064
07:37 pm
Daylight: Greer.
Maevel: Woah.
Maevel: Pag ang isang Daylight Kleid ang tumawag sayo sa surname mo, ibig sabihin seryoso ang pag-uusapan niyo.
Maevel: So, ano yon. . . Kleid?
Daylight: Let us clear things up.
Maevel: Like?
Maevel: Teka lang. Wag mong sabihing nagseselos ka nanaman?
Maevel: Kailan? Saan? Kanino? At bakit?
Maevel: Oh baka naman hindi yun yon. Masyado akong madaldal, sensiya na.
Daylight: Yun nga.
Maevel: Oh! Tama ako!
Daylight: Kayo ni Kian..
Maevel: Anong meron?
Daylight: Diba binasted mo na yun?
Maevel: Oo
Daylight: E bat pa kayo nag-uusap?
Maevel: Day, really ._.
Maevel: Eh kahit naman binasted ko yun, magkaibigan pa rin naman kami!
Maevel: Kaya naman normal lang samin ang mag-usap
Daylight: Pero nagseselos ako
Maevel: Day, napag-usapan na natin to diba?
Daylight: Oo nga, pero iba kasi si Kian.
Daylight: Iba siya sa mga lalaking tumitingin sayo
Daylight: Kasi kayo talaga, nagkasama na. Kaya kahit na sabihin mo pang binasted mo na siya eh
Maevel: Eh ano?
Daylight: Eh natatakot akong baka mamaya maagaw ka na niya sakin.
Maevel: Day, hindi naman mangyayari yun.
Maevel: Kailangan ko pa bang ulitin yung mga sinabi ko nung nakaraang linggo?
Daylight: Please?
Maevel: Ohmygod
Maevel: Pero sige.
07:55 pm
Maevel: May tiwala ako sayo, kaya sana pagkatiwalaan mo rin ako. Pwede kang magselos, pero ilalagay mo sa lugar. Hindi pwedeng kada may kakausap saking lalaki eh totopakin ka ng selos mo kasi hindi pwedeng hindi tayo makipag-usap sa iba
Maevel: Alam kong ako palang ang unang babaeng niligawan mo kaya ka ganyan umasta... pero hindi talaga pwedeng lagi ka nalang ganyan. Kaya sisikapin kong tulungan kang unti-unti yang mabawasan, ha?
Maevel: Hindi natin maiiwasang makipag-usap sa iba, pero susubukan kong babawasan para sayo, lalo na sa mga lalaki kasi tampururot ka kaagad.
Maevel: Hindi rin ako magsasawang paalalahanan ka ng mga kailangan mong baguhin o bawasan sa ugali mong minsan eh sumusobra na
Daylight: Gaya ng?
Maevel: Una, yung pagkamasungit mo. Sa katunayan improving ka na. Di ka na kasi nagsusungit sa gc members. Minsan.
Maevel: Pangalawa, ang pagkaseloso mo. And of all people, kay Kian ka pa talaga selos na selos? Sa pagkakaalam ko naging magkaibigan kayo dati kaya malamang kilala mo na siya!
Daylight: Weh? Wala ata akong maalalang ganon?
Maevel: Weh ka rin. Naalala ko pa nga nung junior high school tayo lagi kayong magkasama. Siya emo, ikaw naman masungit
Daylight: Mahina memory ko
Maevel: Wow ha
Daylight: Oo nga kasi
Maevel: Asus ahahaha ayaw mo lang na maalala kasi mas sweet pa kayo dati kaysa satin ngayon
Maevel: At pangatlo, ang pagkabugnutin mo.
Maevel: Nasabi ko na rin sayo yan
Maevel: Minsan nakikita kitang nakabusangot mag-isa. Sinabi ko namang hindi yan bagay sayo
Daylight: Alam mo ba kung bakit
Maevel: Na ano?
Daylight: Na hindi ako ngumingiti kapag mag-isa lang ako
Daylight: Kasi wala ka. No reason to smile. :)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com