Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

092

02:08 am

Stacyca: Maevel?

Stacyca: First of all, I'm sorry.

Stacyca: You don't know how much I wanted to talk to you in person but unfortunately, hindi na kita naabutan.

Stacyca: Isang linggo na kitang hinahanap kasi gustong-gusto na talaga kitang makausap pero kanina ko lang nalamang nasa San Francisco ka na pala

Stacyca: Nalaman ko dahil nasampal ako nung best friend mo. Si Jaycee. Kasi nakita niyang kinakausap ko si Daylight

Stacyca: Nasabunutan na rin niya ako, pero napigilan naman siya ni Daylight agad atyaka nung isang lalaki na medyo mataba.

Stacyca: Narinig kong sabi ni Daylight na Shawn daw. Pinigilan niya si Jaycee pero parang mas gusto niya pa akong sabunutan

Stacyca: Tyaka narinig ko nalang na nagsasalita na ng italian si Jaycee

Stacyca: Kahit di ko naman naintindihan ang mga yun, sigurado akong galit na galit din siya sakin

Stacyca: Hindi ko naman sila masisisi e

Stacyca: Mae, I'm sorry.

Stacyca: Ako yung nakita mong babae na katabi ni Daylight sa kama nung umagang yun sa dance and drink.

Stacyca: Shit

Stacyca: Kaya nga gusto kong sa personal kita makausap kasi hindi ka na raw nag-oonline kaya hindi ako sigurado kung mababasa mo to

Stacyca: Pero Maevel, umaasa pa rin akong mapapansin mo tong message ko.

Stacyca: Mae, walang nangyari sa amin ni Daylight. Setup lang yun.

Stacyca: Pumunta talaga si Daylight sa bar nung araw na nakita niyang may kahalikan si Bobby na blonde rin, at kahawig mo ang likod

Stacyca: The plan was on the spot. Ni-track agad ni Bobby yung sim ni Day, tapos sabay kaming pumunta sa bar na yun

Stacyca: Lasing na lasing na si Daylight nung maabutan namin siya, pero pinainom pa siya ni Bobby ng ilang shots

Stacyca: It was all Bobby's plan. Planado lahat. Planado yung pagsulpot niya na parang kabute nung finals niyo, kasi nagalit siya nung malaman niyang may boyfriend ka na. Sakto at kaka-18 lang niya at pwede na siyang bumalik dito sa California. Gustong-gusto na niyang sirain kayo dahil mahal na mahal ka niya.

Stacyca: Simula pa nung unang taon niya sa Virginia, hindi ko na dineny sa sarili kong gusto ko siya, hanggang sa lumalim yung pagkagusto kong yun.

Stacyca: Pero ang sakit-sakit, kasi kahit nagkalapit na rin kami, ikaw lang ang bukambibig niya. Kung gaano ka kaganda, kung gaano ka kagaling sumayaw, kung paano mo nagagawang patibukin ang puso niya nang mabilis kapag nandiyan ka.

Stacyca: Maevel. Maevel. Maevel. Puro nalang Maevel. Naiinggit ako sayo, Mae.. Kasi ako yung kasama niya pero puro Maevel pa rin

Stacyca: Pero wala e, umaakto nalang akong bingi sa tuwing mababanggit niya ang pangalan mo dahil nakikita ko namang masaya siya sa tuwing ikaw yung topic, at kapag ginagawa ko yun medyo nababawasan naman yung sakit

Stacyca: Sabi ko, sige banggitin ka lang niya, kasi magsasawa rin naman siguro siya at baka sakaling mapalitan naman ng Stacyca.

Stacyca: Pero hindi talaga.

Stacyca: Mae, natakot ako sa sinabi niyang gagawin ko nung umagang yun. Pero wala akong nagawa kundi pumayag nalang, kasi mahal ko siya. Kung tutuusin pwede ko naman siyang tanggihan, kasi di naman niya ako masasaktan.

Stacyca: I know it's stupid— na sinusunod ko yung pinapagawa ng taong mahal ko na hindi naman ako mahal, kahit nakakagago pa.

Stacyca: Hindi na uso yung martyr ngayon pero parang hindi ata ako updated kaya ganun ang nangyari.

Stacyca: 3:00 am na nung makatulog na talaga si Daylight ng tuluyan. Dinala namin siya run sa kwartong para sa customers.

Stacyca: Si Bobby ang nagtanggal ng mga damit niya, pero Mae, may undies pa naman.

Stacyca: Gising ako magdamag kaya nakasisiguro akong walang nangyari samin. Gising ako magdamag kakaisip sa kung ano mang mangyayari kinabukasan, at paulit-ulit na talaga akong nagsosorry sayo, Mae.

Stacyca: Nagpanic na ako nung nagtext na si Bobby na parating na kayo... Kaya mabilis akong nagtanggal ng mga damit

Stacyca: Pero may undies naman.

Stacyca: Naiiyak na talaga ako nung oras na yon... Nakonsensiya na ako nung makita kong naiiyak ka na, pero nasaktan din ako kasi nakita kong ngumiti si Bobby sa likuran mo

Stacyca: Sobrang gago niya

Stacyca: Sobra

Stacyca: Dahil sa nakita mo, nag-away kayo at nakasira ako ng relasyon

Stacyca: Siya ang may gawa ng lahat, pero hindi mo siya masisi kasi nga nagbait-baitan siya sayo. Hindi ko na rin alam ang mararamdaman ko

Stacyca: Pero natuwa ako nung malaman kong tinurn down mo agad siya nung tinanong niya kung pwede bang ligawan ka niya

Stacyca: Hindi sa dahil may pag-asa na ako kasi nung una palang naman ay alam kong wala na. Natuwa ako kasi hindi nagtagumpay ang gunggong na yun.

Stacyca: Tinulungan ko siya kasi sinabi niya saking mahal na mahal ka niya at sabi ko, kung hindi talaga ako kayang mahalin ng taong mahal ko, gusto ko nalang na makita siyang masaya sa tabi ng taong mahal niya.

Stacyca: Pero galit na galit naman ako nung malaman kong may kahalikan na siyang iba ilang araw matapos ng pagbasted mo sakanya. Akala ko naman kasi ikaw lang talaga. Sumuko na pala siya sayo, at natuwa ako dun kasi sa wakas titigilan ka na niya, at hindi ka na niya guguluhin kasi wala na siyang makukuha sayo.

Stacyca: Kung siya, sinukuan ka na at walang balak ayusin ang nagawa niyang kagaguhan, ako hindi pa. Mae, gusto kong ayusin yung gusot na nagawa ko kasi isa rin ako sa nakasira sa inyo ni Daylight.

Stacyca: Yung sinabi sakin ni Jaycee na nakita mo raw akong nagsusuka nung isang araw, sumama lang yung tiyan ko.

Stacyca: Wala nang iba pang dahilan

Stacyca: Hindi ko na pala mahal si Bobby. Tangina niya e. Magsama sila nung nadagit niyang malandot.

Stacyca: Aalis na rin ako rito sa CA, sa Michigan muna ako kasama ng mga pinsan at lola ko.

Stacyca: Sinasabi ko sayo kung nasaan ako para mapuntahan mo ako kung interesado kang marinig yung buong kwento sa personal...

Stacyca: Para rin magawa mo ang gusto mong gawin sakin. Sampal, sabunot, sapak, tadyak— kahit ano. Tatanggapin ko. Basta ang gusto ko lang, pagkatapos nun ay maayos na yung nasira kong relasyon. Sana, sana.

Stacyca: Mae, sana magkaayos na talaga kayo ni Daylight.

Stacyca: Sorry ulit.

Stacyca: Sana talaga mabasa mo to. Sorry. Sorry.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com