boses mo kaysa sa'kin!"

"Heh! Ganyan naman kayo, e! Lagi niyo nalang akong sinasaktan! Lagi na nga akong binabatukan o sinasapok ni Vernon, tapos ngayon dadagdag ka pa!" Angil niya sa'kin pabalik.

Pinamaywangan ko siya, "Ang kulit mo naman kasi." Sumimangot lang siya sa'kin. Aish. Ba't ka ganyan, Shawn. Napabuntong hininga ako't inakbayan siya. "Shawn, ganon ka namin kamahal, 'kay? Medyo harsh nga lang 'yung way ng pagpapakita namin sa'yo ng affection pero lablab ka namin. 'Wag ka lang kasing makulit, ples."

"Sori."

Palihim akong napangiti dahil ang cute niya. Para siyang baby na biik, emeged.

"'Yun lang ba talaga ang sasabihin mo kaya mo ako pinapunta rito? Aba, kung tapos ka na, aalis na kami ni Kian. Nakakahiya kasi sa kanya dahil alam niyang wala tayong practice ngayon."

Kumunot agad ang noo niya, "Kian na naman?!"

"Shhhh!" At itinapat ko ang hintuturo ko sa tapat ng bibig niya.

Marahas niyang inalis ang daliri ko sa bibig niya at napangiwi, "Ew ka, Mae. Laway mo!" Napairap siya. "Maupo na nga lang muna kayo ni emo boi diyan. Mag-behave kayo, at tandaan! Hindi talaga ako boto sa inyo. Hmp." Napapaypay siya sa kanyang sarili atyaka bumalik dun sa piano.

Minsan talaga ang lakas ng sapak nun sa utak.

Binalikan ko si Kian sa kinatatayuan namin kanina at automatic naman siyang napangiti nang makita akong papalapit. "Okay ka lang diyan?" Tanong ko sa kanya.

Tumango siya, "Oo naman."

Nginitian ko nalang siya at katulad nang sinabi ni Shawn ay naupo muna kami ni Kian sa tabi.

Wala namang masyadong ganap dito kaya naglaro muna kami ni Kian ng Color Switch sa phone niya. Nagpataasan kami ng score.

Maya-maya pa'y biglang pumalakpak 'yung kambal na Austria at Austin kaya napatingin kami, sinabihan nila 'yung mga dancers na kasama nila na samahan sila sa gitna. Nag-play 'yung Dazed and Confused tapos nagsimula na silang magsayaw.

'Yung kambal, magaling mag-choreograph, kaya hindi na ako magtataka kung sila 'yung leaders ng main routine ng magiging big event namin.

Hindi ko maiwasang hindi mapa-sway kasabay nung tugtog kaya narinig ko nalang ang pag-chuckle ni Kian. Hinayaan ko nalang siyang matawa sa'kin at palihim ding natawa sa sarili ko.

Sa kalagitnaan ng pagsasayaw nila, nakita kong sinamahan ni Daylight si Shawn dun sa mga instruments section na nakapwesto sa gitna. Sinundan naman siya nina Francis, Joshua, Jeremy, at Vernon.

Nakita kong kinantyawan nung lima si Day, at gustuhin ko mang matawa sa nakikita kong pagkaasar ni Daylight sa kanila ay hindi ko magawa, kasi naalala kong hindi nga pala kami bati.

Matapos ang tugtog na Dazed and Confused, nag-random dance lang 'yung grupo nung kambal.

Habang sumasayaw sila Austin nakita kong inaayos nila Daylight 'yung instruments. Napatingin ako kay Jeremy na tinawag si King na siyang drummer ng GC at pinapwesto na sa harap ng drums.

Naupo na 'yung dancers pagkatapos nilang mag-random dance kaya pumwesto na 'yung anim dun sa gitna kung nasaan din lahat ng instruments.

Chineck ni Vernon 'yung sound system. Tinest ni Francis 'yung bass guitar samantalang si Joshua naman eh 'yung electric guitar. Si Shawn kanina pa nakaupo run sa tapat ng piano at parang excited na excited nang tugtugin iyon. Si Jeremy naman nakatayo lang sa tabi, at si Daylight ina-adjust 'yung mic stand base sa height niya.

Napalunok ako. Oh my golly. Kakanta siya?! Hindi po ako ready! Newp! Hindi talaga! Shet, Mae. Eh, lagi ka namang hindi ready kapag on the spot na gaganito si Daylight!

May kamay na pumatong sa balikat ko kaya napalingon ako, si Kian lang pala. Tumayo na siya at nakita kong walang emosyon ang mukha niya. "Mae, CR lang ako." Tinanguan ko siya agad.

Nagsimula nang tumugtog 'yung instrumental na sinabayan naman ng pagka-clash ng drums at ang pagtugtog nila Francis.

[ PLAY THE VIDEO ON THE MM ]

Unang kumanta— este nagrap si Vernon kaya nagtitili 'yung ibang kababaihang members ng GC. Hirap talaga kapag gwapo, laging tinitilian.

Sumayaw rin si Jeremy sa tabi ni Daylight. Self choreographed and inspired by Justin Bieber, eh?

"Cause see I read between the lines, then I read the chapter.

Tryna stay on the same page, she was reading backwards."

Napasulyap naman ako kay Shawn na ang sama ng tingin dun sa mga babae habang tumutugtog siya ng piano.

"I thought it was going down like syndrome."

Hindi bakla si Shawn. Bata palang kasi sila ni Vernon ay sila na ang laging magkasama kaya ganun na lang siguro kalakas ang bond nila. Pero minsan napapaisip na rin akong... Baka bading siya. Whoops. Sorry.

"She, she always thirst trappin', and she a trap lord."

Nagfi-flip pa ng hair si Vernon at tinituro ako habang nagrarap siya kaya napangiwi lang ako sa kanya. Ge na. Siya na magaling mag-rap. Tipong mapapatigil ka talaga kapag narinig mo kasi sobrang linaw at ayos ng pagkaka-rap niya.

"Got the got the whole world knocking on the back door."

Holla Shot. Alam ko ang kantang 'to pero hindi ko na-recognize agad dahil sa rap. Kumabog ang dibdib ko nang kumanta si Daylight habang nakapikit. Idagdag niyo pa 'yung kung paano niya hawakan 'yung mic sa stand nito kagaya ni Nick Jonas. O M G.

"It's not your fault that they hover.

I mean no disrespect.

It's my right to be hellish.

I still get jealous."

Shet shet shet. Hindi ako sure kung okay pa ba ako dahil sa falsetto ni Daylight.

"'Cause you're too sexy beautiful, and everybody wants a taste— that's why, I still get jealous."

Ayokong mag-assume or what na para sa'kin 'yung kinakanta niya. Pero ang hirap kasi na hindi dahil sa'kin siya nakatingin habang sinasabi ang mga lyrics na iyon. Maganda, check. Sexy, aba! Check na check! Tapos parang dinedescribe pa niya ang sarili niya.

"'Cause you're too sexy beautiful, and everybody wants a taste— that's why, I still get jealous."

Tinuon ko nalang ang atensiyon ko kay Jeremy na sumasayaw, at sinamahan na rin siya nina Austria at Austin.

Pero hindi, eh.

"I wish you'd save a little bit just for me."

May kung anong nagsabi sa'kin para tingnan si Daylight at ayon nga, nakipagtitigan din siya sa'kin.

"Call it passive or aggressive."

Napapikit na naman siya habang kinakanta ang chorus.

"I'm getting red in the face.

You can call me obsessed.

It's not your fault that they hover.

I mean no disrespect.

It's my right to be hellish.

I still get jealous."

Napahawak ako sa dibdib ko kasi sobrang bilis ng tibok, eh. Feeling ko may karera ng kabayo.

"—that's why, I still get jealous."

Nang dumilat siya ay tumingin na naman siya sa'kin.

"You're too sexy beautiful, and everybody wants a taste— that's why, I still get jealous."

Nag-rap na naman si Vernon pero imbis na sa kanya ako mapatingin eh na kay Daylight pa rin ang atensiyon ko. Lalo na nung sabayan niyang sumayaw sina Jeremy at 'yung kambal.

Punong-puno ng energy si Day and as usual, hindi rin magpapahuli ang dancing skills niya. Kitang-kita ko sa mga galaw niya na gustong-gusto niya ang ginagawa niya ngayon.

Pinigilan ko lang mag-react habang sumasayaw siya pero sa loob-loob ko: SHET, MADAFAKAHH. KAILANGAN BA TALAGANG MAG-HIP THRUST SI DAYLIGHT, HUH. FIGHT ME. FIGHT ME!

"Maybe I'm lost, maybe I'm lost in the songs but, hey.

Don't miss a stuff cause if you do it's your loss."

Lumapit na ulit si Daylight si mic at, omg eto na.

"Oh, I turn my chin music up and I'm puffing my chest."

Shit, Day. Pinapatay mo ako sa falsetto at high note mo. Feel na feel niya, eh. May kung ano siyang pinaghuhugutan dahil sa emosyon ng boses niya.

"It's not your fault that they hover.

I mean no disrespect.

It's my right to be hellish.

I still get jealous."

OH MY GOD, I DIDN'T REALIZE THAT I WAS HOLDING MY BREATH WHEN DAYLIGHT SANG THE HIGH NOTES.

DAMMIT, DAYLIGHT KLEID. WHY DO YOU HAVE TO BE SO ILLEGAL?!

Shet. Namatay ako sa falsetto.

Matapos 'yung mga nakakamatay na high notes ay nag-ad-libbed nalang siya at hinintay matapos ang kanta dahil may background music naman na kumakanta ng chorus.

Nakipagtitigan na naman siya sa'kin.

Bakit ba siya ganito? Aaminin kong kahit na nililigawan ako ni Kian, hindi pa rin nawawala ang feelings ko para kay Day. Ang hirap kaya at isang linggo pa lang naman. Naguguluhan lang ako kasi bakit ba ganun siya makatingin the whole time sa'kin?!

"Oh, that's why.

I still get jealous."

Naghiyawan ang mga members ng glee matapos ang performance samantalang ako, tahimik lang.

Nakita kong hinihingal si Daylight dahil sa mabilis na pagtaas at pagbaba ng kanyang balikat, pero hindi pa rin niya pinuputol ang eye contact namin.

Nakita ko sa peripheral vision kong kinakawayan ako ni Shawn kaya ako na mismo ang pumutol sa titigan namin.

Nag-thumbs up ako kina Francis at Joshua kaya nginitian nila ako. Lumapit naman sa'kin si Vernon at nakipag-low five.

"Ayos ba, Mae?" Biglang sulpot ni Jeremy sa harap ko. Nakipag-fist pump siya.

Nakita kong isa-isa nang nagsisialisan ang mga members, inaayos na rin kasi nila Francis 'yung nga instruments. Pati nga si Daylight tumulong na sa pag-aayos. . .

Napailing ako nang ilang beses tyaka inayos ang bag ko. Napakagat ako sa ibabang labi ko nang mapansin kong hindi pa rin pala bumabalik si Kian. Anla. Baka na-flush na siya sa CR.

Nang tumingin ako sa harapan ko ulit ay nakita kong naglalakad palapit sa'kin si Daylight. Omg. Teka. 'Di ako ready.

Bigla akong nag-panic kaya nagkunwari akong inaayos ang loob ng bag ko at nung makita ko na sa peripheral vision kong nasa harapan ko na siya ay tumayo na ako agad para umalis pero— emeghed. Nahawakan niya ang pulso ko.

Napapikit ako at napamura na ng ilang beses. Quingina. Y dahek u do dis to meh, Delayt.

"Mae." Kahit malalim at gwapo ang boses ni Kian, bakit parang mas gwapo pa rin ang boses ni Daylight para sa'kin. Sht.

Pinilit kong maging kalmado tyaka hinarap siya, "Yo." Napatingin ako sa kamay niyang nakahawak pa rin sa wrist ko. "Err. 'Yung kamay mo, Day."

Tiningnan din niya 'yung hawak niya sa'kin tyaka unti-unti akong binitawan. Nakahinga ako nang maluwag.

Pinamulsahan niya ako. Iniiwasan ko ang mga mata niya pero pilit naman ako nitong hinuhuli kaya in the end nagtitigan na naman kami.

"Nasaan si Jaycee?"

Sabi ko nang 'wag umasa kasi masakit, eh. Leche.

Nagkibit balikat ako, "Hindi ko alam. Nasa modeling club na naman siguro, as usual. Ah. Hula ko para sa kanya 'yung kinanta mo, noh? Nice, nice. Ang galing mo talaga." Pinigilan kong mapairap. "Ge, alis na ako."

Hindi pa man ako nakakahakbang palabas ay nahawakan niya na naman ang wrist ko.

"Saglit."

"Ano?"

Tiningnan niya ako nang seryoso. "Hindi para kay Jaycee ang kantang 'yun." Nakita kong nag-relax ang balikat niya.

What. Teka, naguguluhan talaga ako, ah. Ano ba kasing trip nitong Daylight na 'to? Pero kung hindi naman pala para kay Jace 'yung kanta, baka naman. . . Ay potek. 'Wag, Mae. 'Wag kang aasa. Tandaan mo, masakit.

"Ah. Eh, para kanino pala?"

Siguro worth it naman 'yung umasa ako dahil sa huling sinabi ni Daylight bago ako iwanang nakanganga rito.

Kung kanina gulong-gulo na ako, ngayon mas lalo pa niyang pinagulo ang nararamdaman ko.

"Para kanino pa ba? Edi para sa'yo."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com