Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

23


Mino

Nang matapos na sila magpraktis. Nag-aayang kumain si Janus sa isang coffee shop sa may Baretto at para naman daw mailibre nila ang mga sarili nila at makapag-bonding silang pito. Para hindi raw puro sila aral at pagpra-praktis ang ginagawa nila.

Kaya ngayon nasa Sweet Leaf Cafe sila. Kakaiba ang coffee shop na ito dahil isa itong vintage style kung saan puro kahoy ang upuan at lamesa, mayroon din itong bookshelves. Wala rin wifi dito. May photobooth din ito. Photobooth kung saan polaroid camera ang ginagamit. Marami ka rin makikitang halaman sa paligid.

Lahat sila ay um-order ng coffee. Sila Janus, Klaine, Kirks at Ysmael ay kumain ng chicken tonkatsu. Gusto kasi nilang may rice. Sila Tyler at Vienne ay nag-chicken burger na lamang at sina Mino at Tyler naman ay kumain na lang ng carbonara.

Tahimik silang kumakain ngayon.

"Nakakamiss pala 'yung ganito. 'Yung walang ingay, walang mga matang nakatingin sa 'tin," komento ni El o Ysmael.

Alas nuwebe na rin kasi ngayon at makikita mo na wala ng gaanong tao dito sa Sweet Leaf Cafe dahil gabi na rin. Napapaligiran na lang sila ng mga kapwa costumer nila na nag-aaral ng leksyon, magkapatid, magkapamilya at mga mag-jowa na nagde-date dito sa coffee shop. Kumbaga halos lahat ay may kanya-kanyang mundo.

Buti na lang wala silang fan girl sa nasabing coffee shop.

"May kamukha talaga 'yung babae," komento ni Vienne. Hindi niya na mapigilan ang kanyang bibig. Simula pagpasok nila sa coffee shop na ito ay napansin niya na ang babaeng cashier.

"Sa facebook. Sa group chat natin, doon ko nakita ang mukha niya," bulong sa kanya ni Tyler.

Hindi lang pala siya ang nakapansin dito. Pati rin pala ang kanyang kaibigan na si Tyler.

"Jewel Anais."

sabay nilang sinambit iyon habang nakatingin sila kay Mino na walang pakielam sa paligid niya dahil masaya itong nakikipagkulitan sa baliw na Janus.

Ramdam nila ni Tyler na si Jewel Anais 'yon kahit side lang ng face ni Jewel ang nakita nila sa picture.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com