Chapter 3
Leave comments and votes after reading! Thank you. :]
Dedicated to: Ate KimkimCamu :)
Comment for more Dedications.
DiamondAlpha
---------------------------
CHAPTER 3
Chloe's PoV
May kasama si Lucas na iba. Masaya siya. Tumatawa. Nakikipagharutan sa iba.
Mas ikinagulat ko nang nakawan niya yung babae ng halik sa labi.
Parang dinudurog ang puso ko sa nakikita ko. Pa'no niya nagawa sa'kin 'to? Kanina lang nung kasama niya 'ko ang cold ng pakikitungo niya. Tapos ngayong makikita ko siya kasama ang ibang babae ang saya saya niya. Ito na ba ang tinatawag nilang panloloko? Ang sakit pala talaga.
Agad ko silang nilapitan at sinampal ko kaagad si Lucas.
"Manloloko ka!"
Napiyok pa ako habang sinabi 'yan. Ang sakit sakit naiiyak ko.
Nakita 'kong nagulat silang dalawa. Lalo na si Lucas.
"Hey! Why did you slap my boyfriend!" sigaw ng babae sa'kin.
"Boyfriend mo? Boyfriend ko siya! Bitch!"
Hinablot ko 'yung buhok ng babae. Hinigpitan ko ang hawak at sinabunutan siya. Walang tao dito na nakakakita sa'min. Nasa likod kasi kami at wala masyadong tao dito sa parking lot.
"A-ah! Bitawan mo'ko masakit!"
Sumisigaw siya pero hindi ko siya pinansin.
"A-Aray! Ang sak-kit!!" impit na tugon ng babaeng sinasabunutan ko.
Napatigil na lang ako bigla. Nagulat ako ng may sumampal sa'kin. Nabitawan ko yung babae at nilingon si Lucas. Sinampal niya ako. Sinampal ako ni Lucas.
"Tigilan mo ang pagsabunot sa kan'ya Chloe at baka makalimutan 'kong babae ka."
Dobleng sakit. Hindi ako makapaniwala sa nakikita at naririnig ko. Kung panaginip lang 'to please gisingin niyo na'ko. Pinagtatanggol niya pa 'tong babaeng 'to.
"Hon sino ba 'tong babaeng 'to?"
Tinanong ng babae si Lucas habang inaayos ang buhok niya.
"Ex ko."
Triple sakit. Ex niya? Wala 'kong naalalang nakipagbreak siya sa'kin. Lucas ano bang nangyayari sa'yo.
Hindi ko nakayanan ang sakit. Pumatak na ang luha ko.
"L-Lucas.. a-ano bang sinasabi mo. Girlfriend mo'ko d-diba?"
"Wala na tayo. Umalis ka na."
Napapikit ako at tuloy tuloy na ang agos ng luha ko. Niloko niya 'ko. Wala na kami. Break na kami. Pinagtutulakan niya na ako ngayon. Humihikbi na ako dahil sa luha ko.
"Hindi totoo 'yan!" sigaw ko.
Lumapit ako at pinagpapalo sa braso si Lucas.
"Lucas sabi mo mahal mo 'ko! Sabi mo hindi ka titigil na mahalin ako! Nangako ka!"
Papiyok piyok akong nagsasalita. Ayaw tumigil ng luha ko sa pag-agos. Naninikip ang dibdib ko sa sobrang sakit na nararamdaman ko.
"Hindi na nga kita mahal! Si Bea n'ang mahal ko! Umalis ka na!"
Tinulak tulak niya pa ako. Ang sama niya! Ang sama sama niya! Hindi man lang siya nakipagbreak ng maayos! Kailangan niya pa 'kong lokohin. Kailangan ko pa siyang makita kasama 'yang Bea'ng 'yan! Bakit!
"Oh, wala na pala kayo ni Lucas. Bitch ka. Sa'kin na siya huwag ka nang---"
Napatigil ang bruhang kasama ni Lucas sa pagsasalita ng may pumutol sa kanya.
"What do we have here?"
Sabay kaming tatlo napalingon sa likod ko. Si rain/motor/brown haired guy! Nakatingin siya sa babaeng kasama ni Lucas. Pinunasan ko ang luha ko at nakakahiyang makita niya 'kong umiiyak.
"Caught cheating again."
Nakatingin si brown haired guy sa babaeng kasama ni Lucas. Halatang nagulat yung babae. Napastiff agad siya.
"Im not cheating again. You said kahapon na break na tayo. So meaning hindi na tayo."
Ang kapal lang talaga ng babaeng 'to. Kung kakabreak nila kahapon bakit kasama niya ngayon si Lucas? Nakamove on agad? Ang landi mo!
"Ha ha. Hindi ko alam kung anong nagustuhan ko sa'yo Bea. Paiyak iyak ka pa kahapon? Payakap yakap ka pang nalalaman kahapon sa ulan? You're so damn fake!"
Ulan?
Napatingin ako ng mabuti sa babae. Siya ba yung... Tama! Siya ang babae kahapon sa ulan. Hindi ko man lang napansin kanina. Siguro dahil maganda at maayos siyang tignan ngayon compared kahapon na nagkalat ang make-up sa mukha niya.
"I'm not fake! You broke up with me yesterday in the middle of the rain. I got hurt!-"
"Got hurt?! Tapos ngayon makikita nanaman kita kasama 'tong lalaking 'to?! Really Bea?!"
Tinuro-turo niya si Lucas. Nanaman? So ibigsabihin nakita na niyang magkasama 'tong babae at si Lucas dati pa!? Kelan mo pa ba ako niloloko ni Lucas? Ang sakit sakit isipin kung ga'no katagal na.
"I moved on! What are you expecting Alfred? Habulin kita? I'm not that stupid!"
Poker face lang si Lucas na nakatingin sa kanila.
"This argument is useless. Fine. We broke up, then we broke up."
'Yon ang huling sinabi ng lalaking Alfred sa babae. May halong bitterness ang pagkakasabi niya.
Nagulat ako ng hawakan nanaman ako sa braso nung Alfred. Tapos naglakad palayo sakanila. Aba't! Kinakaladkad nanaman ako!
"H-Hey! San mo nanaman ako dadalhin!"
Ginamit ko ang lakas ko para bitawan niya 'ko. Mabuti't napabitaw ko siya. Malayo na din kami kanila Lucas.
"Come with me." sabi niya.
Hinawakan nanaman ako nung Alfred sa braso at naglakad.
"AYOKO!" sumigaw ako.
Badtrip ako ngayon, wag siya.
Napatigil siya. Hinarap niya ako. Pinagpag ko ang sarili ko. At tinignan ko siya ng masama.
"Kaninang umaga mo pa 'ko kinakaladkad ah! Ayoko ng sumama sayo no!"
"I said come with me." Sabi niya pa ulit. Aba't namimilit!
"Ano ka boss? Badtrip ako ngayon! Wala akong ganang sumama sayo."
"I know you're in a bad mood. That's why isasama kita sa'kin."
Tatalikuran ko na sana siya. Kaso hinawakan niya nanaman ako sa braso. Siyempre tinanggal ko ulit!
"Ang kulit mo! Sinabing ayaw ko ngang sumama---"
"Please. Please, come with me."
Napatigil ako. By hearing him saying the word 'Please' nanlambot nanaman ako. Hindi ko nanaman inexpect na nasasabi niya ang salitang 'yan. Lagi nalang akong nanlalambot sa mga salita niya.
"O-Okay. But where?"
"Just follow me."
Ginawa ko naman ang sinabi niya. Naglakad siya at sinundan ko siya.
Hanggang sa makapunta kami sa harap ng motor niya. Let me guess, papasakayin niya nanaman ako.
"Sakay na."
Sinabi ko na eh.
"Ayoko nang magmotor! Magugulo lang nanaman ang buhok ko. Ang bilis mo pa magdrive!" sagot ko.
"Here may extra helmet ako. Use this. I'll slow down my driving too."
Nag-abot siya ng isang black helmet. Tinignan ko lang naman 'yon.
"Susuotin mo hindi?"
Iritado niyang sinabi 'yon sakin. Kaya agad ko namang kinuha at sinuot ang helmet na inaabot niya.
Sumakay na siya sa motor at sumakay na din ako sa likodan niya. Inistart na niya 'yong motor. Kumapit na 'ko sa bewang niya. At pinaharurot na niya ang motor niya. Sabi niya babagalan na niya, pero ang bilis pa din naman! Hindi na ako umangal at kumapit nalang ng mabuti sa kanya. Hindi naman na nagugulo ang buhok ko dahil nakahelmet na 'ko.
MATAPOS ang ilang minuto ng pagda-drive bigla na siyang huminto out of nowhere. Bakit dito? Parang gubat. Oo as in gubat talaga kasi madaming puno. Ano namang gagawin namin dito? Bumaba siya at bumaba na din ako. Tinanggal ko yung helmet ko.

"Ba't dito?"
Tumigil siya sa pagdrive dito sa... gubat? Pinark niya ang motor niya sa tabi. Binigay ko naman sa kanya yung helmet at sinabit niya.
"Tara."
At nilampasan niya ako at naglakad. Siyempre sumunod ako. Hindi na ako familiar sa place na'to no! Mahirap na baka maligaw ako.
"Huy! Nasan tayo?"
Tinanong ko siya habang naglalakad. Pero hindi niya ako pinansin at lakad lang siya ng lakad.
"Huy mag-antay ka nga!"
Sabi ko pa pero hindi niya lang nanaman ako pinansin. Grabe naman siya maglakad higante bawat steps niya! Ang hirap tuloy makisabay sa paglakad niya. Napapatakbo ako.
Bigla na lang siyang huminto. Kaya naman napahinto din ako. Napatingin ako sa harap namin.
"Woah."
Nabighani ako sa nasa harap namin ngayon. Isang Lighthouse? Paano nagkaroon ng lighthouse dito sa gubat? Seryoso? Ang alam ko sa mga tabi ng dagat lang 'yon. Bago 'to. Lighthouse sa Forest.
"Bakit may lighthouse dito sa Gubat?" taking tanong ko.
Nagkibit-balikat lang siya. Hindi niya alam? Tapos dinala niya 'ko dito?
Mataas na Lighthouse. Kulay puti. Tapos may malaking terrace sa taas. Wow. May ganito pala dito ngayon ko lang nalaman.
"It's so good to be back here. Tara sa taas."
Nagulat ako sa sinabi niya. Tataas kami? Bigla niya nanaman akong hinila sa braso. Ang hilig talagang mangkaladkad ng lalaking 'to. Pumasok kami sa pintuan dito sa baba ng Lighthouse.
May hagdanan akong nakita sa loob. Agad naman kaming tumakbo papataas ng hagdan. Paikot yung hagdan pero hindi nakakahilo. Patigil tigil pa ako dahil sa pagod pero eto namang lalaking 'to hila ng hila.
Hanggang sa matapos ang pacircle na hagdan at nagbungad ng isang maliwanag na pintuan.
Lumabas kami doon. At bumungad sa'min ang napakalawak na terrace. Ang ganda dito.

Agad akong pumunta sa railings at tumingin sa baba. Ang taas pala namin! Tumingin din ako sa sight. Kitang kita ang mabeberdeng tuktok ng mga puno. Sa kalayuan kita na din ang lungsod kung san may mga gusali at mga sasakyan. Ang sariwa din ng hangin na dumadaloy sa mukha ko. I feel like im on top of the world.
Napatingin ako sa taong nagdala sa'kin dito. Pacool lang siya at nakatingin sa malayo.
"Kanino 'tong lighthouse?" tanong ko.
"Sakin."
Nanlaki ang mata ko. Kumunot din ang noo ko. Nagulat ako.
"Sa'yo?!"
Tumango siya. "Yes, sakin. My grandmother built this lighthouse for me. The last gift she gave me, before she died."
"Sorry to hear that." sagot ko.
"It's okay. If you're asking why she'd build this in the woods, I don't know too."
Tumango-tango ako. Ang weird naman ng Lola niya. Nagpatayo ng Lighthouse dito pa sa gubat. Pero ang nice din naman. Ang ganda ng view na makikita mula dito. Nagsalita pa si Alfred.
"Eversince I always used this place whenever I'm sad or happy. Dito ako nagpapalipas ng oras kapag may problema o may pinagdadaanan ako. I brought you here because I know you have a problem. And me too. I just thought we needed a place like this. To freshen our minds."
"Thank you."
I smiled at him. Mabait naman pala siya eh. Naappreciate ko talaga at dinala niya ako sa lugar na'to.
"No prob. Call me Alfred, by the way. Boyfriend mo yung lalaki kanina sa parking lot, right?"
"Ex. Siya si Lucas. Ang walang hiyang nangloko sa'kin."
Kinorek ko siya. Masakit mang sabihin pero kailangan kong tanggapin. Na wala na talaga kami ni Lucas. Ang sakit sakit pa din sa bawat pag-isip ko sa kanya.
"And the girl he was with is my ex too. Si Bea. They both cheated on us." Sambit niya in a bitter tone.
Matapos niyang sabihin 'yon tumabi siya sa'kin at humarap sa railings. Tumingin siya sa kawalan. Ginaya ko siya. Ngayon parehas kaming nakatingin sa kawalan.
Bigla nalang nagsalita si Alfred sa tabi ko.
"I don't understand. What have I done to make you cheat on me, Bea?" Ang bitter ng pagkakasabi niya.
Relate na relate din ako sa kanya. Parehas kaming niloko ng walang magandang dahilan. Si Lucas, hindi man lang naipaliwanag ng maayos ang dahilan ng paghihiwalay namin. Wala naman akong ginawang masama sa kanya. Sadyang manloloko lang talaga siya. Hindi ko maiwasang hindi din magsalita.
"Naging loyal at mabait ako sa'yo Lucas. Pero nagawa mo pa ding lokohin ako."
First love ko si Lucas kaya siguro ako nasasaktan ng ganito ngayon. First heartbreak ko din. Wala pa kaming one year tinatapon niya na ka'gad ang mga pinagsamahan namin. Sa maliit na panahong 'yon. Napaibig talaga ako sa kan'ya.
Tama sila. Kapag nagmahal ka huwag mong ibigay ang sarili mo ng buo. Magtira ka din para sa sarili mo.
Bigla nanamang nagsalita 'tong si Alfred na katabi ko.
"You were such a good actor yesterday. Sinabi mong huwag akong makipaghiwalay sa'yo at magbabago ka na. But then today, I saw you again with that guy. Damn you Bea, you're so fake."
Yung Bea. Ang kapal ng mukha. Inagaw sa'kin si Lucas. Niloko pa 'tong si Alfred. Sana on the way na si Karma para sa kan'ya. Masyado siyang masama.
Naalala ko 'yung mga times na sinasabi sa'kin ni Lucas na may gagawin siya. May importanteng nangyari sa bahay nila at kung ano ano pang dahilan na sinasabi niya. Siguro no'ng mga oras na 'yon ang totoo kasama niya si Bea.
Napasalita nanaman ako sa nararamdaman ko.
"Iniwasan mo ako at nawalan ka ng time sa'kin nitong mga nakaraang araw dahil ang sabi mo busy ka. Hindi ko alam busy ka na pala sa iba, Lucas. Napakasinungaling mo."
Naramdaman ko nalang ang pagpatak ng Luha ko. Umiiyak nanaman ako. Umiiyak nanaman ako dahil sa'yo Lucas. Nakakainis ka. Nakakainis ka Lucas at minahal kita.
Sabay kaming nagsalita ni Alfred habang nakatingin sa kawalan.
"I hate you so much now, Bea."
"But I still love you, Lucas."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com