089
01:49 pm
Gino: Kleid.
Daylight: Oh?
Gino: Isa kang malaking gago
Daylight: Kingina. Anong ginawa ko sayo, Grayson?
Gino: Sinaktan mo si Maevel
Daylight: Pati ba naman sayo nakarating ang balitang yan?
Daylight: Sinabi ba sayo ni Midnight?
Gino: Hindi na yun mahalaga basta isa kang malaking gago
Gino: Tsk
Daylight: Teka nga, bat ka ba ganyan magsalita?
Daylight: Parang galit na galit ka at tunog may koneksiyon ka kay Mae?
Daylight: Ano mo ba siya?
Daylight: Tangina. Wag mong sabihing niloloko mo si Mimi?
Gino: Nababaliw ka na talaga
Gino: Pinsan ko si Maevel tanga
Daylight: Anakng. Tunay?
Gino: Hindi, nagjojoke lang ako.
Gino: Bakit? Kung sinabi ko ba sayo noon na pinsan ko si Maevel, hindi ka ba gagawa ng kabalbalan?
Gino: Makita lang kita at mabubugbog talaga kita
Daylight: Hindi yun e! Bat naman hindi mo sakin pinaalam kaagad?!
Daylight: Pahiya pa tuloy ako
Gino: Wag ka ngang palusot. Ang sabihin mo nahihiya ka kasi yung girlfriend mo may pinsang barako kaya magtago ka na ngayon palang
Gino: Mali pala. Ex mo pala
Daylight: Siya lang nakipagbreak, hindi ako pumayag kaya kami pa.
Gino: Ge
Daylight: Hindi mo ba nakita yung pagpost ko noon na kami na.
Gino: Hindi. Hindi naman na kasi ako masyadong nag-oonline dahil nagtetext nalang kami ni Mimi at palagi rin naman kaming nagkikita
Gino: Nag-away nga pala kami.
Daylight: May bago ba?
Gino: Alam mo ba kung bakit?
Gino: Kasi ayaw niyang ipaalam sakin kung bakit siya pumunta diyan sa L.A. nung isang araw
Gino: Sabi ko, bago to kasi hindi niya sinabing kina Irene lang o kay Moonlight, at ayaw niya pang magpasama
Gino: Tas malalaman ko nalang na kay Maevel pala
Gino: Nagulat nalang ako nung makita ko yung selfie nila sa phone niya
Gino: At nilutuan pa siya ni Mimi ng chicken feet ha
Gino: Narinig ko pa silang nag-usap sa phone kanina. At ikaw yung bukambibig ni Mimi
Gino: "Patawarin mo na yung pinsan ko, Mae..."
Gino: Ayan. Kaya nalaman ko yung kagaguhan mo
Daylight: Sht. Sinabi yun ni Mimi?
Gino: Oo.
Daylight: Okay
Daylight: Hindi naman ako perpekto
Gino: Alam ko. Lahat naman tayo hindi, pero nasaiyo na yung tamang babae, gumawa ka pa ng maling desisyon.
Gino: Hindi pa kami bati ni Mimi pero kinwento lang niya yan sakin
Daylight: Pake ko
Gino: Kshare gago
Daylight: Hahahaha
Gino: Wag kang tumawa. Nakakairita -,-
Daylight: Niloko mo rin naman si Midnight ah.
Gino: Hindi nga ako ang nanloko. Si Kia yung may kagagawan nun at hindi ako. Oo, nasaktan si Mimi— pero alam ko sa sarili kong wala akong ginawang mali, end of the story.
Daylight: Kita mo? Yan din yung saloobin ko. Eksaktong-eksakto.
Gino: Pero may ibidensiya diba? Nakita ka ni Maevel
Daylight: Yung sayo rin naman ah
Gino: Dati pa yun, Day. Atyaka wag mo ngang ibahin yung usapan. Tapos na yun. Okay na kami ni Mimi.
Gino: Ang concern ko ay yung sa inyo ni Maevel
Gino: Alam mo namang ayaw na ayaw kong may nananakit ng babae diba?
Gino: Seek for the truth, Day.
Gino: Di kita bubugbugin basta ba alamin mo lang yung totoo.
Gino: Para kay insan.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com