Chapter 4
Lucas at the Media--->
Leave comments and votes after reading! Thank you. :]
Comment for Dedications.
DiamondAlpha
---------------------------
CHAPTER 4
Chloe's PoV
Pagkatapos ng pagmomonologue namin ni Alfred dito sa lighthouse niya, bumalot sa'min ang katahimikan. Ang mata ni Alfred punong puno ng galit. Samantalang ang mga mata ko punong puno ng luha.
Ang hirap hirap talaga tanggapin ang katotohanang niloko ako ni Lucas. Na wala na kami. Wala pa kaming isang taon tinapon niya na ang pagsasama namin. Sa konting panahon na 'yon napaibig talaga ako sa kan'ya.
Nakatingin pa din kami sa kawalan. Napansin kong kumukulimlim ang panahon. Walang araw at nangingitim ang mga ulap.
Pinunasan ko ang mga luha ko.
Naalala ko, may bagyo nga pala. Tama na muna ang pagdadamdam.
"Alis na tayo. Bago tayo abutan ng ulan." Sabi ko kay Alfred.
Tumayo siya ng maayos at nagbuntong hininga.
"Sige tara."
Nauna akong bumaba ng hagdan at nakasunod lang siya. Kung kanina mabilis kami tumaas, ngayon ang tamlay tamlay at ang bagal. Para bang ayaw naming umalis. Pagkababa namin siyempre pagod na pagod nanaman ako.
Naglakad kami palabas ng gubat. Hanggang sa makita namin ang motor niya. Inabot niya sa'kin 'yong helmet na pinahiram niya din kanina.
"San ka nakatira? Ihatid na kita." tanong niya.
"Sa--"
Napatigil ako. Hindi ko pwedeng sabihin na apartment lang ako nakatira! Paniguradong malalaman niyang mahirap lang ako kapag nakita niya! Mamaya ipagsabi niya pa. Hindi pwede 'to. Ano nang sasabihin ko?
"A-Ah! Ibalik mo na lang ako sa... sa school!"
Kinakabahan pa ako habang nagsasalita. Nako pa'no ko ba 'to sasabihin sa kan'ya.
"Not unless you give me an acceptable reason why I should bring you back to school."
"Kasi..."
"Kasi?"
"Kasi may nakalimutan ako kanina! Pinapatawag pala ako ng Prof ko!"
Sana naman mapaniwala ko siya sa dahilan ko. Please naman oh! Hindi niya talaga pwedeng malaman na mahirap lang ako. Hinding hindi!
"It's almost 6. Bukas mo na puntahan 'yang prof mo. Umuwi na tayo."
"Pero..." bulong ko.
Pero hindi niya na ata ako narinig. Sumakay na siya ng motor niya. Wala na akong maisip na dahilan sa kan'ya. Nako patay na.
"So san ka nga nakatira?" tanong niya ulit.
At dahil nga wala na 'kong maidahilan ay mapipilitan na lang akong sabihin sa kan'ya saan ang village namin.
"S-Sa Azoteya Village."
"Alright sumakay ka na."
Dahan dahan pa 'kong sumakay sa likod ng motor niya. Tapos sinuot ko 'yong helmet at kumapit sa bewang niya. Pangatlong time ko ng sumakay ng motor.
Pinaharurot niya na ang motor at nagdrive sa daan papuntang village namin.
Kinakabahan ako mamaya pag nakita niya ang bahay namin which is apartment lang. Baka kung ano ang sabihin at isipin niya. Hindi ko alam pa'no mapapaliwanag sa kanya.
May bigla akong naisip. Sana lang umepekto.
"San bahay niyo dito?" tanong niya bigla.
Nasa village na kami. Agad akong naghanap ng mamahalin at malaking bahay. Lumingon lingon ako sa paligid.
"Ayon!"
Tinuro ko gamit ang kamay ko ang isang bahay na malaki. Kulay dilaw ang malaking bahay at may red na gate. Mukhang pang mayaman. Pwede na'to.
Tinigil naman niya sa may tapat ng gate ang motor. Agad akong bumaba. Tinanggal ko ang helmet na suot ko at iniabot sa kanya.
"Salamat sa paghatid. Sige. P-Pasok na 'ko."
Ang hirap pala magpanggap at magsinungaling grabe.
"Sige. Thanks for coming with me. Bye."
Tinanguan ko siya.
Narinig kong inistart niya na ulit ang motor niya. Umakto akong papalapit sa Gate ng bahay na'to. Buti hindi siya kagaya ng iba na aantaying makapasok ang babae bago umalis.
Nang masigurado kong wala na ang motor niya sinulyapan ko ulit. Ayos!
Wala na siya. Hindi niya nalaman ang apartment namin. Success ang naisip ko. Naglakad na ako papuntang apartment namin. Medyo malapit nalang ang agwat sa bahay na binabaan ko.
Pumasok na ako ng apartment. Nakita ko si Auntie Tess nakahiga sa sofa at natutulog. Nakabukas pa ang TV. Nako sayang ang kuryente wala namang nanonood. Kaya kinuha ko ang remote at pinatay ang TV.
Dumiretso na ako sa kwarto ko at nagbihis ng pambahay. Nahiga ako sa kama at tumingin sa kisame.
Naalala ko nanaman si Lucas. Letse. Parang kabute na papasok pasok sa isip ko. Pumapasok sa isip ko lahat ng mga pinagsamahan namin. Lahat ng masasayang bagay na nagawa namin. Hanggang sa pagtulakan niya ako tulad kanina.
Napapikit ako. Hindi ako iiyak. Hindi ako iiyak.
Baka may paraan pa para maayos kami? Siguro para lang kaming wattpad story na nagbreak dahil may pinagdadaanan 'yung guy. Siguro pinagtutulakan niya lang ako dahil may problema siyang ayaw niya 'kong masama. Siguro...
Sige lang Chloe, magisip ka pa ng ganyan para umasa ka.
Naisipan 'kong lumabas ng apartment namin at magpaload. Gusto kong makatext si Lucas. Kahit sa text man lang kami makapaghiwalay ng maayos.
Nagpaload ako sa tindera ng unli. Pagkatanggap ko ng load naglakad na ako pabalik sa apartment namin. Pumasok na ako at dumiretso sa kwarto.
Huminga ako ng malalim at sinimulng isulat ang mensahe ko kay Lucas.
To: Babe Lucas
Lucas... ano ba talagang problema? Bakit biglaan ka nalang nakipaghiwalay? Bakit hindi mo na ako mahal? May nagawa ba 'kong mali? Lucas please explain to me para maayos pa natin to.
At sinend ko na.
Tumutok lang talaga ako sa inbox ng cp ko at nagaanatay ng reply niya. Nagulat nalang ako bigla nang may lumabas sa screen ko! Lucas calling.. agad kong sinagot at napabangon ng kama.
"Lucas!"
Mga ilang sandali bago siya magsalita.
"Huwag ka nang umasa at wala na talagang tayo. Gusto mo malaman ang dahilan ng paghiwalay na'tin? Fine! Hindi na nga kita mahal! Scratch that. Hindi talaga kita minahal. Ayo'ko na sanang sabihin 'to sa'yo pero ang kulit mo. Pinagpustahan ka lang namin. Okay? Dapat nga 5 months lang 'di ko nga 'lam bakit umabot ng 7 months. Sinubukan kitang mahalin Chloe pero hindi ko talaga kayang mahalin ang tulad mo. Hindi kita mahal o minahal man Chloe. Magkalimutan na tayo. Ayoko na."
Napatakip ang kamay ko sa bibig ko. Nangingilid ang mga mata ko ng luha.
Wala na siyang sinabi. Hindi na din ako nagsalita. Naninikip ang dibdib ko. Narinig kong pinatay na niya ang tawag. Lumabas nanaman ang mga luha ko ng tuloy tuloy. Nabato ko sa kung saan sa kama ko ang cp ko.
Hindi lang pala ako niloko. Pinagpustahan pa. Ang sakit. Napahiga ako sa kama habang umiiyak.
Akala ko lahat ng pinakita niyang pagmamahal totoo. Paniwalang paniwala ako. Ang unfair. Ako minahal ko siya ng totoo at buong buo. Naging totoo ako sakanya na lahat ng sikreto ko sinasabi ko. Pati pagkamahirap ko nasabi ko sa kan'ya. Napapikit nalang ako sa sakit.
Biglang umilaw 'yong cp ko. Kahit nanghihina ako bumangon ako para abutin 'yon. 1 Messaged Received. Inopen ko.
Babe Lucas
Im sorry Chloe. Don't worry your secret's safe with me.
Natuwa ako sa sinabi niyang ligtas ang sikreto ko sa kanya. Pero naiiyak pa din ako sa lahat ng nalaman ko. Dinelete ko ang message niya pati na din ang number niya. Susubukan ko siyang kalimutan. Tinabi ko nalang ulit 'yong cp ko.
Nagulat ako ng bumukas ang pintuan. Si Auntie Tess! Agad kong pinunasan ang mga luha ko.
"Oh! Chloe hija bakit ka umiiyak?"
Agad akong nilapitan ni Auntie. Suminghot naman ako at nagpunas pa ulit ng Luha.
"Wala na po k-kami."
Halatang nagulat ang mukha ni Auntie. Open talaga ako sakanya. Hindi ako marunong magsinungaling pagdating kay Auntie. Kapag magsisinungaling ako sa kanya minsan lang. At halata pang hindi totoo. Lahat ng problema ko nalalabas ko kay Auntie.
"Ni Lucas?" tanong niya.
Tumango ako.
"Opo. P-Pustahan lang po ang l-lahat."
Niyakap naman ako ni Auntie. Lalo akong napaiyak. Hinimas himas ni auntie 'yong likod ko. Napayakap na lang din ako sa kanya.
"Sabi ko na nga ba, sasaktan ka lang non."
Humihikbi lang ako na umiiyak.
"Nako Chloe, next time na magkaboyfriend ka hindi muna ako makakapayag. Tignan mo ang nangyayari sa'yo ngayon."
Hinaplos haplos ni Auntie yung buhok ko. Pinatahan niya ako ng pinatahan.
"Ayos lang 'yan Chloe. Huwag mo nang iyakan ang lalaking 'yon. Makakamove on ka din."
Patuloy ang pag-agos ng luha 'ko. Wala atang balak tumigil itong mga mata kong umiyak. Napaisip ako sa sinabi ni Auntie.
Move on?
Pa'no ba magmove on? Hindi ko ata kakayanin. Hindi ko alam pa'no.
Someone please help me.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com