Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 2

Chloe Dapayoso at the media--->

Leave comments and votes after reading! Thank you. :]
Comment for Dedications.

DiamondAlpha 
---------------------------

CHAPTER 2
Chloe's PoV

Oh fudge.

Brown hair. Naalala ko 'tong lalaking 'to. Siya yung kahapon, kung tama ang naaalala ko. 'Yung nagpaulan kasama 'yung babae.

Nakatitig lang ako sa kanya habang mabilis siyang naglalakad papunta sa'kin. Iritadong iritado ang mukha niya.

"You! Why did you throw a rock at me? Anong problema mo?!"

"To get your attention."

"What the---"

"See this!" Pinutol ko siya at pinakita ko yung skirt kong natalsikan ng putik. "You did this! Tinalsikan mo'ko ng putik! Bwisit na 'to. Umagang umaga."

Kunot-noo niyang tinignan ang palda ko. Huh. Kasalanan mo 'yan dapat nag-ingat kang nagdrive.

"And so? Hindi ko kasalanan 'yan. Dapat tumabi ka kaninang narinig mo ang motor ko. Tss."

Nainis na din ako sa sinabi niya. Ang kapal. Ako na nga 'tong natalsikan.

"Hoy! Ako na nga tong gumilid dahil sasagasaan mo ako. Tapos tatalsikan mo pa ako?"

"Sinong nagsabing sasagasaan kita? Ano 'ko tanga? And do you really have to throw that rock at me? Paano kung wala akong helmet edi sa ulo ko na tumama 'yon? You should've just called me and talked to me properly!"

"Edi sorry! Sorry at nagpatalsik ako sa'yo ng putik. Sorry kung hindi ako gumilid. Sorry kung binato kita ng bato sa helmet mo. Sorry!"

Yumuko na lang ako pagkatapos ko sabihin 'yon.

"Bwisit. Male-late na tuloy ako..." bulong ko pa.

Hindi na siya nagsalita. Nakayuko padin ako at nakatayo padin siya sa harap ko. Wala na bang magsasalita saming dalawa? Narinig kong nagbuntong hininga siya.

"I'm sorry."

Napatingala ako sa kanya sa sinabi niya. Did he just say sorry to me? Tama ba ang narinig ng dalawang tainga ko?

"Ano?"

"Are you being deaf again? I said sorry. Sorry for what I did to your skirt. You're right. Dapat nag-ingat ako sa pagdrive ko."

Sa sinabi niyang yan nanlambot ka agad ako. Bakit ganon? Ang dali niyang mapatawad sa sorry niya. Hindi ko ineexpect na marunong magsorry ang taong 'to.

"A-Apology accepted."

Nagulat ako ng hawakan niya ako sa braso. Tapos bigla siyang naglakad hawak padin ako. Eh ang lakas niya napapasunod ako.

"Hoy! Bitawan mo nga ako! San mo'ko dadalhin!"

Sumisigaw ako pero masyado siyang malakas napapasunod na ako. Hanggang sa bitawan na niya ako. Nasa harap kami ng motor niya. Sumakay siya at tumingin sa'kin.

"Sakay."

"What?"

"Bingi ka talaga. Sabi ko sumakay ka."

Kumunot noo ko.

"At bakit naman ako sasakay?" tanong ko.

"Cause you'll be late for school if you walk."

"Ihahatid mo'ko?"

"Stupid. Isasabay lang kita. Parehas tayo ng school."

Sabagay, male-late nga ako kung maglalakad pa ako. Ito na oh may magsasabay na sa'kin. Tatanggi pa ba ako?

"Okay."

Tapos sumakay ako sa likod niya. First time kong sumakay sa motor promise. Pero alam ko naman pa'no sumakay yung mga nasa likod dahil sa mga nakikita ko.

"Humawak ka sa'kin." sabi niya.

"'Yoko nga." sagot ko.

"Suit yourself."

Sinuot na niya yung helmet niya. Tapos inistart yung motor. Nagulat ako ng bigla niya nalang pinaharurot ng mabilis! Muntik akong mahulog buti nakakapit agad ako sa kanya. Fudge ang bilis niyang magdrive! Sobrang higpit ng yakap ko sakanya dahil feeling ko mahuhulog ako.

"Hahawak din naman pala." narinig kong sabi niya.

Pinalo ko siya saglit at yumakap ulit.

"Bagalan mo nga!" sigaw ko.

Pero ang loko, hindi nakinig. Binilisan pa! Sabi ko bagalan hindi bilisan! Bwisit talaga 'tong lalaking 'to. Ang gulo na ng buhok ko dahil sa hangin. Ito ang una at huli kong sakay ng motor!

Ilang sandali pa huminto na kami. Tinanggal niya yung helmet niya. Ako naman bumaba din. Nandito na kami ngayon sa parking lot ng school. Nakita kong nakatingin siya sa'kin.

"Hahahaha!"

Nagulat ako sa pagtawa niya. Nakashabu ata 'to. Anong tinatawa tawa niya? Nakangiti siyang tumatawa. Mas gwapo siyang tinignan kapag ganito. Hindi ko ineexpect na kaya niyang ngumiti. Sa unang tingin kasi sa lalaking to, para siyang masungit na masama. Pero akalain mo, nagsorry sa'kin at ngayon tumatawa sa harap ko.

"Anong nakakatawa?" tinanong ko na.

Napatigil siya saglit sa pagtawa. Tapos tinignan ulit ako.

"Fix your hair, Chloe." At naglakad siya palayo sa parking lot.

Fix my? Napatingin ako sa side mirror ng motor niya. Nanlaki ang mata ko.

"Fudge!"

Ang gulo ng buhok ko! Agad kong kinuha yung suklay sa bag ko. Sinimulan kong magsuklay. Bwisit talaga. I swear! Hindi na'ko sasakay ng motor! Sabog na sabog yung hair ko. Hirap suklayin! Buhol buhol!

I just realized, hindi ko pa pala alam ang pangalan ng lalaking 'yon! Kahapon ko pa siya nakakausap pero hindi ko pa din alam ang pangalan niya. Next time, sa susunod naming pagkikita tatanongin ko na name niya. Siya alam niya name ko tapos ako hindi. Unfair lang.

Habang nagsusuklay napansin ko ang kotse ni Lucas dito sa parking lot, hays. Namimiss ko na siya. Minsan ko nalang siya makatext at makausap e.

After minutes ng pagsusuklay sa buhok ko, naayos ko na din. Tumingin ako sa oras. 7:50. Fudge 10 minutes na lang, time na!

Agad akong tumakbo papunta sa building ko. Pumasok na ako ng room. Wala pang 2 minutes pumasok na yung prof ko. Right on time ang dating. Thank god.

Lumabas ako ng lunchtime. Wala si Lucas sa labas ng room ko. Baka hindi pa nila time? Kaya naman pumunta ako sa room niya. Sakto kakalabas niya.

"Lucas!"

Agad niya 'kong nilingon. Naglakad pa ako palapit sa kanya.

"Babe, lunch na tayo?"

Matagal siya bago sumagot.

"Okay."

Okay lang? Bakit ang cold niya? Tahimik kaming naglakad ng sabay.

Pumunta na kaming cafeteria. Naghanap kami ng bakanteng table at naupo. Bakit parang ang tahimik ni Lucas ngayon? May problema kaya siya?

"Babe, ano sayo? ako nalang magoorder." Tanong ko.

"Kahit ano."

I was expecting for him to say, "Hindi maupo ka na. Ako ang mag-oorder." Pero bakit ngayon ang cold niya? Ano ba talagang nangyayari sa sakanya.

"Okay."

Nagiwas ako ng tingin at pumunta sa counter. Nagorder na ako ng pagkain at drinks. Tapos bumalik ako sa table namin dala dala yung tray. Nilapag ko na. Kinuha niya yung kanya at kinuha ko din yung akin.

Tahimik lang kaming kumakain. Naninibago ako. Hindi siya ganito dati. Feeling ko may problema siya. As her girlfriend, kailangan kong malaman to mula sa kanya.

"Lucas may problema ba tayo?"

He looked at me.

"Wala."

His eyes were so cold looking at mine. Natahimik na ako. Wala na akong masabi. Masyadong malamig ang pakikitungo niya. Hindi ko alam ang gagawin ko.

Nung malapit ng matapos ang lunchtime agad akong tumayo.

"Malapit ng magtime." Sabi ko.

Dati sasabihin niya "hatid na kita sa room niyo." Pero ngayon, wala. Tinignan niya lang ako.

"So?" tanong niya.

Aba? So? Parang hindi mo ako girlfriend ah?!

"Wala! Sabi ko pupunta na ako sa room ko!"

"Okay. I'll be going too. Ingat ka."

"Okay!" sagot ko at nagwalkout sa cafeteria.

Pinarinig ko ang inis ng boses ko sakaniya. Bwisit siya ha. Ang cold cold niya! Ano bang problema niya at sa sariling girlfriend niya nagiging ganyan siya? O baka may nagawa akong masama sa kanya? Wala naman ah! Mabait at loyal naman ako sa kanya. Ano ba talagang nangyayari sa kanya! Hindi ganyan ang Lucas na mahal ko.

Uwian na. Papunta na ako ngayon sa parking lot dahil ihahatid ako ni Lucas. Hindi na ako naiinis. Hindi ko kayang mainis sa mahal ko. Natigil ako sa paglalakad ng may nagtext.

Babe Lucas
Huwag ka ng pumunta sa parking lot. Sorry hindi kita mahahatid. Naiwan ko kaninang umaga kotse ko sa bahay. Ingat sa paguwi.

Gusto kong itapon ang cp ko sa nabasa ko. Pero huwag na. Sayang 'tong nokia cp ko.

Pero naiinis ulit ako.

Wait, nakita ko yung kotse niya kaninang umaga sa larking lot ah! Nandon ang kotse ni Lucas kaninang umaga, so pa'nong naiwan niya sa bahay nila? Napakasinungaling niya.

Nararamdaman kong may dapat akong malaman.

Tutal papunta na'ko sa parking lot ipagpatuloy ko na. Mas binilisan ko ang lakad ko sa inis. Nang makapasok ako sa parking lot agad akong pumunta sa pwesto kung saan laging pinapark ni Lucas ang kotse niya.

Napatigil ako bigla. Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa kinatatayuan ko. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko.

Si Lucas na nasa harap ng kotse niya na may kasamang iba.

Si Lucas na masayang nakaakbay sa piling ng iba.

Si Lucas... pinapasaya ng iba.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com