Chapter 1
Leave comments and votes after reading! Thank you. :]
Comment for Dedications.
DiamondAlpha
---------------------------
CHAPTER1
Chloe's PoV
"TAXI!"
Sumigaw ako sa taxi pero may nakasakay na pala. Dinaanan lang ako at tinalsikan pa ng tubig.
Naman the weather. Ang lakas lakas ng ulan. Nalate pa ako ng uwi dahil may ginawa pa kami sa school. Lampas 6pm na. Medyo madilim na din. Hindi naman ako maihatid ng boyfriend ko na si Lucas dahil naunang umuwi. Masakit daw kasi ang katawan niya kakabasketball.
Kaya eto ako ngayon, mag-isa. Basang basa sa ulan. May payong naman ako pero maliit nga lang. Tapos napakalakas ng ulan kaya nababasa pa rin ako.
Maglalakad lang naman dapat ako e. Pero sa sobrang lakas ng ulan naisipan kong magtaxi. May singkwenta pa naman ako e. Ang kaso, wala man lang dumaang taxi na walang sakay. Grabe. Ang malas malas ko.
Pa'no na ako makakauwi ne'to?
Nakakita ako ng waiting shed. Agad agad naman akong pumunta don. Sinarado ko yung payong ko. Walang tao sa waiting shed kundi ako lang. Naupo muna ako. Rinig na rinig ko ang malakas na pagpatak ng ulan.
"Ulan tumigil ka naman na oh..." bulong ko.
Tumingin tingin ako sa paligid pero wala talagang taxi. Ginaw na ginaw na ako.
Nilabas ko yung lumang nokia cp ko. Fudge. Malas talaga. Walang signal. Ayaw magtext. Binulsa ko na lang ulit. Nagstay ako sa waiting shed for 15 minutes. Nung nainip ako tumayo na ako at binuksan ang payong ko. Nagsimula na akong maglakad palayo sa waiting shed.

Sa paglalakad ko sa hindi kalayuan, nakatanaw ako ng dalawang tao.
Babae at Lalaki. Nakauniform sila ng pangschool namin so it means schoolmates ko ang mga 'to. Wala silang mga payong. Nagpapaulan sila dito sa gitna ng kalsada.
Nakita kong niyakap ng babae yung lalake. Pilit namang tinatanggal ng lalaki yung yakap ng babae.
What a scene. Nakikita ko ding nagsisigawan sila pero hindi ko sila madinig. Ang lakas ng ulan at malayo ako sa kanila.
Hanggang sa iniwan na ng lalake yung babae. Nakita kong naiwan yung babaeng humihikbi at nakayuko. Hindi din ba siya aalis tulad nung lalaki? Tatayo lang siya diyan?
Hindi na ako nagdalawang isip at tumakbo palapit sa babae. Pinayungan ko siya. Nakayuko padin siya pero nung napansin niyang wala ng tumutulong ulan sa kanya unti unti niya 'kong nilingon.
"S-Sino ka?" tanong niya.
Nanginginig siya at halatang umiiyak. Basang basa siya lalo na ang damit niya. Yung make up niya nagkalat sa mukha niya.
"I'm Chloe. You are?"
Bigla siyang umayos. Nagulat ako ng taasan niya ako ng isang kilay.
"Why are you here? Bakit mo'ko pinapayungan?"
Pinunasan niya ang mga luha niya. Hindi man lang sinagot yung tanong ko. Wow. Mukhang masungit siya.
"Nakita ko kasing iniwan ka ng lalaki. Umuulan pa ng malakas at nakatayo ka lang dito. It seems like you have a problem."
"It's nothing. Thanks for your concern. I'll be going, bye."
Tapos tumakbo siya sa gitna ng ulan. Iniwan ba naman ako. I know she has a problem with that guy. Halata naman e. Hindi siya iiyak ng ganon kung walang problema. Nacucurious ako at gusto kong malaman ang problema niya. Pero anong magagawa ko nakaalis na siya. Hindi ko na matatanong. Parang ang sungit din naman kasi ng babaeng 'yon.
Well kung anoman ang problema ng babaeng 'yon wala na ko 'don.
So nagpatuloy ako sa paglalakad ko sa gitna ng ulan. Sa aking muling paglalakad, may nakita nanaman akong lalaking nagpapaulan. Nakatayo siya sa tabi ng puno nakayuko. Naiilawan siya ng city lights. I just realized, itong lalaking 'to ang kasama nung babae kanina! Alam ko dahil parehas ang kulay ng buhok. Light brown.

Nilapitan ko siya at gaya ng ginawa ko sa babae, pinayungan ko siya. Liningon niya ako.
"What are you doing?"
Nabighani ako bigla ng lumingon siya. He looked straight at me with his dark eyes. Charot, hazel brown ang kulay ng mata niya. Tapos maputi siya at makinis. Ang wet din ng look niya dahil sa ulan. I have to admit, ang pogi niya.
"Are you deaf? I said what are you doing?"
Masungit din itong isang 'to. Parehas sila nung babae. Englishero pa. At dahil matalino ako, eenglishin ko din.
"I happened to see the girl you were with just a while ago. I saw her, crying."
"So? What do you care Chloe Dapayoso?"
Nagulat ako.
"How do you know my name?" tanong ko.
"Your ID."
Agad ko namang naibaliktad ang ID ko. Akala ko naman magkakilala talaga kami or stalker ko siya. Sa ID niya lang pala nakita name ko.
"Okay, I just want to know why she was crying. What did you do to her? You were the last person she was with. Naaawa lang ako."
"What? Pathetic. I'm not the one who cheated in our relationshit. Niloko niya ako, kaya huwag kang maawa sa babaeng 'yon."
Nagulat ako. He sounds so irritated talking about the girl.
"Pa'nong niloko ka?" tanong ko pa.
"It's none of your bussiness. Bye."
At naglakad siya palayo sa'kin. Okaay. Tama naman siya. It's none of my business. Pero hindi ko maiwasang macurious.
Iba yung feeling ko sa kanila kanina. Para silang love story na may problema. Sana magkaayos pa sila.
Nagstart nalang ulit ako maglakad hanggang sa makarating ako sa apartment namin. Wala kasi kaming bahay. I only live with my auntie Tess. Siya ang nag-alaga sa akin simula noong bata ako. Ang sabi niya namatay daw ang parents ko. Ayaw sabihin ni auntie sa'kin ang dahilan ng pagkamatay nila. May tamang panahon daw para malaman ko. Mahirap lang kami ni auntie.
Nakapasok lang naman ako sa school na mamahalin dahil scholar ako. Pero may sekreto ako.
Secret lang natin ah?
Nagpapanggap ako sa school na mayaman. Walang nakakaalam na mahirap ako kundi ang boyfriend ko lang na si Lucas. Malaki ang pasasalamat ko dahil pinapaaral ako sa school ng walang bayad at lahat ng kailangan ko sa school nabibigay. Binibigyan din ako ng school ng 500 pesos bawat sem. Ang kailangan ko lang gawin ay I-maintain ang grades kong matataas.
Nasa harapan na ako ng apartment namin. Sinarado ko na yung payong ko at itinabi. Binuksan ko na yung pintuan. Agad lumingon si auntie Tess sa'kin.
"Chloe! Andiyan ka na pala. Nako, basang basa kang bata ka. Dalian mo at magbihis ka na para hindi ka magkasakit."
"Opo auntie."
Agad akong pumasok sa kwarto ko. 2 rooms kasi ang meron dito sa apartment namin. Isa sa akin at isa kay auntie.
Nagbihis ako at nagpatuyo. After kong magbihis lumabas na'ko ng kwarto. Lampas 7pm na pala. Pumunta ako sa sala. Nakita ko si auntie nakaupo sa sofa at nanonood ng tv. May hawak hawak din siyang kape.
"Oh chloe, pinagtimpla kita ng kape. Pampainit sa sikmura mo. Inumin mo oh." sabi ni auntie at iniabot sa'kin ang kapeng hawak niya.
Kahit kailan talaga si auntie napaka-alagahin. Ang swerte ko na kahit patay na ang parents ko nandiyan pa din si auntie para alagaan ako.
"Sige, thank you po." sagot ko.
Naupo ako sa tabi ni auntie. Naalala ko hindi nga pala ako nakapagtaxi kanina. May singkwenta pa ako.
"Ah nga po pala," nilabas ko yung singkwenta. "Pandagdag po sa bayad ng upa natin."
"Nako huwag na iyo na 'yan Chloe."
"Hindi sige lang po may ipon pa naman po 'ko." inabot ko sa kanya yung singkwenta.
"Sige salamat chloe." At kinuha ni auntie yung singkwenta.
Nanood na lang kami ni tv. News ang pinanonood namin. Nako, mukhang may malakas na bagyo. May paparating daw kasi na bagyo dito sa pilipinas.
Matapos 'kong inumin yung kape na bigay ni auntie nilagay ko na sa lababo ang pinag-inuman ko. Bumalik ako sa sala at nakita kong nakatulog si auntie sa sofa.
Pumunta na muna ako sa kusina para kumain ng panggabihan. Nakakain na din pala si Auntie dahil nasa lababo na din yung pinagkainan niya. Hinugasan ko muna lahat ng pinggan.
Tapos tumabi ulit ako kay auntie at nahiga.
Nagising nalang ako ng maramdaman kong may nagtaas ng paa ko sa sofa. Naramdaman ko ding kinumutan ako. Binukas ko ng konti ang mata ko at nakita ko si auntie. Nakatulog pala ako. Umayos ako ng higa at natulog ulit.
"Kung hindi pa kayo magbabayad ng upa niyo umalis na kayo dito at may iba pang willing manirahan dito na magbabayad!!"
"Magbabayad naman kami pero---"
"Magbabayad?! Kailan niyo pa sinasabi 'yan pero walang nangyayare!"
Naalimpungatan ako sa sigawan na naririnig ko. Nanggagaling sa labas. Maliwag na. Umaga na pala. Kinuha ko ang lumang nokia na cp ko at tinignan ang orasan. 5:30. Ang aga aga nagsisigawan sila sa labas.
Tumayo ako sa sofa. At sumilip sa labas ng pintuan namin.
"Bibigyan ko kayo ng dalawang araw para magbayad! Kung hindi umalis na kayo!"
Nagwalk-out si Aling bebang. Nakita kong tumalikod na din si auntie papasok sa apartment.
"Auntie..."
"Okay lang 'yan chloe. Makakabayad din tayo."
"Magkano na po ba ang kailangan na'ting bayaran?"
"9000. Pero huwag ka magalala. Swesweldo ako bukas sa bakery. Makakabayad din tayo."
Napalunok ako. 9000 ang utang namin. Eh 1000 lang ang sweldo ni auntie. Tumango nalang ako. Alam kong nahihirapan na si auntie. Gusto kong tumulong pero wala akong magawa. Kung magpapart time job ako wala naman akong oras. Kailangan ko na talagang makapagtapos para matulungan si auntie.
Tumango nalang ako. Tumingin ako sa orasan. 5:36 na. Maghahanda na ako para sa school. Naligo ako at nagbihis. Kumain ako ng tinapay at uminom ng kape. Nagtoothbrush na ako at kinuha ang bag ko.
Nakatanggap ako ng text message. Agad kong binuksan 'yon para basahin.
Babe Lucas
babe, hindi kita masusundo sa apartment niyo ngayon. Nagmamadali kasi ako ngayon sa school at may ipapasa ako sa prof ko.
Agad kong tinago cp ko pagkatapos 'kong basahin 'yon. Hindi ko marereplyan dahil wala akong load.
Napapansin ko lang kay Lucas. Nawawalan na siya ng time sa'kin. Ni wala man lang Iloveyou sa text niya o kahit man lang goodmorning. Naisip ko tuloy bigla.. ayaw na ba niya? Nung naisip ko 'yun parang tinusok yung puso ko. But, I have to think positive. Napaparanoid lang ako. I know he loves me.
Napansin ko ang oras, 7am na.
"Bye auntie alis na po ako."
Nagpaalam na ako kay auntie. Tinanguan niya lang ako habang nagwawalis siya ng sahig.
Buti nalang kahit nagpaulan ako kagabi, hindi ako nilagnat. Mataas resistensiya ko e. Paminsan lang ako kung magkasakit.
Lumabas ako ng apartment namin. Basa pa ang daan. Hindi pa natutuyo. s
Siguro, magdamag umulan. Mabuti ngayong umaga hindi na. Sana mamayang hapon huwag na din umulan. Nagsimula na'kong maglakad.
Bigla akong nakarinig ng harurot ng motor sa likod ko. Lumingon ako.
Nakakita ako ng motor padaan sa gawi ko! Balak ata akong sagasaan. Agad akong gumilid at tinalsikan ba naman ako ng putik! Fudge! Ang uniform ko nadumihan.
"Walangya!" sigaw ko.
Sa sobrang inis ko kumuha ako ng malaking bato sa daan at binato sa motor. Medyo malayo na siya pero malayo din ang bato ko kaya tumama sa may helmet niya.
Nagulat ako ng tinigil niya ang pagtakbo ng motor at bumaba sa motor niya. Tinanggal niya ang helmet niya. Brown hair? Lumingon siya at naglakad papalapit sa'kin.
Oh fudge.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com